CHAPTER 39: SG FT. NYC
Emily's POV
Kinaumagahan ang sakit ng ulo ko. Siguro dahil sa sobrang pag iyak ko kagabi. Ng makababa ako ay nagsisimula na sila kumain. "Morning." Bati ko. "Ems! Kamusta ka na? Kaya pa?" Nagaalalang tanong ni Sandra. "Fighting!" Sagot ko. Kailangan ko maging masaya. Hindi pwedeng malungkot na lang baka mamaya sa sobrang lungkot ko pati mga kaibigan ko mawala din. Umupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang kumain. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanila na aalis na ko. Sa isang linggo ang flight ko going to Singapore. Ito kasi yung napagkasunduan namin nila Mommy dahil sinabi ko sa kanila na meron na lang kaming last 3 days ni Ken and kahapon natapos yun. Sa condo ako ni Ate Gabrielle magsstay dahil meron siya dun. Magbabakasyon din don si Kuya Mark at Baby May kaya sumama na ako. Maganda na maaga pa lang malaman ko na ang pasikot-sikot ng bansang yun dahil sa college lilipad ulit ako pabalik ng Singapore para magaral dun ng nursing. Nakausap ko kasi si Ate Gabrielle nung nakaraang linggo bago ako magcompletion. Nag o-offer daw ng scholarship yung hospital nila para sa mga willing na maging nursing students at magtrabaho sa hospital nila at nirecommend niya daw ako para sa first 500 na mabibigyan ng scholarship grant for nurses. Alam kasi niya na nursing ang gusto kong kunin sa college. Hindi na ako tumanggi dahil magandang opportunity din ito. Its either sa Singapore ako magtrabaho or dito sa Pilipinas. Naisip ko na sa Singapore na lang mag aral tapos sa Pilipinas ako magtetake ng board exam. Pagkatapos ko magtake ng board babalik ako dun para magtrabaho. Mas malaki kasi ang kikitain ko sa Singapore kumpara dito. Pero if may kukuha sa akin na publishing house willing ako magstay para mabigyan pansin ang isa pang pangarap ko. Ang maging published author. "Guys may sasabihin pala ako." Kapag kuwa'y saad ko sa kalagitnaan ng pagkain. "Ano yun?" Sagot ni Lean. "Aalis na ako." Sagot ko. "Aalis? Dito sa dorm?" Sagot ni Zoe. "Yes." Sagot ko. "Why?" Sagot ni Andy. "I'm going to Singapore." Sagot ko. "For good?" Sagot ni Sandra. "Hindi for vacation. Aaralin ko na din kung paano ko mabubuhay dun dahil sa college babalik ako dun." Sagot ko. "Bakit? Sayang yung scholarship mo dito sa Franklin U." Sagot ni Lean. "Hanggang highschool lang scholarship ko dito. Dito ko gragraduate ng highschool. Dun ako magcocollege." Sagot ko. "Is it because of Ken?" Sagot ni Andy. "No. Labas si Ken sa mga desisyon ko na 'to. Its my own will. Tsaka sila Mommy din sinuggest 'to para makapag pahinga ako sa chaotic life dito." Sagot ko. "Eh yung scholarship? Matagal mo na ba plinano yun?" Tanong ni Zoe. "Inalok lang sa akin yung scholarship ng Ate ko. Rinecommend niya ko sa admins nila. Magandang opportunity din yun." Sagot ko. "Saang hospital ba siya nagtratrabaho? Kasi yung hospital nila Vince nag ooffer din ng mga ganyan eh. Sa mga aspiring nurses and doctors." Sagot ni Lean. "David Medical Center." Sagot ko. "Weh?" Sagot niya. "Oo eto oh. Wait." Sagot ko at kinuha ang phone ko. Sinearch ko yung pangalan ni Ate Gabrielle sa facebook. Yung isa sa post niya ay yung picture ng hospital na pinagtratrabahuhan niya at pinakita ko kay Lean. "Kila Vince