CHAPTER 9: FESTIVAL
Emily's POV
Nang magising ako ng umaga ay nagulat ako na yakap ko na yung polar bear na binigay ni Ken. Binitawan ko iyon at agad na pumunta sa cr para maligo. Matapos maligo ay nagbihis na ako at nag ayos ng sarili. "Morning guys!" Bati ko ng makababa na ako. "Morning!" Bati nila. Umupo na ako sa pwesto ko at kumuha ng mga pagkain. Habang kumakain ay nagsalita si Zoe. "Guys ngayon nga pala simula ng pagdedesign sa university para sa upcoming festival." Aniya. "Weh? Panigurado kasali scouts sa pagdedesign dahil 1 week na lang." Sagot ko. "Oo sure yun. Pustahan mamaya mag aannounce si Kuya Carl na kasali tayo sa tutulong sa design ng university." Ani naman ni Andy. "Oo nga kawawa kami ni Sandra kasi mag iintay kami ng matagal." Sagot ni Lean. "Mauna na lang kayo umuwi kung gusto niyo tapos sabay-sabay na lang kami nila Zoe pauwi." Sagot ko. "Mas magandang idea nga yan dahil di ko kaya mag iintay ng ganun katagal." Reklamo ni Sandra. "HAHAHAHAAH. Bilisan niyo na nga diyan at may assembly pa kami ngayon." Ani ko. "Oo na!" Sagot ni Lean. Mabilis kaming kumain at pumasok na. Mabuti na lang at pinatapak muna kami sa quad bago pumito. "Announcement!" Ani ni Kuya Carl sa amin. "Announcement, announcement, announcement!" Masiglang tugon namin. "Ok scouts kayo ang naka assign sa pagdedesign ng quad at events hall. Hanggang 5 pm kayo dito sa school. Pull out na kayo sa klase ng 2 pm. Ipapatawag na lang kayo ng officers. Understood?" Paliwanag niya. "Sir yes Sir!" Sagot namin. Matapos ang announcement na yun ay pinaalis na rin kami. "Good morning Sir, good morning classmates. I'm sorry i'm late." Ani ko at naupo na sa pwesto ko. "Oh kamusta scouts?" Bati ni Lean. "Pull na ko mamayang 2 pm kasi magdedesign na kami sa quad." Sagot ko. "Ahhh. Ede mauuna na kaming umuwi?" Tanong niya sa akin. "Oo mauna na kayo kami na lang nina Zoe magsasabay." Sagot ko. "Ahhh sige." Sagot niya. Di na kami nakapag usap pa dahil dumating na ang teacher namin. Nang magrecess nauna kami nila Ivan papunta sa canteen. Umorder na ako ng mga pagkain namin. Sinabay ko na rin yung kina Lean para isang tayo na lang. "Oh ere na yung mga pagkain niyo. Bayaran niyo ko ah." Ani ko habng inaabot sa kanila yung sandamakmak na pinaorder nila. "Oo na." Sagot ni Lean. Nang dumatinng sina Andy ay dumeretso na sila sa pila at si Ken naman ay umupo sa harap ko dahil si Lean ang katabi ko. Nang makabalik sa table sina Andy, Sandra at Zoe ay si Ken naman ang umorder. "Oh hanggang anong oras daw scouts?" Tanong ni Sandra. "5 pm" Sagot ni Andy. "Ahhh. Eh kayo Zoe?" Tanong ni Sandra kay Zoe. "Ganun din tapos 2 pm pull out namin sa klase." Sagot niya. Nang dumating si Ken ay may dala siyang dalawang sundae. "Oh Ems. Alam kong napagod ka sa math class niyo kasi alam ko naman kung gano mo kaayaw ang math." Ani niya habang inaabot ang isang large sundae sakin. "Thank you. Mukhang sisipagin na ko nito mag design ng quadrangle at events hall." Sagot ko. "Anong oras uwi mo?" Tanong niya. "5 pm." Sagot ko. "Antayin na kita. Kailan ba start mo?" Tanong niya sakin. "Ngayon. Pull out komamayang 2 pm." Sagot ko. "Ahhh sige. Magpapaalam na lang ako sa mga pinsan ko. Di na ko magpapaantay sa kanila." Sagot niya. "Wag na baka pagalitan ka pa sa inyo." Sagot ko. "Hindi yan. Ako bahala." Sagot niya. "Bahala ka. Basta kapag napagalitan ka wag mo idadawit pangalan ko." Sagot ko. "Oo. Di ako ilalaglag ng mga timang kong pinsan." Sagot niya. Nang bumalik na kami sa classroom ay