Chapter Thirty One
Chapter Thirty One
Kellie's Point of View
"Gusto kong malaman mo anak, na gagawin ko ang lahat. Kukunin kita ulit kung kinakailangan." kalmado ngunit seryosong sinabi ni mama, naitungo ko ang aking ulo, ginawa na iyon ni mama dati at mukhang gagawin n'ya pa rin hanggang ngayon.
"Ma, mag usap nalang po ta'yo sa personal, Kailangan ko munang umalis." binaba ko ang tawag dahil tila wala naring balak na magsalita pa si mama.
Napaupo ako ng dahan dahan sa malambot na kama, paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni mama saaking isipan. Hindi ko alam kung paano ko pakikiusapan si mama.
Wala pang ilang segundo ang pagpasok ni Xedrick, tumabi s'ya saakin at hinawakan ako sa magkabila kong braso pinapaharap n'ya ako sakanya.
Nag aalala ang hitsura n'ya, malayo ang expression na pinapakita n'ya sa ngayon kumpara sa madalas nitong seryosong mukha, pinunasan n'ya ang pisngi ko, tumutulo na pala ang luha, hindi ko namalayan pakiramdam ko lang ay namamanhid ako ngayon.
Niyakap at hinalikan ako sa ulo ni Xedrick upang pakalmahin, kahit papaano ay humuhupa ang sakit na nararamdaman ko sa simpleng gesture na iyon ni Xedrick... Ang boyfriend ko.
Halo halo ang nararamdaman ko sa ngayon. Ang kaba dahil sa hindi pa natatapos na laban dahil sa mga Donovan at ang paglilihim ni mama pati ang gusto n'yang mangyari, ang ilayo ako sa mga Andersons, lalo na kay Xedrick.
But i feel safe and at peace with Xedrick, mahal na mahal ko ang lalaking ito at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay mama iyon.
Napagdesisyunan na namin ang umalis patungo sa cagayan para sa OJT nila Xedrick, paniguradong naghihintay na si Xavier at Brent duon, ang tatlo pa na sila Toppher, Jei at Xander ay nasa Taguig lamang ang on the job training.
Hinawakan ni Xedrick ang kamay ko na nasa binti ko, ngumiti ako nang sulyapan n'ya ako saglit, kasalukuyan kaming nasa sasakyan.
"What's bothering you, kulot... Mahal ko." napangiti ako.
"Naaalala mo pa pala ang tawag mona iyon sakin." lumawak ang ngiti n'ya, ang ngiting pinakanamimiss ko.
"Who says I didn't remember." hinalikan n'ya ang likod nang palad ko, napangiti ako dahil d'on.
Normal na ito saakin, hindi gaya ng pag iwas namin sa isa't isa, we can open up our thoughts and feelings for each other without hesitations, without feeling of guilt.
Pero nag aalangan pa rin ako, hindi ko pa rin alam kung tama pa rin ba. I have this feeling i still have to consider my mother.
Nakarating kami sa cagayan, It took us for hours. I have slept while we're on the way. Naghihintay saamin si Xavier sa hotel malapit kung saan ang malaking farm nila. It's a variety of fruits. On the other hand is a farm of buffalo and cows.
"I've never saw you do the farm thing." ani ko kay Xedrick pagkapasok namin sa hotel room na pansamantala naming tutuluyan. Magpapahinga muna kami at tutungo na lamang sa bahay malapit sa farm.
"I've done this before. Nuong umalis ka." aniya, habang inaayos ang bagahe.
Medyo nakaramdam ako nang lungkot. Marami na akong nakaligtaan marahil sa nakalipas na taong umalis ako dito sa pilipinas. Though it's not too late.
Nang makapagpahinga ay handa na si Xedrick tumungo sa farm upang tumulong. This is actually part of his on the job training, her mother insisted this as well. Sa office dapat s'ya pero pumayag naman si Xedrick.
"Sasama ka ba saakin?" tanong n'ya. Tumango ako habang nakangiti.
"Yes. Inayos ko na ang mga gamit ko, duon na rin ako mag aaral pansamantala." tumango s'ya, sinakbit ko ang bag sa likod ko na naglalaman nang mga kakailanganin ko sa pag aaral.
Sa bungad nang farm ay makikita ang mga farmers na kasalukuyang nagtatrabaho. May sementadong bahay sa malapit, ang ibang trabahante ay nagpapahinga sa lilim.
Natanaw namin si Xavier at manang Edna.
Nakasuot nang sleeve shirt si Xavier at ng itim na bota, si manang naman ay naghahanda nang meryenda. Yumakap saakin si Xavier saamin saglit.
"Kanina ka pa hinihintay ni Helena," may tinuro si Xavier nang sabihin iyon. Ang bahay nang mga kalabaw.
Pagkasabi naman ni Xavier ay ang malakas na sigaw nang kalabaw sa hindi kalayuan ka'ya nagtawanan silang tatlo. Mukhang ang kalabaw ang tinutukoy.
"Hayan! at nag iingay nanaman si Helena dahil matagal ka nang hindi nakita." ani manang Edna.
Naghanda na rin si Xedrick, nagsuot nang bota at sando. Kitang kita ang naglalakihang biceps niya at pumuputok rin ang muscle sa dibdib pababa. His body got more matured.
Hindi ko mapigilang isipin ang unang bagay na ginawa naming kami lamang dalawa ang nakakaalam. Pakiramdam ko tuloy bigla ay nag iinit ang pisngi ko, napakainit pa naman din dito.
Nagsimula na silang dalawa gawin ang trabaho nila. Pinapaliguan ni Xedrick ang kalabaw na si Helena, napansin ko rin ang mga bahay ng kabayo sa hindi kalayuan. Pag aari ng mga Andersons ang buong lupain na ito.
