CHAPTER 37: RAIN
Emily's POV
Ilang araw na akong walang maayos na tulog. Minsan nakakalimutan ko inumin yung gamot ko pero nakakainom pa rin naman ako. Wala pa ring kamalay-malay sila Mommy tungkol dito. Panigurado pauuwiin ako nun kapag nalaman ito. Hindi ko na sinabi dahil kaya ko naman. Hindi pwedeng palagi na lang nakadepende sa kanila ang buhay ko. Yung mga kaibigan ko naman kahit nag aalala hinahayaan na lang ako. Naisip ko na pumunta muna sa malapit na convinience store para bumili ng ice cream at tumambay malapit sa park. Hindi na ko magdadala ng phone dahil pare-pareho lang naman ang nababasa ko. Tsaka ayoko naman na palagi na lang nakadikit sa higaan. Nakakatamad din magbasa na lang buong maghapon o kaya naman magtype. Natapos ko na nga yung project loki set ko at malapit na rin ako matapos sa HIH set ko. Bumaba na ako matapos maligo at mag ayos ng sarili. "Oh Ems. Saan ka pupunta?" Tanong ni Lean. "Diyan lang sa convinience store. Tatambay din ako sa park." Sagot ko. "Oh. Sige ingat ka." Sagot niya. Tumango ako. Bumaba na ako at nagpunta sa malapit na convinience store dito sa school. Coffee crumble naman ang flavor na kinuha ko dahil ilang araw nang nag aalternate sa taste buds ko ang cookies and cream at vanilla ice cream. Kanina nagsimula ang rehearsals at wala si Ken. Nasa list pa naman siya ng honors pero wala siya. Ako man ay nasa list kaya unang tatawagin. Sila Andy naman ay prinapractice ang gagawin ng scouts. Third honorable mention ako at best in literary arts. Awa ng diyos nakaabot ako sa ganoon. Kahit hindi na makikita ni Nanay yung medals ko ay alam kong proud na proud siya sa akin. Binuksan ko na ang ice cream ko at nagsimula nang kumain. Habang sumusubo ako ay naalala ko ang matatamis na alala namin ni Ken. Unti unting tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng mga butil ng ulan. "Nice, nakikisama ang panahon HAHAHAHA!" Pagak kong tawa. "Ano ba yan Ems para kang tanga. Umiiyak ng walang dahilan!" Pagkausap ko sa sarili. Wala na akong pake sa ulan o kung sino man. Bakit ba? Gusto ko umiyak eh! Ayoko na makikita ako ng mga kaibigan ko na ganito. Gabi-gabi na lang kasi eh! Nagsasawa na sila sigurado. Lumakas ng lumakas ang ulan hanggang sa nabasa na ang suot ko shirt. Unti-unting huminto ang mga patak. Nag angat ako ng tingin at nakita ko ang isang matipunong lalaki na naka black hoodie at may salamin sa mata. "Vince..." Bulong ko.
Vince's POV
Hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang mga luhang lumalabas sa mata niya gamit ang isa kong kamay. Ang layo niya sa Emily na naencounter ko. "Anong nangyari sa magandang Binibini ko? Bakit ka umiiyak? Hindi maganda sa isang manunulat ang lumuluhang mata." Ani ko habang pinupunasan ang mga luhang patuloy pa rin bumubuhos. Grabe naman si Ken para paiyakin ang babaeng katulad ni Emily. Umupo ako sa tabi niya di alintana ang pagkabasa ng damit ko. Wala siyang sinasabi patuloy lang siya sa pag iyak. Hinapit ko siya palapit sa akin at pinasandal siya sa balikat ko. "Iiyak mo lahat. Wag mong kimkimin. Nandito lang ako para maging sandalan mo." Bulong ko sa kanya. "Vince, ang sakit na. Ang sakit na pero wala akong magawa kasi mahal ko siya. Wala kong magawa kahit gusto kong bumitaw di ko magawa. Lahat naman ginawa ko. Pero nakuha niya pa rin itago