Chapter 2

Chapter 2

Allegro and Vasiliev

"Please give a round of applause to our celebrant, Señorita Izzariah Natalia Allegro." The emcee introduced me. I stepped down and a light focused on me.

Habang humahakbang ako pababa sa kulay gintong staircase at tinignan ko ang paligid.

Kulay ginto ang paligid, may mga telang maayos na nakasabit sa mga pader. Isang malaki at maningning na chandelier ang nakasabit sa gitna.

All the guests are wearing mask, some of them are wearing a full mask, a mask covers only their eyes or just half of their face. I could only recognize them by looking at their eyes. Those bunch of irises that was staring at me; amazed, stunned, an admiring glint was visible in their eyes.

Nang matunton ko na ang huling   hakbang ay nagpalakpakan ang mga tao. Isang lalaking naka red and violet chaleco ang lumapit sa'kin, may suot itong puting maskara na may gold lining at balahibong palamuti sa gilid nito.

Yumuko ito at inilahad sa'kin ang kamay. Magaan kong ipinatong ang kamay ko, iginiya ako nito sa entablado kung saan ay may isang mikroponong nakahanda.

Nang makatayo na ako sa harap ng entablado ay hinarap ko ang daang daang bisita.

Tunay ngang nagningning at makinang ang gabing ito. Hinaligap ng aking mata ang aking nobyo.Kahit pa ang lahat ng bisita ay nakamaskara ay nakilala ko agad ang pares ng kulay berdeng mata na iyon. Nakatayo ito sa sulok, sa madilim na parte at may hawak na kopita sa kanyang kanang kamay.

Ngumisi ako at bahagya niyang ginantihan iyon bago sumimsim sa kaniyang champagne.Tumikhim ako at awtomatikong bumaling sa'kin ang lahat. Binigyan ko ng matamis na ngiti ang lahat bago magsalita.

"Everyone," Panimula ko.

"Thank you for coming to my party." Nginitian ako ng lahat. Lumunok ako bago muli magsalita.

"Before anything else, I just wanted to thank my mom and dad to make this simple gathering possible." Tumawa ang lahat, even mom laughed but not my dad.

"Today, I'm celebrating my birthday! Which is very obvious..." Bulong ko sa huling salita ng aking pangungusap. Nagtawanan muli ang mga bisita.

I am just playing with this dumb people because in my inside I don't know what to fucking say.

"I am celebrating my twenty-two year existential crisis here in the crust." I half joke. But the half of it? It's the truth.

Some of the guests laughed and others start mumbling at each other. Akala niyo ang pagpapakaputa ang pinakamatandang propesiyon sa mundo? Well, let me introduce you to one of the oldest profession too. The gossiping.

My dad gave me a death glare that almost kill me. If a glare could kill, naglamay na sila dito.

"So, what are we waiting for? Let's start this boring---" Mapang asar akong tumingin sa'king magulang.

Ang nanay kong nahihiya na at pinandidilatan ako ng mata at ang tatay kong kanina pa ako pinatay sa tingin niya.

"Oops!" I covered my mouth.

"Sorry my bad, I mean— Let's start this elegant party." I smiled sweetly.

Totoo namang elegante ang pagtitipon na ito. Mula rito sa entablado ay kumikinang ang lahat pati na ang paligid. Para silang kumikinang na basura. I almost burst in laughing at my own thought.

Isang matangkad at morenong lalaki ang umakyat sa entablado. Katulad ng kanina ay may maskara itong puti na may magarbong balahibo sa gilid at may suot na red and violet chaleco.

Lumapit ito sa'kin at bahagyang yumuko at inilahad nito ang isang unan na may nakapatong na itim na maskara na may gold gems at lining.

I bowed a bit and put the mask onto my face. The hall became dim and the light focused on the right side. Inihanda ko ang sarili ko at tuwid na tumayo. Isang lalaking naka-silver na maskara ang naglakad palapit sa'kin. He wore a midnight black coat paired with a button down cream white polo underneath and a matte black pants hugging his long muscled legs. His shining black shoes are clicking in the floor. He looked like a prince.

