CHAPTER 8: DATE
Lean's POV
Walang humpay ang usapan sa nangyari kay Emily at Ken kanina. Hanggang dito sa canteen pinaguusapan yun. Di malabong kumalat ito sa buong grade 9 dahil masyadong flinex ni Ken si Emily. Ilang na ilang yung kilusan ng dalawa ngayon. Nakadistansya si Emily kay Ken. Parang kasalanan kung magkakadikit sila. "Guys ang awkward niyo ngayon. Naninibago ko. Nawawala yung Emily na malakas ang boses tapos yung Ken na maraming banat." Pagbasag ko sa katahimikan dahil 10 minutes na atang tahimik na kumakain. "Oo nga eh. Sanay ako sa malakas na bibig ni Emily at mga cheesying banat ni Ken." Sang ayon ni Sandra. Pero nanatiling walang imik ang dalawa. Nagearphones ang Emily at gumamit ng netbook at si Ken naman ay cellphone ang pinagkaabalahan. "Guys pwede magsalita."Si Andy naman ang bumasag ng katahimikan. Wala si Zoe dahil busy sa meetings ng student council. Magiging busy din panigurado sina Andy at Emily dahil tutulong sa decorations sa upcoming festival. Panigurado magpapaintay yung dalawa na yun pag nagstart na yung decorations. Tamang hintay lang kami ni Sandra panigurado. Ang tanging maririnig mo lang ay ang keyboard clicks na ginagawa ni Emily at ang pagnguya ng chips ni Sandra. Busy si Andy sa pagbabasa at ako tamang nuod lang sa kanila. Kinalabit ko si Emily. "Oh bakit?" Baling niya sakin. "Wala ka man lang bang ikekwento samin? Kanina pa nangngapa tong si Ivan oh." Sagot ko. "Di niya na kailangan malaman yun dahil masasaktan lang siya." Sagot niya. "Bakit? Ano ba yun?" Pang uusisa ni Ivan. "Wala yun." Sagot ni Emily. "Lean ano ba yun?" Bulong niya sakin. "Hinalikan ni Ken si Emily." Bulong ko. "Wow. Lumevel up na ang bestfriend ko ah." Sagot niya. Mahihimigan mo ang pait sa kanyang boses at makikita mo sa mga mata niyang nasasaktan siya. "Ok lang yan. Normal lang yan sa nagmamahal Ivan." Sagot ko. Magkatabi kami ni Ivan at kaharap namin si Emily at Ken. "Susuportahan ko na lang si Emily sa mga gusto niya kahit ikasasakit ko." Sagot niya. Buong lunch walang imikan ang table namin. Hanggang sa mag uwian tahimik lang kami. "Uyyy si Emily nagka first kiss na." Pang aasar ko habang kumakain kami ng dinnner. Agad siyang pinamulahan at di na makatingin ng deretso samin. "Hayst. Kung alam niyo lang yung pakiramdam ko kanina." Sagot niya. "Bakit ano ba yung naramdaman mo?" Tanong ni Sandra. "Kinakabahan na parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. " Sagot niya. "Ayiieeee. May naganap palang ganyan di ako nainform." Komento ni Zoe. "Diba nga ksabay natin siya pumasok? Tapos sabi niya sa kanya ko daw kunin yung mga gamit ko. Ede kinuha ko nga tapos ayun na." Kwento niya. Naging maingay ang lamesa namin sa asaran. Matapos nun