CHAPTER 40: GOODBYE
Emily's POV
Ngayon ang araw ng alis ko dito sa dorm. Parang hindi ko kaya. Mamimiss ko sila. Nagpunta na ako sa kusina. "Good morning Ems! We prepared good breakfast for you." Bati ni Lean. "Oo nga Ems. Alam namin na mamimiss mo yung breakfast dito." Dagdag ni Zoe. "So ang prinepare namin ay yung favorite mo. Bacon, ham and egg. Ito na kasi yung last breakfast mo kasama kami eh!" Ani naman ni Sandra. "So! We want it memorable. Kain na!" Ani Andy. Nanunubig nanaman yung mga mata ko. "Yahh. Ayoko tuloy umalis!" Sagot ko. Kay aga-aga pinapaiyak nila ko. Sila yung the best tropa ever. Kakornihan man pakinggan pero yun yung totoo. Ngayon masasabi ko na na nasa tamang tropa ako. Umupo na kami at kumain ng breakfast. Masayang kainan ang nangyari. "Saang place ang gusto mo puntahan bago ka umalis dito?" Tanong ni Sandra habang nagliligpit ng pinagkainan. "Hm? Sa kapitolyo. Hindi tayo nakapunta dun kahapon dahil sa padespidida niyo eh." Sagot ko. Mamayang hapon pa naman ako susunduin ni Kuya Mark. Kaya pwede pa kami gumala. Gagawin kong masaya ang araw na 'to dahil ito na yung huling araw ko kasama sila. Bukas sila Mommy na ang kasama ko dahil despidida ko naman dun. Dalawang despidida ang meron ako. Hindi ko na sasabihin sa kanila yun dahil baka mamaya di na ako makaalis. Ng matapos magligpit ng pinagkainan ay niligpit na namin yung hinigaan namin at umakyat sa kanya kanya naming kwarto para magbihis. Nagbihis ako ng ripped jeans at shirt lang dahil yun ang natira sa closet ko. Tsaka pinartneran ko ng white shoes. Halos lahat kasi ng styles na trip ko nilagay ko dun sa maleta. Linabas ko na yung maleta ko para aalis na lang mamaya pagka sinundo ako. "Ems, saan mo dadalin yan?" Tanong ni Sandra ng makalabas sa kwarto niya. "Diyan sa baba. Tulungan mo ko." Sagot ko. "Sige." Sagot niya at tinulungan niya na akong ibaba yung maleta. Buti na lang nakaya naming dalawa. Medyo mabigat pa naman kasi puro damit. "Ready na kayo guys?" Ani Zoe ng makababa. "Oo naman. Dahil aalis na si Ems siya ang lilibre natin!" Sigaw ni Lean. "Wow. Saan niyo naman ako lilibre huh?" Sagot ko. "Syempre sa NBS. Bibilhan ka namin ng notebook at ballpen." Sagot ni Andy. "HAHAHAHA. Anong klaseng farewell gift naman yan?" Sagot ko. "Syempre. Para maalala mo palaging mag update." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHAH. Syempre di ko kakalimutan mag update 'no?!" Sagot ko. Makalimutan ko na lahat wag lang mag update. "Tara na nga!" Sagot ni Lean. Nauna na siyang lumabas sa amin. "Oo nga pala Lean. Bakit di mo kabuntot yung pinsan mong babaero?" Tanong ni Zoe habang naglalakad kami papunta sa park. "Hay ewan ko dun. Nanlalandi nanaman siguro. Lilipad nga yun ng SG di pa rin nag iimpake eh." Sagot niya. "Ayieee Zoe ah. Bakit mo hinahanap si Vince?" Asar ni Sandra. "Wala! Nakakapanibago lang kasi walang kabuntot 'tong si Lean!" Sagot ni Zoe. "Weh? Baka nafall ka na kay Vince ah!" Asar naman ni Andy. "Hindi! Kadiri! Loyal 'to kay Kuya Kenneth 'no?" Sagot ni Zoe. "Masarap magmahal ang writer Zoe." Asar ko. "Yuck! Mabuti pang ikaw na lang jowain ko kesa dun sa malandi na yun! Asa pa kong matuto yun maging stick to one. Stick to ten pwede pa!" Sagot niya. "Di tayo talo Zoe. Hintayin mo lang tamaan ni Kupido si Vince sinasabi ko sayo gagawan ka nun ng libro." Sagot ko. Naputol lang ang kaingayan namin dahil nakarating na kami sa park. Masyadong maraming tao kaya nakakahiya na mag ingay. Halos lahat ng tao ay pamilya yung iba naman ay barkadahan din. "Nagdala ba kayo pagkain?" Tanong ko ng makaupo kami sa fake grass. "Hindi eh." Sagot ni Zoe. "Ano ba yan! Perfect date na sana yun nga lang walang pagkain. Bitin ako sa breakfast eh." Sagot ko. "Bitin ka pa sa lagay na yun?" Sagot ni Sandra. "Oo." Sagot ko. "Nakatatlong sandok ka nga ng kanin tapos tatlong itlog bitin ka pa rin." Sagot ni Lean. "Oo eh." Sagot ko. Di ko alam bakit gutom ako palagi. Siguro malapit na ako magperiod or stress eating. "Tatawagan ko na lang sila para makabili ng pagkain." Sagot ni Lean na ang tinutukoy ay sila Ivan at Vince. "Pabilin mo sila ng ice cream. Coffee crumble tapos milktea winter melon flavor." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at kinuha ang phone. "Hello Vincent!" Aniya sa kausap. "Bumili ka ng ice cream. Coffee crumble tapos milktea na winter melon flavor." Utos niya. Para talagang mag-asawa ang magpinsan na 'to. Kung hindi ko lang sila kilala pareho eh baka napagkamalan ko na silang mag-asawa. "Ay nako Vince. Kay Emily yun." Aniya. Natatawa na lang akong napailing sa inuutos niya kay Vince. Ng matapos ang tawag ay tsaka ako pumalahaw ng malakas na tawa. "Baliw ka talaga! Inabala mo pa yung tao! Malay mo nagsusulat yun." Saway ko. "Hayaan mo siya. Masyado na siyang matagal nagtatype." Sagot niya. Napailing na lang ako sa naging sagot niya. I guess kailangan na lang namin hintayin si Vince para sa milktea ko. "Wait tawagan ko si Ivan. Sabihin nanaman nun di nag aya." Ani naman ni Sandra at tinawagan si Ivan. Ginagawa talaga nilang memorable ang last day ko kasama sila. Nakakaoverwhelmed sila. Mas masaya siguro kung kasama si Ken. Naisip ko nanaman siya. Kamusta na kaya yun? Sana inaalagaan niya yung sarili niya at hindi sinasaktan. Hay! Wag ko na nga lang siya isipin! Kailangan magpakasaya ko! Huli naman na 'to eh!