yan! Singapore branch nila yan. Mas madali kang makakapasok sa scholarship grant ng hindi nag eexam. Magpatulong ka kay Vince!" Sagot niya. "Talaga?" Sagot ko. Wow. What a coincidence. "Wait. Papapuntahin ko dito si Vince." Sagot niya. "Maganda yan!" Sagot ko. "Lean! Pinapaalis mo naman si Ems eh!" Ani Sandra. "Hindi! Its for the better naman Sandra!" Sagot ni Lean. "Mamimiss ko pa rin si Ems eh! Wala na magsesermon saten kapag umalis siya!" Sagot ni Sandra. "Baliw ka ba? Hindi pa ko aalis. For vacation lang yun. Oo nga pala tatawagan ko muna yung Ate ko para masabihan siya na magpapatulong ako kay Vince dun sa scholarship." Paalam ko. "Sige lang." Sagot nila. Tumayo muna ako sa dining area at pumunta sa kwarto ko para tawagan si Ate Gabrielle. "Hello Ems. Ano kamusta? Nakapag empake ka na ba?" Bati niya. "Mamaya pa lang po Ate Gab. Eh nandito po ako sa dorm. Ate, regarding dun po sa scholarship grant na sinabi mo." Sagot ko. "Ano?" Sagot niya. "Magpapatulong po ako sa kaibigan ko. Anak po siya nung may ari ng hospital eh." Sagot ko. "Talaga? That's good. Hindi ka na mag-e-exam kapag narecommend ka ng may kakilala sa board members ng hospital." Sagot niya. "Sige po Ate. Thank you po." Sagot ko. "Thank you din. Ingat ka diyan." Sagot niya. "Thank you Ate! See you soon." Sagot ko. "See you soon." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Bumaba na ulit ako at bumalik sa dining area. Naabutan ko dun si Vince kausap sila Lean. "Uy eto na pala si Ems eh. Ems ikaw na magpaliwanag kay Vince." Ani Lean ng makapasok ako sa dining. "Eto kasi Vince. Nirecommend ako ng Ate kong nurse sa hospital niyo para sa scholarship grant." Saad ko na ang paningin ay kay Vince. "Oh talaga binibini? Pwede kita irecommend kay Mama para makapasok ka agad at di mag-exam." Sagot niya. "Oh? Eh ano bang kailangan ko ipasa?" Sagot ko. "Yung PSA mo tapos card mo simula grade 7 hanggang grade 10. Bali ang covered nung grant ay senior high and college. Tapos copy ng passport mo at yung letter ng parents mo na pinapayagan ka magibang bansa ng matagal." Sagot niya. "Okay. Eh paano yun? Wala pa naman ako card ng grade 10." Sagot ko. "Ako na bahala magpaliwanag kay Mama non. Para saan pa't writer ako? Kayang kaya ko daanin si Mama sa narration ko." Sagot niya. "Baliw ka! Baka mamaya sabihan mo ng kung ano-ano Mama mo eh!" Sagot ko. "Wala ah! Wag kang feeling meron pa kong ibang narecommend sa Mama ko bukod sayo! Halos lahat babae!" Sagot niya. Okay, sorry na naging assuming ako sa part na yun. "Eh pasensya na! Baka mamaya magaya ko sa mga famous plots sa wattpad na sinabi jowa nila yung babae sa magulang kahit di naman!" Sagot ko. "Sorry Ems. I hate that kind of plots. Masyadong mahaba at maraming pasikot sikot." Sagot niya. "Akala ko ba romance writer ka? Bakit ang bitter mo?" Sagot ko. "It's just that masyado siyang popular sa wattpad." Sagot niya. "Masyado din namang popular yung plot ko ah. Pero may mga nagbabasa pa rin." Sagot ko. "Ems, its not the number of reads matters what matters is the quality of your craft." Sagot niya. "Alam ko yon! Wag kang ano!" Sagot ko. "Tama na yang writing talks niyo! Balik tayo sa unang usapan natin Ems!" Singit ni Sandra. "Sorry na. Nabanas lang ako ng ginoo na 