ay sabay-sabay kaming gumawa ng assignment. Habang gumagawa ay tinamaan nanaman ng gutom si Emily kaya nasa tapat nanaman ng ref. "Ano ba yan Ems! Kakain ka nanaman." Komento ni Sandra. "Baka sumakit tiyan mo niyan." Dagdag pa ni Zoe. "Oo nga Ems. Care for your health may mamatay sa pagaalala kapag nagkasakit ka." Singit pa ni Andy. "Oo nga Ems kami mayayari kay Tita at kay Ken." Sang ayon ko sa mga sinabi nila. "Hindi yan kabisado ko si Mommy. Si Ken pabayaan niyo yun." Sagot niya. "Still. Mahirap maospital noh! Mahal mahal ng bills." Sagot ko naman. "Buti pa yung bills minamahal ako hindi." Padramang sagot niya. "Hinalikan ka teh! Hindi pa ba yun patunay na mahal ka niya?" Pambabara ni Sandra. "Kayo naman. Humuhugot lang naman eh." Sagot ni Sandra. "Alam niyo mag-aral muna kayo bago kayo magjowa." Komento ni Zoe. "Opo Zoe. Di na po lalandi." Sagot niya. Di na siya nagsalita pa at nagtuloy na lang sa paggawa ng assignment. Ala ako sa focus nitong mga nakaraan dahil sa pagtatanong ni Kate kung pwede ba manligaw. Di naman lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na bisexual ako kaya di na sila magugulat kung one of these days malaman nilang jowa ko n si Kate. Nang matapos kami sa ginagawa ay nagsi akyat na rin kami. Matapos ang aking night routine ay nakita kong nakabukas ang phone ko.
Kate:
Can I court you?
Me:
I'll think about it.
Kate:
I'll wait for your answer.
Me:
Ok.
Kate:
Good night. Sleep tight.
Me:
Good night too. Sleep tight.
Matapos ang chat na yun ay inayos ko na ang mga gamit ko sa school at natulog na. Maaga ko gumigising dahil duty ko na magready ng agahan namin. "Morning Sands." Bati ko dahil inabutan ko na siyang nagsasaing. "Morning. Kaw na magprito nung bacon,ham and egg ah. Gigisingin ko sila." Utos niya. "Ok no problem." Nagsimula na akong kumilos para maaga na rin makapasok. Tulad ng nakasanayan sabay-sabay kaming nagbreakfast at pumasok sa school. Syempre tiga panood lang kami sa scouts. Kung noon sina Emily at Andy lang ang pinapanood ko. Ngayon pati si Kate. Sakin naiwan ang gamit ni Emily dahil di namin kasabay ang dakilang manliligaw ng taon. Nang magring ang bell hudyat ng flag ceremony ay sabay-sabay na kaming umakyat nina Zoe bitbit ang gamit ng dalawa. Normal na klase lang ang nagdaan ngayon at nang magrecess ay hindi kko inaasahang hinihintay ako ni Kate. "For you." Aniya sabay abot ng chocolates sakin. "Thank you." Sagot ko. Nagulat ako sa inaasta niya ngayon. Pero di ko maiwasang masweetan sa mga pinag gagawa niya. "Wow sana all!" Ani ni Emily. "Hu! Teh sayo nga bulaklak eh! Tara na inaantay na tayo ng mga mokong." Aya ko sa kanya. Kaya bumaba na kami. Ako dumiretso sa pila at si Emily dumeretso sa pwesto namin.
