Chapter Ten
Shout out pala sa nagrequest ng name ni Christine nalimutan ko UN nya pero kung nagbabasa ka man hanggang ngayon at naaalala ang req mo, antayin nyo magcocomment yan rito! hehe thank you!
Enjoy!
**
CHAPTER TEN
KELLIE’s POV
“Kellie nak, inaatake ka pa ba ng asthma mo?”Tanong ni mama sa kalagitnaan ng aming breakfast.
Mabuti na nga lang ay maaga akong nagising kahit pa alauna na akong nakatulog kagabi wanna know why? he's running on my mind all night! at hindi ko mapigilang balikan ang nangyari kahapon, ang marahang hawak at buhat nya saakin, pinaparamdam nya saaking ligtas ako sa mga bisig nya.
At hindi maganda itong iniisip at nag-aapoy nanamang nararamdaman ko kailangan ko yung buhusan ng malamig na malamig na tubig para tapusin ang kahibangan ko.
Hindi ko na nagugustuhan 'to, at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, hindi 'to pwede ayaw ko nito.
Kung pwede lang sanang burahin ko 'to kagaya ng pagbura sa mga blackboard ng ganoon kadali, kaso hindi e, hindi ganoon kadaling gawin 'yon.
“Anak, ayos ka lang ba?”napabalik ako sa aking ulirat ng magsalita si mama, gusto ko sanang himasin ang ulo ko dahil parang kinuryente, baka kasi mag-alala lang lalo si mama. Nagsisimula na syang mag-alala na matulala ako't mapangiwi sa naiisip kanina hindi ko namalayan ang mga kapatid ko at si mama.
“What's bothering you?”si kuya pagkatapos nitong sumimsim sa kanyang kape.
“Okay lang ako, ma kuya wag ka'yo mag-alala.”pilit akong ngumitit at pilit pinapatatag ang aking boses dahil pakiramdam ko pipiyok ito.
“Nga pala, parang pamilya iyang uniporme mo Kellie, ano nga ulit pangalan ng school mo?”muntik na akong masamid sa sinabing 'yon ni mama dahil uminom ako ng tubig.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at nakagat ang labi dahil wala akong maisip na palusot dahil ang lalaking 'yon lang ang naiisip ko hanggang ngayon!
Tinignan ko si kuya na napatikhim at seryosong binalingan ako ng tingin bago si Mama.
Saglit na katahimikan ang namayani si Mama naman ay nakatingin saakin inaasahan ang isasagot ko kaya hindi ko napigilang mapalunok ng ilang beses.
I'm sorry, badly need your help kuya!
“Ma aalis na po kami, we'll be late.”si Kuya sa baritonong boses, binalingan sya ni Mama dahilan para gumaan ang pakiramdam ko, mabuti na lamang at hindi na pinipilit pa ni Mama na alamin, natatakot na ako habang tumatagal dahil walang sikretong hindi nabubunyag.
Tumayo na si Kuya kaya napatayo narin ako kahit kaunti pa lang ang nakakain kong pagkain walang wala akong gana ngayon, siguro ay sa cafeteria na lang ako kakain kung magugutom man ako.
“Ganoon ba? o’sya, mag-iingat kayong dalawa.”
Ng nasa labas na ay hinarap ko si kuya pagkasarado ni Mama ng pinto, ng napansing tumigil ako ay tumigil rin sya at seryosong binalingan ako ng tingin pero lumalambot rin ang ekspresyon kalaunan.
“Tell me now what's bothering you sis?”
Patago kong kinagat ang labi ko, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya dahil malaking kalokohan lang naman 'yon, at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng lalaking 'yon para buhatin ako ng ganoon ng hindi manlang nag-iisip, basta sya umaarya not knowing the consequences.
Maiissue kami sa school dahil hindi naman alam ng halos lahat ng students sa Sainth Anthony ang tungkol saamin at may ibang nakakaalam na dati kaming relasyon na paniguradong uungkatin ng iba at sasabihin sa lahat.
Hanggang sa makarating 'yon kay Christine at ayaw ko namang mas lalo itong magalit saakin at mag-isip ng kung ano!
Nakakatakot ang pambibig deal ng tao nowadays hindi mo alam kung ano mangyayari next day lalo pa may inaalala ka.
Tumikhim si kuya dahilan ng pagbalik ko sa aking wisyo. gustong gusto kong manapak ngayon o magbunot ng ligaw na damo!
