Chapter 12

Chapter 12

Sore


"Good morning, gentlemen!" Masigla kong bati at nagpameywang. Sabay na napatingin sa'kin si Zak pati ang lalaking mainit ang ulo sa'kin kahapon.

Matamis akong ngumiti at lumapit sa kanila, "Good morning, Zak." Wika ko at tinignan si Zak. Pero mabilis din ako umiwas ng maalala ang nangyari kahapon.

"And you too, stranger." Peke ko itong nginitian ngunit hindi man lang ito ngumiti at tinignan lang ako ng seryoso.

"It's Luke," Suminghap ito tila may nakabarang bato sa dibdib niya.

"La Signora." Ani ni Luke ng tila napipilitan lang.

Nginitian ko ito ng matamis at binigyan ng nang aasar na tingin.

"Hi Luke! You can call me Talya." I winked at him while emphasizing my name and walked past by him and sit in my designated spot which is next to Zak.

"Talya... yeah." Rinig kong bulong ni luke sa sarili na para bang kinukumbinsi nito ang sarili.

"What happened to your foot?" anang ni Zak ng makaalis na si Luke.

Hindi ko ito pinansin at inilagay ang serviette sa hita ko, "Let's eat!" Ngiti ko.

I've been in a good mood ng mapagtanto ko na ngayon kami magsa-shopping ng mga gamit para sa makeover ng kwarto. With the thought of that makes me feel excited and lightly happy.


Tumikhim si Zak ng hindi ko sagutin ang tanong niya pero binalewala ko iyon at naghiwa ng sausage at isinubo iyon ng hindi tumitingin sa binata. From my peripheral vision I saw him held his chin and look down and sip to his coffee and looked at me. Nakangiti akong nagsalin ng chamomile tea sa aking cup at nilanghap iyon bago sumimsim rin.

"I'm asking you—" Pinutol ko ito sa kanyang sasabihin at inunahan siyang magsalita.

"Anong oras tayo aalis?" Wika ko at ibinaba ang aking tea cup bago bumaling sa kanya ng nakangiti at tuwid na umupo.

He sighs and put his arms on the table's edge flexing his biceps underneath the thin fabric clothing his arms. Maangas itong bumaling sa akin, revealing his neck and exposing more of his adam's apple. Napalunok ako ng wala sa oras sa simpleng aksyon niya, napansin niya iyon kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

"What happened to your foot, my angel?" I raised my brow a little. I took a sliced of my sausage and chew it, ignoring his question.

Napansin ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao nito at ang pagtalas ng kaniyang tingin sa akin. Nagsimulang magpawis ang aking noo at mag init ang kalahati ng katawan ko na natatamaan ng tingin ni Zak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ganito ang nagiging reaksyon ng katawan ko sa tuwing tinititigan niya ako. Suddenly, I felt concious about my look and everything about my self. Pakiramdam ko kasi hindi niya lang ako basta tinitignan sa mukha o sa aking balat, yung tingin niya tumatagos iyon hanggang sa aking kaluluwa.

He clears his throat, still staring intently at me. Buti na lang at sanay akong magpanggap na hindi ako minamasdan ng isang tao kahit pa halatang halata na iyon.

"Risa." Tawag niya. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at biglang nawala ang happy fiber sa sistema ko.

Padabog kong ibinagsak ang kubyertos ko at binigyan ito ng masamang tingin. I really hate it when he calls me risa. Hindi ko maintindihan pero kasi ang pakiramdam ko umaagaw ako ng pagkatao ng ibang tao which I have my own at hindi ko na kailangan pang gawin yon. I'm happy enough for who I am.

"What? " Inis na inis kong tanong. Halos mapigtas na ang ugat ko sa noo sa bwisit ng mapang asar itong tumingin sa akin at yumuko, hiding his stupid smile.

Tumingin itong muli sa akin and licked his lips. Inistretch nito ang kaniyang leeg at hindi ko maiwasang mapatitig sa leeg nito. That sharp adam's apple on his neck makes him sexier...

He lazily laid his eyes on me and put his arms on the sides of his plate. Niluwagan nito butones ng kaniyang gray long sleeve at itinaas iyon hanggang sa ilalim ng kaniyang siko. He chew inside his cheek before speaking.


"What happened?" Tanong niya ulit ng mas seryoso na.

"Masakit lang ng bahagya ang paa ko 'yun lang." I shrugged and take a bite on my sausage.

Tumayo ito at tinanggal niya ang pagkakabutones ng kaniyang polo hanggang tatlo. Hinila nito ang kaniyang upuan hanggang sa tabi ko. Tiningala ko ito at pinangunutan ng noo. Umupo ito at hinawakan ang paanan ng kinauupuan ko, malakas niya iyong hinila at pinaharap sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong ng ipinatong nito ang magkabilang siko sa kaniyang binti habang seryosong nakatingin. Lumiyad ito papunta sa akin at inabot ang binti ko.

"Don't touch me!" Tinabig ko ang kamay ni Zak pero hindi iyon natanggal sa pagkakahawak sa akin.

"Titignan ko lang ang paa mo. " Aniya sa matigas na punto.

Inangat niya ang paa ko at tinanggal ang tsinelas. Lumikha ng mahinang tunog ang tsinelas ko ng ibinagsak niya iyon sa semento. Ipinatong niya ang binti ko sa hita niya, napasinghap ako sa ginawa niya at napakapit sa upuan.

Nakayuko ito at masuring tinitignan ang paa ko. Tanging ang matangos nitong ilong at ang magulo at kulot niyang buhok ang nakikita ko. Hindi ko maiwasang matulala sa kakisigan ng lalaking ito, he is damn good looking. Napabayaan niya lang ang sarili niya kaya mukha siyang DOM. Dirty Old Man. Pero sa likod ng balbas niya ng mahaba at magulo niyang buhok pati ang kaniyang malungkot at pagod na mga mata hindi maitatanggi na makisig ang binata.