He stops in front of me and bowed. I do the same, he looked at me with those wooden brown eyes through his mask. He grinned and offers his hands. I smirk and laid my hands on to his.

Inilapat niya ang kaniyang palad sa'king likod at nagsimulang sumayaw.Sabay sa mabagal naming sayaw ang malamyos na musika. Hindi niya inaalis ang maiinit na titig sa'kin.

"You look beautiful tonight, Señorita " Bulong niya at iniliyad ako hanggang beywang.

Iniangat ko muli ang sarili at tinignan siya.

"Stop saying that, Valentin." Diniretso ko ang aking braso at saka umikot papasok sa kaniyang bisig.

Nilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga.

"Because I already knew it since the day I was born." I boastfully said.

Bumitaw ako sa kaniyang hawak at umikot muli. Naramdaman ko ang pag-ikot niya sa likod ko, itinaas ko sa ere ang aking mga kamay. Hinaplos ng kaniyang mahahabang daliri ang aking pisngi.

"Loved that confidence." kindat nito at pinadausdos ang kaniyang kamay sa'king beywang.

Umulit ang aming pagsasayaw, nagharap kami at hinawakan ko ang kaunting tela sa'king bestida.Inilapat ng binata ang kaniyang braso sa tyan at sabay kaming yumuko sa isa't isa.

Soft claps echoed the area. Biglang nagliwanag ang buong paligid at umakyat sa entablado ang aking mga magulang. Katahimikan ang nanaig sa buong lugar, hinihintay ang bawat salitang lalabas sa bibig nila.

"Buenas noches a todas." Bati ng aking ina at matamis na ngumiti.

"I deeply appreciated everyone's presence here in Allegro's Mansion and joined us to celebrate my daughter's twenty second birthday." Nagpalakpakan ang mga bisita, sinuyod ng aking tingin ang dagat ng mga tao at hinanap ang berdeng mga mata.

When I met his eyes I gave him a smile, an assuring smile.

"My daughter is now on her womanhood." Seryosong saad ng aking ama. Binalingan ko ito at naghintay sa susunod niyang sasabihin.

"Tonight, you will witness. Izzariah Natalia Allegro, the successor of Allegro group of companies and other of our businesses, plantations, aviation, agriculture and of course even the land of Alfonso Castaneda takes her confirmation." He said proudly.

Sunod-sunod na palakpakan ang namayani sa lugar. Nag aalalangan akong humarap sa lahat sa ngumiti.Rinig ko ang bulong bulungan ng mga tao, lahat sila ay mataas ang tingin sa'kin. Lahat sila ay tinitingala ako.

"Bago ako matapos," Sumulyap ang aking ama sa kaniyang asawa.

"I would like to express my gratitude to Mr. Domìnico Vasiliev, he offers to sponsor my daughter's celebration and the reason to make this gathering possible." Pinalakpakan ng mga tao si Mr. Vasiliev, tumayo ang ginoo at kumaway sa lahat ng tao. Nang bumaling ito sa'kin ay nginitian ko ito.

"Pero, ang lahat naman ay may kapalit" My father grinned with the Russian Millionaire.

"Let's say it's part of the supplication." Makahulugang sabi ng aking ama. Nagtataka kong tinignan ang aking mga magulang.

They smiled sweetly at the crowd.

"Ngayong gabi ay hindi lang ang opisyal na pagbibigay ng mana kay Talya ang inyong makikita, kundi na rin ang pag-iisa ng dalawang pamilya." My eyes widen in shock, what the hell is happening?

Hindi ko na naitago ang kaguluhan sa'king ekspresyon ng lumapit sa'kin ang anak ng russo na si Valentin.

Tumayo ito sa'king harap at binuksan ang isang maliit na kahon, isang singsing na may asul na diyamante sa gitna.

"Marry me..." anang gwapong binata sa likod ng silver nitong maskara.

Nilukob ng inis, galit, at pagkabigla ang dibdib ko. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at tinitigan ang kumikinang na singsing. Hinagilap ko ang mata ni Devlin at blangko lang ang ekspresyong ibinibigay nito. Umiwas ito ng tingin at tumalikod.

