Chapter Eight
***
CHAPTER EIGHT
KELLIE’s POV
“You guys hik don't have idea how much I love Xedwick,”si Christine na lasing na lasing na, heavy drinker pala si Christine at mukhang mabilis malasing dahil thirty minutes pa lang ay lasing na sya sabagay sunod sunod naman kasi sya kung uminom. Dalawang shot lang ang kinaya ko at tumanggi na ako, ngayon na lang ulit ako nakatikim ng alak nung una ay first time ko sa Canada sa party ng isang kaibigan doon. Gumuguhit ang alak sa aking lalamunan hindi ko kaya, kaya naman juice na lang ang iniinom ko.
“Damn, my head huwrts, ahh!”namumulang itinaas ni Christine ang ulo, dahan dahan nyang inistraight ang ulo napahawak sa batok at natulala na papikit pikit na.
“Hina mo naman gurl,”si Lyra katabi ni Xander na medyo lasing narin.
Namumula ang mukha nito at muli nanamang tumungga.
“What? me? mahina? Ha ha ha,”papikit pikit na si Christine na nakangiting nakabaling kay Lyra para silang may sariling mundo ganoon rin ang iba may sariling pinag uusapan.
Hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay nakatingin pariin ang mga kakaibang tingin saakin ni Xedrick, dahil d'on ay kanina pa ako naiilang.
Inabutan naman ako ni Xavier ng isang baso ng beer
“Ah, ano,”hindi ko maapuhap ang sasabihin, nakangiti syang inio-offer ang isang baso ng beer saakin.
“C’mon sis,”pagpipilit nya ng mapansing hindi ko pa kinukuha, kukuhain ko naman na sana dahil sa loob ko'y ayokong tumanggi pero natigilan ako ng may dalawang nagsalita.
“I'll take it for her,”sabay pang sabi ni Xedrick at Drew.
Mabilis nagsuntukan ng tingin ang dalawa, their jaw clenched. natigilan ako sa inasta ng dalawa, hindi ko alam pero mukhang nagkakainitan tong dalawa at hindi ko alam kung anong pwedeng dahilan dahil medyo close naman sila nakakapag usap naman noon pero ewan ko naman ngayon.
“Ako na,”para mawala ang tensyon ay pinutol ko na at nilagok ang beer ng hindi tumitigil.
Ng natapos ay pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko, parang may kakaibang kuryente ang gumapang sa ulo ko dahilan ng pagsakit nito, inabot saakin ni Xavier ang juice na mabilis kong ininom dahil hindi ko na kaya ang pait.
“Wohoo! you're the best sis!”pumapalakpak pang sabi ni Xavier.
“Huy bes! hik inaahas nun bf mo!”hindi ko alam kung sinong kinakausap nito ni Lyra pero nakatingin ito kay Christine na lasing ng nakapatong ang ulo sa matipunong balikat ni Xedrick.
“Xander tell her no one can take me from Kellie,”nakangusong sabi naman ni Drew kaya nasiko ko sya sa pinagsasasabi nya. Hindi pa sya lasing kaya alam kong alam nya ang pinagsasasabi nya.
“By the way Drew musta ka'yo ni Maddie?”biglang tanong ni Nancy katabi si Jei na nakaakbay sa kanya na nilalantakan ang pulutan.
“There's nothing between us,”
“Oh... break na ka’yo, ”
“We're just fubu,”
“Akala ko seryoso ka na kay Maddie,”si Nancy.
“He'll never take relationship serious,”gatong ni Xedrick na diretso ang tingin saakin as usual napaka cold ng mga mata nito ibang iba sa makulit na sya. Mukhang napansin ni Xander ang awkward atmosphere kaya nagsalita na sya.
“Cheers!”
Kumuha na lamang ako ng juice para kunyari'y beer.
The conversation went on and on at hindi narin ako gaanong nakikigatong dahil medyo masakit narin ang ulo ko marahil sa alak na nainom lalo pa't hindi naman ako sanay.
***
“Bye drive safely,”tinanggal ko ang seatbelt para sana umalis na ng magsalita si Drew kaya tinignan ko sya. eto nanaman sya nagpapacute pero actually cute naman 'tong isang ito.
“Wala bang kiss d’yan?”pinapamukha pa nya sakin ang pisngi nya. kanina pa 'yan sa pagiging clingy at malandi di nagsawa.
