Chapter Two





***

Reminiscing.


CHAPTER TWO

XAVIER's POV

"Sleepyheads wake up! May good news ako,"

"Seriously Xavier?! first thing in the morning sumisigaw ka?! Aish!"

"What is it?"

"Spill it out bago kita bugbugin,"

Masaya akong umupo sa gilid ng kama, they have to know this! paniguradong matutuwa sila at mawawala ang inis sa pang-iistorbo ko sa kanila.

"Si Kellie she's back,"

Their mouth fell open, maya maya ay napangiti sila. "Really?!"

"Yung totoo?!"

"Totoo nga! hindi ako nanggo-good time lang,"See? Ni hindi sila makapaniwala, thank me later brothers hoho. kanino ko nga nalaman? syempre sa pinakamamahal kong Lila.

"Saan mo naman nalaman?"si Jei.

"Kanino pa ba? sa pinakamamahal ko lang naman,"pagyayabang ko.

"What's going on here?"si Xedrick na may hawak na kape, pinuntahan ko naman s'ya at halos mapunit na ang labi ko sa pagkakangiti ko.

"Bro! si Kellie our sister, she's back,"wala naman s'yang reaksyong tumungo sa sofa at inilapag ang kape sa table, eh? he seem not surprised alam na kaya nya?

"I know,"

"What?!"we yelled in disbelief. Bakit hindi manlang nya sinasabi saamin? grabe ang selfish naman neto.

"Tss, di naman kayo nagtatanong kaya wala akong sasagutin,"bahagya pang tumataas ang nguso nya.

"Grabe Xedrick wala akong masabi sa'yo,"si Toppher na pinanlalakihan ng mata si Xedrick na prenteng nakaupo sa sofa na parang wala lang sa kanya ang ginawa nya. Sya lang ba ang may karapatang malaman na nandito na si Kellie?! She's our sister too! Hindi lang sa kanya! Aish what a jerk!

"Mukhang nakamove on ka na Bro but be careful not to fall over again,"si Xander na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip, nakangisi ito. Sige asarin mo pa 'yan Xander. Lahat kami nakatingin sa kanya.

"Ofcourse, nakakahiya ang incest brother,"at Kumindat pa si kumag.

"Good you know,"

Sa nakikita ko kay Xedrick makalipas ng isang taon ay mukhang naka move on na talaga sya, sana ganon rin si Kellie.

Parang kailan lang yata ng mga panahong hindi mabubuo ang araw ni Xedrick kung hindi nalalagyan ng alak ang tiyan nya, he's been struggling by himself, crying alone. Muntik pa nga syang magpakamatay. I think he suffered almost one year not until she met Christine hindi na sya yung laging umiiyak gabi gabi.

Mabuti na lang talaga ay dumating si Christine sa buhay nya, his life saver. Ang dahilan kung bakit nakakangiti na sya ngayon at laging inspirado kagaya ko.

Sa nakalipas na dalawang taon si Xedrick ang may pinakamalaki ang pagbabago, pero kung sa hitsura naman titingin mas malaki ang pinagbago ko hehe.

"Punta ta'yo kay Brent,"Kinunutan ng noo ni Brent si Jei.

"What?"

"Mom talked with you last night right? anong pinag-usapan ninyo?"

All eyes are on Brent now, lumilikot ang mata at naghe-hesitate pang sabihin ang dapat sabihin he caressed his nape, kilalang kilala ko na ang kumag na 'to hindi nya sasabihin pagka ganyan ang kinikilos nya.

"Tell us Brent, kalokohan nanaman ba 'yan?"

"No... yes no,"

"Then what?"

His forehead crinkled. "Seriously? hindi ba ako pwedeng magkaroon ng privacy?"

"Privacy my ass, wag kami gago. Tell us or we will beat you till you talk?"banta ni Toppher kaya napasimangot si Brent.

"Oo na sasabihin na nga,"Lahat kami hinihintay ang sasabihin nya, netong mga nakaraang araw ay sya lang ang kinakausap ni mom not like before na halos lahat kami kinakausap.

"I'm engaged,"

Lahat kami natigilan, my eyed wide open, seriously?!

"Be serious Brent! wag mo kaming pinaglololoko,"

"Oo nga naman Brent, walang butugan,"ako.

"I'm telling the truth! okay fine alam ko namang hindi kapani paniwala Bahala kayo kung hindi kayo maniniwala, o kayo na mismo magtanong kay mom,"

"At sino namang malas na babae 'yon?"si Jei.

"What kind of girl she is?"ako.

"Maganda ba? Sexy? Hot?"si Ashe.

"Amazona kagaya ni Kellie, malakas ang loob."napa-ow ako, mukhang matatali ng maaga ang bunso namen.

"Interesante ang babaeng 'yan huh? anong pangalan?"nakangising sabi ni Toppher, yeah he's right gusto ko ng makita yung babae but don't get me wrong loyal ako kay Lila kahit gaano pa kaganda ang fiance ni Brent hindi yan tatalab sakin believe me. Dahil wala ng mas gaganda pa kay Lila.

