Chapter Twenty



****

CHAPTER TWEENTY

KELLIE's POV

MABILIS kaming nakarating sa Manila, nagkanya kanya na kami ng destinasyon para umuwi, si Xedrick at Christine na lang ngayon ang kasama ko. Ihahatid ni Xedrick ang girlfriend n'yang kung makayapos ay makakawala sakanya ano mang oras. Naiirita ako.

Sa Black Chrysler kami ni Xedrick sumakay na kanina pa nag-aabang sakay ang valet, may mga nakasunod saaming tingin ko'y tauhan ng mga Andersons, they're wearing an navy blue T-shirt, black naman ang sa mga tauhan ni Kuya.

Kinausap lang ni Xedrick ang valet saglit at unang pinagbuksan si Christine na saglit pa akong nilingon, I bite my upper lip. Lumapit na s'ya saakin para buksan ang passengers seat, naramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa tuktok ng aking ulo.

I can smell his damn manly scent, sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa, it sent shivers down my spine. Halos manginig ang tuhod ko. I can hear my damn heartbeat.

Nakuha ko pa s'yang lingunan, mapupungay ang mga mata n'yang nakatingin saakin.

Mabibigat na hininga ang pinakawala n'ya sa aking ulo dahilan para libo libong boltahe ng kuryente ang naglakbay saaking ulo pababa.

Tumikhim ako at pumasok na sa loob bago pa ako mapaluhod dito.

Pinanuod ko s'yang umikot para pumasok sa Driver seat, tinignan n'ya muna ako sumunod ay si Christine na tahimik lamang.

Tumigil kami sa isang drive thru para bumili ng makakain, hindi naman ako gaanong gutom dahil kumain naman ako pagkaalis kahit nawawalan ng gana, I still have to eat.

"You like street foods Kellie," It's statement.
Nakagat ko ang labi ko ng naaalala parin pala n'ya 'yon. Saglit pa kaming nagkatinginan sa rear mirror. I can't make an eye contact with him long.

"What? you like dirty foods?" kahit nakatalikod si Christine sa gawi ko ay alam kong nandidiri ang kanyang reaksyon. Hindi ko naman s'ya masisisi kung 'yon ang pagkakaaalam n'ya sa mga street foods.

"It's not, Chris." mahinahong sagot ni Xedrick. Napatingin saakin si Christine sumunod sa katabi ng gulat na gulat.

"How can you be so sure, huh? wait kumakain ka ba ng mga ganoong pagkain!?" Hindi maalis ang pandidiri sakanyang reaksyon.

"Nililinis naman 'yon Christine." sagot ko dito ng hindi makasagot si Xedrick. Inirapan lamang ako nito at nakasimangot na humilig sa kinauupuan.

"You are not forced to eat foods you hate." I can sense the irritation in his voice, natigilan si Christine at hindi na nakapagsalita pang muli kundi ay nag-request nalang ng mamahalin at malinis na pagkain daw.

"Do you want streetfoods, Kellie? it's been ages since we haven't eat isaw isaw." medyo nagulat pa akong naaalala n'ya pa pala 'yon, matagal narin kasi ng huli kaming kumain ng streetfood sa Park, nailuwa pa n'ya ang isaw isaw. It's Our first date...

"Uh, okay na ako sa kung anong malapit."

"Oo nga Xed! since she have to talk to Catie pa." malambing na sinabi ni Christine pero mukhang hindi n'ya ito papakinggan kundi ang desisyon ko ang makakapagtapos ng usapang ito.

"Christine's right. Bumili ka na lang ng pagkaing gusto n'ya. I'm still full." mahina s'yang bumuntong hininga.

"Okay, maybe next time." Bigong sagot nalang n'ya.

"There will be no next time Xed! Hindi ko hahayaang kumain ka ng ganoong pagkain, magagalit si Tita." she hissed.

"Christine! Stop it!" mariing sinabi ni Xedrick dahilan para mas mainis si Christine. Tumagilid ito para harapin si Xedrick. Nanliliit ang kanyang mga mata sa inis. Minarapat kong salubungin ang mga mata n'yang mapanghusgang tumingin saakin.

"Damn, fine!" humilig ulit s'ya sa kinauupuan at hindi na ulit nagsalita.

Nasa kalagitnaan ng biyahe ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang messages ang kay Drew.

Drew:

Nakauwi kana?

Drew:

Pls, txt me when you get home. Keep safe.

Me:

Nasa byahe pa, ikaw rin. :)

Pagkatapos ay binulsa ko ang phone at sumandal sa bintana. Mahimbing na ang tulog ni Christine ka'ya naakit narin akong matulog para makapagpahinga.

Binalingan ko ng tingin si Xedrick ng medyo malakas itong tumikhim. Nagkatinginan kami sa rear mirror. Nagtatanong ang mga mata nitong pabalik balik ang tingin sa daan at sa rear mirror para tignan ako.

"W-wala ka bang naaalala?" napaupo ako ng maayos at napaisip, may mahalaga bang okasyon ngayong araw? Wala akong ideya pero ng tanungin n'ya ay mukhang mayroon nga.