'to eh." Sagot ko. "Kailan alis mo?" Tanong niya. "Next week. Saturday." Sagot ko. "Ano?! Next week agad?" Sagot niya. "Next week already Ems?" Sagot naman ni Andy. "Eh hindi ka man lang ba manlilibre? Tutal aalis ka naman na?" Sagot ni Vince. Ito yung kaibigan kong mayaman pero mukhang libre parang si Ivan pagdating sa mga kainan. "Grabe siya pinapapaalis agad si Ems. Kala mo naman siya iniwan." Sagot ni Lean kay Vince. "Wait Binibini. Anong bansa pupuntahan mo?" Baling sa akin ni Vince. "SG." Sagot ko. "SG as in Singapore?" Sagot niya. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Really? I can tour you there. Lilipad din ako sa Sunday eh." Sagot niya. Easy tour guide. Hindi ko na kailangan abalahanin sila Ate Gab para ilibot ako dahil nariyan naman si Vince. "Mabuti yun Ginoo. See you there." Sagot ko. "Teka Ems. Ilang araw itatagal mo dun?" Tanong ni Zoe. "One and a half month." Sagot ko. "Tagal ah. Bakit?" Sagot naman ni Andy. "I have to learn the culture, the commute system, the laws and everything that concerns the whole country." Sagot ko. "Binibini its one of the business capital of the world. Kaya mostly ang mamimemeet mo dun english speaking." Sagot ni Vince. May point naman siya pero di dapat ako magpakampante. "Kahit na. Malay ko ba kung yung mga magiging kaklase ko dun eh Sinagaporean. Edi hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan." Sagot ko. "Mostly ng mga estudyante na nagaaral dun exchange student." Sagot niya. "Eh bakit ba nangunguna pa kayo sa akin? Magbihis pa kayo. Gala tayo." Sagot ko. "Saan naman tayo gagala?" Sagot ni Lean. "Kahit saan." Sagot ko. "Anong klaseng sagot naman yan Ems?" Sagot ni Sandra. "Hay. Wag na nga lang. Balik na ko sa taas ah mag eempake na ko." Sagot ko. Dapat talaga mag iimpake na ko gusto ko lang magpaalam sa kanila. Nandito kasi yung maleta ko at halos lahat ng mga damit ko. "Bumili na lang tayo ng foods tapos ng cake para kay Ems para advance despidida party." Sagot ni Lean. "Oh ano pang ginagawa niyo riyan? Magbihis na kayo. Ganto na lang ako." Sagot ko. Jogging pants naman 'to tsaka magandang white shirt eh. "Cake nanaman? May cake pa tayo diyan eh." Sagot ni Andy. "Tayo naman ang bibili ng cake para kay Ems." Sagot niya. "Yah! Ang dradrama niyo! Magsibihis na kayo!" Singit ni Vince sa kanila. "Wow. As if naman isasama ka namin." Sagot ni Lean. Tinawanan lang sila nila Zoe at Sandra at nauna nang umakyat. "Yan kasi! Feelingero mo!" Segunda ko sa sinabi ni Lean. "Pati ba naman ikaw binibini?" Sagot niya. "Bakit? Feel mo ba isasama ka namin?" Sagot ko. "Oo! Kasi despidida mo 'to diba? At kaibigan mo na ko diba?" Sagot niya. "HAHAAHHAHAHAH. Kaibigan kita pero girls day out 'to eh." Sagot ko. "Binibini naman! Hirap kaya mabuhay mag isa dun." Sagot niya. "Ano gagawin ko? Maarte ka eh. Ayan tuloy ala kang makasama sa dorm." Sagot ko. Kung di ba naman kasi ubod ng arte 'tong lalaki na 'to hindi yan malulungkot mag isa sa dorm. Mapili kasi sa mga kasama eh. Bawal naman kasi si Lean sa men's dorm. "Ems, tara na." Aya ni Andy. "Wait. Kunin ko lang yung walet ko." Sagot ko. Umakyat muli ako at mabilis na kinuha ang walet ko sa kwarto. "Tara na?" Tanong ni Lean. Tumango ako. Pumunta kami ng mall para makabili ng mga