CHAPTER 36: NO CHOICE

Ivan's POV
Ang weird ng mga tao ngayon. Ang distant nila kay Ken at ang lamig ng pakikitungo. Si Emily naman na girlfriend niya 24/7 nakaharap sa laptop at mukhang puyat pa. Si Sandra naman di ko makausap dahil busy sa phone niya din. Si Ken mukhang nagtataka sa nagaganap sa paligid niya. "Ivan, ano meron?" Tanong niya. "I don't know. Kaninang umaga pa sila ganyan eh." Sagot ko. "Let me ask you Ken. What's wrong?" Singit ni Andy sa amin na may matalim na tingin. "Ha? Bakit ako tinatanong mo? I don't know what happened to all of you yesterday." Sagot ni Ken. "Ivan. Let's talk." Tawag ni Sandra sa akin sa pinakamalamig niyang tono. Agad bumadha sa mukha ko ang pagtataka kasabay nito ang pag abot ni Lean ng isang envelope kay Sandra na nakatingin kay Ken. Nagkibit balikat lang si Ken at ako naman ay sumunod kay Sandra na nakalayo na sa kanila. "Ano ba yun Sandra ko? What's with your sudden cold attitude? Di ka naman ganyan ah!" Singhal ko. "Ayan. Basahin mo yan!" Sagot niya. Agad kong binuksan ang envelope. May marriage contract at mga short bond papers na may screenshot ng messages. Binasa ko ito at surprisingly kay Ken ang marriage contract. May pirma ito. Pirma niya at ni Ana. Pero paanong nakapirma si Ana ng legal document kung minor ito? Hindi ba 17 pa lang ata ito. "It can't be real. Hindi pa pwede pumirma ng legal document si Ana. 17 lang siya." Sagot ko. "Hindi Ivan. Pwede na. Ka edad niya si Ken. Hindi mo ba alam yon? Late sila pareho ni Ken nag aral kaya grade nine pa lang sila. Gusto mo pa ng proof bukod sa mga yan? Search mo Nicole Arthur." Sagot niya. Agad kong kinuha ang phone ko at sinearch ang nasabing pangalan. Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko. Hindi pwede 'to. Imposible. Engaged lang si Ken hindi kasal. "Imposible." Sagot ko. "Ivan kahit kapain mo pa yung marriage contract may stamp. Ibigsabihin napa notaryo na ito at pinasa ng korte." Sagot niya. "Hindi. Kinausap niyo na ba si Ken about dito?" Sagot ko. "Hindi pa. Si Lean ang makikipag usap sa kanya. Mas matured kausap si Lean kesa sa amin." Sagot niya. "Eh kamusta si Emily?" Tanong ko. "Hindi namin mapigil na hindi gumamit ng laptop. Buong maghapon naglalaptop at hindi lumalabas ng kwarto. Nung sinundo lang siya ni Kuya Mark tsaka lang siya nag ayos ng sarili niya." Sagot niya. I'm sure she's tired as fuck. Also Ken has a reason I don't know but I know he has one. "Naniniwala ba talaga kayo diyan sa contract na yan? Malay niyo binayaran lang yung judge para maipasa yan." Sagot ko. "Pinacheck na namin yung legitimacy niyan sa munisipyo at sa tito ni Lean na lawyer parehas lang ang sinabi sa amin. Legit yung contract na yan." Sagot niya. "But its dated a month after Ken's birthday. Imposible namang nakapirma agad don si Ken kasi panigurado marami siyang mga dinaluhang events. Paano siya magkakaoras pirmahan yan? Tsaka kasagsagan yun ng periodical exam natin. So paano niya mapipirmahan yan?" Sagot ko. "Di ko alam Ivan. Si Ken lang naman ang makakasagot ng lahat ng yan eh." Sagot niya. "Pakinggan niyo muna yung side ni Ken bago kayo magreact ng ganyan." Sagot