Chapter Eleven


CHAPTER ELEVEN

KELLIE's POV

"Oh... I can't believe this, binigyan ka nga talaga nya ng Brand new cellphone! sa pinakamahal na brand pa."

Hindi makapaniwalang sinabi n Lyra hawak ang bagong cellphone, naitungo ko ang ulo ko saglit dahil nahihiya akong tinanggap ko 'yan, hindi ko dapat 'yan tinanggap e. nakakahiya talaga.

"Lyra, as if namang hindi mo kayang bumili ng ganyan."sabi ko rito.

Nandito kaming tatlo sa Cafeteria since lunch na, sa lahat ng klaseng pinasukan ko occupied sa kahihiyan at anong pumasok sa utak ko kung bakit ko tinanggap 'yon.

Tahimik lamang na nagbabasa si Lila sa tabi ko habang kumakagat ng sandwich, para itong may sariling mundo.

Napasimangot si Lyra. "Ofcourse, I can, nakakagulat lang naman kase na binigyan ka n'ya nito and take note! hah, hindi mo hiningi,"

I just shrugged my shoulder off, hays siguro dahil nasira nya ang cellphone ko, kung ano anong pumapasok sa isip ko kaya hindi ko naisip na baka dahil nga sa pagkabasag ng phone ko.

Ako naman ang may kasalanan kung bakit nasira phone ko e bakit nya ako bibilhan? nabunggo ko pa sya n'on.

"I smell something..."Halos pabulong ni Lila kaya sinimangutan ko sya at masamang tinignan saglit. nagsalita itong hindi manlang ako sinulyapan. Akala ko ay hindi nakikinig.

"Yes me too! may kakaiba akong nararamdaman,"Naniningkit ang mga mata at nakangising asong sabi nya, sinimangutan at sinamaan ko sya ng tingin at hinablot ang aking cellphone.

"Ano ba? magkapatid kami wag kayong malisyoso, tssk."sabi ko at hinugot ang cellphone para binulsa. nagkatinginan ang dalawa na parang naguusap at nagkakaintindihan sa pamamagitan ng mga mata, mga labi nila nagpipigil ng ngisi, maya maya ay ako na ang binalingan nila ng tingin.

"What if hindi?"I released a heavy sighed, napapikit ako saglit at saglit binabalingan ang isa sa kanila.

"Magkapatid man kami o hindi syempre hindi ako aasa, dahil magkapatid kami o kung hindi man tsaka may Girlfriend na yung tao bakit ko sila guguluhin?"

Mukha namang masaya at kontento na sya kay Christine at ayaw ko namang hadlangan ang dalawa kahit pa hindi kami magkapatid. Isa pa yung pagtulong saakin ni Xedrick siguro naman ay pagtulong lang 'yon bilang kapatid nya na dapat hindi pinag-iisipan ng malisya, nakakahiya tuloy.

"What if mahal ka pa n'ya? not as his sister."tanong ni Lyra na seryoso ng nakatingin saakin, nakipagtitigan ako rito saglit, sa pangalawang pagkakataon napairap nanaman ako.

Binaling ko na lang ang tingin sa pagkain sa harap ko. "Tigil tigilan n'yo ko sa what if's na 'yan. Eto hah magkapatid man kami o hindi tapos na ang lahat saamin, hindi na ako aasa, peroid. okay na ka'yo?"Sarkastiko akong nag thumbs up sa kanila kaya saglit silang seryosong nagkatinginan at ibinaling na ulit ang mga tingin sa kaninang pinagkakaabalahan.

Kung makabalik sa mga sariling pinagkakaabalahan parang wala kaming pinag usapan kanina. Napabuntong hininga na lamang ako at binaling ang tingin sa pagkain, mas nawalan tuloy ako ng ganang kumain pero pinipilit ko na lang isubo dahil kailangan ko ng lakas hanggang mamaya dahil may klase pa.

Isusubo ko na sana ang pagkain ng may dalawang bulto ng tao sa harap ko namin ni Lila na nakatalikod kay Lyra na busy sa cellphone nya, napapansin ko din sa aking peripheral vision na si Lila ay hindi manlang napapansin ang dalawa busy pa rin sa libro nya.