“Wala sampal lang,”
“Ouch,”bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan nya ang wrist ko at nililingon ang harap banda sa bahay namin kaya kunot noo ko rin tinignan ang tinitignan nya.
“Wait, bakit ang daming men in black sa inyo?”
Nanlaki ang mga mata ko ng may marealize, jeez! di pala ako nag paalam at hinihintay ako palagi ni mama sa bahay at mas malala eight thirty na! patay ako nito kay mama, nakalimutan kong magsabi dahil nagkakasiyahan na kami ni mama.
Nilapit ko ang mukha ko kay Drew as in sobrang lapit kaya nanlaki ang mga mata nya at bahagyang napaatras sa gulat.
“Woah! wag mong gawin 'yan, delikado,”
“Amoy alak pa?”
Nag-inom kami ng kaunti kanina, hays! kung bakit kasi nakalimutan kong magpaalam kay mama o maski kay kuya manlang! patay talaga ako neto, jusko napakaraming bodyguards sa labas si kuya naman ay may kinakausap na sa tingin ko ay pulis.
“Oo nga pala, I remembered delikado ang buhay mo at ng anim bukod sa mga fans,”
Oo tama si Drew hanggang ngayon ay delikado parin ang buhay ng anim at ng buhay ko pati ng pamilya ko, nagtatago parin ang Donovan sa ngayon, at sa pagkakaalam ko pinipilit nilang pumasok sa buhay ng kuya ko.
“I have to go,”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa ni Drew at lumabas na ako, haist sobra akong natatakot at nahihiya, sa lahat ng pwedeng kalimutan bakit yung pagpapaalam ko pa?! sana lang ay hindi ma high blood nito si mama saakin pero paniguradong sobra na syang nag-aalala saakin.
Kumuha ako ng spray para mawala ang amoy alak saakin dahil malalagot talaga ako ng sobra.
Pinapangako ko talaga na ito na ang huling beses na di ako magpapaalam.
Dahan dahan akong pumunta sa bahay palapit kay kuya na sobrang nag-aalala ang hitsura gulo gulo ang buhok at naka buttoned pataas ang sleeves nya. He brushed his hair using his palms repeatedly.
“Ku–kuya,”mabilis itong humarap sa gawi ko at paniguradong lahat ng tao ngayon ay saakin nakatingin.
Kitang kita ko ang seryosong mukha ni kuya kaya napapikit ako handang saluhin ang galit nya saakin sa ginawa ko, hindi tamang hindi ako nagpapaalam lalo pa sa sitwasyon namin ngayon.
Mahigpit kong hinawakan habang yakap ang bag ko ng maramdaman ang paglakad nya patungo sa kinatatayuan ko.
Wala pang ilang segundo ng makaramdam ako ng mahigpit, mainit at may pagaalalang yakap na mabilis ko namang ikinagulat.
Sapat lang ang yakap para hindi ako masaktan at hindi ko inaasahang ito ang matatanggap ko. Mabilis nya akong hinarap at iniscan pa ang katawan ko kung maayos lang ako, kitang kita ko ang sobrang pag-aalala nya kaya mas lalo akong naguilty.
“Are you okay huh?”imbis na sumagot ay napahagulhol ako sa dibdib ni kuya.
Ang tanga ko, tanga tanga ko dahil hindi ko naisip si kuya at mama na sobrang nag-aalala para saakin lalo na sa sitwasyon naming delikado pa sa ngayon.
“Kuya, sorry, I'm sorry,”niyakap nya ako pabalik. Kuya caressed my back.
“Shh, stop crying, please Kellie I hope this will be the last time na hindi ka magpapaalam,”ilang beses akong tumango habang nakatakip ang mukha ko kakaiyak.
“Sorry, kuya I'm sorry,”
Pinunasan ni kuya ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay nya at pumasok na kami sa loob ng hindi pinapansin ang mga bodyguards. dapat magalit saakin si kuya pero ito sya napakabait parin saakin.
“Nasaan si mama?”
“Nasa grocery,”
Nagulat naman ako, hindi namamalengke ng gabi si mama dahil delikado raw. “Pinatanggal ko lahat ng stocks sa kitchen, so that napilitan si mama na maggrocery,”
Ginawa nya iyon para saakin para hindi na magalit saakin si mama at para hindi na sya mag-alaa habang hinahanap ako. dumagdag pa ako sa alalahanin ni kuya sobra na syang stress sa trabaho at eto ako dumagdag pa.
