CHAPTER 38: LAST DATE
Ken's POV
Kahapon ng makauwi kami ni Ate ay may hang over ako. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi nakabili si Ate ng advil dahil nawala na rin sa isip niya. Pagdating namin sa bahay natulog ako at ng magising naisipan kong puntahan si Emily. Pero nakita ko siya sa park at basa ng ulan lalapitan ko sana siya pero linapitan na siya ng lalaking naka black hoodie. Hindi ko maaninag yung mukha dahil pinapanood ko lang sila sa malayo. Hinawakan niya ang mukha ng babaeng mahal ko at may sinabi siya rito dahilan para yakapin siya nito. Nakatayo lang ako dito at pinagmamasdan sila. Pinapayungan siya nung lalaki at nakasandal naman si Emily sa balikat nung lalaki. Mabuti pa siya nakakatabi niya yung babaeng mahal ko at napapalis ang mga luha. Sana ako na lang yung nasa tabi niya. Sana ako na lang yung nagpupunas ng mga luha niya. Pero hindi ko naman magagawa dahil ako rin naman ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Pinapanuod ko lang sila dito habang nababasa ako ng ulan. Napalulon na lang ako para hindi tuluyang pumatak ang mga luha ko. Hindi naman ako iyaking tao pero pagdating sa kanya ang dali dali kong umiyak. Ilang saglit pa ng tumila ang ulan ay tumayo na yung lalaki na katabi ni Ems at binuhat siya. Sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa dorm. Ng bumaba yung lalaki dun ko lang napag alaman na si Vince pala yun. Sumama ang katawan ko bigla kaya sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay. "Iho, bakit basa ka?" Tanong ni Yaya Precy. Umiling lang ako at umakyat na sa kwarto ko. Dumiretso na ako sa higaan ko at natulog. Nagising lang ako sa boses ni Ate. Hindi ko talaga kaya bumangon. Sobrang sakit ng ulo ko parang sasabog. Sinubuan ako ni Ate ng soup at pinainom ng gamot bago ako nakabalik sa tulog. Kinaumagahan narito na ako sa kwarto ni Ate. "Ah. Paano ko napunta dito?" Tanong ko sa kawalan. Napabaling ako sa couch kung saan natutulog si Ate. "Ken, gising ka na pala. Mabuti na lang bumaba na yung lagnat mo." Aniya na nagmamadaling lumapit sa akin. "Ano nararamdaman mo?" Tanong niya pa. "Masakit lang ulo ko. Bakit ako nandito sa kwarto mo? Diba sa kwarto ko ako natulog?" Sagot ko. "Basang basa ka at inaapoy ng lagnat nung makita ka ni Kenneth dun sa kwarto mo. Anong ginawa mong loko ka ha?" Sagot niya. Bigla ko na lang kinuyom yung kamao ko dahil parang bumabalik ako sa oras na nakikita ko si Emily at Vince. "Wala. Dinalaw ko lang si Ems." Sagot ko sa pinakamalamig na tono. Tumayo na ako sa kama ni Ate at lumabas ng kwarto. "Ken! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Ate. "Papasok!" Sagot ko. "Hindi! Baka mabinat ka!" Sagot niya. "Wag niyo muna ko pakialaman ngayon!" Sigaw ko at pumasok sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis. Hindi pa naman masyadong late para pumasok sa school. Matapos kong maayos ang sarili ko ay bumaba na ako para kumain. Hindi ko maramdaman yung sakit ng ulo ko. Ayoko magstay dito sa bahay maiisip ko lang yung dahilan kung bakit kailangan ko iwanan si Emily. Ng makarating ako sa school ay pumipila na sila para sa rehearsals. "Ken, kamusta ka na?" Malanding tanong sakin ni Ana. "Who cares?" Malamig kong sagot at naglakad na palayo sa kanya. Ng mapadaan naman ako sa