Chapter Thirteen

A/N: sorry for the long waiiit, hope you enjoy! stay tuned. (^^)


****

CHAPTER THIRTEEN

KELLIE's POV

"A-anong nangyari?"

Lumapit saakin si Xedrick ng makita ang sagot sa tanong n'ya, nag-aalala ang tinging ipinupukol nito saakin na may halong pagtataka, aligaga kong ibinaba ang aking ulo at napahawak sa noo dahil sumakit ang ulo ko.

Para pa akong matutumba kaya naman lumapit pa saakin si Xedrick until I can feel his body against mine and his mint breathe. Hawak nya ang braso at palad ko para alalayan ako, pinilit ko ang sariling makatayo ng maayos dahil naiilang ako.

"You look pale, you should see a doctor, I'll take you to a hospital. Inaatake ka nanaman ba ng hika mo?"

"Hindi o-okay lang ako, let's just call it a day." Ayaw pa nya pumayag pero kalauna'y sumang-ayon din.

"Sayang bisitahin sana natin si Dad. but you have to rest." He said dissapointed. gustong gusto ko sana pero gusto ko ng magpahinga dahil pakiramdam ko ay anytime lalala ang sakit ng ulo ko, pahinga lang siguro ang kailangan ko.

Isinandal ko ang ulo sa kinauupuan ko ng magsimulang magmaneho si Xedrick, binuksan nya rin ang aircon kaya mas lalo akong nahilo, imbis na magsalita ay ang ginawa ko ay binuksan ang bintana dahil fresh air ang kailangan ko.

"I'm sorry." Pinatay n'ya ang aircon, hindi na ako nagsalita.

Kanina pa ako binabagabag ng mensahe at nangyari kaya siguro ako nahilo. Sigurado akong ang magkapatid na Donovan ang may kagagawan nito at ang nagpadala ng mensahe at kung hindi then who? who the hell will do such things like that? sila lang ang naiisip kong gagawa ng ganoon dahil alam ko kung anong buhay ang kinalakhan nila, Karahasan.

At dahil naring sa love triangle na nangyari saamin. For sure naghihinganti na sila.

Hindi lang ito tungkol kay Xedrick panigurado, may kinalaman dito ang Ama ni kuya ang may hawak ng evidence, hindi pa lumalabas ang katotohanan kaya hanggang ngayon ay nagsasaya parin ang Donovan sa labas ng rehas.

Marami ang naghihintay ng katotohanan at hustisya.

They should rot in jail. All of them!

Nagliyab ulit ang galit ko sa para sa kanila, ang galit na kinikimkim rin ng iba sa kanila, at sa ginawa nila sa kapatid ko na
muntik pa nitong ikamatay.

I loathe them to death!

Hindi ko namamalayan ang pagkakakuyom ng dalawa magkabilaang palad ko na nakapirmi sa gilid na mukhang napansin ni Xedrick.

"Okay ka lang ba talaga? para kang galit, ang mga palad at hitsura mo kasi." Mariin akong pumikit at pinalis ang galit sa aking mukha ng pilit. Pero hindi ko napigilan ang nagbabadyang luha.

"Maging handa dapat ta'yo anumang oras dahil hindi parin ta'yo tinitigilan ng nakaraan." Nangunot ang noo n'ya sa mahinang bulong ko habang nakatingin sa labas.

Naiiyak ko syang tinignan kaya nagtaka sya pero kalauna'y naging malambot at nag-aalala ang kanyang tingin, itinigil n'ya ang kotse sa gilid para kausapin ako.

"Tell me what's bothering you, may masakit ba sa'yo?"Hinawakan n'ya ang palad ko na may kaunting dugo dahil sa sobrang pagkakakuyom nito kanina.

"Wala pero rito meron." Nanginginig kong tinuro ang bandang dibdib ko, saglit nya iyong binalingan ng tingin bago ako.

Sa isang iglap lang hindi ko namalayan ang marahang paghatak nya saakin para yakapin ako ng mahigpit, pinaparamdam nya saakin na safe ako sa kanya, na kailangan man walang masamang mangyayari basta nandyan sya.

"Everything's gonna be fine... I'm here, I won't let anyone fvcking harm you."

Napayakap ako pabalik sakanya at hinigpitan ang pagyakap sa kanya, ayaw ko ng matapos ang mga oras na'to dahil kumakalma ako.

"Bakit namumutla ka?"

Pagkapasok sa bahay ay si mama ang bumungad saakin, as usual hawak nito ang basket na puno ng damit namin na lalabhan nanaman n'ya.

Tinanggal ko ang doll shoes at pinalitan ng slippers, saglit akong napahawak sa aking noo dahil sa mahinang pagkirot nito, kimi akong ngumiti kay mama at nagmano ng ibaba nya ang hawak na basket.

"Mainit po kasi ma kaya siguro nahilo ako."

Napailing si mama. "Tsk tsk, nasanay ka na talaga sa klima ng Canada mukhang Hindi ka na sanay sa init ng panahon dito sa pilipinas."

