Chapter Nineteen
Please share your thoughts and share your votes. Feedbacks are highly appreciated, Thank you!
***
CHAPTER NINETEEN
KELLIE’s POV
"ARE you out of your mind?"
Nanlaki ang aking mga mata sa gulat sa biglaang pagsulpot at pagsasalita ni Xedrick sa daanan, kahit madilim ang paligid ay alam kong galit ang ekpresyon n'ya, his eyes were black pitch again, nagdidilim ang kanyang mga mata pag galit. Ang kanyang malaking pangangatawan ay halatang halata kahit na nasa dilim pa s'ya!
How the hell did he know I am here!? Kanina pa ka'ya n'ya ako minamanmanan? The though of him always looking at me made my face heated!
Napabalik lamang ako sa aking wisyo ng magkasa ng baril ang dalawang guard sa aking gilid ka'ya mabilis ko silang nilingon. "Don't!" I warned them. Mukhang hindi kilala ang lalaki sa harap.
Mabilis nitong pinutol ang distansya namin at hinatak ako sa aking braso, madiin ang kanyang hawak ka'ya napapangiwi ako sa sakit. Nasasaktan na ako.
Nilingon n'ya ang dalawang bodyguard saaming likod na nakasunod. "Leave us alone." malamig na utos ni Xedrick, tumango ang dalawa at tuluyan kaming nilisan.
Nakarating kami sa loob ng hotel, nagtungo s'ya sa reception hall at hawak parin ako sa aking braso at kinausap ang receptionist para humingi ng susi para sa pang-isahang kwarto, my eyes widened, what is he planning!?
Hindi parin n'ya ako binibitawan, pinipilit kong kumawala sa masakit na pagkakahawak n'ya pero mukhang hindi n'ya ako hahayaang makawala sa hawak n'ya, He's gone mad! Kahit na nakatalikod s'ya sa gawi ko ay alam at ramdam na ramdam ko ang galit n'ya.
"A-ano ba, Xedrick! Let go of me. Baka makita nila ta'yo..." Pero hindi n'ya parin ako binibitawan, tila s'ya bingi at manhid sa mga ginagawa ko para lang makawala sa kanya.
Pagkabukas n'ya ng suit ay kaagad n'ya akong hinatak papasok, ni hindi n'ya ako binitawan kahit binubuksan n'ya pa lang ang pinto, binitawan lang n'ya ako pagkapasok. Hawak hawak ko ang aking braso, masakit iyon ka'ya napangiwi ako. Para akong maiiyak.
Matalim ko s'yang tinignan pero hindi ko mahihigitan ang talim ng tinging ipinupukol n'ya saakin his eyes were piercing me. Parang nakagawa ako ng malaking kasalanan at hindi kaaya aya. Hindi ko nakayang harapin ang kanyang tingin ka'ya naibaba ko ang ulo ko, I hear him cursed and released a deep heavy sighed.
Inangat ko ang tingin sa kanya. Mariin s'yang napapikit at napahawak sa sentido at muling ibinalik ang tingin saakin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Napaatras ako sa takot pero mabilis n'yang pinutol ang distansya naming dalawa, he towered over me, napaatras ulit ako pero hinawakan n'ya ng marahan ang siko ko. Nangatog ang aking mga tuhod sa paraan ng hawak n'ya't sobrang lapit saakin.
Damang dama ko ang mainit n'yang paghinga't katawan.
I looked at him, he looked at me with mixed emotions. Angry, nervous, concern. Ibinaba ko ang tingin dahil pakiramdam ko maiiyak ako. Hindi ko rin alam kung tama bang kinausap ko si Chandra kanina pero 'yun lang ang naiisip kong paraan para malaman ang lahat, para malaman kung may maitutulong ba ako para matapos na 'to.
"What were you thinking, huh!? You could've killed yourself! Dammit Kellie!" halos mapatalon ako sa sigaw n'ya tila iyon kulog dahilan para kumalabog ng napakalakas ang puso ko, nag-iinit ang gilid ng aking mga mata.