pila ng section 2 nakita ko si Emily at Vince na masayang naguusap. Hinila ko ang pulsuhan ni Emily at yinakap siya ng sobrang higpit. Hindi man lang niya nagawang gumanti ng yakap. "Love, ano nangyari sayo? Pinag alala mo ko." Bulong ko. "Ken, bitawan mo ko. Baka magselos si Ana." Sagot niya. "Pabayaan mo siya." Sagot ko. "Ah guys mamaya na kayo magyakapan. Rehearsals na oh!" Singit ni Lean. Binitawan ko na siya at pumunta na sa pila ng section namin. Ganoon na ba kagalit si Emily sa akin at naasiwa siyang yakapin ako. Naniniwala talaga siya dun sa marriage contract. Kung meron lang paraan para mapawalang bisa yun nagawa ko na. Nakalimutan ko kaya nga pala siya galit kasi iniisip niya ginawa ko siyang kabit. Kahit anong focus ko sa rehearsals nawawala pa rin talaga. Ang hirap nito. Eto na ata papatay sakin eh. Baka mawala ako ng maaga dahil sa pangungulila sa kanya. Pagkatapos ng rehearsal hinabol ko agad si Emily. "Emily!" Tawag ko. Lumingon naman siya at ngumiti ng pilit. "Oh?" Sagot niya. "Let's talk." Sagot ko. "Talk about what?" Sagot niya. "About us." Sagot ko. "Wala namang tayo diba?" Sagot niya. Tila kutsilyo na tumarak sa puso ko ang mga sinabi niya. "As far as I know meron pang tayo." Sagot ko. "Well as far as I know your taken." Sagot niya. "Yes. I'm taken by you." Sagot ko. Agad ko siyang hinila palayo sa mga tao. "Ano ba Ken?! Problema mo?!" Sigaw niya ng kaming dalawa na lang. "Problema ko? Nasasaktan ako! Nasasaktan ako kasi wala kong magawa! Wala kong magawa para palisin ang 'yong mga luha!" Sagot ko. "Meron kang magagawa Ken! Maghiwalay tayo! Yun ang magagawa mo! Hiwalayan mo ako!" Sagot niya. Para nanaman akong sinaksak ng kutsilyo sa puso ko. Ang sakit na sabihin sayo ang ganoon ng babaeng mahal mo. "Maghiwalay? Yun na ba talaga ang gusto mo?" Sagot ko. "Oo Ken. Kahit gusto ko pang kumapit pero masakit na eh. Ken, god knows how bad I want to hold on. Pero sobra na." Sagot niya. "I think I don't have any choice. Ikaw na pumili niyan. Pagbibigyan kita. Just give me one favor. Just one last favor." Sagot ko. "Anong favor?" Sagot niya. "Let's have a date this Saturday. Our last date." Sagot ko. Nagsimula na manubig ang mata niya. "Ken naman eh!" Sagot niya. Niyakap ko siya at hinayaan na umiyak sa mga bisig ko. Ito na ang huli Ems. Eto na yung huling pagpapaiyak ko sayo. Promise. Hindi mo na ulit mararamdaman ang sakit na ako ang may dulot. Hindi na talaga Ems. Hinding hindi na. "Shhhh. Don't cry my love. Mag enjoy ka sa farewell party ngayong araw." Bulong ko. "Paano ko mag eenjoy kung meron na lang tayong 3 days Ken?" Sagot niya na nakayakap pa rin sakin. "Wag ka mag alala. Sa loob ng three days na yun hindi ka iiyak dahil sa akin." Sagot ko. "Siguraduhin mo lang ah! Baka mamaya umiyak pa rin ako." Sagot niya. "Hindi yan. Hahatid na nga kita sa room mo. Baka umiyak ka nanaman diyan HAHAHAHAH." Sagot ko upang mapagaan ang atmosphere. "Kainis ka! Ikaw naman nagpapaiyak sakin eh!" Sagot niya. Hinatid ko na siya sa room nila. Bago ako pumasok sa room namin tinawagan ko muna si Ate Kass para naman mapanatag yung loob niya. Matapos namin mag usap ni Ate Kass ay pumasok na ako sa room. Eenjoyin ko na lang ang araw na ito dahil ito na ang huling pagkakataon namin magkasiyahan magkakaklase.
