Chapter Fourteen
***
CHAPTER FOURTHEEN
KELLIE's POV
"Tell me, what are you two taking about? at Xedrick bakit hindi ko pa pwedeng malaman ngayon?"Parehas silang dahan dahang gulat na napatayo, nilapitan ako at parang hindi makapagsalita, tila sila parehas naitulos sa kinatatayuan.
"What? tell me!"
Hindi ko na napigilang mapasigaw sa hindi ko malamang dahilan, pakiramdam ko may kinalaman si Catie at Chandra dito or not! ang pinipilit ng utak ko ay dapat malaman kung ano iyon, ang hindi nila masabi saakin sa ngayon! Ibig sabihin lang n'on dapat ko ngang malaman.
"Ano hindi n'yo sasabihin saakin? then why?"
Nagkatinginan sila saglit.
"For now we can't-" I cut Xedrick off.
"Then bakit nga?!"Para akong batang inagawan ng sweets kung makasigaw.
"Look Kellie, masyado pang complicated ang lahat ang sitwasyon natin, even Christine nadadamay ng hindi naman dapat."napatingin ako kay Christine na nakatingin saakin.
"Hindi kita maintindihan! Can you just tell me kung ano ang dapat kong malaman?!"this time mababa na ang boses ko pero dumidiin parin ang pagkainis.
"I'm sorry I can't, umuwi kana hinihintay kana ng mga bantay."mahinahong pagmamakaawa nya saakin at pagod ang mga mata.
"No! sabihin mo muna saakin ang dapat kong malaman!"
"Hindi mo naman kailangang malaman 'yon sa ngayon e! Hindi mo rin naman ikamamatay kung hindi mo pa malalaman!"sigaw ni Christine na nagtataas baba ang dibdib sa galit. Napapikit si Xedrick at inalalayan nito ang Girlfriend. may kung anong binulong ito pero mukhang hindi makikinig.
"Sa totoo nga ay ginagawa ito ni Xedrick for all! And especially for you! ka'ya wag mo munang ipagpilitan ang gusto mo, just trust your Brother will you?!"dagdag nya sa mahinanon ng boses dahil pinapakalma at binubulungan sya ng katabi. Hinihimas pa ni Xedrick ang bare shoulders ni Christine.
Wala akong nagawa kundi naiinis na umalis, tumambad saakin ang mga men in black sa labas pero hindi ko sila kinausap at dinaanan lang hanggang sa makauwi na ako ng bahay.
Naiinis ako! Naiinis ako dahil gusto kong malaman kung ano ba ang bwisit na dapat kong malaman! At sa dahil selos!
Ahhh! I should'nt feel this!
Hindi dapat ako magselos dahil natural lang na ganoon silang dalawa sweet sa isa't isa! Magkasintahan sila, e.
Siguro dahil may nararamdaman parin akong pagmamahal para sakanya at selos na selos parin ako sa kanilang dalawa.
Sa totoo lang ay tuwing nakikita ko silang sweet sa isa't isa ay kinakain ako ng galit dahil sa selos at inggit kay Christine dahil nararanasan nya ang naranasan ko na dati.
Dinedeny ko lang ang nararamdaman kong iyon dahil hindi naman dapat dahil bawal! Ilang beses ko ng sinasabi sa sarili kong hindi dapat ako nagkakaganito, but I can't help it!
Nafu-frustrate nanaman ako!
"Ohh swang? bat parang badtrip ka ata?"
Gulat na gulat ako sa biglaang pagsasalita ni Sel, mukhang galing s'ya sa comfort room at suot pa ang white oversized t-shirt na pantulog ko, kitang kita ang nipple nya dahil sobrang nipis ng damit.
"Anyare ba?"
Sumipsip s'ya sa yogurt n'ya at kumportableng umupo sa couch nakataas paa pa ang gaga.
"Nothing, something frustrating happen lang, don't worry I can Handle it."sagot ko at inayos ang magulo kong buhok.
"Talaga? e ano ba kasi 'yon?"
"Basta wag ka ng chismosa."sagot ko lang at umupo ng maayos, natulala ako sa tiles.
"Parang hindi naman ta'yo magkaibigan swang e, 'toh naman! hmp!"napairap ako sa kanya saglit.
"Wag mo na alamin, nga pala bakit nandito ka?"Nanlaki ang mga mata nya at natigilan sa pagkain. Nakatira s'ya malapit sa school sa isang dorm, ayaw n'yang tumira kay kuya o maski dito saamin nahihiya pa.