"Yeah she seems interesting, pero mas masarap pagtripan, matapang e but I must say she's one of a kind,"

"Still a jerk huh?"

"Yes at inborn na 'to saakin, satin,"ngisi nya.

"Anong pangalan Brent, kilala ba namin 'yan?"si Xedrick.

"Kilala mo yon Xed, remember the girl I bumped with two years ago?"napaisip naman si Xedrick, parang sya lang yata ang nakakaalam.

"Yung matapang na babae? ah I remember! matapang nga 'yon. Pero mukhang kinilig saakin,"Mahinang natatawang ani Xedrick.

"What's her name then?"si Xedrick.

"Python- I mean Peyton Hernandez,"pigil akong natawa. I bet nanunuklaw ang babaeng 'yon haha.

"For sure Business matter ang reason kung bakit na-engaged ka, tsk tsk pity you Brent maaga kang matatali, dimo mae-enjoy ang pagka binata, pag nakasal ka marami ng bawal,"

"If ever makasal man ako hindi ko hahayaang ma-under ako ng babae men, ofcourse, I'll still do whatever I want since mukhang ayaw nya rin namang matali kahit pa iisiping swerte na s'ya,"Mukhang payag nga talaga syang maikasal that's sucks for sure lalo pa hindi naman nya sigurado mahal 'yon.

Well, I pity both of them.


**


KELLIE's POV

MAAGA pa lang ay nagising na ako,
Time check 6:30 am, masyado akong early bird ngayon, gusto ko pa sanang humiga pa ang kaso umusog si Lyra sa space ko, yes magkakatabi kami sa queen size bed ko kahit malaki ang kama ay nasisikipan parin ako, pano e ng nakatulog sila nagsusumiksik sila saakin.

Napahilamos ako at hinawi ang buhok ko matapos ay dahan dahang umalis sa kama para maghanda na.

Mukhang mamaya pa magigising yung dalawa dahil late na kaming natulog kagabi, well girly talk napasarap usapan namin kagabi.

Ng bumaba ako ay naabutan ko si Mama sa kusina nagluluto ng Breakfast habang si Kuya Leandro ay nasa counter sipping, his coffee.

"Goodmorning sister,"

"Oh magandang umaga nak, ready na ang chocolate coffee mo,"

"Salamat ma, morning rin,"

Umupo ako sa high stool, inurong naman ni Kuya ang kape papunta sa harap ko kaya nginitian ko sya at pinasalamatan.

"Kamusta ang tulog mo?"

"Hmm, okay naman po medyo naga-adjust ulit,"

Nasanay na kasi ako sa Canada kaya eto medyo iba ang pakiramdam ko parang hindi na ako sanay, marahil ay namiss ko ang kwarto ko sa Canada.

"Nga pala nak, saan mo balak mag-aral? ilang linggo na lang ay pasukan na,"si Mama habang nagluluto kaya naman nakatalikod ito saamin. Nagkatinginan kami ni Kuya nangungusap ang mga mata nya na mag-ingat ako sa sasabihin ko, mukhang inaasahan nya rin ang tanong na 'yon ni mama.

"Hindi ko pa po alam ma,"

Saglit akong tinignan ni mama. "Dapat ay makapag desisyon ka na para maayos mo na ang mga requirements mo,"

"Ma e pano po kung sa SAU ko gustong mag-aaral?"Natigilan ulit si mama at walang emosyon akong nilingon.

"Alam mong tututol ako,"

"Pero ma-"

"Masyadong maaga para pagtalunan pa natin ang bagay na 'yan anak, alam kong alam mo ang dapat mong gawin at naniniwala akong gagawin mo 'yon,"seryosong ani Mama at ginawa ulit ang ginagawa.

Napayuko naman ako at saglit na tinignan si Kuya. "I told you,"bulong nya. Napanguso naman ako.

"Sige ma, kuya aalis muna ako,"paalam ko at nagtungo sa labas para magpahangin. Mabuti na lang at nakapag suot ako ng Blazer.

Hindi pa gaanong sumisikat ang araw. Napangiti ako at itinaas ang dalawa kong braso para mag stretching matapos ay bumuntong hininga.

Ang tahimik ng paligid hindi kagaya ng dating tinitirahan namin dati na gantong oras ay napakaingay na, palibhasa ay mayayaman ang mga tao rito dahil isa itong exclusive subdivision. Parang kailan lang.

Nabaling ang tingin ko sa mga bulaklak sa bakuran namin, buhay na buhay at ang ganda sa paningin, madiligan nga sila maya maya.

May napansin naman akong napakabalahibong tuta na nasa gilid kulay white at napaka cute, gusto ko sana itong lapitan ang kaso may asthma ako masyado kasi itong mabalahibo, sayang gusto ko sana itong hawak hawakan mukhang nakaka relax.

Pero teka? Kanino naman kaya ang napaka cute na tutang 'yan? hindi naman sa mga kapatid ko 'yan panigurado naman kasing hindi sila bibilhan ni mama ng ganyan dahil saakin.

Siguro naligaw lang rito. Tama bukas naman ang gate at makakalabas rin 'yan.

