Chapter Twenty Two


A/N: SORRY FOR SUPER DUPER ULTRA MEGA LATE UPDATE!!! HUHUHU, NAWALAN NG INSPIRATION AT NADISTRACT ANG ATE GHORL N'YO SA PAGSUSULAT AT NGAYON NAGBABALIK, SA MGA NANDITO NGAYON, THANK YOU FOR YOUR PATIENCE HA, HEHE, IT'S BEEN SO LONG NA PALA HAHAHHA AYON, HAVE A GOOD DAY EVERYONE, MUAPS.

APPRECIATIONS IS HIGHLY APPRECIATED.

***

CHAPTER TWEENTY TWO

KELLIE's POV

"I'll surely miss you kung hindi kana uuwi. Gagawa ako ng paraan para makita kita ulit."

It made me awake all night, hindi ko na alam kung anong pwesto ng paghiga ang gagawin ko para makatulog, maski ang tibok ng puso ko pinipilit akong maging gising magdamag.

It was adrenaline rush, hindi ko na makalma ang sariling puso kahit anong gawin ko. Damn him! Pinapahirapan n'ya ako. Hindi ko maamin sa sarili kong gustong gusto ko nga ang pakiramdam na ito.

Ibinuga ko sa hangin ang nararamdaman at nagsimula ng tumayo, it's still 5 am in the morning, maaga akong nagigising tuwing weekends.

Wala pa ang liwanag, nagmadali akong tumungo sa bathroom. Balak kong mag-jogging ngayon since hindi ko narin nagagawang mag excersise. It's been ages since the last time ng pagjo-jogging ko. Gusto ko munang mag-unwind after, away from the messes I've been facing right now, gusto ko munang makalimot saglit.

"No, you just can't walk around without your Bodyguards." malambing ang boses ni Kuya habang nagpapaalala saakin, nagpaalam akong aalis ng wala ang mga Bodyguards kahit ngayong araw lamang na ito.

Pakiramdam ko kasi ay hindi ako makakawala sa mga problema kung kasama sila, hindi ako mage-enjoy, ipapaalala lang sila saakin ang lahat.

"Kuya, please? ngayong araw lang." I said as I pouted my lips.

He released a sighs. "No. This is for your own Good sis, your life is at stake at hindi ko na hahayaang may masama nanamang mangyari sa'yo, if you wanted to unwind I'll let you, but the bodyguards will come with you. No buts that's final." This time seryoso na ang boses n'ya.

Napaupo na lang ako sa lamesa at kumuha ng tinapay at bacon.

"Aalis kapa ba?" tanong ni Kuya pagkaupo.

Hindi ko muna s'ya sinagot, bagkus ay kinagatan ko ang Bacon. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Xedrick galing sa dirty kitchen hawak ang egg sandwich at apat na yogurt.

"Let her, Ako ng bahala sakanya." Aniya ng hindi tinatanggal ang tingin saakin.

"I'll accompany her, kung ayaw n'ya ng Bodyguard then I'll be, walang mangyayaring masama sakanya, I promise." Seryosong dagdag nito pagkaupo sa gilid ko. Biglang nagbara ang lalamunan ko at hindi ko alam kung makikipagsukatan ng tingin sakanya.

"How can you be so sure, na walang mangyayari sa Kapatid ko?" May halo ng panunuya ang boses ni Kuya ng sabihin 'yon.

"Believe me, if I promised I mean it."

"Isa ka sa mga sumisikat as of now. Surely you have tons of toxic and violent fans, I know how it works. makakaapekto iyon sa mga taong malalapit sa'yo."

Kuya's right, even though wala pa sila sa mga billboards, posters, talaga ngang marami ng nagkakandarapa sakanila. Hindi pa nga nila tinatanggap ang alok ng mga Record companies pero, pumuputok na ang pangalan nila. What more kung may narerelease na sila. Hindi puro cover ng songs sa mga sikat na events or even sa mga Bars maliit man o malaki, may class man o hindi.

"Stick to what I've said, I promised I really mean it."

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng maalala si Mama, baka makita si Xedrick ni Mama, malalaman n'ya ng sikreto namin!

"Why? What's the matter?"

"Nasaan si Mama? Hindi ba magagalit si Mama pag nakita n'ya si Xedrick dito?" kalmado lamang ang dalawa na kumakain.