That breaks my heart...

Ang magulong bulungan ang tangi kong naririnig, ginugulo nito ang isipan ko upang gawin ang dapat. Naglalakad papalayo ang aking nobyo, unti unting nabasag sa maliliit na piraso ang aking puso.

Huwag mo'kong talikuran...

Huwag ngayon...

Kung alam lang ng lahat kung sino ang mahal ko hindi na hahantong pa ito sa ganitong sitwasyon.

Kung alam lang sana ng lahat...

Tama, kung alam lang nila.

Multiple gasps prevails around the wide hall. Kumalansing sa sahig ang tunog ng pagbagsak ng singsing. Tumayo ang ginoong si Domìnico at si Valentin ay mayroong nanlalaking mga mata.

"Anong ginagawa mo?!" Gigil na bulong sa'kin ng aking ina at mariing hinawakan ang aking braso.

Nakadikit pa 'rin ang tingin ko sa nakatalikod na bulto ni Devlin. Tumigil ito at bahagyang sumulyap.

Marahas kong binawi ang braso ko at naglakad palapit sa mikropono. "Everyone, the party's over!" Anunsiyo ko at tumalikod.

Bago pa man ako makatalikod ay hinablot ng aking ina ang braso ko.

"What are you doing?! Pinapahiya mo kami!" Galit na wika nito sa'kin.

"Seriously?!" Hindi ko makapaniwalang sagot, "Nahihiya pa kayo? Eh sa pagplano ng kasal ng hindi ko alam hindi kayo nahiya?"

"Hinding hindi ako magpapakasal sa kung sino lang na nakuha niyo d'yan sa mga business fuckers niyo!" A stinging sensation spread on my left cheek. Gasps and indistinct chatters rises after the scene.

Naninikip ang dibdib ko. Sa hiya, dahil sinampal ako ng nanay ko sa harap ng daang daan tao, galit dahil sa ginawa nilang pag aayos ng kasal sa taong hindi ko lubos na kilala at sakit dahil wala akong magawa.

Pero, hindi ako pinanganak para agad na sumuko. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa'king pisngi at binigyan ang lahat ng aking blangkong ekspresyon. Naglakad ako at kinuha ang mikropono.

"Hindi ko tatanggapin ang alok na pagpapakasal, just for the sake of business or damn money." I hissed.

"People, I don't do marriage for other's sake. Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko." Kaniya kaniyang usap na ang lahat pero wala akong pakeelam.

"Mamatay man kayong lahat hinding hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal." Tumawa ako na parang nasisiraan.

"Let me introduce all of you, to my boyfriend, my love, Devlin!" Anunsiyo ko at inilahad ang palad ko sa gawi ng aking nobyo.

"Who is that bastard?!" Marahas na bulong ng aking ama sa'kin. Nilagpasan ko lang ito at bumaba sa entablado.

Ayan na naman, habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao ay parang bubuyog silang lumilikha ng ingay.

Humarap sa'kin si Devlin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may mga gwardiyang humawak sa magkabilang braso ni Devlin.

"Dev!" Sigaw ko at lalapit na sana ng biglang may humablot sa braso ko.

"'Wag mong subukan lumapit sa lalaking yan!" Sigaw ng aking ama.

"Ikaw ang huwag lumapit sa'kin!" Sigaw ko pabalik at nagpumiglas ngunit bigo ako.

"Continue being a bitch or I'll kill your little bastard!" Banta sa'kin ng aking ama.

"Pakawalan mo ang boyfriend ko or else I'll be the bitch that you wanted me to be and kill your reputation in just a snap." Nilabanan ko ang nakamamatay nitong titig sa'kin. Unti unting bumabaon ang bawat daliri niya sa'king laman, pero hindi pa 'din ako nagpatinag.

Sa isang senyas lang ay binitawan nila si Devlin. Binigyan ko ito ng tingin na umalis na siya at nakuha niya iyon. Naglakad siya palabas ng pagtitipon at agad na sumunod palabas sakanya si Brandette.

"Hablaremos, perra!" Bulong ng aking ina at hinila palabas ng pagtitipon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top