Akmang papasok na ako sa loob ng marinig ko ang matinis na boses na 'yon.

"Cedyyy, where are you?"

Nabaling ang tingin ko sa Babae na kalapit lang ng bahay namin, matapos ay binalingan ko ng tingin ang Tuta ng mahina itong tumahol, muli kong binalingan yung babae na nakatingiting nakatingin saakin.

Medyo nahaharangan ng mahaba nyang buhok ang mukha nya marahik sa hangin kaya diko gaanong makita ang mukha nya.

Lumabas ito ng bakuran nila at nagtungo sa tapat ng amin kaya nilapitan ko sya. "Uh Hi Goodmorning! Did you see my Cedy? uhm parang narinig ko syang tumahol rito?"Nilingon pa nya ang gilid at napalaki ang ngiti ng makita ang tuta nya.

"Cedy my love! There you are,"Pumasok na sya at masayang dinampot ang pet nya. Hmm Xedy ang pangalan. nice name.

Napangiti ako, paniguradong hindi boring kung may pet kang tuta. Kung wala lang sana akong sakit ay baka isang dosena ang cute na Tuta sa bahay.

Inilihis nya ang buhok nya kaya kitang kita ko na ang hitsura nya, nawala ang ngiti ko.

Mukhang familiar ang babaeng 'to.

Parang nakita ko sya kelan lang at malakas ang pakiramdam ko na sya yung babaeng kasama ni Xedrick sa airport kahapon. May pagkakahawig sila, hawig nga lang ba o sya talaga 'yon?

"Miss? Hello?"

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na sya, alanganing nginitian ko sya.

"Sorry sa istorbo Miss, by the way I'm Christine... Christine Buenaventura And you are?"

"I'm-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw lang naman ang kapatid kong si Andeng. "There you are Ate! Tara na ate breakfast is ready,"Tinanguan ko lang sya.

"Okay, susunod na lang ako,"

"Okie Dokieee, hihi,"

Muli kong binalingan ang babae, ang rude naman kung hindi ko sya aayaing kumain di'ba?

"Ah, nakapag breakfast ka na ba?"

"Nope,"sagot nya habang nilalaro ang alaga nya.

"Tara let's go inside?"Binalingan naman nya ako ng tingin.

"Thanks, but no thanks, magbebreakfast narin kasi kami,"nginitian ko lang sya.

"Ganoon ba, sige papasok na ako, have a good day,"nakangiting sabi ko lang at naglakad na papasok ng bahay, natigilan ako saglit hindi ko nasabi ang pangalan ko, I shrugged off my shoulder. May next time pa naman since magkapitbahay lang kami.

Bigla nanaman akong natigilan, bigla kong inalala yung hitsura ng babaeng kasama ni Xedrick sa airport, kinumpara ko sa mukha ng babae kanina.

Bahala na nga kung sya man 'yon o hindi ang mahalaga masaya sila, si Xedrick.


**


"BAGAY ba?"nakangiting hinarap ko si Lyra at bahagyang pinapakita sa kanya ang kanang tainga ko. Diamond earrings ito at sakto lang ang size. ngayon ko pa lang nasuot ang pinadalang regalo saakin ni Toppher ng birthday ko ng nakaraang buwan, nahiya pa nga ako dahil paniguradong napakamahal nito hindi ko narin naman natanggihan. Nagulat ako ng alam nya ang birthday ko at tingin ko sa kanilang walo sya lang ang nakakaalam.

"Well, parang ginawa para sa'yo,"

"Thank you,"

Naghalungkat naman ako sa isa ko pang cabinet para kumuha naman ng singsing, hinahanap ko yung regalo naman saakin ni Kuya Leandro, kalkal ako ng kalkal hanggang sa napansin ko ang nag-iisang velvet box sa gilid, kinuha ko 'yon at dahan dahang binuksan.

Ang fake wedding ring namin. Marahan ko iyong hinimas. hindi ko naman mapigilang mapangiti.

Medyo nangigitim narin ito marahil gawa lang sa plastic at matagal naring nakatago, hindi ko pa pala ito natatapon. Mabuti na lang, pero ang mga ala alang nandito ay sa simula pa lang ay hindi dapat nangyari.

"What's that?"si Lyra, saglit ko syang tinignan.

"Singsing,"

"I know singsing yan! I mean is kanino galing?"nginuso pa nya ang singsing.

"Kay Xedrick,"medyo nagulat naman sya.

"Fake yan right?"tumango ako.

"Actually fake wedding ring namin 'to,"namilog ang mga mata nya, wala nga pala sya ng ikasal kami ni Xedrick sa wedding Booth kaya ganto na lang ang gulat n'ya.

"Seriously?!"

"Yes seriously,"muli kong binalingan ang singsing.

"What on earth is so interesting at that ring?"si Lila na katatapos lang magbihis, ngayon kasi kami aalis para mag-unwind.

"Nothing really,"sagot ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan. Inilagay ko na ang singsing sa Box matapos isara ay inilagay ko na 'yon sa cabinet.

"So shall we go na?"nakangiting yaya ni Lyra.

"Leggo!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top