Hays masyado pang bata si kuya para mastress ng ganito, mukhang hindi na nya naiintindi ang sarili nagkakaroon na rin sya ng kaunting balbas na mukhang hindi na nakakapag shave, medyo pumapayat narin sya. Pero kahit ganoon hindi parin nawawala ang kagwapuhan nya.
“Salamat kuya,”
“Don't mentioned it,”seryosong sabi nya lang at inabot saakin ang glass of water.
“Go to your room, you have to rest,”nakangiting tumango ako.
“Promise kuya last na 'to, hindi na ako magiging sakit sa ulo,”umiling sya at umupo sa tabi ko rito sa sofa sa sala.
“You can't say that, we're prone to risks you know that, like what I've said I got your back okay?”ginulo naman nya ang buhok ko at slight na ngumiti.
Actually hindi nya naranasan ang mga ginagawa ng normal na students o teenager dahil bata pa lamang sya ay ang paper works na ang kaharap nya at ang strikto nyang ama na para raw sa kanya.
“Sige na go to your room,”marahan nya akong hinalikan sa noo ko.
**
Matapos kong maligo at mabilis kong binagsakan ang kama ko at hindi ko mapigilang maiyak ano na lang ang mangyayari kung malaman ni mama ang ginawa ko, pasalamat ako at nandyan si Kuya, pero sumusobra na kung lagi nya akong kinukunsinti.
Matutulog na sana ako ng biglang nag beep ang phone ko sa side table.
Drew:
Are u ok?
I composed a message.
Me:
Yup, thank you.
Wala pang ilang segundo ng makatanggap ako ng mensahe galing kay Drew. hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.
Drew:
Don't mentioned it baby. Goodnight.
Me:
Lol, night.
Napabusangot ako sa tawag nya saakin, ang lalaking 'iyon ang daming alam. Inilagay ko na ang phone ko sa side table katabi ng lampshade. Alasdose na ng dalawin ako ng antok.
**
Kinabuksan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na alarm clock, pipikit na sana akong muli pero may napansin akong bulto ng tao sa gilid, kinusot ko ang mga mata ko at kunot noong binalingan ulit 'yon.
Si mama pala.
Bigla nanaman akong naguilty.
Dahan dahan akong tumayo para yakapin si mama patalikod na abalang kinukuha ang mga labahing damit ko. Bigla naman syang napatayo ng tuwid ng yakapin ko sya.
“Ma,”malungkot ang tinig ko pero nakangiti ako.
“Ang aga aga para d’yan,”humarap naman sya saakin pero nakayakap parin ako sa kanya. Napanguso ako.
“Umamin ka nga, may kasalanan ka ba at ganyan ka?”Hindi ako nagsalita at niyayakap parin si mama, she release a sighs.
“Umamin ka ngang bata ka,”
“Hmm, ma naman nanlalambing lang po,”nakanguso paring saad ko.
“Osige na, mag-ayos kana at nakahanda na ang pagkain sa hapag,”nakangiting bumaklas ako kay mama at nag-ayos na ng sarili.
***
Nakatayo ako sa tapat ng aming gate na hinihintay si Drew dahil araw araw naman syang nagsusundo saakin, hindi na ako tatanggi pa since malapit lang naman kami ng bahay at destinasyon, mas malalate at hassle kasi kung magcocommute ako, si kuya naman ay maaga ng pumapasok.
Gusto ni kuya ng Personal driver ko para raw ay manapatag sya pero as usual ako parin ang nanalo, ayoko ng ganoon lalo pa't hindi ko nakasanayan.
Habang nag-aantay ay may biglang BMW ang pumarada sa harap ko at ang heavy tinted windows ay unti unting bumababa ng tuluyan kong nakita ang nasa loob ay syang bahagyang pagkagulat ko.
“Kellie hop in,”
Isang minuto akong natigilan napabalik ako sa aking wisyo ng nagsalita nanaman sya.
“We'll be late,”hindi ko alam kung totoo ang ngiting pinapakita nya saakin pero hindi dapat 'iyon ang pinag-tutuunan ko ng pansin.
“Mauna ka na, may hinihintay ako,”nakahawak sya sa steering wheel kaya kitang kita ko ang mamahalin at kumikinang pa nyang bracelet, nagsusumigaw sa karangyaan ang mga accessories na suot, I wonder kung bigay iyon ni Xedrick.