ito." Sagot niya. "Shhhh. Maybe its fate. Tadhana ang nagdesisyon niyan para sa inyong dalawa. Kakapit ka pa ba? Kakapit ka pa ba kung alam mong sakit lang ang dulot niya?" Sagot ko. "Hindi ko alam Vince. Wala nang pumapasok sa utak ko. Para na kong manhid sa sakit." Sagot niya. "Alam mo ganyan ang magmahal Emily. Masasaktan ka talaga." Sagot ko. Kulang man ako sa experience sa opposite sex na pagmamahal pero sa pamilya ko nawitness ko na ang ganito. Kay Mama pa lang. "Alam ko naman yun eh. Pero sobra na Vince. Sobrang sakit na. Hindi ko naman ata deserve yung ganitong sakit." Sagot niya. "Alam mo kesa umiyak ka ituloy mo na lang yung novel mo. Kasi ang ganda talaga eh. Wag mong sayangin yung mga luha mo para kay Ken. Masyadong mahal ang luha ng isang manunulat para sa tulad niyang basura." Sagot ko. Totoo naman eh. Paano niya naafford na makitang ganito ang babaeng mahal niya? Bakit nakakaya niyang makita na ganito ang babaeng mahal niya? Nagpapaulan at umiiyak mag isa. Kung ako na lang sana eh. Kung ako na lang sana di kita hahayaang umiyak ng ganyan. Pero tanggap ko naman na na nahuli ako ng dating sa buhay mo. Unang pagkikita pa lang natin may kakaibang kuryente na ang dumaloy sa katawan ko. Lalo na sa mga araw na lumipas na magkasama tayo. Nahuhulog ako sayo. Lalo na nung nabasa ko yung gawa mo. Hindi ko maipagkaila na napahulog niya ang isang Vincent David Sawyer. Wala pang babae ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko sa pamamagitan ng pagtingin lamang. Hindi ko akalain na sa kapwa ko manunulat ako mahuhulog. Hindi ko nakita ang sarili ko na mahulog sa isang writer na katulad ko pero nagkamali ako. Iba talaga kapag writer ang minahal mo. Pero sa kaso ko may iba siyang paksa. Kailangan magpigil ako bago ko siya kuhanin sa lalaking mahal niya. Niyakap niya ako bigla na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. "Ang lamig." Aniya. Niyakap ko siya pabalik ngunit nagulat ako sa naramdaman ko. Sobrang init niya. Hindi normal na temperatura ng katawan. Hindi na ako nagdalawang isip na buhatin siya. Wala naman nang ulan. Sinarado ko muna ang payong ko at mabilis siyang binuhat papunta sa kotse ko. Galing kasi ako ng mall ng makita ko siya dito, magisa at basa ng ulan. Inilagay ko siya sa shotgun seat ng kotse ko at sineatbeltan siya para safe. Sumakay na ako. Pinatay ko muna ang aircon bago ako nagsimula magmaneho. Ng makarating ako sa tapat ng dorm ay pinark ko muna ang kotse ko at binuhat siya papunta sa dorm nila para mabihisan at maasikaso ng mga kaibigan niyang babae. Di ko naman siya pwede bihisan dahil baka kung ano pang magawa ko. Nagdoorbell ako. Ilang saglit lang ay si Zoe ang nagbukas ng pinto. "Hala. Pasok ka Vince. Sa taas gitnang kwarto yung kwarto niya." Sagot niya. "Andy! Si Emily!" Sigaw naman niya sa mga kasama nila sa dorm. Nagmamadali naman bumaba si Andy. "Hala. Tara dun sa kwarto niya. Lean, maghanda ka ng maligamgam na tubig tsaka bimpo." Saad niya at tinulungan ako na ihatid si Emily sa kwarto niya. "Salamat Vince. Paano mo ba siya nakita?" Tanong ni Andy ng mailapag ko si Emily sa kama. "Galing ako ng mall pero nakita ko siya nakaupo sa isang bench sa park. Nag iisa eh umuulan na ng malakas kaya nilapitan ko siya pero nakita kong umiiyak siya kaya pinayungan ko siya minutes after niyakap niya ko tapos ang init niya." Sagot ko. "Ahh. Thank you. Sige na pwede ka na lumabas bibihisan ko na siya." Sagot niya. Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Nakasalubong ko naman si Lean na papasok ng kwarto. "Mag uusap tayo." Bulong ko. Tumango lang siya. Bumaba na ako sa sala nila. Nandoon si Zoe at Sandra. "Bakit basa ng ulan si Ems?" Tanong ni Sandra. "Oo nga tapos mukhang mugto pa mata." Ani naman ni Zoe. "Nakita ko siya sa park na nagpapaulan." Sagot ko. Nakikain ako ng chips na nasa center table nila dahil nanunuod ata sila ni Sandra ng movie. Ng bumaba si Lean ay nauna na siya sa dining area sumunod ako. "Ano nanaman ginawa ni Ken?" Tanong ko. "Teka muna ah. Bakit curios ka?" Sagot niya. "Kaibigan ko na si Emily. At ayoko ng nakikita ang kaibigan ko na ganoon." Pagsisinungaling ko. "Tologo bo Vince?" Sagot niya. "Ano nangyari Lean?" Sagot ko. "Kasal na si Ken. Simple as that. With legitimate marriage contract." Sagot niya. Kumuyom ang kamao ko at pinipigilan ko magalit. "What the fuck? Hindi pa ba sapat yung pangtritrip ng fiancèe niya—no rather be asawa niya kay Emily at gagawin pa niyang kabit?!" Sagot ko. "Kinausap ko na siya about doon. Pero puro tanggi lang ang gago." Sagot niya. "Lean ikaw tatanungin ko. Kung magloloko ka ba aamin ka? Syempre hindi diba?" Sagot ko. "Kaya nga. Talo niya pa si Emily sa paggawa ng kwento." Sagot niya. Humanda ka sakin Ken Pietro Lizardo. Hindi ko na hahayaan na saktan mo pa si Emily. Sobra na ang pananakit mo. "Sige Lean uwi na ko. Balitaan mo na lang ako. Alagaan mo ng mabuti si Binibini ah. Ingat kayo dito." Paalam ko. Tumango lang siya kaya lumabas na ako ng dining area. "Guys, alis na ko. Ingat kayo dito." Paalam ko sa iba at lumabas na. Bumaba ako ng dorm nila. Naglakad na ako papunta sa men's dormitory kung nasaan ang dorm ko. Di na ako nagluto ng dinner dahil kumain na ako sa mall. Nakakatamad magluto eh. Naisipan kong magsulat na lang dahil wala pa akong update ngayong linggo. Two times a week ang update ko kaya in one month nakakatapos ako ng novel. I wonder kung ilang months ang ginugol ni Emily matapos lang yung unang novel niya. Kasi ako I have seven novels and all of it has a hudred thousand reads and thousands of votes. Halos three years din akong naghintay ng ganoon karami na reads. Palagi akong may goals everytime I write at hindi ako nakikipag chat habang nagsusulat dahil nadidistract lang ako. Nakikinig ako ng music while writing. Naka earphones ako. Nagtatampo na nga sa akin yung mga kaibigan ko dahil mas nakakasama ko pa daw yung laptop at outlines ko kesa sa kanila. Palagi akong may snack on the side kapag nagsusulat. Nakakagutom kasi eh. After 6 hours natapos ko na yung chapter ko. Pinublish ko na ito. Nilog out ko muna ang wattpad ko at pinatay ang laptop ko. Pasado 10 pm na pala kaya nagugutom na ulit ako. Bumaba na lang ako at nagluto ng instant noodles. Ng matapos ako kumain ay naghanda na ako para matulog. Chinat ko muna siLean para kamustahin si Emily.
Lean:
Nagbreakdown siya kanina pero kalmado na ngayon. Hinihintay na lang namin bumaba yung lagnat.
Me:
Hay. Sana gumaling agad siya. Ilang araw na lang completion niyo na. Baka mamaya di pa siya makapag martsa.
Hindi ko na nahintay ang reply niya dahil inantok na rin ako dahil siguro sa pagod magsulat kanina.
