Chapter 34


Chapter 34

After all

   Tahimik akong nakatulala at nakatingin sa mataas na kisame ng kwarto ko. Inangat ko ang kumot sa dibdib ko upang takpan ang hubad kong katawan. Tinignan ko si Zak sa tabi ko na nakadapa at nakaharap ang likod sa akin. Hinaplos ko ang buhok nito at pinagmasdan ang mahimbing nitong pagtulog.



    I've been experiencing his nightmares kaya hindi ako makatulog at ilang araw ng puyat sa kakaisip na baka magising na naman si Zak sa isang masamang panaginip. Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata, nalulungkot ako at nasasaktan. Hindi ko maintindihan kung bakit nagse-settle ako sa ganitong sitwasyon.



    Sa tuwing magigising siya sa isang panaginip ay palaging pangalan ni Risa ang tinatawag niya, pero heto ako. Ako ang niyayakap niya, ako ang humahaplos sa buhok niya, ako ang nandiyan sa tabi niya. Pero bakit si Risa ang tinatawag niya at hindi ako na kasama niya? Hindi ko alam kung saan ako nakalugar; sa puso ba ni Zak o sa puwang na iniwan ni Risa?



    Tinignan ko ang malapad na likod ni Zak. Ang lapit ng mga katawan namin, pero bakit parang ang layo layo niya sa akin?



    Nagsisisi na ba ako? Is this the consequence? Pero bakit nga ba may kapalit ang lahat? Bakit may kapalit ang magmahal at maging masaya. Masama ba ang magmahal?




   Bumangon ako at tinignan muli ang mukha ni Zak. Napakunot ang noo ko ng makitang unstable ang paghinga nito at umuungol na tila nahihirapan.




"Zak..." Gising ko sa binata at agad na nilukob ng kaba ang dibdib ko.




     Patuloy itong umungol at namuo ang butil ng pawis sa kanyang noo.



"Zak!" Niyugyog ko ito at pinipilit na gumising.



"Zak, gising---" napatigil ako ng bigla itong bumalikwas ng bangon.



    Habol nito ang hininga at pawis na pawis ang buong katawan, "Zak..." Tawag ko at hinila ito sa aking yakap.




   Dumampi ang kamay nito sa braso ko at nanlalamig iyon. Hinaplos ko ang buhok nito at pinatahan.




"Don't go... Don't leave me..." utas nito habang mahigpit na nakayakap sa akin.




    Walang salitang mabuo ang labi ko, tila tumigil din sa pag-function ang utak ko dahil nilulunod ito ng lungkot. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya, ang manatili sa tabi niya...




"Please... I'm begging you... Don't leave me..." utas nito ulit at narinig ang masakit na hikbi na lumabas sa bibig nito.




    Nagsimulang manginig ang dibdib ni Zak at tumaas baba ang balikat nito. Napapikit ako, What have you done Risa? What did you do to him?




"Shh..." I rub his back and cooes him. Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang hikbi ko ng magsalita itong muli.




"Don't go... I-i need you... I need you, Risa..." Bumaon ang kutsilyo sa dibdib ko ng marinig ko iyon. The way he called her name, it was the most heartbreaking...




"I won't---" Lumunok ako upang maibsan ang panginginig ng boses ko.



"I won't leave y-you, Zak..." Mahinang bulong ko at pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak.





    Hinigpitan ko ang yakap ko at hinayaan siyang umiyak sa balikat ko, "Huwag ka ng umiyak... nandito lang ako..." wika ko at dinama ang yakap niya at hinihiling na sana matapos na ang bangungot na'to.





    Maingat kong inihiga si Zak ng makatahan na ito. Pinunasan ko ang pawis sa noo nito at hinaplos ang mukha. Bakas ang pagod at lungkot sa mukha nito, sinong mag aakalang ang katulad ni Zak at iiyak dahil sa isang panaginip?




    Nang masigurong maayos na ito sa pagkakatulog ay bumangon ako at kumuha ng damit. Pumasok ako sa banyo, nadaanan ng tingin ko ang itsura ko sa salamin. Hinawakan ko ang ilalim ng mga mata ko, nangingitim ito at malalim. Suminghap ako at nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan pang umiyak, napaluhod at niyakap ang tuhod ko sa aking dibdib.





    Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko upang pigilan ang hikbi ko. Ang sakit, ang sakit sakit... Mahal niya pa rin si Risa. Siya parin ba? Kung mahal niya si Risa eh ano ako? Nasaan ako?





     Gusto ko si Zak, pero kung gusto ko lang siya bakit ganito ako at nasasaktan? Bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan kung gusto ko lang siya?