Hawak ni Xedrick ang isang tray na mukhang pagkain nilang dalawa pero iisa lang ang plato ng spaghetti at dalawang orange juice, nakadantay naman ang kamay ni Christine sa braso ni Xedrick, parehas silang nakatingin saakin pero magkaiba ng pinapakitang expression, seryoso ang tingin ni Xedrick saakin habang ang kasama ay nakangiti pero hindi ko alam kung totoo ba o hindi.

Medyo naiilang ako ng ibaba ko ang kutsara para isubo ang palabok.

"Hi! would you mind if we join here?"maligayang tanong ni Christine kaya ang dalawa kong kaibigan sa kanila na nakatingin.

Ng harapin ako ni Lyra saglit ay napairap ito dahil sa inis sa babae si Lila naman ay medyo natatawa na naiiling sa inaasta ng kaibigan namin, mahina kong kinurot sa gilid si Lila si Lyra naman ay mahina kong tinapik ng sapatos ang dulo ng sapatos nya kaya tumigil.

"H-hindi naman," Pilit kong sagot at alanganin pa silang nginitian.

"Thank you!"

Ilang inch lang ang layo ni Christine kay Lyra habang si Xedrick naman ay katapat ko na hindi na nakatingin sakin kundi sa pagkain na nila na tinatanggal nya sa tray.

Pasimple akong napatingin sa plato nila na nag-iisa at mayroong dalawang tinidor, so share sila malamang.

Halos sa table lang yata namin ang tahimik kaya ang awkward kaya medyo binilisan ko na lang ang pagkain para makaalis narin, dahil sa lahat talaga ng pakiramdam ay ang pinaka ayaw ko ang naiilang.

Nakatingin parin ako dalawa na share na kumakain sa isang plato hanggang sa itinaas ni Christine ang tinidor na may pagkain para isubo kay Xedrick.

Ng nagdadalawang isip si Xedrick ay marahang naibaba ni Christine ang tinidor at napanguso.

"Please?"pagmamakaawa nito na ginagaya ni Lyra na nang-aasar pero hindi iyon alam ng katabi.

Wala namang imik na sinubo ni Xedrick ang pagkain kaya tuwang tuwa ang nobya.

Maya maya'y napapansin ko ang tinginan ni Lyra at Lila kaya hindi ko napigilang tignan ang dalawa, bigla na lang napatikhim si Lyra.

"Christine, I heard na professional ka raw when it comes to make ups,"

"Yes!"masayang sagot nito.

"Pwede mo ba kong make up-an ngayon? club matters you know, may gaganapin maya maya narin,"

Nakangiti si Christine ng kalkalin ang kanyang shoulder bag, kaagad kong nilingon si Lyra na malaki ang ngiti na nakatingin kay Lila kaya binalingan ko rin ito ng tingin na nagpipigil ng ngiting inayos ang salamin nya, parang may balak sila o paranoid lang ako? pero ano ba kasi ang nginingiti ngiti nitong dalawa at hindi ako kasali? nakakaintriga tuloy.

"Di ba bukas pa--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita kaagad si Lyra, sa pagkakaalam ko ay may maliit na party sa Club nila Lyra na dance club dahil sa pagkapanalo, bakit ngayon sya nagpapa make up tyaka magaling sya d'on hindi na nga nya kailangan ng magma-make up sa kanya.

"Pwede sa comfort room ta'yo?"Demand ni Lyra kaya napaisip pa saglit si Christine tumango at tumayo na.

Pagkaalis ng dalawa ay naging tahimik ang aming table mas ramdam ko pa ang awkward atmosphere kaysa sa pagkairita sa ingay ng paligid na karamihan sa mga ito ay mga babaeng nagtitilian.

Ramdam ko ang saglit na pagtingin ni Xedrick sa aking peripheral vision, pero itinuon na nito ang tingin sa pagkain.

Minutes later ng may mga babaeng students na lumapit saamin at tingin ko mga freshmens na hindi kami napapansin ni Lila, mga mata nila parang naghuhugis puso.

"Hi! can we take a picture?"

"Ang pogiii!"

"Panty dropping!"

Many girls drooling over him yeah at nadagdagan ngayon tingin ko. ilang babae pa ang lumapit hanggang sa matapos na nga sila sa pagpapapicture kay Xedrick, magtanong ng magtanong ng kung ano ano at magpapirma sa kung saan nila gustong pumirma ang hinahangaan nila, well fangirl's thing I guess.

