Chapter Twelve

A/N;  Kahit dimo to basahin bala ka haha lol, anyways sorry for the supeeer late update! Ayon aamin ako tinamatad ako medyo distracted naren at busy pero diko 'to susukuan hehe.

Enjoy!






***

Threats.

CHAPTER TWELVE

KELLIE’s POV

Weekend ngayon pero nasa bahay lang kami, hindi muna kasi kami gagala ngayon dahil wala si Kuya, every weekends kasi na mamamasyal kami ay dapat kasama s'ya, siguro ay next time na lang since nasa business trip s'ya.

Kasama ng dalawa naming kapatid ang kanya kanya nilang tutor sa kwarto nila na ni-hire ni kuya habang si Lilianne naman ay nasa Lola n'ya.

Si mama naman ay busy as usual, at kaming dalawa ni Andeng ay nasa salas nanonood sa malaking flatscreen ng favorite movie n'yang Vampire Diaries parang kaian lang ay ang hilig n'ya lang ay Barbie or cartoons pero ngayon medyo pang teenager na.

Hindi ko gaanong maintindihan ang pinapanood dahil busy ako sa cellphone ko katxt si Drew, maaga pa lang ay nangungulit na ito pero sa totoo lang ay hindi na ako nakukulitan sa kanya.

Panay ang sulyap ko sa phone at kapag hindi pa nakakapagreply sa malaking flatscreen naman.

From Drew:

Tara nuod ta'yo sa sinehan?

I composed a message.

Me:

Hmm wag na, nagmomovie marathon na kami ni Andeng.

Wala pang ilang segundo ng magreply ito ng 'enjoy' with emoji na naka kiss pa, napangiti na lang ako.

Nawala na ang atensyon ko sa phone ko ng magsalita si Andeng sa tabi ko na pinaglalarun ang remote.

''Ate have you heard na ipapasara na ni Kuya ang mansion? sayang! I wanna go there pa naman for the rest of the summer."

"Summer? seriously Andeng? Kakapasukan pa lang bakasyon na kaagad ang hinahanap mo."masyado kasing naspoiled tong bata kung saan gusting magbakasyon pinagbibigyan ni kuya kaya ayan tamad ng mag-aral puro pagsasaya na lang ang hinahanap.

Masaya rin naman ang pag-aaral diba? may natututunan ta'yo kung makikinig ta'yo at masarap sa pakiramdam 'yon one more thing we can have circle of friends, masaya 'yon.

Hindi rin talaga maganda ang dulot sa bata kung sobrang spoiled nakakalimutan ang mas nararapat na gawin.

"I don't know ate, basta summer lang ako sumasaya, hmp."

"Andeng, wag kang masyadong spoiled, hindi na maganda epekto sa'yo, hindi ka naman ganyan dati."

"Si Kuya ang nagii-spoiled saakin I didn't even wish for it, I just can't drop the opportunity na makapagsaya. We can't you know?"fourteen pa lang 'yan pero parang mas matanda pa saakin makapagsalita.

"Okay lang maspoiled Andrea pero wag mo namang kalimutan ang pag-aaral, hindi na maganda ang epekto sa'yo dahil hindi mo nakokontrol."

Kita ko ang pag irap n'ya kaya tumaas bahagya ang kilay ko, sarkastiko pa syang nagkibit balikat at tumango.

"Okay Mommy, sure thing mommy."she said sarcastically, tumayo ito at padabog na binaba ang unan sa sofa.

Pinatay ko ang TV para tawagin s'ya.

"Andrea!"

Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-akyat, saglit akong natulala sa inaasta ng kapatid ko dahil hindi na kaaya aya ang ugali, she's being stubborn, ang bata bata pa ganyan na ang inaasta pano pa kaya paglumaki na s'ya?

I snapped back when my phone vibrates, mabilis kong in-open ang message ng makita kung kanino iyon galing.

From Xedrick:

Uhm sorry to bother you. free ka ba today? :))

Medyo napahigpit ang hawak ko sa phone ng nagcompose na ako ng message, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nakakailang bura na ako ng words for sure iisipin nyang naghehesitate ako nagpapabebe or busy.

Me:

Yup, bakit?

Ilang minutes bago ko natanggap ang message n'ya.