Kenneth's POV
Umuwi sila Ate Kass at Ken kaninang umaga dito at ang kumag may hang over. Ayon hindi nakapasok. 10 pm na pero di pa rin lumalabas ang kumag sa kwarto niya. Baka kung ano nangyari doon kaya kumatok na ako para ayain siyang kumain. "Ken!" Sigaw ko pero di siya sumasagot. Bumaba muna ako para tanungin kay Manang Precy kung nasaan ang susi ng mga kwarto. Ng masabi niya kung nasaan ay agad ko 'yong hinanap. Ng makuha ko ang susi ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Ken. Napakalamig na hangin ang sumalubong sakin dahil sa lakas ng aircon. Lumapit ako sa kanya to wake him up pero ang bumungad sa akin ay basang basang kama at kumot. Anong ginawa ng kumag na 'to at nagkaganito ang kwarto niya? Hinawakan ko ang noo niya. Inaapoy siya ng lagnat. Lumabas ba 'to? Tinawagan ko agad si Ate Kass dahil di ko alam gagawin. Hindi pa naman nagpapahawak 'to kila Manang Precy kapag may sakit. "Hello Ate. Nasaan ka?" Agad kong tanong ng sagutin niya ang tawag. "Pauwi pa lang ako sa condo kasi kakatapos ko lang sa shift." Sagot niya. "Pumunta ka muna dito sa bahay. Si Ken inaapoy ng lagnat at basa yung higaan niya. Nagpaulan ata." Sagot ko. "Ano? Sige. Papunta na ako." Sagot niya at binaba ang tawag. Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinagmamasdan ang kapatid ko. "Ems. Ems." Tawag niya sa pangalan ng kasintahan. Kahit may sakit na siya pa rin inaalala mo. Mangha na ko sayo. Masyado ka nga lang duwag. Hindi mo kaya maipaglaban si Ems. Sayang yung mga tiniis na sakit ni Ems para sayo. Mangha rin ako sa babae na yun. Na kahit nahihirapan at nakukumplikaduhan sa relasyon niyo di ka pa rin iniwan. Ilang sandali lang ay pumasok na si Ate sa kwarto. "Ano nangyari?" Tanong niya. "Di ko alam Ate. Ngayon lang ako pumasok sa kwarto niya at nakita kong basa yang kama at kumot niya tapos inaapoy ng lagnat." Sagot ko. Napahawak naman siya sa sentido niya at napa buntong hininga. Lumapit siya kay Ken. "Ken." Gising niya habang hinahaplos ang ang mukha ng kapatid namin. "Hmmm." Ungol niya. Halatang ayaw gumising. "Bumangon ka diyan. Basa yung kama mo tapos magbihis ka na. Basa rin yung damit mo." Sagot ni Ate. "Di ko kaya. Masakit ulo ko." Sagot niya at tumalikod kay Ate. "Pahanda mo kay Manang yung kwarto ko. Lipat natin siya doon. Tapos magpahanda ka din ng maligamgam na tubig." Utos ni Ate. Tumango ako at lumabas na ng kwarto ni Ken para gawin ang inuutos niya. "Manang Precy paayos daw po ng kwarto ni Ate Kass tapos pahanda po ng maligamgam na tubig sa plangganita at bimpo." Ani ko kay Manang na nasa kusina at kasalukuyang nagtitimpla ng kape. "Sige iho." Sagot niya at tinawag ang isa pa naming katulong para iutos na ayusin ang kwarto ni Ate na katabi lang ng kay Ken. Ng matapos ihanda ni Manang yung plangganita at bimpo ay dinala ko na ito sa kwarto ni Ate para kapag inilipat namin si Ken ay doon na lang siya punasan. Inupo muna namin siya sa gaming chair niya para mabihisan. Tinulungan ko si Ate na bihisan siya. Hindi naman siya naiilang dahil siya ang nag alaga sa amin tuwing wala sila Mama dati. Para siyang pangalawang nanay na naming magkakapatid. Tigisa kaming braso para mabuhat namin siya at madala sa kwarto ni Ate. Hiniga namin siya sa kama. Pinunasan siya ni Ate. "Ems." Paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya yun na para bang sirang plaka. Bumuntong hininga ako. Ng matapos si Ate ay binalingan niya ako. Halata sa mukha niya ang pagod. Marami siguro siyang inasikaso ngayong araw. "Mahal talaga ni Ken si Emily kaso wala tayong magawa. Kung di lang hawak nila Mama yung lawyers natin at trabaho ko kahapon pa walang bisa yung kontrata na yun." Aniya. Nagulat ako sa sinabi ni Ate. "Hawak nila trabaho mo?" Sagot ko. Tumango siya. "Binantaan nila yung scholarship ni Ems kapag nangialam ako sa kontrata." Sagot ko. Gustuhin ko man tulungan