Emily's POV
Di ko alam kung ano nakapagtulak sa akin para makapagsalita ng ganoon kay Ken. Basta na lang lumabas sa bibig ko. Inenjoy ko na lang ang farewell party namin dahil malapit na rin ang last year of highschool namin. Kaya dapat maging masaya tayo. "Oh guys! Sharing na!" Tawag sa amin ng president namin. Sumunod naman kami nila Lean at Vince. "Ok. Start tayo kay Emily. Ano yung best experience mo ngayong taon?" Tanong ni Sir Airone. Ngumiti lang ako ng tipid at sumagot. "Yung nashowcase ko po yung mga talents ko." Sagot ko. "Akala ko si Ken isasagot mo eh!" Sabi ng isa kong kaklase. "HAHAHAHAHAHAH! Oo nga! Ang PDA niyong dalawa!" Sang ayon naman nung president namin. Tinawanan ko na lang sila. "Tama na yan! Next! Ikaw Lean?" Baling naman ni Sir Airone kay Lean. "Yung makilala ko po yung mga kaibigan ko at kayo po." Sagot niya na nagpatili naman sa mga kaklase namin. Inenjoy ko ang buong farewell party namin. Ng mag uwian ay nagkita-kita kaming magkakaibigan sa corridor ng room. "Ano? Saan niyo gusto pumunta?" Tanong ni Lean. "Wait. May kulang." Sagot ni Ivan. "Sino?" Sagot ni Sandra. "Si Ken. Sama daw siya eh." Sagot ni Ivan. "Bakit?" Sagot naman ni Zoe. "Bakit Zoe? Bawal?" Singit naman ni Ken. Inirapan lang siya ni Zoe. "Edi sa usual na lang tayo. Sa kapitolyo. Tapos manuod tayo sine after." Sagot ko. "Usual na yun eh. Pwedeng iba naman?" Sagot ni Sandra. "Sige kayo malay niyo sa susunod na balik natin dun kulang na tayo." Sagot ko. "Bakit? May aalis ba?" Tanong ni Zoe. "Wala ano ba kayo! Syempre kapag busy na tayong lahat!" Sagot ko. "Tara na guys!" Aya ni Vince. "Walang magkokotse ngayon! Magcocommute tayo!" Saad ni Sandra. "G! Namiss ko magcommute!" Sagot ni Ivan. "Eh paano ako? Sa Singapore lang ako sanay magcommute." Sagot ni Vince. "Ano tawag mo samen ha Vince? Palibhasa kasi laking Singapore eh!" Singhal ni Lean kay Vince. Wow laking Singapore pala ang loko na yun. Kaya sanay na sanay mabuhay mag isa. "Stop the chitchat guys! Tara na! Mamaya matraffic pa tayo sa kabagalan niyo eh!" Sagot naman ni Andy. Naglakad na kami si Ken ang kasabay ko maglakad. Hinawakan niua ang kamay ko. Ito nanaman yung pakiramdam na parang may paro-paro sa tiyan mo. Sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Eto yung mamimiss ko kapag wala na siya. Kapag natapos na yung 3 days namin. Sobrang sakit na kailangan mong bitawan yung nagpapasaya sayo dahil ayaw mo makasira ng pamilya. Alam ko kapag pinagpatuloy namin 'to ipipilit ni Ken na mapawalang bisa yung kontrata at magkakasiraan sila ng Mama niya. Ayoko naman ng ganoon. Ipapaubaya ko na lang yung kasiyahan ko dahil ayoko na makasira ng pamilya. Tsaka pakiramdam ko magiging masaya naman siya sa piling ni Ana eh. Well kailangan niya talaga maging masaya at ako kailangan ko din maging masaya para sa kanila. "Guys! Let's take a picture!" Aya ko. Gusto ko maging memorable ang bawat araw na magkakasama kami na kumpleto. Malapit na rin kami magkahiwa-hiwalay. Magiging malaking impact ang break up namin ni Ken sa grupo. May mga aalis at may mga mananatili. Gusto ko bago magkakulang-kulang ang grupo magandang alaala ang iiwanan namin at hindi masasakit. They are the best part of my life especially Ken. He's the best part of my life. "So! Anong plans niyo after ng highschool?" Tanong ni Lean. "Ako I'll take nursing as premed course then medicine after." Sagot ni Sandra. "Ako business management. Kasi gusto ko itake over yung business namin." Sagot naman ni Ivan. "Nursing ako kasi gusto ko magtrabaho sa hospital namin sa pinakamababa muna. Ayoko kasi na mataas agad gusto ko muna mautusan ng mga doctor." Sagot ni Vince. "I'll take also medicine in US kasi