Vince's POV
Panira talaga kahit kailan si Lean eh! Nagsusulat ako ng chapter ko nung tumawag siya. Inuutusan ba naman akong bumili ng ice cream. Wala naman ako magawa dahil para kay Binibini daw yun. Agad akong tumayo sa study table ko at nagbihis. Pinatay ko muna yung laptop ko at aircon. Naalala ko yung tula na ginawa ko para sa kanya. Nung nalaman ko na aalis siya kahapon ay nag isip agad ako ng magandang farewell gift. Since writer din siya siguro di pa siya nakatanggap ng poem mula sa ibang tao dahil kadalasan siya ang gumagawa. Gusto ko paramdam naman sa kanya yung pakiramdam na siya naman yung sinusulatan. Siya naman yung paksa sa isang tula. I bet hindi siya nagawan ni Ken ng ganun. Yun pa eh certified playboy lang naman yun eh! Magaling bumanat pero hindi marunong sumulat! Ni wala nga ata 'yong binigay na love letter kay Ems eh! Nagdrive na ako papunta sa supermarket. Hahanap ako ng coffee crumble pint. Ng makabili ako ay nagdrive naman ako papunta sa taste from the green. "Hi Sir. What's your order?" Bati ng crew. "Ah Hi. I'll order one winter melon milktea." Sagot ko. "Sugar level po?" Sagot ng crew. "100 percent." Sagot ko. "Name po." Tanong naman nung isang crew na babae. "Binibining Emily. Yun po yung ilagay niyo. Pwede po ba paki lettering? Aalis na po kasi yun eh." Sagot ko. "Oh sure Sir no problem. Baka may message pa kayong gustong ilagay para sa liniligawan niyo." Sagot niya. "Pwede po?" Sagot ko. "Oo naman Sir. Ano ba ilalagay?" Sagot niya. "Safe skies Miss Author." Sagot ko. "Wow author pala nililigawan ni Sir." Sagot nung lalaking crew. "Nako hindi po. Kaibigan lang." Sagot ko. Ginawa na nila yung milktea na inorder ko. "Thank you po." Saad ko sa nagabot sa akin. "Thank you Sir. Ingat po." Sagot nung crew. Tumango lang ako at lumabas ng shop. Nilagay ko sa front seat yung milktea katabi nung ice cream. Tinawagan ko si Lean. "Hello Leanna!" Bati ko ng sagutin niya yung tawag. "Oh bakit Vincent?" Sagot niya. "Nasaan kayo?" Sagot ko. "Nandito kami sa kapitolyo." Sagot niya. "What the fuck? Saan ako magpapark dun?" Sagot ko. "May parking sa likod nito. Kakanan ka lang." Sagot niya. "Geh geh." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Nagdrive na ako papunta sa kapitolyo at hinanap yung parking na sinasabi ni Lean. Ng makahanap ako ng space para sa kotse ko ay mabilis akong nagpark dun. Kinuha ko muna yung mga binili ko at yung poem ko para kay Ems. Nilagay ko na lang yung poem sa ibabaw ng dairy milk at nilagyan ng ribbon. Naglakad na ko papunta sa mini forest park. Dun naman palagi ang tambayan nila eh. Nakita ko agad sila kaya mabilis lang akong nakalapit. "Para sa magandang binibini." Ani ko habang inaabot yung mga binili ko. "Sabi ko Vince ibili mo lang. Wala kong sinabing landiin mo." Asik ni Lean. "Bakit? Ano bang masama sa pagtawag ng maganda kay Binibini?" Sagot ko. "Apaka landi mo Vince! Pati si Ems ililista mo sa listahan mo!" Sagot ni Zoe. "Hoy! Excuse me lang ah! Hindi ako naglilista ng mga babae 'no?!" Sagot ko. Aminado ko playboy ako pero may talent 'to at kapag may nagustuhan dun lang talaga ko. "Weh? Baka nga mamaya meron kang napakakapal na libro sa bahay niyo na naglalaman ng mga pangalan ng babae!" Sagot ni Lean. "Gagi ka Vince. Bakit may pa ganto?" Ani naman ni Emily na gulat na gulat sa mga nababasa niya. "Eh wala. That's my farewell gift for you. Pwera na yung tour na gagawin ko sayo kapag nasa SG ka na." Sagot ko. Lumapit siya at yumakap sa akin. Natigilan ako sa ginawa niya pero agad din akong gumanti ng yakap. "Thank you. Kahit bago pa lang tayo magkakilala pinaramdam mo sakin yung pagkakaroon ng caring friend na guy." Saad niya ng kumalas sa yakap. "No problem. God knows you deserve the best." Sagot ko. Ipaparamdam ko sayo yung mga hindi naparamdam ni Ken. Pangako yan Binibini. "Ayan na pala si Ivan eh. He brought some pizza." Ani Sandra na nakatingin kay Ivan na palapit sa amin. May dala siyang two boxes of pizza. "Despidida part two for Ems!" Aniya. "Haluh! Grabe kayooo! Last day ko na nga 'to kasama kayo pero tinutulak niyo ko iextend!" Sagot ni Emily. "Wag na. Baka mamaya magbago pa isip ni Tita at di ka paalisin." Sagot ni Sandra. "Pinapaalis ka na ni Sandra Ems." Asar ni Ivan. "Kumain na lang nga tayo!" Sagot niya. Nagsimula na kami kumain nung pizza na dala ni Ivan. Mamimiss ko talaga yung presensya ni Ems kahit na makikita ko naman siya kapag nasa SG na ko. Masyadong maliit ang SG para di kami magkita. Natapos ang araw na nagpunta kami sa NBS para maibili ng notebook si Binibini. Sobrang worth it na makita yung nakangiti niyang mukha habang inaabot namin sa kanya yung notebook at ballpen. Sobrang babaw ng kasiyahan niya.
