Chapter Nine
**
CHAPTER NINE
KELLIE’s POV
“P-pwede ibaba mo ako?”He just look at me with those brown cold eyes, hindi parin sya tumitigil sa paglalakad habang buhat parin ako.
Dumiretso na ulit sya ng tingin na parang wala akong sinabi kanina lang, nagpumilit akong bumaba pero mas humigpit lang ang kapit nya saakin habang naglalakad. Inis ko syang tinignan, mistulang handcuffs ang mga palad at braso nya sa katawan ko.
Ang kaliwa kong braso ay nakadantay sa leeg nya patungo sa kabilang braso habang ang kanang palad ko naman ay nakapwesto sa matitipuno nyang dibdib, ramdam ko ang init ng katawan at tibok ng puso nya. Pakiramdam ko ay safe ako sa mga bisig nya.
Panigurado ang pag-iinit ng aking mukha sa posisyon namin, at bawat daan namin sa mga estudyante ay ang kanilang gulat kaagad ang nakikita ko, paano nga bang hindi sila magugulat? halos lahat naman ng estudyante rito ay kilala sya.
Kung pwede lang sanang maging invisible na lang ako o kaya'y lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Damn he don't even have to do this. I don't need his help!
“A-ano ba, Ibaba mo ako! Okay na ako,”hindi ko na napigilang mapasigaw pero hindi parin nya ako sinusunod kaya wala akong magawa, bawat pagpilit ko sa kanya wala lang sa kanya kaya minabuti ko na lang na manahimik hanggang sa Clinic. Pero hindi parin nawawala ang masamang tingin ko sa kanya na parang wala lang sa kanya kahit obvious namang mapapansin nya.
Pinaupo nya ako sa white bed habang ang Doctor ay kinakausap na nya. Hindi nagtagal ang usapan nila at nilapitan na ako kalaunan.
“Doc, okay lang po ako, masyado lang paranoid ang lalaking 'yan,”inis na buwelta ko kaagad at masama syang tinignan, masama rin ang tinging pinupukol nya saakin naglihis na ako ng tingin rito, lumitaw naman ang kaunting ngisi sa labi ni Doc kaya bahagyang tumaas ang kilay ko.
“She just need rest Mr. Anderson since hindi naman malala ang nangyari, you don't have to worry to much,”si Doc Fernan.
“Rest? Doc okay na okay lang ako, may gagawin pa po ako-“
“Don't be stubborn Kellie, narinig mo si Doc di’ba? you have to rest,”natigilan ako sa malamig nitong boses. He looked at me with dagger eyes.
Wala akong nagawa kundi ang sumimangot saaking kinauupuan ng sila na lang ang nag-uusap at kalauna'y umalis narin si Doc Fernan, kinuha ko ang Cellphone ko sa aking bulsa.
Hindi ko na inisip ang malaking basag pero nangunot ang noo ko ng hindi iyon bumukas, ilang beses kong nitry buksan pero hindi talaga bumukas, hinampas ko iyon sa aking palad pero hindi gumana ng sinubuka ko ulit buksan. I hissed because of frustration.
Itatry ko sanang buksan ulit pero hinaklit na iyon kaagad ni Xedrick kaya nagtaas ako ng ulo at gulat syang tinignan habang tinitignan ang cellphone ko na bigay nya.
“It's been two and half years since I gave you this,”saglit napaawang ang labi ko pero saglit lang 'yon at mabilis na hinaklit ang cellphone pero inilayo nya naman at binulsa kaya nanlaki ang mga mata ko.
Wag naman sanang isipin nyang kaya hindi ko 'yon pinalitan ay dahil sakanya iyon galing na hanggang ngayon ay hindi ko parin pinapalitan para sa kanya! na iniisip nya paring may gusto ako sa kanya!
“Ano ba! ibalik mo nga saakin iyan!”hindi naman sya nagsalita at mataman akong tinitignan.
“Bakit mo binulsa!”tumayo naman ako hindi na gaanong iinda, para kuhain sa kanya pero hinawakan nya ang palapulsuhan ko at hinatak nya ako palapit sa kanya, dahilan naman iyon para maramdaman ko ang matitipuno at mainit nyang dibdib!
Damn! dikit na ang katawan namin, as in!
Mas lumapit ang mukha nya saakin kaya kitang kita ko ang gwapo nyang mukha that every girls adores, ang kaninang mga mata nyang nakatingin saaking mga mata ay nasa labi na. His lips pursed, I cleared my throat.
“This is Deja vu,”
Mabilis akong lumayo ng bumalik sa aking katinuan, hindi parin nawawala ang mga ngisi nya ng tumayo sya ng tuwid at ipinamulsa ang mga palad sa magkabilaang bulsa ng slacks nya.
