Chapter One
****
CHAPTER ONE
KELLIE's POV
"I'm hooome!"
Tinanggal ko ang scarf na nakapulupot sa leeg ko kanina pa sa airport, ewan ko ba nilalamig parin ako kahit nasa pilipinas na ako, siguro dahil narin sa sobrang lamig na inabot ng katawan ko sa Canada na nadala ko rito sa pilipinas.
Napabuntong hininga ako ng maalala nanaman ang dahilan ng pagsakit ng puso ko. Hanggang ngayon ay masakit parin sakin ang ekseang 'yon ilang oras pa lang ang nakakalipas.
Hays Kellie tama na, move on na. Ani ko sa sarili.
"Anybody home?"si Leandro na kakapasok lang. pansin ko rin mukhang walang tao napakatahimik kasi. Usually hindi ganto sa bahay lalo na sa mga kapatid ko na Maya't maya ang sigawan at takbuhan.
"WELCOME BACK!"May malaki silang hawak na Banner maski sa pader ay merong welcome back may confetti pa nga e.
Napangiti ako, kahit papaano ay nawala ang pagod ko dahil sa surprise nila na hindi ko naman inaasahan. si Lyra at Lila ay nandito rin na napakalaki ng pinagbago lalo na si Lila na hindi mo aakalain kung makikita mo ang picture nya noong mataba pa s'ya, halos walang bakas ng dating Lila. Sa totoo lang ay nanliliit na ako sa sarili sa ganda nya. Si Lila malaki rin ang pinagbago mas lalong gumanda at nagmatured na tignan. Si Hazel na malaki rin ang pinagbago hindi papatalo, mukha na syang babaeng babae hindi dati na para syang Lesbian wala na ang cap na laging suot nya nagsusuot narin ng palda kahit hindi pumapasok.
Halos lahat nagbago, well ganon naman talaga lahat nagbabago pero maliban sa nararamdaman ko.
"Siiiis! I miss youuu!"Mabilis akong nilapitan ng dalawa para yakapin, niyakap ko sila pabalik at ngumiti.
"Gosh! hindi lang yata two years ng umalis ka e, it's like Ten years! namiss kita sobra,"si Lyra na halos humagulhol na.
Hinarap ko naman sila. "Namiss ko rin ka'yo, sobra,"
Lumapit naman si Hazel at niyakap rin ako ng mahigpit, niyakap ko rin sya pabalik. "Pasalubong ko ah? Hehe,"
"Syempre, ikaw pa ba makakalimutan ko?"
"Ayun! kaya lab kita e, dika madaling makalimot hehe,"Nginisian ko lang s'ya paniguradong magugustuhan n'ya ang T-shirts at iba pang pasalubong ko sa kanya na gustong gusto nya.
"I'm so hungry naaa!"
Natawa naman kami ng sumigaw si Lillian na hinimas pa ang sikmura n'ya napaka cute na bata. actually kasama naming umalis si Lillian tutal kapatid naman sya ni Leandro kaya tinuring narin namin syang kapamilya. namatay ang mommy n'ya sa hindi malamang dahilan at hindi naniniwala si Leandro na nagpakamatay ito dahil sa depression ng itago ni Leandro ang ama matapos manganak.
Wala parin akong alam kung nasaan ang tatay ni Leandro hindi nya sinasabi saamin.
"Nagugutom na ang Lilli. halina't kumain,"si Mama na nakangiting niyaya kami papuntang sala, may malaking mesang inihanda at napakaraming pagkain, may mga pagkaing luto sa Canada na madalas lutuin ni mama ng matutunan n'ya maski ang niluluto ko ay niluto rin ni mama ang paborito ko.
Nilapitan naman ako ni mama matapos kausapin si Leandro. "Anak kumain ka ng marami alam kong napagod ka,"Ngumiti lang ako matapos ay umalis na si mama.
Sa totoo lang ay may Jetlag parin ako kaya gustong gusto ko ng magpahinga pero gusto ko namang kumain baka magtampo si mama na hindi ko manlang kinain ang handa nya para saakin.
"Busog huh?"si kuya Leandro na may hawak na dalawang plastic cup na may lamang juice. Napangiwi ako at nag peace sign. Inabot ko ang cup na para saakin.
"Saan mo balak mag-aral? Just tell me where ako ng bahala sa lahat,"
Napakabait talaga nitong si Kuya napaka hands on sa amin, halos lahat binibigay nya mga kailangan namin, iniispoiled n'ya nga ang mga kapatid namin sa kung ano anong makakapagpasaya sa kanila kaya minsan nangangamba rin ako na lumaki ang mga iyong suwail.
"Don't hesitate to tell me Kellie, like what I've said before-" I cut him off, halos kabisado ko na ang kasunod n'on.