Emily's POV
"Hi guys!" Bati ko. Dumeretso na si Lean sa pila at ako naman ay umupo na sa pwesto namin. As usual katabi ko si Ken. Di na naiilang ang mokong may pinaplano nanaman. Ano kayang trip neto ngayon. "Ah guys order lang ako." Paalam ko sa kanila. "Ok. Samahan na kita." Sagot ni Ken. "Wag na. Kaya ko na." Sagot ko. "Ok." Sagot niya. Tumayo na ako at dumeretso na sa pila. "Isa nga pong large fries tsaka po large din na coke." Sabi ko sa kahera. "Yun lang po ba Ma'am?" Tanong niya. "Tsaka po ano 1 sundae." Dagdag ko pa. "200 po lahat." Sagot nung kahera. Nagbigay ako ng 200 sa kahera. "Oh ang dami naman ng pagkain mo?" Puna ni Ken nang makabalik ako sa pwesto namin. "Nakakagutom eh." Sagot ko. "Di ka kasi kumakain ng lunch kaya ka nagugutom." Komento niya. "Hoy! Araw-araw tayo magkasabay kailan ako hindi kumain?" Tanong ko. "Wala." Sagot niya. Di na ko umimik pa at nagsimula nang kumain at ginawa ang next chapter ng libro ko. Walang kaalam alam si Ken na siya ang bida sa libro na 'to. 3 buwan ko nang sinusulat ang libro na ito at di ako pumalya sa every week na update. Si Sandra ang top fan ng libro ko na ito. Nakagawian ko nang mag earphones pag nagsusulat para mas makapagfocus ako sa ginagawa kaya di ko sila naririnig. "Oi!" Tawag ni Ken sakin sabay hila ng earphones. "Bakit ba?" Tanong ko ng di pa rin inaalis sa netbook ang tingin. "Can I take you on a date?" Tanong niya. "Naku Ken wala konng time para makipag biruan sayo." Sagot ko ng di pa rin bumabaling ng tingin sa kanya. Pero ang puso ko'y tila nangangabayo sa sobrang bilis ng tibok nito. "Seryoso ko. Mamaya antayin kita sa labas ng room niyo." Sagot niya. Agad akong napabaling sa kanya."O-ok." Sagot ko. Buong afternoon period ay ala kong naintindihan dahil iniisip ko ang magaganap mamaya. "Huy Teh! Kanina ka pa walang imik jan." Tawag sa akin ni Lean. "Teh ikaw kaya ayain ng date tapos biglaan." Sagot ko. Naglilinis na lang kami ng classroom at mamaya-maya ay lalabas na. "Lean ala kong liptint. Ang pangit ng itsura ko." Tawag ko sa atensyon niya. "Eto meron ako dito. Kaso di ko alam kung swak sa skin color mo." Sagot niya. Mas morena kasi ko kesa kay Lean. Mas maputi ng konti si Lean. "Konti lang naman ilalagay ko eh. Pampapula lang ng lips." Sagot ko. "O sige. Eto oh." Sagot niya sabay abot sa akin nung tint. "Wow nag aayos ang best friend ko ah. San gala?" Bati ni Ivan sakin nang makita niya akong nagliliptint. "Wala d'yan lang. May lakad kami ni Ken." Sagot ko. "Wow level up na nga talaga ang girl bestfriend ko. Saya ko para sayo." Sagot niya. Pero di mo mahihimigan ang saya kundi ang pait. Nginitian ko na lang siya at lumabas na. Nagulat ako ng nasa labas na si Ken at may dalang bouquet of chocolate. Kahapon bulaklak ngayon tsokolate ano naman kaya sa mga susunod. "San mo gusto pumunta?" Tanong niya sabay abot ng bouquet sa akin. "Kahit san." Sagot ko. "Ok sige mag kapitolyo na lang muna tayo tas magmall." Sagot niya. "Ok. Pero dapat nasa dorm na ko ng 8 pm kasi may gagawin pa ko." Sagot ko. "Ok." Sagot niya. Hindi naman kalakihan ang bouquet kaya di ko na pinauwi kay Lean. Baka isahan pa ko ng mga to. Kaya nagpabili ko