Damn! I sounded jealous.
“Drew?”she said half smirked.
“Tell me, what's the score between you two?”bigla naman akong nagulat sa tanong nyang 'yon, hindi ko aakalaing magiging interesado sya saamin ni Drew. Hindi ko mapipigilang isipin ng ibang tao 'yon saamin lalo pa't madalas kaming magkasama ni Drew lalo na sa school.
“W-wala,”
Sa pinapakita nyang ekspresyon ay hindi sya naniniwala, siguro dahil nautal ako?
“Hop in na, pinilit nya pa ako for this kahit di kami close, come on he can't fetch you for now,”gusto ko pa sanang magtanong pero wag na lang siguro itatanong ko na lang sa kanya mamaya.
Tahimik ang naging biyahe ineexpect ko syang magtatanong pa ng mga bagay bagay pero hindi pala, for sure napilitan lamang sya na ihatid ako, e di naman kami magkaibigan nito so why bother?
“Kellie! Good morning,”si Edward na nakasalubong ko sa pasilyo, mukhang hindi na ganoon kalala ang pasanin nya dahil nakakangiti na sya gaya ng dati.
“Good morning! I'm expecting you to treat me a lunch today! Like what you've promised,”nakangiting sabi ko sa kanya.
“Sure!”
Nagpaalam na kami sa isa't isa ng time na para sa first subject namin.
Dumating na ang time para sa lunch time at kasama ko lang ngayon si Edward papuntang cafeteria excited ako dahil ililibre nya ako. Nasaan kaya yung dalawa lagi ko silang kasama tuwing lunch pero hindi sila nagpakita.
Hindi gaanong marami ang tao kaya naging madali na lang saamin ang makakuha ng pagkain at table.
Napapatingin sa gawi namin ang ibang kababaihan or should I say kay Edward dahil nakakaagaw naman talaga ito ng pansin lalo na sa kababaihan.
“Here, take this sandwich,”hindi ito yung paborito ko dahil binili lang nya rin ito rito.
“Why?”kinuha nya ang sandwich ko na ang palaman ay ang paborito kong palaman, meron rin iyong ham na may kakapalan at itlog walang lettuce na madalas nyang kinakain.
“This sandwhich contains a lot of calories, eat this instead,”inabot nya saakin ang sandwich na ang laman ay lettuce at light mayo, hindi na rin ako umangal pa. Ang sandwich na kinuha nya saakin ay inilagay nya lang sa gilid ng tray.
Organic juice ang iniinom nya maski ang sandwich ay puro gulay rin ang breakfast rin nya ay palaging may kulay berde hindi nawawala, well he's vegetarian. Kabaliktaran naman si Emily na mahilig sa masasarap na pagkain na di gusto ni Edward kaya nagtatalo sila dahil d'on pero sa huli walang nagagawa si Edward.
Pinag-usapan namin ni Edward ang mga bagay bagay tungkol sa pag-uwi nya hanggang sa pamilya nya lalo na ang Lolo nya, sa ngayon ay hindi parin raw maayos ang lagay ng kanyang Lolo na may sakit sa puso, ang pure Filipino grandparents lang ang kasama nya.
Next year pa ang uwi nito sa Canada para sa business nila na sya ang magmamana.
Naantala ang aming pag kain ng may mga babaeng nagtitilian at mga nagfa-flash na mga camera.
Hindi nagtagal ay nakita ko ang siyam na pilit kumakawala sa mga fans nila, ng dumako ang tingin nila saamin ay lumapit sila saamin dala ang tray nila at mga fans na sumusunod sa kanila na parang naghuhugis puso pa ang mga mata.
Ang kaninang tahimik naming table ay napuno ng tawanan at kantyawan, well expected na kung sila ang kasama.
Binigyan nila ako ng pagkain nila na hindi ko na natanggihan hindi raw dapat ako magpagutom, si Jei naman ay inaakbayan si Edward kaya naiilang ito sa kanya.
“Are you gay?”nasamid ako sa tanong na iyon ni Jei kaya inabutan ako ni Xavier ng tissue.
“Jei! ano ba,”
“I just asked him, parang naiilang saakin e,”naguluhan naman si Edward sa sinabing 'yon ni Jei.
