Chapter 18

Chapter 18

Belle de nuit

  

Pinagbuksan ako ng pintuan ng guard at nauna akong pumasok sa kwarto at sumunod ang iba pang guards ni Zak at pinasok ang mga pinamili namin.
 

 

Umupo ako sa malaking kama at hinubad ang loafer ko at tinanggal ang aviators at malaking sumbrero na nabili namin kanina. Habang pinapasok ng mga guards ang napakaraming boxes at paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili namin ay pumasok si Luke at may dala itong napakalaking kulay puting kahon.
 

 

Pinangunutan ko ito ng noo at lumapit ito sa akin. Wala akong maalala na may nakalimutan pa pala ako, o sadyang nakalimutan ko na lang dahil sa dami ng pinamili ko?

"What's that?" Salubong ko kay Luke at inilapag ng binata ang malaking kahon sa kama.

"Box." Pamimilosopo nito. Kahit kailan talaga, tinatanong ng maayos.
 


Inirapan ko na lang ito at tinignan ang puting kahon. Tinignan ko ang maliit na card na nakatali roon at mayroong pangalan ko na nakasulat in cursive. Tinignan ko si Luke at pinilig nito ang ulo sa direksyon ng kahon, sinasabing buksan ko yon kaya iyon ang ginawa ko.
 

 

My eyes widen when I saw the dress inside the box. Maayos itong nakalatag sa malapad na kahon. Hinawakan ko ito sa manipis na strap at maingat na iniangat ang maroon velvet dress.

Sexy spike halter dress ito with deep v neck and scoop back. Napakasimple lang ng disensyo nito, plain velvet maroon but the style was breathtaking. Inilapag ko ang dress at sinuri ang long black velvet gloves sa tabi non ay may isa pang kahon, binuksan ko iyon at isang black faux open toe stiletto with six inch heels.

Napangiti ako habang sinusuri ang magandang materyales na ginamit sa sapatos. May isa pang kahon na mas maliit kumapara sa kanina, binuksan ko iyon at hindi ko napigilang mapasinghap.   


"Oh my god..." Bulong ko sa sarili at hinaplos isang set ng mamahaling jewelries. Lahat iyon ay silver, mula sa long chained necklace, hikaw, singsing at bracelet. Damn.
 

 

"Galing ba kay Zak ito?" Tanong ko kay Luke.

"Yes." He answered. Bakit naman kaya ako bibigyan ni Zak ng ganito?

 

"For what?" I asked.
 


"May auction party na dadaluhan si boss and he wants you to be his date for the night." Aniya sa matigas na punto.

 
I lightly narrowed my eyes and gave him a grin. A date? Oh well, it wasn't bad at all, I think.
 

   

"Okay." I smiled and put down the jewelries.
 

 

"Get ready, the party starts at eight in the evening." Pormal na wika ni Luke at tinanguan ko ito.

Tumalikod na ito kaya binalik ko ang tingin sa dress na susuotin ko ng tawagin muli ni Luke ang atensyon ko.

"Uhm..." Tumikhim ito bumaling ako kay Luke, "We need you to pretend Risa for tonight."
 

 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Ako magpapanggap?


Tinawanan ko ang binata at pinagsiklop ang braso sa dibdib ko, "Oh, Lukey..." Nilapitan ko ito at hinawakan sa kaniyang kwelyo.

"You can't tell me whom I gonna be. I am not an actress." Simpleng saad ko at malakas na hinila ang kwelyo niya.


"Understood?" Tanong ko at binigyan ako nito ng matalas na tingin. Marahas niyang tinaggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at nagsalita.
 

 

"Obey the command or else you want your skin soaked with that shade of the lips you have." He said in stern voice.
 


Nayanig ang pagkatao ko ng makuha ko ang ibang niyang sabihin.
 

 

"Kung ayaw mong magkulay pula ang paningin mo ngayong gabi sumunod ka na lang." Aniya at tuluyang nilisan ang kwarto at malakas na sinara ang pinto.