"Huh?"
"Wag ka ng mag maang maangan, alam kong madalas kang magcut ng class at madalas ka lang rin pumasok, lalo na pagka hindi ka'yo okay ni Toppher."saglit syang natigilan mukhang wala syang balak magsalita.
"Tell me! babaero parin ba s'ya?"
"Huh? hindi ah! Hindi s'ya babaero pero napagod siguro."
"Napagod?"
"Oo Two years na syang nanliligaw, hindi ko parin sinasagot, ewan ko ba!"
Ang babaeng 'to nagpaligaw ng two years?! anong pumasok sa isip n'ya at pinaghintay n'ya ng matagal ang lalaking alam kong mahal n'ya rin naman?!
"E kasi first time kong maligawan! first time akong I-date ilibre ng mga gusto ko! ang sweet pa nya saakin! magfe-fade raw kasi yon pag naging kami na! Magsasawa! kasi diba ginagawa lang ang panliligaw pag hindi pa ka'yo?"
"Pwede ka parin n'yang ligawan kahit ka'yo na! Priority nya paring gawin 'yon kasi may label na, hays sel! sana kinakausap mo manlang sana ako about d'yan!"
Napanguso ang gaga.
"Hmm, oo nga no? mamaya sasagutin ko na s'ya! ay kaso parang pagod na s'ya."
"Katangahan mo kasi e! Ang panliligaw hindi 'yan pinapatagal, pinaparamdam mo lang sa kanya na hindi sya worth it maging Boyfriend mo, four to five months actually will do para sa getting to know your suitor stage."
Nagtaklob na ako ng kumot.
"Matutulog nako sel!"
"Okay Goodnight."
**
KINABUKASAN maaga nanaman akong nagising kahit weekends at hindi ko alam kung anong gagawin, ngayong araw siguro, projects at assignments na lang ang gagawin ko.
Hindi ako gaanong dinalaw ng antok kagabi, matutulog ako pero maya maya nagigising nanaman ako, there are many thoughts running in my mind until now, lalo na yung hindi nila masasabi sa ngayon.
Napahilamos ako hanggang sa likod ng ulo ko. Tinanggal ko ang morning glory ko pagkaupo at nagstretching saglit.
Tatayo na sana ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko sa night table.
Drew:
Goodmorning pretty, I'm inside your house. :))
Mabilis akong napatayo at binuksan ang binata para silipin kung andun nga s'ya and there he is, waving his hands may hawak na phone, naka shades, white sleeveless and denim, may mga security guards sa paligid n'ya kaya nabaling din kaagad ang tingin n'ya sa mga iyon, nakasimangot n'yang kinausap ang mga 'yon at sumulyap naman saakin ang mga security guards.
At ano naman ka'ya ang ginagawa n'ya dito?
Tumunog ulit ang phone ko txt ulit iyon galing sa kanya.
Drew:
Come down. Naghihintay ang poging manliligaw sa'yo.
Nginitian ko lang s'ya at dali dali ng bumaba para puntahan ang loko, ang aga aga naman ng pang-iistorbo ng isang ito. Nakita ko si Mama na nagluluto, hindi ko na s'ya inistorbo, mukhang hindi n'ya alam na may bisita sa labas.
Nasa labas na ng pinto ang mokong na malaki ang ngiti saakin, tinanggal n'ya ang mukhang mamahaling shades at isinabit sa sleeveless n'ya. Kumindat pa ito saakin kaya nakangiting napabusangot ako.
"Hindi mo ba ako muna papapasukin?" Mas binuksan ko ang pinto para makapasok s'ya.
"Bakit andito ka?"
"Hmm, Sorry. Hindi ko pala nabanggit sa'yo, debut celebration ng kapatid ko sa Beach resort namin sa Cebu."napatango naman ako.
"Oh tapos?"he laughed.
"Ofcourse isasama kita! Two days ta'yong magiistay d'on." Ngiting ngiting sabi n'ya. Tinignan ko s'ya from head to toe, Ah kaya pala ganyan ang pormahan magbe-beach naman pala.
"Hello, may pasok ta'yo bukas."
"Walang pasok bukas, Holiday! Don't you remember?"Nakakunot noong sabi n'ya, hindi makapaniwala.
"Pero may mga projects akong kailangang tapusin."
"C'mon! This is our opportunity to have fun! since holiday naman don't pressure yourself too much try to relax, enjoy every moment today and tomorrow, switch the rest mode! Isn't it happy?"Sininamgutan ko s'ya ng nakangiti.