"Hmm..." I heard him released his heavy sighs, napapikit pa ito saglit. Mukhang dissapointed sa pagkakawalang alam ko. Birthday ka'ya n'ya? Imposible alam ko kung kailan ang birthday n'ya.

"This day is supposed to be our 2nd Anniversary." Aniya sa malungkot na tinig. Hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Uhm... Alam kong ngayon 'yon." Oo alam kong ngayon 'yon pero ayoko nalang na banggitin at pakaisipin dahil hindi naman talaga dapat. Sapat na ang dahilang magkapatid kami.

"Isang beses ko lang nakalimutan, nakakatawa lang na nung seventh monthsarry na na natin 'yon." pilit at malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Bigla na lang nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"All the beautiful moments that I spent with you, all the loving memories and clues, Hindi ko nakalimutan at hindi ko kakalimutan..."

"The day you have left... I truly miss you to thee. The loneliness is draining me out every single day."

Nag-init ang pisngi ko. Ang akala ko ay naka-move on na s'ya't hindi na nasasaktan sa katotohanan, dahil andyan na si Christine. Yung girlfriend n'ya.

Hindi naman n'ya liligawan si Christine kung hindi n'ya ito mahal.

Hindi ko namalayang nakatingin saakin si Xedrick mula sa rear mirror at mukhang binabasa ang iniisip ko. Mahina akong napatikhim.

"Christine may hear you, wag na nating pag-usapan pa please. Respetuhin mo ang Girlfriend mo." tumango tango ito at nag U turn na.

"Gusto ko lang malaman mo. Hindi ko niligawan si Christine, actually s'ya ang nanligaw saakin." Umangat ang sulok ng kanyang labi. Hindi ko mapigilang mapairap. Bakit n'ya hinayaang ligawan s'ya ng isang babae.

Kalahating oras ang nakalipas ng nakarating na kami sa bahay.
May mga men in black parin sa paligid ng aming bahay, may malaking Van na ngayon ko lang nakita at ang Ferrari ni Kuya sa gilid ng Van.

Mahimbing parin ang tulog ni Christine na binuhat ni Xedrick dahil hindi n'ya ito magising. Sinundan ko sila patungo sa bahay ni Christine para pagbuksan ng pinto.

Bigla kong naalalang nandito nga pala si Catie, Hindi parin buo ang tiwala ko sakanya pero may parte saaking gusto s'yang paniwalaan.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bumukas ito at bumungad si Manang Edna.

"Manang?" Nagulat kami parehas ni Manang pero ngumiti kalaunan, nilapitan ko si Manang Edna para yakapin.

"Pinapunta ko muna si Manang Edna dito para bantayan si Catie, she's still in Handcuffs." Paliwanag ni Xedrick matapos maibaba si Christine sa sofa.

Hinarap ako ni Manang na malaki ang ngiti, pinasadahan n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ang laki ng pinagbago mo anak!" manghang sinabi n'ya. Napangiti ako.

"Nako hindi naman po,"

Mas dumami ang uban at ang fine lines signs of aging ay mas lalong naging evident. Pero kahit ganoon ay mukhang malakas pa si Manang.

"Ay siya nga pala. Nagluto ako ng pagkain ang alam ko kasi ay ngayon ang uwi ninyo." Ani Manang at pumunta sa kusina para kuhain ang mga pagkain sa Dinning table, sumunod ako para tumulong.

Kinuha ko ang bowl na naglalaman ng Kare kare at adobong pusit, bigla akong nagutom sa mabangong amoy ng mga putahe. Nagkamustahan lamang kami ni Manang sa isa't isa.

"Kumain na ba ka'yo?"

"Kaunti lang po ang nakain namin sa Resorts, siguro ay gutom narin po sila Xedrick."

"Tamang tama, mabuti at nagluto ako."

"Nga pala, sila Ate Myla Ate Lilet at Ate Ella po pala Manang?" tanong ko habang naglalapag ng plato at kutsara't tinidor sa gilid ng mga plato.

"Si Ella umuwi muna ng Davao e paano'y buntis anim na buwan na, si Myla at Lilet naman ay nasa mansion parin naman." Tumango tango ako.

"Ay s'ya nga pala si Catie! Hindi ko pa pala nadadalhan iyon ng pagkain, nagugutom na iyon panigurado!" natatarantang sinabi ni Manang at kaagad kumuha ng mga kinakailangan.

"A-ako na po ang magbibigay sakanya ng pagkain Manang." Nilapitan ko si Manang para kuhain ang pinagkakaabalahan n'ya para kay Catie.

"Oh s'ya sige anak, salamat. May hindi pa ako natatapos sa likod bahay."

Kinuha ko ang tray na lalagyan ng pagkain. Nakatayo si Xedrick sa gilid ng malaking couch kung saan natutulog si Christine. He's directly looking at me.

"Hindi ka ba magpapahinga muna?" mahinahong tanong n'ya at namumungay ang mga Mata.

"Gusto kong makausap si Catie." He smiled and nooded.