Ken's POV
Nandito ko sa kwarto ko at nag iisa. Ayoko lumabas kasi paniguradong nandun nanaman si Ana. Di na ko tinantanan nun. Aalis na nga kasama siya eh tapos nandito pa sa bahay araw-araw. Nakakabwisit. "Young Master Ken nandito po ulit si Lady Ana. Hinihintay po kayo sa living room." Ani ng katulong namin sa labas ng kwarto ko. Hindi na lang ako sumagot para isipin nilang tulog ako. Nakakasawa na naririnig ko ang dialogue na yan. "Ken. I know your awake. Why aren't you answering my calls?" Si Ana na ang kumatok sa kwarto ko. "Answer your face." Bulong ko. Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Tawag ng tawag nakakabwisit. "Manang where's the keys?" Aniya. Oh shit! Napaka desperada naman nito. "Ah Lady Ana si Young Mistress Kassandra lang po ang pwede kumuha ng susi ng kwarto ni Young Master dahil ayaw po talaga lumabas ni Young Master ng kwarto niya." Sagot naman nung isang katulong namin. "What? I'm his fiancèe so I'm also allowed." Sagot ni Ana. "Pero Lady si Young Mistress lang po talaga ang pwede." Pagrarason ulit ng katulong namin. "Do you want me to call Tita Andrea? Para sabihin niya sayo na ibigay sa akin ang susi ng kwarto ni Ken?" Sagot ni Ana. Talagang dinamay pa si Mama sa kadesperadahan niya. "You don't need to call Mama for that. I'll call Ken for you." Singit ni Ate Kass. "Ken! Open the door. May nag iingay dito. Naabala si Kyle." Ani ni Ate Kass. Salamat sa diyos dumating na si Ate Kasa kundi mababaliw na ko kakaisip kung ano gagawin. Tumayo na ako sa kama ko at binuksan ang pinto. "Leave. Didn't I tell you yesterday that I don't accept visitors?" I said in a cold tone. "But Ken.." Sagot niya. "No buts. Leave." Sagot ko ulit. "I wanna help you packing your things." Sagot niya. "I don't need help. I can do it alone." Sagot ko. "Tita Andrea just texted me to help you with your luggage." Sagot niya. "I don't care. I have Ate Kass so leave. Having you on the same flight and seating beside you in the plane isn't enough? At pati nalalabi kong oras dito sa Pilipinas kailangan kasama ka pa rin?" Sagot ko. "Leave Ken alone Ana. Makakasama mo naman siya sa US eh. No need to help him in packing his things." Singit ni Ate Kass. "Okay. You said so Ate Kass." Sagot niya at umalis sa harapan namin. Salamat naman at hindi na siya nagpumilit pa. "Tara na. Tulungan na kita mag impake. Alam ko naman na di ka pa nakakapag impake dahil tinamaan ka nanaman ng katamaran mo." Saad ni Ate Kass ng makaalis si Ana. Tumango ako at nauna na pumasok sa kwarto. Mukhang tapos na si Ate sa luggage niya kaya ako na iniintindi niya. Nilabas ko yung maleta ko sa closet ko. "Ate, ikaw ba nag ayos nung US visa ko at plane ticket?" Tanong ko. "Hindi. Sila Mama. Pati yung sakin dinamay nila. Nalaman kasi nila na susunod ako sayo." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. "Bakit hindi ka tumanggi?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pag tutupi. "Bakit pa? Wala naman na yung dahilan ko para manatili dito." Sagot ko. "Gusto mo ba talaga?" Sagot niya. "Kailangan ko gustuhin Ate. This is the only way to save myself." Sagot ko. Ito na lang talaga yung tanging paraan para mailigtas ko yung sarili ko sa lungkot. Hindi magugustuhan ni Emily kung magpapakalungkot na lang ako. Magagalit yun sakin kapag pinagpatuloy ko ang ganitong pamumuhay. "Okay. Basta ako sasamahan lang kita sa US for a few months tapos babalik na din ako dahil kailangan ko din balikan yung trabaho ko dito." Sagot niya. "Ilang months ka sa US?" Sagot ko. "3 months. Siguro naman nakapag adjust ka na sa span of time na yun." Sagot niya. "Okay. Siguro nga nakadjust na ko. Sana naman hindi ko kasama sa condo si Ana." Sagot ko. "Hay nako Ken. Wag ka na magexpect na di mo yun kasama sa condo. Alam mo naman si Mama." Sagot niya. "Pagdasal mo na lang ako Ate. Na matagalan ko siya." Sagot ko. Sana makatagal ako kasama ang babae na yun. Parang linta kung makakapit eh. "Nako pagbalik na pagbalik ko talaga dito sa Pilipinas bibisitahin ko lahat ng simbahan para sayo." Sagot niya. "HAHAHAH. Grabe ka Ate. Mahal mo talaga ko at handa mo ko ipagdasal." Sagot ko. "Mahal na mahal kita lil bro kaya sasamahan kita sa US kahit ayoko." Sagot niya. "Edi sige maiwan ka na dito." Sagot ko. Ayaw niya naman pala eh. Magtitiis na lang ako na katabi yung linta na yun. "Eto naman joke lang naman eh. Syempre gusto ko ng bagong environment. I want to rest." Sagot niya. "Tapos pag may tumawag sayo sa hospital biglang lilipad pauwi. Kilala kita Ate." Sagot ko. Mas mahalaga pa pasyente niya kesa sa kanya. To the point na nakakalimutan niya na magpahinga. "Syempre. Kailangan pasyente muna bago ako. Kasi gusto ko maibsan yung sakit na nararamdaman nila." Sagot niya. "Eh kung gusto mo maibsan yung sakit na nararamdaman ng ibang tao pwede bang ako rin? May gamot ka ba diyan para maibsan yung sakit na nararamdaman ko?" Sagot ko. Sana meron. Gustong gusto ko na gumaling sa sakit na 'to eh. Gustong gusto ko na makalimutan yung sakit. "Wala eh. Pero naniniwala akong kaya mo. Kayang kaya mo matakasan yung sakit na yan. Kasi alam kong naranasan mo na yan. Kung noon nalagpasan mo ngayon pa kaya." Sagot niya. "Hindi ko alam Ate. Di ko na alam gagawin ko." Sagot ko. "Tanggapin mo Ken. Tanggapin mo na hindi pa kayo handa ni Ems para sa isa't isa." Sagot niya. "Soon Ate." Sagot ko. Maybe one of this days matanggap ko rin. Siguro nga kaya nangyari 'to ay para matutunan ko na hindi lahat ng bagay aayon sa gusto ko. Aayon sa mga plano ko. Balang araw kapag pinagtagpo ulit tayo ng tadhana gagawin kong handa ang sarili ko para sayo at sana sa panahon na yun ako pa rin ang mahal mo. Pero kung hindi man dumating ang araw na yun ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko kahit sa malayuan.