     Ilang minuto ang tinagal ng pag-iyak ko ng mapagdesisyunan ko ng tumayo at magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Agad akong kinabhan at binuksan ang pintuan.




"Zak...?" Tawag ko mula sa dilim.



     Nakatalikod ito at nakaharap sa bukas na aparador. Napakunot ang noo ko at marahang humakbang palabas ng banyo.





"Zak? Anong problema?" Pinipilit kong pakalmahin ang boses ko kahit pa abot abot na ang kaba sa dibdib ko sa kakaibang kinikilos ni Zak.





"My angel...?" Mahinang utas nito at humarap sa gawi ko. Naglakad ito palapit at may kakaibang kaba ang sumalakay sa dibdib ko ng makita ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Zak.




"Z-zak..." Nauutal kong sambit dahil sa kakaibang dilim na bumabalot sa mga mata ni Zak.





"Where are you going?" Malalim at matigas nitong usal. Naguluhan ako sa sinabi niya at bumukas ang bibig ko.





"What are you talking about?" utas ko habang naglalakad palapit.





    Napatigil ako sa paglalakad ng tumiim ang bagang nito at binato ang lampshade na nasa bedside table. Napatalon ako sa gulat ng lumikha iyon ng malakas na ingay at nagtalsikan ang mga maliliit na bubog sa sahig.




"Zak---" kinakabahan kong wika pero napatigil ako.





"You're lying!" Sigaw nito kaya't napapikit ako lakas ng sigaw nito.




"You're lying! You're leaving me again!" Galit na galit na sigaw nito. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang hikbi. Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko at hinarap siya.





"I'm not!" Sagot ko at unti unting lumapit sa kaniya. Nanginginig ang mga braso nito at lumalabas ang ugat nito sa matinding pagkakakuyom ng mga kamao.




"I'm not---leaving. No, I won't..." Mas kalmado kong saad at marahang inabot ang nanginginig niyang kamay.




"I'm here..." I said, my voice shaking.




"See...?" utas ko at tumingin sa mga mata ng binata.




"Nandito ako, h-hindi kita iiwan..." usal ko at hinalikan ang kamay niya. Tumulo ang luha ko sa mga kamay niya.




    Hinalikan ko ang kamao niyang matinding nakakuyom. Unti-unting lumuluwag ang pagkakayukom non. Umiyak ako sa kamay niya at mahigpit itong hinawakan. Kahit hindi mo banggitin ang pangalan ko, mananatili ako sa tabi mo. Hindi kayang iwan ng ganito, Zak...





"I'm sorry..." He said softly to my ear and pull me into a hug.




    Pumulupot ang braso nito sa payat kong katawan at kinulong sa mainit niyang bisig. Pumikit ako at inamoy ang pabango niya habang patuloy na lumuluha sa dibdib niya. How can I leave when you keep holding me this way, Zak? How could I?





    Kinuha ni Zak ang baba ko at pinaharap sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin, kumikinang ang mga mata nito sa dilim habang emosyonal na nakatingin sa akin. Malalalim ang titig nito at tumatagos iyon hanggang sa puso ko, hanggang sa kaluluwa ko...





"I need you..." He softly whispered through the dark.




    I didn't answer and he plant a soft warm kiss on my lips and all the pain suddenly washed away and the fire started to lit on my chest.




     Hinapit nito ang maliit kong beywang at mahigpit na niyakap. Hinawakan ko ang dibdib nito at ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso nito. Sing lakas ng sigaw ng pagtawag niya sa pananatili ko.



     Siniil ako nito ng halik, ipinahiga ako nito sa kama at bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg pabalik sa aking labi. Sabik nitong hinawakan ang katawan ko tulad ng pagkasabik ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Mabilis naming hinubad ang damit ng isa't isa at agad itong pumatong sa akin.




     Mabilis ang pangyayari at naramdaman ko na lang ang sabik niyang paggalaw sa loob ko. Napupuno ng ungol ang kwarto at wala akong ibang maramdaman kundi pananabik at init ng katawan ni Zak.




    Bumagsak ang mukha nito sa leeg ko at sumubsob doon habang patuloy pa rin sa paggalaw. Hinawakan ko ang buhok nito at nakapikit na humahaplos sa binata ng matigilan ako,



"I love you, Risa..." bulong nito sa kalagitnaan ng kaniyang pananabik. Para akong binuhusan ng yelo at nanigas, umawang ang labi ko at tumulo ang luha habang sabik na sabik itong gumagalaw hanggang sa maabot niya ang tuktok.




   After all, he wasn't with me. He was with Risa all the time...

   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top