Chapter 28


Chapter 28

Ang Susi

    Kinagabihan ay nagsulat ako at nag iwan ng sulat sa bintana. Inilagay ko sa sulat kung sino nga ba siya, ang taong nagpapadala ng sulat at ang pakay niya.Kinaumagahan 'pag gising ko ay agad hinanap ng mga mata ko ang bintana. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na naglakad patungo sa bintana ng makita ang brown paper nakaipit.



    Inangat ko ang bintana at hinigit ang nakaipit na papel at sinara muli ang bintana. Binuklat ko ang papel at binasa ang nakasulat roon.



    To have what your heart desires, climb the walls;open the magical door and reunite to the forest. But first, let the king falls to your beautiful eyes and physique. Seduce the king, black nymph.



    Binasa ko ulit ang unang pangungusap sa sulat. To have what your heart desires, climb the walls; open the magical door and reunite to the forest.



    Magical door, saan ko nga ba narinig iyon?



    Tinupi ko ang papel at binuksan ang drawer at kinuha ang sulat na nakuha ko kahapon.



"To be able to escape; find the key to the magical door of the forest." Basa ko. Ibinaba ko ang sulat at tinupi iyon. Ano ang ibig sabihin ng nagpapadala nito?



    Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng balkonahe at lumabas roon. Agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng nobyembre. Matatayog na puno ang bumungad sa paningin ko. Sumasayaw ang mga dahon sa malalakas na ihip ng hangin, naglakad ako palapit at humawak sa marbol na railing at humawak doon. Pumikit ako at lumanghap ng hangin, bigyan niyo ako ng karunungan intindihin ang nasa sulat...



    Nang kumalma na ang sistema ko binati ako ng lintuang kapaligiran. Luminga ako sa paligid, nasa ikatlong palapag ako ng mansyon pero parang nasa ika-anim na palapag ako sa taas ng kinatatayuan ko. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid, puro puno at kulay luntian lang ang nakikita ko. Ni hindi ko masilayan ang kapatagan, hindi ko alam kung hanggang saan ang sakop ng mansyon na ito dahil parang nasa gitna kami ng kagubatan.



    Napatigil ako sa naisip ko. Kagubatan. Luminga ako sa paligid sa pangalawang pagkakataon. Tama, nasa gitna ng kagubatan ang mansyon. Ito ang kagubatang tinutukoy sa sulat. Tinignan ko ang kamay kong nakalapat sa marbol na railing ng balkonahe, ang tinatapakan kong tiles, ang istraktura ng balkonahe at ng kwarto ko. Ang hallway, yung hagdan, yung dining hall at chandeliers, yung portrait, ang mga nagtataasang pader na nakapalibot sa mansyon. Ang mansyon, itong mansyon para itong kaharian.



A kingdom in the middle of a forest...



Fucking hell...



    Mabilis akong naglakad at sinuot ang robe ko at lumabas ng aking kwarto. I need to find the key and the door stated in the letter. At alam ko kung sino ang palaging may susi sa kaniyang belt.



"Hey there, Lukey!" Bati ko at pinagsiklop ang kamay ko sa harap at ngumiti upang itago ang kaba ko.



    Kumunot ang noo nito ng humarang ako sa dinadaanan niya. "What do you want?" Tanong nito.



"May ginagawa ka ba?" Tanong ko at sinulyapan ang belt niya. It's in there like the usual, gotcha.



"Hindi ba halata?" Masungit nitong tugon kaya kahit gusto ko ng basagin ang pagmumukha ng punyetang 'to dahil hindi pa ako nakakabawi sa ginawa niya ay mas pinili kong maging mapang unawa.



"I see." ani ko at maarteng hinawi ang buhok ko palayo sa aking mukha.



"I need a key." Diretso kong sagot.



"No." Mabilis nitong sagot. Napaka asal hayop talaga ng lalaking 'to kahit kailan eh. Makakasakal talaga ako--- kumalma ka, Talya.



"Look..." ani ko at mas lumapit sa kanya.



"Nagkaproblema kasi ata sa banyo ko..." Wika ko at hinawakan ang braso niya. Mas malaki pa ang braso ni Zak sa kanya eh.



"Huwag mo'kong hawakan." Aniya at tinabig ang kamay ko. Aba, napakaarte akala mo naman gwapo.



   Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Naglock ang pintuan ng banyo ko at hindi ako makagamit, would you mind giving me a... you know? A duplicate?" I said and smiled sweetly as I can be.



"May binabalak ka 'no?" Diretso niyang tanong at binigyan ako ng seryosong tingin.



"What do you mean?" Maang maangan ko.



    He hissed and sarcastically laugh, "Masyado kang halata." Iling at ngisi niya.