magmimigrate dun yung tita ko." Sagot ni Andy. "Nursing din ako tapos maghahanap ako publishing house after college para mapublish yung book ko." Sagot ko. Ganoon talaga ang plano ko. "Ikaw Ken?" Tanong ni Ivan kay Ken. "Ah ako I'll take engineering para makatulong sa business namin." Sagot ni Ken. Syempre kung engineering si Ken architecture si Ana. "Syempre yung asawa mo archi kukunin." Sagot ni Ivan. "Malay ko don . Kay Ems lang naman ako may pake eh." Sagot niya. Natahimik naman silang lahat. "Kayo talaga napaka seryoso niyo! Joke lang naman yun eh!" Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Alam niyo ikain na lang natin yan!" Sagot ni Lean. Pumunta kami sa pwesto ng mga stalls. Bumili ako ng bananaque at buko juice. "Love." Tawag sa akin ni Ken. "Yes Love?" Sagot ko. "Masaya ka ba today?" Sagot niya. "Oo naman. Ngayon lang ulit tayo nagkasama-sama eh." Sagot ko. "Ay oo nga." Sagot niya. Ng matapos kami kumain ay nagpunta na kami sa mall. Nanuod kami ng sine at nag arcade katulad ng ginagawa namin dati. "Guys! Dito na lang tayo magdinner sa mall." Mungkahi ni Sandra. "Sige! Para di na tayo magsaing!" Sang ayon ni Zoe. "Yeah. Tsaka this will be our advance completion party!" Sagot ni Andy. "So saan tayo?" Tanong ko. "Jollibee na lang?" Sagot ni Sandra. "Sandra naman. Are you a kid?" Reklamo ni Ivan. "Buffet tayo! Libre ko!" Singit ni Ken. "Yan gusto ko sayo Ken eh! Nanlilibre ka eh!" Sang ayon ni Sandra. "Yes naman Ken!" Ani naman ni Lean. "Pa farewell mo na ba yan pare?" Ani naman ni Ivan. Mga bipolar talaga 'tong mga kaibigan ko. Kanina lang di nila pinapansin si Ken tapos nanlibre lang pinansin agad. "Timawa niyo talaga!" Sagot ko. "Hindi ah. Masama tanggihan ang grasya." Sagot ni Lean. "Oo nga. Lalo pa't libre." Sagot naman ni Ivan. "Paano na lang kapag umalis na si Ken? Alam niyo naman kung gaano ko kakuripot!" Sagot ko. "Ayan naman si Vince oh!" Sagot ni Lean. "Sira talaga kayo!" Sagot ko. Nakaisip ako ng magandang idea. Ibibili ko na lang sila ng cake tutal masyado na silang matakaw. Ng makarating kami sa buffet ay agad akong nagisip ng alibi. "Ah guys. Mauna na kayo kumuha ng food. May bibilin lang ako." Paalam ko. "Ano naman yan?" Tanong ni Lean. "Ah basta. Mabilis lang ako." Sagot ko. "Samahan na kita Love." Ani Ken. "Wag na. Kaya ko na 'to." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. "Saan ka pupunta binibini?" Tanong ni Vince. "Wag ka na matanong Vince. Palayasin mo na si Ems. Malay mo may kabuluhan naman pala yung bibilhin." Si Lean na ang sumagot para sa akin. Umirap lang ako at lumabas na ng buffet. Pumunta ko ng red ribbon para bumili ng dedication cake. "Hi Ma'am anong cake po bibilhin mo?" Tanong sa akin nung kahera. "Dedication cake po." Sagot ko. "Ano ilalagay dun sa cake?" Sagot niya. "Job well done SEENERS. FR: Miss Author." Sagot ko sa kahera at nagbigay ng 1k. Nagpadala na kasi ulit si Mommy ng panggala ko na 2k every month. "Here's your change. Thank you." Ani ng kahera habang inaabot sa akin yung cake at sukli ko. Bumalik na ako sa buffet. Nagsisimula na sila kumain. "Oh guys. Advance completion gift ko sa inyong lahat." Ani ko habang inaabot sa kanila yung cake. "Wow Ems. Umaasenso ka ata." Ani Sandra. "Aba syempre. Malapit na completion eh." Sagot ko. "Buksan na natin!" Ani Lean na excited tinanggal yung ribbon. At nung maangat na niya yung cover ng kahon bakas sa mukha niya ang gulat at saya. "Thank you Ems." Aniya at lumapit sa akin para yakapin ako. "Thank you din Lean. Thank you for accepting me." Sagot ko at kumalas sa yakap. "Yah! Ems! You love surprises talaga!" Ani naman ni Sandra at yinakap din ako. "Oh walang iyakan. Cake lang yan guys!" Sagot ko at