Chapter 27
Chapter 27
Escape, Black Nymph.
Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit ng bumangon ako. Nakapikit ang isang mata ko habang ang isa ay nakadilat at tumitingin sa paligid.
"Fuck..." Iling ko at sinapo ang ulo kong pumipintig.
Diniin ko ang palad ko sa aking mukha at kinusot ang mga mata ko at tumayo. Lumapit ako sa cloth rack sa tabi ng pintuan at kinuha ang robe at sinuot iyon. Naglakad ako sa mesa sa tabi ng kama ko at kinuha ko ang isang puting card na nakapatong sa bedside table ko sa tabi ng baso.
Drink me, nakalagay sa card. Tinignan ko ang baso at sa gilid nun ay may isang tableta sa tabi ng baso. Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa pagiging maalalahanin ng binata.
Eat me, basa ko sa isang card sa ilalim ng plato. Dinampot ko ang tinidor sa tabi ng plato at humiwa ng pancake at kinain iyon. Habang ngumunguya ako ay napatingin ako sa kawalan, napatakip ako sa bibig ko ng hindi ko mapigilan ang ngiti dahil sa mga card at sa breakfast in bed na inihanda sa akin ni Zak.
Pumikit ako at naalala ang halik namin kagabi. Napamulgat ako at mabilis na nilunok ang pancake sa bibig ko at uminom ng tubig. Muntik na akong mabulunan ng biglang kumabog ng paglakas lakas ang puso ko, pakiramdam ko nag akyatan ang dugo ko sa pisngi ko at namumula na ako.
"Dammit..." Sambit ko at inilapag ang baso pagkatapos ko makainom.
Napakagat ako sa labi ko at hinawakan ang pisngi. Piste naman talya, para kang highschool at kinikilig ka pa!
"Shocks.." Bulong ko at pinaypayan ang sarili ko, I need air it's getting really hot in here.
Naglakad ako at lumapit sa bintana. Bubuksan ko na sana ang bintana ng may makita na naman akong papel na nakaipit sa mga pagitan non. Bahagya kong inangat ang bintana at kinuha ang papel. Inangat ko ng tuluyan ang bintana at sumilip sa labas kung may tao ba, sino kaya ang naglalagay nito dito?
Sinara ko ang bintana at lumabas ng balkonahe. Agad akong sinalubong ng malakas na hangin at nilipad nito ang aking mahabang buhok. Tinignan ko ang paligid at tanging mga nagtataasang puno lamang ang nakikita ko at ang mga ibong malayang nakalilipad at ang matingkad na sinag ng araw. Inilapat ko ang kamay ko sa marbol na railing ng balkonahe at nagmasid sa paligid; tahimik at walang tao. Pero bakit pakiramdam ko may nakamasid sa akin?
Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at binuklat ang papel. Tulad ng nauna kong natanggap na sulat, nasa brown vintage paper ito naka akda at may creepy egyptian font style. Humarap ako sa mga puno at binasa ko ang nakasulat sa papel,
The black nymph should escape the highest walls of the kingdom, to be able to escape;
Naputol ako sa pagbabasa ng may boses nagsalita mula sa pintuan ng balkonahe. Mabilis kong tinago sa robe ko ang papel bago humarap.
"What are you doing there?" Tanong ni Zak at naglakad papasok ng balkonahe.
"Hindi ka man lang ba marunong kumatok? Papatayin mo'ko sa gulat eh. " Sarkastiko akong ngumiti at umayos ng tayo.
"I'm sorry." Hingi niya ng tawad. Tumigil ito sa paglalakad at napansin ko ang pagdako ng tingin niya sa labi ko.
Lihim akong napasinghap at pakiramdam ko ay umakyat na naman ang dugo ko sa pisngi ko at namumula na ang mukha ko. Kumuyom ang kamay ko ng mabilis na namang tumibok ang puso ko.
"Anong tinitignan mo?" Masungit kong tanong sa binata.