"Sorry... I'm... I'm trying to help!" mariin akong napapikit. Bumuga s'ya ng hininga at mahinang napamura ng paulit ulit. He's running his hands through his hair because of frustration.
"Help!? You're fucking sacrifing yourself! Hindi mo alam kung gaano kadelikado si Chandra Kellie! Hindi mo s'ya kaya!" Mariin ngunit mahinang aniya, he's trying to calm himself down.
"I know... I know... I'm sorry."
"What if pinatay ka na n'ya kanina?" pinipilit n'yang pinapatatag ang kanyang boses ngunit hindi n'ya nagawa. Tuluyan nang nanghihina ang pananalita n'ya. Napailing ako.
"She can't hurt me Xedrick, Believe me hindi n'ya 'yon magagawa dahil sa pakay n'ya!" ka'ya pala hindi n'ya ako sinasaktan noon ay dahil sa ebidensya! Hanggang banta pa lamang s'ya sa ngayon... Pero pag nakuha na ang gusto pupwede na n'ya akong paslangin.
"She can get you as a bait! paano pag nangyari 'yon? Hindi natin alam ang tumatakbo sa utak n'ya. Pwede ka n'yang patayin ano mang oras dahil hindi lang ikaw ang may pakinabang sakanya." Hindi ako nakapagsalita, tama s'ya. Sa kagustuhan kong malaman ang lahat para narin makatulong ay para narin akong nagpapakamatay.
"Are... Are you going to let me suffer more?" Gulat kong itinaas ang aking ulo para makita s'ya, this time hindi na galit ang nasa mga mata n'ya. Sakit at pait.
"I have been through worst Kellie, magmula ng malaman kong... Fuck! Bawal na ta'yo para akong pinapatay!" basag ang boses n'ya na tila maiiyak na. Unti unting nagsilabasan ang luhang kanina pa nagbabadya, warm tears filled my cheeks.
"Maybe I can loose you in my life, pero Tangina! ayokong mawala ka sa mundong ito!" niyakap ko s'ya ng mahigpit at humagulhol sakanyang matipunong dibdib.
He's right, pag namatay ako Hindi ko rin kakayanin dahil mapapalayo ako sakanya. Mapapalayo kami sa isa't isa at ayokong masaktan s'ya kung sakaling mawawala ako.
"Please, don't do that again. Don't do that again without me." Itinaas n'ya ang baba dahilan para Malaya kaming magkatitigan, I am turning my head sideways to avoid his stares, pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kinatatayuan ko kapag nakipag titigan pa ako ng matagal sakanya.
Napapikit ako nang lumapat ang labi n'ya sa noo ko, I feel safe whenever he's around me, pakiramdam ko ay walang masamang mangyayari basta't kasama ko s'ya.
"I'll never let anyone, harm you, I will make sure you'll be safe. makakapatay ako pag may nanakit sa'yo..." Malambing na sinabi n'ya na humaplos sa bawat sulok ng aking puso.
Tulala ako habang nakaupo sa isang lounge sa pool side. Buong gabi akong hindi nakatulog, maraming bumabagabag sa akin, pati narin ang sobrang concern ni Xedrick saakin. Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang ngisi, Damn!
"What do you think, Kellie?" napabalik ako sa aking wisyo ng nagsalita si Lyra na nasa katabing longue, hinahawi hawi ang buhok n'ya. Nakatingin din saakin si Lila na medyo nakabusangot.
"W-what?"
"Tss! You're not listening! Ang sabi ko maganda ba 'yung hairstyle ko today?" Hilaw akong ngumiti, si Lila ay nakasimangot.
"Don't ask me Lyra if you're not going to Believe." mariing sinabi ni Lila, na nakatingin kay Xavier sa malayo, magkakasama ang anim sa pool, nagkakatuwaan. Nabaling ang tingin ko kay Xedrick, he's now looking at me with blank expression.
