Chapter 1
Chapter 1
The Golden Masquerade
Nagising ako sa pagkakayugyog sa'king balikat. Dumilat ako at tumingin ako sa paligid.
"We're here." Saad ni Devlin.
Kaagad kong inayos ang sarili at nagpasalamat kay Devlin. Akmang lalabas na ako ng kotse ng magsalita akong muli.
"I'll expect you to be in the party tonight." I said assuring Devlin's presence tonight.
"Sure, you'll see me there." He smiled.
"This night I'll introduce you.I know what will happen." Wika ko at hinawakan ang kamay niya
"I'm hundred percent sure na ilalayo nila ako sayo kaya naman," I look at him and squeezed his hand.
"I'll come with you." Saad niya assuring me that he'll remain at my side whatever happens. Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya.
"Kung ipapakilala mo ako for sure they'll chase after me right?" Devlin asks.
Bumuntong hininga ako at sumulyap sa labas. I hate this, like being kept in the dark. Yung may sikretong tinatago. Can I just live freely and do everything that I want without any worries?
"I'm tired of hiding this relationship Dev...gusto kong maging malaya, walang tinatago." I spoke in a sad tone.
Nakakasawa na sa tuwing kasama ko siya ay may pag-aalinlangan ako at limitado ang oras na kasama siya. May pag-aalinlangan ako na baka may makakita samin o kaya isang araw pag-uwi ko malaman na lang ng parents ko ang tungkol samin ni Devlin. I'm at the fact that I may not see him again because of my parents, sa isiping iyong bumibigat na agad ang dibdib ko.
"Just trust me Dev, please. Let me work this out." Tinignan ko muli ang binata, tinitigan ako nito at mayroon hindi matukoy na emosyon sa mga mata nito. Mas mabuti ng umamin na kami at unahan sila, dahil mas mahirap kung mahuhuli nila kami.
"Oo naman." He said and smirked.
"Okay, see you later." I smiled.
"Of course." He smiled back.
"I love—" Before I finish my
sentence devlin's phone rang.
"Brad?" Basa ko sa caller ID. Tinignan ko ito ng nagtataka, ano kayang kailangan ni brad ngayon?
Kaagad na pinatay iyon ni Devlin.
"Bakit mo pinatay yung tawag?baka mahalaga yan." Takhang tanong ko.
Si Brad ang isa sa business partner ni devlin na pinagkakatiwalaan nito.Tuwing aalis ito ng biglaan ay laging si brad ang kasama nito.How ironic that I've never met brad ever since, pero panatag naman ako dahil business partner naman ito ni Dev.
"For sure it's about business again and stuffs." He said in a bored tone.
Tinitigan ko ang binata pero blangkong ekspresyon lang ang ipinapakita nito.
"I see, I gotta go, bye. I love you." I kissed his cheek again and open the door of his car. He just smiled in return and drive his car away.
I called my personal butler to pick me up.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse ay agad ko itong pinamaneho patungo sa mansyon. Pagkabukas ko pa lamang ng front door ay bumungad na sa'kin ang mga aligagang staffs na pabalik balik ng lakad sa living area ng mansyon. Lahat may hawak na pang-dekorasyon.
Abala ang lahat sa pagde-decorate ng area. Hindi pa man natatapos ang pag-aayos pero makikita mo na ang ganda ng disenyo nito.
Mabilis na lumapit sa'kin si aling Helen upang kunin ang bag ko at igiya patungo sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakalatag na sa'king malaking kama ang isang silk beige backless dress na may makikinang na kristal sa parteng dibdib nito. Nakapatong na rin doon ang isang open shoe gold stiletto and black mask with gold gems.
"Talya!" Ngiti sa'kin ng kaibigan kong si Brandette.
"Dette!" Niyakap ko ito, "You're here!" Hindi mapadsidlang saya ang nararamdaman ko ng makita siya.
"Kailan ka pa nakauwi?" Inalog ko ang balikat nito sa sobrang excitement ko.
"Two days ago." She said and hug me again.
"Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka! Edi sana nasundo kita sa airport!" Pakunwaring tampo kong sambit.
Tumingin siya sa'kin ng nagtatakha at tila hindi makapaniwala bago tumawa.
"Seriously?" She dramatically rolled her eyes. "I've been gone for weeks! Hindi naman ako nanirahan sa ibang bansa ng ilang taon at ngayon lang bumalik." She rolled her eyes again.
