Chapter Seventeen








**

CHAPTER SEVENTEEN

KELLIE’s POV

"Pa– Pakiulit."

Ilang segundo akong natigilan sa sinabi n'yang 'yon, totoo ba ang narinig ko o nabibingi lang ako? what the hell?! Napaatras ako ng isang hakbang ng kumpirmahin n'ya ang kaninang sinabi.

"Papaano?"napabuntong hininga s'ya at napapikit.

Anong plano nilang dalawa? bakit hindi nila ito sinasabi saakin? alam kaya ito ni Kuya? Hindi ko aakalaing may komunikasyon silang dalawa, bakit sila nagsasabwatan?

Napakaraming tanong ang namuo na gustong gusto kong masagot n'ya ngayon mismo! Para itong bomba without me knowing. Kating kati akong malaman ang explanation ni Xedrick. Kung hindi n'ya ako sasagutin ay wala akong magagawa kundi ang pilitin s'yang umamin.

"Remember the secret you badly want to know? yung sikretong tinatago namin mula sa'yo? si Catie 'yon Kellie, pinagkatiwalaan namin s'ya–" My eyes widened at that, natigilan ako ng ilang segundo at nang nakabawi ay mabilis na naglakad papunta sa harapan n'ya na parang lumakas ang loob ko! Para makipagtalo sa kanya! The devil side of me badly wanna get out now, yung demonyong side na iniingatan kong hindi ilabas ay hindi ko na napigilan sa nalaman.

"What the fuck did you just say?!"Hindi ko na mapigilang mapamura dahil ang taong 'yon pinagkatiwalaan lang naman nila! He looked at me darkly reason why I stepped back a bit.

"Don't curse Kellie! Hindi ikaw 'yan!"sigaw n'ya dahilan para matigilan ako, ngayon lang n'ya ako sinigawan ng ganto kalakas! bakit nadissapoint ko ba s'ya?! E yung pagtitiwala n'ya sa isa sa sumira ng buhay namin di'ba at mas nakakadissapoint 'yon?! I laughed mockingly, I can't believe him. I fucking can't believe this! What the hell.

"Nagagalit ka dahil nagmumura ako?! E ang pagtitiwala mo ba sa babaeng 'yon? Hindi ko ba ikagagalit 'yon? Namin ni Kuya?"

He shut his eyes and heavily sighed. Nang bumukas ang mga mata n'ya ay malamlam na ito at tila pagod na pagod na sa mga nangyayari, mga tingin kong nangyayari ng hindi ko alam! "Alam ni Leandro 'to, una itong lumapit sakanya, pinagkatiwala n'ya saamin si Catie. Kami na ni Christine ang nagtago sa kanya."

Kung mas nakakagulat ang nauna kong nalaman mas nakakagulat ang mas nalaman ko ngayon para itong bomba, mas malakas pa ang impact kaysa kanina.

Para akong pinagtaksilan! Alam nila? bakit hindi nila ako sinabihan tungkol dito? labas ba ako dito? dapat sinasabi nila saakin hindi yung sila lang ang nakakaalam! siguro marami pa silang tinatago saakin hindi lang ito. Ang sakit sakit lang na hindi nila ako pinagkakatiwalaan. Hindi nila sinasabi saakin ang dapat kong malaman.

"Ano bang plano n'yo?! bakit wala akong kaalam alam?" Hindi s'ya nakasagot sa tanong ko kaya mas lalo akong nanggalaiti, mas mabuti pa siguro kung si Kuya na ang kausapin ko tungkol dito.

Mukha namang wala s'yang maisasagot dahil nahihirapan na s'yang magpaliwanag.

Tatalikod na sana ako para umalis. "I'm sorry we didn't tell you this, ang gusto lang namin ay protektahan ka Kellie dahil si Chandra malaki parin ang galit n'ya sa'yo."

"Si Catie! Malaki parin saakin ang galit ng babaeng 'yon panigurado! gusto n'yang magtiwala ka'yo sa kanya para sa masamang balak nila, hindi ko alam kung anong pinagsasasabi n'ya mapaniwala lang ka'yo. Nagpaniwala naman ka'yo! I can't believe this! You just dissapointed me!" Nagtataas baba ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob.

Gustong gusto kong maiyak dahil itinatago nila saakin ang dapat nalalaman ko! Tingin ba nila wala akong ka'yang gawin? pakiramdam ko iniisip nilang magiging pabigat lang ako kaya sinikreto na lang nila 'to saakin.

"At ano? Gusto n'yo lang akong protektahan? ang sabihin mo ayaw n'yo lang na maging pabigat nanaman ako dahil these past few days nagiging pabigat na nga ako."I said sarcastically. He looks so upset. Hindi s'ya makapagsalita dahil tama ako, tama ako pabigat na nga ako sa kanila.

