Chapter 4

Author's Note: Pakiusap, kung ano man ang mga nabasa o mababasa sa istoryang Ito ay hindi ko nirerekomendang i-apply in real life. Especially, on the previous chapter. May mga pagkakataon na nakakasagutan natin ang mga magulang natin. Pero wag tayo laging papadala sa emosyon natin. Lalo na sa ginawa ni Talya na hiniling niyang mamatay ang magulang niya which is very wrong. Never wish your parents dead or you'll end up regretting it. Stop wishing others death, ika nga nila, becareful what you wish for. Mag ingat tayo sa mga salitang pinipili natin.

  Paalala: Ito ay kathang isip lamang. Wag na wag gagayahin! Mahal ko kayo mga kamote!

[Play Music: Stockholm Syndrome by One Direction]

Chapter 4
 

Under the Street Lamp

Agad na dumaloy ang kaba sa'king sistema. Sandali akong natigilan pero agad ko iyong binalewala at humarap.

Mahigpit ang hawak ko sa aking bag nang humarap ako. Marahas akong bumuga ng hininga ng makita kung sino ang tumawag sa'kin.
     
"Manang Helen!" Tawag ko. I sighed in relief.

"Talya, ano bang ginagawa mo eh gabi na!" Wika ng ginang at niyugyog ako.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa'king braso, "Manang naman huwag kayong maingay." Suway ko dahil sa pagtaas niya ng boses.

Pumikit ito at pinagdikit ang labi, "Eh, ano ba kasing ginagawa mo? Gabi na, 'wag mong sabihing aalis ka pa." Bulong niya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Manang..." Tawag ko at luminga sa paligid. Yumuko ako upang marinig niya ako.
 
"Nasaan sila?" Wika ko at tinutukoy ang mga magulang ko.

"Si señor ay umalis ulit kanina pa. Si señora naman ay nasa kwarto na niya at nagpapahinga na." Aniya at tumango ako.
    
"Eh, saan ka ba kasi pupunta hija?" Wika ng matanda at niyugyog ulit ako.
 
"Manang, kailangan ko ng umalis dito. Ayoko na dito!" Kunot noo kong sambit.

Bumuntong hininga ang matanda at tsaka ako tinignan sa mata, "Narinig ko ang pag-aaway niyo ng mga magulang mo," Binigyan ako nito ng nag-aalalang tingin.

Umiling ako, mabuti pa si manang nag aalala sa'kin. Simula pagkabata ko ay hindi ko madalas nakakasama ang mga magulang ko dahil lagi silang walang sa mansyon upang asikasuhin ang negosyo at ang pamamalakad rito sa Alfonso Castañeda ni Dad.

Simula pa noon ay malayo na ang loob ko kay Dad. Hindi niya ako nagagawang kamustahin man lang o di kaya'y pumunta sa mahahalagang okasyon sa buhay ko. Si Mom naman ay lagi ring wala pero nagagawa niya akong kamustahin sa pagtawag. Pero dahil masyado siyang busy ay hindi kami ganoon nakakapag usap.

Simula ata pagkapanganak ko si Manang Helen na ang nandyan para sa'kin upang alagaan at bantayan pero higit pa doon ang ginawa niya.
    
"Kaya nga kailangan ko ng umalis! Hindi ko masisikmura ang pagkontrol nila sa buhay ko." Wika ko.
 
"Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" Nag-aalala nitong tanong. Pumikit ako pinigilan ang sarili. Kahit papaano ay may nag aalala para sa'kin pero ayoko na.
     
"Manang, alam kong nag-aalala kayo. Pero pakiusap hayaan niyo na ako sa gusto ko." Wika ko.

Bumuntong hininga ang ginang at saka ako tinignan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Ngumiti ako at hindi napigilang yakapin ang babaeng pinaramdam sa'kin paano magkaroon ng totoong ina kahit hindi ko kadugo.
   
"Thank you..." Hindi ko alam pero tuluyang bumagsak ang luha sa'king pisngi hindi dahil nasasaktan ako pero sa sobrang pagpapasalamat dahil may taong nakakaintindi sa'kin.
   
"Mag-iingat ka ah! Mag-text o tumawag ka sa'kin!" Aniya at hinimas himas ang likod ko. Tumango ako.

"Magiging maayos ako, si Devlin naman po ang kasama ko." Wika ko at humiwalay sa yakap, hinawakan ko ang isang kamay nito at pinunasan ko ang luha sa kaniyang pisngi.

Tumango ito at niyakap pa akong muli.

"I'll be fine..." Paulit ulit kong bulong.
    