Napaupo ako at hinawakan ang dress na nakalatag sa tabi ko. Napatingin ako sa kahon at mayroon puting card ang nakapatong sa loob ng kahon, dinampot ko iyon at binasa ang sulat sa loob

Be my lady for tonight, my angel.

Iyon ang nakalagay sa loob ng card in cursive writing tulad ng sa card sa labas ng kahon kanina. Nag-aalinlangan akong ngumiti, parang hindi maganda ang mangyayari.

Nakatayo ako sa isang full body mirror at sa gilid don ay may malaking ring light kaya kitang kita ko ang bawat detalye ng aking suot na long dress.

Pinalikod ng isang babaeng nag-ayos sa aking kanina ang buhok ko. Inilugay niya iyon at kinulot, adding volume to my natural curls. I pursed my lips and stare at my shining blood red lips. Maarte akong pumikit at pinagmasdan ang mga mata ko na nilagyan ng kolorete at pampakinang, napangiti ako dahil sa galing ng make up artist ko, she emphasized my round eyes by adding huge amount of mascara and a heavy false eyelashes.
 

 

Sinuot ko ang black velvet gloves na abot hanggang sa itaas ng aking siko. Tinulungan ako ng isang babae na isuot ang long thin chained silver necklace sa aking leeg na abot hanggang sa aking cleavage. Sunod kong isinuot ang hikaw, singsing at ang bracelet. Pang huli ay ang faux black stiletto ko.
 


Sinipat ko muli ang itsura ko, I looked fiercer... and sexier but with more elegance. Damn, never in my life I can imagine that being sexy and elegant can combine. God, this is another life hack!
  

Dinampot ko ang maliit na purse by Chanel at lumabas na ng silid.

   
Hinatid ako ng mga guards hanggang sa lounge area ng hotel. Nang makarating na kami doon ay natagpuan ko si Zak, at ng lumapat ang tingin ko sa kanya ay halos bumagsak na ang panga ko sa itsura niya.
 


He wore this black coat and slacks, underneath is his signature white polo buttoned down to five. Revealing his full chest and a silver chain necklace hanging on his neck and metal rings to his fingers. His long curly hair was slicked back to his ear and some of his short curls was out and hanging to his forehead. He put his left hands to his pocket and he smirked, holding a cigarette stick to his red lips. Good god, he is smoking hot!


"Bonsoir, Ma dame." He greets in french. (Good evening, my lady.)

"Bonsoir, Monsieur."  Pagbati ko. (Good evening, sir.)

Ngumisi ito at tinanggal ang sigarilyo sa kaniyang labi. Heto na naman, yung puso ko parang kakawala na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.

Damn heart, calm down si Zak lang 'yan. Inilahad nito ang kaniyang braso at malugod kong ipinulupot ang braso ko sa kanya at iginiya ako nito paglabas.
 

 

Ng makapasok na kami sa kotse ay agad nitong hinapit ang beywang ko, "You're stunning, my angel." Bulong niya.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Tangina Zak, pakalmahin mo naman ako.

Bumaling ako sa kanya at halos magdikit na ang mga ilong namin dahil sa ginawa ko. Namumungay ang mga mata nito at makintab ang kulay tsokolate niyang mga mata.

Hindi ko magawang umiwas ng tingin dahil para akong nilulunod ng mga tingin niya, bumaba ang tingin nito sa labi ko kaya ganun din ang ginawa ko. Nakaawang ang mapula nitong labi, hinawakan ng binata ang aking pisngi at dumampi ang malamig na metal sa aking balat , bahagya akong napapikit sa hawak niya, this is wrong...
  

"Merci..."  Bulong ko at tinitigan siya sa mga mata bago umiwas ng tingin. Lihim akong napahawak sa dibdib ko na sobrang lakas na ang pintig.


Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ng guard at lumabas ng kotse. Tinignan ko ang paligid at sa tapat ay mayroong isang malaking bar.

Hinapit muli ni Zak ang beywang ko at inilapit sa kaniya at nagsimulang maglakad. Napalilibutan kami ng mga men in black ni Zak. Sa tabi namin ay nandoon si Luke at pormal din ang kasuotan nito tulad namin.


Nang makarating na kami sa entrance ng bar ay naunang lumapit si Luke at may iniabot ito at may binulong sa matangkad at maskuladong marshall ng bar. Maingay sa loob ng bar at tumatagos ang malilikot na neon lights hanggang sa labas.

Tumango ang marshall at pinauna kami ni Zak na makapasok. Pagpasok namin ay parang may riot sa loob ng lugar, lahat ay nagsisigawan at nagsasayawan. Ibat-ibang amoy ang mayroon sa paligid. Halos magiba na ang lugar dahil sa malalakas na hiyawan ng mga pakawalang kabataan sa entablado.

Akala ko ay kukuha kami ng table dahil akala ko ay ito na ang party pero dinala kami ng guards ng bar sa isang madilim at mas tahimik na hallway. Tulad kanina ay nauna si Luke at kumatok sa mataas at bakal na pintuan, muli bumangad na naman ang isang marshall. May inabot na naman si Luke na parang invitation card, ng makita na ng marshall ay agad kaming pinapasok.

 

A french pop music greeted my ears, mas tahimik at mas klasikal ang paligid dito. I've never thought the venue was in a speakeasy.

Indistinct chatters of different socialite and businessmen filled the air as we walked down the crowd. May mga waiters na palakad lakad at may dalang tray na may lamang alak ang mga ito.

"Where are we?" I ask.

"Belle de nuit."  Zak answered.
 

 

Kumuha ako ng champagne sa isang waiter na dumaan at nilanghap iyon bago sumimsim.

"This is nice." Komento ko kay Zak.
 

 

Naglakad na kami at nag-scatter muli ang mga guards ni Zak at nanatili naman sa aming tabi si Luke. Agad na may sumalubong na matandang lalaki kay Zak. He look in his 70's with those thick white beards and huge beer belly underneath his yellow polo and tanned skin.
 

  

Habang kinakausap ni Zak ang lalaki ay bumulong sa akin si Luke.
 

 

"Remember what I said. Pretend to be Risa." Aniya, crap.
 

 

Inirapan ko ito at hinila niya ang siko ko, "Hey, understood?" He spoke.
 

"I know..." Giit ko at binawi ang siko ko.

 

Habang nakikipag-usap si Zak ay mas kinapitan ko pa ang braso ng binata habang nagmamasid sa paligid. Napansin ko ang kakaibang titig sa akin ng matandang kausap ni Zak. Nilabanan ko ang tingin nito at bigla itong ngumiti.

"How are you, Risa?" Bati niya at ngumiti ng nakakaasiwa.

 

Bahagya akong natigilan dahil hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. Shit, ngayon na ba ako magpapanggap?
 


Humigpit ang hawak ni Zak sa beywang ko at tumikhim ito na tila kinukuha ang atensyon ng matanda pero hindi natinag ang manyak na tingin ng matanda.
   

Tinapik ni Luke ang siko ko kaya natauhan ako, "Fine, I guess." Tumingin ako kay Zak bago muli sa matanda.


"How about you, Mister...?" Tanong ko tumawa ang matanda bago tumingin ng nakakamanyak.

 

"Mr. Dela Cruz, señorita." Aniya sa mala-espanyol na punto. Ngumisi ako kahit na naasiwa ako sa tingin niya.
 

 

"I'm fine." Patuloy niya.

  

"How's your business going, Mr. Dela Cruz?" Ani ko na animo'y kilala ko na ito noon pa man.

  
The old man chuckled, "Doing fine, doing fine, my dear." He sips with his martini.
 

