Chapter Four

A/N: PASENSYA NA SA MATAGAL NA UPDATE NAWALA PO KASI ANG CHAPTER FOUR HUHU KAYA AYON GUMAWA ULIT AKO NG BAGO, AS IN NADELETE WALA NA SA REVISION HISTORY WALA PA AKONG BACK-UP/COPY KAYA PINAGHINTAY KO KAYO NG MATAGAL.

ENJOY! DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE HEHE THANK YOU! :))





***




CHAPTER FOUR

KELLIE’s POV

“I got this first,”mabilis na binuksan ng babae ang pinto ng taxi at mabilis rin na pumasok d'on kaya hindi na ako nakapag reklamo, bwisit kanina pa ako nandito sya na kadarating lang ganon ganon nalang? grabe wala akong masabi tch, pasalamat sya mabilis sya kundi.

Naghintay na lang ulit ako sana wala ng gaganyan saakin pag may taxi na kundi magkakaroon talaga ng eskandalo rito.

Tuluyan ng nagdidilim kaya paniguradong mahaba habang paliwanag ang sasabihin ko kay mama pagka uwi ko. kasalukuyan nga pala akong nandito sa Waiting shed mag-iisang oras na, masyado kasing mahaba ang pila kaya eto inis na inis ako, wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga at hawiin ang buhok ko.

Kanina nga pala ay wala kaming gaanong time ni Rosy boy na makapag usap manlang dahil parehas kaming nagmamadali para sa last subject namin kanina which is magkatabi lang ng room nagkasalubong kasi kami sa hallway kanina, kaunting usap lang at tapos na tsaka kakausapin kasi sya ng Dean pagkatapos ng klase kaya wala na talaga kaming time mag-usap.

Nga pala Rosy boy ang tawag ko kay Edward kasi mapula ang balat nito, I just want to give him a nickname na ako lang ang tumatawag sa kanya but don't get me wrong wala akong gusto sa kanya, i like him as a friend at hanggang d'on na lang 'yon isa pa ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin, aba bihira na lang kaya ang kaibigan na kagaya nya sa tingin ko, mabait kasi 'yon NGSB at walang bisyo, Mother's boy, walang extracurricular activities na ginagawa at study first.

Magtataka talaga kayo na No girlfriend since birth 'yon e pang mala Hollywood artist ang hitsura nya, parang model pa nga ng isang sikat na Brand kung dimo kilala iisipin mo talaga pero hindi.

Saglit nya pang kinwento saakin na kaya sya nandito ng tinanong ko sya ay dahil may sakit ang grandpa nya sa mother side na pilipina at sya ang gusto ng lolo nya na magbantay sa kanya hanggang sa gumaling ito sa totoo lang ay Grandpa's boy rin yang si Edward kaya pumayag na pumunta rito sa pilipinas at may isa pa raw syang dahilan kung bakit sya nandito dahil sa isang tao.

Si Emily naman ay hindi na sumama sa kakambal nya dahil busy raw ito at hindi na raw kakayanin ng mama nila kung pati sya ay aalis rin. sa totoo lang ay hindi naman talaga sila naghihiwalay na dalawa ngayon lang. nalungkot ako ng malamang wala si Emily.

Maya maya lang ay bigla na lang naging crowded ang gate ng Saint Anthony which is katapat lang ng waiting shed, guess who why? of course dahil lang naman 'yon sa Magical nine ang laging center of attraction.

Nagkakagulo ang mga babae mga bakla at bihira lang ang mga lalaki, halos babae naman talaga ang nababaliw sa kanila. napangiti na lang ako, hindi ako makapaghintay na makausap silang lahat ulit.

Sa kabilang side naman ay naglalakad si Edward at tinitignan ang wrist watch nya, napalaki ang ngiti ko at itinaas ang dalawang palad para mag wave para tawagin sya.

Gusto ko syang makausap rito o kaya sa isang restaurant malapit rito hehe, huhupa rin siguro ang inis ni mama kung malalaman nyang si Edward ang kasama ko, naging close na kasi sila Mama at Edward maski si Emily kasi araw araw kaming nag g-group study sa bahay, at kinakausap narin ni mama ang dalawa, nagulat nga ako ng magaling si mama sa pagsasalita ng English.

“Rosy boy! Here!”

Tumingin sya sa dalawang side ng highway at tinignan ulit ang wrist watch tumigil lang sya sa nakabukas na malaking gate at mukhang maghihintay ng sundo kaya no choice ako kundi puntahan sya.

