Chapter Twenty Three

A/N; sooooo here's the super duper tagal na late update! Thank you for waiting! love ya'll.

**

CHAPTER TWEENTY THREE

"I thought you can't make it, Kellie." bungad saakin ni Toppher pagkapasok namin sa Mansion, isa isa akong niyakap ng lima at sumunod pa ang tatlo, malaki ang mga ngiti nila as if matagal kaming mga hindi nagkita kita samantalang kagagaling lang namin sa isang event. Thought naoverwhelmed parin ako sa affection na pinapakita nila para saakin, they're my Bestfriends.

"This will be our first time na kumpleto tayo sa Death Anniversary ni Dad, for sure matutuwa s'ya sa langit." si Brent.
Pagkapasok sa loob ay biglang umingay dahil sakanilang walo, wala pa sila Lyra at sabi'y on the way na. Tong mga hudas na 'to ay mukhang hindi sinundo ang mga Girlfriend.

Sa garden gaganapin ang Death Anniversarry kaya ay dumiretso na kami sa maganda at malawak na garden ng mansion.

May isang malaking Fountain at dalawang statue ng angels sa paligid na mukhang namamaintain ang kalinisan. May malaking rectangular table sa gitna nakahanda na ang iilang pagkain, si Manang Edna ay busy sa pag aayos ng mga plato, kasama si Ate Ella. si Ate Lilet Ate Myla at Isang matangkad at may katandaang lalaki ka nakatalikod saaming gawi ay busy sa Barbecue.
Kaagad naming nakuha ang atensyon ng mga ito ka'ya saglit tumigil sa ginagawa para batiin kami.

''Oh my Kellie! ang laki ng pinagbago mo magkasing ganda na ta'yo!" tili ni Ate Ella, kaya napuno ng tawa ang garden.

"Hay nako Ella, wag kang assuming dimo matatapatan ang ganda n'ya kahit sa panaginip mo." pambabara ni Ate Myla habang nagbabaliktad ng mga Barbecue, kaya napanguso nalang si Ella at inayos na ulit ang mga kubyertos.

Inukupahan na namin ang mga upuan, katabi ko si Xedrick sa aking kaliwa at si Xander naman sa aking kanan na busy sa kanyang cellphone, si Xedrick ay nakikipag usap at madalas ang pag tingin sakin.

Wala pang kalahating oras ng dumating na si Hazel, Chrisitine, Lyra at Lila dala ang iba't ibang klase ng bulaklak at pagkain. tumayo ako para salubungin sila.

"Late na ba kami, sis?" tanong ni Lyra matapos kuhain nila Ella ang hawak nila.
"Nope."

Umupo ang apat sa tabi ng mga Boyfriend nila pero except kay Christine dahil nakaupo si Jei sa kanan ni Xedrick at ako naman sa kaliwa. Biglang nawala ang ingay ng napansin na nakatayo lamang si Christine sa gilid ni Xedrick, maski si Nancy at Jei na kanina lang ay parang may sariling mundo. Ang vacant seat ay nasa Kabisera at malayo na ang iba, kung uupo si Christine d'on ay malayo kay Xedrick, kaya ako nalang ang tumayo para makaupo s'ya sa tabi nito.
I smiled.

''Here, you can seat here." Wala s'yang sinabi, umupo lamang pagkaalis ko sa upuan. Biglang bumalik ang ingay ng makaupo ako sa tabi ni Ash.

"Kellie, nasaan Drew? I thought you're coming with him, hah?"
Natigilan ako ng maalala si Drew, for sure pinuno n'ya ang inbox ko. Naka turn off ang phone ko habang nagja-jogging kanina, nakalimutan kong may phone ako n'ong kasama ko si Xedrick.

"Nasa cebu parin yata."

"Eh? Yata? akala ko alam mo. Girlfriend ka n'ya, right?" His forehead crinckled. I shyly smiled.

"Nope, He's not my Boyfriend." at sino naman ka'ya nagsabi sakanyang Boyfriend ko 'yon.

"Soon?" he asked, a big smile appeared in his lips. I shrugged my shoulders.

"Sa ngayon hindi muna, aware ka naman siguro sa mga nangyayari saamin." nakangiti pading sagot ko at sumimsin ng juice. napanguso s'ya saglit at napakamot sa ulo.

Dumating na ang mga nag iihaw ng Barbecue, sila Ella at ang matangkad, Moreno'ng lalaki. Tingin ko'y kaedaran lamang ito ni Madame Aaliyah. Hindi nawala ang paningin ko dito hanggang sa napansin kong kamukha n'ya si Dante Anderson, mukhang ito ang nakababata n'yang kapatid.