I nodded and shakes my glass a bit, "How about you, still in with your business?" Makahulugang tanong niya.
 

 

Hindi ko iyon agad nakuha, mas humigpit ang hawak ni Zak sa akin at tumiim na ang bagang niya. Nadidilim na rin ang mga mata nito at napakasama na ng tingin niya kay Mr. Dela Cruz pero hindi natitinag ang matanda.
 

 

Nginitian ko ito, "I'm out with my old business, I decided that I'm focusing more with my partner." Sagot ko.
 

 

"Right, Zak?" Tanong ko at bumaling sa binata at niyakap ang dibdib niya.

   

"Yes." Matigas nitong wika, still his terrifying gaze fixed with the old man.

   

"Lovebirds, eh?" Ani ng matanda at humalakhak at itinaas ang kopita.
 

 

"Me and my husband are heading to our tables, so, nice meeting you again Mr. Dela Cruz." I know that may sound rude but I need to get rid of his disturbing stare.
 

 

Inilahad ko ang kamay ko, "Too much formality, but, nice meeting you." At tinanggap ang kamay ko.
 

 

Inilapit ako ng matanda sa kanya at bumulong, "Hoping you could perform your service with me soon, outsight to your husband's..." Bulong niya at pinisil ang kamay ko at diniin ang hinlalaki sa palad ko.

   
Nanlaki mata ko sa ginawa niya kaya agad akong humiwalay. Tinapunan ako nito ng nakakamanyak na tingin bago umalis.

   

"Mauna ka na." Bulong ko kay Zak.   


"And where do you think your going?" Seryosong tanong nito.
 

 

"Powder room." Sagot ko at tinalikuran na siya. Hindi na hinintay pa ang sagot niya.

  

Nang makalayo na ako ay umupo ako sa stool sa bar section ng speakeasy. Gusto kong masuka sa pinagsasabi ng matandang yun kanina nang mapagtanto ang binibigay nito mensahe sa akin. Kaya pala ganun makatingin sa akin.
 

  

Nag-order ako ng isang mocktail drink sa bartender at tahimik na umupo sa gilid habang ang lahat ay nakikipag usap at nakikipag plastikan. Kaya ayoko sa ganitong pagtitipon, puro kaplastikan at pera lang ang nangyayari.

"Well, well, we meet again, Risa." Natigilan ako ng marinig ko ang english slang ng isang babae.
 

 

Tinignan ko ito at may dala itong kopita na may champagne. She had this short low neck silver dress lengthing down to her mid thigh showing her porcelain long legs. She sat down beside me and flipped back her long black silky hair tied in a high ponytail. I looked at her eyes and it was in deep brown with yellow outlining. Those eyes were reminded me of someone...
   

I don't know why but looking at her she seems like the bitch in every highschool campuses.
 

 

Mas nairita ako ng pinaharap naman niya ang buhok niyang napakahaba at tumama iyon sa braso ko, parang buhok ng kabayo, nakakainis. Ngumiti ito sa akin and it's legitimately a fake smile.
 

  

Inilapag ng bartender ang mocktail drink ko at sumimsim ako roon.

"How are you, Risa?" She ask in high pitched voice.
 

 

"I'm fine." Tipid kong sagot. I can sense she's a bitch, kaya wala akong panahon makipag-usap sa kanya.
 


"Too grumpy, huh." Komento niya habang may ngisi sa labi.
 

 

"Not in the mood." Sagot ko at nginitian ito ng bahagya.
 

 

Hindi pa rin naalis ang nakakabwisit na ngiti sa mukha niyang matigas ng magsalita siya.

   

"Why? Does you and Zak had a little fight?" She asks sounding worried. Tss, fake as her boobs.

  
Tinignan ko lang ito at walang imik na uminom, "You know what, Risa? I'm still a friend of yours and if you want you and Zak get fix together then you have my help." She said.

