PROLOGUE
Dedicated to: Princess_Alicia29 thank you for making my Book Cover, keep it up! Godbless.
***
TWO YEARS LATER...
NAKAKAMISS talaga ang simoy ng hangin ng pilipinas, dalawang taon narin ang nakakalipas at masaya akong nakabalik sa pinanggalingan ko.
It's nice to be back!
Matagal tagal rin ang dalawang taon at heto mag-isa akong umuwi, nauna na sila Mama dahil may inasikaso pa ako na madali namang naayos sa tulong ni Kuya Leandro.
Isang taon na lang ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral at napagdesisyunan kong sa SAU ipagpatuloy ang pag-aaral, kaka-alis pa lamang namin ng bansa ay yun na kaagad ang pinaplano ko at hindi ko pa 'iyon nababanggit kay Mama dahil panigurado namang hindi n'ya ako papayagan dahil dun parin nag-aaral ang anim maski ang tatlo, ayaw na ni mama na magkaroon ako ng komunikasyon sa kanila lalo na sa mga kapatid ko.
Sa totoo lang ay umabot sa Canada ang nagbobloom nilang career as a group. Ng marinig kong lumalaki ang publicity nila na umaabot pa overseas ay sobra akong natuwa at sinasabi sa sariling, nakasama, naging kaibigan ko at kapatid ko ang anim na 'yan. proud na proud ako sa kanila at deserve nila kung nasaan sila ngayon.
At hindi na ako makapaghintay na mapanood sila na mag-perform.
Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako sa katotohanang 'Kapatid' ko si Xedrick. Sana dumating ang araw na matatanggap ko 'yon at hindi ako sigurado kung mangyayari pa 'yon. Dahil sa totoo lang ay napakahirap kalimutan ng taong minahal mo na ng sobra.
Nag-ring ang cellphone ko kaya naman tumigil ako sa paglalakad para kuhain 'yon sa tote bag ko.
Kuya Leandro Calling...
Mabilis kong sinagot at nagsimula na ulit maglakad.
["Where are you? I've been waiting you for almost two hours sis,"]
Napangisi naman ako, paniguradong inip na inip na 'yon sa waiting area.
"Hindi ka naman siguro excited na makita ako brother 'no? hindi naman halata,"nakangising sagot ko. Sanay na sanay na kaming dalawa sa isa't isa, hindi narin masama ang dalawang taon para mas makilala namin ang isa't isa at hindi na magkailangan. pero may isa lang syang hindi sinasabi yun ay kung nasaan ang papa n'ya.
["Yeah, anyway may nakita akong Restaurant na kagaya ng pinupuntahan mo sa Canada, don't worry my treat,"] na-excite naman ako pero naalala ko nag lunch na pala ako kanina lang.
"Nag-lunch na ko kanina Brother,"
["Okay see you,"] The line went dead.
Sobrang busy ni kuya Leandro kaya nagtataka ako kung bakit sya ang susundo saakin pwede namang si Mama na lang o kaya mga kaibigan ko. panigurado cancelled nanaman lahat ng appointments nya para saakin. Bumabawi e hindi kasi sya nakadalaw saamin ng halos tatlong buwan sa Canada.
Bigla akong tumigil sa paglalakad at natigilan dahil nahagip ng mata ko ang lalaking matagal ko ng gustong makita.
Dahan dahan ko itong nilingon hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Hindi ako nagkakamali s'ya nga 'yon.
Maraming nagbago sa kanya ang physical appearance n'ya mas lalo syang gumwapo at nag matured, ang katawan nya ay mukhang well built narin mas lalo nga s'yang tumangkad.
Mukhang may nagpapasaya narin sa kanya, naka-abay sya sa magandang babae at kapwa sila masayang nag-uusap habang naglalakad. kaya hindi ko mapigilang mapangiti pero kasabay no'n ay ang matinding pagkirot ng bandang dibdib ko.
Hindi ko mapigilang himasin ang bandang masakit. bakit ganto? bakit ang sakit sakit parin.
C'mon Kellie! It's been two years for petes sake!
Ang akala ko wala na. Wala na akong nararamdaman sa kanya pero akala ko lang pala 'yon. At hindi maganda itong nararamdaman ko dahil bawal.
Hindi pa sapat ang dalawang taon para tuluyang maghilom ang sakit na naramdaman ko. makalipas ang mahigit dalawang taong pagkakadurog ng puso ko sa katotohanan.
Heto ako tinatanaw s'ya sa malayo minamahal parin kahit bawal. Anong magagawa ko? kahit alam kong bawal hindi parin mapigilan ng puso kong mahalin parin s'ya.
***
A/N: STAY TUNED FOR MORE UPDATES! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. LOVELOTS~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top