Chapter 14
Chapter 14
Kanta
"Well, well, well. Seems like everyone is having a good time." Bungad ko sa dalawang binata na nagtatawanan sa dining table.
Nang hugutin na ni Luke ang syringe sa braso ni Zak ay napatingin sa akin si Zak.
"Good morning." Bati ng binata. Binigyan ko ito ng ngisi bago lumapit.
"Okay ka na pala." Sarkastikong wika ni Luke at tinignan ako from head to foot.
Humarap ako sa kanya at humalukipkip at hinead to foot din siya.
"I'm fine, Luke. Ikaw ba? Okay ka lang?" Nang-aasar kong tanong at tinaasan siya ng kilay.
Tumiim ang bagang nito, bumuka ang bibig nito pero natigil siya sa pagsalita ng tumikhim sa likod ko si Zak.
"I'm fine." Pekeng ngiti ng binata.
"Aww... That's good to hear." Wika ko sa natutuwang tono at hinawakan ang braso niya.
"Bitch..." He hissed and walk past by me.
"Let's eat." ani ni Zak.
Umupo ako sa aking upuan at inilatag ang puting tela sa aking kandungan at nagsimula ng kumain. Habang tahimik kaming kumakain ay dumating si Luke at inilapag ang isang pitsel na may lamang juice at ang isa naman ay tubig lang.
Tumikhim ako at kinuha ang baso sa tabi ko na walang laman. Iniabot ko iyon kay Luke pero hindi niya iyon pinansin at nilagyan si Zak ng tubig sa kanyang baso. Bahagyang nagngitngit ang ngipin ko sa inaakto ng lalaking 'to.
"I want juice, please." Request ko. Nilingon ako ni Luke at binigyan ko ito ng matamis na ngiti kahit na sobrang sama na ng tingin nito.
Bumaling ito sa baso na hawak ko bago tumingin ulit sa akin " Hindi ka ba marunong magsalin sa baso?" Masungit nitong wika.
Napasinghap ako sa ginawa niya at tinignan ko si Zak, "Zak, oh..." Madrama kong tawag sa binata.
Napatigil si Zak sa pagkain at tumingin sa akin ng nagtataka.
"Si Luke ayaw akong salinan ng juice..." I pouted at narinig ko sa gilid ko ang pagmumura ni Luke.
"Luke," Tawag ni Zak kay Luke. Nakita ko ang pagdaloy ng tensyon sa katawan ni Luke ng tawagin siya ng panginoon niya.
"I didn't hear her, Boss. Forgive me." Palusot ni Luke. Tumango naman itong uuto uto niyang boss. Tss, punyeta.
"Give her everything she wants, Luke. All she demands." Wika ni Zak. Napasinghap naman si Luke at ako naman ay tumingin kay Luke ng may nang aasar na ngiti.
Bagsak ang mukha ni Luke ng magsalin siya ng juice sa baso ko. Pagkatapos niya magsalin ng juice ay mapang asar akong nagpasalamat sa binata. Humigpit ang hawak nito sa pistel at halos mabali na niya iyon sa higpit ng hawak niya.
Humagikgik ako sa reaksyon ni Luke. Nang mapansin kong tumalikod na si Luke ay tinawag ko ito.
"Luke, nag-breakfast ka na ba?" I said in high pitched voice. Napatigil si Luke sa paglalakad, he looked over his shoulders at nagtama ang tingin namin.
"I'm not hungry..." He said in gritted teeth, I giggled and spoke again.
"Then stay. Gusto namin ni Zak ng kasama." Wika ko.
Humarap si Luke at nakatiim ang bagang nito. Gumagalaw ang panga nito habang naglalakad palapit sa gawi namin ni Zak. Tumayo ito sa gilid namin at tahimik kaming bumalik sa pagkain.
Nilagok ko ang juice ko at tinignan ulit si Luke.
"Luke..." Tawag ko sa pakanta na tono. Napapikit si Luke ng marinig iyon kaya napahagikgik muli ako.
"Juice please..." Nag puppy eyes ako at nginisian siya. Bumuga ito ng marahas na hininga bago lumapit sa mesa at sinalinan ang baso ko.
Habang nagsasalin siya ay pasimple kong inilaglag ang tinidor ko habang nakapangalumbaba. Nang kumalansing ang tinidor sa sahig ay napatingin si Luke sa akin. Kunyari akong nagulat ng makita ang tinidor sa sahig.
"Omg! Nahulog! Can you pick it up for me?" Wika ko kay Luke.
"Hindi ka ba marunong magpulot?" Galit na wika ni Luke sa akin.
I fake a gasps and looked innocently at Zak, "Zak, he shouted at me... is he mad?" Painosente kong tanong kay Zak.
Tumingin si Zak sa akin bago bumaling kay Luke, "Luke..." Zak said in a stern voice.
Bumuntong hininga si Luke bago yumukod at pinulot ang tinidor ko. Ngumisi ako at inilahad ang kamay ko. Pero bago pa niya inabot sa akin ang tinidor ay tinapakan niya iyon at kinaskas sa ilalim ng swelas niya.
"Here's your fork, Talya." Sarkastikong wika nito at ngumiti pa ng nakakaloko.
Ngayon ako naman ang tumiim ang bagang. Nakakabwisit talaga itong lalaking 'to. Napakababoy.
"Luke..." Tawag ko ng kumalma na ako sa ginawa niya sa tinidor ko.