“Remember?”
Naglihis ako ng tingin, bakit ba gusto nyang ibalik ang nakaraan? lahat ng nasa nakaraan namin ay sa simula pa lamang ay hindi dapat nangyari, pero masyadong mapaglaro ang tadhana saamin.
Sinimangutan ko s'ya at pinagtama ang mga mata namin. “Bahala ka! saiyo na ‘yang cellphone na ‘yan,”tutal sa kanya naman ‘yan e’di yan! kanyang kanya na!
Inis ko syang tinalikuran habang ang aking mga palad ay parang manununtok anumang oras. Hindi ba pwedeng hindi na lang kami magkita?
**
Nagtataka na panigurado si Drew kung bakit hindi parin ako nagrereply sa kanya hanggang ngayon. dalawang oras na ang nakakalipas ng nagpalitan kami ng mensahe.
Kahit makuha ko ang cellphone kay Xedrick ay useless rin dahil hindi ko naman na magagamit kaya bukas na bukas ay bibili ako ng bagong cellphone, mabuti na lang ay may savings ako pambili para hindi na ako hihingi kina mama.
May mga babae namang nag-uusap sa hallway ng lumabas ako, narinig ko ang pangalan ko isa sa kanila kaya saglit akong natigilan.
“New fling ni Xedrick?”
“Side chic nya then si Ariane ang main, then si Christine ang Girlfriend,”
“Kawawa, Xedrick just toying with them,”
“Nagpang abot nga raw si Ariane at Christine e, pano nilandi lang naman ni Ariane si Xedrick after ng practice nila sa basketball,”
Ang bilis talagang kumalat ng balita, pero hindi na nakakapagtaka 'yon. Kapag sikat na sikat ka makita ka lang may kasamang iba lahat ng departamento makakaalam.
I wonder how many flings Xedrick have, kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa kay Christine dahil mukhang seryoso pa naman sya sa Boyfriend.
Pinalis ko na lang iyon sa aking isip at naglakad na patungong canteen. Lunch time ngayon at mag-isa nanaman akong pupunta sa Canteen.
“Hoy babae! umamin ka nga,”si Lyra na nakataas ang kilay, si Lila naman ay nakatayo sa gilid nya na nakatingin lamang saakin.
“Anong meron sainyo ni Xedrick?”
Natigilan ako saglit, see? nakarating na sa kanila yon malayo layo ang building nila saakin pero nalaman parin nila.
“Binuhat ka nya hah! take note! in a Bridal way pa!”Napakamot ako sa aking ulo.
“Nabangga nya ako kanina I wasn't looking on the way, kasalanan ko dinala nya ako sa Clinic yun lang,”
Ngumiti naman sya. “Okay,”
Ang bilis nagbago ng mood nya kaya hindi ko mapigilang mapailing sa aking isip.
“Tara sa Canteen, I'm starving,”pagyayaya nya.
As usual pagdating namin sa Canteen ay ganoon parin pinag-uusapan ako ng karamihan ang iba'y iritang expression ang binabato saakin. Gusto ko tuloy sabihing magkapatid kami ng tumigil na sila sa issue.
Pero syempre hanggang plano lang naman 'yon.
Kung hinayaan lang ako ni Xedrick sa gusto ko kanina ay hindi kami maiissue, ano na lang ang sasabihin ng Girlfriend nya, paniguradong magagalit 'yon sa kanya pati narin siguro saakin.
“Tignan mo 'tong mga fans ni Xedrick ang OA, palitan mo na kaya apelyido mo ng tumigil sila,”iritableng sabi ni Lyra.
Sa totoo lang ay wala akong balak na palitan ang apelyido ko, kontento na ako sa apelyido ko isa pa wala namang mawawala kahit na hindi ako magpalit ng apelyido ko.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi ng iba at diretso lang ang lakad papunta sa bakanteng table na madalas naming inuupuang tatlo.
“Nga pala sis, yung kaibigan mong Canadian ba 'yon?”uminom ako ng tubig ng tanungin ako ni Lyra habang si Lila naman ay tahimik lamang na kinakain ang spaghetti nya.
“Boyfriend mo?”
Bigla akong nabulunan kaya ang seryosong si Lila ay gulat na gulat na inabutan ako ng tissue, mas lalo tuloy akong tinignan ng mga taong nasa ibang table.
Sana tinanong nya ako n'yan ng wala akong ginagawa.
“Sorry,”
“Masyado ka naman kasing chismosa Lyra,”
“That's normal Lila! we're friends naman e,”
Mabilis kong pinunasan ang labi ko pero hindi ako nangamba dahil lipbalm na colorless lang ang ginamit ko sa labi ko kanina. Mahina kong tinapik ang dibdib ko.