Pero nasa gitna na ako ng kalsada ng biglang may mabilis na kotse ang sinalubong ako, sa sobrang excited kong makausap si Edward ay hindi ko na naisip na masagasaan ako.

Naging center of attraction ako pinalibutan ng mga tao hanggang sa nagdidilim na ang mga mata ko.

And with that everything went black.



**




“Oh damn! Wake up please sis,”

“Siiis gising na,”

“Tch don't disturb her, she need some sleep,”

“Wag nga kayong overreacting hindi nya ta'yo iiwan,”

“Yeah don't say as if she's dead,”

“Hays ako ang nahihiya para sainyo,”

Ng nagising ako ay nabigla ang mga mata ko sa sinag ng ilaw at ang mga tao at nag-uusap sa paligid ko ay dahan dahang lumilinaw, Hindi ko alam kung bakit ako nagising dahil ba sa sakit ng katawan o ang sinag ng ilaw o ang ingay nila.

“Oh! gising na sya,”

“Yeah nakikita namin,”

“Call the doctor Brent!”

Luminaw na ang paningin ko ng ilang beses akong nag pikit mulat para mag adjust at nakita ko ang siyam sa gilid ko, nag aalala ang mga tingin nila saakin.

Natupad na kaya yung gusto ko na makausap ulit sila? oo gustong gusto ko 'yon pero hindi naman sa paraang kailangan pang maaksidente pa ako.

Medyo kumikirot ang balakang ko at ang tagiliran ko at mukhang may benda pa nga ako sa ulo dahil pakiramdam ko may umiipit sa ulo ko.

Pinilit ko namang unupo ng dahan dahan pero lahat sila napasigaw ng mahina akong napadaing.

“Aish! don't push yourself if you can't,”

“Oo nga Kellie, humiga ka lang, you need more more rest,”

“Saka ka na gumalaw galaw kung kaya mo na,”

Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng pag aalala nila ng sobra para saakin. Bumuntong hininga lamang ako at sinunod ang gusto nila.

“Okay ka na ba? do you need anything? ano? Ibibigay namin sa'yo,”si Xavier na himalang walang hawak na yogurt.

Napapikit ako ng marahan akong umiling. “Pahinga lang,”tumango lang sya at naglabas ng yogurt sa bulsa nya so akala ko lang pala.

Maya maya lang ay lumapit si Edward, napansin ko sya kanina sa malapit na couch kinakalikot ang cellphone nya, napahawak pa sya sa batok nya.

“Sorry I have to go Kellie, something came up,”si Edward na kakalapit lang at lahat ng mata ay nakatingin sakanya napapansin ko pa nga na inoobserbahan sya ng iba sa mga ito.

“It's okay you can go, take care, hope we'll catch up sometime?”medyo nanghihina pa ang boses ko ng sabihin 'yon.

“Of course, I'll pray for your fast recover, get well,”he smiled then he turned his back on me.

Namayani ang katahimikan saglit pero natapos rin ng nagtanong naman si Brent.

“Nililigawan ka ba ng kano na ‘yon?”

“Magkaibigan pa lang kami,”

“Pa lang?”nangunot ang noo ko, may sinabi ba akong ganon? wala naman yata e, tsaka imposibleng manligaw saakin si Edward dahil magkaibigan lang naman kami, nakikita nya nga raw ako bilang nakababatang kapatid, actually matanda si Edward at Emily saakin ng isang taon, stop sila ng one year dahil sa conflicts na nangyari sa pamilya nila. Same lang kamint tatlo na fourth year college student.

“Bago sya manligaw sayo kailangan nya munang dumaan saamin, kilalanin mo muna bago mo sagutin, malay mo gwapo lang ang kanong 'yon,”nakangusong ani Jei kaya napailing ako sa isip ko.

“Nagpapakakuya Jei huh?”sabat ni Ashe.

“Ofcourse! nag-iisa syang babae sa pamilya namin, we should take care of her prinsesa namin s'ya e,”Bigla na lang gumaan ng sobra ang pakiramdam ko ng marinig 'yon kay Jei ang sarap sa pakiramdam grabe, parang nawala saglit yung sakit na nararamdaman ko physically.

“Woah nagsalita yung Matino,”si Xander.

“B–bakit matino naman ah?”

“Matino?”

“K–kahit papaano,”

“Tss sino yung babaeng kasama mo? Girlfriend mo pa si Nancy right?”

“Ka group study ko lang 'yon,”

“Group study my foot,”ayon nagaaway nanaman tong dalawang to, hais kahit kailan talaga after two years di nagbago, sabagay hobby na yata nila mambara sa isa't isa pero hindi naman kayang wala ang isa't isa, ganoon sila maglabas ng pagmamahal para sa isa't isa. kahit papaano ang ganda nilang tignan kung ganoon.