"Ako ng bahala sa mga needs n'yo, dahil priority ko ka'yo,"Sabi n'ya.
"Yes alam ko naman 'yon kuya, don't get this wrong huh, hindi palaging kami dapat ang priority mo of course you have your own life to live, hindi ka makapag enjoy kasi kami lang palagi. Naiintindihan naman kita na gusto mong bumawi pero wag mong ibuhos halos lahat ng oras mo samin, sige ka magiging matandang binata ka, ni di ka pa nga nagkaka girlfriend right?" Nakangising inilingan lang nya ako.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng gantong pamilya Kellie you know that kaya kayo ang first priority ko, I didn't even see this day coming na makakasama ko ka'yo, all my life puro ako trabaho at ngayong kasama ko na ka'yo wala munang babae kundi kayo lang, period." Seryosong sabi nya at hindi ko naman mapigilang mapangiti.
I have a sweetest brother on earth.
"Mas sanay akong Independent and you know that too,"
Ng mga panahong nasa Canada pa kami ay bihira lang kaming manghingi ng pera kay Kuya dahil nagwo-working student ako d'on sa isang mamahaling coffee shop twenty to thirty steps away lang mula sa school. Malaki laki naman ang sweldo ko kaya hindi kami nahirapang mamuhay sa Canada.
At first ayaw ni kuya na magtrabaho ako dahil baka hindi ko raw kayanin ang lamig at pagsabayin ang pag-aaral at trabaho pero pinaglaban ko hanggang sa nanalo ako.
"Okay fine, but let's make a deal,"Napaisip ako saglit.
"Okay spill it out then,"
"Ikaw ng bahala sa requirements mo pero hindi ka na magtatrabaho, and I'll handle your tuition fee even your allowance. Call?" Hindi na masama may gagawin parin naman ako mas gusto ko 'yon.
"Call, sa SAU ako mag-aaral,"
"Are you sure? you still have one month to decide,"Maski s'ya ay tutol na mag-aral ako sa SAU parehas sila ng dahilan ni mama.
"Oo, bago pa man kami pumuntang Canada ay plano kong sa SAU ako magtatapos, hindi lang naman silang anim ang dahilan ko,"gusto ko rin na makasama mga kaibigan ko.
Gusto nila ni mama na sa Canada na kami manirahan at bakasyon lang ang magiging dahilan kung bakit kami uuwi sa pilipinas pero nagmatigas akong uuwi kami matapos ng dalawang taon o ako ang mag-isang uuwi tutal marami rami narin akong naipon.
He released a heavy sigh. "Mom will be mad, she won't let you set foot in SAU, you know that, mas mabuting sundin mo si mama,"
"Bahala na kuya, pero kilala mo ako, ipagpipilitan ko ang gusto ko kung alam ko namang hindi mali,"
"May magagawa ba ako? pero Alam mo ang sitwasyon Kellie, isipin mo 'yon before you decide," Nakangiti akong tumango, giving him assurance.
**
"Kells saan mo balak mag-aral?"si Lyra nakaupo katapat ang vanity mirror habang pinapatuyo ang buhok.
Si Lila naman ay busy sa cellphone nya paniguradong si Xavier ang kausap n'ya nalaman ko kasing matagal ng nagkakamabutihan ang dalawa, ngingiti ngiti pa nga e.
Dito sa bahay matutulog tong dalawa gusto raw nila akong makasama.
"For now, undecided parin ako,"Malungkot kong sagot kaya pinatay nya ang blower at tinignan ako sa salamin.
"Sa SAU na lang,"
"Tutol si mama at kuya,"
"Aish Oo nga pala, this must be really hard for you,"mapait akong napangiti.
Tuwing iniisip ko lahat ng nangyari parang hindi parin mag-sink in sa utak ko, yung parang hindi ako hinahayaang sumaya, sa totoo lang makalipas ang dalawang taon hanggang sa ngayon ay pakiramdam ko pinepeke ko na lang ang mga ngiti ko.
Hindi ko alam kung kelan yung huling ngumiti ako ng totoo, sumaya ako ng totoo. Oo masaya ako ngayon pero hindi kagaya ng dati.
Pakiramdam ko may kulang araw araw, ang hirap ng ganoong pakiramdam. Acting everything's fine but cries at night, ayaw kong mag-alala ang mga tao sa paligid ko so I keep it all inside. Pakiramdam ko pa ang sama sama saakin ng Tadhana sya masaya na habang ako ito nasasaktan at malungkot parin.