"Please, don't tell Mom and Dad." Wika ko at hinalikan ang noo ng ginang. I will miss her...
  
Tumango ito habang nagpupunas ng luha.

"Mag ingat ka, anak." Hikbi niya.
 
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagtulo muli ng aking luha. Hindi ka dapat umiyak. Tumango na lang ako bilang sagot at lumabas na ng bahay.

Maingat kong kinuha sa garahe ang malaking steel ladder upang makatawid sa kabilang parte ng mataas na pader. Hindi ako dumaan sa main gate dahil may mga gwardiyang nakabantay sa paligid non.

Isinukbit ko sa balikat ko ang bag at pinalikod. Nagsimula kong akyatin ang hagdan, nang makatungtong na ako sa pinakataas ay natanaw ko na ang daanan ko papunta sa park ay sa gawi ng main gate ng mansyon. Which means there's a huge chance that the guards might see me.

Malakas kong sinipa ang steel ladder upang lumikha ng malakas na ingay. Pagkabagsak ng hagdan ay tumalon na ako sa kabila. Mabilis akong nagtago sa mga dahon. Nang makita kong umalis ang dalawang gwardya ay nagsimula na akong naglakad papalayo sa lugar.

Malamig ang gabi kaya sinuot ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng aking jacket. Sinuot ko rin ang hood ng jacket ko at nakayukong naglalakad.
 
Nang makarating ako sa park ay tumingin ako sa paligid. Walang katao tao, siguro ay dahil patay na oras ito at ang lahat na natutulog na o 'di kaya ay nasa kung saan.

Pumasok ako sa park at naglakad sa gitna. Walang ibang maririnig kundi ang mga ingay na gawa ng insekto at ang pagtapak ko sa mga tuyong dahon na nahulog mula sa matatayog na puno sa paligid.

The place is dark, only the faint lights coming from the street lamps at the side leading to the gate way of the park serves as the source of light. I looked around but no sign of BMW here like what I expected.

Naglakad ako sa palapit sa street lamp at doon tumayo. Ang creepy naman kung sa dilim ako maghihintay. Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone at dinial ang number ni Dev.

Nagri-ring lang ito at walang sumasagot. Nakatatlong tawag ako pero wala pa rin. Pinatay ko ang aking telepono at tumingin sa paligid. Pupunta naman siya 'di ba?

Tumingin ako relo kong pambisig, limang minuto na lang bago mag ala una ng madaling araw. Ilang minuto akong nakatayo doon at nakatingin sa lupa at nilalaro sa ilalim ng sapatos ko ang isang maliit na bato. Tumingin akong muli sa'king cellphone pero walang tawag o text galing kay Devlin.

1:22am na.

Paulit-ulit kong tinatawagan ang numero ni Devlin pero patay ang kabilang linya. Nagsisimula na akong kabahan, umatras ba siya sa plano? Pero hindi ganun si Dev. Pupuntahan niya ako, aalis kami at ilalayo niya ako.

Hindi ako tumigil sa pagtipa sa'king cellphone at sunod-sunod na pinaulanan ng text si Dev. Ilang minuto na naman ang lumipas ay wala pa ring paramdam.

Paano kung natakot siya at umatras? Paano kung ayaw na niya? Baka kaya umalis si Dad upang pagbantaan si Dev at hawak na siya ni Dad ngayon kaya hanggang ngayon wala pa rin siya?

Napasabunot ako sa sarili sa mga naiisip ko, this can't be pupunta siya!

"Kumalma kang babae ka!" I hissed under my breath.
 
"Pupunta siya, Talya. Pupuntahan ka niya." Pangungumbinsi ko sa aking sarili. Kailangan kong magtiwala.

Pero bakit ganito? May nararamdaman akong hindi tama. Totoo ba'to o talagang napa-paranoid ako na baka hindi ako siputin ng nobyo ko?

Dinial ko ang numero ni Brandette, Tama baka kasama niya si Dev o baka alam niya kung nasaan ang nobyo ko. Ngunit ganun 'din at patay ang kaniyang linya, nagpadala ako ng text kung sakaling magising siya sa oras na'to.

Punong-puno ng pag aalala ang isip ko pero binalewala ko 'yun. Wala namang silbi kung mag-aalala ako dito at magpapakapraning dahil hindi 'yon makakatulong. Dahil baka pag nagpadala ako sa iniisip ko ay pumunta ako sa bahay ng nobyo ko.

Sumandal ako sa street lamp at matiyagang naghintay. I sighed multiple times and whispered to the wind that my prince will come and save me and take me away from this hell.