After a 6 days...
Emily's POV
Friday na. Ngayon yung last day ko dito sa Pinas at pinapunta ako ng mag tungaw kong kaibigan sa dorm. May ibibigay daw dahil di ko daw sila ininvite sa despidida ko dito sa bahay. "Mi puntahan ko po muna sila Andy. May pahabol pang regalo." Paalam ko. "Sige. Ingat ka." Sagot niya. Tumango lang ako at lumabas na ng gate. Naglakad ako papunta sa kanto para mag abang ng jeep. Saglit lang ako nag abang dahil may dumaan agad na papuntang bayan. Ng matanaw ko na ang gate ng school ay agad akong pumara. "Tabi lang po." Ani ko. Huminto ang jeep sa tapat mismo ng gate ng school. Bumaba na ako at naglakad papasok sa school. Kaunti lang naman ang mga estudyante dahil bakasyon na. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin kong may tumatawag sa phone ko. Si Lean. Agad akong napahinto sa paglalakad upang sagutin ito. "Low. Bakit? Nandito na ko sa school." Sagot ko. "Ah. Deretso ka sa dorm ah. May ibibigay lang talaga kami sayo dahil di mo kami ininvite dun sa despidida mo sa inyo." Sagot niya. "Oo na. Jusme. Ayoko na kasi maungkat pa yung issue ng break up namin ni Ken. Alam mo naman yung mga wifi sa amin. Mamaya makarinig ako ng chismax na buntis na ko. Lalo pa't kasama niyo si Vince." Sagot ko. Ganun kasi ang mentality sa environment ko. Kaya ako na mismo umiiwas sa ikasasagap ko. "Hay nako. Sige na nga. Bilisan mo na. Tagal mo." Sagot niya. "Oo na. Geh bye." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Mabilis akong naglakad papunta sa dorm. Kinuha ko na yung susi ng dorm at binuksan ito. "Bwisit kayo! Paalis na ko pa Pampangga pinapunta niyo pa ko rito!" Reklamo ko pero wala akong makitang mga tao. Nagrereklamo lang ako sa hangin. Sa Pampangga kasi ko magsstay mamayang gabi. Papunta na daw si Kuya Mark sa bahay ng magtext sa akin si Lean. Naisip kong saglitin na lang 'to pero wala sila. Sa NAIA na kasi kami magkikita kita nila Mommy mamayang madaling araw. Greatest prankster talaga ang mga tao na 'to. Pumunta kong sala pero wala sila pati sa kusina. Bakit kaya wala? Eh ang sabi sa text na nandito sila sa dorm at hinihintay ako. Tinawagan ko si Lean prinaprank lang ata ako. "Sinungaling ka Leanna Fedora Sawyer! Wala naman kayo dito eh!" Saad ko. "Bakit di mo buksan kwarto mo ng makita mo kung ano hinanda namin sayo? Hindi na kami magpapakita sayo kasi baka hindi ka makaalis." Sagot niya. "So ganoon? Pinapunta niyo ko mag isa dito sa dorm." Sagot ko. "Saglit nga. Sa gc ka tumawag." Agad niyang binaba yung call. Pumunta naman ako sa messenger at tumawag sa gc namin. Sabay-sabay naman sila sumagot sa tawag ko. "Siraulo kayong lahat! Bakit wala kayo dito?" Reklamo ko. "Basta. Wag nang maraming satsat! Pumasok ka na lang sa kwarto mo." Sagot ni Lean. "Oo na po." Sagot ko. "Magugustuhan mo yan Binibini." Ani ni Vince. "This is our last surprise for you Miss Author." Saad ni Ivan. "Sana magustuhan mo Ems." Ani naman ni Sandra. Agad akong umakyat sa taas at binuksan ang kwarto ko. Hindi na kailangan buksan ang ilaw dahil may bintana namang natatagusan ng liwanag ng araw. May dalawang maliit na box na sa tingin ko explosion box tapos sa gitna ay may isang malaking box na nakabukas. May mga pictures namin ng magkakaibigan. "Gagi kayo. Ano 'to?" Tanong ko. "Credits kay Ivan and Sandra kasi sila gumawa nung mga explosion box. Tapos credits kay Vince at Andy yung isa pa at yung laman nung box yours truly Lean." Sagot ni Lean. "Buksan mo na Ems!" Utos ni Sandra. Lumapit ako at binuksan yung unang box na nasa kaliwa. Yung mag sides nung box ay may mga sticky notes na nakalagay.
"Safe skies Ems! Kayang kaya mo makamove on! Ikaw pa eh si Emily Savvanah Howards ka. We love you Ems! Ingat always." -Sandra
"I know your hurting but soon it will end. Soon the pain will end. Enjoy your SG trip. Take care and Love you!" -Andy
"Enjoy your trip Ems! Wag mo na siya isipin kapag nandun ka na ah! Ingat ka palagi and safe skies!" -Lean
Sumunod ko naman binuksan yung pangalawang box. Bumukas naman yung apat na side meron sa kaliwa at kanan pati taas pero yung baba ay chocolate na at yung gitna.