matapos ang klase ay tinawag na ako ng officer namin. Nagulat ako ng nasa labas si Ken at mukhang kasama sa pagdedesign. Nakita kong magkausap sila nina Kate. Kaya lumapit na ako. "Oh bakit ka nandito?" Tanonng ko sa kannya. "Nag volunteer ako eh. Bakit bawal ba?" Sagot niya. "Hindi naman. Pero bakit?" Tanong ko ero si Andy ang sumagot. "Kulang kasi yung grade 8 scouts. Di natin matatapos agad kung kulang tayo." Sagot niya. "Ha? Eh di ba tayo tutulungan ng mga officers?" Tanong ko. "Tutulungan pero masyadong malaki yung quad eh." Sagot niya. "Bakit siya lang?" Tanong ko. "Dinawit siya nung kuya niya." Sagot niya. "Sino dun?" Tanong ko. "Ewan basta may kuya siya na officer." Sagot ni Andy. "Si Kuya Kenneth nagdala sakin dito. May kasalanan kasi ko sa kanya di ko naman alam na eto yung parusa." Sagot niya. "Ahhh." Sagot ko. Tinawag na kami ni Ate Angel. "Scouts magbihis na kayo ng damit para makapag simula na." Aniya. "Ok po." Sagot namin at umalis na. Sa locker room ako pumunta para kunin yung mga gamit ko. Sa cr ng locker room na ako nagbihis. Ang suot ko na ngayon ay jogging pants ng Franklin U at plain white t shirt. Nag rubber shoes na rin ako dahil paniguradong ako ang aakyat sa mga ladder dahil matangkad ako. Nang lumabas ako ay bihis na rin sina Andy. Sabay-sabay na kaming nagsibaba. Nakalatag na rin ang mga gagamitin namin sa pag dedesign sa quad. nagsimula na ko sa paggawa. Sina Andy din nagstart na sa paggawa ng banner. Ako ang naatasan sa pagppaint si Ken naman sa outline ng letters. "Hoy Ken magstart ka na. Wag mo titigan si Emily." Saway ni Ate Angel sa kanya. "Oo na Ate Angel. Masama bang tumingin sa magandang dilag?" Sagot niya. "Hindi. Naku Emiy wag mo sasagutin si Ken ah. Hintayin mo munang maging masipag tsaka mo sagutin." Baling niya sakin. "HAHAHA. Opo Ate."Sagot ko. "Magsimula na nga kayo jan. Wag na ka na kayo maglandian." Biglang singit ni Kuya Sean samin. "Eh kuya pano namin masisimulan kung nakabantay kayo samin?" Sagot ko. Kaya umalis na sila at nagsimmula na si Ken sa paggawa ng outline ng letters ng word na Franklin University Festival 2020. Inaabot niya sakin ang mga naoutline niya sakin ang mga letters na naoutline niya na at ako naman ay pinipaintan ang mga ito. Matapos paintan ang mga ito ay idinikit ko na ang mga ito sa stage. "Emily!" Tawag ni Ken ng makababa ako sa ladder. "Oh bakit?" Baling ko kasabay nun ay ang pagpahid ng paint sa mukha ko. "Ayyyyyy! Yari ka saking mokonng ka!" Sigaw ko. Pero tinakbuhan ako ng loko. Mabuti na lang ay naidikit ko na lahat ng letters kaya pwede na ko humawak ng paint. Kumuha ko ng paint at inilagay sa kamay ko tsaka siya hinabol. "Hinayupak ka Ken! Tatadyakan kita!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa dereksyon niya. "Gawin mo nga." Sagot niya. Sabay takbo tumakbo na rin ako palapit sa kanya. Nang makalapit ako ay niyakap ko siya patalikod para hindi na siya makatakbo tsaka ko siya pinahiran sa mukha. "Oh ayan oh!" Anni ko habang nilalagay sa mukha niya yung paint. Tawa naman ng tawa ang mokong. "Ayieeeeee!!!" Sigawan ng mga tao sa quad kasama na sina Andy. Napalingon ako sa kanila kanina pa pala sila nanunuod samin. Pati kuya ni Ken pinapanuod kami. "Kita mo? Bwisit ka. Nakakahiya!" Ani ko sabay takbo palabas ng quad. "Hoy wait lang!" Sigaw niya. Di ko na siya pinansin pumunta na ako sa cr para maghilamos. "Putek naman oh! Lakas kasi ng trip mo! Yari nanaman ako kay Sandra kasi mahirap maglaba!" Sigaw ko sa cr. Chinat ko si Sandra.