pagkain. Mamimiss ko sila kapag nasa Singapore na ko. Ngayon lang ako mahihiwalay sa kanila matagal. Dati kasi every summer vacation once a week nakagawian namin na magkita-kita dito pero mukhang sila na lang gagawa nun kasi aalis ako. Pizza, pasta, cake, ice cream at kung ano ano pang favorite ko ang binili. Spoiled talaga ko kahit kailan sa mga 'to. Kahit papaano ay nakakalimutan kong naghiwalay na kami ni Ken. Salamat sa kanila dahil sa lahat ng luha ko sila ang naging pamunas ko. Kapag gusto ko nang ihinto ang pagtibok ng puso ko nandiyan sila para ipaalala kung bakit nabubuhay pa rin ako. They keep going. Kaya nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad nila. Hindi ko kayang palitan sila. Sobrang saya ko dahil nakilala ko sila. Mawala na lahat wag lang ang mga taong bumuo sa akin. Ng makauwi kami sa dorm ay inayos nila ito sa dining area. "Huling gabi ko dito kaya dapat tulungan niyo ko mag empake!" Saad ko ng matapos sila sa pagaayos ng mga pagkain sa lamesa. "Sige!" Sang ayon ni Sandra. Nilagay muna ni Lean sa freezer namin yung ice cream na binili namin bago sumunod sa amin sa pag akyat sa kwarto ko. Hinila ko sa ilalim ng kama ko yung maleta ko na napakalaki. Eto ang dinala ko dito sa dorm nung lumipat ako dito. "I can't believe na makakarating tayo sa point na 'to." Ani Sandra. "HAHAHAHAHAHA. Di pa nga ko umaalis nagdadrama na kayo." Sagot ko. "Eh kasi naman di na tayo makakapagswimming ng kumpleto." Sagot ni Zoe. Oo nga pala swimmer 'to. "Edi kapag nagswimming kayo video call niyo ko." Sagot ko. Pwede naman ata magswimming sa swimming pool ng condo building ni Ate Gab. "Ano yun? Virtual swimming?" Sagot ni Lean. "At least kasama niyo pa rin ako. Different place nga lang." Sagot ko. "Ems naman. Lalo mo lang pinapamukha sa'min na wala ka dito sa bansa." Sagot ni Sandra. "Ems is right. It will ease our longingness for her." Sang ayon ni Andy sa sinabi ko. "See? Si Andy na nagsabi na better yun para di niyo ko gaano mamiss." Sagot ko. "Eh basta kapag balik mo dito sa Pilipinas swimming agad tayo ah." Sagot ni Sandra. "I won't promise anything. Kasi sigurado ko pag uwi ko dito maraming magbabago." Sagot ko. "Ano? Kwentuhan na lang ba? Di ba tayo maiimpake?" Sita ni Lean. "Eto na po." Sagot ko. Binuksan ko na yung closet ko at inilabas yung mga damit ko. Palihim ko silang pinicturan. Nagstory ako sa facebook at nilagyan ng words na 'I will miss you and thank you for the best memories' at tumulong na ako sa patiklop ng mga damit. Kailangan magaan lang bagahe ko para walang extra fee na kailangan bayaran sila Kuya Mark. Susunod daw si Tita Mhel di ko alam kung kailan. Nagring bigla ang phone ko na nasa study table ko. Agad kong inabot ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Ivan. "Oh bakit?" Sagot ko sa tawag. "Saan ka pupunta?" Sagot niya. "Singapore." Sagot ko. "Pasalubong ah." Sagot niya. "Baliw ka talaga kahit kailan Yelo!" Sagot ko. "Bakit? Chocolates lang naman Miss Author eh." Sagot niya. "Hindi ako mamasyal dun tanga!" Sagot ko. "Eh ano gagawin mo dun?" Sagot niya. "Wala ka na dun. Mamaya na lang. Punta ka dito sa dorm. May padespidida sila Sandra." Sagot ko. "Sige. Bye!" Sagot niya at ibinaba ang tawag. Nagbalik na ako sa pagiimpake.