"Safe skies Emily! Nandito lang kami naghihintay sayo! Mahal na mahal ka namin! Ingat palagi!" -Zoe
"You will heal soon Ems. We know it. Stay positive and continue to be our happiness. Hihintayin namin ang pagbabalik ni Miss Emily Savvanah Howards. Our future published author! Ingat ka at wag puro update kain-kain din! Safe skies Ems!" -Ivan
"Binibini hindi ko na kailangan pa maglagay dito ng mahabang mensahe. Nasabi ko na sayo dun sa tulang ginawa ko. Mag ingat ka. Magkikita pa tayo sa SG." -Ginoong Vince
Yung isang box naman ang binuksan ko. Puro pictures naman ng seeners ito at sa gitna ay may nakalagay na 'SAFE SKIES MISS AUTHOR'. Nagsimula tumulo ang mga luha ko. Mamimiss ko talaga ang squad na 'to. They are full of surprises. "Thank you. Thank you for being there when I need comfort. Thank you for being my bestfriends guys. Nasa tamang tropa na talaga ko. Mahal na mahal ko kayong lahat." Saad ko habang pinupunasan ang mga luha. "We love you too Ems! We will miss you!" Sabay-sabay nilang sagot. "I will miss you too." Sagot ko. "Tama na iyak Ems! Alam namin na paalis ka na talaga papunta sa Pampangga kasi nakausap namin si Tita. Sorry kung wala kami diyan lahat. Kinailangan na kami ng family namin eh." Sagot ni Sandra. "Okay lang. I understand you all. Thank you sa efforts niyo." Sagot ko. "You deserve it Ems." Sagot ni Lean. "Thank you." Sagot ko. "Sige na bye na." Paalam ni Sandra at ibinaba ang tawag. Isa-isa din silang nag alisan sa call. Binaba ko na rin ang tawag. Naghanap ako ng plastic sa kwarto ko para mailagay ko ang mga box. Dami ko nang supplies ng chocolate! Marami na kong makakain habang naguupdate. Marami nang pampagising. Ginawa talaga nilang memorable yung last day ko dito sa Pilipinas hindi lang yung last day ko dito sa dorm. Ng makahanap ako ng plastic ay nilagay ko dito ng maayos yung mga box at binitbit. I took my last glance to my room. Isang buwan at kalahati din akong di makakapasok dito. Ang dami kong memories sa kwartong 'to. Lahat ng breakdowns ko at pagsubok sa pagsusulat at pag aaral ay naririto. Pati mapait at masakit narito rin. Sana sa pagbalik ko sa bansang ito ay makalimutan ko ang mapait at masasakit na alaalang iniwan ko. Kahit masakit ang unang pagibig ko naging masaya naman ako. Masaya naman talaga sa umpisa eh. Sana palagi na lang umpisa para lahat masaya. Pero kaya nga siguro nangyari yun ay para matutunan kong maging matatag at huwag dumepende sa iba. Huwag magpakampante na palagi silang nandiyan para saluhin ka. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Pumunta na ako sa main door at binuksan ito. I took my last glance on my second home. My comfort home. Pagbalik ko pangako ibang Emily na 'to. Mas malakas na at mas kamahal-mahal. Sinarado ko na ang main door at nilock ito. Umuwi na ulit ako sa bahay. Pagdating ko hinihintay na ako ni Kuya Mark sa labas. "Ay kuya sorry. May pinakuha kasi sa akin yung mga kaibigan ko eh." Ani ko at pinakita yung mag box. "Okay lang. Ano ready ka na?" Sagot niya. "Magpapaalam muna ko kay Mommy." Sagot ko. Tumango lang siya at lumabas. Makikipag usap ata sa mga kaibigan niya dito at magpapaalam. "Mommy." Tawag ko. "Aalis ka na mamaya. Kaya mo ba dun?" Sagot niya. "Opo naman. Para lang akong nakadorm dun. Ibang view at mga tao nga lang ang kasama ko." Sagot ko. "Wag kang hihiwalay kila Kuya Mark mo kapag naglilibot na kayo ah. Baka mamaya mapadeport ka ng di oras." Sagot niya. "Wag ka mag alala Mi. May kaibigan akong magtotour sakin sa Singapore di lang sila Kuya Mark." Sagot ko. "Sino?" Sagot niya. "Si Vince po. Vincent David Sawyer. Pinsan ni Lean. Siya din po yung sinabi ko sayong tutulong sakin sa scholarship." Sagot ko. "Ah siya pala yun. Sana makilala ko na siya." Sagot niya. "Soon Mi. Sa linggo flight nun papuntang Singapore." Sagot ko. "Wow that's good. May kaibigan ka pala na pupunta din dun." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. "Oh siya ayan na si Kuya. Mag ingat ka at palagi tayo mag video call ah. Kakain sa tamang oras at huwag puro sulat!" Sagot niya. "Opo Mommy. I love you po." Sagot ko. "Love you too. Sige na." Sagot niya. Ilalagay ko na lang sa hand carry ko 'tong mga explosion box. Hindi na pwede sa maleta dahil settled na ko sa mga laman nun. Naunang sumakay sa kotse si Kuya. Umikot naman ako papunta sa shotgun seat. Ng maisarado ko yung pinto agad niya akong tinanong. "Ready ka na ba?" Tanong niya. "Syempre Kuya. Second ko na 'to." Sagot ko. Pangalawang beses ko 'tong makasakay sa eroplano ang una ko ay HongKong. "Nagpaalam ka na ba kay Kreisler? Isang buwan din kayong di magkikita." Kapag kuway tanong ko habang nagmamaneho siya. "Oo naman." Sagot niya. "Dalawa naman kwarto ng condo ni Ate Gab diba?" Sagot ko. "Oo. Kailangan nga lang natin linisan yun pagdating." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. "Mag uuniversal studios tayo." Sagot niya. "Weh? Di nga?" Sagot ko. Matagal na ako nacucurios dun eh. Sinendan niya kasi ako ng mga pictures nung unang punta niya sa SG. "Oo nga. Sa second day mo sa SG Universal Studios pupuntahan natin." Sagot niya. "Luh! Thank you Kuya!" Sagot ko. "Yan yung regalo ko sayo kasi diba third honor ka tapos best in literary arts? Gusto ko mag enjoy ka sa SG." Sagot niya. "Thank you sa inyo ni Ate Gab." Sagot ko. "Wala yun. Basta happy ang prinsesa namin." Sagot niya. Nakakatouch naman yung efforts nila para sakin. Di ko inexpect na pinaghandaan talaga nila yung trip to SG ko. "Oo nga pala Kuya. May kaibigan akong magtotour sakin sa Singapore tapos siya din yung tutulong sakin sa scholarship na sinabi ni Ate Gab sayo." Saad ko habang nasa biyahe kami. "Talaga? Ano name niya?" Sagot niya. "Vincent. Vincent David Sawyer." Sagot ko. "Bigatin ka talaga Ems. Siya ata yung sinabi mo kay Gab na anak ng may ari ng hospital eh." Sagot niya. "Oo Kuya. Siya nga." Sagot ko. "Grabe Ems. Naging boyfriend mo yung anak ng number one construction firm in Asia tapos ngayon kaibigan mo yung anak ng isa sa mga high tech hospitals sa Pinas." Sagot niya. "Ako lang 'to Kuya." Sagot ko sabay pagpag ng balikat ko. "HAHAHAHAHAH. Baka susunod niyan nasa star magic ball ka na ah!" Sagot niya. "Hala. Hindi naman ako magboboyfriend ng artista. Nadala na ko kay Ken." Sagot ko. Baka mamaya ideny din ako pag nagkabistuhan na. O kaya masabunutan ako ng fans ng ka loveteam nila. Ayoko naman nun. Tama na yung pang tritrip ni Ana sakin ngayong highschool. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Hindi na sila sa bahay ng Mama ni Ate Gab nakatira. Sa ibang bahay na sa sariling bahay na nila. Pumasok na ako sa loob. Naabutan ko si Ate Gab at Baby May na naglalaro sa kuna. "Hi Ate Gab!" Bati ko. "Hello Ems! Kamusta?" Sagot niya. "Eto maganda pa rin. Kala mong tagal nating di nagkita eh HAHAHAHHA." Sagot ko. Parang last week lang magkakasama kami. "Ready ka na ba iexplore ang SG?" Sagot niya. "Oo naman Ate! Tatlo tour guide ko!" Sagot ko. "Wow. Sino yung isa?" Sagot niya. "Si Vince po. Yung kaibigan ko." Sagot ko. "Siguro siya yung sinabi mong tutulong sayo sa scholarship." Sagot niya. "Oo Ate HAHAHAHA." Sagot ko. "Kumain ka na. Merong carbonara na dinala si Mama kanina. Di niyo na inabutan kasi umalis agad. Sasamahan si Ate Kathleen mo." Sagot niya. "Okay po." Sagot ko at pumunta na sa kusina nila. Sumandok lang ako ng carbonara at kumain na. Napatigil ako sa pagkain ng magvibrate ang cellphone ko.
Sandra:
We heard something Ems.
Ivan:
Its about Ken.
Ken? Bakit? Di naman namin siya nakausap kanina ah. Minabuti ko na lang na magreply para malaman ko kung anong balita na 'to.
Me:
Oh bakit? May kalokohan bang ginawa si Ken?
Sandra:
Hindi. @Ivan ikaw na magsabi.
Ivan:
Aalis si Ken going to US nagchat sakin si Ate Kass. Ayaw daw pasabi ni Ken sa iba pero para daw aware tayo kaya chinat niya ko.
Wow US. Good for him. Para di siya malunod sa kalungkutan dito. Napaka suicidal pa naman nun.
Me:
Okay. That's good. Safe skies kamo.
Pinatay ko na ulit ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. "Ah Ems nandun sa tabi ng kwarto namin yung kwarto mo." Saad ni Ate Gab ng makapasok siya dito sa kusina. "Okay po Ate. Ako na po magaayos dun mamaya." Sagot ko. "Sige. Nasa aparador dun yung mga punda at sapin." Sagot niya. "Opo Ate. Gusto niyo ako magluto mamayang dinner?" Sagot ko. "Marunong ka?" Sagot niya. "Adobo pa lang Ate. Okay lang ba? Gusto ko kasi magthank you sa inyo ni Kuya eh." Sagot ko. "Marunong ka pala magluto. Akala ko hindi kasi di naman kita nakitang humawak ng sandok sa inyo." Sagot niya. "Natuto po ako sa dorm." Sagot ko. "Sige. Sige na ayusin mo na yung kwarto mo ng makapagpahinga ka. Mahaba biyinahe niyo ni Kuya Mark mo." Sagot niya. "Eh paano 'tong pinagkainan ko?" Sagot ko. "Ako na bahala diyan. Umidlip ka muna. 4 am flight natin." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko at tumayo na. Umakyat na ako. Sinilip ko muna yung kwarto nila bago ko tiningnan yung sa akin. Meron ditong katamtamang laki ng kama at yung maleta ko nandito din sa kwarto. Binuksan ko yung aparador na nandun sa kwarto. Kinuha ko yung punda at sapin para sa kama. Ng malatagan ko ito ay binuksan ko naman ang maleta ko para makapag bihis. May cr din ang kwarto na 'to katulad ng sa dorm. Nilabas ko yung mga toiletries ko at pumunta na sa cr. Maliligo muna ko bago ko umidlip saglit. Matapos magpatuyo ng buhok ay nahiga na ako sa kama. Di ko alam kung paano ko nadala ng antok ko. Nagising ako ng 5:30 pm. Nagtooth brush muna ako bago ko bumaba. "Ems gising ka na pala. Hindi ka na namin ginising para maka idlip ka. Nakaluto na ako ng ulam." Bati ni Ate Gab ng makababa ako. "Hala pasensya na Ate." Sagot ko. "Hindi okay lang ano ka ba. Bisita ka namin kaya dapat di ka naggagawaing bahay dito." Sagot niya. "Nakakahiya po sayo eh." Sagot ko. "Wag ka na mahiya sa akin. Okay lang." Sagot niya. Ngumiti lang ako ng tipid at pumunta na ng living room. Nilaro ko si Baby May. "Kuya saan tayo sasakay papuntang airport mamaya?" Tanong ko kay Kuya Mark na nagcecellphone lang sa gilid. "May van sila Gabrielle. Tito niya magdadribe." Sagot niya. "Ah okay. Sila Mommy?" Sagot ko. "Susunduin sila ni Ate Mhel." Sagot niya. Tumango lang ako at binuksan ang tv. Magnenetflix na lang muna ako habang naghihintay ng dinner. Naghahanap ako ng k-drama na pwede mapunuod. Ng makapili ay sinimulan ko na iplay yung first episode. Pangalawang episode na nung tawagin kami ni Ate Gab na kakain. Binuhat naman ni Kuya Mark si Baby May. Pinapakain na nila ng cerelac ito dahil 6 months na ata. Nakalimutan ko na kung ilan eh. Basta pwede na siya kumain ng cerelac. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Nanuod din kami nung series na pinili ko. Mga bandang 9:30 ay nag aya na sila matulog dahil maaga pa daw bukas. Ginawa ko muna ang night rituals ko bago ko mahiga sa kama. Tinawagan ko si Mommy. "Hello nak! Kamusta? Kumain ka na?" Bati niya. "Ok naman po. Tapos na po. Matutulog na nga po ako tumawag lang ako sayo." Sagot ko. "Ganun ba? Sige bukas na lang tayo magkita. I love you." Sagot niya. "I love you too Mi. Ingat kayo diyan." Sagot ko. "Ingat ka din diyan." Sagot niya. "Bye Mi. Good night." Sagot ko. "Sige na bye. Good night." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Sumunod akong nagchat sa gc namin.
