CHAPTER 7: SCOUTING MOVEMENT

Andy's POV
Hi! I'm Andrea Lj Woods. I'm 16 years old. I'm the closest one to Emily. I support Emily in everything especially on her feelings for Ken. I know how long she waited for him to like her. Today we have assembly and it sucks because its been long since they called for that. I'm not used to it. I woke up early so that I'll be early too in school. This is the struggle of being one of the scouting movement. Waking up early. Emily and Kate is also a scout so they are suffering same as me. I woke up 5:00 am and took a bath for 10 minutes. When I went downstairs. I saw Emily is starting to eat breakfast. "Morning guys." I said. "Morning Ands." She said. I sat beside Emily and get some foods to eat. While we're eating Zoe and Lean came. "Morning. Mukang maaga kayong dalawa ano meron?" She asked. "Scouting." Emily answered. "Bilisan niyo na malalate pa kami eh." She added. "Oo na po boss." She answered. After eating break and fixing ourselves we went to school. Di pa man kami nakakatungtong sa quadrangle ay nakarinig na kami ng pito. Agad-agad kong ibinigay kay Sandra ang bag at id ko tsaka tumakbo na palapit.

"Sa!"

"Wa!"

"Lo!"

Sa ikatlong bilang ay nakapwesto na kami ni Emily sa mga pwesto namin.

"Pat!"

"Ma!"

"Nim!"

"To!"

"Lo!"

"Yam!"

"Pu!"

"Handa harap!"

Naka 877 formation kami at nasa harap ko si Emily dahil apaka tangkad.

"Good Morning Scouts!" Bati samin ng scout officer. Si Kuya Kenneth yung Kuya ni Ken.

"Sir good morning Sir!" Sagot namin

"Lakasan niyo! Wala na bang ilalakas yang boses niyo!" Ani ng isa pang officer. Babae naman.

"Isa pa!" Ani ni Kuya Kenneth.

"Good morning scouts!"

"Sir good morning Sir!"

"Marami kami!"

"Officers good morning Officers!"

"Tuluyang Bilang!"

Lahat kami naglingunan pakaliwa at sina Emily naman ay pakanan.

"Na!"

"Sa!"

"Wa!"

"Lo!" Sigaw ni Emily.

"Pat!"

"Ma!"

"Nim!"

"To!"

"Lo"

"Yam!"

"Pu!"

"Bingsa!" Sigaw ko.

"Bingwa!"

"Binglo!"

"Bingpat!"

"Bingma!"

"Huling bilang pinuno!" Sagot ng huling babae sa likod.

"Lakad patakda Kad!'

Nagsimula na kaming magmartsa sa aming mga pwesto.