I closed my eyes and lift my head, feeling the cold wind embracing me in the middle of the night.

May isang napakaliwanag na ilaw ang napansin ko sa likod ng talukap ng aking mga mata. Dumilat ako at nanggaling sa'king kaliwa ang liwanag. Iniangat ko ang kamay ko upang takpan ang aking mga mata.

Nang mapagtanto ko na ang liwanag ay galing sa headlight ng isang sasakyan ay agad na dumaloy ang saya sa puso ko. Kinuha ko ang gamit ko at agad na tumakbo palapit sa sasakyan.

Sabi na nga ba at hindi mo ako bibiguin at pupuntahan mo'ko.

Malalaki ang hakbang ko palapit sa kotse. Bumukas ang pinto ng kotse at tumapak palabas roon ang isang makintab na itim na sapatos. Unti-unti akong bumabagal sa aking paglapit. Nang tuluyan na ngang makalabas at makatayo ang may-ari ng itim na sapatos na iyon ay napatigil ako.

Madilim ang paligid at hindi ko maaninag ang mukha ng taong lumabas sa kotse. Pero isa ang nasisiguro ko, sa taas pa lamang nito at tindig. Hindi siya ang nobyo ko. Nang magsimulang maglakad ang lalaki paikot sa sasakyan ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Unti-unting naninikip ang dibdib ko at tila kumakapal ang hangin at umiinit ang
paligid.

When he came out from the dark,  I saw the man's face. A six foot three tall man, well toned body dressed in a black coat. His hair has long curls lengthing under his ear and thin beards around his defined jaw. My chest tightening and my heart's pounding angrily. His eyes is a deja vu. A deja vu of my strange terror towards that foreign stares.
Suddenly, I felt scared, frightened. His eyes terrifies me, holding it's gaze upon me like an animal whose ready to attack his prey.

Unti-unti akong humakbang paatras, pero ang estrangherong lalaki ay humahakbang palapit sa'kin. Puno ng kaba at pagtatakha ang puso ko, Tila nanuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita. Para akong naging bloke ng yelo at hindi makagalaw ng maayos.

"What the..." Takot na takot kong sambit sa sarili. Who is this man? Is this one of the guards? It can't be! Imposible!

He was walking towards me and my heart was pounding crazily.

That feeling of terror came back, only one pair of eyes can make me feel that sheer terror. No one can ever be! Pero sino nga ba itong lalaking 'to? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa mga titig na binibigay sa'kin ng estrangherong ito ay parang sinusunog niya ang katawan ko, nakakapaso at nakakapanindig balahibo.

Unti-unti akong umatras...

Hindi ko namalayan na may takas na luhang bumagsak mula sa'king mata...

Pumihit ako at nagsimulang tumakbo. Kailangan kong tumakbo at makalayo sa lalaking to! Nanginginig ang buong sistema ko habang naririnig ang mabibigat na yabag na sumusunod sa'kin.


"Help me!" Sigaw ko pero walang nakaririnig sa'kin. Devlin, nasaan ka na ba?
 

   

"Please, help me!" I screamed but no sign of human around.

Malalalim na paghinga ang pinapakawalan ko pero hindi non napapawi ang takot na lumulukob sa dibdib ko.

Kahit na tumatakbo ako ay nagawa ko paring makuha ang cellphone ko sa'king bag. Pero dahil sa panginginig ay nabitawan ko ito.

Damn it!

I ran as fast as I can but it didn't help, mas lalo lang nanginig ang binti ko dahilan upang halos bumigay na ang mga tuhod ko.

"Help!" Nagmamakaawa kong sigaw pero umalingawngaw lang pabalik sa'kin ang aking sigaw.
 

   

"Tulungan—" Before I finish my word, long arms snake around my hips.
 

 

"Bitawan mo'ko!" Pagpupumiglas ko at hinawakan ang braso niya.

It was cold, like a dead body...

"Finally, I see you again." A cold shivering voice whispered to my ear. His hot breath clasps on my skin. I felt my tears flowing tremendously.

I felt coldness damp on the back of my ear causing me to tremble. Hindi ako makagalaw at parang naparalisa ang buong katawan ko sa ginawa niya.

I can't construct a word. My mind went blank and my lips were shaking abnormally. My whole body was pounding and trembling uncontrollably.

"This time you can't run away from me, My angel..." He said, coldness is evident in his voice sending shiver to my body.

He sniffed my hair and a sob came out of my lips.

Dev, nasaan ka na?

"Sleep..." He whispers and my vision became dizzy as I felt a soft cloth covered my mouth and nose.

Please, help me...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top