“So, ano nga?”I glared at her.
“Hindi,”tumikhim na lang ako at nagsimula ng kumagat sa sandwich ko na nirecommend saakin ng Vegetariang si Edward.
Pagganito talagang mga bagay bagay napaka active nitong si Lyra at pag naman sa mga lessons hindi gaanong tahimik lamang na kinakalikot ang kanyang cellphone may pag hagikgik pa, hindi ito nagbago actually lumala lang, pinalis ko na iyon sa aking isip at nag focus na sa pagkain.
“Seryoso ka ba? I mean impossible naman na hindi ka maattract sa kanya, he just look like a playboy pero mukhang mabait naman, right Lila?”Lila just shrugged her shoulder off.
“Kilala mo ako Lyra, hindi ako naglilihim,”napaupo sya ng diretso't napatikhim para manahimik at pinagpatuloy ang pagkain kahit pa mukhang gusto pang makiusyoso.
Lahat ng nangyayari ay kinwento ko sa kanila ni Lila ng makilala ko ang kambal ay sinabi ko na sa kanila nasa Canada pa lang ako at ang dahilan ng pagpunta namin sa Canada maski ang issues o banta ay alam nila at hindi ako ang klase ng tao na naglilihim sa malalapit sa kanya.
Natapos ang buong araw sa eskwelahan ay kumpleto ang siyam na kasama ko palabas ng school, nakasalubong ko sila sa hallway at sila ang unang nag-approach saakin.
Kaya ang inaasahan kong payapa at
tahimik na pag-alis sa school ay hindi nangyari.
Saglit kaming nagkatinginan ni Xedrick pero mabilis rin akong umiwas dahil pakiramdam ko ay napapaso ako, at pakiramdam ko'y nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko parin kasi nakakalimutan ang nangyari kanina ang pagbuhat saakin kaya nahihiya ako hanggang ngayon.
At tuwing naaalala ko 'yon ay nawawala ako sa aking focus, pero naiinis rin kalaunan dahil ang simcard ko ay hindi ko manlang nakuha, maski ang memory card dun na puno ng pictures namin ng mga kaibigan at pamilya ko sa Canada.
Bukas ko na lang siguro kukuhain ang mga 'yon sa kanya, kakausapin ko sya ng masinsinan bukas, sana lang ay makausap ko sya ng hindi kami nagkakainitan o akong naiinis sa kanya.
Ng nasa bandang gate na kami ay nakatayo lamang kami d'on marahil ay hindi pa lumalabas ang ibang students, kaya heto hindi pa sila pinagkakaguluhan. Naghihintay ako ng taxi siguro ay hinihintay nitong siyam ang driver nila.
“Bakit hindi ta'yo invited sa Birthday ni Demi?”
Tahimik lamang akong nakikinig sa pinag-uusapan nila hindi na gumagatong hindi ko naman kilala ang pinag-uusapan nila baka mapahiya pa ako kaya nevermind ma lang.
“Family bonding ang exact date ng Birthday ng Brat sister ni Drew then next week celebration sa Beach resort nila sa Cebu,”
“Invited na raw ta’yo kaka-txt nya lang saakin kanina, pinapa kamusta pa si Kellie,”
Doon na nabaling ang tingin ko sa kanila, hindi dahil sa pangangamusta ni Drew kundi ang Demi na pinag-uusapan nilang kapatid ni Drew.
Bakit kaya hindi nya nasabi saakin ang tungkol d'on?
Sabagay wala naman pala syang dahilan para sabihin pa saakin ang mga kapatid at pamilya nya di'ba? sino naman ako kung ganoon?
“Nga pala sa Friday na six monthsarry nyo Xedrick ah? wala ka bang plano?”
Tumalikod ako sa kanila at hindi ko mapigilang mapasimangot, wait? what the heck?
Matagal tagal bago nakasagot si Xedrick na tahimik lang rin sa likod ko, pakiramdam ko pa ay nakatingin ito saakin mula saaking likod, nacurious tuloy ako sa maaaring ikikilos ko isiping nasa likod ko lamang sya.
Aish! stop it Kellie!
“Dinner date I guess,”
“Boring, akala ko kakantahan mo sya sa Munro's bar?”
“Change plans,”
“Next week na pala 'yon?”
“Yeah...”
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis a presensya nya mula saaking likod at hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan at heto nanaman ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa kinaroroonan, naghahalo halo ang nararamdaman ko na parang mabubuwal ako sa aking kinatatayuan.
Pero isa lang ang alam ko, ayaw kong malapit lang sya saakin.
I want to distance myself from him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top