“Don't mind him Ed, I'm sorry,”bulong ko kay Edward.
“It's okay”hindi sure ang sinabi't ngiti nya. Tinanggal na ni Jei ang pagkakaakbay kay Edward at nagsimula naring kumain.
“Kellie nga pala I forgot to ask, yung nakasagasa sa’yo noon?”si Xander.
“He's in jail until now,”
“I hope he rot in jail!”
Himala yatang hindi nila kasama mga Girlfriends nila ngayon, iniisip ko kung nakapag lunch na ba ang mga iyon. Pero wala pa ang ilang minuto ng dumating ang dalawa sumunod si Christine na umupo sa tabi ni Xedrick.
Mas lalong umingay ang table namin at mas lalong naging center of attraction.
“Si Maddison oh, wait captain ng basketball kasama nya right?”
“Oo, si Arnold, bago nya raw,”
“Si Linsay kaya? Ano kayang feeling sa kandungan nya?”si Ashe na nakangising nag iimagine kaya binatukan ng katabi at pinagtawanan.
“She'll surely satisfy you! a bombshell like her? That's one hundred one percent sure,”
“Balita ko magaling raw ‘yan, pati si Annie, yung sa Cheerdance,”
Napailing na lamang ako sa pinag-uusapan nila, seriously? ganyan talaga ang pag-uusapan nila at nasa harap pa talaga ng pagkain?
Kung sino sinong babae pa ang pinag-uusapan nila at kung ano ano pa, mabuti nga ay hindi nagalit yung tatlong babae, sa pinag-uusapan ng iba.
“Pre nasan si Nancy? Bakuran mo 'yon baka maagaw Bombshell pa naman ‘yon,”
“Seriously Ken? pinag-nanasahan mo ba Girlfriend ko?”Jei's brow furrowed.
“No, of course not,”
“Good, papatayin talaga kita,”
Ilang beses na ba ako nakakairap sa mga oras na ito? tsss.
***
Lumipas na ang ilan oras ay wala pa rin akong nakikitang Drew at mukhang hindi pa iyon pumasok, nakakapagtaka naman at saan kaya iyon pumunta?
Nagtungo na ako sa locker para kuhain ang mga librong kakailanganin ko kailangan kong magreview kahit walang quiz ay nagbabasa na talaga ako ng mga books na about sa course ko in case lang na magkaroon ng quiz.
Maglalakad na sana ako paalis ng mag beep ang aking cellphone hudyat na may text message mula sa bag ko. isiping galing kay Drew ay bigla akong na-excite.
Excited?
Hindi nga ako nagkamali galing nga sa hudas na iyon.
Drew:
How's your day?
I composed a message.
Me:
Okay na okay wala ka e. :))
Hindi ko naman mapigilang mapangiti, maya maya'y wala pang ilang minuto ng nagreply sya kaya nagsimula na akong maglakad.
Drew:
Ang sabihin mo miss mo ko, miss mo kagwapuhan ko :*
Me:
Wag kang assuming masyado. Lol.
Drew:
Anyways I'm in cebu kahapon ng gabi pa, hindi ko nasabi. urgent. Eighteenth birthday ng kapatid ko.
May kapatid pala sya, hindi kasi nya nababanggit ang akala ko ay nag-iisa lamang syang anak.
Ilang minuto pa kaming nagpalitan ng text hanggang sa hindi ko namalayang nabangga na pala ako aa kung sino.
Nahulog ang aking cellphone at natumba pa ako, napadaing ako at bahagyang napahawak saaking bandang puwitan dahil sa pagsakit no'n, napalakas ang pagkakaupo ko aa sahig kaya parang magkakapasa ang balakang ko.
Pero mas inaalala ko ang cellphone na ngayon ay basag na ang screen, nanlaki ang mga mata ko at pilit na inaabot pero ng aabutin ko na sana ay bigla naman akong napadaing kaya diko na tuluyang nakuha ang cellphone ko.
Naramdaman kong may nakausli palang sementadong pabox sa pinaghulugan ko at sa dulo tumama ang balakang ko.
Maya maya'y ay hindi ko na ramdam ang sahig ng buhatin ako ng kung sino na parang bride nya!
Ng napagtanto kung sino 'yon ay natigilan ako. Nanlaki ang aking mata. Our eyes locked, and his manly natural scent! Damn so addicting!
“Xedrick.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top