CHAPTER 5: SURPRISE!!!
Emily's POV
Iniwan ko sa taas ang phone ko kagabi dahil mag ninintendo kaming magpipinsan. Nagkakasiyahan sila ay nakaramdam na ko ng antok. "Tita akyat na po ako." Paalam ko. "Ah ok. Magpaalam ka na kay nanay." Sagot niya. "Nay, akyat na po ako." Bulong ko sa kanya. "Bakit? Matutulog ka na?" Tanong niya. "Opo matutulog na ko." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. "Tita good night po. Tulog na po ako." Paalam ko. "Ok. Good night." Sagot niya at umakyat na ako sa taas ng kwarto ko. Binuksan ko na ang aircon dun kanina bago ko umakyat. Nang buksan ko ang cellphone ko ay may chat sakin si Sandra.
Sandra:
Good night Ems. Sorry. Love you.
Me:
Good night din. Ok lang ako wag ka na magsorry. Love you too.
Excited ako bukas dahil gagala nanaman ako at syempre may libre nanaman panigurado. Matapos ko magchat kay Sandra ay naghanda na ako para matulog. Nang magising ako ay nasa tabi ko si Kreisler. "Huy Kreisler! Bakit ka nandito?" Inalog-alog ko pa siya pero ang mokong di pa rin magising. Siguro puyat. Pinatay ko ang aircon at binuksan na lang electric fan. Naisip kong bumaba muna para makita kung nakapagluto na ba. Nang makababa ako ay nakita ko sila Kuya Mark na kumakain. "Oh Ems, kain ka na. Pagkatapos maligo na gisingin mo na si Kreisler pagkakain mo." Sagot niya. Nakabihis na si Ate Gabrielle at Kuya Mark nang madatnan kong kumakain. Kaya mabilis akong kumain ng nakahanda sa mesa at umakyat para gisingin si Kreisler. "Hoy Kreisler! Gising na maliligo na!" Sigaw ko. "Hmmmm ate naman mamaya na. Natutulog pa ko." Sagot niya. "Nakabihis na Nongnong at Nangnang mo. Bumangon ka na." Sagot ko. "Bahala ka kung ayaw mo. Ikaw din maiiwan." Dagdag ko. Nang di pa rin siya sumagot ay naghanda na ko ng isusuot mamaya. Ang isusuot ko ay light blue jumper dress na Korean style. Pinartneran ko ito ng white cotton t shirt at white rubber shoes na korean style din. Pumasok ako sa kwarto ko para mag ayos ng kaunti at maglagay ng pabango. "Hoy Kreisler tapos na ko magbihis ikaw na lang iniintay!" Sigaw ko ulit habang nag boblower ng buhok. "Oo ate! Wag ka na sumigaw diyan!" Sigaw niya pabalik. "Bumaba ka na dun at maligo na!" Sagot ko. Awtomatiko siyang tumayo at dumiretso sa pintuan. Naririnig ko silang binabati si Kreisler kaya bumaba na ko. "Wow! Ganda ni Ems ah!" Bungad ni Tita Lyn. Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanila. Umupo ako sa sofa at nag cellphone na lang habang naghihintay kay Kreisler. Pumandekwatro ako ng pambabae. Habang nagbabrowse ako sa news feed ko sa fb ay nagchat si Andy.
Andy:
Morning Ems! We miss you. See you soon.
Nagulat ako sa mensahe niya. Para bang ang tagal naming di nagkita.
Me:
Morning din. Miss you too. See you soon.