Lahat naman yata ng babae, lalaki, bata man o matanda ay mapapalingon sa gawi n'ya dahil sa hitsura n'ya hindi nila maitatanggi 'yon for sure, he and the eight almost pared to perfection, gwapo na sila talented pa ang kaso di lang gaano kaaya aya ang pag-uugali sa una.

Bumalik ang awkward atmosphere, bumalik nanaman ang ilang ko dahil sa pagsulyap ni Xedrick saakin ng matagal, napapansin ko 'yon.

After two minutes of awkwardness dahil walang nagsasalita isa saaming tatlo ay tumikhim si Lila at tumayo kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

Don't tell me aalis s'ya?! wag naman sana.

"Comfort room lang," nginitian lang nya kami dala ang napkin pouch nta na itinago n'ya sa tissue dahil nasa harap n'ya si Xedrick, parang sinadya n'ya iyong ipakita sa akin.

"Hmm I hope magkausap ka'yong dalawa, you know siblings talk? mukhang hindi narin ka'yo nagkakausap e, hehe." My forehead crinckled, what the hell? may alam na sya sa mga ganyan huh?

Hindi naman ako nakapagsalita na ng nagmadali syang umalis.

Excuse n'ya lang yata ang pagpapalit at mukhang may plano silang dalawa ni Lyra for what? para magkausap kami ni Xedrick? para saan naman?

They're really ridiculous and their damn plans, if I am right!

Ilang minuto pa ang lumipas at nakakapagtakang wala pa silang tatlo, ang tagal naman nila, kaya mas napatunayan kong may plano nga sila.

Seriously? Ten minutes ng pagpapalit ng napkin samantalang wala ng gaanong students sa mga oras na 'to so means wala ng gaanong gumagamit, at yung pagpapa make up? oo na pwedeng matagal pa 'yon pero bukas pa ang party!

At ano naman ang dapat naming pag-usapan? Hindi naman na namin kailangan mag-usap pa.

Napabalik ako sa aking ulirat ng tumikhim sya at tumingin saakin kaya napatingin rin ako sa kanya pero naglilihis ako ng tingin paminsan minsan.

"Nagustuhan mo ba yung phone?"Mababa at seryoso ang boses n'ya.

Ilang segundo akong natigilan bago ko napag-isipang magsalita, ang rude naman kung tatahimik na lang ako rito, kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami kaya hindi ko sya iisnob-in.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon." Halos mautal ako sa pagsasalita kaya nakagat ko ang labi nya ng lingunin sya ay nakatingin parin sya saakin, I mean sa labi ko s'ya nakatingin kaya naiilang kong tinanggal ang pagkakakagat labi ko.

"But I want to." Hilaw ko s'yang nginitian.

"Okay." Ilang paring sagot ko at itinuon na ang tingin sa pagkain.

Ang gusto ko na lang ngayon ay bumilis ang oras dahil kahit anong pagiisip at gawin ko ay hindi nawawala ang ilang na nararamdaman ko.

Hindi naman dati ganto, sobra akong comfortable lalo na pag malapit sya pero ngayon, hindi ko na alam.

"T-thank you... Ulit."

Isang nakakahibang na ngiti ang ipinakita n'ya saakin.

What the heck?! ano ba itong pinag-iiisip ko?!

"I want to make things up to you, I want to apologize." Saglit akong napainom at tinignan s'ya.

"For what?"

"For being rude, these past few weeks naging ganoon ako sa'yo." Nginitian ko s'ya.

"Hindi mo na kailangang mag-sorry okay lang pero sana uh okay na ta'yo, wag ka ng maiinis sakin ng walang konkretong dahilan." I heard his manly chuckles, mahina lang ang tawa n'ya at hindi naman sarkastik, hindi ko narin mapigilang mapangiti.

"I'm sorry, nahihiya talaga ako sa mga kinilos ko noon."nakagat n'ya ang labi dahilan ng mas lalong pagpula n'on, hindi ko mapigilang mapalunok.

Bago pa n'ya makita ang reaksyon ko ay naglihis na ako ng tingin ng nanlalaki ang mga mata.