"Oo na sasama na ang daming sinasabi!" He mouthed 'yes' joyfully.
Sakto namang nasa living room na kami ay s'yang pagdating ni Mama, napatingin kaagad s'ya sa katabi ko na malaki ang ngiti.
"Hi po Tita."
Napatingin saakin si mama, nagtatanong ang mga mata n'ya kung sino raw 'tong lalaking 'to sa gilid ko.
"Kaibigan ko po." Mabilis namang napatingin saakin si drew. Mahina itong napatikhim.
"I'm Drew Torres po manliligaw ni Kellie. nice to meet you po titaaaa."Muntik nakong matawa sa paraan ng pagsabi n'ya ng Tita pinahaba pa talaga.
"Oh? Hindi mo sinasabi saaking may nanliligaw pala sa'yo nak."Malaki ang ngiti ni mama na mukhang boto pa sa lalaking 'to, pasimple akong napairap at nagsalita na para tapusin ang mapanuring tiningin ni mama kay Drew.
"Ah.. ano ma-"
"Ma-I mean Tita, ipagpapaalam ko po sana si Kellie na isama s'ya sa Debut celebration ng kapatid ko sa cebu, if pwede po-" Mama cut him off. Malaki ang ngiting sumagot si Mama.
"Oo naman! Basta iuwi mo lang s'ya ng ligtas okay na saakin 'yon."Nagthumbs up pa si mama sa kanya kaya ayun mas lalong lumaki ang ngiti ni Loko, tinignan n'ya ako saglit. Halos mawalan na s'ya ng mata sa sobrang ngiti n'ya.
"Sure thing Tita!"
Isang duffel bag ang dala ko at mga kakailanganin lang ang isinilid ko sa bag since two days lang naman kaming maglalagi d'on, isasara ko na sana ang bag ng maalala ang swimwear at wala akong ganon, nakagat ko ang labi dahil kahit isa wala akong ganoon, bata pa ako ng huling beses akong nagswimming at pinamana ko na sa kapatid ko dahil hindi na kakasya saakin.
Ito kasing si Drew hindi naman nagsasabing may ganto pala e'di sana natapos ko na ang mga schoolworks ko at nakabili na sana ng swimwear, Nagtingin tingin ako sa wardrobe ko at isang V-neck T-shirt at Shorts na gray na lang ang ipapangswimming ko pwede na 'to.
Naabutan ko si Mama at Drew na nag-uusap sa living room nakaupo sa sofa masayang nag-uusap, well mukhang nagkakasundo na sila ang daldal ba naman kasi ni Drew at halata namang sanay sa pakikipag usap.
Napatayo na s'ya at nilapitan ako para kuhain ang bag na dala ko hinayaan ko na lang s'ya sa gusto n'ya.
"Mag-iingat ka'yo, Drew ang bilin ko sa'yo ha? ingatan mo ang anak ko."Wow may pag-ganoon na kaagad si Mama?
"Yes Tita! don't worry nothing's bad gonna happen! akong bahala kay Kellie."Parang sundalong sabi n'ya at hindi parin nawawala ang malaking ngiti.
Hinalikan ko na si mama sa pisngi at nagpaalam na kami. Mama send us off. Kumakaway ito ng paalis na kami habang ang iilang bodyguards ay tinitignan kami.
"My sister's wanna meet you."Nakangiting sabi n'ya habang diretso ang tingin sa daan.
"Manliligaw ka talaga 'no? hay nako lakas nanaman ng trip mo."Napanguso s'ya. I find him cute pouting. Alam ko namang nagbibiro lang s'ya e since magkaibigan lang kami. At kung seryoso man s'ya sa panliligaw n'ya, hindi pa ako handang pumasok sa relasyon na-trauma na siguro ako sa nauna, saka na lang pag may ipagmamalaki na ako.
"I'll court you, I'm serious!"
"Magkaibigan ta'yo."
"We can become couple!"
Hindi na lang ako nagsalita. "I'm serious."He released a sighs at hindi narin nagsalita pa.
Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan hanggang sa ringtone ng phone ko ang tumapos n'on, mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko.
"Hello kuya."
["I heard you'll be at cebu."] Paniguradong sinabi 'yon ni Kuya.
"Oo kuya."
["My men will be there too to look over you, nasa paligid lang in case something bad happen."]
Bigla kong naalala ako Threats saakin na pinaghihinalaan kong kay Chandra at Catie galing, kailangan ko iyong banggitin kay Kuya. Actually wala talaga akong balak sabihin ang tungkol d'on pero kailangan para narin sa safety ko.