Sinong maswerteng masasanay sa init ng pilipinas?

Habang naglalakad patungo sa kusina si mama, ay nagtungo ako sa couch at idinantay ang likod sa couch para makapag relax, saglit akong napahawak nanaman sa aking ulo.

Pagbalik ni mama ay may hawak na s'yang isang baso ng tubig.

"Sabagay dalawang taon ka ba namang naglagi sa Canada."I mouthed 'thanks' ng iabot saakin ni mama ang baso at uminom ng kaunti bago nilapag ang baso sa glass center table.

"Hilutin ko nga ang ulo mo ng guminhawa ka, ang putla mo nak." wala na akong nagawa ng pumwesto si mama sa aking likod, ng dahan dahan ang kanyang hilot ay napapikit ako. Napapikit sa sarap.

"Ma, marami ka pong ginawa di'ba? ako po dapat ang naghihilot sa'yo."Inaantok na saad ko, napakasarap talaga ng hilot ni mama nakakawala ng stress, medyo nawala ang pangingirot ng ulo ko at napalitan ng antok ang nararamdaman ko.

"Wag mo ng isipin 'yon, tyaka di kita hahayaang maghilot ng namumutla ka, ikaw talaga ako pa ang iniisip mo."napangiti na lang ako.

"S'ya nga pala nak, kilala mo ba iyong Christine na kapitbahay natin? nandito s'ya kanina ang sabi pa n'ya kaibigan mo s'ya."

Napamulat ako ng marinig ang sinabi ni mama, parang bigla na lang nawala ang antok na nararamdaman ko.

"Talaga po?"

Bigla kong naalala ang almost 'dinner date' namin ni Xedrick, I wonder if aware s'yang kumain kami sa labas ni Xedrick, for sure iuupdate naman s'ya ng Boyfriend n'ya.

Wala s'yang dapat ikabahala dahil kapatid ko ang Boyfriend n'ya.

Aish! ano ba 'tong pinag iiisip ko?! ako yata 'tong malisyosa, baka nga Hindi naman 'yon ang iniisip ni Christine ako lang 'tong nag iisip ng ganto, for sure naman hindi mag iisip ng kung ano ano 'yon, she should trust her boyfriend.

Sabi nga sa story ni Psyche and Cupid Hindi mabubuo ang pag-ibig ng walang pagtitiwala.

Nevermind...

"Hinahanap ka n'ya kanina."

"Bakit raw po?"

"Hindi sinabi, tumuloy iyon saglit kanina rito, may dalang pagkain, hindi naman sa nanlalait pero hindi maganda ang lasa, papuntahin mo nga yon minsan dito at tuturuan kong magluto."

Ano kayang dahilan at hinahanap n'ya ako?

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong inantok.

ILANG oras na yata ang tulog ko at Hindi ko namalayang alasingko na pala, mukhang napasarap ang tulog ko, dala narin siguro ng pagod at sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo dahil Hindi na gaanong kumikirot thanks sa hilot ni mama, magaan na ang pakiramdam ko.

Ilang minuto akong natulala hanggang sa naalala ang nangyaring pagsabog at text message kanina, Hindi parin ako makapaniwala parang panaginip lang.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table katabi ng lampshade, bigla akong natigilan dahil nasa kwarto na ako na kanina ay nasa couch lang sa sala.

Hindi ko napansin marahil siguro sa iniisip ko at madalim ang kwarto ko. Hindi na nakabukas ang bintana, half nalang ng ilaw ng lampshade ang nakabukas.

Kinuha ko ang phone ko at chineck ang message, andon parin ang threats.

Nilapag ko ang phone sa gilid ko at napahilamos.

Ilang segundo lang akong natigilan at binuksan ko na ang ilaw sa kwarto ko, may pagkain sa isa pang table sa kwarto ko malapit sa bintana. There's a note.

Eat well sis, ako nagdala sa'yo, you gained weight you should visit gym some other time, ;))

- Kuya.

Napasimangot ako at napatingin sa human sized mirror ko, mukhang tumataba ako ng kaunti. Kaunti lang naman sexy parin naman ako.

Ang lakas ng hangin kaya ang manipis na kurtina ay humahalik sa mukha ko, mukhang hindi naisara ng maayos ni mama ang bintana o Hindi nya talaga sinara.

Isasara ko na sana ang binata ng mapansin ko ang bulto ng isang babae sa kurtina sa kabilang bahay at 'yon ay ang bahay nila Christine, dahan dahang humahawi ang kurtina dahil sa hangin kaya naman ay medyo nakikita ko ang babae, at habang tumatagal ko itong tinitignan ay nagiging mas familiar ito saakin.

Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang buong gilid ng mukha nito.

Si Catie!

Biglang nag init ang dugo ko at nanginig ang kamay ko sa galit, Hindi ba at nagtatago na ito?! Bakit s'ya nandito?!

Kasabwat kaya n'ya si Christine?!