sila ni Ken pero ayoko naman na mawala yung scholarship ng kasintahan niya. Sigurado kong magagalit 'to sakin kapag hinayaan ko mangyari yun. "Grabe na sila. Di ba nila alam yung value ng pagmamahal? Handa na nga tayo na saluhin yun eh pero si Ken pa rin ang tinutulak nila." Sagot ni Ate. "Kung di ba naman baliw yung fiancée niya edi sana madali lang 'to pero pinakumplikado niya lahat eh." Sagot ko. Alam ko naman na si Ana at ang Mama namin ang may pakana nung kontrata na yun "Kailan mo natanggap yung threat?" Tanong ko. "Nung isang linggo bago ata ibigay kay Emily yung papel." Sagot niya. "Pareho tayo. May pumunta saking babae at binantaan ako na gagalawin yung scholarship ni Emily kapag pinakialaman ko yung malalaman niya." Sagot ko. Sabay kaming napabuntong hininga ni Ate. Bumabalik na yung kilala naming Ken. Yung sobrang negative, yung sobrang lamig at galit sa mundo. Pero simula nung dumating si Emily sa buhay niya nagbago siya. Naging positive yung outcome niya sa life at mas nakikipag socialize. "Bumalik na siya Ate." Ani ko. "Sinong bumalik?" Sagot niya. "Yung dating Ken." Sagot ko. "Malamang. Masyado malakas tama kay Emily eh." Sagot niya. "Anong gagawin natin?" Sagot ko. "Wala na tayong magagawa. Kahit ako wala akong magawa. Naawa nga ko kay Ken eh. Gusto ko siya tulungan kaso di ko matulungan dahil baka madamay yung hospital na pinagtratrabahuhan ko." Sagot ni Ate. "Paghahanda kita ng pagkain ate sigurado kong di ka pa kumakain." Sagot ko. "Mabuti pa nga. Magpaluto ka ng kaunting soup kay Manang para magising ko si Ken at makainom na ng gamot." Sagot niya. Tumango ako at lumabas na ng kwarto ni Ken. Pumunta ako ng kusina para iinit yung dinner na hinanda kanina. Matapos ko iinit yung pagkain ni Ate ay naginit ako ng tubig sa isang pot. Soup lang ang alam kong iluto. Ayoko naman na gisingin sila manang sa oras na 'to. Masyado na silang pagod buong araw para abalahanin ko pa ang tulog. Matapos maihanda lahat ay pumunta na ako sa kwarto ni Ate. Patuloy pa rin siya sa pagpunas kay Ken upang bumaba yung lagnat. "Ate kain ka muna." Ani ko ng makapasok. "Ako na nga pala nagluto nung soup kasi baka maabala ko pa sila manang sa pagtulog." Dagdag ko. Tumango siya at nagsimula nang kumain. Ng matapos siyang kumain ay si Ken naman ang pinakain niya at pinainom ng gamot. "Saan ka matutulog?" Tanong ko. "Dito na lang. Sa couch na lang ako matutulog baka mamaya magdeliryo 'to. Di pa naman bumababa yung lagnat." Sagot niya. "Sige. Matutulog na rin ako Ate. Maaga pa practice namin." Sagot ko. "Sige. Good night." Sagot niya. "Good night Ate. Alam kong doctor ka pero wag mo naman puyatin ang sarili mo." Sagot ko. Tumango siya at dumeretso na sa couch. Ako naman ay umalis na at pumunta sa kwarto ko. Ng makahiga ako sa kama ay nakatulog agad ako.
Sandra's POV
Naawa ako sa nangyayari sa kaibigan ko. Hindi naman siya ganito eh. Hindi ko kayang makita na ganito siya. Hindi ko maimagine na magiging ganito si Ems. Sobra niya talagang mahal si Ken kaso maraming hindrances. Maraming hadlang. Maganda sana yung love story nila kaso ang daming hadlang. Naiinis ako kasi hindi niya sinabi kay Emily. Alam niya naman na ayaw ni Emily ng sikreto eh. Tapos to think na ginawa pa niyang kabit si Emily. Di ko masikmurang tawagin siyang ganoon ng ibang tao. Dahil na nga sa pagkakaroon ng kabit nasira ang pamilya niya tapos tatawagin pa siya ng mga taong ganoon? Nagkwento siya once about sa family niya. Hindi ko na kaya yung ganoon. Masyadong mabait si Ems para maging kabit. Sobrang dami niya nang pinagdaanan tapos ganito pa isusukli sa kanya? Si Andy ang kasama niya sa kwarto dahil siya na mismo ang nagpresintang bantayan si Emily buong gabi. Kailangan may isang umabsent samin para mabantayan si Emily dahil di pa rin bumababa ang lagnat niya. Hindi naman pwedeng si Vince ang pagbantayin namin dahil di niya naman kabisado si Emily pag nagkakasakit. Mabuti nang kami na lang. Minabuti kong silipin muna sila bago ako matulog. Naabutan ko si Andy na patuloy sa pagpupunas kay Emily. "Bumaba na lagnat niya?" Tanong ko. "Hindi pa rin." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. "Sana maging okay na siya. Malapit na yung completion." Sagot ko. May honors pa naman siya. "Oo nga eh. Matulog ka na. Past 10 pm na. Ako na bahala kay Ems. Ako na lang din aabsent. Kayo na lang nila Lean ang pumasok." Sagot niya. Tumango ako. She's always been like that. Emily's personal nurse and our comforter. Pero kahit minsan hindi ko siya nakitang maging mahina. Umiyak ng dahil sa ibang tao. Namamangha ako sa gano'n niyang pag uugali. Minabuti kong matulog na lang kesa magwattpad dahil baka abutin ako ng umaga dito. Nagising ako ng 5 am. Ginawa ko ang morning routine ko. Matapos kong iayos ang aking sarili ay bumaba na ako. Naabutan ko si Lean na nagluluto na. Kaya ako na ang naghain sa lamesa. Nagtimpla na din ako ng kape ko. "Morning Lean!" Bati ko matapos ko maghain. Hindi ata naramdaman ni Lean ang presensiya ko. "Morning." Sagot niya at isinalin ang sinangag sa bowl. Napansin kong may kaunting sopas sa maliit na pot sa kalan. Para siguro kay Ems yun. Inilagay ko na ito sa lamesa. "Kamusta tulog mo?" Tanong ko. "Okay naman. Kinakabahan ako sa rehearsals. Wala pa naman si Ems." Sagot niya. "Ok lang yan. Nandito naman kami eh." Sagot ko. "Good morning guys." Bati ni Zoe. "Good morning Zoe!" Sagot ko. "Morning." Tipid na bati ni Lean. "Good morning." Bati naman ni Andy. "Morning Ands!" Sagot ko. "Morning." Tipid namang sagot nila Lean at Zoe. Bakit parang ang lata nila? "Ano nangyari sa inyo guys? Bakit ang lata niyo?" Tanong ko. "Wala naman. Nalulungkot lang ako kasi matatapos na yung term ko sa SC. Tapos grade eleven na si Kuya Kenneth kaya bihira na kami magkikita." Sagot ni Zoe. "I'm worried about Emily's situation." Sagot naman ni Andy. "Kinakabahan lang talaga ko sa rehearsals." Sagot naman ni Lean. "Kalimutan niyo muna lahat ng yan and start your day with positivity! Nilagnat lang si Ems naging ganyan na kayo! Ano ba yan?!" Masiglang sagot ko. Walang epekto ang naging sagot ko sa kanila. Tahimik lang silang umupo sa kanya kanya nilang pwesto at kumuha ng pagkain. Naunang matapos kumain si Andy. Agad niya namang inayos ang pagkain ni Emily. "Keep safe guys. See you later." Paaalam ni Andy sa amin bago lumabas ng dining area dala ang pagkain ni Ems. Tumango na lang kami. Matapos kumain ay tumulong ako kay Lean sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Matapos magurong ay bumalik ako sa kwarto ko para magtoothbrush at kuhanin ang bag ko naglalaman ng laptop. Yun lang naman ang palagi kong dala dahil nanunuod lang naman ako ng mga k drama every free time ko. Ayoko sa phone dahil maliit. Sumilip muna ako sa kwarto ni Ems para magpaalam. Inabutan ko namang kumakain ng sopas si Ems. Mukhang bumaba na ang lagnat niya. "Bye Ems and Ands. Ingat kayo dito. Get well now Ems." Paalam ko. Tumango lang sila pareho kaya tumalikod na ko at sinara ang pinto. "Kamusta si Ems?" Tanong sa akin ni Zoe ng makababa ako. "Bumaba na ata yung lagnat kasi nakakaupo na eh." Sagot ko. "Grabe talaga epekto ni Ken kay Ems. Lakas. To the point na magpapaulan na siya." Sagot niya. "Maybe kasi guys kay Ken lang nahanap ni Ems yung comfort. Alam niyo naman yung nangyari sa buhay niya diba?" Singit ni Lean. "Ang sakit nun. Yung sarili mong comfort sinasaktan ka." Sagot ko. "Well Sands its part of loving someone. Kapag nagmahal ka nandiyan na yung point na magseselos ka, masasaktan, at iiyak ng sobra pero in the end sa kanya ka pa rin mapupunta kasi mahal mo. Ganoon ang love. Kita niyo si Ems? Kahit anong pigil natin sa kanya kay Ken pa din siya umuuwi. Kasi si Ken lang ang nakapag