Chapter 13

Chapter  13

Hot Compress

    
Namilipit ako sa sobrang sakit at halos tumili na ako sa kirot. May luhang pumatak mula sa'king mata. Pinunasan ko iyon at tinignan ang kamay ko na punong puno ng dugo...

Agad akong napaimpit ng tili sa kirot na biglang dumaloy sa puson ko. Hinubad ko ang shorts ko na punong puno ng dugo at bwisit na bwisit na binalibag iyon sa gilid. Pagkatapos kong maghugas ay pinaluputan ko ng tuwalya ang beywang ko at lumabas ng banyo.

Para akong otsenta anyos na babae kung maglakad dahil nakayuko ako dahil sa sakit ng puson ko. Binuksan ko ang duffle bag ko at umiimpis na ang laman na damit non. Kumuha ako ng panloob at shorts, binuksan ko ang isang balot ng pasador at kumuha ng isa roon. Nang matapos na ako magpalit ay humiga na ako at pinatay ang ilaw.

Tinaklob ko ang kumot ko hanggang sa aking leeg at tumagilid habang nakahawak sa kumikirot kong puson. Kamalas nga naman, tatlong araw pagkatapos mamaga ng paa ko ito naman at dinatnan ako.

Tumingin ako sa wall clock at alas kwarto pa lang ng madaling araw, pinagmasdan ko ang kurtinang lumilipad mula sa bintanang nakabukas, umiihip roon ang malamig na simoy hangin mula sa labas. Biglang pumasok sa isip ko si Manang Helen. Kapag ganito kumikirot ang puson ko hinahatiran niya ako ng gamot kahit anong oras pa iyon. Narinig ko ang pagkalam ng sikmura ko, napapikit na lang ako. Kapag naman nagke-crave ako ay hinahatiran ako ni Dev ng pagkain na gusto ko at dadalhin sa akin iyon ni Manang Helen dahil sa tago naming relasyon.

Humigpit ang hawak ko sa t-shirt ko ng kumirot na naman ang puson ko. Namiss ko bigla ang mansyon, si Manang Helen. Yung pag aalaga niya. Si Devlin...

Kamusta na kaya siya? Panigurado nag-aalala na si Devlin sa akin. Sinabi kaya ni Manang Helen na si Dev ang kasama ko? Kamusta na kaya sa mansyon? Nag-aalala kaya sila sa akin? Si mom at dad?

Bigla akong tinamaan ng pagsisi sa katawan. Sabi ko noon hinding hindi ako magsisisi kapag umalis na ako sa mansyon, pero ngayon... nami-miss ko na sila.

Pinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong pinagsasabi ko? Pinili ko ito, ang umalis kaya dapat panindigan ko iyon. Tsaka kung babalik man ako ay ganun at binalikan ko lang ang dating buhay ko na gusto ko ng takasan noon pa man.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa nangyayari sa labas, lalo na kay Dev. Paniguradong ginigisa siya ng mga magulang ko dahil sa paglayas ko at ngayong hindi kami magkasama ay mas lalong nagkanda letse letse na ang lahat.

Heto ako ngayon, wala akong magawa at nakulong ako sa mansyon ng isang lalaking nagngangalang Zak. Palaisipan pa rin sa'kin ang pagdukot niya sa'kin pero kahit na ganun wala pa namang nangyayaring masama sa'kin sa pamamalagi ko rito ng isang buwan, maliban na lang sa sariling katangahan ko kaya ako nasasaktan.

Five months more, makakaalis na ako dito. But that's too long, maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago. Baka pagbalik ko hindi na pala katulad ng dati ang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Ang daming bagay ang pumapasok sa isip ko, tulad na lang ng pagtakas sa lugar na ito. But deep in my insides I knew it will be useless, kailangan ko na lang magpasensya sa nangyayari.

Pumikit ako upang alisin ang mga bagay na umiikot sa loob ng isip ko. Nagsisimula na naman akong mag-overthink, this is bad, I should remain my mind straight.

Humigpit ang hawak ko sa makapal kong kumot at isinubsob ang mukha ko sa malambot na unan at hinayaan ang sarili na lukubin ng antok at katahimikan.

"Breakfast is ready..." Soft knock appeared and a faint voice spoke on the other side of the wooden door.

I groaned and slightly opened my eyes. Tumingin ako sa orasan at alas siyete na ng umaga. Hindi ako sumagot hanggang sa marinig ko na lang ang papalayong tunog ng metal taps. I took a deep sigh at sinubukang tumihaya, napangiwi ako ng kumirot na naman ang loob ng puson ko. Parang may libo libong karayom na tinutusok ang laman ko.

Napaaray ako at kinagat ang labi ko. Sobrang sakit, hindi ako makakababa nito para kumain. Gutom pa naman din na ako. Para akong hipon na namimilit sa sakit, kaya ang hirap maging babae eh. Bukod talagang pinagpala ang mga babaeng hindi sumasakit ang puson kapag dinadatnan.