Ken's POV
"Ken. Darating sila Mama ngayong araw. Better fix yourself." Ani ni Kuya Kenneth ng makapasok sa kwarto ko. "Geh." Sagot ko. Kulang ako sa tulog at palagi kong naiisip si Emily. Naligo na ako at nagbihis ng maayos na damit. Siguradong mahabang sermonan nanaman ang mangyayari. Ng bumaba ako naghahain na sila ng mga pagkain. Pumasok ako sa kusina at naabutan ko si Manang na naghahain. "Manang anong oras po dating nila Mama?" Tanong ko. "Mga pananghalian nandito na sila. Palagay ko nga'y nasa biyahe na sila papunta rito." Sagot niya. "Ah sige po." Sagot ko. Pumunta ako sa sala at sinet up ang nintendo. Nakakatamad na kasi magml eh. "Kuya Ken! Why are you playing alone?" Ani Kyle na kakababa lang. "Do you want to play?" Tanong ko. "Ano ba lalaruin mo?" Sagot niya. "Tekken. Do you how to play it?" Sagot ko. "Yes. The one we played last time." Sagot niya. "Oh. Here." Sagot ko at inabot sa kanya yung isa pang controller. Nagsimula na kami maglaro. "Galing mo kuya. Hindi kita matalo." Reklamo ni Kyle dahil simula pa lang patay agad yung character niya. "HAHAHAHAHAH. I'm good at it just like how good at breaking hearts." Sagot ko. "Kuya! You're making fun of me!" Sagot niya. "I'm serious." Sagot ko. Seryoso naman talaga ko. Sa ngayon di pa ko maiintindihan ni Kyle kasi bata pa pero kapag tumanda na siya at umibig na siya maiintindihan niya din 'to. "Welcome home Madam Andrea and Master Keifer." Bati ng katulong namin kila Mama. "Kyle, nandiyan na sila Mama. Magpakita ka na." Utos ko sa kapatid ko dahil alam kong siya unang hahanapin ng parents namin. Nakakaselos pero wala naman akong magagawa. Sobra naman na yung atensyon nila sakin to the point na kinocontroll na nila buhay ko. Pero di naman yun ang gusto ko eh. Gusto ko yung i-acknowledge man lang nila yung achievements ko. Ni hindi man nga lang sila pumunta nung completion kaya mag isa ko kinuha yung medal ko at certificate. Dumiretso ko sa dining dahil alam kong nandun na silang lahat. "Ken." Malamig na tawag ni Papa. "Yes Pa?" Sagot ko. "You're going to US next week." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. "You're going with Ana." Dugtong naman ni Mama. "Okay." Sagot ko. Wala naman akong magagawa kung ganoon ang gusto nila eh. Tutal wala naman na ding saysay ang buhay kung wala ang babaeng mahal ko. "Di ka ata tumatanggi ngayon Ken?" Sagot ni Mama. "What's the sense? Hindi ko naman mapipigilan yang gusto niyo eh. Might as well sundin ko." Sagot ko. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako na kumain. Kinalimutan nila hanapin si Ate. Ng matapos ako kumain ay tumayo na ako at nagpunta ko sa kwarto ko. Tinawagan ko si Ate. "Yow bro! Happy break up!" Bungad niya. Natawa naman ako. Kahit kailan si Ate lang talaga nagpagaan ng pasanin ko. "Nandito na sila Mama." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. "Pupunta ko US next week." Sagot ko. "Susunod ako sayo wag ka mag alala." Sagot niya. "Kasabay ko si Ana. Ate ayoko." Sagot ko. "Sige sige. Magpapabook na din ako ng flight ko. Kailan ba araw ng alis mo?" Sagot niya. "Di ko alam. Basta next week." Sagot ko. "Sige. Aalamin ko kung kailan para masabayan kita sa plane." Sagot niya. "Thank you Ate! Love you!" Sagot ko. "Basta ikaw. Mamaya ka na maglambing. Magrorounds pa ko." Sagot niya. "Okay Ate. Ingat. Kain ka na ng lunch ah." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Madalas kasi na nakakalimutan niya kumain ng lunch. Masyadong inuuna ang kapakanan ng iba. Yun ang kamahal mahal sa kanya. Kaso palagi siya niloloko. "Young Master Ken." Ani ng katulong namin na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "What?" Malamig kong sagot ng buksan ko ang pinto. "Nandiyan po si Lady Ana sa baba. Binibisita po kayo." Sagot niya. 'Lady' wow. I never heard them call Ems like that when I brought her here. Ni hindi nga nila pinansin eh. "I don't accept visitor today." Sagot ko. "Okay po Young Master." Sagot niya at bumaba na. Sinarado ko muli ang pinto ng kwarto ko at nilock. Nahiga na ako sa kama ko at nagcellphone. Napadpad ako sa facebook. Nakita ko ang story ni Emily. Stolen picture nila Sandra na nag titiklop ng mga damit. Nilagyan niya ng caption na 'I will miss you and thank you for the best memories'. Sa sumunod naman na pic ay sila nila Vince at may caption naman na 'See you soon SG❤️' Halata rin sa mga mata niya ang pamumugto. Siguro umiyak din siya pagkapasok niya sa loob ng dorm nila. Muntik na ko mabangga kagabi sa sobrang panlalabo ng mga mata ko kakaiyak. Pagtalikod ko sa kanya dun na tumulo lahat ng luha ko. Mabuti na lang alerto ako kundi naaagnas na bangkay na ako. Pinatay ko na lang ang cellphone ko at nagbawi ng tulog.
Emily's POV
"Message na guys! Good bye message kay Ems!" Ani Lean. "Yah! Baliw kayo! Bakit may paganyan ka Lean?" Sagot ko. "Syempre. On the spot 'to! Kanino magsstart?" Tanong niya. "Sa akin na lang." Ani Sandra. Tumayo na siya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa salas ng dorm. Tapos na kasi yung kainan. "So! Ems. Ikaw yung pinaka best na taong nakilala ko. Sobrang lakas mo. Sa sobrang lakas mo kinaya mong ilet go si Ken. Ngayong aalis ka pansamantala gusto ko alagaan mo sarili mo. Wag ka magpapalipas gutom at magpapagod. Wala kami dun para paalalahanan ka kumain. I know its a way for you to find yourself. So even though mahirap papayagan na kita umalis. Don't forget na may readers na nagaabang sayo ah! May readers na nagaabang sa update mo kaya mag update ka pa rin sana. Love you Ems! Safe skies!" Aniya. Naluluha naman ako sa kasweetan niya. Niyakap ko siya. "Thank you." Sagot ko. "Next!" Ani Lean. "Ako na!" Sagot ni Ivan. "Ems. Sobrang saya ko na naging friends tayo. Despite na nagkafeelings ako sayo naging friends pa rin tayo. Ikaw yung pinakamaintindihing tao na nakilala ko. Nakaya mong intidihin si Ken at yung sitwasyon niya. Alam ko naman na nangyari 'to para sa ikatatagtag niyong dalawa. Hoping for Kely's comeback! Safe skies our author." Aniya. Nauna na siyang lumapit sa akin para yakapin ako. Ginantihan ko din siya ng yakap. "You're next Andy." Ani Lean. "Take care always Ems. We're just here