Nagtama ang mga tingin namin at pakiramdam ko nalunod na naman ako sa mga mata niya. Bahagyang nakaawang ang labi nito ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya. Hinahampas ng malakas na hangin ang kulot niyang buhok at gumugulo iyon at sumasaboy sa kaniyang noo. Hinahangin din ang puti niyang long sleeve polo kaya't nakikita ko ang dibdib niya kapag hinahangin ito. Nasa tatlong talampakan ang pagitan namin pero amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango.
Inirapan ko ito at umiwas ng tingin. Huwag kang magpakagaga pa lalo, talya. Walang imik akong umalis sa harap ni Zak at naglakad patungo sa direksyon ng malaking duyan.
Umupo ako sa duyan na yari sa rattan, pasimple kong tinago sa ilalim ng unan ang papel bago magsalita.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Namayani ang alingawngaw ng kaniyang metal taps, ibig sabihin lang ay naglalakad ito palapit sa akin.
"I wanted to check on you." Sagot nito ng makalapit na siya sa kinauupuan kong duyan.
"I'm fine, Zak." Casual kong sagot at nakatingin sa malayo.
"Luke will be staying here and I'll be out for a while." Paalam nito, bakit siya nagpapaalam sa akin? Pwede naman siyang umalis ng hindi nagsasabi sa akin, pakielam ko ba?
"If you need anything just talk to Luke." Aniya. Tumango ako ng hindi pa rin makatingin sa kanya.
"Sure." I answered coldly.
Narinig ko ang malalim nitong pagsinghap at pagbunga ng hangin. Nanatili pa ring nakatuon ang tingin ko sa mga puno sa paligid kahit pa ramdam ko sa gilid ko ay tinititigan ako ni Zak.
"I'll be out by afternoon, would you mind joining me this lunch?" He offered.
Huminga ako ng malalim at binasa ang labi ko, "Of course." Sagot ko.
Ilang sandali ako nitong tinignan bago walang imik na nilisan ang lugar. Nakahinga ako ng malalim ng makaalis na si Zak. Sumandal ako sa duyan at sinapo ang ulo ko. Kailangan ko ng makaalis dito sa madaling panahon, dahil kung magtatagal ako dito ay baka hindi lang halik ang mangyari. Baka dumating ang araw na hindi ko na gugustuhing umalis at manatili na lang dito dahil lunod na lunod na ako sa lalaking iyon at Hindi pwedeng mangyari ang ganun, may boyfriend ako, may buhay ako sa kabilang parte ng mga pader ng bahay na'to. I need to get out of here, but how?
Tinanggal ko ang unan sa gilid ko at kinuha ang papel na binabasa ko kanina.
The black nymph should escape the highest walls of the kingdom,to be able to escape; find the key to the magical door of the forest.
Is this some kind of riddle? Or a prank? Because honestly I don't know the purpose of this letter and the purpose of the sender. But what catches my attention is that, the person sending me this letters knew that I wanted to escape, and he or she knew the way out. I must catch this person.
Tiniklop ko ang papel at pumasok sa loob. Naglakad ako papunta sa bedside table at binuksan ang drawer at isinilid doon ang papel. Pagkasara ko sa drawer ay nahagip ng aking tingin ang bintana kaya't napadalawang tingin ako sa lugar na 'yon.
Mabilis akong lumapit sa bintana at tumingin sa labas non kung may bulto ba ng tao pero wala at malinis ang paligid. Tinaas ko ang bintana at kinuha ang papel bago ulit iyon isinara. Tulad ng una at pangalawang papel, nasa brown vintage paper ang sulat na may creepy egyptian font at may griffin logo.
There are ways to escape, but first, find the key. Secondly, mesmerized the highest with your charms and spells; bewitch the beast within the king. The quest has begun. Escape, black nymph.
Tinupi ko ang papel, naguguluhan ako. Mesmerized and bewitch? The what? the beast? This is so fucking confusing.
"Escape, black nymph." Basa ko sa huling kataga ng sulat.
Am I the black nymph?
I don't know, for now. But one thing's for sure.
I need to get out of here before everything gets worse.
I need to find the magical door, I need to escape.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top