ginantihan ng yakap si Sandra. Ng kumalas siya si Ivan naman ang yumakap sa akin. "Thank you Ems." Aniya. "Wala yun. Ingatan mo si Sandra ah!" Sagot ko at tinap ang likod niya. "Oo naman. Reyna ko yan eh!" Sagot niya. "Ands! Wala man lang bang hug diyan?" Tanong ko. "You know I'm not like that." Sagot niya. "Ngayon lang naman eh!" Sagot ko. Kahit naasiwa ay yinakap niya pa rin ako. "Kuha na nga ko pagkain!" Paalam ko. Napuno ng halakhakan ang table namin. Nililingon pa nga kami nung ibang mga tao eh sa sobrang kaingayan. "Huy! Uwi na tayo?" Aya ni Sandra. "Oo nga. 7pm na oh!" Ani Lean. "Paano yun? Baka pagsaraduhan na tayo ng gate ng school. Nandun kotse ko." Sagot ni Ken. "Di yan. Tara na." Sagot ni Ivan. Niligpit muna namin yung cake. Napagdesisyonan namin na sa bahay na lang kainin tapos padalan na lang yung mga boys bukas. Nagtatlong tricycle pa kami dahil sa dami namin. "Manong sa Franklin University po." Ani Lean na nasa likod ng tricycle. Umandar na ito. Papunta sa school namin. Ng makarating kami si Sandra ang nagbayad. Hinintay namin ang iba pa sa tapat ng gate. "Manong kukunin ko lang po yung kotse ko sa parking lot." Paalam ni Ken sa guard on duty. "Sige." Sagot niya. Pumasok na kami sa loob ng school. "Mauna na kayo. Magpapaalam lang ako kay Ken." Ani ko. Tumango lang sila at nauna na umakyat sa dorm. "Ken!" Tawag ko. "Yes po Love?" Aniya ng makalapit sa akin. "Ingat ka sa pagdadrive." Sagot ko at yinakap siya. "I love you Ems." Bulong niya. "I love you too. Ingat ka." Sagot ko at kumawala sa yakap. "Kiss mo ko." Sagot niya. "HAHAHAHAH. Ang landi mo naman!" Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. "Gusto mo naman." Sagot niya. "Loko! Umuwi ka na nga. Baka hinahanap ka na ni Kuya Kenneth." Sagot ko. "Oo. Ingat kayo diyan sa dorm. Love you!" Sagot niya. "I love you too." Sagot ko at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ko papasok sa building ng dorm namin. Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. Matapos maligo ay dumiretso ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Nagbalik na ang sigla ko sa pagsusulat. 10pm na ng matapos ako sa draft ng chapter ko. Bukas ko na ng umaga ipupublish yung chapter.
After 2 days...
Ken's POV
Ngayon yung last date namin ni Emily. Plano ko siyang dalhin sa taal volcano. Magtretreking kami para sa paglubog ng araw dun kami maghihiwalay. Bumili na din ako ng bouquet of chocolate and books. Yung He's into Her set yung binili kong libro. Huling bouquet na ibibigay ko sa kanya. "Ano bro? Ready ka na?" Tanong ni Kuya. "Yes Kuya." Sagot ko kahit hindi naman. Para ngang tinatambol ang puso ko. Di ko alam paano ko magpapaalam sa kanya. Nagpaalam na ako kay Tita Edna bago ko siya dalhin sa Tagaytay. Humingi na din ako ng dispensa sa kanila dahil dun sa lumabas na picture namin ni Ems at ang pagdeny ko sa kanya. Susunduin ko siya dun sa bahay nila dahil dun ginanap yung completion party niya. Mabuti pa siya naappreciate ng parents niya ako wala. Wala na ngang compliments prinepressure pa ko sa kasal na ayoko naman. Mas pinalalago pa nila yung business kesa sa pagmamahal saming mga anak nila. Inistart ko na yung kotse ko at nagdrive na papunta kila Emily. "Good morning po Tita." Bati ko. "Good morning Ken. Ingatan mo si Emily ah." Sagot niya. "Opo Tita. Iingatan ko po." Sagot ko. Napabaling naman ako sa bumukas na pinto iniluwa nito si Emily. Naka jeans siya at simpleng shirt dahil alam niya na mag magtretrekking kami. "Mommy, akyat muna kami taal ni Ken." Paalam niya sa Mommy niya. "Dala mo yung inhaler mo?" Sagot naman ni Tita. "Opo." Sagot ni Emily. "Oh sige. Mag ingat ka. Saan ka ba uuwi? Dito or sa dorm niyo?" Sagot ni