 
Humarap ako sa kanya at pinangunutan ng noo ito. "What do you mean?"

Tumawa ito na parang ibong sinasakal kaya napapikit ako sa ginawa niya.
 

 

"Oh my Risa..." She said, "You know what I'm saying." She winked.
 

 

Binigyan ko ito ng tingin na 'kung alam ko ba magtatanong ba ako?' look.
 


Nakuha niya ang tingin ko at tumikhim ito at lumapit pa sa akin, "Like the good old days, Risa. We will just talk... you know in bed." Aniya.
 

 

Nag-init bigla ang ulo ko sa kaniyang sinabi. Is she even real? Alam na niyang may asawa si Zak gusto niya pa makipag-sex kay Zak? Okay, alam kong nagpe-pretend akong si Risa, but the thought that this bitch knew Zak had a wife. Doesn't she have a class?   


"Who are you, miss?" Tanong ko at pinaningkit ang mga mata.
 

 

"You forgot me already?" She raised a brow and smirked.
 
Risa had a unfortunate life. Hindi na'ko magtatakha kung bakit sa umalis sa poder ni Zak.


"It's me, Bella!" Pakilala niya like an old friend.
 

"Zak's ex-lover..." She whispered. Natawa na lang ako. Desperate ex alert!
 

 

"Bella? Hmm?" I acted like I'm thinking where the hell she comes.
 

 

"Ah! I'm sorry, I didn't remember you." Utas ko ng may panunuya.
 


Bahagyang bumagsak ang ngiti nito .

  

"Well, let me remind you. Zak's mine." Aniya kaya't napairap na lang ako. Ano bang pinaglalaban niya?

  

"And watch me how I steal your husband." Tumayo ako kaya't tumayo 'din siya. Mas matangkad itong 'di hamak sa akin pero hindi ako papasindak.

  

"Oh, let me rephrase that for you." I point my finger to her.

   

"Watch me, how Zak chase after me." Tinaasan ko ito ng kilay at binigyan ng masamang tingin. Bahagyang tumiim ang bagang nito.

   

"And I remember you already" I smirked.
 

 

"You are the desperate crazy bitch with fake boobs who always chasing after him." Saad ko ng may panunuya.

 
I caught her off guard, lumalim ang lalamunan nito at collarbone hudyat na malalim ang paghinga niya. Tumalim din ang tingin nito at kumuyom ang kamao.

  

"When did he say that?" She asks in gritted teeth.

 
Nilagok ko ang mocktail drink ko at malakas itong ibinagsak sa mesa. Lumapit ako kay Bella the bitch at bumulong.

   

"During pillow talk." Lumayo ako at nginisian ito.

  
Her jaw clench, "Bitch, I will kill you!" She said through gritted teeth.

  

"Señora, Zak is looking for you." Biglang dating ni Luke.

   
Binalingan ko ito at masama itong nakatingin kay Bella, habang ang babae ay nakatingin lang sa malayo.

  

"Sure." Ngiti ko kay Luke.

"Nice chatting with you, but my husband is looking for me." I said emphasizing the husband word.

   

"Ciao, Bella." Paalam ko sa malambing na boses at sumama kay Luke.

   

"You should not talk to her." Wika ni Luke.

   

"Why?" I asked though I felt something.

   

"She is Sir Zak's ex- girlfriend." Aniya at hindi na ako nagulat.

   

"I'm not shocked." Pag amin ko.

   

"And she's dangerous." Banta ni Luke which risen a question to my head.

   

"How can you say?" I ask.

   

"Because she's desperate, Talya." Wika ni Luke.

"Desperate people are the dangerous one." He said like a warn.

   

"And she's a total bitch." Habol niya pa.

  

"Welcome to Belle de nuit, ladies and gentlemen." Wika ng host sa gitna ng entablado.

 
Napangisi ako sa huling sinabi ni Luke. "My senses are telling me the truth." I said and walk through the ocean of socialites.

  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top