"Salamat kuya-- Ah kuya mag usap ta'yo pag-uwi ko, I have to tell you something important."
["Sure! I'll be at home by Tuesday, Enjoy."]
"Thanks kuya."
Nagpaalam na kami sa isa't isa kaya tahimik nanaman kami ni Drew, hindi pa ganon kalala ang traffic since maaga pa lang naman. Napatingin ako sa Rear mirror at may nakita akong Two black van, iyon na siguro ang tinutukoy ni Kuya.
Nakiusyoso narin si Drew na seryoso na ang hitsura malayo sa kaninang malaking ngiti at malakas na tawa n'ya.
"Shit, sino naman 'yang mga sumusunod."Bulong n'ya pero hindi nakatakas sa pandinig ko, nag-aalala na s'ya kaya kailangan ko ng sabihin sa kanya
"Bodyguards 'yan ni Kuya para bantayan ako, don't worry."Saglit n'ya akong tinignan at parang nakahinga ng maluwag, medyo binagalan na n'ya ang pagpapaandar.
Ilang minuto lang ang duration ng biyahe at kaagad naman na kaming nakarating sa airport, nasa paligid parin ang mga Bodyguards. Bigla akong kinabahan na baka may masama nanamang mangyari lalo pa't nasa public place kami, hindi parin kasi iyon mapipigilan ng mga ito.
Drew held my left hand and smiled at me, napahawak ako sa braso n'ya at mas diniin ang hawak sa kamay n'ya.
"You're shaking, why?"Itinungo ko na lang ang ulo ko. Hindi ko masabi sa kanya wala naman s'yang alam, kaya ang ginawa ko na lang ay pakalmahin ang sarili sa nerbyos.
"Akala mo hindi ko alam lahat?"napatingin ako sakanya ng biglaan.
"Xedrick told me, ka'ya n'ya sinabi ay para mabantayan kita. He really loves you that much, huh?"he said with a smirked.
"As his sister Drew."nababahiran ng lungkot ang tinig ko.
"More than that I guess."hindi na ako nakapagsalita.
May dalawang kung sino ang lumapit saamin para kausapin si Drew, ang sinabi ay sasamahan kami papuntang private airplane, sumunod n'yang kinausap ay ang mga Bodyguards para makasama saamin.
"Nasaan sila?"tanong ko habang naglalakad kami, at tukoy ko kila Xedrick, mukhang hindi namin sila makakasama sa biyahe.
"They're already at private airplane, Jei Texted me."hindi na lang ako nagsalita pa.
Nang makarating kami ay naabutan namin silang nag-uusap usap, ng magsalita si Drew ay saka lang namin nakuha ang atensyon nilang lahat. Mukhang kanina pa sila nag-hihintay para saaming dalawa.
"You guys too late! kanina pa dapat ka'yo andito, I wanna go there naaaa!"parang batang sabi ni Xavier, natawa na lang ako sa pagiging childish nito.
Sa gilid ng Binata ako umupo at si Drew ang katabi ko, habang ang nasa tapat ko ay sina Xedrick at Christine na tahimik lang, sa gilid naming upuan ay si Xander at Lyra na nagtatawanan, they really looked good together.
sa katapat naman nila ay sina Lila at Xavier, kinukulit ni Xavier ang nobya habang si Lila ay bwisit na bwisit. As usual hindi nawala ang libro sa mga kamay n'ya, palaging nagbabasa gusto atang maunang grumaduate.
"Baboy ko, mamaya ka na magbasa."
"I'm not baboy anymore! Tigilan mo'kong bakla ka!"
"Ako bakla?! baka gusto mong maghirap ng nine months!"
"W-what?!"
Bigla namang natigilan ang dalawa sa pag aaway ng tumayo si Jei sa kinauupuan sa harap ng dalawa kasama si Nancy, nakasimangot ito at may kiss marks sa mukha.
"Hoy! Ang iingay n'yong dalawa!"
Sa kabilang banda naman ay si Toppher at Sel hindi nag-uusap at mukhang napipilitan pa sa holding hands nilang dalawa. Sa harap nila ay ang tatlong lalaking maiingay, while si Brent pa-chill chill lang na nakashades na nakatingin sa bintana.
And the rest ay nasa harapan na at hindi ko na gaanong makita tanging ulo na lang nila. Sumandal na lamang ako para matulog dahil napagod ako sa biyahe.
Hope this trip will be peaceful and safe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top