Hindi ko alam kun kailan ulit ako magiging kumportable sa kanya, or maybe that'll happen sooner since mukhang nagkakaayos naman na kami ngayon.

Gusto ko sanang itanong kung bakit s'ya naiinis saakin pero wag na lang siguro.

Napabuntong hininga ako dahil medyo naibsan ang ilang na nararamdaman ko sa kanya.

"Insaaan!"

Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Drew hindi kalayuan, nag wave ito at parang nagjogging pa papunta sa table namin, muntik pa nyang makabangga ang mga students kaya humihingi sya ng paumanhin.

Malaki ang ngiti ko ng makita s'ya. Kahit papaano ay namiss ko ang kumag na 'to.

Pansin ko ang half smiled ni Xedrick kaya nilingon ko s'ya, nakatingin ito saakin ng medyo nakangiti, para hindi ako mas mailang ay nginitian ko rin sya pabalik at tinignan na si Drew na malapit na rin makapunta rito, mas lalo akong napangiti.

"Hi baby! Hi Xed." Nakangiting inirapan ko s'ya.

Umupo s'ya sa tabi ko dala ang Bracelet na mukhang galing sa resort, may maliit na shells na nakapalibot sa tali, ang cute.

Kinuha n'ya ang kaliwang palad ko at isinuot 'yon.

"This looks good on you, tama nga ako buti na lang binili ko ng hindi pa ako nakakaalis."

Medyo itinaas ko ang palapulsuhan para mas makita ang Bracelet.

"Ang ganda, Thank you!"malaki ang ngiti kong binalingan sya ng tingin kaya kinindatan nya ako.

Marahan kong hinimas ang shells, hindi nakakasakit sa balat dahil mukhang ni-laminate.

"Welcome basta ikaw, next time singsing naman."Natatawa ko nanaman syang binalingan ng tingin.

"Sira!"Parehas kaming natawa, hindi napapansin na may kasama nga pala kami na medyo malakas na tumikhim, nawala ang kaninang ngiti n'ya at seryosong seryoso na.

"Hi cous, sorry wala akong nabiling pasalubong sa'yo nagmamadali kasi ako."napakamot s'ya sa ulo.

"It's okay, anyways bukas pa balik mo right?"Napaisip saglit si Drew.

"Oo, nagtataka na kasi ako hindi ako nirereply ni Kellie I'm worried so I planned to go back na, tyaka may party naman makakabawi ako."nakangiting sagot n'ya na tinanguhan lamang ni Xedrick.

"Ano kasi nasira phone ko, hindi ko kabisado number mo."Balak kong magtanong kina Lila ang kaso nawala sa isip ko.

"Ah, that explains why."Tumango tango s'ya. saglit kaming natahimik pero pinutol rin naman ni Drew.

"Anyway bro, hiramin ko muna si Kellie I wanna talk with her long, I missed her."

Seryoso ang mukha ni Xedrick ng nagtaas ng tingin, dahan dahang kumukunot ang kanyang noo at ang makakapal nyang kilay ay parang umaangat pero nawala rin ng ngumiti sya ng pilit, hindi ko alam kung pilit pero mukha nga.

"Ohh, okay, enjoy then."sa paraan ng pagkakasabi n'ya ay parang naiirita sya o ako lang itong binibigyan iyon ng kung ano ano.

"Thank you!"Tumango lang si Xedrick kaya tumayo na kami.

Nakakailang hakbang na kami ng nanuot saaking tainga ang boses ni Christine, natigilan ako kaya natigilan rin si Drew na nakaakbay na saakin habang ang kaliwang palad ay nasa loob ng bulsa ng slacks n'ya.

"Baby, nainip ka ba? I'm sorry."masuyong sabi ni Christine.

"No it's okay Baby."

Dahan dahan ko silang nilingon na nakatalikod sa gawi namin, nakadantay ang ulo ni Christine sa balikat ng Boyfriend patagilid at si Xedrick naman ay nakaakbay sa kanya na tila inaalalayan ang Girlfriend.

Mapait akong napangiti.

"Let's go?"Nilingon ko si Drew na nakangiti saakin kaya sinuklian ko 'yon at tumango.

Sana si Drew na... Sana si Drew nalang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top