Me:
Sandra may mantsa yung t shirt ko. dahil lang naman 'to kay Ken. Sorry.
Sandra:
Ha? Anyare ba?
Me:
Malakas trip ng mokong kaya maghanda ka na ng kung ano anong pang tanggal ng mantsa sa damit
Sandra:
Ok.
Me:
Maya na lang baka hinahanap na ko sa quad.
Sandra:
Sige. Bye.
Lumabas ako ng cr habang nagpupunas ng mukha gamit ang towel. Nappatigil ako ng mahagip ng paningin ko si Ken na katayo sa tapat ng cr at deretsong nakatingin sakin. Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang tiningnan ng masama. "Oh bakit ka nakatingin ng masama?" Tanong niya. "Nakakahiya kaya! Mahihirapan maglaba nito si Sandra." Sagot ko. "Hayaan mo na sila." Sagot niya. Di ko na siya pinansin at pumunta na sa quad para linisin yung mga pinturang kinalat namin. Minop kong mabuti yung sahig na natuluan ng mga pintura sa pagtakbo namin. Kami na lang nina Zoe at Ken ang nasa quad dahil asgi uwian na ang iba. Natapos na namin ang pagdedesign sa quad. Events hall na lang. Sana bukas wala na yung mokong na yun. Ang hirap magconcentrate kapag nasa paligid yung timang na yun. "Hoy Ken! Kasama ka pa ba bukas?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng quad. "Hindi na. Bakit?" Sagot niya. "Mabuti naman." Sagot ko. "Bakit naman?" Tanong niya. "Di ako makapag concentrate kapag nasa paligid ka." Sagot ko. "Ede kapag pala pinanuod kita di ka makaka concentrate?" Sagot niya. "At bakit mo naman ako papanuorin?" Tanong ko. "Kasi aantayin kita bukas at sa susunod pang mga araw. " Sagot niya. "Bakit naman?" Tanong ko. "Wala lang. Pumasok ka na. Bukas na lang." Sagot niya. "Ok. Bye." Sagot ko. "Bye Ken. Thank you." Paalam nila. Tinanguan lang naman sila ni Ken. Nang dumating ako ay dumeretso agad ako sa kwarto ko para magbihis. Matapos namang kumain ay inusisa nanaman ako nia Sandra kaya kinenwento ko na in detail at syempre sumigaw nanaman si Sandra.
Andy's POV
Its our day 4 designing the events hall and still we're not done. We are helping others in designing their booth and our jail booth. We're not taking classes since yesterday. Sandra gave us lectures and Lean gave Emily their lectures. 4 days na rin kaminng hinihintay ni Ken. Hindi na siya tumulong sa pagdedesign ng events hall. Pinapanuod niya lang kami sa pagdedesign. Nakakainis nga at kailangan pa namin umakyat sa ladder maikabit lang ang mga banner. Sila Kuya Carl naman tamanng nuod lang samin. Napaka gara ala na kaming pahinga nina Zoe. Late na kami nakakauwi. Nung isang araw magse 7 pm kasi kailangan namin matapos agad. Kaya pati si Ken gabi na rin nakakauwi. Nakakapagtaka di siya pinapagalitan ni Kuya Kenneth kasi pareho silang late umuuwi. Nagbreak muna kami sa pagdedesign. Hihingal-hinngal naman si Emily. "A-andy samahan m-mo -k-ko s-sa l-locker r-room. N-nahihirapan a-ako h-huminga." Tawag niya sakin. "Ha? Wait I'll call Ken." I answered. Hinanap ko agad si Ken. "Ken!" Tawag ko sa kanya kahit kausap niya si Kuya Kenneth. "Oh bakit?" Tanong niya. "Emily is having asthma attack!" I worriedly said. "Ha? Asan siya?" Tanong niya. "Nandun sa table natin. Bilisan mo bawal yun maghagdan." Sagot ko. "Kuya mamaya na lang!" Paalam niya sabay takbo papasok sa canteen. Sumunod na rin ako sa kanya. "Andy kunin mo yung nebulizer kit niya. Dadalin ko siya sa clinic." Aniya habang pinapakalma si Emily. Mabilis akong tumakbo papunta sa locker room at ng makuha ko ito sinundan ko sila sa clinic. "Ken oh." Ani ko sabay abot sa nebulizer kit ni Emily. Agad niya iyong inayos at binigay kay Emily. "Ano ba kasing ginawa mo at bakit ka hinika?" Tanong niya kay Emily. "Wala. Tumulong lang ako sa pagbubuhat." Sagot niya habang hinahabol pa rin ang hininga. "Eh kaya naman pala. Wag ka na nga magdesign dun. Last day na bukas diba? Wag ka na sumama bukas. Nakakasama na sa health mo oh. Tama ba yan?" Sermon niya kay Emily. Never namin pinagalitan ng ganyan si Emily kahit si Tita hindi niya ginaganyan si Emily. Si Ken lang nakagawa niyan. "Mali pero kasama yun sa duty ng scouts, ang pagsilbihhan ang school." Sagot niya. "Oo nga Ken duty namin yun." Singit ko. "Duty niyo nga nakakasama naman sa health ni Emily ede wala rin." Sagot niya. "Ken ok na ako wag ka na mag alala. Last naman na bukas kaya wag ka na mag alala." Sagot ni Emily sa kanya. "Siguraduhin mo Ems na ok ka kasi ako yung di nagiging ok." Sagot niya naman. "Oo na halika na sa quad baka hinahanap na tayo. Akina yung nebulizer kit ko sa bag ko na lang ilalagay." Aya niya. "Ok. Eto oh." Sabay abot sa kanya ng nebulizer kit. Sabay-sabay na kaming pumunta sa quad.
