Chapter Twenty Five


CHAPTER TWENTY FIVE

XEDRICK's POV

We all gathered here in Balcony. Lahat kami nag aalala sa ano pang pwedeng mangyari lalo na kay Kellie. Saaming lahat s'ya ang puntirya ni Chandra. I have this feelings that It's because of me. Why she's always after Kellie, want to harm her. I have anything to do with this

I failed. I promised to her before that I'll protect her. Pero ito ang nangyari she almost knocked the Death's door! frustrated ako sa sarili ko sa nangyari. Nagsisisi akong hinahayaan ko s'yang mawala sa paningin ko. Fuck! Nalingat lang naman ako ng isang beses pero ito ang nangyari.

Yes! I always stalk her, Magmula ng magkausap kami, Mas nagkaroon ako ng pakealam sakanya, Hindi ko na mapigilan ang sarili kong bantayan s'ya kahit alam ko namang safe s'ya sa kamay ni Leandro.

But he failed to protect her too. This time hindi ko na talaga hahayaang mawala s'ya sa paningin ko. I'll always behind her.

Wala na akong pakealam kung anong iisipin nila saakin, ang mahalaga nalang saakin ay maprotektahan si Kellie. Hindi ito ang oras para sa malisya.

"There's so much blood he lost. He won't last." Jei said almost whisper.

We can't go to his Funeral yet, pribado muna ito para sa Pamilya n'ya.

Kahit ako ay poprotektahan ko din si Kellie kung ako ang nasa kalagayan ni Drew. I'd rather lose my life than lose her. I mean hindi ko s'ya kayang mawala sa mundong ito. I need to prove she isn't our sister first. Pero kung talagang magkapatid kami, Titigilan ko itong kahibangan ko.

But I have this feeling that she isn't. Mas papanigan ko itong nararamdaman ko. I know there's something wrong. I already broke up with Christine dahil alam kong maling mali na kung itutuloy parin namin pero hindi ko s'ya mapigilang nandyan palagi saakin. Lalo na ngayong nagkakamabutihan na sila ni Mom she even wants me to marry Christine. Mom promised her to throw an engagement party for us.

"You all have to stay away from her! Looked what happened to Drew!" Christine hissed as she hooked her arms in mine. Marahan kong tinanggal iyon.

"It wasn't her fault Chris." gatong ni Xander.

"Yes! She is! I knew it, May mapapahamak talaga kapag kapag malapit kayo sakanya, and Look! My instincts didn't failed me."

"Sorry but I don't wanna be rude but you looked Desperate here Christine. Kumakawala na si Xedrick sa'yo pero bakit nandito ka pa din? What for?" Nancy stated. Napahawak ako sa aking noo.

"He only had changed of hearts because of that girl! His sister. Mababalik din ang feelings n'ya for me!" Masama itong tumingin saakin, But I didn't mind.

Ayokong masaktan si Christine alam n'ya 'yon pero ayokong ipilit dahil una pa lang naman alam din n'yang pinipilit ko lang 'tong Relasyon namin.

"Nancy's right, you have to let him go, hindi mo mapipilit ang taong hindi naman talaga sa'yo simula't sapul." Gatong ni Lyra sa usapan, nagsusukatan na sila ni Christine ng masasamang tingin.

"Alam naman nating lahat ang pinagkaiba ng Love sa Rebound lang di'ba? Hindi ka naman yata ganon ka tanga para hindi iyon malaman."

"Girls Relax, you're being too Harsh."

I massaged my nape. Tumayo ako at hinarap si Christine, hinarap din n'ya ako ng mapansin ang pagtayo ko, She looked at me with sad expression at mukhang gusto din ako na kumontra kila Christine.

"Let's go Chris, I'll take you home. It's getting late." I said coldly and turned my back on her. Tumahimik ang lahat pero hindi na ako nagsalita kundi nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

Nararamdaman ko ang pagsunod saakin ni Christine papuntang Garahe.

"Xed, Please let's fix this." She was about to kiss me when I stopped her, Hinawakan ko s'ya sa dalawang palapulsuhan n'ya. Gulat at galit ako ng tinignan ko s'ya. Binitawan ko s'ya at binuksan ang pinto ng Front seat ng hindi nagsasalita.

"Please, Babe. Don't do this to me." She pleased and walked beside me.

"I'm sorry. Please Just hop in, or you'll go yourself." Matigas na sagot ko lang. She only release a heavy sighs and Hopped inside.

Akala ko ay titigil na s'ya sa pamimilit pero hindi pa pala. "Hindi ako titigil Xedrick. Hindi ngayon Hindi bukas. Hinding hindi kailanman! Tandaan mo 'yan!"


KELLIE's POV

"You need something to eat." Hindi pa ako gaanong makabangon sa higaan ko, madalas akong tulala, Hindi padin nagsisink in saakin ang nangyari kay Drew. Hindi ako makapaniwala. Sobrang sakit para saakin mawalan ng kaibigan.

"Kellie." Tawag saakin ni Kuya dahilan para bumalik ako sa aking ulirat, Hawak hawak ang tray na may pagkain. I lost my appetite, All I wanna do is to think, My mind's racing, ayokong kumain. I can't keep myself from thinking, masakit sa ulo.

"Kellie, bukas ang flight mo papuntang Canada." I shook my head. Hindi pa ako pwedeng umalis ng bansa, pinagbabantaan ako ni Chandra, natatakot na akong may mapahamak nanaman ng dahil saakin, Hindi ko na kakayanin.

"Kuya, may utos saakin si Chandra, hindi pa ako pwedeng umalis."