Tita. "Sa dorm Mi. Magpapaalam na din ako sa kanila eh." Sagot ni Emily. Paalam? Bakit siya magpapaalam sa kanila? Aalis ba siya? "Tara na Love." Aya niya sa akin. Namiss kong tawagin niya akong 'love'. "Let's go." Sagot ko at inalalayan siya pasakay sa kotse ko. Nagsimula na ako magmaniobra. "Love, daan muna tayo sa 7 eleven. Tapos sa milktea shop diyan sa tabi nung 7 eleven. Dun ka na magpark." Aniya. "Okay Love." Sagot ko. Ng makarating kami sa malapit na milktea shop ay bumaba na rin ako. Hindi niya kasi alam yung milktea flavor na gusto ko. "Ano sayo?" Tanong niya. "Okinawa." Sagot ko. "Ah dalawang okinawa milktea po." Aniya sa kahera. "Medium or Large?" Tanong ng kahera. "Large po." Sagot niya. "Sugar level?" Tanong ulit ng kahera. "Half yung isa. Yung sayo Love?" Tanong niya naman. "Full yung isa." Sagot ko sa kahera. Ganun ako kapag natetense or may kinatatakutan. Matamis ang hinahanap ko. Kung sa iba ice cream, pizza or anything ang comfort food nila ako milktea. Milktea ang sagot ko sa lahat ng problema ko. Nagbayad si Emily ng 500 pesos. Naghintay lang kami ng ilang minuto at nakuha na namin yung order. "Anong chips ang bibilin ko?" Tanong niya ng makalabas kami. "Samahan na kita sa 7 eleven." Sagot ko. Tumango siya at nauna na sakin maglakad papunta sa 7 eleven. Hindi ako nakasunod dahil tumawag sa akin yung pinag orderan ko ng mga libro at chocolate. "Hello Sir. Ready for pick up na po yung bouquet niyo." Sagot nung kausap ko. "Saan po pwede?" Sagot ko. "Sa robinson's place Malolos po." Sagot niya. "Sige po. Magmemessage na lang po ako kapag papunta na ako sa place." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Ngayon kailangan ko gumawa ng alibi kay Emily para makuha ko yung bouquet. Ng makapasok ako sa 7 eleven namimili na siya ng chips na dadalhin niya sa biyahe. "Sorry may tumawag lang." Ani ko ng makalapit sa kanya. "Okay lang." Sagot niya at nagpatuloy sa pamimili. "Ahm Ems." Tawag ko ulit sa atensyon niya. "What?" Sagot niya. "Pwede sa Robinson ka na lang bumili ng snacks natin? May bibilin din kasi ako eh." Sagot ko. "Sige." Sagot niya at nauna na sakin lumabas ng 7 eleven. Napabuntong hininga na lang ako. Nagtatampo siya sakin. Hay nako Ems. Kung alam mo lang kung ano yung kukunin ko. Alam ko masisiyahan ka sa ibibigay ko sayong bouquet. Sumunod na lang ako sa kanya. Ng makarating ako sa parking nakita ko siya nakasandal sa pinto ng shotgun seat at nagtatype sa phone. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya. "Sorry na. Wag ka na magtampo. Para naman sayo yun eh." Ani ko. "Huuu! Sabihin mo pinapauwi ka na ni Ana!" Sagot niya. "Baliw! Hindi! Wala siyang karapatan pakialaman ang mga lakad ko. Ni wala nga siyang kaalam alam na umalis ako eh." Sagot ko. "Nakooo. Pag nalaman niya bugbog ka panigurado." Sagot niya. "Wag mo muna siya isipin. Ako isipin mo ngayong araw. Last naman na 'to Ems eh." Sagot ko. "Oo na! Buksan mo na yung kotse ng maaga na tayo makarating ng Tagaytay!" Sagot niya. Binuksan ko na ang kotse at pinasakay siya sa shotgun seat. Umikot na ko pasakay sa driver's seat at nagsimula na magmaniobra paalis sa parking. Binuksan niya na yung milktea niya at sinimulan itong inumin. "Love, pabukas nga din po nung milktea ko." Ani ko. "Okay." Sagot niya at binuksan yung isa pang milktea at inabot sa akin. Kahit papaano ay nakatulong ito upang mapakalma ako. Ng makarating kami sa Robinson's ay pinark ko na ang kotse ko. "Magkita na lang tayo sa tapat ng supermarket Love." Ani ko. "Sige." Sagot niya at nauna na bumaba sa akin ng kotse. Tinext ko na yung seller nung bouquet na nandito na ako sa meeting place.
09*********
Sa tapat na almg po tayo ng jollibee magkita.