“Ah w-wala kuya, don't worry about lang sa project ang iniisip ko.”umangat ang gilid ng labi nya at parang may kung anong magandang ideyang naisip.
“I can help you, then.”napangiwi ako.
Sa totoo lang may project ako ngayong inaatupag individuals or group work at nakakainis lang na imbis na 'yon ang pagtuunan ko ng pansin dahil mas kailangan pero lalaking 'yon ang pumapasok sa isip ko!
Nawala ako sa concentration ko kagabi kagagawa ng project ko na individual.
Haist! ang OA ko!
“No need na kuya ayaw ko namang makaabala sa’yo alam kong busy ka sa trabaho mo 'no.”pilit akong ngumiti pero kahit papano ay totoo dahil natutuwa ako sa pagiging thoughtful nya.
“Okay, pero kung kailangan mo ng tulong pwede mo akong tawagan, anytime.”
Medyo napawi ang ngiti ko ng maalala ko nanaman ang cellphone ko, kailangan ko ng kapalit n'on mamaya na dapat, siguro ay magpapasama na lang ako sa dalawa kong kaibigan.
Nginitian ko naman si kuya kaya kita ko ang pagtataka nya pero napangiti din at medyo kunot ang noo halos magdikit na ang makakapal nyang kilay.
“Thank you for saving me kuya.”lumaki ang ngiti nya nawala na ang pag kunot ng noo at hinimas ang ulo ko.
Kahit paaano ay nawala naman ang stress ko.
Dahil wala si Drew ngayon ay hindi ko na tinanggihan si kuya na maihatid ako sa school, wala ng gaanong tauhan pero napapansin ko parin ang mga tauhan ni kuya tuwing papasok ako halos lahat sila ay men in black kagaya lang ng mga nagbabantay sa paligid sa bahay.
Alam ko nakakapagtaka king bakit hindi kami sa mansion nila kuya tumira kung pwede naman d'on, si mama kasi ay ayaw nya ang ganoong kalaking titirhan dahil hindi ito sanay at napakarami pa ang mga kasambahay na pwedeng kumilos para saamin.
Lumaki si mama sa hindi marangyang pamilya at ayaw na ayaw nya ang walang ginagawa dahil nababagot lang raw sya kung hindi kikilos.
Wala namang nagawa si kuya kundi sundin ang gusto ni mama.
Marami rami ng students ang nagsisipasok, ang iba pa'y pinaglalaanan ako ng hindi ko mawaring tingin pasimple akong napangiwi at bahagyang itinungo ang ulo para medyo matakpan ng buhok ang gilid ng ulo ko.
Tuloy tuloy lang ako hanggang sa makarating sa tapat ng napakalaking soccer filed.
Namataan ko si Ariane Perez, ang rumored side chic ni Xedrick, nakasuot ito ng uniform nila sa cheerdance malapit sa malaking fountain statue ng school, lahat ng kasama nya at nakatingin saakin, hindi lang basta tingin kundi naiinis at mapang uyam na tingin, si Ariane ay naka halukipkip at nakataas ang drawing nitong kilay.
Kagat labi kong inilihis ang tingin at mas binilisan ang paglalakad.
Inaasahan ko na ito. na bawat dadaanan ko ay puro parinig para saakin, pero kailangan kong magtimpi dahil ayaw na ayaw ko ng away.
Kasalanan 'to ng lalaking 'yon aish! alam na nyang sikat sya ganoon ang inaasta nya! isa pa hindi nya ba iniisip yung girlfriend nya?
Oh baka nago-overrect lang ako pati ang fans nya at binibigyan ng malisya ang pagtulong? Hays mababaliw talaga ako nito. nakakainis.
Naitungo ko ang aking paglalakad at sa ibaba ko itinutok ang tingin at medyo binilisan ang lakad kaya may mga nakakabangga akong mumurahin ako tanging sorry lang ang nasasabi ko at nagmamadali na ulit.
Ng Nasa hallway na ako sa first floor ng aming department ay may nakabangga akong matigas at medyo malambot na bagay, at dahil hindi ako nakatingin saaking harap ay hindi ko napansin ang tao sa aking harap.
Hindi ko parin tinataas ang aking ulo. “S-sorry.”
Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ng kung sino ang braso ko para iharap sa kanya.