From Xedrick:

Naalala mo ba ung sinabi ko sa'yong babawi ako? I just want to sincerely apologize, I offer kahit simple dinner lang?

Ilang beses kong binasa ang message n'ya hanggang sa nakatanggap ulit ako.

From Xedrick:

I wanna catch up with my sister.

Ng mabasa ang recent message n'ya ay parang gusto kong ihagis ang phone ko, at ang pakiramdam ko parang nafriend zoned ako. damn.

Parang inaamin ko nga sa sarili kong umaasa parin ako sa kanya dahil nasaktan akong kapatid na pala ang turing n'ya saakin.

From Xedrick:

I won't take a no as an answer.

Wow? bossy huh?

From Xedrick:

anw andito na ko sa yellow cab yung ten or fifteen step away lang from sau. :)) I'll wait.

Napahilamos ako at napatingin sa isang human mirror size na malapit sa kinauupuan ko, grabeng haggard at oily ng mukha ko ang ayos ng ipit ko magulo na, sobrang plain ng mukha ko. Hindi pa pala ako naliligo at ang damit ko magulo na parang basahan na, hindi kasi ako nagtatapon ng lumang damit ko.

Ganto talaga ako pag weekend tinatamad mag ayos ng sarili for what? nasa bahay lang naman.

Tumayo na ako at dali dali ng nagtungo sa kwarto ko para makapagbihis, I don't wanna be rude na tanggihan kaya tatanggapin ko na lang ang simpleng dinner namin as siblings.

Damn.

Twenty minutes lang akong nag ayos, light make up lang. tinignan ko ulit ang sarili ko sa human sized mirror, tumagilid pa ako saglit.

Maroon semi tee fit, high waist pants and white sneakers lang ang sinuot ko. mukha na akong disente kumpara kanina. hinawakan ko ang sling bag ko at ngumiti sa salamin bago lumabas.

Nakasalubong ko si mama na kakalabas lang sa kwarto ni Budang hawak ang tray na sa tingin ko'y meryenda.

"San ang punta mo?"

Ilang segundong akong nablock mental dahil Hindi ko naman pwedeng sabihing ime-meet ko si Xedrick.

"Ah- biglaang group project po ma,"

"Sabihan ko si Arnold para ihatid ka,"

Si Kuya Arnold yung matagal ng naninilbihan kay Kuya at sa pamilya n'ya, ang sabi ni kuya ay sabihan lang raw namin ito kung magpapahatid or magpapasundo kami.

"Hindi na po ma, mamasahe na lang ako malapit lang naman."

"Hindi, magpapahatid ka."Nauna na saakin si mama wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya, nilapag lang n'ya ang tray at lumabas na.

Nag-usap lang sila saglit kaya sumunod na ako ng mukhang tapos na silang mag usap.

"Mag-iingat ka'yo."humalik ako sa pisngi ni mama bago sumunod kay kuya Arnold.

Panay ang sulyap ko sa aking phone buong biyahe inaabangan kung magt-txt s'ya pero mukang hindi na sya magttxt pa kaya inilagay ko na lang ang phone sa sling bag ko.

"Saan po ta'yo ma'am?"Pagputol ni kuya Arnold sa katahimikan

"Sa yellow cab po malapit sa Saint Anthony."

Muli kong kinuha ang phone ko para icheck kung may message.

May message pero galing kay Drew, hindi ko alam kung bakit gumapang ang disappointment sa sistema ko.

Drew:

Sup.

Ilang minuto bago ako nagreply ng brb (be right back) may gagawin lang. Ayaw ko sanang magsinungaling, tyaka para saan? siguro ayaw ko lang pahabain ang conversation namin? bala na.

Pagkarating ay kaagad kong hinanap si Xedrick, nasa bungad lang kaya madali ko syang nahanap.

He's looking at his phone smiling ear to ear. mukhang kausap n'ya si Catie, tumayo muna ako sa tabi, giving them consideration. Ayaw ko namang makaistorbo sa kanilang dalawa.

Nga four minutes ang lumipas ng ibulsa n'ya ang phone n'ya kaya lumapit na ako.

He smile so I smiled back, tumayo s'ya at pinagurong ako ng upuan.

I mouthed 'thanks'.