Agad naman akong pumunta sa tapat ng jollibee. "Sir Ken?" Tanonf sa akin nung isang babae na may katamtamang laki at maiksi ang buhok. "Yes?" Sagot ko. "Eto na po yung bouquet niyo." Sagot niya at inabot sa akin yung bouquet. "Thank you." Sagot ko at inabot sa kanya yung bayad. "You're welcome Sir." Sagot niya at tumalikod na sa akin at naglakad palayo. Pumunta naman ako sa tapat ng supermarket ng mall. Sigurado akong saglit lang siya dahil chips lang naman ang bibilin niya. After fifteen minutes lumabas na siya ng supermarket. Bakas sa mukha niya ang gulat ng makita ako. Lumapit ako sa kanya. "Love." Ani ko. "L-love. Ano yan?" Sagot niya. "For you. Alam ko matagal mo na 'tong gusto." Sagot ko. "Ehhhh. Thank you." Sagot niya at niyakap ako. "Anything for you my love. Let's go baka hindi natin abutan yung sunset sa Tagaytay." Sagot ko. Naglakad na kami palabas ng mall. Ng makasakay kami ng kotse ay nagulat ako umiiyak nanaman siya. "Oh bakit?" Tanong ko. "Love, sobra na eh. Bakit ganoon? Magbrebreak na lang tayo gagawin mo pang memorable." Sagot niya. "Syempre. I'm hoping na kahit lumipas ang matagal na panahon maalala mo pa rin ako. I am giving you your best yet painful memory." Sagot ko. "Paano ba naman kita makakalimutan? Three years kitang inantay eh." Sagot niya. "Hay nako Love." Sagot ko at nagsimula nang magdrive. Tamang soundtrip lang habang biyahe. 12:30 pm na kami nakarating sa Tagaytay. "Saan tayo maglalunch?" Tanong niya. "Balay Dako tayo. Masarap dun." Sagot ko. "Sige. Di pa ko nakakain dun eh." Sagot niya. Nagdrive na ako papunta sa nasabing restaurant. Umupo kami sa isang table for two. Agad namang may lumapit na waiter sa amin. "Good afternoon Sir. May I take your order?" Tanong niya. Tumingin muna ko sa menu card na nakahanda. "1 beef caldereta and 1 bulalo." Sagot ko. "For drinks Sir?" Sagot niya. "2 manggo juice." Sagot ko. "Ok Sir." Sagot niya at umalis. "Ken picture tayo!" Aya niya. Nagpicture kaming dalawa. "Sa phone ko naman." Sagot ko. Nagpicture kaming dalawa gamit ang phone ko. Pa portrait para gagamitin kong wallpaper. Maghihiwalay na lang din kami might as well keep her in my phone. Isinerve na sa amin yung mga pagkain. Nagsimula na kami kumain. "Kain ka madami Love. Aakyat tayo bundok eh HAHAHAHA." Ani ko. "Opo. Masarap inorder mo eh." Sagot niya. Hindi niya nga ako binigo at marami nga siyang nakain. Para ngang siya lang mag isa kumakain eh. Ng makasakay kami sa kotse ay hihinga hinga na siya. "Love, mga after 2:30 na tayo magtrekking please di na ko makahinga sa sobrang busog eh." Aniya. "HAHAHAHAHA. Sabi ko kumain ng marami hindi bunsulin ang sarile!" Sagot ko. "Masarap talaga eh." Sagot niya. "Oo nga eh. Muntik mo na nga maubos yung kaldereta eh. Tapos muntik mo na tuyuin yung bulalo." Sagot ko. Kasi naman halos kalahati nung pot nung bulalo hinigop niya yung sabaw. "Love naman! Pinagtritripan pa ko!" Sagot niya. Napailing na lang ako at nagsimula na magdrive papunta sa pagtretrekkan namin. Ng maipark ko ang kotse fifteen minutes kaming naupo muna sa loob. "Love, let's go?" Aya ko. Tumango naman siya at bumaba na ng kotse. May iba pa kaming kasabay na turista sa sa pagtretrekked. Nakasunod lang kami sa kanila dahil iisa lang ang tour guide namin. "Pwede na po kayo magpicture picture dito. 6 pm po baba na tayo." Ani ng tour guide na lalaki. Tango lang ang isinagot namin at nagkanya kanyang punta na sa mga part na gusto namin puntahan. Napili namin ni Ems dun sa place kung saan kami nagpicture magkakaibigan nung nag-trekked din kami last time.
Emily's POV
Tagaytay is the worst place I have ever went. Palagi na lang kasing masakit memories ko dito. Sana sa susunod na pagbalik ko dito maganda na memory na babaunin ko. Habang pinagmamasdan ko yung lake naiiyak ako. Itong lake kasi na 'to ang naging witness ng brotherhood and sisterhood ng seeners. Eto yung lugar na una naming pinuntahan out of town. Naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod ko. "Love? Malapit na magsunset." Aniya. Ng marinig ko ito dito na tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Parang ayoko magsunset kahit napakaganda nito sa paningin. Kasi kapag nagsunset simbolo lang nun ng pagtatapos ng relasyon namin. Relasyon an halos tatlong taon ko hinintay. "Pwede ba wag na lang magsunset?" Sagot ko. Nagsisimula nang lumubog ang araw kaya hinarap niya na ako sa kanya. "Love, I'm sorry I didn't fullfill my promise to you. I promised that you will not experience the