Ivan's POV
Hi! I'm Ivan Daniel. 15 years old. Matagal ko nang gusto si Emily. 2 years na kaming magkaklase. Di rin lingid sa kaalaman ko na gusto niya si Ken. Kaya nung magkausap kami nung science time ay abot langit na ang saya ko. Saya na wala nang paglagyan. Malamig sa mga kaklase pero masaya kapag mga kaibigan na ang kasama. Masaya ako para sa kanya dahil finally napansin na siya ni Ken pero malungkot dahil baka hindi siya ingatan ni Ken. Na baka trip lang ni Ken si Emily kaya niligawan. Sa pagkakakilala ko kay Ken di siya nagseseryoso kahit kanino pero lahat naman nagbabago. Baka si Emily ang nagparealize sa kanya na dapat na siyang magseryoso. Kanina bago ang assembly nila nakita kong nagmamadaling inabot ni Emily kay Lean yung mga gamit niya. Eto namang si Lean binigay naman sakin. Nakakabadtrip. Pero ano pa bang magagawa ko? Eh kay Emily 'to. Kaya naisip kong panuorin na lang yung training nila. Napatitig ako kay Emily habang nagmamartsa sila. "Pulutong hinto!" Matapos nilang marinig yun ay naglakad na sila ng pamartsa. "Manumbalik!" Nang marinig nila yan ay sabay -sabay din silang huminto sa pagmartsa. Nag hand signal ang officer para sa isang formation nasa ikalawa si Emily sumunod sa pinaka matangkad. "Pugay kamay! Na!" Sabay-sabay silang nagpugay kamay matapos marinig ito. "Announcement!" Sigaw ng officer nila. "Announcement, Announcement, Announcement!" Masiglang sigaw nila. Matuwid na matuwid ang pagkakatayo nila na para bang kasalanan kapag hindi ka tumayo ng tuwid. Mukhang maganda ang inanunsyo kaya abot langit ang ngiti ng iba ngunit mas nakatawag ng pansin sakin ang kabigha-bighaning ngiti ni Emily. Yung ngiti na para bang dadalin ka sa alapaap. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Matapos ang anunsyo ng officer nila ay pumwesto na sila sa lugar ng mga grade 10 kaya umakyat na rin ako para maipasok ang mga gamit niya sa room. Nagring ang bell ilang minuto bago ko makaakyat kaya tumakbo na ako paakyat. Nang maka akyat ako ay nakapila na sila. Pinasok ko agad sa room ang mga gamit ni Emily. Hanggang sa pagkanta ng pambansang awit siya lang tinitngnan ko na para bang siya ang watawat ng Pilipinas. "Huy baka matunaw sa sobrang titig." Bulong ni Lean na nasa likod ko. "Napansin mo yun?" Bulong ko din ng lingunin ko siya. "Aba oo. Akala mo ba hindi ko napansin na siya lang tinitingnan mo buong national anthem. Di ako lutang para di ka mapansin. Nasa kanan mo yung flag pero yung paningin deretso kay Emily." Paliwanag niya. Di ko na nasagot yung paliwanag niya dahil pinapasok na kami sa classroom. "Good morning Sir, good morning classmates. I'm sorry I'm late. I was busy fulfilling my duty as scout. May I come in?" Bati niya sa seryosong boses. "Yes you may." Sagot naman ni Sir. Umupo siya sa tabi ko dahil dun ko nilagay ang gamit niya. "Ano kamusta scout?" Tanong ko sa kanya. "Nakakapagod pero masaya kasi magduduty kami sa jail booth sa festival." Kwento niya. "Ah. Oo nga pala noh. Two weeks from now festival na. Panigurado busy nanaman si Zoe kasi magdedesign." Sagot ko. "Malilipasan nanaman ng gutom panigurado yun tapos late na makakauwi." Sagot niya. Di na kami nakapag usap pa at nagsimula nang magdiscuss si Sir. Matapos ang isang oras ay english class na namin Matapang teacher dito kaya tahimik kami lahat. Kadalasan si Emily at Lean ang nagsasalitan sa pagsagot sa recitation. Di na ko magugulat kung pareho itong nasa top. Si Emily di naman yun palagi nagpapahuli. Kaya niyang umangat ng mabilis. Nung grade 8 kami top 10 siya pero nung second grading na bigla na lang umangat ng di oras. Bigla siyang nagtop 5. Isa yun sa mga katangiang ginusto ko sa kanya. Na kahit angat siya sa iba hindi siya nagyayabang nagpapakopya pa. Sabi yun ni Ella yung isa naming kaklase na kaclose niya nung grade 8. Matapos ang klase namin na yun ay sinamahan ko sina Emily at Lean na kumuha ng gamit sa locker. Nang makarating kami sa canteen ay nakapwesto na sila kaya pumwesto na rin kami. "Ems anong gusto mo? Ako na oorder." Tanong ko. "2 large fries, 1 sundae at 1 regular coke." Sagot niya. "Libre mo muna ko. Kulang pera ko eh." Dagdag niya pa. "Sige sige. Lagi naman eh hahahahah." Sagot ko. Kaya naman binayaran ko ang order niya. Nadatnan ko silang nagtatawanan at si Emily ay may seryosong tinatype sa netbook niya. Nang magring ang phone niya ay nagpaalam siya saming sasagutin muna ito dahil importante kaya lumayo na muna siya sa amin. Nang makabalik siya ay namumutla na siya at nagmamadaling inayos ang mga gamit. "Guys I need to go may nangyari sa bahay. Sabihin niyo na lang sa mga teacher natin na may emergency." Nagmamadaling paalam niya. "Eh pano tong pagkain mo?" Tanong ko. "Tsaka ko na babayaran sayo. Pagbalik ko na lang." Sagot niya. Nagmamadali siyang lumabas sa canteen. Kung ano man yung phone call ay talagang nagpagabag talaga ito sa kanya. "Ano kaya nangyari sa babae na yun?" Nagtatakang tanong ni Sandra. "Paniguradong may nangyari sa family niya. Kaya ganun." Sagot naman ni Andy. "Tanungin kaya natin kung ano nangyari para madamayan natin." Suhestiyon ni Ken. "Wag baka mamaya private pala nakialam pa tayo." Tutol naman ni Lean. "Oo nga baka private. Kamustahin niyo na lang wag na kayo magusisa sa kung anong nangyari." Sagot ko. Matapos ang break ay umakyat na ako. Inabutan ko pa si Emily na kausap si Sir. Bawat teacher ay nagtatanong kung nasan si Emily kaya salitan kami sa pagsagot ni Lean.