Inirapan ko siya at inilagay ang mga braso sa dibdib. "Kahit na!" I pouted.
"Eto naman parang bata! Nagbakasyon lang ako sa Bali, sis!" She flipped her hair and sat beside the beautiful dress.
"At hindi na kita tinawagan para suprise kuno." She sarcastically said which made me laugh.
"Aww, that's sweet." Niyakap ko ito, she became my friend three years ago. Sa lahat ng taong nakikipag-kaibigan sa'kin siya lang ang naging totoo. She's always there through my up's and downs. A typical best friend always does. A human diary that's how I can defined her.
And I owe her everything about my relationship with Devlin, well without her I wouldn't met Devlin. She and Devlin were best friends, schoolmate ko naman si Brandette at kasyoso naman ng ama ni Brandette si Devlin sa negosyo. So, it's kinda small world for us. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala ang lalaking mamahalin ko habang buhay.
"Oo na! Magbihis ka na nga!" Tulak nito sa'kin.
"Wait! Ano ba—" Tinulak ako nito papasok sa loob ng banyo at binato sa mukha ko ang tuwalya.
"Get ready, babe!" Sigaw niya at malakas na isinara ang pinto ng banyo.
I shake my head and chuckled, she's a bit crazy.
"Oo na maganda ka na, tama na kakatingin." Tinignan ko ng masama sa reflection ng malaking salamin si Brandette pero tumawa lang ito.
"Nakakatawa." I mocked. Naglakad ito palapit sa'kin. Hinaplos nito ang dress na suot ko at tinignan ako sa salamin,
"Maganda ka talaga..." Tipid na ngiti nito, tinignan ko ang mata nito na may halo halong emosyon. Pero isang emosyon lang ang nangingibabaw. Yun ay ang lungkot.
"Hey," I furrowed my brows and turned around. "May problema ba?" Hinawakan ko ang magkabilang braso nito.
Umiling lang ito at ngumiti.
"Mija," Nilingon ko ang boses na nanggaling sa pintuan.
"Mom!" Ngiti ko at sinalubong ito ng yakap.
Humiwalay ito sa yakap at sinipat ako mula ulo hanggang paa. "You look stunning, Mija." She smiled.
"You too, Mom!" I compliment her with those deep v-neck black dress with high slit on the right side. Her midnight black hair was in a big loose curls and she had those red lipstick she always wore. Revealing her gorgeousness even at the age of 52
"Oh, Mija." She smiled and gave me a black velvet rectangle box secured with a golden thick ribbon.
I looked at her before untied the ribbon around the box and opened it. A beautiful necklace greeted my sight. It is a silver necklace with a swirl silver detail around a blue diamond.Iniangat ko ang tingin ko sa'king ina. Naiiyak ko ito nilapitan at binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Oh my god!" I said, teary eyed. "I can't believe this! Thank you, mom!" Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha.
Kinuha ng aking ina ang kwintas, humarap ako sa salamin at inilapat niya ang magandang kwintas sa'king leeg.
"Happy birthday," Bulong niya sa'king tainga. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at inihilig ang ulo sa kanya.
"Thanks, Mom." Wika ko. Pinalupot nito ang braso sa'king beywang.
"My mija is already a woman, I'm so happy for you." Hinalikan nito ang aking pisngi. I chuckled.
"Get yourself ready, Mija. The party is starting any soon." She shakes my shoulder.
I nodded. "Mom..." I called her, humarap ito sa'kin at binigyan ako ng ngiti. "Yes, Mija?"
Maybe she understands if I say to her about me and Dev. Yeah, me and my mom looked close like a typical mother and daughter relationship but there are a lot of stories hidden behind that. Dahil hindi naman ganito ang lahat talaga. Marami pang kwento at dahilan bago maging ganito kami ni Mom.
"I... I want to tell you something." Nag aalalangan kong sabi.
May mahinang katok ang nanggaling sa mataas at makapal na kahoy na pintuan ng aking kwarto.
"Señora, magsisimula na po ang pagtitipon. Pinapatawag na po kayo ni Señor." Wika ng isa naming kasambahay.
Bumaling muli sa'kin ang aking ina "Mauuna na'ko, Mija." Malungkot akong tumango sa kaniyang sinabi.
Naglakad ito palapit sa'kin at hinalikan ang aking pisngi.