"Napansin ko na may tawag ka kay Zak which is 'Boss' and as your lord's angel, gusto ko may tawag ka rin sa akin." Tinignan ko si Zak na nakayuko lang bago ako bumaling kay Luke.
"I want you to call me señora from now on." Ani ko ng nakatingin kay Luke na mukhang tanga na nakatayo.
"Ang kapal naman ng mukha mo." Aniya at bumaling sa akin.
I fake a gasps again and put my left palm onto my chest with wide eyes.
"Luke anong sinabi ko sa'yo?" Utas ni Zak at inilapag sa gilid niya ang serviette.
"But, boss, that is too much! She's not the real Risa—"
"Do everything that pleases her, Luke." Wika ni Zak sa matigas na boses.
"Yes, Sir." Mabilis na sagot ni Luke.
"Luke, pwede mo ba akong ilabas dito sa bahay na 'to?" Ngayon ay tumuon naman ako kay Zak na dumilim na ang mukha.
"Oh, yes señora! Basta ba huwag ka ng bumalik—"
"No!" Napatalon kami ni Luke ng malakas na ibagsak ni Zak ang kamay niya sa mesa.
"You are not going anywhere!" Wika nito sa akin.
"What? You said that Luke will do everything that pleases me, right?" Maang maangan ko.
"Going out in this house without my permission is the only exception." Saad nito.
Ayos ah, do everything that pleases her pang nalalaman tapos may exception. 'Di ata alam neto ang meaning ng everything eh.
Dahil wala na akong maisagot pa kay Zak ay inirapan ko na lang ito at bumalik na naman kami sa katahimikan ng paligid. Nang hindi ko na matiis ang nakakabinging katahimikan ay binasag ko iyon ng magsalita ako.
"Wala bang speaker dito or music player?" Tanong ko at luminga linga sa paligid.
"None." Simpleng sagot ni Zak.
Dapat mayroon silang speaker dito, hindi ba sila naririndi sa katahimikan ng dining hall na 'to? Sa sobrang tahimik sumasakit na tenga ko sa matinis na ugong sa paligid eh.
"Gusto ko ng music." Saad ko pero hindi natinag ang dalawa at si Zak ay patuloy lang sa pagkain at si Luke na mukhang tanga pa rin na nakatayo sa gilid namin.
"Luke..." Tawag ko.
"What?" Masungit nitong tanong. Napatingin ako sa kanya at tumikhim naman si Zak.
"Yes, señora.?" Ulit nito ng hindi ako tinitignan. Napangiti ako sa pagiging obedient niya. Good dog.
"Do you play any instruments?" Tanong ko.
"No, señora." Aniya sa masungit na tono.
Tumango tango ako, ilang sandali ay may pumasok na naman sa isip ko. Kung hindi marunong tumugtog edi kaya niyang kumanta.
"Luke?" Tawag ko ulit.
"Yes, señora?" He hissed. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang ngiti ko.
"Please sing for us." Wika ko at naramdaman ko ang masamang tingin ni Luke sa akin.
"What the fuck—" Prostesta niya pero pinigilan ko iyon ng tawagin ko si Zak.
"It's part of your responsibility, Luke. Gusto ko rin marinig ang boses mo kapag kumakanta." Saad ni Zak.
"Pero hindi ako marunong—"
"Luke." Matigas na tawag ni Zak sa pangalan niya. Tumigil na ito sa pagprotesta at nagsimulang kumintab na ang kaniyang itim na mga mata. Naiiyak na ba siya?
"Tss, kaya mo 'yan." Gatong ko.
Tinapunan ako nito ng masamang tingin bago bumuntong hininga.
Tumikhim ito at sandaling nag-vocalizing pa ang binata. Bumaling ako sa pinggan ko at nilaro laro ang pagkain ko habang pinipigilan ang tawa ko. Tumingin ako kay Zak na nakalagay ang nakayukom na kamay sa labi niya habang namumula ang tenga at nakatulala.
Nang magsimula ng kumanta si Luke ay napapikit ako sa pangit ng boses nito. Parang kwago na sinasakal na hindi mo maintindihan. May takas na hagikgik ang lumabas sa labi ko kaya sumubo ako ng ham sa bibig ko, lumingon ako kay Zak na sumimsim sa kaniyang kape at pilit na itinatago ang ngiti niya.
Nagkatinginan kami Zak at parehas kaming natatawa sa boses ng kwagong sa tabi namin. Pero hindi na namin napigilan ang tawa namin ng biglang pumiyok si Luke sa kanta niya.
"Pfft! Oh, shit!" Tawa ko ng maibuga ko ang ham sa bibig ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at pinunasan iyon.
"Fuck!" Tawa ni Zak ng maibuga niya ang kape niya at halos lumabas na iyon sa ilong niya.
Sabay kaming humalakhak ni Zak ng paglakas lakas at hindi na namin napigilan pa ang tawa namin. Para kaming tanga na tawa ng tawa at ako naman ay napahawak na sa tyan sa kakatawa, si Zak naman ay napapalo na lang sa kahoy na mesa habang humahalaklak.
"Anong boses ba y-yan!" Wika ko ng natatawa at pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko.
"Ang pangit—pangit ng boses mo, gago." Wika ni Zak kay Luke. Naluluha na si Zak sa sobrang pagtawa.
Tinignan namin si Luke na namumula na sa kinatatayuan niya at halos paiyak na sa panglalait namin sa boses niya.
"Tangina! Magsama nga kayo." Dinig kong bulong ni Luke at nilayasan kami habang kami ni Zak ay humahalakhak pa 'rin sa piyok niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top