Isa lamang ito sa mga business na pinapatakbo ng mga Andersons.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko upang simulan ang pag aaral. Mabuti na lamang at wala kaming online class ngayon. Mahina ang internet dito kaya naman ay hindi kakayanin. Pupunta na lang ako sa convenience store o mall sa tuguegarao city para maka connect sa wifi.
Magre-review na lang muna ako sa ngayon para sa nalalapit na examination.
Maya't maya ang paglingon ko sa gawi ni Xedrick, mukhang sanay nga ito sa gawaing farm, hindi kagaya noon na simpleng gawain lamang sa bahay ay saakin pa iuutos. Naalala ko din ang uniform n'ya na plinatsa ko. Akalain mo iyon mukhang hindi talaga s'ya marunong gumawa nang gawaing bahay noon pero ngayon ay ang graceful na nito kumilos.
Nawala lamang ang atensyon ko sakanya nang magsalita si manang edna.
"Mamaya ay tutungo dito ang grandparents nila, pagkatapos nang kanilang trabaho." ani manang edna at nagpahinga sa tabi ko. Nasa mahabang pinagkumpol na kahoy kami nakaupo. Tila ito malaking kama ginawa lamang na upuan.
"Nabanggit nga po manang saakin ng magkapatid saakin." sagot ko naman at isinarado ang notebook ko. Katatapos ko lang at ngayon ay magpapahinga na muna ako.
"Sabik pa naman silang makita ka sina Raymundo at Felicia ang mga magulang ni Dante. Ano na lang sasabihin nila kung hindi ka pala talaga nila apo." malungkot na saad ulit ni manang.
Mabilis lamang lumipas ang oras, sa ngayon ay nagpapahinga na muna ang magkapatid. Mamaya lamang daw ay darating na ang mag asawang Felicia at Raymundo para bumisita. They're actually wants to see me though they leave German for good, sa mansion nila dito sa Cagayan na sila mananatili dahil na rin ay matatanda na.
"Meemaw, i missed you so much." sinalubong nang magkapatid ang grandparents nila, matagal niyakap ni Felicia Anderson ang apong si Xedrick sumunod ay si Xavier.
"Hallo meine Liebe, mein Enkel," she said with foreign accent, after hugging both of his grandsons.
Binati din nang dalawa ang Lolo nila. Matangkad ito at maganda pa rin ang tindig, may medyo makapal na balbas, kahawig nito ang mga apo. Lalong lalo na si Dante Anderson, ang kahawig naman ni Richard Anderson ay si Felicia Anderson.
Sumunod na bumaling ang tingin nilang dalawa saamin.
"Hallo, Edna!" niyakap nito saglit si manang at tumungo ang tingin saakin sumunod.
Kahit matanda na ito ay kitang kita pa rin ang kagandahan nito nang kabataan niya. Sophisticated ang tingin nito. Tila hindi ito nagpapaiwan pagdating sa pananamit. Unlike his husband her skin is so porcelain, the aged like fine wine as well.
Natigilan ito saglit nang tingnan ako. She took her glasses off and now caressing her chest. Mukhang hindi s'ya makapaniwala, niyakap n'ya ako saglit at muling tiningnan.
"Hello po, I'm Kellie Andrade. Xedrick's boyfriend." nagulat si manang Edna, at ang mag asawa sa huling sinabi ko, kaniya kaniya silang reaksyon.
"Jusko po!"
"What?!"
Napangiwi ako habang nakangiti at tinitingnan ang gulat na gulat na reaksyon nilang tatlo.
***
Narrator's Point of View
"You must be Edward, Kellie's friend, from Canada, right?" lumapit ang nakaitim na jacket kay Edward sa loob nang canteen. Tila napapaisip ang binata kung kilala n'ya ito o ngayon lamang nakikita.
"Yes... Who are you?"
"Kellie's Friend... Anyways if you want your family safe, you'd better do what I say." nangunot ang binata sa sinabi nito at tila hindi siniseryoso ang sinabing iyon ni Chandra.
May inabot itong maliit na box sakanya. May pulang ilaw na lumalanas sa bagay na iyon, mabilis n'ya itong kinuha.
"What is this?" pinakatitigan niya ito nang maigi.
Nang mapagtanto ni Edward kung ano iyon ay kaagad n'ya itong inilapag. Isang Computer Engineering student ito at kaagad napag alaman kung ano iyon. Tiningnan n'yang mabuti kung sino ang babae upang kilalanin.
"Why the hell you're giving that kind of device? I don't even know you, miss." aniya at mabilis na tumayo nangungunot ang noo sa galit.
Seryoso na nakipagtinginan si Chandra sa binata, tumayo din ito at may kinuhang litrato sa bulsa ng jacket nito.
"Wait! you're Chandra Donovan? how did you set your foot in here?" Kaagad itong lumingon sa paligid upang sumigaw ngunit may mga lalaking malalaki ang katawam ang nakatingin sa kanilang gawi. Nasa paaralan nila ang wanted, ang pamilya nito ay kasalukuyang nagtatago dahil positibo na kabilang ito sa black markets na kasalukuyang hinahanap nang mga pulisya.
"You're actually wasn't even in my plan in the first place. But since you're friends with Kellie..." pabiting saad nito.
"I know you knew what I mean. Go get that device and make sure to put it to your friend." inilapag nito ang litrato. Ang litrato nang kapatid nito na nasa dormitory sa canada at ng grandparents na kasalukuya namang nasa pilipinas.
"I'll kill them with my own bare hands if you choose your friend." mabilis itong umalis kasama ang ilang bodyguards.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top