"But i'm hoping na sa SAU mo tapusin ang pag-aaral mo,"
"Hmm, sa totoo lang ay pagkaalis namin ay plano kong sa SAU ako magtatapos,"Mukhang ang plano kong yon ay nanganganib na hindi mangyari. Ayaw ko namang suwayin si mama ang kaso ayaw ko rin namang sundin sya.
"I bet gusto mong makasama mga 'kapatid' mo?"Iba ang lungkot na ibinibigay saakin ng salitang kapatid.
"Lyra!"si Lila na nanlalaki ang mga matang tinignan si Lyra.
"What?"Nakataas kilay na sabi ni Lyra, Kimi ko silang nginitian matapos kong mag-angat ng tingin.
"Tss, nothing,"
"Okay fine, sorry,"
"Okay lang ano ba ka'yo, alam ko naman 'yon,"Kahit hindi. Ayaw kong maguilty sila ng dahil d'on dahil totoo naman, ako lang itong hindi matanggap. Wala namang tao ang umaaming hindi sila okay, pero deep inside masakit sobra. Suicidal.
Natahimik naman sila parehas kaya ang awkward ng atmosphere.
"Girls, busy ba kayo tom?"tanong ko para maputol ang awkwardness.
"Hindi naman/ me too,"
Napaisip ako. "Hmm, may gig ba ang Magical nine bukas?"
Gulat na nagkatinginan silang dalawa kaya mahina akong natawa sa reaksyon nila. "What's with that look?"
"Sure ka sa tanong mo kells?"Nagtatakang tinignan ko si Lyra na nasa state of shock parin.
"Oo naman, never ko pa kasi silang napanood sa gig nila e,"Malungkot kong sabi, tumahimik naman saglit.
"Wait I'll ask Xavier,"si Lila.
"Lils, sabi pala ni Xander wala pa raw next week pa, monthsarry nila Chri-" mabilis namang nagsalita si Lila tingin ko sinadya nya yon para putulin ang dapat sasabihin ni Lyra, parang natataranta pa.
"No! I mean postponed ang gig nila until next month busy kasi sila, Oo yun nga,"si Lila na pinanlalakihan ng tingin si Lyra na may kasamang ngiti, parang may sinasabi pa look.
"She have to know Lila! stop your lies and tell her the truth, yes next month pa ang gig nila same day sa monthsarry ni Xedrick and Christine, better to tell her the truth, anong purpose ng hindi pagsabi sa kanya ng totoo?"seryosong sabi ni Lyra.
Napayuko naman si Lila. "Ayaw ko lang syang malungkot,"
"It's better to tell her the truth Lila than to tell a lie just to make her don't hurt, kahit naman hindi mo sabihin ang totoo alam nating malungkot at nasasaktan parin s'ya,"
"I'm sorry,"parang naiiyak na sabi ni Lila na binalingan ako ng tingin. Nginitian ko naman sya mabilis tuloy syang naglihis ng tingin na parang naguguilty.
"Come on girls, two years na ang nakalipas ibaon na natin sa limot ang mga masasamang nangyari noon, masaya na si Xedrick? Then let him be, and Lila mas okay pa ngang nalalaman ko kasi napapanatag ang loob kong masaya na s'ya because I know he been through much at deserve nyang maging masaya,"I smiled sadly.
Pipilitin ko paring tanggapin hanggang kaya na ng sistema kong kapatid ko sya at masaya sya pero hindi ako ang dahilan, kahit masakit.
"Nga pala, This should help you kells cheer up a bit right?"may kinuha naman si Lyra sa bag nya, at nanlaki ang mata ko ng maglabas sya ng three tickets ng movie ng'Bird Box' waaah! gusto kong panuorin yan ng nakaraan pa kasama sila kaso nasa Canada ako.
Inabot nya saamin ni Lila yung dalawang tickets na mabilis naming kinuha. "Matagal ko ng kinikeep 'yan hehe, gusto ko kasi sabay sabay tayong manonood ng movie na 'yan,"
"Bukas na bukas panuorin natin 'to ah!"excited na sabi ko na tinanguhan nilang dalawa, mabuti na lang at wala akong gaanong gagawin bukas.
"Sure! Let's unwind narin, from now on we'll help you to move on, don't worry there are plenty more fish in the sea sis!"
"Ano ka ba Lyra, pass muna ako d'yan darating rin naman si Right guy sa ngayon study muna he he,"
"Oo nga naman Lyra,"si Lila na natatawa.
Napanguso naman si Lyra. "Hmp, fine,"
For now wala munang special someone, para walang heartbreaks dahil hindi pa ako nakakaget over even though dalawang taon na ang nakalipas.
And I'm slowly accepting the fact that he'll never be mine again.
***
A/N: Lame? Huhu I know, tagal pa mag-update babawi po ako hihi~ anyways do Vote and Comment, Thank you!~ :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top