CHAPTER 34: EXPLANATION

Ken's POV
Ano nanaman ba 'tong pinasok ko? Napaka tanga ko naman para saktan ng ganun yung girlfriend ko. Hinayaan ko nanaman na macontrol ako ni Mama. Ang nangyari kasi gabi nung umuwi ako sa bahay galing sa dorm nila Emily dun lumabas yung article namin. Sinalubong ako ng sermon nina Mama at Papa dahil dun sa article. Hindi ko naman itatanggi si Emily kung di ako prinessure ni Mama at ni Ana. Chinachat ako ni Ana ng kung ano ano na talagang nakapag papressure sa akin. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa gusto nila. Baka mamaya kasi galawin nanaman nila si Emily. Nahihirapan ako sa lagay ko ngayon. Sigurado galit sakin ang mga kaibigan niya. Halata na hindi nila nagustuhan yung ginawa ko. Sino ba naman kasing matinong tao na maggigirlfriend tapos idedate at kapag nagkabukingan na itatanggi? Syempre ako. "Ken!" Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang tawag ni Kuya Kenneth na galit na galit. "Bakit ba?" Sagot ko. "Mag explain ka na kay Emily Ken pakiusap. Maawa ka dun sa babae. Halos lumuhod na siya sa harapan ko para lang sa explanation mo." Sagot niya. "Mag eexplain ako soon." Sagot ko. "Soon?! Ken! Nagkapasa-pasa na yung girlfriend mo dahil sa kagagawan ng fiancèe mo! Alam naman namin yung pinagdadaanan mo. Pero mali na 'tong ginagawa mo!" Sagot niya. "Oo na Kuya! Umalis ka na dito sa kwarto ko!" Sagot ko. Padabog siyang umalis sa kwarto ko. Di naman kasi nila alam kung gaano kahirap ang mag explain kay Emily. Nasaktan nanaman siya dahil sa akin. And it hurts me more because she's being carried by another man's pair of arms and not mine. She just passed out in front of me and she's dripping wet and got bruised on the face all because of me. Because of that statement of mine. Hindi ko ngayon alam kung paano ko sila kakausapin. Hindi ko alam kung paano mag eexplain. Hirap naman nito oh! Kinuha ko na lang ang phone ko at tiningnan kung ano ganap sa gc namin.

Ivan:
@Ken magexplain ka please kahit tulog si Emily explanation mo ang hinihingi.

Lean:
@Ken magexplain ka naman. Maawa ka sa kaibigan namin. Kung ano anong gulo na pinasok niya para sayo.

Sandra:
@Ken kung di mo kaya panindigan yung desisyon mo kay Emily makipag break ka na lang. Pati academic status ni Emily ginagalaw niya.

Zoe:
@Ken info lang. Hindi pa rin tinitigilan ni Ana si Emily. Paki ayos naman please. Nangangapa na nga siya sa ginawa mo sasaktan mo pa siya physically.

Andy:
Please just one phone call or even one word to explain just let Emily sleep peacefully. Every night she cries for your explanation.