"Nasa Cebu s'ya kasama si Dad, they'll stay there for three days. Kasama sila Andeng." Ani kuya. Naibuga ko na lamang sa hangin ang kabang nararamdaman kanina.

"Death anniversary ni papa ngayon, after mong mag unwind sana makasama ka. Surely mom will make it today." Biglang bumalik ang kaba, for sure ayaw na akong makita ni Aaliyah, she hates me because of my Mother. And because I am the consequence of my Mother and her Husbands sin.

"Don't worry I can handle, kung natatakot ka." Pagtukoy nito sa Ina. Biglang kumalma ang pakiramdam ko, pag s'ya ang nagbibigay ng assurance saakin feeling ko safe na safe ako instantly.

He's looking at me again with those tender light brown eyes of him, the way he looked at me, feels like so surreal at parang kapag pumikit s'ya saglit ay mawawala ako sa paningin n'y. Nakakabighani nanaman itong mga tingin n'ya. Can he just stop it? ayokong dumating nanaman yung araw na mas hahanap hanapin ko ito. Ang makita s'ya, lalong lalo na ang magaganda n'yang mga mata, I don't want to get used to it even more. Dahil mamamatay ako kaalala mamamatay ako kakaisip.

"We'll talk after this Xedrick." binalingan ko ng tingin si Kuya.

"Without me?" Binalingan ako ni Kuya ng tingin.

"Yes. Lalaki sa lalaki. We'll talk about your safety."

Alasingko na ng naisipan ko ng lumabas para mag jogging, wearing my jogging leggings, hapit na sports bra and black running shoes. Kinakagat ko ang pang ibang labi habang tinitignan ang peripheral vision ko, naiilang ako sa lalaking nasa likod ko.

"P-pwede ba pumantay ka sakin?" biglang kinain ng hiya ang sistema ko ng sabihin 'yon.

"Baka gusto mong magpalit." matigas na bigkas n'ya, unti unti akong napalingon sakanya, madilim ang tingin n'ya sa kung saan, kumpol ng highschoolers ang nakatingin at nagca-cat calling saakin. Bigla silang natigilan, nanlaki ang mga mata at mabilis na nagsitakbuhan.

"Your body has improved a lot for the past two years, may dibdib kana dati wala." Aniya sa seryosong boses.

Pakiramdam ko mas mainit na ngayon ang mukha ko sa kahihiyan, what the hell?! he really has the guts to say that! Hindi manlang nahiya.

My forehead crinkled. "O-ofcourse!"

"Nagka-Boyfriend kaba ulit?" Natigilan ako.

S'ya lang naging Boyfriend ko, hindi pa ako handang pumasok ulit sa relasyon. I don't want to risk again, I can't endure heartbreaks yet. I have to free myself first.

"Bakit?" Pinasadahan n'ya ng tingin ang dibdib ko, napalunok ako dahil naintindihan ko ang ibig n'yang sabihin.

"P-pumupunta ako ng gym, hindi na ulit ako pumasok pa sa relasyon." I said stuttering. Tumahimik s'ya at
dumiretso na ang tingin. Bumuntong hininga ako at nagsimula ng magjogging kahit naiilang.

Ilang oras din naming nilibot ang malaking private subdivision na ito, bihira ang aming pag-uusap nasa likod ko lang s'ya at minsan naman ay nasa gilid ko. I'm stuck between gusto ng matapos ang mga oras na 'yon dahil sa ilang at ang feeling na gusto ko pa s'yang makasama kahit naiilang na.

Umupo muna kami sa wooden bench sa gilid, halos ten inches ang layo namin sa isa't isa, pasimple akong lumayo pero pasimple s'yang lumalapit hawak ang black tumbler.

Tinignan ko ang phone ko, halos three hours and half na pala kaming naglalakad, Bakit ang bilis lang.

May liwanag na, hindi ko ramdam ang lamig kahit halos mahubo na ako sa suot ko, Kaunti lang ang mga taong dumadaan. Mga mamahaling sasakyan.

Hindi ko alam kung paano magsisimula ng conversation, at mukhang wala s'yang balak na kausapin ako.

Nakasandal s'ya sa backreast nitong bench, naka-cross arms at nakabuka ang dalawang matitipunong hita, diretso ang tingin sa kung saan.