pain again yet I inflicted it to you. Your decision of letting me go is the better than being with me. You will not experience the pain anymore. Even though I can't afford to see you in the arms of another man I will let you. Just to see your genuine smiles again. Don't think about me. Forget loving me. For the last time. I love you Love. After this day you won't see me again. Until we meet again." Sagot niya habang lumuluha. Sakit naman oh! "I will let you go Ken not because I don't love you but because this is me loving you. Until we meet again. I will love you until then. I love you too Love." Sagot ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mata ko. Yinakap niya ako. "Promise me kapag nakahanap ka ng iba gusto ko yung hindi ka sasaktan katulad ng ginawa ko. Yung hindi chaotic yung mundo. Yung gugustuhin ka ng pamilya niya. Yung hindi ka mapapagtripan dahil sa kanya. Yung night in shining armor yung datingan. Yung kaya kang ipaglaban." Bulong niya. Umiling lang ako. "Ayoko ng iba. Gusto ko ikaw." Sagot ko. "Ems, sorry." Sagot niya. "Ken, kapag nagkita tayo ulit gusto ko masayang mukha yung makikita ko ah. Yung successful na Ken yung gusto ko makita. Para sulit lahat ng sakit. Sulit lahat kasi may pinatunguhan naman." Sagot ko. "Yes. I promise. Ito yung promise ko na pagsisikapan kong matupad. Para sayo. Kasi ikaw yung inspirasyon ko sa mundong 'to." Sagot niya. "Wag para sakin. Gawin mo para sa sarili mo hindi dahil gusto ko." Sagot ko. Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "Be happy. More books to come." Sagot niya. "Pag napublish yung book ko hahanapin agad kita. Bibigay ko sayo yung unang copy non. Papasikatin kita sa mundo ng wattpad." Sagot ko. Tumawa lang siya. "Tara na po!" Aya nung manong na tour guide namin. Nagtumpok na ulit kami kasama ang iba pang mga turista. Nagtrekked ulit kami pababa. Todo alalay pa rin si Ken sa akin. Nakatulog ako sa biyahe namin. "Ems. Dito na tayo sa dorm." Paggising sa akin ni Ken. Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata. "Sorry nakatulog ako." Sagot ko. "Ok lang. Hatid na kita sa tapat ng dorm niyo." Sagot niya. Tumango ako. Siya ang nagdala nung bouquet ko. Ng makarating kami sa tapat ng pinto ng dorm namin ay humarap ako sa kanya. "I guess this is a good bye?" Aniya. Nagsimula nanaman manubig ang mga mata ko. "I guess so." Sagot ko. "Good bye my love. Always take care. Don't be sad of letting me go because I'm loving you from a far." Sagot niya. "Good bye my love. Until we meet again. I love you." Sagot ko. "I love you too." Sagot niya at niyakap ako ng napakahigpit yung tipong di na ako makakawala. Ng maghiwalay kami hinalikan niya ako sa noo, sumunod sa ilong at pang huli sa labi. Siniil niya ko ng halik. Huling halik na ito kaya tumugon na ako ng buong puso. "Good bye Love." Aniya bago ako tinalikuran at naglakad palayo sa akin. Palayo sa mga alaala namin. Kumatok ako dahil hindi ko na makuha ang susi ko sa sobrang panghihina. Si Lean ang nagbukas ng pinto. Yinakap ko agad siya. "Wala na Lean. Tapos na." Ani ko. Agad siyang gumanti ng yakap sa akin. "Shhhh. Okay lang yan. Kayang kaya mo yan lampasan ikaw pa! Eh si Emily ka." Sagot niya. Dinala niya ako sa dining area at inabutan ng tubig. "Kumain ka na?" Tanong niya ng mahimasmasan na ako. Umiling ako. Ayoko din naman kumain. Inaantok na ako. "Ayoko. Inaantok na ako." Sagot ko. Tumango lang siya. "Kaya pa?" Sagot niya. "Kakayanin." Sagot ko. "Fighting!" Sagot niya. "Fighting!" Sagot ko. Ng maubos ko yung baso ng tubig ay umakyat na ako sa kwarto ko. Bukas na lang ako magpapaalam sa kanila. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush pati nagbihis bago ako mahiga sa kama ko. Dinelete ko na yung number ni Ken sa phone ko. Pero sa messenger hindi. Nasa gc siya ng Seeners syempre hindi ako pwede magleave ayoko naman maapektuhan silang lahat dahil lang dito. Sa sobrang pagod ko kakaiyak ay hinayaan ko na lang ang sarili ko na makatulog.
A/N: Hi Bemskies! So ngayon ko lang naminimize yung thoughts ko so hanggang chapter 40 lang talaga siya. Sorry po sa naconfuse ko last a/n ko. Sorry sorry sorry. So we're down to our last two chapters HUHU. Trilogy po ito so kung ano man ang ending ibigsabihin may book 2 and 3 so chill lang at wag kayo magalit. Vote-comment-recommend! Love you all! Thank youuuu! Magvote sana kayooo! Umiiyak kaya ko habang sinusulat itong chapter na 'to HAHAHAHAHA!🤣❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top