Emily's POV
Nakatanggap ako ng tawag na dinala daw sa hospital si Nanay dahil nagcollapse kagabi. Kaya dali dali akong bumalik sa table namin para ayusin ang mga gamit ko. "Guys I need to go may nangyari sa bahay. Sabihin niyo na lang sa mga teacher natin na may emergency." Paalam ko sa kanila. "Eh pano tong pagkain mo?" Tanong ni Ivan. "Tsaka na kita babayaran. Pagbalik ko." Sagot ko tsaka nagmamadaling lumabas ng canteen. "Oh san ka pupunta? Di pa tapos ang klase ah." Masungit na tanong ng guard. "May emergency po sa bahay kaya aalis po ko. Alam na po ng teacher ko." Sagot ko. "Hindi pwede. Tatawagan ko muna adviser mo. Sino ba adviser mo?" Tanong niya. "Si Sir Airone po." Sagot ko. Tinawagan niya si Sir Airone. "Ah sige po Ser." Sagot niya tsaka hinayaan ako na lumabas. Paglabas ko ng gate nandon na si Kuya Mark. "Ano nangyari kuya?" Tanong ko. "Nagcollapse bigla si Nanay. Hinahanap ka. Magbantay ka muna sa kanya ngayong gabi tsaka kita ihahatid ulit pabalik dito sa dorm mo." Bungad niya. "Saglit lang ako kuya kasi may scouting assembly kami bukas kaya kailangan ako ng maaga sa school. Mga hanggang 8 pm lang ako." Paalam ko. "Sige. Hahatid na lang kita ulit ng 8 pm dito." Sagot niya. Pumasok na ako sa passennger's seat dahil wala naman si Ate Gabrielle. Nang makarating kami sa hostpital ay inabutan ko si Nanay na tulog at si Tita Marie na nakaupo. "Mabuti dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ni Nanay." Bati niya sakin. "Nagising na ba siya?" Tanong ko. "Oo ikaw hinahanap ng nuno mo." Sagot niya. "Nasan si Emily?" Tanong ni Nanay na kababangon lang. "Bakit po nanay?" Sagot ko. "Napanagipan kasi kita. Nahulog ka daw sa hagdan." Kwento niya. "Hindi po ko nahulog sa hagdan." Sagot ko. Ako ang nagbantay sa kanya hanggang 8 pm. "Nanay uwi na po ako. May pasok pa bukas." Paalam ko. "Alang pasok bukas. Bakit ka uuwi?" Tanong niya. "Nay kailangan nang umuwi ni Emily kasi may pasok siya. Bawal siya mapuyat." Paliwanag ni Tita Mhel. "Ah sige. Mark ihatid mo siya ah." Bilin niya. "Opo nanay." Sagot ni Kuya Mark. "Tita uwi na po ako. Pupunta na lang po ko bukas after class." Paalam ko. "Ok. Ingat." Sagot niya. Lumabas na kami ni Kuya Mark. Buong biyahe nagsosound trip lang ako.

Me:
Guys pauwi na ko.

Chinat ko sa gc namin.

Zoe:
Ok ka lang?

Sandra:
Kamusta? Ok ka lang ba?

Andy:
You okay?

Ken:
Ok ka lang ba?

Ivan:
Ok ka lang?

Nakakapanibago naman tong mga 'to. Pare-parehas ng tanong.

Me:
Ok lang ako. Nasa hospital lang yung lola ko kaya nagmamadali akong umuwi kanina.

Sandra:
Get well soon sa lola mo

Zoe:
Same.

Ken:
Same.

Ivan:
Same.

Me:
@Sandra may dinner ba jan?

Sandra:
Meron. Init ko na lang para makakain ka.

Me:
Sige thanks.