ko. "Ivan, kaibigan mo ba talaga kami? Kasi mukhang mas kampi ka pa kay Ken eh!" Sagot niya. "Wala akong kinakampihan. Iniintindi ko ang both sides." Sagot ko. "Well, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon ni Ems?" Sagot niya. "Nahihirapan at nasasaktan ako para sa kanya pero di ako pwede magreact basta na lang ng di ko naririnig ang side ni Ken." Sagot ko. Natuto na ko sa nangyari dati. Ayoko na lang na basta manapak ng tao. May dahilan lahat ng bagay. Yun ang natutunan ko sa love story ni Emily at Ken. At naiintindihan ko si Ken dahil parehas ng kalakalan ang pamilya namin. Ang kaibahan nga lang ako may karapatang pumili at siya ay wala. Alam kasi ng pamilya ko ang kahalagahan ng pagmamahal. "Eh anong gagawin niyo?" Bigla ay tanong ko dahil masyado nang mahaba ang katahimikan. "Wala sisikapin namin na huwag nang madagdagan pa yung binubuhat ni Emily. Tsaka sisikapin rin namin na huwag nang madagdagan pa yung kasinungalingan ni Ken." Sagot niya. "Malay niyo di naman pala nagsisinungaling si Ken." Sagot ko. "Alam mo Yelo ang laki ng pinagbago mo. Dati sinapak mo agad si Ken nung hinalikan niya si Ana tapos ngayon pinagtatanggol mo na." Sagot niya. "Sandra ko dati yon. Alam mo naman dati na ano diba?" Sagot ko. "Ahhh. Nagselos ka." Sagot niya. "Sinasaktan mo lang sarili mo. Wag na nga natin pag usapan yun. Friends lang tingin ko kay Ems ngayon noh!" Sagot ko. "Wala. Nagseselos na ko." Sagot niya. "Sandra ko naman! Hindi ko na nga gusto si Ems! Friend mo si Ems pero pinagseselosan mo. Para kang timang!" Sagot ko. "Sandra! Ivan! Tara na! Canteen tayo!" Sigaw ni Zoe. "Sige! Sunod kami!" Sigaw ko. Tumango lang siya at tumalikod na samin. "Sandra ko. Wag ka na magselos kay Ems. Alam mo namang mahal niya si Ken diba?" Ani ko. "Hay. Hirap magtampo sayo ang galing mo manuyo!" Sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Rurupok ka talaga sa panunuyo ko. HAHAHA." Sagot ko. "Tara na nga." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa canteen. Ganoon pa rin ang scene. Nawala si Lean at Ken pero naroon si Vince. Bali si Vince, Zoe, at Andy lang ang nasa table. Nauna na sakin na maupo si Sandra kaya sumunod na ako sa kanya. "Kumain na kayo guys?" Tanong ko sa kanila. "Not yet." Sagot ni Andy. "Umorder na ba kayo?" Sagot ko. "Di pa." Sagot ni Zoe. "Ahhh. Kami na lang ni Vince mag oorder." Sagot ko. Tinignan naman ako ng masama ni Vince. "Oorder tayo ng matutunan mo kalakalan ng canteen dito!" Singhal ko. "Hay. Panira 'to! Nagsusulat ako eh!" Sagot niya pero tumayo din. Parang narinig ko si Ems sa dialogue niya. Ganyan din magreact si Ems kapag nagugulo siya sa pagsusulat niya. "Binibini, anong gusto mo?" Tanong niya kay Ems. "Ice cream. Specifically cookies and cream." Sagot ni Ems na sa laptop pa rin ang tingin. "Pero Ems. Di ka pa kumakain ng agahan." Sagot ni Zoe. "Tsaka carbonara." Dagdag naman ni Ems at nag abot ng pera kay Vince. Tipid lang na ngumiti sa amin si Andy. "Ok. Ikaw Zoe?" Baling ni Vince kay Zoe. "Ako na lang oorder nung sakin! Ayoko na ikaw mag oorder! Baka mamaya may COVID ka mahawa pa ko!" Sagot ni Zoe. "Grabe ka naman