paramdam sa kanya ng kakaiba na kahit tayo di natin mapaparamdam sa kanya." Sagot ni Lean. Napapalakpak na lang kami ni Zoe sa sagot niya. "Pwede nang pang miss universe." Sagot ni Zoe. "That's the result of being understanding and matured. Tara na nga. Malelate na tayo." Sagot niya. Nauna na siyang lumabas sa amin. Sumunod na lang kami sa kanya. Ng makarating kami sa school agad kong hinanap si Ivan. Hindi ata kami sinalubong kanina doon sa gate. Hindi rin nagchat sa akin kagabi. Siguro nag ml nanaman. Pinagsawalang bahala ko muna siya at pumunta na sa room namin para maglog in. Paglabas ko hinahanap pa rin ng mga mata ko si Ivan. Napahinto ako ng makita siya lalapit sana ko ng makitang may kausap siyang babae. Mahaba ang buhok katulad ni Ems pero syempre mas maganda si Ems. Chinita, at masaya ang kislap ng mga mata tuwing titingin kay Ivan. Umirap na lang ako sa hangin. Kaya naman pala. Busy sa bago niya. Hay nako. Wala silang pinagkaiba ni Ken baka mamaya malaman ko na lang ikakasal na rin siya. Or kinasal na pala siya. Ng mapatawid ang tingin niya sa banda ko ay agad akong tumalikod at humarap sa mga tao sa baba ng building namin. "Sandra!" Tawag niya. Nakangiti ko naman siyang nilingon pero sa loob loob ko gusto ko na siyang sapakin. "Ivan! Bakit late ka?" Sagot ko. "Ay sinundo ko pa kasi si Anne. Pinsan ko. Gusto kasi niya makita yung building natin eh." Sagot niya. Pinsan? Jusko naman Sandra di ko alam na magiging ganito kababaw pagseselos mo. "Hi Sandra. Nice to meet you." Bati sa akin nung Anne. "Hi po. Nice to meet you." Sagot ko. "Ang ganda mo talaga. No wonder kaya ka nagustuhan nitong pinsan ko." Sagot niya. "Ay HAHA. Di naman po. Mas maganda ka." Sagot ko. "Drop the "po" word hindi naman ako ganoon ka tanda." Sagot niya. "Ay HAHA." Awkward kong sagot. Di ko alam paano pakikisamahan yung pinsan niya. Mabuti na lang dumating si Vince. "Good morning Vince!" Bati ko para makaiwas sa awkwardness sa pagitan naming tatlo. "G-good morning." Sagot niya at tuloy-tuloy na pumasok. Antipatiko din yung carbon copy ni Emily ah. Yes. Carbon copy ni Emily ang tawag ko sa kanya dahil halos pareho sila ng ugali. Ang kaibahan nga lang nila malamig ang pakikitungo ni Vince sa iba. Well except for us. Unlike Ems na kapag naging classmate mo ramdam mo yung init niya sa pagtanggap. Lumabas na si Zoe at Lean sa room. "Uy Ivan sino yan?" Tanong ni Zoe. "Ah si Anne. Pinsan ko. Anne si Zoe tapos si Lean mga kaibigan ko." Sagot niya. "Hi. Nice to meet you both." Sagot ni Anne. "Nice to meet you." Tipid na sagot ni Lean at nakipag kamay. Naasiwa ako sa tingin ni Anne. Para kong ine x ray. "Anne, let's go. Hatid na kita sa building mo. Rehearsals namin ng umaga eh." Aya ni Ivan. "Building? Anong grade ka na ba?" Bulalas ni Zoe. Nako po. Umiiral nanaman ang pagkatsismosa ni Zoe. May pagka tsismosa rin 'to eh. "1st year college. HRM student." Sagot ni Anne. "Ahh." Sagot ni Zoe. "Ah guys. Hatid ko muna si Anne sa building nila ah." Paalam ni Ivan. Tumango lang kami. Ng tumalikod sila pinaulanan ako ng matalim na tingin ng dalawa kong kaibigan. "Bakit?" Tanong ko. "Nagselos ka noh?" Sagot ni Zoe. "Oo nga Sandra. Nagselos ka noh?" Segunda naman ni Lean sa sinabi ni Zoe. "Hindi ah!" Tanggi ko. "Nakita ko kaya kanina kung paano umasim yung mukha mo nung nakita mo si Ivan na may kasamang ibang babae." Sagot ni Lean. "Ha? Paano mo ko nakita eh naglolog in ka kaya kay Sir Airone." Sagot ko. "Well kanina pa kita pinapanuod." Sagot niya. "HAHAHAHAHHAHA. Nagseselos si Sandra!" Asar ni Zoe. "Hindi nga!" Sagot ko. "Huuuuuuu! Aminin! Nagseselos ka sa pinsan niya." Segunda ni Lean. Hay nako nagkasapak nanaman sa ulo ang mga kaibigan ko. Mabuti na lang at tinawag na kami ng mga advisers namin kaya natigil sila sa pang aasar. Pumila na kami by section at bumaba na para sa rehearsals ng completion.