Reply ko. Matapos ang 15 minutes ay handa na ang mokong. "Nong tara na!" Aya niya. "Oo tara tulungan mo ko maglabas ng kotse." Sagot ni Kuya Mark sa kanya. Lumabas na sila. Nang maiayos ang kotse ay sabay-sabay kaming nagpaalam kay nanay na aalis. Sumakay sa passenger seat si Ate Gabrielle at kami naman ni Kreisler ay sa likod. Hindi ko kinalimutang magdala ng earphones kaya nag earphones na lang ako buong biyahe. Hinubad ko lang ito ng nasa mall na kami. "Gusto niyo mag time zone muna tayo bago magsine?" Tanong sa amin ni Kuya Mark. "Sige Nong. Bili mo ko ng bola dun ah!" Masiglang sagot ni Kreisler. Sumunod naman ako sa kanila. Nang makarating kami dun ay agad na nagload si Kuya Mark sa card kasama si Ate Gabrielle kaya ako ang naiwan kay Kreisler at Baby May na nasa stroller. "Kreisler! Wag ka nga magulo! Ang gulo-gulo mo!" Saway ko dahil napasobra na sa harot. "Ha?" Sagot niya. "Hatdog!" Sagot ko. "Halimaw!" Sagot niya. Nainis ako sa kanya kaya nilayuan ko na lang siya. Sinama ko si Baby May. Bahala siya dun di naman ako yung papagalitan eh. "Kreisler! Halika nga dito!" Tawag ni Kuya Mark sa kanya. Agad itong lumapit kaya pati kami ay lumapit na rin. "San kayo maglalaro?" Tanong niya "Sa basketball Nong!" Masiglang sagot ni Kreisler. Pumunta na kami sa basketball machine at naglaro nakilaro na rin ako. Si Ate Gabrielle na ang humawak kay Baby. Vinideo ko ang sarili ko na nagshoshoot ng bola. Isisend ko ito sa gc namin pagkatapos. Nang matapos kami ay sinend ko ito.
Me:
Guys sanay na ko mag basket ball!
Ken:
Wag ka nga maglaro niyan. Baka hikain ka tsaka nakadress ka pa oh!
Sandra:
Wow Emily! Sana kasama mo kami.
Andy:
Niceeee!
Ivan:
Enjoy your day Emily.
Me:
Next time kayo na kasama ko dito. Magplano na kayo para makapagready na ko.
Andy:
Ye sure.
Di na ako nagreply pa at sumunod na kila Kreisler na naglalaro sa table hockey. "Ems o ikaw na." Ibinigay na sa akin ni Kuya Mark yung parang pantulak sa table hockey. Naglaro kami ni Kreisler at kung sino ang manalo samin ay ililibre. Ang hiningi ko ay milk tea at si Kreisler naman ay ice cream. Di ko hinayaang makapasok sa base ko. Ako ang laging nakakapasok sa base niya. "Galing ni Emily." Bati ni Kuya Mark. "Syempre Kuya milk tea yun eh. Tagal ko nang di nakakabili nun. Di pa kami lumalabas sa dorm eh." Sagot ko. Kaya pumunta na kami sa milk tea place na malapit sa Time zone. Nag order ako ng okinawa milk tea. Nang palabas na kami ay papasok sina Andy sa place. Napahinto ako. Naka crop top at ripped jeans siya at white shoes, si Sandra ay naka striped t shirt na pinartneran ng denim jacket at white shoes, si Ivan naman ay naka white plane t shirt at maong pants, si Zoe na naka crop top din at ripped jeans, si Lean ay naka outfit na kamukha ng sakin at si Ken na naka jacket at maong pants. "Ems! How are you?" Bati ni Lean na para bang di kami nagkita kahapon. "Ok lang better than yesterday. Kuya Ate mga kaibigan ko po. Si Andy, Sandra, Zoe, Lean, Ivan at Ken po." Isa-isa ko silang itinuro habang sinasabi ang pangalan. "Nice to meet you." Masayang sagot ng dalawa. "Nice to meet you din po." Naiilang na sagot ni Ivan. Sa kanilang lahat si Ivan lang ang di na ilang. "Kuya pwede ba ko sumama sa kanila? Sa sinehan