Nagtawag sya ng waiter then nag order na kami, half pizza lang ang in order ko at isang iced tea.

"Yan lang ba ang kakainin mo? don't worry my treat, umorder ka pa ng mga gusto mo."ngumiti pa sya kaya lumabas ang malalim nyang dimples.

"Kumain kasi ako sa bahay,"Ilang minutong katahimikan pero pinutol nya rin kalaunan sa isang mahinang tikhim.

"Anyways death anniversary ni Dad sa next weekends sa sunday, kaya may simpleng handaan sa mansion I hope makapunta ka."Alanganin akong napangiti. Inaalala ko si Ma'am aliyah baka magalit saakin kung makikita ako, ayoko ng eskandalo.

"Don't worry mom won't be there, she's in business trip for two weeks so she can't make it."

Hindi ako makapagsalita, nangangapa pa ako ng sasabihin.

Ibang iba na talaga pag kami ang magkasama hays nakakapanibago talaga, paranf dati lang walang araw na Hindi kami nagsisigawan o nag aasaran pero andun yung sweetness, Hindi mabubuo ang araw pag wala kaming ganoon pero ngayon, it seems like we're not comfortable with each other.

"I'll fetch you, sharp 12 noon."

Hindi naman nagtagal ang order namin at nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap, nagkakamustahan nagtatanungan kung anong nangyare for the past two years.

"For sure napakaraming nanligaw sa'yo sa Canada, sadly wala kami d'on."pakiramdam ko ay pinamumulahan ako sa sinabi n'ya.

"I'll take that as a compliment, I guess."I heard his manly chuckles.

"Wala namang nang-harass sa'yo?"

Kunyari akong napaisip, bilang lang sa kamay ko ang naglalagay ng mga letters, flowers, sweets sa locker ko pero mas marami ang umaamin sa harap ko.

"Woah meron nga?"napanguso ako.

"Di makapaniwala hah?"

"No I mean may nangha-harass talaga sa'yo? aba kung andon lang ako nabuntal ko na sila."natawa naman ako.

"Di parin nagbago pagiging biyolente mo."I said smiling, he just shrugged his shoulder off.

"Well I guess so, inborn na e lalo na yung pagiging pogi."natatawang inirapan ko s'ya.

"Teka ang hangin, ikaw siguro yung aircon dito 'no?"parehas kaming natawa at kalauna'y binalot nanaman ng katahimikan.

Isusubo ko na sana ang pizza ng nagsalita si Xedrick. nagtaka ako.

Kumuha sya ng tissue at seryosong pinunasan ang gilid ng labi ko, sa sobrang lapit n'ya ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinihintay kong tumingin s'ya saakin pero hindi nangyari, lumayo s'ya at nginitian ako, ngumiti na lang ako pabalik.

"Para kang bata kumain tsk."

"Wow huh."natawa lang sya at kumain na ulit.

Ilang minuto pa ang lumipas at puro tawanan sa lamesa namin pero minsan ay seryoso ang pinag-uusapan, Maya maya'y tumayo s'ya at nagpaalam na pupunta lang sa comfort room.

Habang wala sya ay kinuha ko ang phone ko ng mag vibrate ito, mula sa unknown number.

From: Unknown Number

Be ready, I'll take everything from you.

xoxo

-C

My forehead crinkled, mukhang wrong send? binalewala ko na lang ang message at kumuha ng tissue para punasan ang gilid ng labi ko.

Isang malakas na pagsabog sa isang tower malapit rito sa resto ang nagpagulat sa lahat, mabilis akong napatayo para usisain ang nangyari.

Sa taas ng tower nangyari ang pagsabog at tiyak na marami ang nasugat o namatay.

Biglang gumapang ang lamig sa aking katawan at kaba na Hindi ko maintindihan, mahigpit kong hinawakan ang phone ko at nabaling ang tingin rito ng magvibrate ito.

From: Unknown Number

You see that? Kellie, yayanigin ko ang mundo mo kagaya n'yan. I'll make sure you'll suffer.

All of you.

I can't bring myself to say anything, sobrang kaba ang bumalit sa aking sistema sa sandaling nabasa ang mensahe, dalawang tao ang pumasok sa isip ko na pwedeng nagpadala nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top