kay Mommy ng mini ref para masolo ko yung mga chocolates na binibili ko. Every week nag gogrocery ako ng mga personal foods ko. Ang sagot ko naman sa dorm ay breakfast. "Lets go." Aya ni Ken. "Lets go para maaga ko makauwi." Sagot ko. "Bye Lean. See you later." Paalam ko. "Ok ako na bahala kila Andy. Sabihin ko 8pm ka na makakauwi." Sagot niya. Na tinanguan ko na lang bilang sagot. Nang lumakad na kami ni Ken ay napakabilis na ng tibok ng puso ko. Napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Bakit nanlalamig ka?" Tanong niya sakin. "Wala. Ikaw kaya makasama yung taong 3 taon mo nang gusto di ka kaya kabahan?" Sagot ko. "Ganun mo na pala ko katagal kagusto. Di ko man lang napansin." Sagot niya. "Eh syempre nasa mga babae mo yung atensyon mo pano mo kaya ako mapapansin hano?" Sagot ko. "Sorry na. Busy ako sa pagtakbo ng feelings ko sayo eh." Sagot niya. Natahimik ako nang marinig yun sa kanya. "Oh bakit?" Tanong niya. "Di ako makapaniwala na may ganyan ka palang side." Sagot ko. "Bakit naman?" Sagot niya. " Eh syempre kilala kita sa cold mong pagkatao. Nagtataka nga ko kung ginagawa mo rin 'to sa mga ex mo eh." Sagot ko. "Hindi. Sayo ko lang ginawa 'to. Trust me. Kinapalan ko na mukha ko sa lagay na 'to." Sagot niya. "Di ko alam na ganyan pala magkapal ng mukha ang isang Ken Pietro Lizardo. Nagdadala ng bouquet of chocolates." Sagot ko. "Syempre. Iba ka sa mga babaeng niligawan ko dati." Sagot niya. "Ano naman pinagkaiba ko sa kanila?" Tanong ko. "Higit ka pa sa kanila." Sagot niya. Malakas trip nito ngayon ah. Pinapabilis pa tibok ng puso ko lalo. Ang hirap kausap ng timang na 'to. Alam ko naman na mas higit sakin yung mga ex niya. Nakarating na kami sa kapitolyo. Walking distance lang naman 'to sa Franklin U dahil may second gate. Nagpunta kami sa mini forest kahit hapon na marami pa ring college students na nakatambay. Umupo kami sa bandang gilid ng damuhan. "Wait lang Ems. Bili lang ako pagkain natin." Paalam niya. "Sige lang. Dito lang ako." Sagot ko. Palagi naman akong nandito pero parang ang bago sakin nito dahil si Ken ang kasama ko. Napapaisip tuloy ako kung bakit naman naisip nitong mokong na 'to na ayain ako ng date. Nang makabalik siya ay may dala na siyang mga street foods. "Oh kain ka na." Aniya habang inaabot sakin ang stick ng bananaque. "Thank you." Sagot ko. Tinatanaw ko lang ang mapunong bahagi ng park at sadyang nagagandahan ako. Umupo siya sa tabi ko. "Ano trip mo ngayon at nag aya ka?" Biglang tanong ko. "Wala. Gusto lang kita makasama ng tayong dalawa lang." Sagot niya. "Bakit naman? May kailangan ba tayong pagusapan?" Tanong ko. "Wala. Pero may tanong ako na ikaw lang ang makakasagot." Sagot niya. "Ano naman yun?" Tanong ko. "Pwede ba manligaw sayo?" Sagot niya. Nagulat ako sa tanong niya. "S-seryoso?" Tanong ko. "Oo bakit? Bawal ba?" Sagot niya. "Hindi naman bawal pero bakit? Bakit ako? Marami namang mas maganda d'yan." Sagot ko. "Eh ikaw gusto ko eh. Tsaka mas maganda ka naman sa kanila." Sagot niya. "Ha? Eh mas sanay nga silang mag ayos kesa sakin. Di nga rin ako sanay gumamit ng liptint eh." Sagot ko. "Di naman lahat sa panlabas na anyo nakatingin. Ikaw