Chapter Twenty Eight

Chapter Twenty Eight

KELLIE'S POV

"So, it's Drew who let Chandra in." Ibinigay ko kay kuya ang USB. lumipas na ang ilang araw bago ko naibigay ang USB kay kuya dahil hindi  na ito nakabisita saakin sa nagdaang tatlong araw, He's schedule is hectic at some Business matter while handling the Donovan's cases, Thanks to Andersons who's helping Kuya, Given the fact that the six jerk I mean yung anim na nasa panganib din kagaya ko.

''How are you feeling?'' Tanong ni kuya, kimi akong napangiti, Hindi padin gaanong maganda ang takbo ng pakiramdam ko pero pinipilit ko dahil kailangan kong magpakatatag. 

''Okay naman ako kuya, Ikaw kumusta ka?'' Ngumiti s'ya saakin, Nakataas ang dulo ng sleeve n'ya sa taas ng siko, nakatanggal ang Coat, halatang kakaalis n'ya lang galing sa Trabaho. He seems looked tired, Magulo ang brown curly wavy hair, kumakapal na ang balbas. Medyo namamayat nadin ang fit n'yang katawan.

Out of nowhere naisip ko kung may idini Date ba s'ya, pero sa tingin ko'y wala dahil sa sobrang busy n'ya at nawawalan na ang self-conscious.

''Kuya, kailan mo balak makipag Date? I mean I know this is not the right time for that pero I think you'll need this special someone to rely on.'' Pabagal bagal ko iyong sinabi. Somehow I felt guilt twirling inside of me. Why the hell I said those word. But I felt a little worried about him not having someone he'll need at a times like this, Tingin ko ay respetuhin ko dapat ang desisyon n'ya.

''I will when everything's fine, your kuya's not getting older naman." saglit s'yang tumigil at kumindat saakin, napangisi ako.

"First and foremost ka'yo muna ang priority ko, That's it, you guys are enough, my family is enough to Rely on." he hugged me and kissed me on my forehead. I shut my mouth and smiled.

"Anyway, are you going well in here?"

"Yes Kuya, namimiss ko lang sila Mama."

"You can have facetime with them if you wanted to." Tumango ako at ngumiti. Mamaya ay balak ko at pupunta ako ng Veranda para tawagan sila mama.

Hindi kalauna'y nagpaalam na din si Kuya para magtrabaho, his schedule is hectic as always. Sumaglit lang s'ya dito dahil ilang araw na s'yang hindi nagpakita saakin.

Lumipas na ang Dalawang Buwan, Bumabalik na ang dating lakas ko, nandito padin ako sa Mansion ng mga Anderson, inaako ng anim ang responsibilidad saakin kaya gusto nilang nandito muna ako.

"Kellie, ako na dito. Hindi muna kailangang tumulong pa." ani Manang kasama sila Ate Myra at Ella.

"Oo nga, Kellie. Nanggaling ka sa aksidente." lumapit s'ya saakin para bumulong.

"Saka, lagot kami sa Anim na Anderson 'no kapag nalaman nilang pinapatulong ka namin sa gawaing bahay! nako." napangiti nalang ako at bumuntong hininga.

Naglilinis sila ng mga muwebles, sahig gamit ang Mop at mga portraits dito sa bungad ng Mansion.

"Bored na bored na nga po ako dito, kaya gusto ko naman pong tumulong isa pa at nakasanayan ko talaga ang gawaing ganto." hindi ko na kailangang libutin ang Mansion na 'to para maglibang dahil sa paglilinis talaga ako nalilibang. Ang Garden nga ay pasimple akong naga alaga sa mga tanim doon.

"Pasensya na Kellie, pero nakikinig kami sa utos ng mga kapatid mo, Gusto mo ba igawa nalang kita ng smoothie?" si Ate Myra na may hawak na mop. Umiling ako.

"Wag na Ate Myra, ako nalang ang gagawa."

Aalis na sana ako ng isa isang bumaba ang anim, Himala at maaga ang gising nila. Tapos na ang Last semester kaya naman bakasyon na sa ngayon, pero madami akong kailangang mabawi dahil ilang buwan akong hindi naka pasok at puro outputs lang kaya naka Homeschooled ako sa ngayon.

Mamaya pang Alauna ang first class ko via Online class, alasais palang ng umaga ngayon. Napuyat ako kagabi sa pagbabasa sa mga lessons na namissed ko noon kaya ngayon ay wala pa akong gaanong magawa kundi ang tumulong.

I'm bored!

"Goodmorning!" nakangiting bati ko sakanila, They greeted me back.