I immediately diverted my gaze. Bigla akong nataranta at napahawak sa cover ng swimsuit ko, bigla kasing nagsitaasan ang balahibo ko.
"E, kasi naman! tell me the truth, ipapaayos ko ulit kung hindi maganda."
"Really Lyra? Really? nagtatatantrums ka because of your hairstyle? Oh my god..." mariing sinabi ni Lila at humiga sa lounge, nagsisimula nanaman silang mag-away.
"Tss!"
"Xander won't be turn off just because of that fucking hairstyle, so don't fret." mahinahon ng sinabi ni Lila. Napairap na lang si Lyra at napahalukipkip.
"Next month, 14th of march is the third anniversary na ng magical nine. For sure magcecelebrate ulit sa Munro's bar, and this time kasama na si Kellie!" Hindi ako makapaghintay na mapanuod sila sa stage at ito ang kauna unahan.
Muli kong binaling ang tingin sa anim na nagkakatuwaan parin, si Xedrick ay natatawa sa joke ni Xavier, napangiti ako ng napangiti rin ito. He's so damn hot and adorable at the same time!
"Yeah, Time flies very fast." hilaw na dugtong ko.
"Nakakuha sila ng offer para mag perform sa mga malalaking events mula sa bigating producer. Then may gustong record label na kumuha sakanila, pero hindi nila tinanggap, they always rejecting the offers, pang ilan na ito this year." Malungkot na sinabi ni Lyra. Napatingin ako dito.
So ka'ya pala hindi ko na nababalitaan ang pagperform nila sa mga stages or events, mukhang steady na muna sila sa Bar kung saan sila dating may gigs.
Nabaling ang tingin ko kay Hazel at Christine na nagtatawanan sa kabilang lounge mukhang nagiging close na, si Nancy naman ay nakahiga lang sa lounge at nakapikit katabi ng kay Hazel.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng maalala na kailan naming mag-usap ni Kuya, hindi ko alam kung bakit hindi n'ya ito sinasabing lahat saakin. Gusto ko rin malaman kahit na alam kong hindi naman kailangan. I think he don't want me to know, pinoprotektahan naman n'ya kami e.
But still, I still wanted to know what's happening. Hindi ako mapapakali.
"Uhm Kellie, nandito parin ba si Chandra Donovan?" tanong ni Lyra, nakatingin narin saakin si Lila, naghihintay rin ng sagot ko.
"I dont know, maybe?" siguro nakaalis na 'yon dito at kailangan na lang n'ya ng txt ko para sa gusto n'yang mangyari.
Napatingin si Lyra sa paligid at ibinalik ulit ang tingin saakin. "For sure she's still here, ang dami paring bodyguards sa labas at loob nitong resort." Tama s'ya marami paring mga bantay. Mas dumami pa nga e, siguro sinumbong ni Xedrick kay kuya ang ginawa ko ka'ya mas nadagdagan ang securities.
"Until now, there's still no enough evidence to prove them guilty, yung pamilya ng pinatay na Board members ng kumpanya nila ay nag iinvestigate parin even though ilang taon na ang nakalipas." Kunot noo kong binalingan ng tingin si Lyra.
"Pinapatay ng mga Donovan ang board members nila? bakit?" Lyra shrugged her shoulders off.
"I don't know, ang alam ko lang nagtraydor daw. 1991 ang taong 'yon if I'm not mistaken." nakangusong sagot ni Lyra.
"Yung evidence lang ang makakapagsabi." sagot naman ni Lila sa kabila ko. Nanlaki ang mga mata ko. Damn! Bakit hindi parin lumalabas ang bwisit na Ebidensya kung nasa Tatay iyon ni Kuya? Naguguluhan ako.
"If ever na lumabas daw ang evidence ay lahat daw ng baho ng Donovan lalabas, nabalita iyon ng ilang years. The case was stopped then everything back to normal that time." hindi siguradong sinabi ni Lyra.