kaya pinakamagandang babae na mas nakilala ko sumunod sa Ate ko." Sagot niya. Parang tumatakbo palabas ng katawan ko yung puso ko. Di man ako si Deib Lohr pero parang hinahabol ako ng mga puso. "Wow. Sobrang ganda ko na pala kung ganun kasi halos katapat ko na Ate mo." Sagot ko. Nakita ko na sa isang facebook post ni Kuya Kenneth ang Ate nila. "HAHHAHA. Oo." Sagot niya. "Alam mo wala 'to sa pangarap ko. Ang pangarap ko lang ay macrush back mo ako. Hindi umabot dito yung pangarap na yun." Sagot ko. "Bakit naman? Marami namang nag kagusto-gusto sayo." Sagot niya. "Eh kasi di ko naman akalain na mapapansin mo ako." Sagot ko. "Bakit naman?" Sagot niya. "Eh mukhang hangin na lang ako kapag kasama mo na si Kate." Sagot ko. "Kala mo di ko napapansin yung pagkatahimik mo kapag naririnig mo na yung tawa namin? Tapos yung pag alis-alis mo kapag nabibiwisit ka samin." Sagot niya. "HAHAHAHHAA. Kesa naman maassasinate ko kayo ni Kate ede lumayo na lang ako." Sagot ko. "HAHAHAHA. Bakit naman kami maassasinate ni Kate?" Sagot niya. "Ang saya mo kaya kapag kasama mo siya kaya naisip ko, bakit kaya kay Kate masaya siya tapos sakin ang lamig niya?" Sagot ko. "Di mo ba naisip na mas sasaya ko kapag ikaw kasama ko?" Sagot niya. "Hindi kasi lamig lang pinaramdam mo sakin eh." Sagot ko. "Halika na. Punta na tayo mall. Pagabi na rin." Sagot niya. "Sige." Kaya tumayo na ako na una nang maglakad sa kanya. Sumakay kami ng tricycle para mas mapabilis ang pagpunta namin sa mall. Nang makarating kami dun ay pumunta kami sa arcade at naglaro. "Anong gusto mong bilin sa tickets natin?" Tanong niya sakin. "Ayun oh yung polar bear." Sagot ko. "Ok. Ah miss yung polar bear po" Tawag niya sa atensyon ng kahera. "Ah sige po ibabalot ko lang." Sagot niya. "Thank you." Aniya at umalis na. Di naman kalakihan yung teddy bare kaya kumasya sa plastic. "Ano gusto mo kainin?" Tanong niya sakin. "Ice cream na lang tas uwi na tayo." Sagot ko. Nagpunta kami sa dairy queen para bumili ng ice cream. Habang naglalakad kami palabas ng mall ay huminto siya kaya huminto na din ako at humarap sa kanya. Nang humarap ako ay tinannggal niya ang hindi ko napansing residue ng ice cream sa labi ko. Parang nangangabayo sa sobrang bilis ang puso ko habang ginagawa niya iyon. "May dumi kasi eh." Sagot niya. "T-thank you. T-tara na baka hinahanap na ako sa dorm." Aya ko. "Ok." Nagtuloy na kami sa paglalakad papunta sa paradahan ng tricycle mag seven pm na rin kaya kailangan ko nang umuwi dahil baka tumawag si Mommy. "Manong sa Franklin University po." Aniya sa driver. "Sige ho." Sagot nung driver tsaka pinaandar ang tricycle. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng university. "Kuya pakihintay na lang po itong kasama ko. Saglit lang siya sa loob." Paalam ko sa driver. "Sige ija. Bilisan mo lang sana ijo dahil inaantay na ako sa amin." Sagot nung driver."Opo. Hahatid ko lang siya sa dorm nila." Sagot niya sa driver. Tango lang iang isinagot nito. "Lets go. Hahatid lang kita sa tapat ng pinto niyo tapos uuwi na ko." Sagot niya."Ok. Lika na baka matagalan sa atin si Manong." Sagot ko. Kaya naman naglakad na kami papunta sa tapat ng dorm