Me:
Good night! Thank you for the surprise! See you there @Vince.
Sandra:
Your welcome. We will miss you!
Lean:
You deserve everything Ems! Safe skies ulit! We will miss you!
Ivan:
Good night Ems! We will miss you!
Vince:
See you there Binibini! Good night!
Matapos kong basahin lahat ng chat nila ay ipinikit ko na ang mata ko para magdasal. 'Lord salamat po sa araw na 'to. Palagi niyo po kaming bantayan sa lahat ng oras. Gabayan niyo po ang magiging flight namin bukas. Amen' Matapos ko magdasal ay nakatulog na agad ako. Nagalarm ako ng 2:30 para mahaba yung time ko magprepare. Sinapian pa naman ako ng pagkapagong kaya 2hrs ang spare time ko. Nagising ako sa alarm ko. Linigpit ko ang hinigaan ko at bumaba na para magpainit ng tubig panligo. Ayoko naman tumapak ng SG ng walang ligo. Pati sila Kuya Mark nagpreprepare na rin. Kasi dapat 3:00 nandun na kami. Wala pa namang traffic kaya ok lang. Nagchat sa akin si Mommy na mauuna na daw sila sa airport para hindi na namin sila hihintayin. Matapos maligo ay nilagay ko na ulit sa pouch ko yung mga toiletries ko at ipinasok ko sa maleta. Sinarado ko na ito at nilock. Nilagay ko sa back pack ko yung mga box na binigay nila Andy sa akin. Nag chat ako sa gc namin.
Me:
Off to Singapore❤️
At nagsend ako ng picture ng outfit ko at maleta. Longsleeves and jeans ang suot ko. With white sneakers. Lumabas na ako ng kwarto at isinukbit ang back pack ko. Laman lang nito ay jacket phone ko yung mga box nila Andy yung laptop ko at yung librong binigay ni Ken. Hay mamimiss ko talaga siya. Wala na akong sponsor ng libro. "Kuya Mark. Tulungan mo ko ibaba gamit ko!" Tawag ko kay Kuya Mark na binababa rin ang mga gamit nila. "Sige sandali lang." Sagot niya. Bumalik muli siya sa taas para makuha yung maleta ko. Sumunod na ako sa kanya pababa. "3 hours yung travel time natin Ems tapos 20 minutes naman tayo magbubus pagdating sa SG para makapunta sa condo ni Gab." Pag imporma sa akin ni Kuya. "Okay." Sagot ko. "Nandiyan na si Tito Mark. Tara na." Ani Ate Gab na karga si Baby May. "Ate ako na muna magbubuhat kay Baby. Tulungan mo na si Kuya iload yung mga gamit." Saad ko. "Sige sige." Sagot niya at inabot sa akin si Baby May. "Wait mo lang si Nanay aayusin lang niya yung things natin ah!" Pagkausap ko kay Baby May na akala mong maiintindihan ako. Tumawa lang siya ng napaka cute. Cute talaga ng tawa ng baby na 'to parang emoji. "Ems akina si Baby May. Ako na magbubuhat. Sakay ka na." Tawag ni Kuya sa akin. "Sige Kuya. Nakakangawit siya buhatin." Sagot ko. "HAHAHAHAHA. Okay lang yan. Masanay ka na dapat kasi kapag nasa SG na tayo ikaw na magbubuhat kay Baby." Sagot niya. "Luh. Grabe siya." Sagot ko. "Bakit? Sa eroplano ikaw magtitimpla ng gatas niya." Sagot niya. "Okay. Basta ikaw magpapainom." Sagot ko. "Syempre dapat alam mo din yun." Sagot niya. Hala gagawin ata ako nitong Yaya sa SG eh. Paano kaya ako magreresearch dun? Para namang timang si Kuya eh. Ng makasakay kami sa van ay agad din kaming bumiyahe. Matpos ang 30 minutes na biyahe nakarating na kami ng NAIA. Ng bumaba ako ay sinalubong agad ako ng yakap ni Mommy. "Kanina pa kami nandito. Kala namin nauna na kayo." Saad ni Tita Mhel. "2:30 kami gumising eh." Sagot ni Kuya Mark. "Mamimiss kita anak. Mag enjoy ka dun ah." Saad ni Mommy ng kumalas sa yakap. "Opo. Video call na lang tayo." Sagot ko. "Oi Ate Emily! Ingat ka dun." Saad naman ni Kreisler. Kasama pala nila 'to. "Thank you Kreisler. Payakap naman si Ate." Sagot ko. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. "Nong. Bye Nong!" Baling naman ni Kreisler kay Kuya Mark. "Thank you. Ingat ka din dito. Papasalubungan na lang kita." Sagot ni Kuya Mark. "Uy si Ems makaka SG na. Susunod ako sa inyo siguro next week. May summit din kasi kong pupuntahan dun." Ani naman ni Tita Mhel. Yumakap naman ako kay Tita Mhel pati kay Tita Marie. "Ingat ka dun. Wag kang gala." Bilin ni Tita Marie. "Oo naman. Ako pa ba?" Sagot ko. Kumaway muna ako sa kanila bago ko tuluyang pumasok sa airport. Hindi na kasi sila pwede pumasok dun. Pumila na kami para makapag check in sa Singapore Airlines. Bigla naman tumunog yung phone ko. Tumatawag yung seeners. Sinagot ko agad. "Aga niyo tumawag." Bati ko. "Wala lang. Gusto lang namin makapagpaalam sayo. Nandiyan ka na ba