"Hija, you must be Kellie Andrade." hindi ko namalayang nakaupo na ito malapit saakin, masyado ko pala itong pinakatitigan.

Earth to Kellie!

Nawala ang kaninang ingay ng magsalita na ito, He's smiling at me and I don't know what to react. Nakatitig silang lahat saakin ka'ya kimi akong ngumiti at marahang naitungo ng kaunti ang aking ulo.

"O..opo." I answered stuttering.

"You just looked like your Mother, Katrina," nakangiting dugtong n'ya, habang nakasaklop ang dalawang palad at ngiting ngiting nakatingin saakin.

"Sorry, I just got carried away, Set aside the flashbacks, let's all eat first... We should pray first." matapos ang taimtim na dasal na pinangunahan ko ay nagsimula na ulit magkaingayan.

Madalas kong mahuli ang tingin ni Xedrick na nakatingin saakin, ka'ya pati si Christine ay napapatingin sa gawi ko, gumagawa ito ng paraan para makuha ang buong atensyon ng Boyfriend. Bakit ba kasi kailangan n'ya akong tignan, he should only look at his Girlfriend na halata namang naiirita na sa presence ko.

"What's up, people! Masyado na ba akong late?"

"Drew! I thought you can't make it! Musta?" salubong ni Jei dito.
Matapos ang saglit na kamustahan ay umupo ito sa tabi ko, nagparaya ng upuan si Ashe para sakanya.

"I really missed you!" malambing na sabi n'ya, A small smile plastered on my lips.

"Drew, nasaan ang mga magulang mo?" Tito Richard ask after sipping his wine.

"Hectic ang schedule nila as of now Uncle Rich."

"Okay, send my regards to them."

"I will Uncle." Nasa akin na ulit ang atensyon nito. Malaki parin ang ngiti at may inaasahang sabihin ko kahit wala naman talaga akong masasabi, I don't even know if I'm Happy that he's here now, ayokong lokohin ang sarili ko, hindi na ngayon.

"Aren't you happy to see me?" umiling ako.

"Yup."

"So harsh of you! huh!" he said as he pinched my cheeks, napangiwi ako at kalaunan ay napasimangot.

''Hindi naman talaga! Tsaka pwede ba? kumain kana muna Drew." I hissed.
"Noted madame." he joked. napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Hmm... Ohh! I heard this is your favorite food and special dish." kinuha n'ya ang mangkok na may Kaldereta at nilagyan ng kaunti ang plato ko.

"Mas gusto n'ya ang Kare-Kare." seryosong gatong ni Xedrick, hinihintay ni Drew ang sagot ko at umaasang sakanya ako sasang-ayon. Kimi ko lamang itong nginitian. Actually Xedrick's right, mas gusto ko ang Kare-kare kasya sa Kaldereta.

''Okay na 'yan Drew.'' ngumiti lamang s'ya at dahan dahang naglagay ng kaldereta sa plato ko.

"Favortite ko pala 'tong cinnamon roll, give it a try, You'll surely like it." Sabi n'ya at kumindat. Kumuha s'ya at nilagay sa platito, humiwa at gustong isubo saakin, dahan dahan ko itong kinagatan ng may natira ay s'ya na ang umubos.

Ngumiti ako at kumuha ng tinidor para kumuha pa.

"Hmm.." I moaned.

"Mag-aaral akong magluto nito, I promised I'll be the best husband." Drew said and smirked, napailing nalang ako at kumuha ulit ng Cinnamon roll this time mas madami na akong kinuha, hindi ko nadin namamalayang naubos na ang nilagay ko sa plato.

"I want Cinnamon roll too, Xed." Malambing na sabi ni Christine, nasa labi ko ang tinidor ng matigilan para tignan sila, saglit.

Naibaba ko ang tinidor at mabilisang tumayo para Magbanyo, bigla kasing sumakit ang tiyan ko. I bow my head and excused my self.

Nagmamadaling tumayo, nakahawak sa aking bahaging tiyan, tinatawag ako ng kalikasan. Dahil kaya ito sa cinnamon na nakain ko? baka nasobrahan ako, Ang sarap kasi.

"What's the matter? you look so pale." ani Drew nag-aalala, biglang nagkabutil ng pawis ang aking katawan dahil hindi ko na ka'ya 'to, gusto ng lumabas.

"Saan ang comfort room." Nanghihina kong sinabi nang nasa malaking sala na kami. Hinawakan n'ya ako sa balikat at hinatak papunta sa kung saan.

"I'll wait you in here." hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinabi ni Drew dahil nagtuloy tuloy na akong pumasok sa banyo.