Nakuyom ko ang kamao ko at napagpasyahang sugurin ang bahay na 'yon hanggang sa makita ko ang babaeng 'yon! wala akong pakealam kung makaeskandalo ako, walang wala iyon sa paninira nila sa buhay namin! ni Kalahati!

Hindi ko na pinansin ang mga men in black sa paligid na tinatanong kung saan ako pupunta.

Nakatuon lamang ang atensyon ko sa bahay kung saan nandon ang isa sa nanira ng buhay ko. Namin!

Ang lakas naman ng loob n'yang pumunta pa rito! ang dami dami ng bantay ang nasa paligid at nakapasok pa sya! For sure matagal na s'yang nandito at may pinaplano nanaman laban saamin at kasabwat pa yata ang Christine na iyan!

Hindi na safe si Xedrick kaya kailangang masabihan ko sya!

Natigilan ako ng makita ang BMX ni Xedrick sa gilid. Saglit lamang akong natigilan at tuloy tuloy ng pumasok sa gate hindi alintana ang tahol ng mga aso.

Ilang beses akong nag doorbell at hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko, nanginginig sa galit, takot at kaba.

Wala pang ilang segundo ng bumukas ang pintuan, sumalubong saakin ang nakangiting si Christine, napakalaki ng ngiti nito saakin.

"Hi!"

Hindi ko pinakita ang pagkagulat sa inasta n'ya.

"Babe! Kellie's here."

Kung magsalita s'ya ay parang hindi nya na ako kinaiinisan, kinalma ko ang sarili. Pinipigilan ko ang sariling mageskandalo kahit yun naman ang plano ko, wtf!

Hindi nagtagal at nagpakita saakin si Xedrick na naka half smile, Hindi ko alam kung totoo bang nakikita kong may kung anong kaba sa mga mata n'ya.

"Come in."

Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok.

Mukhang tatlo silang nandito, at tingin ko ay hindi iyon alam ni Xedrick, sure ako nakita ko ang babaeng 'yon dito.

Magsasalita na sana si Christine ng magsalita na ako bigla at nag crossed arms, nakataas bahagya ang isa kong kilay sa kanya.

"Ilan ka'yong nandito?"

Nagkatinginan silang dalawa, tila nangungusap ang mga mata nilang nagkakaintindihan.

Dumiretso na ang tingin nila saakin ng magsalita nanaman ako.

"Mukhang hindi lang ka'yong dalawa ang nandito, alam n'yo yon?"

Nakangiting nakakunot ang noo ni Christine.

"Dalawa lang kami dito, in fact kakaalis lang ni mom and dad."this time nakangiti na s'ya pero ang expressions na binibigay n'ya kakaiba parang may iniingatan syang bigkasin.

"Yeah, dalawa lang kami dito, bakit?"as usual kalmado si Xedrick.

"Hmm... Nothing, anyways I heard na galing ka sa bahay namin kanina Christine."seryosong sabi ko.

Good! Akala ko tatakasan ako ng dila ko.

"Uh yes, since neighborhood naman ta'yo nagbigay ako ng pasta kay Tita, well hobby, you know."sabi nya at nagtaas pa ng dalawang balikat.

Kita kong napangiwi si Xedrick sa Hindi ko malamang dahilan.

"Tara dito ka na kumain Kellie, I cook."proud pa na sabi n'ya.

Saglit akong Hindi nakasagot dahil may iba akong pakay dito.

"Mauna na ka'yo, punta muna akong restroom."

"Ah okay... sa room ko na lang out of order kasi yung nasa kitchen."

Mas mabuti yon! tingin ko kasi ay sa kwarto ni Christine ko nakita si Catie. Aalis na sana ako ng magsalita nanaman si Christine.

"Pink yung pinto ng room ko."Parang nag aalinlangan pa sya, nevermind ang importante mahuli ko si Catie. Hindi ako nagmadali para hindi mahalata.

Nang makarating ako sa second floor ay binuksan ko ang tatlong guest room, binilisan ko ang paghahanap, ang mga malalaking kurtina na possible nyang pagtaguan ay hinawi ko, nasa pangatlo na ako at wala parin akong nakikitang signs na nandito nga s'ya.

Totoo kaya ang nakita ko or I am I just paranoid? Mukhang wala talaga sya rito.

Napahawak ako sa noo ko saglit at sa pink room na ako pumasok, napakadilim ng kwarto kaya binuksan ko ang switch, hindi ko pinalampas ang kwarto at naghanap rin ako dito.

Mukhang wala sya.

Bumaba na lang ako para magpaalam na.

Pagdating sa kitchen ay nakaupo ang dalawa sa counter nakatalikod saakin nag uusap natigilan ako.

"Sabihin na kaya natin sa kanya?"si Christine.

"No! ahh no, I think this is not the right time for that."si Xedrick.

Anong sasabihin? ano kaya 'yon?!

Bigla akong kinabahan, ano naman kaya iyon? At bakit ayaw ni Xedrick na malaman ko pa sa ngayon.

I bite my upper lip.

"Tell me, what are you two taking about? at Xedrick bakit hindi ko pa pwedeng malaman ngayon?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top