Lahat ng messages na yan ay kinabukasan matapos ang statement. Bwisit naman. Lalo pang pinagulo ni Ana. Sumasakit ulo ko kakaisip sa kung anong dapat gawin. Bumaba na ako para sa dinner. Hindi ako pumasok today dahil nakakawalang gana. Dikit pa ng dikit si Ana. "Ken, bakit di ka nanaman pumasok? Mawawala yung honor slot sayo." Tanong ni Mama. "Masama po pakiramdam ko. Mainit pa rin po yung issue about sa article." Sagot ko. "Mama!" Sigaw ni Ate na papasok pa lang ng dining area. "Why Kassandra? And can you please lower your voice your losing your class. Mabuti na lang at wala tayong bisita." Sagot ni Mama. "Alam mo ba ginawa ng magaling mong soon to be daughter-in-law?" Sagot ni Ate. "Why? What did Ana do?" Sagot ni Mama. "Binubully niya yung girlfriend ni Ken. Physical and verbal bullying. At ito namang magaling mong anak ayaw magexplain kung bakit ginawa niya yon!" Sagot ni Ate. "Why would Ana do that? And why Ken needs to explain to that girl? Sino ba siya sa buhay ni Ken?" Sagot ni Mama. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Ni hindi man lang ako pinakingan nung pinakilala ko si Emily."Yung binubugbog ng daughter-in-law mo girlfriend ng anak mo! Pag sabihan niyo nga yung babae na yon! Below the belt na yung mga sinasabi! Ewan ko na sa pamilya na 'to! Bahala na nga kayo!" Sagot ni Ate at lumabas din naman ng dining area. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi nasabi yun sa gc. Ayaw na ayaw ni Ate ng controversy dahil ginugulo siya ng media sa trabaho niya. Bumaba na rin si Kuya Kenneth at Kyle. Tahimik na kaming kumain ng makumpleto kami sa lamesa. Ng matapos ako agad akong umakyat sa kwarto ko para naman matawagan ang gc namin. Agad naman nagring. "Hello. Sino ba yung tumawag sa gc?! Nagsusulat ako panira kayo! Nasa iisang bahay lang tayo tatawag pa kayo!" Si Emily ang unang sumagot. I miss her voice. 2 days without hearing her voice. "Ano ba yan guys! Bakit kayo tumatawag nandito lang ako sa kwarto!" Sumunod naman ay kay Sandra ang narinig ko. "Who ever you are please talk. Your wasting my time. I'm busy." Cold na ani naman ni Andy. "Sino ba kasi yung tumawag? Nanunuod ako ng video ng EXO eh!" Reklamo ni Lean. "Ewan ko Lean. Nanahimik ako at nagsusulat dito eh!" Sagot ni Emily. "Ken. Alam kong ikaw yan wag mo na hintayin kung ano pa man ang sasabihin ko. Magsalita ka na." Malamig na ani ni Sandra. "H-hello g-guys." Sagot ko. "Why?" Malamig na sagot ni Andy. "Love! Bakit di ka nagchachat? Kamusta ka na?" Sagot naman ni Emily. "Bakit Ken?" Malamig ding sagot ni Lean. "Hello. Sino bayung tumawag sa inyo?" Tanong ni Zoe na kakasali lang sa call. "H-hello Zoe." Sagot ko. "Ano? Handa ka na ba mag explain?" Malamig niyang sagot. "Ahm. Di ko kaya mag explain over the phone. Gusto ko sana kung ok lang sa inyo bukas sa garden. Mag eexplain ako." Sagot ko. "Ok Love. Aantayin ka namin sa garden diba guys?" Sagot ni Emily. "Ok. Yun lang pala eh. Bye." Sagot ni Lean. Isa-isa silang nag alisan sa call hanggang sa kaming dalawa na lang ni Emily yung natira. "Kamusta ka na Love? Ok ka na ba?" Tanong ko. "Oo Love. Ok na ako. Tapos ko na yung mga dapat kong ipasa kaya pachill chill na lang ako sa school." Sagot niya. Mababakas sa boses niya ang saya at sigla. Mababakas rin kaya sa mata niya? Sana naman OO. Kaso pakiramdam ko hindi eh. Base kasi sa sinabi ni Ate Kass kanina nabubully nanaman siya. Alam ko kung gaano siya nasaktan ng bullies. At ang sakit para sakin na wala akong magawa para sa babaeng mahal ko. "Wala ka nang pasa? Wala ka nang sugat? Di ka pa rin ba tinitigilan ni Ana?" Sagot ko. "Ok na ko Love. Wag mo na isipin yung mga ginagawa sakin ng fiancée mo. Ok lang ako." Sagot niya. "Wag ka na mag alala sa kanila. Ako na bahala dun kay Ana." Sagot ko. Natahimik kami ng ilang minuto. "Love, sabihin mo nga. Ano nangyari sayo? Bakit hindi mo ko kinausap ng two days?" Bigla ay tanong niya. "There are things that I need to think about. Tsaka gusto ko kapag humarap ako sayo sa inyo ready na ako mag explain." Sagot ko. "Ok. I understand." Sagot niya. Mabuti na lang naiintindihan niya. Bwisit naman kasi eh. Bahala na nga. "Love? Nandiyan ka pa?" Bumalik lang ako sa tamang pag iisip ng marinig ko ang boses niya. "Oo Love. Sorry. May iniisip lang." Sagot ko. "Ano nanaman ba yan? Baka dahil sakin nasstress ka nanaman." Sagot niya. "Hindi. Sige na Love matulog ka na. Masyado nang malalim ang gabi." Sagot ko. "Good night Love." Sagot niya. "Good night din. I love you." Sagot ko. Siya na ang nagbaba ng tawag. Inend ko na rin ang call. Bahala na bukas. Naligo na ako at nagbihis tsaka natulog na.