Madalas silang lahat wala sa Mansion dahil may kanya kanyang responsibilidad na ibinigay sa kanilang ng Grandfather nila dahil na din sa last school year na ito nila sa College, Pare parehas sila ng level sa college dahil narin sa conflicts na nangyari sakanila six years ago. May nagbalak na pumatay sa kanila dahil sa business nila Underground. Namatay si Dante Anderson habang pinoprotektahan sila.

"Kellie! I heard you seems so bored. Gusto mo ba sumama saamin ni Xedrick sa OJT namin?" bigla akong ginanahan sa sinabing iyon ni Xavier.

"Saan?"

"Sa Cagayan, we're gonna be there for a Month.  Pwede ka naming maging secretary. I already confirmed your safety. And I also have a good news for you. "

I heard na sa iba't ibang lugar sila Ibinased since madami silang business sa ilang panig ng Pilipinas.

"Anong Good news?"

"Si Grandpa and Grandma nasa cagayan ngayon, kakauwi lang nila galing New york." bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil ngayon ko palang silang mame-meet, my Fathers parents.

"It won't consume your time too much since you'll need time for your Online class.  I promised, hindi ka namin papahirapan, Ayoko lang na ma bored ka dito, ayos ba? Isa pa gusto nila Grandma na makita ang long-lost youngest Granddaughter nila. "

Kinagabihan ay nag empake na ako ng Necessities good for a month. Kinabukasan ay maaga kaming aalis.

I am having face time with kuya, Ibabalita ko sakanya na aalis ako pero nasabi na pala iyon ni Xavier sakanya.

"Gusto mo ba sumama? Mukhang nag eempake kana nga." nagsasalita si Kuya habang nagsusulat sa isang pad sa table n'ya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil mukhang Busy s'ya. I don't want to disturb him as of now ng matagal, gusto ko lang itong ipaalam.

Nagpatuloy na ako sa pag aayos ng mga gamit na kailangan ko.

Matapos ay bumaba ako para pumunta ng kusina, I need some milk before I sleep, I'm craving for it so bad with some strawberries in it.

Nakakahiyang katahimikan ang bumabalot sa Main Hall ng mansion, walang katao tao. Malungkot ang ambiance, samahan mo pa na para akong nasa nakaraang siglo dahil ang Mansion ay panahon pa ng mga Espanyol, Mula sa taas hanggang sa baba. Mukhang nirenovate lang at medyo naging modern tingnan.

Pumanhik na ako sa kusina, excited ang pakiramdam ko dahil ang cravings ko ay paniguradong satisfied nanaman ngayong gabi bago ako matulog.

Pagdating sa bungad ng kusina ay may naririnig akong nag uusap. Hindi lang basta nag uusap kundi parang may pinag aawayan.

"I know! Bihira ka nalang umuuwi dito, ayaw mong kasama ako, you're Even asking for Dad to send me in Canada, for what? you wanna get rid of me?" mahina ngunit mariing sambit ni Richard Anderson.

"That's not what I really meant, Richard! you'll be needed there, Papa Raymundo needs you since Mama Antonia and Dante have died, your family's have a lot of businesses in there, wala na si Dante na sanang magti-take over," si Aaliyah Anderson sa mahina ngunit mariing tinig.

"Alam ko, Aaliyah, alam ko ang dahilan mo! Hindi iyon ang reason mo, Because you want me to get out of sight of our sons,"

Sons? sino?

Hindi kaya? It seems so possible!

Alam kong mali itong pakikinig ko, pero tingin ko ay may dapat akong malaman sa usapan nila, Bumibilis ang tibok ng puso ko habang tumatagal. Napahawak ako dito pakiramdam ko'y nanghihina ako.

"Please! Keep your voice down, Oh God... They might hear you! Please." nanghihina ang boses ni Aaliyah Salvador-Anderson, natataranta ito at parang hindi alam ang gagawin.  Hindi nagsalita si Richard Anderson ng magsimulang napahagulhol ang ginang.

"Sinabi ko na nga sa'yong may usapan ta'yo hindi ba? Once I get rid of Kellie, at natuloy ang kasal ni Xedrick at Christine, ako na mismo ang magsasabi sakanilang anak mo sila."

Wait, ano daw? Get rid of me? Hindi pa ba sapat na rason na magkapatid kami ni Xedrick? Bakit gustong gusto n'ya talagang mapalayo ako sakanila? Lalo na kay Xedrick.

Pero sino sino ang anak ni Tito Richard sa anim?

"Fine! Talk to her, then! But don't be too rude on her, Alam mo pinagdadaanan ng bata."

"Wala ka ng pakealam d'on! If being rude towards her will be the answer for getting rid of her, then so be it!"

Dahan dahan akong umalis papunta sa kwarto ko, ang dami daming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip ko.

Patalikod na ako pero natigilan ako ng may lalaking nakaharang sa harapan ko. My eyes widened, did he heard it all?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top