Halos mapunit ko na yung bedsheet ko ng sumalakay na naman ang kirot. Tinakip ko ang unan sa mukha ko at doon impit na tumili. Ang sakit, lalo na't wala pa akong iniinom na gamot pangpahupa ng kirot.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sakit ng puson ko.
   

"Lunch is ready..." Boses iyon ni Zak.

Hindi ako gumalaw ni isang pulgada mula sa pagkakatagilid ko. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Masakit na nga puson ko tapos sumabay pa ang pagkamiss ko sa boyfriend ko. This is double kill.

"Hey...?" Ani ng boses mula sa labas pero wala na akong lakas upang sumagot.

"We'll go shopping today." Aniya.

Kahit gusto kong ma-excite at tumakbo palabas ng kwarto ito ay hindi ko magawa. Mahiga nga ng tuwid di'ko magawa tumakbo pa 'di ba?

Hindi pa rin ako sumagot at tumingin lang sa kawalan. Bahala ka d'yan, masakit puson ko.

The knob clicks and the door creaked open. Bahagya kong ginalaw ang ulo ko sa gawi ng pinto pero hindi ko iyon makita ng maigi dahil hirap akong gumalaw. Bumalik ako sa pagkakaharap sa bintana.
 

"Are you awake?" Tanong ni Zak. 'Ay hindi, nananaginip akong dilat. Try mo din maganda kaya.' gusto kong sabihin 'yan ngunit masyado na akong drain sa sakit ng puson ko para barahin pa si Zak.

Bumuntong hininga na lang ako at hindi siya tinignan. Naramdam ko ang paglalim ng kama sa tabi ko, agad kong naamoy ang matapang niyang pabango pero nakakaadik amuyin yung tipo ng pabango na matapang pero kaya mong amuyin buong araw. Nakakaadik, nakakaakit.

"May problema ba?" Aniya sa mahinang boses.

Gusto kong maging in denial at sabihing 'Walang problema unless na lang ng dinukot mo ako at dinala dito sa bahay mo.' pero hindi ko pa rin ginawa.

Kahit na napaka-common sense ng mga tanong niya binalewala ko na lang. Maingat akong lumingon sa kanya at tinignan siya, agad na kumunot ang noo nito.
 

"Your eyes are swollen. Why are you crying?" Aniya ng may pag-aalala sa boses.

Napatitig ako sa mga mata niya, it helds worried emotion. Parang may kuryenteng ginulat ako ng ma-realize na hindi lang basta pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. May kislap iyon ng sinseridad.

Napaiwas ako ng tingin, "Sumasakit yung puson ko, yun lang." Simpleng saad ko.

"Do you need anything?" Aniya at hinawakan ang braso ko.

Agad na namang dumaloy ang kirot sa puson ko kaya napangiwi ako.

"Medicine... for dysmenorrhea..." Wika ko ng nahihirapan.

"Got it, s-stay— stay here." Wika niya at mabilis na nilisan ang kwarto.

Ilang minuto ang lumipas ng bumukas ang pinto at may dalawang boses ang nagtatalo.

"Believe me this is the banana she should—"

"Fuck! Be quiet, she's resting!"   

"Boss, believe me this will help."

"Make sure it will, dumbass."

Napairap ako ng nagpatuloy sila sa pagtatalo kaya maingat akong bumangon. Mabilis na lumapit sa akin si Zak at inalalayan akong makasandal sa head board ng kama.
   

"I brought you food, for sure your hungry already." Ani Zak.

Nang marinig ko ang salitang food ay agad akong nakaramdam ng gutom. Tinignan ko si Zak pero wala itong hawak na pagkain.
   

"Nasaan yung sinasabi mong dala mo?" Tanong ko.

Agad lumingon si Zak at nakita ko si Luke na dala ang isang tray.
   

"Bring it here." utos ni Zak.

Masama ang tingin sa akin ni Luke at hindi ito gumalaw kaya sinamaan ko rin ito ng tingin.
 

"Bring it here, dumbass! Ano bang ginagawa mo?" Iritadong wika ni Zak. Napatalon ng bahagya si Luke at naglakad palapit sa amin at inilapag ang tray sa bedside table.

Nginitian ko ito at tinawanan, "Tss.." Inis na bulong ni Luke.    

"I bring you soup that," Bumuntong hininga ito. "That boss cooked, and medicine and a banana that I refer to solidify your stool." Aniya.

Naguguluhan ako sa huling sinabi nito. Tinignan ko si Zak at Luke. Anong pinagsasabi nito?  

"Anong pinagsasabi mong solidify my stool?" Nagtataka kong tanong.

"Kapag may diarrhea ka may saging na pampatigas ng tae alam mo ba 'yon?" Aniya sa sarkastikong tono.

"Diarrhea?" Tanong ko at tinignan si Zak. Tinignan din ako nito ng nagtataka.

Dinampot ko ang gamot sa gilid at gamot iyon pang diarrhea nga.


