Chapter 15
Chapter 15
Bad blood
Napakunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko ng makitang maraming naka maid na uniform sa hallway. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at pinagmasdan ang mga babaeng busyng busy sa paglilinis.
Lahat sila ay may suot na black and white dress na pang maid, ang iba ay may hawak na microfiber cloth, window cleaner, at brush. Abala ang mga babae sa paglilinis at ang dami nila.
Pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tinahak ko ang mahabang hallway at tumungo sa library ng mansyon kung saan ko unang nakita si Zak na humihingig.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Luke. Nang makita niya ako agad itong sumimangot at lumihis ng daan.
"Luke!" Tawag ko at tumakbo palapit sa kanya at hinila siya.
"What?" Naiirita niyang tanong.
"Where's Zak?" Tanong ko at binitawan siya.
Pumihit ito paharap sa akin at pinagpag ang braso niya na hinawakan ko na para bang ang dumi ng kamay ko. Napakaarte nitong hayop na 'to pinagmumukha akong madumi.
"Mukha bang hawak ko siya?" Aniya at tumalikod na naman pero napigilan ko.
"Come again?" Tanong ko.
Marahas itong bumuga ng hangin bago bumaling sa akin, "He's out for business."
Business? May business pala si Zak? Anong business kaya?
"What kind of business he has?" Tanong ko.
"Wala ka ng pake 'don pwede ba." Masungit nitong tugon. Napakasuplado naman ng isang 'to.
Pinaglagpas ko iyon at hinayaan na lang ang kasupladuhan niya. Hindi naman inaano nagsusungit ang letse.
"Since Zak is out of sight. I bet he assigned you to look after me." Wika ko at pinag krus ang braso sa harap ng dibdib ko.
He narrowed his eyes and hissed. Ang laki ata ng problema ng isa nito sa akin.
"Ano naman?" Aniya. Napakasungit talaga!
"Anong ano naman? Susundin mo ang ipapagawa ko sa'yo!" Pagsusungit ko pabalik.
Umiling ito at bahagyang tumawa, "Kung nasa isip mo ang pagtakas dito, pwes di ako tanga."
Napairap ako sa pinagsasabi niya. Napaka judgemental naman nitong gagong 'to. Nginitian ko ito ng peke dahilan upang lalo siyang mainis.
"Gusto ko na ipaghanda mo ako ng upuan at tsaa sa garden. I want fresh air." I commanded and walk past by him.
"Where do you think you're going? Hindi d'yan ang daan papuntang garden." Aniya.
Humarap ako at nginitian siya. Nagiging instant actress ako kapag kaharap ko 'tong gagong 'to eh. Napatiim ang bagang nito kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko.
"Hihiram ako ng libro sa library." Inilagay ko ang kamay ko sa magkabilang beywang ko.
"For what?" Aniya kaya napairap ako. Talaga bang mahirap magkaroon ng common sense?
"Para ipalo sa mukha mo." Nagtaas ako ng kilay.
"Para may mabasa, obviously." I sarcastically said and emphasizing the word obviously.
He puffed an air and shakes his head, "Ako na kukuha ano bang genre gusto mo?"
"Romance, please." Ani ko at nginisian ang binata. He remained stoic and walk past by me.
Ilang sandali ang lumipas ng lumabas siya sa silid at may hawak itong kulay blue hardbound na libro. Nang makita niya ako inilahad niya yon sa akin kaya't inabot ko naman.
Binasa ko ang title One minute to love. basa ko at nag-pout.
"Hmm, quite interesting." Ani ko at bumaling kay Luke.
"Get ready my chair in the garden." Tinapik ko ang balikat nito at tinalikuran siya.
Humarap muli ako, "Don't forget my tea, please." Wika ko.
"Yeah." He said in bored tone.
"Pardon?" Tanong ko at nagkunot noo. He sighed and rolled his eyes.
"Yes, señora." Aniya ng napipilitan kaya napangisi ako.
"Good dog." Wika ko at tinalikuran siya. Rinig ko ang malutong niyang pagmumura sa pagitan ng mararahas niyang paghinga.
Napangiti ako ng makita ang isang outdoor sling lounge chair sa lilim ng isang matayog na puno. Hinubad ko ang tsinelas ko at naglakad ng nakayapak palapit sa upuan. Dinama ko ang nakakaliting pakiramdam ng mga damo sa talampakan ko. Inilapag ko ang tsinelas ko sa tabi ng maliit na mesa sa tabi ng lounge chair. Inilapag ko ang libro sa maliit na mesa at komportableng umupo sa mahaba at malambot na upuan.
Napangiti ako ng maamoy ko ulit ang refreshing and sweet smell ng paligid. This is nice, sinuot ko ang shades ko at binuklat ko ang libro at nagsimulang magbasa. Dinama ko ang kapayapaan ng lugar, yung hampas ng hangin ang huni ng mga ibon. This is perfect. Sobrang tahimik dito kaya hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nagbabasa.
Naamoy ko ang aroma ng chamomile tea kaya napadilat ako at hinanap kung saan nanggagaling ang aroma. Nakita ko si Luke na nagsalin ng tsaa sa tea cup, hinubad ko ang shades ko at ipinatong ang libro sa mesa.
"Thank you, Lukey!" Wika ko at inirapan lang ako ng nito.
"What's with the maids all around the mansion? Anong ginagawa nila?" Tanong ko.
Sinamaan ako ng tingin ng binata bago magsalita, "Ano ba sa tingin mo ginagawa ng mga maid?"
"Naglilinis." Mabilis kong sagot.
"Alam mo naman pala bakit ka pa nagtatanong?" Aniya. Napapikit ako ng ma-realize ko ang ibig niyang sabihin.
Tumalikod ito at nagsimula ng maglakad. "Why are you treating me like this?" Kalmado kong tanong.
I was really curious, dahil galit siya at parang ang laki ng kasalanan ko kung pakitunguhan niya ako. To be honest, he's not the only one treated me like that. A lot of people way back, but I tried my best to ignore them and it work but deep in my insides I was asking why do they hate me? Is it because of my attitude? My presence? Existence? Or is just me being me?
Humarap ito at binigyan ako ng seryosong tingin, "Isn't obvious?" Aniya sa sarkastikong tono.
"That what?" I asked back.
"That I hate you and I don't like you." Aniya. I chuckled and fold my shades.
"I know, isn't obvious?" Tanong ko pabalik.
"What I am asking is why do you hate me? Why do you have this bad blood over me because as far as I know I've never done anything on you." Kalmado pero seryosong saad ko.
Naglakad ito palapit sa akin. Itinukod niya ang kamay niya sa arm rest ng kinauupuan ko at masamang tumingin sa akin. Aaminin kong nakakasindak ang tingin niya pero hindi ako kinakabahan. Unlike Zak, napapayanig niya ang sistema ko at halos kapusin na ako ng hininga.
Matapang kong sinalubong ang tingin niya ng tuluyan ng makalapit sa akin si Luke.
"I have a bad blood with you because badness is overflowing through your blood and veins, Talya Allegro." Aniya sa malalim at galit na boses. Napansin ko ang pagdiin niya sa apelyido ko.
Natakot ako sa nakita kong pagdilim sa kaniyang mga mata. Pakiramdam ko kayang kaya na niya akong saktan ngayon. Napasinghap ako ng mapagtantong alam niya ang apelyido ko.
Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na ako nito.
"Be grateful you are here." Aniya at iniwan akong nakatulala doon.
I still don't get it. Does he hate me for being an Allegro? But why?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top