Parang literal na tinatarak ang puso ko ng napakaraming kutsilyo isiping totoo iyon. Nakakapanghina ang katotohanan. Ang sakit.

This time sa sarili ko naman ako naiinis dahil kahit ano yatang kilos at disisyon ko ay puros katangahan, dapat nga ay hindi na ako umuwi pa rito sa pilipinas, dapat ipinagpatuloy ko na lang ang buhay ko kung saan hindi ako makakapahamak

"You know what? you are clearly overreacting." Hindi ako nakapagsalita.

"Alam mo kung bakit nagagalit ka? Dahil hindi ka parin kumakawala sa nakaraan, you have this habit remembering the past you shouldn't." Papaanong hindi ko makakalimutan ang ginawa nila gayong kahit hanggang ngayon ay masama parin silang balak laban saamin! Sa ginagawa nila mas lalo lang akong nagagalit sa kanila. Hindi talaga nila kami titigilan hangga't hindi nasasatisfied.

"Ano bang alam mo, hah?! Palibhasa hindi ang kapatid mo ang muntik nang mamatay ng dahil sa magkapatid na 'yon!" natigilan s'ya at biglang nagulantang sa nalaman, hindi n'ya 'yon alam dahil nakaratay s'ya sa Hospital bed at walang malay.

"Sorry..."

A tons of tears escaped on me, tila nanuyo ang lalamunan ko at parang nagsara ang mga labi ko. nanlalabo narin ang paningin ko dahil sa tuluyang pagluha na kanina ko pa pinipigilan. Kinakampihan pa n'ya ang isa sa mga dahilan ng pagiging miserable namin hanggang ngayon.

"I still can't forgive for now and I'm not sorry about it." Matigas kong sagot.

"She's just trying to manipulate you! to manipulate us! Hindi mo manlang ba naisip 'yon huh?" He licked his lower lip at hindi makapaniwalang naglihis ng tingin sa kawalan, tila naiinis na sa pagpapaliwanag saakin.

Paano ko maiintindihan?! Hindi ko maintindihan! bakit sa dinami dami ng mapagkakatiwalaan bakit ang babaeng 'yon pa?!

Dahan dahan s'yang lumapit saakin at malambot na ang mukha tila naaawa saakin. "Yesterday is gone, there is nothing you can do to bring it back. Forgiveness is also a gift you give yourself, makakawala ka sa galit kung papatawarin mo s'ya– before she could finish his words I cut him off. Hindi n'ya ako madadala sa lambing nang boses n'ya kagaya ng ginagawa n'ya noon.

"Ka'yang kaya kong magpatawad! pero hindi ko ka'yang palampasin ang lahat ng ginawa n'ya! Muntik pa n'yang patayin ang kapatid ko at balak pa kaming isa isahin! she and her family made our lives miserble!"

"Let's talk about these when ge get back to Manila with her–"

"I don't think I will have a good conversation with her after all what shes done." halos malamig pa sa yelong sagot ko, wag n'ya aasahang maganda pa ang pakikitungo ko sa kanya dahil kung gagawin ko 'yon ay baka wala lang ako sa sarili n'on.

Mapapatawad ko s'ya at ang pamilya n'ya pero hindi mabubura ang lahat ng ginawa n'ya, nila.

"Because she's a bitch! A drama queen and a two-faced–" bago ko pa ipagpatuloy ang sasabihin ay mabilis n'ya akong niyakap, my eyes widened, why the hell hes hugging  me? I tried to get away from him but he didn't let me, hindi ko kaya dahil ovbiously na mas malakas s'ya kumpara saaking payat lamang.

"Stop it now please?" Nagsusumamo ang boses n'ya ng sabihin iyon tila s'ya bata na nanghihingi ng lollipop.

"Don't tell me gusto mo ang babaeng iyon kaya pinipigilan mo akong magsalita! Ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng yon."

"Never..." Parang napapaos ang boses n'ya at isiniksik ang ulo sa aking leeg, My mind badly want to push hin away But my heart says wants us to stay like this, pinipigilan ko ang kakaibang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-irap, hindi naman imposibleng magkagusto s'ya sa babaeng 'yon pero sana isipin n'ya ang Girlfriend n'ya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani, hindi parin n'ya pinuputol ang yakap namin, gusto ko mang gawin pero ayaw ng katawan kong itulak s'ya.

Naglakas loob na akong itulak ang matigas at mainit n'yang dibdib, hindi narin naman na s'ya umalma, madilim parin ang mga mata n'yang nakatingin na saakin, kagaya parin ng dati hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya naglihis ako ng tingin at naglakas loob na talikuran s'ya at iwan na lang sa Veranda.