"Dysmenorrhea ang meron ako hindi diarrhea!" Binato ko ang gamot sa sobrang inis ko.
 

"Hoy! Umayos ka ah!" Duro sa akin ni Luke kaya mas lalo akong nainis.

"Masakit puson ko baka masapak kita umayos ka!" Sigaw ko. Kinagat ko ang labi ko sa sobrang inis.

"Argh!" Inis kong hinila ang kumot palapit sa'kin. Simpleng trabaho hindi nila maayos? At balak pa nila ako bigyan ng maling gamot! This is so frustrating and irritating as hell!

"Aba! Wala kang karapatan mag maldita dito babae ah!" Sagot niya. Tarantadong 'to.

"May karapatan ako hoy! Dinukot lang naman ako ng boss mo at wala akong  kaalam alam—"
 

"I thought you said diarrhea?" Nagtatakang tanong ni Zak. Napatigil kami sa pagsasagutan ni Luke ng magsalita si Zak.

Sinamaan ako ng tingin Luke at ginantihan ko rin iyon ng tingin.
   

"I will bring you another medicine, Luke?" Tawag ni Zak kay Luke.
  

"Kumuha ka ng gamot para sa dysmenorrhea." utos ni Zak.
 

"What, boss? Puson lang iyon kaya na niya—"

"Eh walanghiya mo pala edi ikaw magkaregla buwan buwan at sakitan ng puson tarantado ka!" Galit kong sigaw ko kay Luke. Kapal ng mukha nito puson lang naman?
 

"Nag-iinarte ka lang kaya." Sagot nito. Aba bwisit 'to!


"Gago!" Sigaw ko pabalik sa sobrang inis. 


"Stop that." Kalmadong awat sa amin ni Zak. Agad kaming napatigil.

   

"Come on, Luke. Get her one." Mahinahong wika ni Zak. Inirapan ako ni Luke bago tumalikod. Bakla ata 'to eh.

 

"'Wag na! I don't need medicine. Baka ibang gamot ibigay ng utusan mo, Zak." Wika ko.


Humarap si Luke at tinignan ako ng mas masama at nakatiim bagang. Tinaasan ko ito ng kilay.
 

"But—" Pinigilan ko si Zak.

"Ayoko sabi." Matigas kong sabi. Tumingin si Zak kay Luke at sinenyasan ito.
 


"Lumayas ka sa harap ko Luke masasapak talaga kita." Iritado kong sabi. Hindi ako nagbibiro punyeta siya.

Tinanguan siya ni Zak, umiling ito at lumayas na salamat naman.
 

"Zak..." Tawag ko ng makalingon ito sa akin ay tinuro ko ang tray sa mesa.

Kinuha niya iyon at inilagay sa kandungan niya. Dinampot niya ang kutsara at sumandok ng soup, bahagya niyang hinipan ang soup bago isinubo sa akin. Can't deny the fact that his soup is delicious.
 

"Alam mo ang sarap mo magluto." Puri ko kay Zak.

"Mas masarap ka magluto." Aniya at sinubo ang soup sa akin. Nagtaka ako.

"Hindi ako marunong magluto." Wika ko ng nakakunot ang noo.

Tinignan ako nito bago yumuko. Bigla kaming natahimik at nag-iba ang atmosphere sa pagitan namin.
 

 

"I bet it was Risa, you're reffering to..." Mahina kong wika.

Tumingin ito sa akin at sinubo ang soup.
 

  

"You're aware that my name is Talya, right?" Tanong ko at sinubukang hulihin ang tingin niya.

Nagtama ang tingin namin at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Puno ng lungkot, pangungulila at sakit ang mga mata niya. Sinubo na niya sa akin ang huling sandok ng soup at iniabot ang baso ng tubig sa akin. Nang tapos na ako makainom ay walang imik na siya lumabas ng kwarto.

Nilapag ko sa side table ang baso ko at inihilig ang ulo ko sa head board. Mukhang kailangan kong tiisin ng buong araw ang sakit ng puson ko.

Kalahating oras ang lumipas ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, agad ko rin narinig ang pagtunog ng metal taps. Naramdaman ko ang paglalim ng kama sa tabi ko. Dumilat ako at nakita si Zak.

Nang magtama ang tingin namin ay may inilahad siya sa harap ko. Isang kulay blue na hot compress. Kinuha ko ang mainit bag at tinignan siya.
 

"Para hindi na sumakit ang puson mo..." Aniya ng mahina at nakayuko.

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at nanatili lang kaming tahimik parehas.
   

"Thank you..." mahina kong tugon  habang nakayuko.


"Just rest." Aniya at hinaplos ang buhok ko. Napapikit ako sa ginawa niya, pero pagdilat ko ay saktong isinara na niya ang pinto ng kwarto. Napahawak ako sa bagay na binigay niya at tinignan ang hot compress at napangiti, hindi ko na kailangan tiisin ang sakit kung ganon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top