na lang tayo magkita 10 minutes before ng showing text mo ko. Pupuntahan ko kayo." Paalam ko. "Ok." Sagot niya. "Bye Ate Emily." Paalam ni Kreisler. "Bye din Kreisler. Kita na lang tayo mamaya. Sasamahan ko lang mga ate't kuya mo." Sagot ko. "Hi mga ate at kuya." Masiglang bati ni Kreisler sa kanila. Kaway lang ang isinagot nila. Nang lumabas sila Kreisler ay nagsimula na silang magtanong. "Hoy! Bakit di ka sumabay kahapon nung uwian?" Bungad ni Zoe nang makaupo kami. Sina Ken at Sandra ang nag order ng pagkain samin. "Nagtatampo ko sa inyo kasi alam kong kayo kayo lang din nag lagay nun. Tsaka nagmadali na din ako kasi kailangan kong ihanda yung mga dinala ko sa bahay sa Plaridel." Sagot ko. "Hindi nga kami yun pero yung naglagay nun malapit din sayo." Sagot ni Andy. "Gaano kalapit?" Tanong ko. "Na kapag nalaman mo kung sino di ka makakapaniwala." Si Ivan ang sumagot. Nagconclude ako sa utak ko at naisip kong pwedenng si Ken. Tiningnan ko ng makahulugan si Ivan. Misteryosong ngiti lang ang isinagot niya sakin. Nang dumating sina Sandra ay may dala na silang mga inumin. "Nasurprise ka ba?" Tanong ni Ken. "Paanong di masusurprise eh kumpleto kayo ngayon si Kate lang kulang?" Sagot ko. "Si Ken nanaman mastermind neto." Sagot ni Andy. "Alam niyo onti na lang iisipin ko nang kinacrush back na ko." Sagot ko. "Paano kung oo?" Tanong ni Ken. "Alam mo ba kung sino?" Tanong ko naman. "Oo." Sagot niya. "Sino nga oh?" balik kong tanong. "Ako." Mayabang niyang sagot. "Sino nagsabi sayo?" Sagot ko. "Wala. Pinakiramdaman lang kita." Natigilan ako sa sinabi niya. So sanay pala makiramdam ang tao na to. Kala ko hangin lang ako sa kaniya eh. "Ahhh. Sanay ka pala makiramdam kung ganon." Sagot ko. Paniguradong pinamulahan na ko sa mga oras na to. "Oo sanay na sanay." Sagot niya. "Imposibleng ikcrush back ako ng tulad mo kasi di ko naman maabot ang standards ng mga babaeng nagustuhan mo." Sagot ko. "Nahigitan mo sila. Sa talino, ugali at kagandahan." Sagot niya. "Ako? Mahihigitan sila sa ganda? Ugali at talino pwede pa pero ganda? Malabo na." Sagot ko. "Hindi lahat panlabas na anyo ang tinitingnan. Maaaring mas maputi at maganda sila pero sa paningin ko ikaw lang ang maganda." Sagot niya. "I like you Emily." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko sa kaniya yun. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Huy Emily magsalita ka naman. Nagconfess na sayo si Crush oh." Pang aasar ni Andy. "Ayieeee si Emily na crush back na. Ang tagal mo inintay yan." Segunda naman ni Lean. Naikwento ko na rin sa kanya yung tungkol kay Ken. Di na ko makapag intay umuwi sa dorm. "Hay naku! Mas masaya pa kayo kesa kay Emily." Komento naman ni Sandra. "Ayiee Emily. Sana all." Komento ni Zoe. "Manahimik nga kayo. Ang ingay niyo." Saway ko sa kanila. Nang matapos kaming kumain ay nagwindow shopping kami sa bench at penshoppe. Naghahanap kami nina Andy ng hoodie na magkakamukha. Habang naghahanap kami ay nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita ko ang pangalan ni Kuya Mark sa screen. Saglit akong tumigil sa paghahanap para makapag reply.
Kuya Mark:
Emily nandito na kami sa tapat ng sinehan inaantay ka namin. Punta ka na.
Me:
Sige kuya. Magpapaalam lang ako sa kanila.