"ARE you okay? kanina ka pa tahimik." Tanong ni Drew saaking gilid. Tinatanong n'ya ako kahit na alam n'yang hindi ako okay dahil hindi maayos ang lahat. Ang nangyayari.

"Ah, O-oo."

"Cheer up, kay?" kimi akong ngumiti sa kanya at dahan dahang tumango. Hinawakan n'ya ang kamay ko para sa holding hands kaya napatingin ako sa kanya. He's smiling ear to ear like nothings bad might happen kahit na alam n'ya.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang Debut celebration ni Demi kaya naglalakad na kami patungo sa Reception hall, lutang ang isip ko kanina pa, wala akong kinakausap.

Sinabi ni Xedrick kanina nago-overrreacting lang ako, Damn! Do I really just overreacting? Tama naman na magalit ako di'ba? pero dapat pa bang malaman ko pa 'yon? Damn! Ofcourse yes! I should know. Kasali ako sa gulong 'to, ako ang pinagmulan ng galit ni Chandra at... Catie.

Damn!

"Masama ba pakiramdam mo?" this time si Lyra na ang nagtanong na katabi si Xander na lumilingon lingon sa paligid, hindi ko pala namalayang nandito na kami sa Reception dahil sa malalim na pag-iisip.

"O-okay lang ako." Sagot ko at pilit s'yang nginitian.

Kaya ko pa sila patawarin sa lahat ng nagawa nila saakin, kahit na nasaktan ako ng maraming beses mentally and physically, kahit ako pa ang saktan nila hanggang ngayon. I can bear all of It, I can give them my forgiveness. funny How all those years of pain na nanggaling sa kanila ay nakakaya ko parin silang patawarin.

Pero ang muntikang pagkamatay ng aking kapatid dahil sa kagagawan nila ay hindi ko yata kayang ibigay ang kapatawaran para sa kanila ng ganoon kadali. Ibang usapan ang ginawa nila sa mga taong mahahalaga saakin, lalo na sa pamilya ko na pinapahalagahan ko ng higit pa sa sarili ko.

Ang front ng Reception ay glass wall kaya nakikita ang magandang view ng Dagat. Sa labas sana gaganapin ang Celebration pero mukhang uulan ng malakas ka'ya dito na lang sa Reception ginanap ang selebrasyon.

Naupo na kami sa assign seat namin, anim lamang kaming nasa Pink round table habang ang iba ay nasa Ibang table na. Pink and White ang color theme ng party, instead na dresses ang suot ng mga bisita ay naka swimwears. Pero ang mga elders na babae ay Naka Beach dress.

Inilibot ko ang mga mata hanggang sa pumirmi ito sa dalawang nasa 40's ang parents ni Demi at Drew. Dinna Torres at Thiago Anton Torres.

Ang Mommy nila ay naka beach dress habang ang Daddy nila ay exposed ang malaking katawan, mukhang nasa mid fourthies na sila pareho pero hindi halata ang edad nila, Dinna Torres, Her porcelain skin, perfect bone structure and timeless elegance. Si Thiago Anton Torres A Moreno type, He has a brute masculinity, kahit maedad na ang mga ito ay kitang kita parin ang pagiging Good-looking nila parehas.

Habang ang iba ay natutuwa pakiramdam ko'y ang mga kasama ko ay hindi. Hindi sila gaanong nagsasalita ngayon at tila pare parehas kaming iniisip. Ang delikadong sitwasyon namin, Hindi sila makapag enjoy dahil sa pangamba at dahil iyon saakin. Si Xedrick na ang nagsabi sa kanila nang itanong naman nila saakin ay kinumpirma ko na sa kanila.

I think I ruined the party.

Maya maya'y lumapit saamin si Demi ng nakangiti, mukhang hindi pa n'ya alam ang pwedeng mangyari, pero tiwala naman ako kay kuya na gagawa s'ya ng paraan para walang mapahamak isa saamin.

Si Kuya... Nakakatampo s'ya, hindi n'ya ako ina-update manlang.

Nagsisimula na ng magsalita ang emcee pero wala d'on ang atensyon ko, pinapakiramdaman ko ang paligid.

Tumayo naman si Drew ng tinawag ang pangalan n'ya, ang iba saamin ay nagsisialisan na hanggang sa tatlo na lang kami ni Xedrick at Christine ang natitira.
Napatingin ako sa dalawa na tahimik lang na nag-uusap, kamustahan lang ng pahinga nila kanina, blah blah blah... I crossed my arms and looked away from them.