Andy's POV
I don't know what to do last night. She's burning with fever and breaking down at the same time. She cries at her sleep and finds Ken whenever she wakes up. I'm sad because I can't give her Ken. I don't wanna hurt her. She deserves more than Ken. She deserves someone who can fight for her and will never deny her in front of others. Someone who will never make her cry under the rain. I don't know how Ken can afford to make her miserable like this. She's in pain yet she managed not to let it out. She managed not to be burden to us. Watching her peacefully sleeping today makes me relived because she's not crying anymore and her temperature drops slowly. I will never get tired of taking care of this beautiful lady. She's worth the care. Kung hindi man siya kaya alagaan ni Ken at least ako at ang mga kaibigan namin maparamdam man lang na may nag aalaga sa kanya. "Ken." She called again his name for the nth time. I thought she will not think about him. "Ems. Its just a dream. Don't think about him. Rest." I answered. I think she heard what I said so she stopped and turn her back at me. Siguro pwede na ko maka idlip. Tulog pa naman siya. Humiga na ako sa couch ng kwarto niya at umidlip. When I woke up its already 12 pm and when I glanced at the bed Emily's not there. Where did she go? I immediately went down just to see her cooking. "Why are you cooking? Aren't you aware that your sick!" I shouted. "Wag ka na mag alala Ands. Okay na ko. Di ako mabibinat. Chill." She answered. Chill?! How can I just chill my head if she's doing the chores? I sighed in defeat. "Tutulungan na lang kita." I answered. "Wag na. Maupo ka na lang dun. Alam kong napagod ka sa pagbabantay sa akin kagabi." She answered. Even though this is against my will I sat down at the dining area. She set the table for the two of us she even served me like a princess. Oh my god. "Paki balik nga po si Ems." I said. "HAHAHAHAHA. Ako 'to si Ems." She answered with a fake laugh. She's making the things she used to do before. I sighed and started eating. "Pwede ka pa humabol sa klase Ands. Its only 12. Kaya ko sarili ko." She said. "No. Kakagaling mo lang sa sakit tapos papasukin mo ko sa school? Adik ka ba?" I answered. "Hindi. Pero ayoko na ng nakakaabala ng tao." She answered. "Hindi ka abala Ems." I answered. "Eh. Ayoko naman na umabsent ka para sakin." She answered. "Hay. Hindi kita pwede iwan dito noh!" I answered. "Okay. Ayaw mo pumasok edi mag netflix na lang tayo. Nood tayo stranger things." She answered. "Wow. Sounds great. Let's do it!" I answered. I prepapared the chips and drinks that we will eat for the movie and i helped her washing the dishes. After that we went to our living room. I set up the tv and we watched all day. We only stopped when our friends got home. "Hi guys!" Sandra's voice echoed the whole unit. "They're here." I captured Emily's attention but she's all eyes on the tv. I only smiled at them. "Oh Ems. Okay ka na?" Zoe asked. She just nodded without glancing at Zoe. She's too focused on watching. Its a fantasy series not romance so why she's paying too much attention to it? "Bihis lang ako tapos magluluto na ko dinner." Lean said before going upstairs. Followed by Sandra and Zoe. When they are all out of my sight I glanced at Emily. She's now crying. I glance at the tv but the actors of the film are'nt making any drama at all. I went close to her and hugged her tight. "I know your in pain. I'm just here." I whispered. After a few moments Lean and Sandra are now preparing our dinner and Zoe is beside me watching. "Kain na guys!" Sandra called. We immediately go the dining area. The whole dinner is full of laughter just like before but Emily seems so pre occupied. I turned the tv off before going upstirs and make sure that all the doors are closed. After that I glanced at Emily's room. Finally she's now sleeping peacfully after days of hearing silent sobs. I think the rain helped a lot. Thanks to it. After watching her for a few minutes I closed the door and go to my room. I brushed my teeth and make my night routine. Then I went to bed. Tomorrow is another day. Another rehearsal and boring day.
A/N: Sinipag ako magsulat eh! Salamat sa group page ni Ate Demi HAHAHAHA! Konti na lang guys 1k! Thank you so muchhhh! At dahil mahal ko kayo gagawin ko nang 45 chapters ang kwentong ito! Ayoko kasi ng nabibitin kayo eh HAHAHAHAHAH! Vote-comment-recommend! Love you all!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top