sa airport?" Tanong ni Lean. "Oo. Nagchecheck in na." Sagot ko. "Ingat ka Ems." Si Ivan naman ang sumunod na nagsalita. "Thank you. Sige na. Chat na lang. Baka malowbat ako." Sagot ko. "Okay. Bye!" Paalam nila. Binaba ko na ang tawag. "Ems tara na. Pasok na tayo sa gate." Tawag ni Ate Gab. "Sige po Ate." Sagot ko. Nauna na siyang maglakad sa akin kaya sumunod na lang ako. Ng makalapit kami kay Kuya Mark ay agad niya kaming inabutan ng sandwich at kape. "Thank you Kuya." Saad ko. "Welcome." Sagot niya. "Picture tayo!" Aya ko. Nilabas ko ang phone at nagpicture kami. For memories din 'to. Kasabay ng pag alis ko dito sa bansang ito ay ang paglimot ko kay Ken. Maaring pagtagpuin kami ng panahon at kapag nangyari ang araw na yun sana pwede pa siya. Dahil ako habang humihinga siya pa rin ang mamahalin ko.
Ken's POV
As I step my feet inside this plane I will make a promise to be better. To be better for myself and for Emily. Gusto ko kapag nagkita ulit kami maayos na ako. May patutunguhan na ang buhay ko at kaya ko siyang ipaglaban sa mga magulang ko. "Ken, are you ready to face your new reality?" Tanong ni Ate. "Oo naman Ate." Sagot ko. "Ken, can you help me bring my hand cary?" Malanding tanong naman ni Ana. "Bring it alone." Sagot ko at pumwesto na sa window side ng plane. Nakakabwisit! 16 hours ko 'to makakatabi. Nilagay ko na lang ang headset ko at nagpatugtog. May lay over kami sa Singapore ng ilang oras. Natulog na lang ako para di ko makita yung pagmumukha ni Ana. Nababadtrip lang ako. Kulang ako sa tulog. Alas dos ng madaling araw na ko nakatulog tapos ang flight namin alas kwatro. Kaya ang gagawin ko ay matulog buong biyahe.
After 3 hours...
"Ken. Nandito na tayo sa SG." Gising sa akin ni Ate. "Ha? Bilis naman." Sagot ko. Pakiramdam ko 30 minutes lang ako natulog. "Baba na. Ng makabili na tayo ng breakfast. Nabitin ako sa pagkain dito sa plane." Sagot niya. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko. "Nasaan yung linta?" Tanong ko habang naglalakad kami sa pababa ng eroplano. "Ayun di ka na nahintay. Nauna na bumaba. Kanina ka pa kasi niya ginigising eh di ka magising." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Bitin kasi tulog ko." Sagot ko. Napahinto ako ng may nalaglag na passport sa harap ko. Philippine passport. Binuksan ko ito para malaman kung kanino. "Emily Savvnah Howards." Pagbasa ko sa pangalan. Hala nakalapag na ng SG si Ems at nalaglag ang passport niya. Luminga linga muna ko sa paligid at napansin kong may tumatakbong babae papunta sa deriksyon ko. Nahawi ang buhok niya kaya nalaman kong siya si Ems. Agad kong hinila ang braso niya palapit sakin. "Aray!" Aniya dahil tumama siya sa dibdib ko. "Ah excuse me. My passport just dropped a few inches here. I need to find it." Saad niya pero niyakap ko siya ng mahigpit. "I have your passport." Sagot ko. "K-ken? I-ikaw ba yan?" Sagot niya. "Oo Love ako nga." Sagot ko. Kumalas siya sa yakap at pinakatitigan ako. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Eto na yung passport mo. Ingatan mo at baka iba makapulot di na maibalik sayo." Saad ko habang inaabot yung passport niya. "Thank you. Safe skies! Take care always and be better! Until we meet again. I love you." Sagot niya. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "Ikaw din ingat ka. Take care and more books to write!" Sagot ko at kumalas sa yakap. Humalik ako sa noo niya. "Keep safe My love. Until we meet again." Bulong ko. "Ems! Nahanap mo na passport mo?" Tanong ni Kuya Mark yung pinsan niya. "Oo Kuya. Tara na." Sagot niya sa pinsan niya at naglakad na palayo sa akin. Hindi siguro niya ako napansin dahil nakatuon kay Emily ang atensyon niya. Lumapit na ko kay Ate Kass na bumibili ng kape. "Ate Kass balik na tayo sa plane." Saad ko. "Tapos na kayo magusap ni Ems?" Sagot niya. "Oo Ate. Tara na." Sagot ko. Agad namang kumapit sa braso ko si Ana. "Ken, where have you been?" Malanding tanong niya. "None of your business." Sagot ko. Sabay sabay kaming bumalik sa plane. Kung ano man ang naghihintay sa akin sa New York buong puso kong haharapin. Sa pagharap ko sa bagong reyalidad ko sana maging better person ako. Sana masabi ko na ang katagang worth it ako.
x
-END OF BOOK 1-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top