namin. "Thank you for today Ken" Paalam ko. "Welcome. Eto yung bear mo oh." Sagot niya sabay abot sa akin ng teddy bear. Tatalikod na sana ako para buksan ang pinto pero nahigit niya ang braso ko palapit sa kanya tsaka yinakap. Nang pakawalan niya ako sa yakap ay hinalikan niya ako sa noo. "Good night." Aniya saka ako tinalikuran. Napakabilis nanaman ng tibok ng puso ko. Parang hinahabol nanaman ako ng kung ano at yung tiyan ko parang may naglipanang mga hayop. Nang mawala na siya sa panigin ko ay pumasok na ako sa dorm. "Bahay na ko guys!" Sigaw ko ng makitang ala sila sa living room. Siguro nasa dining room at nagsisimula nang kumain kaya pumunta ako dun para uminom ng tubig. "Oh eto na pala si Emily eh! Kamusta date niyo ni Ken?" Tanong ni Sandra. "Naku Sandra wag mo na yang tanungin dahil isang tinngin mo lang alam mo na sagot." Sagot ni Lean sa tanong ni Sandra. "Oo nga eh. Namumula oh!" Ani naman ni Zoe. "Why are you blushing? May nangyari ba?" Tanong naman ni Andy. "Pagbihisin niyo nga muna ko bago niyo ako ienterogate." Sagot ko. "Oo na basta siguraduhin mong magkukwento ka." Sagot ni Sandra. "Oo." Sagot ko at umalis na sa dining room at umakyat para magbihis. Matapos ko magbihis ay binuksan ko ang phone ko at hinanap ang messenger. Hinanap ko kung nasaan yung name ni Ken.
Me:
Nakauwi ka na po?
Chinat ko siya dahil baka hindi nakauwi 'to.
Ken:
Opo. Tapos na rin ako magdinner. Ikaw ba?
Me:
Ngayon pa lang po.
Ken:
Kain ka muna.
Me:
Opo.
Ken:
Maya na lang chat kita. Gawa muna ko assignment.
Me:
Ok po. Bye.
Ken:
Bye. Love you.
Matapos nun ay bumaba na ako ng di mapawi ang ngiti sa labi. "Hoy teh! Ang tagal mo naman magbihis." Bungad ni Lean. "Eh bakit ba? May ginawa pa ko eh." Sagot ko. "Magkwento ka na Ems. Excited na konng malaman kung ano nangyari sa date niyo." Ani Sandra. "Pwede bang pakainin niyo muna ko." Sagot ko. "Sige pagkatapos mo kumain ah." Sagot niya. "Oo." Sagot ko at nagsimula nang kumain. Matapos nga kumain ay nagkwento na ako in detailed dahil panigurado may tatanungin tong si Sandra kapag di ko kinwento in detailed. "Wahhhhhhhhh!!!! Nakakakiliggggg!!! Sana all!!!" Sigaw niya. "Ano namang nakakakilig dun? Halik sa noo lang yun tsaka yakap." Ani ko. "Hay nako! Tinago pa pero kinikilig deep inside." Aniya. "Manahimik ka na diyan Sandra at magsimula nang gumawa ng assignment. Sa taas na ko gagawa. Ayoko ng maingay." Ani ko. "Ok. Good night." Sagot niya. "Guys akyat na ko." Baling ko sa iba naming kasama. "Ok. Good night." Sagot nila. Kaya umakyat na ako. Bago ako umupo sa study table ko ay inayos ko muna yung bouquet of chocolates. Tinanggal ko ito sa arrangement at inilagay sa ref. Yung mga papel naman na ginamit sa bouquet ay nilagay ko sa drawer ng study table ko. Nang buksan ko ang phone ko ay nakanotify ang name ni Ken.
Ken:
Tapos na po ako gumawa ng assignment. Matutulog na po ako. Good night.
Me:
Good night po. Ngayon pa lang ako gagawa ng home works eh.
Ken:
Wag magpupuyat ah. Masama sa health.
Me:
Opo.
Matapos naming magchat ay gumawa na ako ng assignment. Nang matapos ako sa ginagawa ay natulog na rin ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top