Zoe. Sa gwapo kong 'to magkakacovid ako?! Let me remind you may sarili kong hospital noh!" Sagot ni Vince. "LizVince is the new SaIvan." Sagot ni Andy. Pumalahaw naman kami ni Sandra ng tawa. "Yuck! Kay Kuya Kenneth na lang ako kesa diyan!" Sagot ni Zoe at nag walkout. "HAHAHAHAH. Pikon naman ng kaibigan niyo na yun!" Ani Vince. "Tatawa ka na lang ba diyan Ginoo? Akala ko ba oorder kayong dalawa? Bakit nakatanga pa kayo dito?" Singit naman ni Emily. "Sakin chips at soda lang!" Ani Sandra. Tumango ako. "Sayo Ands?" Baling ko kay Andy. "Burger and soda." Sagot niya at nagabot ng pera. "Tara Vince." Aya ko. Sabay kami na naglakad papunta sa bilihan ng pagkain. Ang lagkit ng tingin ng mga tropa ni Ana kay Vince. "Vince, lagkit makatingin ng mga babae na yun oh." Ani ko dahil naasiwa na ako sa mga tingin nila. "Di ko sila type." Sagot niya. "Eh anong klase ba ng babae type mo?" Sagot ko. "Katulad ni Emily." Sagot niya. Natigilan ako. "Joke lang! May Ken na yon! Bawal manggulo HAHAHAH. Basta." Sagot niya. Pero alam kong peke ang tawa na yun. Kasi kanina nakita ko kung paano titigan ni Vince si Emily. Malagkit na may pagkamangha. Iwinaksi ko na lamang ang iniisip ko sa lalaking kasama ko at umorder na. Matapos umorder ay hinintay ko lang si Vince at pumunta na kami sa table. Sabay na nilalantakan ni Emily ang ice cream at carbonara. Masyado atang broken hearted kaya ganito. Well ok na din yung ganto siya kesa naman sinasaktan niya yung sarili niya. Kumain na lang ako ng inorder ko.

Lean's POV
Hanggang ngayon nakatitig pa rin si Ken doon sa marriage contract niya. "Hindi ako pumirma niyan." Tanggi niya. "Ken, legitimate papers yan. Anong hindi ikaw?" Sagot ko. "Walang nakarating na ganyang papel sa akin 1 month after ng birthday ko." Sagot niya. Well syempre itatanggi niya. Siya pa ba eh dakilang magaling gumawa ng kwento yan. Talo niya pa si Emily sa sobrang galing. Kinuha ko ang phone ko at pinakita sa kanya yung mga sinave kong wedding pictures niya. "Eh eto Ken. Ano 'to?" Sagot ko. "No! Edited yan! Hindi pa ako kasal! Hinding hindi ako magpapakasal kay Ana!" Sagot niya. Bumuntong hininga ako. Ayoko nang makipag talo kay Ken kung palagi niya na lang itatanggi lahat. "Ken, kotang-kota na kami sayo. Kami napapagod para kay Emily eh. Gabi-gabi na lang siya umiiyak dahil diyan eh. Alam mo kung gaano siya kagalit sa mga kabit tapos gagawin mo pa siyang ganoon!" Sagot ko. Minsan nang naikwento sa akin ni Emily ang nangyari sa pamilya niya. Nasira ang pamilya niya dahil sa pakikiapid ng isang babae sa ama niya.  "Bakit ba ayaw mo maniwala sakin? Edited nga yan!" Sagot niya. "Yung wedding photos edited tapos yung marriage contract legitimate! Ako ba'y pinagloloko mo?! Pinacheck namin yan sa abogado Ken!" Sagot ko. "Si Ate Kasaandra kasama ko a month after ng birthday ko. Kasagsagan yun ng periodical exam natin kaya paano ako makakpirma ng ganyan?" Sagot niya. "Ken. Stop the excuses please. Sabihin mo na yung totoo. Awang-awa na kami sa kaibigan namin Ken." Sagot ko. "Lean hindi ako nag eexcuse sayo. Totoo ang sinasabi ko." Sagot niya. "Ewan ko sayo Ken. Ang gusto lang namin hindi na masaktan ang kaibigan namin. Nahihirapan na kami para sa kanya. Alam mo bang halos hindi na yun lumabas ng kwarto niya? Ha?" Sagot ko. Natigilan siya sa sinabi ko. Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya. "Una na ko Ken. Pupuntahan ko na sila. Baka hinahanap na ko." Paalam ko. Tumango naman siya kaya tumayo na ako at iniwan siya sa garden. Katulad ng scene na iniwan ko ganun pa rin sila mga busy sa phone. Lahat kami alam na maliban sa malandi kong pinsan. Ayoko na paalam sa kanya baka mamaya itake advantage niya si Emily. "Saan ka galing Lean?" Tanong ni Vince. "Diyan lang. Bakit?" Sagot ko. "Wala lang. Namiss lang kita." Sagot niya. "Yuck Vince!" Sagot ko. "Bakit? Namiss naman talaga kita eh!" Sagot niya. "Tigilan mo nga ko! Nakainom ka ba?" Sagot ko. "Hindi! Pero namiss lang talaga kita." Sagot niya. "Kadiri Vince! Sa mga babae mo lang yan sinasabi eh! Pinsan mo ko Vince di tayo talo!" Sagot ko. "Eto naman di ka maasar!" Sagot niya. Kahit nag kakaingay na kaming dalawa dito wala pa ring pakialam si Emily. Nakatutok lang siya sa laptop niya. "Alam kong may alam kayong lahat di na lang ako nagtanong." Ani Vince na nakatingin din pala kay Emily. "Sa amin na lang yun. Wag ka nang umextra." Sagot ko at dumukot sa chips na kinakain ni Zoe. "Lean naman! Umorder ka na lang!" Reklamo niya. "Patikim lang. Para may silbi yung pang iinis mo Vince order mo ko." Sagot ko. "Pati ba naman ikaw Lean?!" Sagot niya. "Oh bakit?" Sagot niya. "Aish! Ano gusto mo? As if naman makakatanggi ko sayo!" Sagot niya. "Wag nga kayo magsimula ng argumento ngayon Vince. Ang ingay." Reklamo ni Emily. "Sorry Ems." Sagot ko. Tumango lang siya at ngapatuloy sa tinatype niya. "Tayo na diyan Vince! Bili mo na ko burger, fries at soda!" Sagot ko. "Bawal sayo yan ah!" Sagot niya. "Konti lang naman. Di ko naman ikamamatay kapag kumain ako ng isang burger at ilang pirasong french fries! Bili mo na ko!" Sagot ko. Wala siyang nagawa kundi tumayo at bumili ng gusto ko. Napansin kong pinagtitinginan siya ng mga tao lalo na ng mga babae. Nagtataka nga ko kung bakit may mga nagkakagusto sa kanya eh demonyito 'to at hindi matimpla ugali pero kahit ganoon siya mahal ko siya. "Eto na po mahal na prinsesa." Aniya at padabog na inabot sa akin yung pinaorder ko. Nilingon agad kami nung mga babae sa malapit na table sa amin. "Thank you Vince." Sagot ko. Pinalandi ko talaga yung boses ko para inisin yung nakatingin samin.

"Diba magpinsan sila?" Rinig kong bulong nung isa.
"Oo nga. Nilalandi pa ni Lean. May Kate na may Vince pa. Timer." Sagot naman nung isa. Pumalahaw ako ng sarkastikong tawa at tumingin sa kanila. "Excuse me. Hindi ko gusto etong malandi na 'to. Kung gusto niyo siya edi kayo lumandi sa kanya!" Sarkastiko kong singit sa pinaguusapan ng dalawa. "Vince naman kasi samahan mo na sila para di nagpapansin dito!" Ani ko. "Wag nga kayo maingay! Ingay ingay niyo nagsusulat yung tao eh!" Sigaw naman ni Emily sa amin. Tumahimik na lang kami at hindi na nagsalita pa. Kumain na lang ako. Kinakabahan ako sa sudden change ni Emily. Nagkatinginan na lang kaming magkakaibigan sa sobrang pagkabigla.