“Hindi nya ako nililigawan magkaibigan lang kami at hanggang d'on lang 'yon,”

“Do you like him?”

Hindi ko alam kung ako lang ang natigilan sa tanong na 'yon mula sa taong hindi ko inaasahang magtatanong saakin n'on, si Xedrick.

Lahat ng mata sa kanya nakatingin kaya nangunot ang mga mata nyang nakaupo sa malapit na upuan, nakalagay ang mga kamay sa slacks nya na walang emosyong nakatingin saakin.

Parang wala itong pakealam sa akin mula pa kanina kung titignan, kaya bakit nya ba itinanong 'yon? at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko umaasa ako, aish! hindi dapat napaka imoral naman ng pinagiisip ko aish.

“Wait? what? what's that stare for?”nakangusong tanong nya.

Walang sumagot sa kanya kaya naiinis syang tumayo, nawala ang inis as gwapo nyang mukha at ipinamulsa ang mga palad sa magkabilaang bulsa ng slacks nya.

“Wala na ba kayong gagawin? baka may rehearsal pa ka’yo?”

“Yeah we have rehearsal, tapos na sana ang practice namin kung– tss,”

Dahan dahang tumaas ang kilay ko sa sinabi nya, kahit hindi nya tinapos ang sinasabi alam ko na kung ano, biglang nag init ang ulo ko sa sobrang inis, wow huh? kasalanan ko ba na hindi sila nakapag practice? oo kasalanan ko naman kung bakit naaksidente ako e pero yung sisihin nya ako sa hindi ko naman kasalanan aba iba na 'yon.

Saka hindi ko naman sila pinipilit na mag stay sila rito, they insisted at hindi ako namilit isa sa kanila.

Hindi nagbago makitid parin ang utak ng isang 'to.

“So are you saying na kasalanan ko?”

“Xedrick! what the hell are you saying? mag-isip ka nga, hindi dapat natin sya hayaang mag-isa rito,”kunot noong ani Toppher.

“Pwede ka namang umalis kung ayaw mo rito,”sarkastiko ko syang nginisian.

Ano ba ang problema o nagawa ko sa kanya bakit sya nagkakaganyan saakin, sa totoo lang wala akong maalalang may ginawa akong kasalanan samantalang ilang araw pa lang kami nagkikita hindi pa nga kami nag-uusap ngayon na lang ulit.

“Kung hindi mo pinaalis 'yung– yung kano mong kaibigan may magbabantay naman sa'yo!”

Gulat na gulat kaming lahat sa sinabi nya, teka? nagseselos ba sya? he sounds one.

At kanina ako lang sinisisi nya ngayon naman si Edward? teka? nagseselos ba sya? parang nagseselos sya. pero hindi dapat at napaka imposible! syempre dahil sa rehearsal, tama dahil nga d'on hindi dapat ako mag-isip ng kung ano ano.

“Nagseselos ka ba?”nanlaki ang mga mata nya sa tanong ni Ken at bigla na lang naglilikot ang mga mata ibang iba sya sa kaninang walang emosyon na parang walang pakealam.

“Wait?! what?! no! Ofcourse no! I'm not!”

“Masyado ka namang guilty,”ngisi ni Ashe.

“Damn you I'm not! I just want to be with Christine, kailangan pa natin mag practice bago mangyari 'yon!”medyo nauutal na sabi nya.

“Saka bawal akong magselos! alam n'yo 'yon, so don't assume malice,”inis na sabi nya at padabog na lumabas ng pinto kaya a'yon tumahimik ang paligid pero mabilis rin na pumasok si Xedrick nanlalaki ang mga mata.

“Kailangan natin mag tago!”tinitignan nya ang buong paligid hanggang sa napako sa tingin kong comfort room.

“Why?!”

“Basta! move!”nauna na syang pumasok sa comfort room na sinundan ng iba.

Nagtatakang tinignan ko na lang sila sumunod ang pinto na hinihintay ang kung sino mang papasok.

Wala pang ilang minuto ng nag-aalalang pumasok si mama kasama si kuya, ng makalapit sila ay pinilit kong mas umupo medyo nahirapan ako kaya tinulungan ako ni Kuya.

“Okay ka na ba?! jusko! mamamatay na yata ako sa sobrang pag-aalala!”halos pasigaw na sabi ni mama.

“Okay na po ma, wag na po kayong mag-alala, nga pala paano nyo po nalaman?”