Nang makapag reply ako ay agad akong lumapit sa kanilang naghahanap pa rin ng hoodie. "Sorry guys I need to go. Manunuod na kami ng sine. Next time na lang kapag planado na." Paalam ko. "Ok lang family mo naman yung kasama mo eh. Ingat ka." Sagot ni Andy. "Ingat ka Emily. See you on Monday." Sagot ni Ken. "See you on Monday din Ken. Bye guys. See you sa dorm. Baka umuwi na ako mamaya." Sagot ko. Mabilis akong umalis dun at umakyat ng ikaapat na palapag. "Sorry kuya. Nag window shopping pa kasi kami." Paghingi ko ng paumanhin sa kanila. "Ok lang. Halika na magsisimula na yung pelikula." Sagot niya. Bumili kami ng kaunting pagkain at pumasok na sa sinehan.
Sandra's POV
Nandito pa rin kami sa penshoppe at naghahanap ng hoodie. "Hoy tara na uwi na tayo! Nakita niyo na yung gusto niyong makita." Aya ko sa kanila dahil pagod na rin ako kaka ikot sa penshoppe at bench. "Teka lang Sandra may hinahanap pa ko." Sagot naman ni Ken. "Eh bahala kayo uwi na ko." Sagot ko at lumabas. Di nakatiis ang mga tukmol sinundan ako. "Alam mo mag arcade pa tayo ng matahimik yang si Sandra. Yun favorite part niya dito sa mall eh." Aya ni Andy. "Eto may card ako. Punta tayo time zone." Sagot ni Zoe. Nag ambagan kami para sa load nung card. Para kaming bumalik sa pagkabata dahil nag lalaro kami ng mga larong pambata. Abnormal talaga tong mga to eh. Tapos kumanta pa kami eh mga sintunado naman. "Hoy tama na uulan!" Saway ni Andy. Pero walang nakapigil sa kabaliwan namin nila Ken. Nang si Ivan na ang kumantaa ng Binalewala ay para kaming nasa concert. Ang ganda ng boses. Mapapasana all ka na lang sa ganda ng boses niya. Nang matapos ang kabaliwan namin sa videoke booth ay naisipan naming mag dairy queen treat naman ni Ivan. Sa gala na to si Ken at Ivan ang sumasagot sa mga kakainin namin. Hinatid din nila kami pauwi sa dorm namin. "Grabe guys di ko inexpect na magkakagusto si Ken kay Emily kasi ala naman pinakitang motibo si Ken nung grade 7 and 8 kami." Kwento ko. "Me too. I never thought Ken would fall for Ems like that. I bet Ems can't believe what Ken said earlier." Sabi ni Andy. "Sigurado mapupuyat si Emily kakaisip sa nangyari kanina." Dagdag pa ni Zoe. "Oo kasi yung lalaking matagal niya nang gusto mapapasa kamay niya na." Komento ni Lean. "Masaya ko para kay Emily kaso natatakot din ako kasi baka maasaktan lang siya kay Ken." Dagdag pa niya. "Bakit naman sasaktan ni Ken si Emily?" Tanong ni Zoe. "Zoe, di lahat ng lalaki eh di sanay manakit. Nagkwento nga siya sakin na unang lalaking minahal niya iniwan siya kaya ang pangako niya sa sarili niya na ang susunod niyang mamahalin ay sisiguraduhin niyang di na siya iiwan." Kwento ni Lean. Pero wala naman kaming magagawa tsaka mabait naman si Ken. Wala pa rin kaming magagawa kasi siya yung gusto ni Emily.