"Gusto mo ba samahan na kita?" Umiling ako. "Okay lang, samahan mo nalang si Christine, baka hanapin ka."

"Alright..."

Dahan dahan ang lakad ko patungo sa staircase papunta sa pinakadulong kwarto kung saan si Catie, nang nakatayo na ako sa tapat ng pinto ay bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang seradura. I calm myself down. Ayaw kong magalit.

"Manang! There you are-" natigilan ito ng narealize na hindi ako ang inaasahan n'ya. Her eyes widened and her lips parted.

Nakaupo s'ya sa gilid ng medyo malaking puting Kama, ang mga kamay ay naka handcuffs na kunektado sa mahabang kadena. Mukha itong preso pero hindi n'ya masisisi sila Xedrick kung bakit ito nagawa sa kanya.

Namungay ang mga mata n'ya nang lumakad na ako papasok, sinarado ko ang pinto at inilapag ang pagkain sa malapit sakanyang coffee table.

"Thank you. That's so kind of you." mahinhing sinabi n'ya, nag-angat ako ng tingin, she looked down on her hands while playing in it. Malungkot ang ngiting pinapakita n'ya.

"Kumain kana. Hindi ka pa kumakain di'ba?" Umupo ako sa one sitter sofa katapat n'ya. Nag-angat s'ya ng tingin saakin.

"Aren't you mad at me?" She looked at me with hopeful eyes, hindi kaagad ako nakasagot. Mapait ulit s'yang napangiti.

Ibang iba na s'ya sa dating s'ya, halos wala ng bakas ng inggratang Catie, napakasimple nalang n'ya ngayon lalo na sa suot n'yang white dress na lagpas sa kanyang tuhod. She's prettier when she is this simple.

"Two years ago. I went back to my home in states to run away from everything, sa lahat ng nagawa namin ng pamilya ko, namin ni Ate. Umalis ako para makawala sa bangungot, to start my life in there, but it haunts me every single day to think what would've happened kung hindi ko sinunod ang gusto nila Ate, nagbanta si Mommy saakin si Ate even my Grandpa..." Unti unting naglandas ang luha sakanyang pisngi.

"Sa lahat ng masasamang nangyari kami nila Ate ang puno't dulo ang pamilya namin. But I blamed myself even more as I though about it. I tried to commit suicide dahil tingin ko 'yon ang tatapos sa paghihirap ko. But I didn't have the guts to die, sa sobrang konsensya nagdesisyon akong makipagtulungn sainyo... Sa tama." Pinunasan n'ya ang pisngi bago ipagpatuloy ang sasabihin.

"Before long I flew here to Philippines for my plans, to cooperate with you."

I was mad at her for making our lives miserable kasama ang pamilya n'ya, they make our lives miserable. Galit na galit ako sakanya, sakanila, but I didn't get it Because I wasn't Catie herself. Nakaranas rin s'ya ng paghihirap.

She became bitch and wicked because of her family. How hard it must've been for her and how lonely she must've been. Those are things I could never understand unless I was in her shoes.

I can see the good in her, She's just covered with jealousy that turns her being desperate. Nadala lang sya ng bugso ng damdamin, at sa hirap mula sa pamilya n'ya. Naghahanap s'ya ng totoong pagmamahal sa taong inaasahan n'yang magbibigay sakanya nito.

"Maiintindihan ko kung hindi mo pa ako mapapatawad, but I hope you find forgiveness in me. And the trust, I promised you hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito ang tiwala ninyo, gusto kong maitama ang pagkakamali ng aming pamilya." Lumapit s'ya saakin at naluluhang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang magkabilang palad ko. I can see the sincerity in her eyes. Pakiramdam ko ay Genuine ang pinapakita n'yang ito.

Nag-init ang gilid ng aking mga Mata, hinawakan ko s'ya sa balikat para maitayo.

"I have to free myself Catie, papatawarin kita. Yesterday's gone, there's nothing I can do to bring it back."

Ang mahalaga ngayon natuto s'ya at umalis sa panig ng pamilya n'ya upang pumanig sa tama, deserve n'ya ang kapatawaran. She isn't perfect nakakagawa rin s'ya ng mali. Tayo.

Makalipas ang isang oras mahigit na pag-uusap ay napagdesisyunan na naming magpaalam sa isa't isa. Kailangan ko naring umuwi para makausap si Kuya.

Pagkalabas ay nakita ko si Xedrick sa gilid ng pinto, madilim ang mga mata nito. He's leaning against the wall. Nakapamulsa ang mga palad pero tinanggal n'ya rin ito kalaunan at tumuwid ng ta'yo. This time ang madilim n'yang mga mata ay unti unting pumupungay.

"Kanina ka pa d'yan?"

"Sort of." I smiled.

"Anyways uuwi na ako."

"Kumain ka muna." I shook my head.

"Hindi na, kalapit bahay lang naman ang saamin sa bahay na lang ako kakain. Pupunta na lang ako. Siguro bukas o mamaya."

"Okay. I'll send you off then." He said huskily, I nodded.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top