"You done?" Natigilan ako sa pagbukas ng pinto ng cubicle ng marinig ang nakakakilabot na bosee na 'yon.

Biglang nanginig ang palad ko, hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto nitong cubicle o hindi, pero wala akong choice kundi lumabas, I'm still safe she can't harm me may hinahabol pa s'ya saakin.

Pero paano s'ya nakapasok dito? mahigpit ang security ng mansiong ito. May mas masama akong nararamdaman sa oras na ito.

"I'm waiting Darlin', Go come here. You know I hate waiting." She said with a mocking laugh, nakakatakot ang pyscopath na 'to. Pero alam ko sa sarili kong hindi dapat ako matakot, wala s'yang gagawin saakin sa ngayon, at next time Kailangan kong mas mag ingat para di n'ya ako mapuntahan.

Dahan dahan akong lumabas, napalunok ako ng tuluyan na kaming nagkaharap, She looked more miserble now kumpara sa huli naming pagkikita.

"What now?"

"What now? Nasaan na ang tape?" Humakbang ito palapit saakin, Naitikom ko ang aking palad sa gilid ko sa kaba.

"Wala pa saakin Chandra, give me more time. I promise makukuha ko 'yon." She rolled her eyeballs.

"Tandaan mo nasa libingan ang kaliwang binti mo, Hindi lang ikaw ang manganganib." Seryosong sabi nito, bago pumasok sa isang cubicle.

Makalipas ang ilang minuto nagsimula ng manginig ang buong katawan ko, sa takot sa Galit at sa pagtataka. How the hell did she get here? Hindi ko alam kung safe pa ba ang kalagayan naming lahat, Ganoon kadali sa Hayop na 'yon ang makapasok sa mahigpit na security, baka kapag hindi n'ya makuha ang gusto ay Mamatay kami.

Kahit kami ay hindi alam kung nasaan ang evidence, paano ko iyon sasabihin?

"You looked pale, what happened?" si Drew pagkalabas ko, I only looked at him and faked a smile.

"Okay lang ako Drew, let's go."

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Drew, nag inisist ito na ihatid ako hindi naman na ako tumanggi pa.

"Kanina ka pa tahimik Kellie. Anong meron?" tanong ni Drew, pasalit salit ang tingin nito sa daan at saakin.

Kanina pa ako nag-iisip sa nangyari kanina, Hindi ko alam kung anong gagawin pero dapat ko itong sabihin kay Kuya, ofcourse he should know this, He can help me, I'm fucking scared and don't know what to do.

Should I gave her a fake one? For sure If I did that the mess will get more worse.

Ngumiti lamang ako sakanya. "Nothing Drew."

Hindi na ulit s'ya nagsalita, matapos ang ilang minuto napansin kong ang seryoso n'ya masyado at tingin ng tingin sa side at rear mirror, Alam ko ng may sumusunod saamin at posibleng alam ko kung sino iyon.

"Anong meron Drew?" I asked as if I didn't know.

"N..nothing." He answered stuttering. Tumingin ako sa likod, may black BMX na nasa likod namin at ito ang mukhang sumusunod saamin.

Bumilis ang paandar ni Drew ay s'ya ding pagbilis ng paandar nito. Hinigpitan ko ang hawak sa seatbelt at napakagat labi, parehas kaming hindi na mapakali.

"Hold tight as you can." I nodded and swallowed hard. Mas bumilis ang andar, mabuti na lamang at walang gaanong sasakyan sa daanan. Walang gaanong street lights.

Napatingin ako sa aming likuran kung nasaan nakasunod ang kotse, nanliit ang mga mata ko ng wala na iyon sa likod, tila nawala ang tinik sa aking kaloob-looban. Napabuntong hininga ako at bagsak ang looban dahil sa relief na nararamdaman.

"Shit! Shit! Shit!" Sigaw ni Drew. Napalingon ako sa gilid sa gawi n'ya nandon ang BMX at mukhang babanggain kami patagilid.

Fuck! Anong balak n'ya? papatayin n'ya ako? Kami? Damn! Can't she gave me a fucking time?! Mukhang ito na ang banta n'ya, I thought she can't harm me! Ofcourse yes! She can! Any fucking time! Natatakot ako sa susunod n'yang pagbabantaan upang makuha ang tape na kahit kami ay hindi alam kung naasan ang bagay na 'yon!

Hindi ako nagkakamali, Mabilis ang pangyayari, malakas na tili galing saakin at ang pag ikot ng kotse ang tanging ingay na maririnig. Namanhid ang sakit mula sa mga basag na salamin at mga bagay na tumatarak sa aking katawan dahil sa sobrang takot.

So I guess I am knocking the death's door.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top