"Feliz Cumpleaños." Bulong niya sa'king tainga at tuluyan ng nilisan ang aking silid.
Naglakad palapit sa'kin si Brandette at sinipat ang aking mukha. Nang magtama ang aming mga mata ay binigyan ko ito ng may nagtatakang tingin.
"Ano bang sasabihin mo at para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan?" Inayos ni Brandette ang aking dress bago ako tinignan.
Bumuntong hininga ako. "Nothing, " Iling ko at nilagpasan siya.
"What? Tell me!" Hinabol ako nito at hinawakan sa kamay.
"Please? I'm your best friend right?" Aniya.
"And I can't stand seeing you sad..." She held my chin and looked into my eyes with soft eyes.
I sighed and touch the crystals in her silver dress and caress her long brown hair tied up in a high ponytail like her usual style.
"I want to introduce Dev to them." Pag amin ko at tinignan ito.
Hindi na ito nagulat, malamang ay alam na niya ang mangyayari sa gusto kong gawin.
"Alam mo naman kung anong mangyayari 'diba?" Nag aalala nitong tugon.
"I know, Dette..." I furrowed my brows
"But, I don't care!" I spoke.
"Isipin mo naman si Dev, For sure malalagay siya sa watchlist ng tatay mo." Hinampas ko ito, pero tumawa lang ito.
"I was just joking!" Aniya pero inirapan ko ito. "I'm dead serious here." I said pleading.
"Okay..." She raised both of her hands in the air. "So, anong plano mo pagkatapos mo siyang ipakilala?" Tinignan ko ito at nag-isip.
"We both knew na hindi matatanggap ng parents mo 'yan at paghihiwalayin kayo." She explained.
"I know." I answered irritated. Birthday na birthday ko at naiistress ako.
"So, what's your plan?" Hindi ako umimik at nag-isip. Ano na nga bang gagawin ko? Naisip ko kasi ito na ang magandang pagkakataon para sabihin ko sa kanila ang tungkol samin ni Dev. Dahil ang pagtitipon na idadaos ngayong gabi ay hindi lang basta birthday party, kundi confirmation ko na rin bilang isang tagapagmana ng mga Allegro. It is a tradition of our family.
"Nagsasawa na ako sa ganito." I answered frustrated and anxious.
"What now? You guys will get out of the dark and your parents will hate him and you guys runaway and your parents will chase the two of you, and you have this happily ever after ending?" Wika ng kaibigan ko at nagsindi ng sigarilyo.
"I think..." Wika ko habang tinuturo siya. Magandang ideya.
"That's... that's great!" I said happily. Tumingin ito sa'kin ng nakakunot ang noo, ilang sandali pa ay napagtanto niya ang ibig kong sabihin.
"Gago, don't tell me plano mong magtanan kayo?" Tanong niya at pinitik ang sigarilyo sa tapat ng ashtray.
"Why?" Inosente kong tanong at tumawa, "Maganda kaya ang naisip mo!"
Sandali itong natahimik at nakatingin lang sa kawalan, parang nag-iisip ito ng malalim. Ilang sandali pa ay bumaling ito sa'kin bago humithit sa kaniyang sigarilyo.
"It's like a suicide attempt, no, it's suicidal. But," Humithit ito sa kaniyang sigarilyo at pinitik muli Ito.
"If it's your choice then I'll support you. Kahit na hindi ko alam bakit pumasok sa kokote ang ganoong ideya." Hinawakan nito ang magkabila kong balikat.
I throw my head back and looked at her again, "That's a great idea naman eh." Paliwanag ko, tumawa ito. Pinatay nito ang sindi ng kaniyang sigarilyo at iniwan roon ang maliit na piraso non.
"You mean that's a great idea that I come up with?" She smiles sarcastically and puff a smoke.
Umirap ako, napakayabang. May kumatok sa pinto at sumilip doon ang isa sa mga organizers ng pagtitipon.
"Señorita Talya, please get ready. "I nodded and the man disappeared.I glance at my look one last time in my huge mirror.
"Come on." Wika ko.
Pinagbuksan ako ng pintuan ni Brandette bago ito magsalita.
"You sure about this?" She asks and a worried looked appear on her face.
"Presumptuously, yes." I spoke. She smirked.
"Loved that." I gave her a grin .
"Goodluck, Señorita." She said coldy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top