Ken's POV
Uwian na namin nang magbreak sina Emily. Hinatid ko sila sa table sa canteen at nakipagusap na ako kay Kuya Kenneth. "Ken wag mo dalasan ang pag uwi ng gabi. Nag aalala sila mama sayo. Tsaka si Emily ok lang na umuwi yun ng gabi kasi may dorm siya rito. Ikaw wala kaya wag dalasan ang pag uwi ng gabi." Pangaral niya sakin. "Oo kuya alam ko yun. Hinahatid ko lang naman si Emily sa dorm nila eh." Paliwanag ko. "Ano bang meron sa inyo ni Emily?" Tanong niya. Pero bago pa ko nakasagot ay narinig ko ang boses ni Andy. "Ken!" Tawag niya. "Oh bakit?" Tanong ko. "Emily is having asthma attack!" Sagot niya. "Ha? Asan siya?" Tanong ko ng nag aalala. "Nandun sa table natin. Bilisan mo bawal maghagdan yun." Aniya. "Kuya mamaya na lang!" Paalam ko sabay takbo papunta sa entrance ng canteen. Nakit ko siya na hinahabol ang hininga. "Emily kalma. Nandito lang ako." Sabi ko para mapakalma siya. Hinahagod ko rin ang likod niya para makahinga siya ng maayos kahit kaunti. "Andy kunin mo yung nebulizer kit niya. Dadalin ko siya sa clinic." Utos ko kay Andy. Hindi na siya sumagot pa at tumakbo na sa locker room. "Emily, kaya mo maglakad?" Tanong ko. Iling lang ang isinagot niya. Mabilis ko siyang binuhat papunta sa clinic. "Excuse me!" Sigaw ko sa mga nakaharang sa entrance. Pero wala pa ring tumabi. "Putek guys tabi! Yung kaibigan ko oh!" Si Zoe na ang sumigaw. nagsitabihan naman sila. Mabilis ko siyang dinala sa clinic. "Oh anong nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse. "Hinihika po kasi siya. Pinakuha ko na po sa kaibigan namin yung nebulizer kit niya." Sagot ko. Hinahagod ko pa rin ang likod niya. "Ken oh." Ani Andy habang inaabot sakin ang nebulizer kit. Nakalimutan ko nang magpasalamat sa kanya. Basta ko na lang inabot yung kit at inayos. Alam kong mag ayos nito dahil gumagamit din ako nito kapag inaatake ako. "Ano ba kasi ginawa mo at bait ka hinika?" Tanong ko na may bahid ng pag aalala. "Wala. Tumulong lang ako sa pagbubuhat." Sagot niya. "Eh kaya naman pala. Wag ka na nga magdesign dun. Last day na bukas diba? Wag ka na sumama bukas. Nakakasama na sa health mo oh. Tama ba yan?" Tanong ko. Dahil labis niya akong pinag alala sa nangyari ngayon. Di ko alam kung san ko ilulugar yung pag aalala ko. "Mali pero kasama yun sa duty ng scouts, ang pagsilbihhan ang school." Sagot niya. "Oo nga Ken duty namin yun." Singit ni Andy. "Duty niyo nga nakakasama naman sa health ni Emily ede wala rin." Pangaral ko. "Ken ok na ako wag ka na mag alala. Last naman na bukas kaya wag ka na mag alala." Paninigurado niya. "Siguraduhin mo Ems na ok ka kasi ako yung di nagiging ok." Sagot ko. "Oo na halika na sa quad baka hinahanap na tayo. Akina yung nebulizer kit ko sa bag ko na lang ilalagay."Sagot niya. "Ok. Eto oh." Sagot ni Andy. Matapos niyang ayusin iyon ay sabay-sabay kaming bumalik sa quad. Umupo ako sa isa sa mga bench para panuorrin ang kilos nila. Tinabihan naman ako ni Kuya Kenneth. "So, anong meron sa inyo ni Emily?" Tanong niya. "Wala. Nililigawan