Ken's POV
Putsa. Saang lupalop naman nanggaling yung papel na yun? Alam ko hindi ako ang pumirma nito kahit kamukhang kamukha yung stroke. Ako pipirma ng ganoon? I'm not dumb. Tinawagan ko si Ate Kass para alamin ito. "Hello my little brother. Why did you call?" Sagot niya sa tawag. "Ate nagkaroon ako ng instant legitimate marriage contract." Sagot ko. "Weh?! Hindi nga?" Sagot niya. "Oo nga Ate." Sagot ko. "Saan naman nanggaling yung papel na yan? Sino nagbigay sayo?" Sagot niya. "Si Lean. Wala siyang sinabi kung kanino galing hinagis niya lang yung folder." Sagot ko. "Imposible. Kailan yung date nung contract?" Sagot niya. "A month after my 18th birthday." Sagot ko. "No. Tayo magkasama that time." Sagot niya. "Oo nga Ate eh. Tsaka periodical exam namin yun. Busy ako sa reviews that time." Sagot ko. "May klase ka ba? Puntahan mo ko dito sa hospital." Sagot niya. "Sige pero hahanapin ko pa si Kuya Kenneth para makapagpaalam dahil may kapit siya dito eh. HAHAHAHAH." Sagot ko. "Sige. Hintayin kita dito." Sagot niya. "Ok Ate. Bye." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Kinuha ko yung envelope na naglalaman nung kontrata at pumunta sa building ng mga grade 10 at hinanap si Kuya Kenneth. Nakita ko siya kasama yung mga kaibigan niya at yung babaeng di ko kilala pero alam kong di dito nag aaral dahil hindi ito naka uniform. "Hoy Kuya!" Tawag ko. Nilingon niya naman ako. "Oh bakit?" Baling niya sa akin. "Paalam mo ko sa guard. Pupuntahan ko si Ate Kass." Sagot ko. "Ha? Bakit? Ano nangyari kay Ate Kass?" Sagot niya. "Basta. Mamaya na lang kapag tayong dalawa na lang." Sagot ko. "Sige sige. Ah guys. Pagpapaalam ko labg si Ken kailangan siya ng ate namin eh." Paalam niya sa mga kaibigan niya. "Sige sige. Antayin ka namin dito." Sagot ni Kuya Patrick kaibigan niya. Tumango lang si Kuya Kenneth at sabay kami na naglakad palayo sa kanila. Ng makarating kami sa parking lot inabot ko sa kanya yung envelope na ibinigay sa akin ni Lean. "Ano 'to?" Tanong niya. "Buksan mo na lang Kuya." Sagot ko. Binuksan niya ito at inilabas ang mga papel. Agad bumadha ang pagkagulat sa mata niya. "Hala bro. Nauna ka pang ikasal sakin." Sagot niya. Nagawa pa talaga magbiro ng loko. "Kuya naman! Alam mo namang ayoko eh!" Singhal ko. "Wala ka nang magagawa bro. Legitimate papers yan." Sagot niya. "Kuya! Malay mo sila Mama lang may pakana niyan!" Sagot ko. "Bro, pirma mo yan paano magiging pakana nila Mama yan? Akala ko pa naman disodido ka na kay Emily? Kaya kami papatali ni Ate Kass eh para makalaya ka tapos pipirmahan mo yan?" Sagot niya na halatang disappointed sa nakikita. "Kuya naman. Alam natin pareho na ayoko yan. Kahit pa lasing ako o wala sa tamang wisyo di ko pipirmahan yan." Sagot ko. "Eh bro legit na pirma mo yan." Sagot niya. "Kuya pati ba naman ikaw di maniniwala sa akin?!" Sagot ko. "Bro sino namang maniniwala sayo kung legit na pirma mo nakalagay diyan?" Sagot niya. "Ewan ko na sayo Kuya. Si Ate na lang kakausapin ko! Kainis ka! Ako na nga bahala sa guard! Yun lang hiningi ko sayo di mo pa kaya gawin!" Sagot ko. Kainis. Lahat sila ayaw ako paniwalaan. Sumakay na ako sa kotse at iniwan si Kuya sa parking lot. Dumiretso ako sa hospital na pinagtratrabahuhan ni Ate. Hindi ako pinara ng guard siguro naman naawa sa