I gasps when he hit a spot causing me to almost scream, it hurts a lot.

"Does it hurt?" Aniya sa malumanay na boses na mas nakapagpa-inis sa'kin.

"Of course, dimwit. Masakit 'yan kaya nga napa aray ako 'di ba?" Naiirita kong tugon. Common sense na lang kasi, halos magbuga na nga ako ng apoy ng nahawakan niya yung parteng masakit eh napigilan ko lang tapos magtatanong kung masakit, ay lokohan lang?

He let a soft chuckle at bumalik na rin sa pagsuri sa paa ko. Nang masuri na niya ay inabot niya ang isang bucket na puno yelo at kumuha siya roon ng isang cube at idinampi sa daliri ko sa paa. Umaray ako ng maidampi iyon at inilayo ang paa ko pero nahuli iyon ni Zak at ibinalik ang pagkakapatong noon sa hita niya.


"Stay still, it's sore." Aniya.

Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan niya. Sa una ay napapaaray ako sa pagdampi niya ng yelo sa daliri ko pero kalauna'y umayos na rin. Magaan ang kamay nito sa pagdampi sa aking balat, kahit papaano ay nabawasan ang tensyon sa katawan ko.


Hindi ko mapigilan na titigan ang binata habang maingat nitong minamasahe ang paa ko. 'Di ko alam pero medyo nakikitaan ko siya ng kagwapuhan ngayon. Pinilig ko ang ulo ko, ano ba itong naiisip ko? Ako magugwapuhan sa kanya? Kidnapper ko kaya siya! Nasisiraan na nga ata ako.

Pinagmasdan ko ang matikas nitong braso. It's huge and muscled, in every movement he make his muscles flexing, almost ripping his cloth. Ipares pa ang seryoso nitong mukha habang minamasahe ang paa ko. Aysus maryosep! Na yari na nga. Kahit sinong babae ata mapapabuka nito dahil sa natural nitong kakisigan.

Bigla itong nag-angat ng ulo at nagtama ang tingin namin. Hindi ako naka-react agad pero naisara ko naman ang bibig ko ng mabilis at umiwas na lang tingin.

"Uhm.." Aniya at nakatingin sa gilid ko.


Ngayon ako naman ang nag-angat ng tingin at hinuli ang tingin niya " What?" I ask.

"Close your legs, my angel." Aniya at tumiim ang bagang. Para akong binato ng tear gas sa mukha at hindi ako makakita. Tila tumigil din sa pag function ang utak ko ng sandali dahil sa sinabi niya.

Nang hindi ako gumalaw at natulala sa sinabi niya ay inabot niya ang kaliwang tuhod ko at ipinagdikit iyon sa binti ko na nakapatong sa hita niya.

"Sit properly." Simpleng saad niya ng hindi tumitingin sa akin.

Mabilis na nag init ang batok at pisngi ko ng marealize ko ang ibig niyang sabihin. Umayos ako ng upo at inayos din ang bestida ko at hinila iyon pababa. Yumuko na lang ako at tinignan ang mga kuko ko dahil sa kahihiyan. Nakitaan kaya niya ako?

Pero parang magnet ang presensiya ni Zak kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tumingin muli sa kanya. Namumula ang tenga nito habang seryosong nakatuon sa paa ko at minamasahe iyon. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay tumingin ito sa ibang direksyon bago nagsalita.

"Let's postpone your shopping day." Aniya.

"What? No!" Protesta ko agad.

"You can't go out while your foot is sore." He said.

Pero hindi niya pwedeng i-postpone yun ngayon! Excited pa naman na akong makalabas pagkatapos ng isang buwan kong pamamalagi dito.


"What the? I can walk! Not properly but I can manage myself—"

"No." Aniya sa matigas na boses.


"Ano ba 'yan!" Angal ko dahil sa inis.


"I hate you! Paasa ka!" Sigaw ko at hinila ang paa ko. Mabilis niya iyong hinablot kaya napatili ako sa sakit ng mahawakan niya ang parte ng paa ko na namamaga.

"I'm sorry, did I hurt you?" Tanong ni Zak. Tinignan ko ito ng masama ng marinig ko ang tanong niya. Pero ng magtama ang mga mata namin ay hindi ko alam pero tila nalusaw ang inis ko ng makita ang pag aalala sa mga mata nito.

"Hey, are you ok?" Aniya at hinaplos ang buhok ko. Nang hindi ako sumagot ay inalis nito ang tingin niya sa'kin at bumaling muli sa paa ko at hinaplos haplos iyon.

"I'm fine." Sagot ko at binawi ang paa ko pero hinawakan niya lang iyon.

"I'm sorry if I hurt you—"

"I said I'm fine, Zak." Ani ko sa seryosong tono at inalis ang paa ko sa hita niya.

"Boss, are you fine?" Wika ni Luke na kakadating lang ng may nag aalalang mukha.


"Yes, Luke. I'm fine." Saad ni Zak.

"I heard a shout earlier, boss. What happened?" Tanong ni Luke na nakatingin kay Zak na para bang wala ako sa silid.

"It's her. She's sore that's why." Tukoy ni Zak sa akin at tumingin sa gawi ko.

Tumingin sa'kin si Luke ng seryoso, napakunot ang noo ko ng matukoy ko ang kakaibang kislap sa mata niya. Inirapan ko ito at bumuntong hininga.

"My foot is sore idiot. It's not what you think." Wika ko at tinarayan siya at iika ikang lumayas sa harap nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top