Isang lalaking malamig at madilim na mga mata ang tumambad saakin hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya ilang segundo lang ay ibinaba ko na ang aking ulo para humingi ulit ng pasensya para makawala na, siguro ay nagalit sya sa pagbangga ko sa kanya kaya ganto sya.
Damn ang lapit ng mukha nya saakin, my heart beat erratically, nakakahiya baka namumula ako! nilingon ko ang hawak nya saakin at pilit na kumakawala pero hindi ko nakayanan dahil mas lalo nyang idiniin ang malalapad na kamay pero tama lang para hindi ako masaktan.
“Babe, let her go, nakakahiya.”si Christine sa gilid, hindi ko ito namalayan dahil sa lalaking ito lang ang buong atensyon ko.
Kahit hindi ko tignan ay nakatayo pero naiinis ito habang ang ibang students ay dito na nakatingin at pinag-uusapan nanaman kami.
“Xedrick b-bitawan mo ako.”
Kahit isang salita ay walang lumabas sa kanya nagtataka na ako sa inaasta nyang hindi ko maintindihan o pagpapapansin ba o ano.
Tinanggal nya ang kapit saaking braso at hinawakan naman ang palapulsuhan ko marami ang napasinghap sa ginawa nya, my eyes widened as he pull me out of the crowd. Hindi ko mabasa kung anong iniisip o ano ang mga nasa mata nya, pero pakiramdam ko ay may kakaiba.
Sa isang peaceful mini garden nya ako dinala dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko, at ako ay hindi magawang itaas ang ulo hindi ko sa hindi malamang dahilan.
Nakabawi ako at dahan dahan syang tinignan, ganoon parin ang kanyang mga mata nag-iigting ang mga panga. Ibang iba sa dating Xedrick na nakilala ko, hindi ko na sya halos kilala.
Kinuha nya ang bag na nakasabit sa kanyang likod at binuksan iyon at may kinuhang kahon. nanlaki ang aking mga mata ng napagtanto kung ano ang bagay na 'yon.
Inilahad nya 'yon sa aking harap kaya nanlalaki at dahan dahan ko syang nilingon.
“Take this, My phone number is already registered inside.”Mababa ang kanyang boses ng sabihin 'yon
na at parang nanuot saaking tainga ang boses nya. Kahibangan.
Ilang minuto ng nakalahad ang kamay saaking harap hawak ang latest cellphone sa pinakamahal na brand, hindi ko alam kung tatanggapin ko 'yon dahil hindi parin ako nakakabawi sa gulat.
Tatanggapin ko ba? hindi ko alam.
Mahal ang cellphone na yan hitsura pa lang ng kahon, nakakahiya rin tanggapin dahil kaya ko namang bumili. Pangalawang beses na nya itong ginagawa I never saw this coming again.
Kinuha nya ang nanginginig kong kamay at inilagay saaking palad hindi ko mabawi ang aking kamay sa sobrang pagka bigla sa ginawa nya.
He released a sighed. “Please take this, you're memory's inside so don't worry”
Hindi ko alam kung bakit ang sarap sarap sa pakiramdam ng kanyang boses.
Pero teka, asan ang sim kong luma?
Aish! kung ano ano na lang ang pinagsasasabi ko! hindi na talaga 'tong maganda!
“Yung sim nasira, I'm sorry.”nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nya.
“Ano?!”Nandon ang mahahalagang contacts ko! hindi pwedeng mawala 'yon, pero wala akong magagawa kung wala na talaga gagawa na lang ako ng paraan.
Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang aking sarili.
“T-thank you,”nahihiyang sabi ko at mabilis naglihis ng tingin pagkakagat ng aking labi ng makita ang bahagyang pag ngiti nya, ng ngumiti sya ay pakiramdam ko ay bumalik ang dating sya.
“You're welcome... Always.”
Mas lalo syang napangiti ang ngiting nagpabihag saakin Two years ago, ang ngiting gustong gusto ko ng makita.
Hindi ko alam kung manhid ba sya kaya hindi nya maramdamang ayaw ko na ngang lumalapit sya saakin sa isiping 'yon ay namuo ang inis pero makita ang mga ngiti nya ay unti unting napapawi.
At hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako sa kahibangan kong 'to, but I hope so. Hayaan nyo muna akong mas hangaan at mas mahalin sya kahit ngayong araw lamang at pinapangako kong kakalimutan ko na sya pagkatapos ng araw na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top