akin si Kuya at sinabihan yung guard. Ilang oras na lang din naman ay uwian na. Ng makarating ako sa hospital ay agad akong dumiretso sa office ni Ate. "Let me see the contract." Bungad niya. Binigay ko agad sa kanya yung enevelope. "It can't be. Paano ka nagkaroon ng ganito?" Tanong niya. "Ate naman. Alam nating pareho na tayo ang magkasama pagkatapos ng birthday ko." Sagot ko. "Oo. Kasi sa condo ka nun nagstay dahil nagrereview ka para sa periodical exam niyo." Sagot niya. "Who could it be?" Sagot ko. "Sino pa ba? Edi si Mama at ang baliw mong fiancée." Sagot niya. "They don't want it ilegal Ate. It will be a big mess kapag nalaman ito ng media." Sagot ko. "Well they already did. We can't sue them because I know hawak nila ang mga lawyers natin. They left us with no choice Ken. Kahit sabihin ko pa sa kanilang ako na lang ang magpapakasal. I talked to them once about this matter they are decided Ken. I don't know what to do. I'm sorry bro." Sagot niya. No. Ayoko. Para kong mamamatay kapag ginawa ko yun. "No. Hindi. Kakausapin ko sila." Sagot ko. "They will only lock you on your room if you'll try to do it. I once did it. But dad, he locked me on my room. No gadgets, no phone and no everything. I was just highschool back then. Then one day I woke up. The man I loved back then has a new woman. I was locked up in my room for I think 2 weeks." Sagot niya. Nagulat ako. Once rin palang naging sunudsunuran sa kanila si Ate. So matapos si Ate ako naman? What the? Hibang na ata sila. "Ate ayoko." Sagot ko. "Kailangan Ken. Hindi ka na matutulungan ng ate mo sa mga panahon na 'to. Di ko kontrolado ang media at utak ng parents natin. Kahit anong gawin komg pagsasabi sa kanilang may mahal ka na di ko pa rin mababago ang pag iisip nila." Sagot niya. "Akala ko ba Ate gagawin niyo lahat ni Kuya para mailayo kami ni Kyle dito? Eh bakit parang ako pa lang sumusuko na kayo?" Sagot ko. "Ken, hindi ka namin sinusukuan. Gusto lang namin iparating sayo na panahon na para isuko mo muna. Pwede mo naman balikan kapag kaya mo na eh. Sa nakikita ko sayo hindi ka pa handa para sa kanya. Ken, sapat na ang ilang buwan mong pananakit sa damdamin niya." Sagot niya. "Pero Ate paano ko mababalikan kung itatali na ako?" Sagot ko. "Ang tanong Ken papayag ka ba? Alam ko naman na babalikan mo siya kapag handa ka na. Sa ngayon iwan mo muna siya para di na madagdagan yung sakit na nararamdaman niya." Sagot niya. Natahimik ako. Papayag nga ba ako? Sumasakit ulo ko kakaisip sa dapat gawin. "Wala na ba talagang ibang choice Ate?" Sagot ko. "Ken, they left you with no choice. Paano kapag inilabas ito sa media? Bubungkalin ng media ang private life mo. Soon malalaman at malalaman nilang may relasyon kayo ni Emily. Ano gusto mo? Pagpiyestahan siya ng tabloid at newspapers at sabihing kabit mo siya?" Sagot niya. "Argh! Hirap naman ng choice na yan!" Sagot ko. "Kaya mo yan Ken. Para naman yan sa ikabubuti niya eh." Sagot niya. Para sa ikabubuti nga niya para ko namang pinatay yung sarili ko. Para naman akong nagsuicide kapag nangyari yun. I do cuts but not this. Emily is my only hope but they took it away from me. "Ate. Ayoko na nito Ate. Ang hirap maging si Ken. Ayoko na." Sagot ko. Lumapit lang siya sa akin at yinakap ako. "Tara Tagaytay?" Sagot