Emily's POV
Something's bothering Ken. I know it. I don't know why he's not spilling it to me. Natatakot siguro magpaliwanag. Well bahala na. Nagpatuloy na lang ako sa chapter na sinusulat ko. Ng matapos ko ito ay sinave ko muna. 2 days had passed okay na rin ako sa wakas pero bantay sarado pa rin sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi nila ko iniiwan mag isa sa takot na baka may gawin sakin yung kampo nila Ana. Nagskin care muna ako bago ko nahiga sa kama. Pagod na pagod ako ngayong araw. Dalawang araw na ko nakakarinig ng kung ano-anong words ang naririnig ko about sa article na 'yon. Pati academic status ko ginagalaw na rin ni Ana. Di ko na lang pinapansin at least naiipasa ko yung mag kailangan. Nasa teachers na yun kung magpapasuhol sila. Nagring ang cellphone ko na nasa study table ko. Tumayo ako at kinuha ko ito. Nakita ko ang caller's ID si Kuya Mark. Bakit naman ako tatawagan ni Kuya Mark sa ganitong oras? Kahit may pagtataka ay sinagot ko pa rin. "Hello Ems." Bati niya. "Hello Kuya Mark. Bakit?" Sagot ko. "Pwede ka ba sa Sunday? Dito sa bahay. Labas tayo nila Kreisler." Sagot niya. "Ah sige Kuya. Papaalam ako kay Mommy." Sagot ko. "Sige. Yun lang. Good night." Sagot niya. "Good night." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Salamat naman at makakasama ko na yung baby May ko. Makakapagpahinga na rin ako. Kahit palagi ako sinasaktan ng mga tao as long nasa tabi ko sila ok lang. Sa tuwing kasama ko sila dun ko lang nararanasan ang tunay na pahinga. Kaya excited na ako magsunday. Binasa ko muna yung published chapters ng book ko bago ako matulog. Maaga kong gumising para makaligo at makapag bihis. Gusto ko ako magluto para sa kanila dahil masyado kong naabala yung buhay nila this past few days. Lalo na si Vince. Hindi na humiwalay sakin yun. Nasasabihan na kong two timer pero siya parang walang pake. May resemblance nga sila ni Kuya Mark eh. Buhok, salamin, skin color. Feeling ko long lost father ni Vince si Kuya Mark HAHA. Nakalipat na yun nung isang araw. Ngayong araw din pala magpapaliwanag si Ken. Hay mabuti na lang wala na akong kailangan ipasa kaya pachill-chill na lang ako. Nahanap ko na lahat ng kailangan ko kaya wala na kong kailangan pang pagpasahan. Sila Andy na lang. Kaya magkakasama kami nila Lean at Vince. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Isinangag ko yung natira naming kanin kagabi para naman di sayang. Wala namang asong kakain nito kapag napanis. Kumuha ko ng hotdog and egg sa ref. "Bango naman!" Bati ni Andy. "Wow! Ems! Nagluluto ka na? Baka mabinat ka ah." Bati naman ni Sandra. Hay kahit kailan siya ang pinaka nag aalala sa akin. "Ok na ko Sandra. Don't worry." Sagot ko. "Sino nagluluto?" Tanong naman ni Zoe na kadarating lang sa kusina. "Si Ems." Sagot ni Andy. "Wow! Makakain nanaman ako ng kakaibang sinangag." Sagot niya. Sinangag lang naman inaabangan nila dahil may kakaibang lasa daw. Wala naman akong nilalagay dun kundi margarine. Tagal na rin nung last na nagluto ako dito sa dorm. Ng matapos ko ang pagluluto ay inihain ko na ito. Tumulong rin sila Lean at Sandra. Sabay sabay na kaming umupo sa kaniya-kaniya naming pwesto. "Ano namang espirito ang sumapi sa katawan mo at napaluto ka bigla?" Tanong ni Lean habang kumakain kami. "Wala. Trip ko lang. Tsaka masyado ko na kayong naabala nitong mga nakaraan kaya naisip ko kayo ipagluto." Sagot ko. "Sus. Hindi ka abala samin 'no! Kaibigan ka namin! Tsaka nandito tayo sa iisang bahay di naman pwedeng pabayaan ka namin!" Sagot niya. "Katouch naman Lean. Sana all." Sagot ni Andy. "Ay don't worry Andy. Nandito naman ako eh aalagaan kita." Sagot naman ni Zoe. "Ayieeeee baka mafall kayo sa isa't isa." Sagot ni Lean. Hay sa aming grupo kasi si Zoe at Andy na lang ang di nakikitaan ng interest sa boys. Well except kay Lean na girl ang gusto. Umakyat na muli kami sa taas upang magtooth brush at kunin ang mga gamit. Ng matapos ako magtooth brush ay kinuha ko agad ang phone ko. Titingnan ko kung nagtext or nagchat na ba si Ken.