Matapos ang usapan namin na yun ay nakaidlip ako sa kotse. "Ems. Andito na tayo baba ka na." Panggigising sakin ni Kuya Mark. "Sige kuya. Thank you. Ingat sa pag uwi." Paalam ko. Tango lang ang isinagot niya. Nang dumating ako sa dorm ay abala sila sa kanya kanyang assignment. "Hi guys. Lean pahiram ng notebook ng mga subjects na naiwan ko." Bati ko. "Eto oh. Notebook ni Ivan pinadala niya sakin. Para daw makakopya ka ng lectures." Sagot niya sabay abot ng mga lecture notebook ni Ivan. "Thank you." Sagot ko. "Mamaya na nga yan. Magbihis ka na Emily tapos kumain ka ng dinner." Sagot ni Sandra. "Ok." Sagot ko. Kinuha ko kay Lean yung mga notebook ni Ivan para icheck kung ano yung mga namiss ko na lessons. Marami-rami din pero alang major kaya ok lang. Naligo ako at nagbihis ng pambahay. Nang bumaba ako ay nakahanda na sa hapag-kainan ang pagkain ko. Mabilis akong kumain at pumunta na sa kwarto para mag aral. Mahabang lectures din yung mga sinulat ko. Ang ganda magsulat ni Ivan. Di siya tulad ng ibang lalaki na minamadali ang pagsulat. Matapos ko magsulat ng lectures ay gumawa ako ng isang chapter sa online book ko. 12 am na ko nakatulog. Nagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko. "Ano ba?! Natutulog pa ko!" Sigaw ko. "Emily! May bisita ka! Bilisan mo diyan!" Sigaw naman ni Sandra. "Ha?! Sino?!" Pasigaw kong tanong. "Ede yung manliligaw mo si Ken!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. "Ano?! Teka teka! Maliligo na ko." Tugon ko. Patakbo kong pumunta sa cr at mabilis na naligo. Mabuti na lang at namamalantsa ko every weekend kaya hindi problema. Mabilis kong blinower ang buhok ko at patakbong bumaba sa hagdan. Nang makarating ako sa sala ay nakita ko siyang nakatayo at may dalang bouquet ng bulaklak. Napahinto ako sa paglalakad at napapatitig sa kanya. Ito yung pinapangarap ko na mala wattpad na courtship. Naglakad siya palapit sakin dala ang bouquet. "Good morning. For you." Malambing niyang bati. "T-thank you." Sagot ko. Ang sweet niya naman. "Ayieeeeee!!!! Sana all!!!" Sigawan nila. "Manahimik nga kayo. Late na kami ni Andy." Sagot ko. Mabilis kaming kumain ng breakfast. "Akina yung bag mo. Ako na magdadala." Aniya. Napatitig ako sa kanya. "H-ha?" Sagot ko. "Akina yung bag mo. Ako na magdadala kasi diba may scouting kayo?" Sagot niya. "Eto. Mabigat yan ah. Bigay mo na lang kay Lean o kay Ivan kapag pasukan na sa room." Bilin ko. "Hindi. Ikaw kukuha sa room namin. Maliwanag?" Sagot niya. "O-ok." Naiilang kong sagot. Paniguradong puputok nanaman ng issue yung mga bwisit na yun. Ala pa kami sa quadrangle naririnig ko na yung bilang kaya mabilis akong nagipit ng buhok at inihagis kay Ken ang id at jacket na bitbit ko. Si Andy din ay kay Zoe at Sandra binigay ang mga gamit. "Mamaya na lang guys!" Nagmamadali kong paalam sabay takbo. Kasunod kong tumayo ay si Andy. Ilang ulit din kaming pinagmartsa at pinagpugay kamay. Matapos ay ilang beses kaming hinilo sa mg formation. Ngayon lang ako kinabahan sa scouting assembly dahil pinapanuod ako ni Ken. Ngayon nagpapractice kami ng pagabati sa labas ng organization. Tumapat sakin ang mga officer. "Officers good morning Officers!" Bati ko gamit ang aking commanding voice. Nang saluduhan nila ako ay lumipat na sila napasulyap naman ako sa bandang taas at nakita ko si Ken na titig na titig sa akin. Di ko na siya pinanssin pa at nagbigay na lang ng atensyon sa mga officers. Matapos ay pinag parallel formation kami para maghanda na sa flag ceremony. Buong atensyon ko ay nasa commands pero ang paningin ko ay nasa taas kung saan nakapila sila Ken. Nagtama ang mga paningin namin at ilang saglit pa'y umiwas na ako. Nang matapos ang ceremony ay inaannounce samin na magsisimula ang afternoon training matapos ang festival. "Hayst. Kabwisit kailangan ko pang kunin sa room niyo yung gamit ko." Napapabuntong hininga kong sabi. Sabay kaming tumapat sa room nila Andy. Nang buksan niya ang pinto ay tuloy-tuloy lang siyang pumasok at umupo sa pwesto niya. Tumikhim muna ako. "Hm. Good morning Ma'am. I'm sorry for disturbing your class. May I excuse Ken?" Bati ko. "For what?" Tanong ng teacher. "For me to get my things po." Sagot ko. "Ok. Ken your girlfriend is finding for you." Tawag niya kay Ken. "Si Ma'am naman." Aniya bago lumapit sakin. "Here's your things." Aniya sabay abot ng bag at jacket ko. Sinuot niya sakin ang id ko at bahagya siyang yumuko para halikan ako sa pisngi. "See you later." Bulong niya. Tsaka bumalik sa pwesto niya. "Ayieeeeee!!!!!" Sigawan ng mga kaklase niya. Paniguradong pulang-pula ko nito. Kaya mabilis kong sinarado ang pintuan at pumunta na sa room namin. "Good Morning Sir I'm sorry, I'm late." Maigsing paghingi ko ng paumanhin tsaka umupo na sa tabi ni Lean. "Ano yung sigawan sa kabila?" Pambungad niya sakin. "Wala. Hinalikan lang ako sa pisngi ni Ken." Sagot ko. "Ayieeeeee. Ede panigurado kayo nang dalawa may issue di na tayo." Sagot niya. "HAHAHAAH. Sigurado yun." Sagot ko. Di na kami nagusap pa dahil nagsimula na ang morning devotion.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top