niya. "May pasok bukas Ate." Sagot ko. "Umabsent ka na lang. Hobby mo naman yun eh." Sagot niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. She never failed to make me smile. Bukod kay Emily siya lang yung babaeng nagpapasaya sa akin. "Sige na nga. Tapos na ba shift mo?" Sagot ko. "Yes naman little bro! Nacancell ko na yung appointments ko today and for tomorrow." Sagot niya. "Grabe ka Ate. Kaninong kotse gagamitin?" Sagot ko. "Syempre sakin." Sagot niya. "Okay. Uuwi ko lang yung kotse ko tapos magbibihis sunduin mo ko sa bahay." Sagot ko. "Sige. Kita na lang tayo sa bahay." Sagot niya. Sabay na akming tumayo at naglakad palabas ng office niya. Dumiretso ako sa parte ng parking lot kung nasaan ang kotse ko. Mabilis akong nagmaneho pauwi sa bahay. Pag uwi ko sa bahay binati ako ng katulong namin at ni Kyle na naglalaro ng Nintendo na nakaconnect sa tv sa sala. Mabilis akong umakyat at nagbihis ng uniform ko. Hindi na ko magdadala ng gamit dahil meron naman ako doon sa Tagaytay. "Kuya saan ka pupunta?" Tanong ni Kyle ng makababa ako. "Ah sasamahan ko lang si Ate Kass." Sagot ko. "Ate Kass will be here?" Tanong niya. "Oo." Sagot ko at lumapit sa kanya. "Let's play. Wala pa naman siya eh." Sagot ko. "Okay. Do you play mario kart? Let's race!" Sagot niya. "Okay!" Sagot ko. Binigay niya sa akin yung isa pang controller. Isa pa 'to. He makes me happy everytime I'm with him. "Oh Ken. Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Kenneth na kakapasok lang na galing sa school. "Sasamahan ko lang si Ate Kass." Sagot ko. "Saan?" Sagot niya. "Tagaytay." Maikling sagot ko. "Tagaytay?! Aabsent ka bukas?" Sagot niya. "Oo. Wednesday farewell tapos Friday completion. Kaya pwede pa umabsent." Sagot ko. "Baliw! Rehearsals bukas!" Sagot niya. "Oh? Ano naman? May isa pang bukas Kuya." Sagot ko. "Hay. Ano pa nga ba magagawa ko? Ako na nanaman magsasama kay Kyle dito." Sagot niya. "Nagrereklamo ka Kenneth?" Biglang singit ni Ate Kass na may dalang pizza at milktea. "Wala Ate. Sabi ko salamat sa pizza. Umalis na kayo ni Ken. Baka gabihin pa kayo sa daan." Sagot ni Kuya Kenneth. "Kyle! I have a pizza for you!" Tawag ni Ate Kass kay Kyle na abala sa pakikipag unahan sa akin. "Ate!" Aniya at tumakbo palapit kay Ate Kass at niyakap siya. Napangiti naman ako sa pinapanuod. Sana makabalik ako sa pagkabata. Yung walang problema at paglalaro lang iniisip. "Let's go Ken." Aya ni Ate Kass. "Bye Kuya Kenneth! Kyle, wag makulit ah! Kawawa ka kapag iniwan ka ni Kuya Kenneth dito!" Paalam ko. "Bye Kuya Ken. Ingat." Sagot niya at niyakap din ako. Ng kumalas siya sa pagkakayakap sakin ay bumalik siya sa nintendo. Lumabas na kami ni Ate Kass. Wala nanaman sila Mama dahil nandoon sila sa Dubai para sa isang business meeting. Sigurado ako para nanaman yun sa construction business namin. Yun naman ang main focus ng Lizardo group of companies eh. "Meron na diyang snacks. Magstop over na lang tayo sa NLEX kapag dinner na." Ani Ate. Tumango lang ako at sumakay na sa shotgun seat niya. "May binili kang beer?" Tanong ko ng makapasok siya. "Oo marami. Alam ko naman kasing yun ang hanap mo eh." Sagot niya. "Mabuti." Sagot ko at kinonnect sa stereo ng kotse niya yung phone ko. Broken hearted songs ang pinatugtog ko. Nagsimula na siyang magdrive.