    Kumunot ang noo ko at nagpameywang, hindi 'to madadaan sa matino pakiusap. Kailangan gamitin ng awtoridad upang mapasunod.



"Alam mo hindi pa'ko nakakaganti sa pangagago mo sa'kin ng nakaraang araw kaya huwag mo'ko simulan." Banta ko pero tumawa lang ito na mas kinainis ko.



"Considered me being pissed in my pants because of your threat." Aniya at umambang lalagpasan ako pero napigilan ko ito.



    Hinawakan ko ang balikat niya at buong lakas kong binalik ang katawan niya sa harapan ko at binigyan ito ng masamang tingin.



"Your name maybe Luke, but I can take you directly to St.Peter and put a stone at the top of your head with your name carved on it. Hindi na kita padadaanin sa St. Luke's and I won't considered you being pissed in your pants but I can acknowledge you being soaked in your blood at your own shirt." Matalim kong tinitigan ang binata, tumiim ang bagang nito at mas humigpit pa ang hawak ko sa balikat niya.



"Huwag mo'kong gaguhin." Wika ko at tinulak ang binata.



    Hindi ito umimik at nanatiling nakatayo doon. Pinagsiklop ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko at tinignan siya, bumuntong hininga ito at nagsalita.



"I'll check on your room, right after." Sagot niya. I chuckled and gave him an arched brow.



"Give me the keys, Luke. Oh baka gusto mong ipasundo pa kita kay San Pedro, I have his number." I winked at him. He let a harsh exhale.



    Inabot nito susi pero ng aabutin ko na iyon ay binawi niya iyon, "What is it?" Naiirita kong tanong.



"I'll come with you." Aniya pero inirapan ko ito.



"Akala ko ba may ginagawa ka?" Bumuka ang bibig nito pero inunahan ko itong magsalita.



"What is it? You're busy? Of course, you are. Okay, I can manage myself and I don't want to bother you." I cocked my head to the right and gave him an innocent look and sweet fake smile.



    Inilahad ko ang palad ko at labag sa loob niyang inabot ang susi pero binawi ko ang kamay ko.



"Omg, hindi ko tatanggapin yan unless you call me by my honor." I gave him a sweet fake smile again. Kumuyom ang kamay niya at namumula na ang mukha niya sa pagkainis.



"Here's the key, Señora." Aniya at inabot ang isang key hoop na may nakasabit na ibat ibang susi at napakarami non.



   Kinuha ko ang susi, "Thank you, my slave and dog I'll give you a treat later." Wika ko at kinindatan si Luke.



"Toodles!" I gave him a flying kiss and flip my long black hair to his stupid face and walk past by him.



"Huwag mo'kong gagaguhin..." Bulong ko sa sarili ko habang nakangiti at pinapaikot ang malaking metal hoop ng mga susi sa aking hintuturo.



    Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at nagsimulang subukan buksan ang mga pintuan doon. It take a lot of patience opening a single door because of the bunch keys you need to try before you open it. In each key may mga stickers na naka-attach at may mga numbers iyon. Hindi ko ma gets ang mga numerong iyon kaya mas naguguluhan ako at mas nauubos ang oras ko.



    Gusto kong sisihin ang nagbigay ng sulat eh, kung gusto niya makatakas dito bakit ganon ang binibigay niyang mensahe sa akin? The structure of the letter seems like it was a riddle, palaisipan. Gusto nitong tukuyin ko ang mga mali at ang pagtakas ko dito ay hindi simple at may mga kondisyon na dapat kong daanan, like a quest.



"Shit!" I hissed under my breath ng hindi ko mabuksan ang pintuan.



   Ginulo ko ang buhok ko at sumandal sa puting pintuan sa pinakasulok na parte ng hallway dito sa ikalawang palapag. Umupo ako at isinandal ang ulo ko sa kahoy na pintuan at tumingala. Tumingin ako sa bintana kung saan sumisilip ang sinag ng araw sa pagitan ng mga dahon na tumatakip sa bintana. Out of nowhere I stood up and look outside the window. Walls of grass greeted my sight, it was arranged into a maze but more structured like a labyrinth. Naalala ko, ito yung dinaanan namin ni Zak papunta sa garden. I was right, it was a labyrinth. I remembered again when I saw that beautiful little paradise. Ang paraiso sa pusod ng kagubatan sa loob ng kaharian. Damn, that was funny.



   A bulb suddenly lit up in my head. Magical door of the forest...



   Pinulot ko ang kumpol ng susi sa sahig at mabilis na nilisan ang lugar at naglakad papunta sa garden.



    Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal naglakad papunta sa garden dahil sa maraming pasikot sikot ang dadaanan papunta sa lugar. Nang makita ko na ang gate ng garden ay mabilis akong naglakad patungo roon at kinuha ang kandado. Hinanap ko sa key loop ang susi para sa gate. Habang sinusukan ko ang iba't ibang posibleng mga susi sa kandado ay tumitingin ako sa paligid. Nang magbukas ang kandado ay tinignan ko ang number ng susi at tinandaan, in case of emergency...



    Maingat kong binuksan ang mataas na gate at tahimik na pumasok sa magandang paraiso dito sa mansyon. Tumingin ako sa likod ko at sa paligid upang masigurong walang tao o nakasunod sa akin. Hindi na ako nag aksaya ng oras at hinanap ang pintuang nakita ko noon dito.



    Naglakad ako sa gilid ng mga matatayog na puno at dumaan sa napakagandang groto 'di kalayuan ay natanaw ko na ang pintuan. Inayos ko ang butones ng aking blouse ng hanginin ito. Pagkatapat ko sa luma at kinakalawang na pintuan ay tinignan ko ang kandado. Malaki ito at puno na ng kalawang tulad ng kadenang nakapalupot dito.



   Kinuha ko ang pinakamalaking susi sa key loop, kung malaki ang kandado malaki din ang susi. Tinanggal ko sa metal loop ang susi, just in case... Tumingin ako muli sa likod upang siguruhing walang tao. My god this is so nerve wracking.



    Sinuot ko ang susi sa kandado at sakto ito ng ipasok ko, habang hawak ang malaking kandado ay pinihit ko ang susi at umangat ang shank ng kandado. Omg...



"Anong ginagawa mo?" anang boses ng lalaki sa likod ko. Lagot...



    Nahulog ko sa lupa ang metal key loop na may napakaraming susi. Mabilis kong kinandado ulit ang pinto at lumuhod upang pulutin ang mga susi, kasabay non ay ang pagsuot ng susi sa kandado ng pinto sa bra ko upang itago ito. Nang mapulot ko na ang susi ay humarap ako kay Luke ng tila walang nangyari.



"Hey there, Lukey!" Bati ko at ngumiti. Kumunot ang noo nito at masamang tumingin sa akin.



"Ang akala ko ba bubuksan mo ang pinto ng banyo mo? Bakit nandito ka at parang ibang pintuan ang binubuksan mo?" Aniya at tumingin sa likod ko.



    Bahagya akong tumawa at tinignan siya, "Oh, Lukey. Maayos na ang banyo at nagbuksan na! In fact, I'm looking for you but you are nowhere to be seen. So, I take a walk and my pretty red foot brings me here." I casually answered.



    He looked at me suspiciously. He walked at my back and take a look at the door and the lock, and as expected it was locked.



"Really?" Aniya at tumango tango pa.



"Sa dami ng lugar dito sa mansyon dito ka pa napadpad? This isn't your usual spot, Allegro." Sarkastiko ako nitong tinignan. Inirapan ko ito.



"Hindi alam kung bobo ka ba o bulag ka or maybe both, Luke. Pero pagkatapos mo'kong gaguhin sa palagi kong inuupuan? Hindi ko na usual spot yon." Sagot ko.



"Tell me, what are you doing here?" Aniya sa mas seryosong tono. Oh my god, why am I surrounded by stupid and repeated freaks.



"Paulit ulit?" Naiirita kong sagot.



He sighed, "Alam kong may binabalak ka, pero huwag mo ng subukan dahil hindi ka rin magtatagumpay." Wika niya at dinuro ako.



   I hissed and gave him a grin, ang ayoko sa lahat ay ang binababa ako.



"You know what? You should apply to a memorial plan because if I was planning on something, it is to give you a VIP pass to hell and gave you a chance to meet and greet your brother satan." I said and gave him a smile. His face turn to bright shade of red and his veins almost popping out of his forehead.



"And oh, I can slit your throat using my nails. Don't worry." I winked and tapped his chest. He stood in front of me like a hardened shit of a puppy.



"Here's the keys." Bulong ko at inangat ang mga susi at pinakita sa kanya.



    Inilahad niya ang kanyang palad at akmang kukunin niya ang susi sa akin ng bitawan ko iyon.



"Oops..." Sambit ko ng mahulog sa lupa ang mga susi. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Luke at ang pagkuyom ng kanyang kamao at ang paggalaw ng panga nito.



"Sorry." Wika ko. Lumuhod si Luke sa tapat ng nahulog na susi at akmang kukunin.



"Not sorry." Tuloy ko at inapakan ang susi at naglakad palayo sa nakaluhod na si Luke.



"Huwag mo'kong gagaguhin..." Wika ko sa sarili ko habang naglalakad papalayo, kinuha ko sa dibdib ko ang tinago kanina at at ngumiti ng ilagay ko iyon sa palad ko at hinawakan. Hawak ko na ang susi.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top