"Hey, Don't blame yourself, It isn't your fault."

"Kasalanan ko Kuya! Dapat una pa lang lumalayo na ako sa mga hindi dawit sa gulong 'to!" Damn, palagi nalang ito ang linyahan ko, Hindi ko na alam gagawin ko. Nanginginig ang kalamnan ko, I don't know what to do or even what to think!

"Shh, Don't say that. Hindi mo kasalanan. Please. I'll call a specialist for you," niyakap ako ni kuya ng magsimulang tumulo ang luha ko. Hindi kona kaya nabibigatan ako, I need help. Hindi ko kayang nakahiga lang dito, Gusto kong makatulong, Kailangan kong kumilos.

"Hush, Calm down, Kellie, calm down, nag aalala na ako." Hinawakan n'ya ang nanginginig kong mga palad, Kahit papaano ay kumalma ako. Pero hindi ko padin mapigilang mapaluha isiping wala na ang Kaibigan ko. At ako pa ang dahilan.

Nagising ako sa ingay, ang biglaang pagkagising ko ay biglaan ding pagsakit ng ulo ko, Ilang araw naba akong umiiyak? Ilang araw na akong dinadalaw ng Anxiety, Sobrang hirap but I need to conquer this, I need to be strong more than that.

"Cancelled ang Anniversarry ng Magical Nine."

"We can have a little celebration. Hindi cancelled."

Hindi padin nila alam na gising na ako dahil hindi ako umiimik, hindi ako makapagsalita para akong tinakasan ng dila. Wala ding maprosesong salita ang utak ko na pwede kong sabihin.

"Walang kahit anong nakuhang evidence sa pagpatay kay Drew. Under investigation parin ang mga Donovan, pinaghahahanap dahil nagtatago. Hindi din pinasara ang ilang kumpanya nila dahil wala paring matibay na ebidensya." Si Jei iyon.

Bigla akong mas nangamba, nasa labas padin ng kulungan ang mga Donovan, gustong gusto ko silang kausapin para itigil na nila ito. Ayoko ng may mawala pa.

Napaungol ako sa sakit ng tagiliran ko, Damn! Nagdudugo nanaman.

Mukhang narinig nila kaya nilapitan nila ako. Napangiwi ako sa ilang sugat sa katawan ko.

"Anong masakit?"

"Call the nurse!"

Hindi kona alintana kung sino sino ang nandito.

May dumating na dalawang nurse ang tumingin sa sugat ko, May tinanggal silang kung ano, Hindi ko malingunan dahil sasakit lamang ang batok ko kung lilingunin ko pa. Nagsi layuan muna sila habang nililinisan at pinapalitan ng gauze ang sugat kong nagdudugo.

Wala pang ilang minuto ng makaramdam ako ng ginhawa, lumabas na ang mga nurse at lumapit ulit sila Jei.

"Okay ka na ba?" si Xander.

"Oo, salamat."

"By the way wala sila Lyra, They're busy as of now, pero don't worry bibisita daw sila kaagad pag natapos na ang OJT nila." Paliwanag naman ni Toppher. Tumango ako at napapikit. Hindi padin ganoon ka ayos ang pakiramdam ko, But atleast the pain lessen seeing them here for me.

"Rest well, Kellie. You'll be fine." ani Xavier nakangiti, I smiled back and mouthed 'Thanks.'

"B-bakit pala ako nandito?" Yun ang katanungang nalingat sa isip ko, imbis na nasa Hospital ako ay bakit ako nandito.

"Because we wants you here, at mas mababantayan ka namin ng maayos, Plano talagang sa Hospital ka dalhin but We all know na hindi safe iyon lalo na't punterya ka." Paliwanag ni Xander na nakalagay ang mga palad sa bulsa ng khaki shorts.

"Dito ka muna for a while, Kahit pa hanggang sa makalakad kana, But until's everything's fine." si Jei naman ang ang nagpaliwanag.

"We're always here for you, Kellie, Always. Palagi kaming nag aalala para sa'yo." si Brent na kumindat.

My heart's overwhelmed. Nagpapasalamat akong nandito sila sa tabi ko through ups and downs. I'm forever thankful to them and for having them.

May dahan dahang nagbukas ng pintuan, napalingon ako sa dumating kahit ang Lima na may sari sariling inuupuan, napansin kong unti unti silang nagsitayuan.

"Uncle Richard." ani ni Jei.

Uncle Richard smiled at them before Glancing on me. He also smiled at me. Ngumiti ako pabalik at marahang napapikit. Isa isang nagsilabasan ang magkakapatid.

Nang kaming dalawa nalang ang natira ay lumapit ito saakin.

He's my uncle. My Biological father's Younger Brother. Richard Anderson.

"How are you feeling, hija?" Panimulang tanong nito saakin. Hindi ako makasagot kaya kimi lamang akong ngumiti.

"Get well soon, like real soon, Well that's not a request that's an order. I know this will be really hard for you, But I know you can make it!" He cheerfully smiled at me. Hindi ako nagsalita. Gumaan ang pakiramdam ko sakanya ng Una naming pagkikita.

"I've heard that you are My brother and a Childhood friend's Child, si Katrina." Hindi padin ako nagsalita. Ngumiti ito at inayos ang salamin. Malaki padin ang katawan nito kahit nagkaka edad na, Ang pinaka napansin ko ay kamukhang kamukha n'ya sila Xavier, Brent at Toppher.

Pinakatitigan n'ya ako ng mabuti, He looked more serious now.

"Sorry to say this, Hija but I don't think if you're my Brother's child."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top