"Hindi mo ba naging Boyfriend yung. Sino nga 'yon? yung kano mong kasa kasama." Pagbalik n'ya ng topic namin kanina, saglit ko s'yang tinignan saakin na ulit nakatuon ang magaganda n'yang mga mata. Mapupungay ang mga ito at masarap pagmasdan.

"Uhm yes, nakikita ko lang s'ya bilang kaibigan."

"Good."

Shit! Tunog nagseselos na Boyfriend ang isang 'to! or Pwede din na protective Brother! err.

"Hmm.. How about Drew? I heard he's courting you. Do you like that Bastard? He even introduced you to his Parents, huh?" damn! Biglang pumasok ang ideya ng pagngisi sa utak ko. I can't help it!

"Uh actually oo." Tanging nasagot ko, ginilid ang ulo sa kabila para hindi n'ya makita ang pagkagat labi ko dahil nagbabadya ang nakakalokong ngisi na hindi ko mapigil pigilan!

"Gusto mo?"

"Hindi... Hindi ko alam!" mabilisang sagot ko. I almost said it whispering.

"I tell you he's not the right guy for you. He's too wild and free, but before you came into his life." He said huskily.

"Paano mo naman nalaman 'yan? I thought you don't care about it, about me and him."

"Akala mo kasi hindi, at akala mo nagagalit ako sa'yo."

"Bakit, hindi ba?"

"Nope, I hate myself... Even more." I looked at him, his eyes become tender while looking at me.

"B-bakit?"

"Because, I still love you... Even more, I know I shouldn't, pero hindi ko mapigilan pag pinipigilan ko mas lalo lang akong nahuhulog sa'yo. It's getting out of hand." He released a sighs.

Parehas kami, parehas na parehas, pero bawal na. Bawal na bawal.

Damn! Bakit kasi kailangan pang magkapatid kami? Bakit kung kailan nalaman naming magkapatid kami saka namin mas minamahal ang isa't isa? Fuck this!

Frustration driving us mad, nakakapagod, nakakatakot, nakakagalit. Nakakapagod dahil araw araw ko nalang nararamdaman, nakakatakot dahil baka ito pa ang maging dahilan para makasira sa future ko without him by my side, at nakakagalit dahil bakit sa dinami dami ng tao bakit kami pa?

Pinagtitripan ba kami ni Kupido? kapag ba tinanggalan ko s'ya ng Diaper aalisin n'ya ang pana para marealize naming bawal naming mahalin ang isa't isa ng ganito kalalim? na magkapatid kami at hindi iyon pwede sa kahit anong batas. Na hanggang sa mawala nalang kaagad ang malalim na pagmamahal namin para sa isa't isa?

Kaya ba malakas kasi nagsanib pwersa sila ni Tadhana? Paano nila ito pinag-usapan ng maigi kung ganon?

"I felt sorry." He said.

"No we felt sorry. Parehas ta'yong hindi makawala sa isa't isa, at dahil d'on hindi natin kayang matutong mahalin ang taong nagmamahal saatin."

"Yeah you're right. We're just using them."

"I hope we find the right ones for us, yung magpapabago ng nararamdaman natin, Mukhang imposible pero sana." I said massaging my both knees. Trip ko lang masahiin. Nililibang ang sarili.

"I hope so." he said as he stood up and lend his right palm for me.

"Let's go?" Ngumiti ako.

"Para san?"

"Don't you remember? Celebration ng Death anniversarry ng Daddy." I smiled and take his hand.

Tatayo na sana ako pero may napansin ako sa left side ng daanan, It's Edward with someone. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila, hindi ko alam kung babae o lalaki ang nakatalikod sa gawi namin, Dahil balot na balot ito nakataas ang hoodie at maluwang na black slacks. Ang weird.

Hinihintay ko itong lumakad paharap pero sa likod ni Edward ito dumaan na sinundan lang ng lalaki.

Napatingin ako kay Xedrick na nakatingin din sa tinitignan ko.

"You stay here, susundan ko lang." Aniya at hinawakan ang dalawang balikat ko at hinalikan ang noo ko.

Aalis na sana s'ya pero hinawakan ko ang daliri n'ya dahilan para matigilan s'ya at mapupungay ang mga mata akong tinignan.

"W-wag na, baka delikado." Kinakabahan kong sabi, ngumiti s'ya saglit at kinuha ang phone sa bulsa para may tawagang kung sino.

Pagkatapos ay pinagsaklop n'ya ang mga palad namin. "Let's go. They're waiting."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top