ko lang siya." Sagot ko. "Ah kaya pala halos takbuhin mo na yung entrance ng clinic... Tapos siya rin yung binigyan mo ng bouquet ng libro,bulaklak at tsokolate?" Aniya. "Paano mo nalaman ang mga yan?" Tanong ko. "Connections." Simpleng sagot niya. "Alam ko na kung san mo nalaman yan. Chinismis sayo ni Joshua at Jenn." Sagot ko. "HAHAHAHA. Akala mo di ka ibubuko ng dalawa na yun?" Tanong niya. "Hindi na ko nag expect na hindi makakarating sayo 'to kasi apakadaldal ng dalawa na yun." Sagot ko. "HAHAHAHAAH. Sana last na yan Ken. Nakakapagod din magloko ng babae." Pangaral nanaman niya. "Wow. Coming from an expert like you." Sagot ko. "Meron na kong nililigawan hano. Seseryosohin ko na talaga 'to." Sagot niya. "Ako di ko alam. Pero sigurado ko na mas hhigit siiya sa mga pinakilala ko dati." Sagot ko. "Wow. Nagbibinata na ang bunso namin." Pang aasar niya. "Lumayas ka na nga dito kuya. Tulungan mo sila." Sagot ko. Tatawa-tawa siyag umalis sa pwesto niya kanina. Nang maka alis si Kuya ay binuksan ko na anng cellphone ko para magml yun lang namann ang ginagagawa ko sa bawat araw na hinihintay koo si Emily. Habang namimili ako ng hero ay lumabas ang profile ni Britney yung malandi kong kababata na isa sa mga naging laruan ko. Sinelect ko muna si Ling bago ko tiningnan ang message niya.
Britney:
Hi Ken I miss you.
Yun ang nakalagay. Yuck! Ayoko na sayo! Usal ko sa isip ko
Me:
I don't care. I'm taken anyways.
Hindi ko na rineplayan ang mga messages niya at blinock siya sa lahat ng posibleg pagcontactan. matapos ang ilang games ay natapos na sila. "Lets go?" Tanong ko kay Emily. Tinanguan niya lang ako at kinuha ang bag niya pero di ko hinayaang magbuhat siya dahil kakagaling lang niya sa asthma attack. Hanggang sa tapat ng pinto ng dorm ko sila hinatid. "Good night." Paalam ko. "Good night. Thank you. Ingat sa paguwi." Paalam niya. Tinanguan ko lang siya at naglakad na palabas ng gate. Nang makauwi sa bahay ay bibig ni Ate. "Oh eto na pala si Ken. Bakit late ka nanaman? Napapadalas ata yan." Aniya. "Wala Ate. May inantay lang ako." Sagot ko. "Babae ba yan?" Tanong niya. "Oo Ate. Ok ka na? Pwede na magbihis?" Sagoot ko. "Panigurado ililigal mo nanaman yan tapos pagkatapos ng isang buwan sasabihin mo 'Ate hiwalay na kami. Nakakapagod yung ugali niya.'" Panggagaya niya sa mga sinasabi ko tuwing magbebreak kami ng mga ex ko. "Eto ate iba na. Mga isang taon bago magsawa." Sagot ko. "Wehhh? Eh manang mana ka kay Kuya Kenneth eh." Sagot niya. "Alam mo Ate manahimik ka na lang." Sagot ko tsaka umakyat na para magbihis. Chinat ko si Emily.
Me:
Bahay na po ako. Pahinga ka na po para di ka hikain bukas.
Emily:
Opo. Good night po.
Me:
Good night din po. Love you.
Matapos naming magchat ay nagbihis na ko at dumeretso sa baba para kumain ng dinner. Katakot-takot na sermon ang inabot ko kay Mama na puro tango lang naman ang sinnagot ko. Matapos ng katakot-takot na sermon niya ay umakyat na ako at natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top