Kassandra's POV
Ng makarating kami dito sa rest house namin sa Tagaytay ay dumiretso siya sa garden namin at dinala dun yung mga beer na binili ko sa covinience store. I never saw him this wrecked. Wala pa siyang minahal na babae kundi si Emily lang pero sinubok agad sila ng tadhana. Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Hindi niya naman gusto ang maipakasal sa babae na yun pero in an instant nagkaroon siya ng marriage contract. I don't know they'll come this low. Na magagawa nilang mag commit ng forgery para lang mahawakan sa leeg si Ken. I can't watch him like this. Masakit para sa akin na hindi ko na kaya pang ipaglaban yung gusto ng kapatid ko kasi maging ako binantaan na din nila. Mawawala sa akin ang trabaho ko kapag pinagpatuloy ko pa. Trabaho ko na lang ang meron ako hindi ko na hahayaan na mawala pa ito. Ng lumapit ako kay Ken umiiyak na siya. "Ate, ayoko na." Aniya. "Anong ayaw mo na?" Sagot ko. "Ayoko na mabuhay." Sagot niya. "Baliw ka ba? Kung si Emily kausap mo ngayon isipin mo magugustuhan niya ba yang lumalabas sa bibig mo?" Sagot ko. Lasing na nga ang kapatid ko. Malamlam na ang mata at kung ano ano sinasabi. 7:30 pm kami dumating 8:30 pa lang ilang bote na naubos niya. "Ayoko na Ate." Sagot niya. "Tigilan mo na nga kakainom Ken. Matulog ka na. Sobra na yang nainom mo." Sagot ko. "Ayoko." Sagot niya. "Isa, dalawa, tatayo ka diyan o tatawagan ko si Emily at sasabihing naglalasing ka?" Sagot ko. Agad naman siyang tumayo pero bumagsak din. Isang dosenang in can beer ba naman ang nainom dahil nagpabili pa kila manang. Walo lang yung dinala ko pero nakulangan pa ata. Tinulungan ko siyang tumayo. Ng makapasok kami sa bahay ay inutusan ko agad si Manang na maghanda ng maligamgam na tubig. Hinatid ko siya sa kwarto niya. Ano ba naman 'to? Hanggang sa pagtulog umiiyak pa rin. Hinawakan ko ang mukha niya. "Sorry Ken. Nag failed si Ate na magampanan ang pangako niya sayo. Pasensya na Ken. Masakit para kay Ate na ganyan ka. Masakit para kay Ate na umiiyak ka dahil sa desisyong ayaw mo naman mangyari. Pasensya ka na. Naduwag si Ate." Pagkausap ko sa natutulog na kapatid. Namalisbis na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ko siya. Bumukas naman ang pinto at niluwa nito si Manang na dala ang maligamgam na tubig at bimpo. "Ma'am Kass eto na po yung pinahahanda niyo." Aniya at inilapag sa bed side table yung plangganita. "Thank you po." Sagot ko kahit nakatalikod ako para di mapansin ang pamumugto ng mata ko. Ng marinig ko ang pag bukas at sara ng pinto ay sinimulan ko nang punasan si Ken. Sinimulan ko sa mukha niya sa mga braso at leeg. Binihisan ko din siya. "Emily.." He muttered in his sleep. Mahal mo nga talaga si Emily Ken masyado ka nga lang takot. Ng masigurado kong ayos na siya ay pumunta na ako sa kwarto ko. Naligo na ako at nagbihis para makapag handa matulog. Ng mahiga ako sa kama ay hinila agad ako ng antok dahil sa pagod sa pagdadrive. Hay nakatulog din ng walang trabahong gigisingan. Thank you Lord.

A/N: So! Hi Bemskies! Another update! We're down to the last 4 chapters! Sana nagustuhan niyo! Road to 1k reads na tayoooo! Thank you sa inyoooo! Kayo yung inspirasyon ko para ipagpatuloy ang love story ni Emily at Ken! Hopefully before september ends matapos ko ang first book ng You Trilogy. Please Vote, comment and recommend! Thank youuu! Love you all!❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top