Love:
Love, hintayin ko kayo sa garden ah.

Me:
Ok. See you.

Bumaba na ako dala ang mga gamit ko. "Sa garden daw tayo guys. Sands, ichat mo na lang si Ivan. Tapos Lean wag na muna natin isama si Vince." Ani ko. "Sure. Ako na bahala kay Ivan." Sagot ni Sandra. "Sige sige. Tatawagan ko si Vince." Sagot ni Lean. "Ems, sinasabi ko sayo. Pag naulit 'to hindi na siya makakabalik pa dito sa dorm." Sagot ni Andy. "Oo Ands." Sagot ko. Maging ako ay kinakabahan. Naglakad na kami papunta sa garden ng school.

"Have you heard about the news?" Tanong nung isang babae na nakatingin samin. "What news?" Tanong naman nung isa pa. "Sabay pumasok si Ken at Ana." Sagot niya. "Ah eh paano na si Emily? Diba yun yung rumored girlfriend ni Ken?" Sagot naman nung isa pa yung nagtanong kanina. Hindi ko na narinig yung sagot nung isang babae dahil may nagbuhos sa akin ng pintura naman. Madumi na tuloy yung uniform ko. Mahihirapan nanaman ako maglaba sa linggo. Kakabalik pa lang ni Ken ako agad ang nakita. "Masaya na kayo?" Malamig kong tanong sa nagbuhos sakin. "Oo. Masayang masaya na kami kasi mukha ka nang basura." Sagot nung babae na alam kong isa sa mga alagad ni Ana. Inirapan ko na lang sila at naglakad na patungo sa locker area. Di pa man din ako nakakatungtong sa locker area nadulas naman ako dahil sa likidong nakakalat sa sahig. Rinig ko ang tawanan ng mga tao na nakakita ng pagbagsak ko. "Ems!" Nag aalalang tawag ni Lean. Tinulungan akong tumayo ni Lean at inupo sa pinakamalapit na bench. Namalisbis ang mga luha ko nanaman dahil sobrang sakit nung tama ko sa balakang. "Are you done laughing huh?" Sarkastiko niyang tanong sa mga tao sa paligid namin. Isa-isa namang nagsialisan ang mga estudyante. "Shit. Umiiyak nanaman ako. Ayoko na. Nakakapagod na umiyak." Bulong ko. "Tawagin niyo si Ken." Malamig na utos ni Andy. Agad akong kinabahan sa inutos niya. "Andy please. Wag ngayon magbibihis pa ko." Ani ko. "Hindi. Papakita natin sa kanya yung ginagawa ng fiancèe niya sayo." Sagot niya. Napahawak na lang ako sa sentido ko at napasandal. "Love! Ano nangyari sayo?!" Nag aalalang tanong ni Ken. "Yan Ken! Yan ang araw-araw na nararanasan ni Emily at tinitiis para sayo!" Sigaw ni Andy. "Sorry." Sagot ni Ken. Lumapit siya sakin. "Sorry Love. Sorry." Bulong niya. "I don't need your sorry Love. I need your explanation." Sagot ko. "Okay. Just calm yourself first and I'l explain so that you can understand me." Sagot niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Inabotan ako ni Lean ng tubig. "Ano nanaman nangyari?" Nangungunsumeng tanong ni Ivan. "Binuhusan nanaman siya ng pintura ng mga babae na yun." Sagot ni Sandra. "Nanaman? Hindi pa din tumitigil?" Sagot ni Ivan. "Wow kailan ba tumigil ang mga takas mental na yon?" Sagot ni Andy. "Ano Ken? Mag eexplain ka ba o hindi?" Naiinip na tanong ni Zoe. "Please make it fast because I am going to the library for the clearance." Ani Andy na naiinip na rin. "Eto na nga kasi." Panimula ni Ken. "The night after our date lumabas na yung article na yun. Tapos pinagalitan ako. Ang nangyari ginawan nila