Emily's POV
Di pa rin mapawi ang ngiti ko hanggang sa makauwi kami. "Tita babalik na po ako ng dorm ngayon. May gagawin pa po kasi kaming project." Paalam ko. "Ha? Eh bakit ngayon pa? Ngayon pa lang kayo nagkita ni Nanay." Sagot ni Tita Mhel. "Eh ano po kasi may project po kaming tatapusin. Sa Monday na po pasahan." Sagot ko. Iyon lamang ang idinahilan ko upang makauwi sa dorm ngayon dahil nga dun sa nangyari kanina. Na cancelled ang lakad namin nila Mommy dahil di daw pinayagan si Tyler ng Mama niya. Kinausap ko na rin si Kuya Mark na ihatid ako ngayon sa dorm. Ako na lang ang bumaba sa kotse para kunin ang duffle bag ko at makapagpaalam. "Ah sige. Study well Ems. Kapag nag with honors ka this year mag a outing tayo nila Nanay." Sagot ni Tita Mhel. "Sige po." Umakyat na ko at inayos ang mga nailabas kong gamit at itinupi na ito. Nang bumaba ako ay nagpaalam na ako kay nanay. "Emily idadrop ka lang namin sa tapat ng university niyo di na kami baba." Bungad ni Kuya Mark ng makasakay ako. "Ok Kuya." Sagot ko. 20 minutes lang ang itinagal ng biyahe at nasa Franklin U na kami. "Kuya next week nga pala di ako makakauwi kasi may pupuntahan kami nila Andy." Paalam ko. "Ok. Ingat." Sagot niya. "Bye po Ate Gabrielle." Paalam ko kay Ate Gabrielle bago ako bumaba. "Bye Ems. Ingat." Sagot niya. Tinanguan ko na lang sila at inihatid na lang ang mga ito ng tingin. Nang mawala na sila sa aking paningin ay naglakad na ko papunta sa dorm. 5:30 pm pa lang at paniguradog nagluluto pa lang ng dinner ang mga yun. Nagdala ko ng donut para sa kanila. Nagpabili lang ako kay Kuya nito. "Hi guys!" Bati ko nang buksan ko ang pinto. Nadatnan ko silang naghahain. "Movie marathon tayo mamaya. Nasakin yung flash drive ng pinsan ko." Dagdag ko pa. "Sige mamaya. Kumain ka na?" Tanong ni Sandra. "Di pa. Ano ba ulam?" Tanong ko. "Tinola." Sagot niya. "Anong papanuorin natin?" Tanong ni Zoe. "She's dating the gangster." Sagot ko. "Ok lang ba sa inyo yun?" Tanong ko pa. "Yeah." Sagot ni Andy. "Ok "Sagot naman ni Lean. Nang matapos nilang maghain ay sabay sabay na kaming kumain. Nang matapos ay sinet up ni Sandra sa 16 inch flat screen tv ang pelikula. Naglatag kami sa sahig at nahiga sa mga kutson. Ganto namin niraraos ang week end kapag nahihiram ko yug flash drive ni Kuya. Paniguradong late kami matutulog dahil manunuod din kami ng the how's of us. Matapos ang ilang oras ay pinalitan na ang pelikula. Natapos na ang pelikula naipinalit at tulog na silang lahat kami na lang ni Andy ang gising. "Andy tara pahangin tayo sa labas." Aya ko. "Yeah sure." Sagot niya. Kakilala namin ang guard ngayon kaya nakalabas kami. Nakagawian namin ang paglabas ng hating gabi. Naupo kami sa bench sa tapat ng dorm. Napatingin ako sa langit at sa mga bituin. Noon tuwing tumitingin ako sa langit at mga bituin. hinihiling ko na sana mapasakin si Ken. "Ang saya ko kasi di ko namalayan na mapapasakin yung taong gusto ko." Wala sa sariling nasambit ko. "Masaya ko para sayo kasi nakuha mo na yung puso ng taong mahal mo. Pero make sure na you won't lose yourself again. Emily we support you on your feelings for Ken but please don't fall too deep. Kasi pag nawala ikaw rin mahihirapan at parang mawawala mo rin ang sarili mo. Ingat na ingat kami sayo kaya dapat pati si Ken ingatan ka din." Sagot niya. "Susubukan kong wag mahulog ng husto. Pero kung halimbawa mangyari yun iiwan mo rin ba ko?" Tanong ko. "Hindi kasi kung sakaling mawala mo yung sarili mo mahirap maghanap mag isa. Kung iwan ka man ni Ken andito lang kami para tulungan ka hanapin ang sarili mo." Sagot niya. "Thank you. Masaya ko na magsstay kayo kapag nawala si Ken. Mawala na si Ken wag lang kayo." Sagot ko. Nag usap pa kami about life bago umakyat. Nang makakyat kami ay bumalik na kami sa mga pwesto namin at natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top