"Pero after many years ay ibinaon na raw sa limot ang nangyari." Damn! Hindi ko 'yon kailanman nabalitaan, ang alam ko lang si Kuya ang nagbukas ulit ng case ng mga Donovan nung nakaraang dalawang taon para sa hustisya, sa mga taong ginawan nila ng masama at pati narin saamin, ka'ya mas lalo s'yang pinag-iinitan ng mga ito ay binuksan n'ya ulit ang nananahimik ng kaso.
Hindi lang naman si Kuya ang gustong mabuksan ang case, gusto rin 'yon ng mga nabiktima ng mag amang Donovan. Isa pa Kuya's Father is a big help dahil nasa kanya ang Evidence.
"Di'ba Kellie, binuksan ulit ng Kuya mo ang case? It has been spread out all over the news and media. kasi hawak ng Daddy ng kuya mo ang Evidence? hindi sure kasi hindi naman sinasabi ng Kuya mo sa publiko."
"Oo, nakausap ko si Chandra kagabi, sinabi n'ya saaking nakila kuya ang Ebidensya," their eyes widened because of shock. Hindi ko pa ito nasasabi sakanila. Naghahanap lang ako ng tamang timing.
"OMG! aren't you scared?"
Kinwento ko sakanila ang lahat. "Hindi ko alam kung bakit hindi parin n'ya nilalabas ang ebidensya para tumigil na ang kasamaan ng mga Donovan."
"Tatakbo bilang senator si Crisostomo Donovan, Chandra and Catie's Grandfather, si Claudia Donovan naman District Governor na, despite of their crimes decades ago nagagawa parin nilang manalo sa elections." For sure they're using their money to influence. Makapangyarihan sila pagdating sa pera ka'ya madali lang silang magpaikot ng tao.
"May rumor pa nga na pinatay raw ni Claudia ang Mother n'ya kasi tumututol na sa mga kasalanan ng asawa't dalagang anak n'ya." Bulong ni Chandra.
Well, that's not rumor, ang Lola ko ay gusto ng Crisostomo Donovan na 'yon ka'ya pinatay nito si Lolo ang Ama ni Mama, at pinapatay naman ni Crisostomo sa anak nilang si Claudia ang Asawa n'ya para magkasama sila ni Lola, at dahil naring tutol na ang asawa ni Crisostomo sa ginagawang mga kasalanan ng Mag-ama n'ya. Sa pagkakaalam ko kasambahay si Lola ko sa mga Donovan. (A/N: nasa Book one po ito ng Still Yours. Special Chapter: Revelation.)
Mabilis lang ang oras at ngayon ay aalis na kami patungong Maynila. Nagpaalam na kami sa mag-asawang Torres pati na kay Demi.
Maraming Black na mga Van sa paligid mga tauhan ni Kuya at mukhang tauhan rin ng mga Andersons. Iniisip ko ang magiging reaction ni Aliyah Andersons pag nalaman n'yang dinadala ko sa kapahamakan ang mga anak n'ya. Pero mukhang alam na n'ya dahil s'ya ang nagpadala ng mga tauhan for her son's safety.
Sa isang armored vehicle kami sumakay para narin sa safety namin. Walang gaanong nagsasalita tila mga malalalim rin ang mga iniisip, bigla akong naguilty. Siguro kung hindi nalang ako sumama wala silang pangambang iisipin sa bakasyong 'to.
My phone beeped, I fished it from my pocket. I received two messages, ang isa ay paniguradong galing kay Chandra at ang isa ay kay Kuya.
Kuya:
We have to talk. Keep safe.
I smiled.
Hindi muna ako nag-reply kay Kuya, kagat labi kong binuksan ang message galing kay Chandra. Nanginginig pa ang aking mga palad, hindi ko na napigilan ang panginginig ng aking mga daliri. Halos mabubuwal ako sa aking kinauupuan sa kaba.
Chandra:
You have to help me to get the Evidence, or else I'll make this mess more worse. I mean it, you know me, bitch.
Fuck!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top