"Tell me where the hell you've been hiding Catie?" Seryosong tanong ko para putulin ang katahimikan.

"Sa Bahay, why?" si Christine. Tinignan ko ito seryoso parin.

"Ah, sa bahay n'yo lang– sabi na e! Nakita ko nga s'ya sa bahay ninyo!" I said as I realized. Hindi ko lang pala guni guni iyong nakita ko s'ya sa bintana.

"Kailan pa?"

"Two months." I nodded calmly.

Gusto ko s'yang makausap para makita ko kung sincere nga ba ang babaeng iyon sa pakikipagtulungan saamin. Wala man akong masamang kutob sa kanya pero pakiramdam ko ay ayaw ko parin sa kanya na may masama parin itong idudulot saamin.

"Naka handcuffs s'ya two months na, she knows all the plans of her sister pero hanggang dun lang." Tumango tango ulit ako ng marahan at naging interesado sa ikukwento pa n'ya pero mukhang wala na.

"Alam na naming nagsesend ng threats si Chandra sa'yo bago ka pa n'ya takutin sinabi iyon ni Catie Three weeks ago, and she was right ang akala namin nagsisinungaling lang s'ya." tumigil saglit si Xedrick, diretso at seryosong nakatingin saakin.

"Xedrick pleased your brother to double his men around you for your security, kahit hindi na nga s'ya magmakaawa actually...  Dahil hindi mo alam sinusundan ka na pala ni Chandra ng patago, muntik na s'yang mahuli ng isa sa mga nagbabantay sa'yo sa school but sadly they didn't caught her." Nagulat ako pero hindi ko pinahalata, hindi naman nakakagulat na sinusundan na pala ako ng babaeng iyon nagulat ako dahil alam nila 'to lahat samantalang ako hindi. At dahil narin sa nakatakas si Chandra sa mga taong malalaki kumpara sa kanya.

Mukhang sanay s'yang makipaglaban kahit pa sa mga malalaking lalaki, required iyon sa pagiging tagapagmana n'ya sa Bussines nila Underground.

"Maraming sinisante ang kuya mo after that. Actually tatlo pa nga ang namatay." Napainom ako sa pineapple juice sa aking harap. Kung ganoon alin sa mga iyon? Sa pagkakatanda ko lahat ng men ni kuya ay malalaki ang mga katawan halata mong matitikas! Papaanong napatay n'ya ang tatlo samantalang ang isang lalaki lang ay pwede na s'yang hawakan sa kanyang palapulsuhan at baliktarin s'ya! Her skills unbelievable I must giver her that!

"Pero dahil lang sa threats na 'yon, naniwala na ka'yo sa kanya? What if plano pala nila 'to?" tinignan ko si Xedrick. "Kilala mo s'ya! Kilalang kilala sa totoo lang."

"Hindi parin kami nagtitiwala sa kanya Kellie, but Leandro insist that we should." this is unbelievable. Mukhang malaki na nga ang tiwala n'ya kay Catie.

"She wants to talk with you, ilang beses ka n'yang pinuntahan sa school hindi para saktan." this time si Christine naman ang nagsalita, hindi parin dapat nila pagkakatiwalaan ang babaeng 'yon kahit na ganoon.

Well she can't easily earn trust lalo na kung malaki ang nagawa n'yang kasalanan noon.

Magaling sa decisions si kuya lahat ng advice n'ya para saakin ay dapat sinunod ko. Ayaw n'ya lang sabihin saaking magiging pabigat ako kung makikipaglapit nanaman ako sa mga kaibigan at kapatid ko, He doesn't want to hurt my feelings, kaya hinayaan n'ya akong mag-aral sa Saint Anthony.

Kaya nga dinala n'ya kami sa Canada para dun na manirahan dahil para wala ng masaktan dahil ginagawan na n'ya ng paraan kung paano mapapabagsak ang mga totoong kalaban.

She's still obssess with Xedrick.

Ibig sabihin lang ng paglayo naming pamilya n'ya ay paglayo narin ng ibang nadadamay mula sa kapahamakang maidudulot mg pamilya namin.

Pero ako 'tong tangang hindi nag-iisip na lumalapit parin sa kanila ka'ya nangyayari ang hindi maganda.

Alam kong hindi man iyon sinasabi saakin ni Kuya ay yun nga ang totoo.

I am such a stupid person! Why I didn't realized all of it sa una pa lang?! Ganoon talaga pag tanga, ano? Walang magandang dulot sa mga taong nakapalibot sa kanya, pahamak lang ang dulot ko sa kanila, sa kanilang lahat to be exact.

They're better off without me. They should hate and blame me for putting their lives at risks.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top