waiting for you. Wag puro sulat sa SG ah!" Saad niya at yumakap din sakin. "Syempre! Lilibutin ko pa yon!" Sagot ko. "Ikaw na Vince. Ang anak ni Don Juan. Sa dami ng naging babae." Utos ni Lean kay Vince. "Binibini. Ewan ko kung ano sumapi sa pinsan ko at pinagmessage pa ko. Parang tanga. So yun na nga. Thankful ako kasi nakilala kita kahit saglit pa lang tayo nagkakilala hindi ka cold sa akin. Tapos ang ganda talaga ng novel mo. Collab tayo soon. Mauna ka na sa SG. Sunod na lang ako. Safe skies!" Aniya. Natawa naman ako sa message niya. Katulad siya ni Lean na may sense of humor. Hindi siya yumakap sa akin. "So ako ang last. Ems, keep safe kapag nandun ka na. Wala kami dun para paalalahanan ka na kumain on time at wag magpakalunod sa over thinking. Over thinking kills you. Remember that. Safe skies." Aniya at yinakap ako. "Thank you guys! You never failed to make me smile. Kahit paano nakalimutan ko yung lungkot ko. Sana pagbalik ko ganyan pa rin kayo sa akin. Kayo din mag ingat kayo dito! Mahal ko kayong lahat! As a friend!" Ani ko at nakipag group hug sa kanila. "Safe skies our author!" Sabay sabay nilang sigaw. "Love you all!" Sagot ko. Nag netflix and chill lang kami buong maghapon. Ng maggabi ay umalis na si Vince at Ivan. "Latag na tayo. Dito tayo lahat matulog sa sala. Last night na ni Ems dito eh." Aya ni Lean. "Sige. Alisin niyo na 'tong coffee table sa gitna." Utos ni Sandra. Inalis naman namin yung coffee table at naglatag nung kutson namin. Naalala ko tuloy nung una kaming nag ganito at yung Tagaytay trip namin. Para kaming nagpajama party kinagabihan. Mamimiss ko ang mga 'to. Mamimiss ko ang tahanan ko. Natutulog na sila lahat kaya pinagmasdan ko sila. This will be the last time that I will watch them sleep. Tumayo ako ng dahan-dahan dahil baka magising ko si Sandra at Lean na katabi ko. Sa sofa sa ulunan namin si Andy at sa foam naman sa tabi ni Sandra ay si Zoe. Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa itinabi naming coffee table. May message dun si Kuya Mark.
Kuya Mark:
Nakahanda na gamit mo Ems?
Me:
Opo Kuya. Tapos na. Sunduin mo ba ko bukas?
Sumunod ko naman binuksan ang messenger ko. Bumungad sa akin ang chat sa akin ni Kuya Kenneth at Ate Kass.
Kenneth Lizardo:
Safe skies and sending virtual hugs daw sabi ni Ken.
Me:
Kuya naman! Pero thank you! Mamimiss kita! Chour🤣
Kassandra Ellaine Lizardo:
Safe skies Emily. Ken will surely miss you so do I. Ingat ka sa SG. Love you future sister in law.
Me:
Thank you Ate Kass. More operations to come!
Mamimiss ko rin yung magkapatid na yun. Kahit ex na ko ng kapatid nila hindi pa rin nila ko dinesregard. Isa sila sa mga taong naniwala sa amin ni Ken kaya thankful ako sa kanilang dalawa. Ng manawa ako sa laman ng newsfeed ko sa facebook ay nagpakain na ako sa antok.
A/N: Malapit na! Isa na lang guys tapos na. Haharapin ko na yung book 2. Sana abangan niyo pa rin katulad ng pag abang niyo sa updates ko dito sa book 1. Thank you for being my inspiration Bemskies! Mahal kayo ni Bem🥺❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top