“Edward text mama then mama texted me,”si Kuya.

“Sa susunod naman kasi ay mag-iingat ka!”

Napanguso naman ako. “Sorry na po ma,”

“Tch! sa susunod nga ay mag iingat ka baka sa susunod ay hindi lang yan ang abutin mo! nako,”napangiti nalang ako sa inaasta ni mama, kaya ayon sinamaan ako ng tingin at tinaasan ng kilay.

“At ano ang nginingiti ngiti mo d’yan?! aba at masaya ka pa ba sa kalagayan mo? nako Leandro pag sabihan mo iyang kapatid mo,”nagkatinginan kami ni Kuya nagkibit balikat lang sya habang may hawak ang cellphone nya.

“Ma I'm just thankful na ganto ka nag-aalala saakin,”

“Aba at gusto mo pa na nag-aalala ako?! Lintik na bata ito,”

“Hindi ma, hindi sa ganoon,”

Magsasalita na sana si mama ng biglang may mga lalaking pumasok dala ang mga plastic bags, mga tauhan ito ni Kuya, ng nagsialisan na ang mga 'yon ay kinalkal ni mama ang mga plastic bags at kinuha ang pagkain.

Habang ginagawa ni mama 'yon ay napalingon ako sa pintuan ng comfort room medyo gumagalaw 'yon at mukhang grabe silang nagsisiksikan d'on kaya ganoon maliit lang kasi ang cr makikita pa lang mula sa labas.

Napangiwi ako saglit, hais sana hindi kami mabuking nito mahirap na.

“May tao ba d’yan sa cr? bakit parang may kumakalabog?”si mama na nagtataka at sinulyapan ang pinto ng cr, bigla akong pinagpawisan ng malagkit ng mapansin nya 'yon at isiping baka puntahan nya ang cr.

Nagkatinginan kami ni kuya na mukhang kanina pa nakatingin saakin, nagtatanong ang mga mata nyang nakatingin saakin.

Napapikit ako at dahan dahang nag sign ng shh kay kuya, inilingan nya ako at saglit napahawak sa batok nya. I mouthed sorry.

Papunta na si mama sa cr ng bigla akong napasigaw sa kaba para pigilan sya. “Ah ma!” kaya kunot noo akong tinignan ni mama.

“Ano?”

“Ah- ano po, ah g-gusto ko po ng—“magsasalita na sana ako ng mabilis na magsalita si kuya.

“I think she wants some fruits, apple sis right?”

“O–oo,”

Tuluyan naman akong hinarap ni mama at naglakad papunta sa glass table at kumuha ng prutas at kutsilyo. Napabuntong hininga ako grabe muntikan na 'yon, mabuti na lang ay mabait saakin si Kuya at hindi nya kami binuking kahit ayaw nya ang mga nangyayari.

Inabot naman saakin ni mama ang tinidor na may hati ng apple na mabilis ko namang kinuha.

Nanlaki ang mga mata ko biglang dumiretso ng lakad si mama papunta sa cr.

“Ma!”

Naiinis na binalingan ako ni mama ng tingin. “Ano nanaman ba iyon?!”

“Out of order po raw yan,”nangunot ang noo nya.

“Bakit walang sign?”

“M-maya maya pa raw po lalagyan,”umiling iling si mama at mabilis namang lumabas.

Napahawak ako sa puso at mabilis na napabuntong hininga, akala ko talaga mabubuking na kami hihimatayin yata ako sa sobrang kaba kanina, pakiramdam ko tuloy ay muntik akong atakihin ng asthma ko.

“Next time na gawin mo 'to Kellie, I'm sorry to tell you hindi na kita sasabayan, ayaw kong kunsintihin ka dahil paulit ulit mo 'yang gagawin, I'm sorry,”seryosong sabi ni Kuya na nakatayo parin sa harap ko. naitungo ko lang ang ulo ko.

“Sorry kuya, nadadamay ka pa,”

“Stop this nonsense Kellie, mag transfer ka sa ibang School, this is for your own good,”

Tanging aircon lang ang maingay sa kwartong 'to, hindi ako makapagsalita hindi ko alam ang sasabihin ko. nahihiya tuloy ako.

“Pero kuya kung para sa safety ko ang pinag-uusapan, para saan naman? kung iiwas ako sa kanila? anong purpose? wala ng connections ang Donovan sa mga Andersons diba? kapatid ko sila kuya at gusto ko silang makasama,”halos mapiyok ako sa sinabi ko dahil naiiyak na ako.

“So I guess you don't know anything,”


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top