ko ng script. My interview is scripted." Dugtong niya. "Yun na yon? Scripted? Eh kapag pinakinggan mo yung statement ni Ana halos pareho kayo ng sinasabi." Sagot ni Lean. Natahimik ako sa sinabi ni Ken. So everything was scripted. Kahit naman scripted yun he has a freedom of speech. He can tell what he wants. "Sorry guys." Sagot ni Ken kay Lean. "Sorry? Halos araw-araw nga nabubuhusan ng kung ano ano si Emily eh! Pati teachers binabayaran na nila para madelay yung clearance ni Emily! Ken, pinapapaalala ko sayo running for honors 'tong kaibigan ko at kapag nadelay ang clearance niya pwedeng mawala yon sa kanya! At hindi lang yun yung mawawala pati scholarship at discounts niya dito sa school mawawala rin!" Galit na sigaw ni Andy. "Alam ko. Aayusin ko. Aayusin ko yung gulong sinimulan ko." Sagot niya. "Wag nga kayo maingay. Nasa corridor tayo." Saway sa kanila ni Sandra. "Uuwi muna ko. Magbibihis ako. Bababad ko na rin 'to para mawala yung stain." Paalam ko. "Hatid na kita Love." Sagot ni Ken. "No need Love. Just settle your clearance first." Sagot ko. "Binibini!" Bati ni Vince. "Ginoo. Diba sinabi sayo ni Lean na di muna tayo pwede magsama sama ngayon?" Sagot ko. "Ano nangyari sayo?" Sagot niya. "As usual. Sige na. Nanlalagkit na ko sa katawan ko uwi muna ko." Sagot ko. "Hatid na kita Binibini." Sagot niya. "Wag na. Baka magselos si Ken. Sige na. Kaya ko na 'to. Kahit buhusan pa nila ko ng kung ano-ano." Sagot ko. Naglakad na ako palayo sa kanila. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero di ko sila pinapansin. Bulungan pa ng bulungan. Parang mga ewan jusmeyo. They are a waste of sight. Pababa ako ng hagdan ng may tumulak sakin. Mabuti na lang at nahawakan ko agad yung railings kundi bali ang buto ko. "Ano ba?!" Asik ko sa tumulak sakin na si Ana. "Sorry. I thought your a trash." Sagot niya. "I'm a trash what do you call yourself then? Trash can? Your face is like a trash, your mouth is speaking like an uneducated woman and your surrounded by people with trashy attitude like you. Pasado ka nang basurahan." Sarkastiko kong sagot. "I can't believe na pumatol si Ken sa katulad mo." Sagot niya. "No wonder Ate Kass dislikes you because of your trashy attitude. Hindi ko na problema kung bakit sa akin pumatol si Ken." Sagot ko at nagpatuloy nang bumaba sa hagdan. Nakauwi ako ng matiwasay sa dorm salamat naman. Dumiretso ko sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng jeans at white shirt. Rubber shoes ang pinartner ko sa attire ko. Pwede naman na magcivilian kasi wala nang klase. Bumalik na ko ng school. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko para matawagan ko sila Andy. Agad na nakatawag pansin sa akin ang isang anonymous text.

09*********
Let's meet at the cafè near your school tomorrow afternoon. I have something to tell you about Ken.

Ginapangan naman ako ng kaba sa nabasa ko. Agad kong tinawagan si Andy. "Hello? Ems. Saan ka?" Sagot niya sa tawag. "Nandito ko sa may gate ng school. Antayin kita sa cafeteria. May sasabihin ako." Sagot ko. "Is there something wrong?" Tanong niya. "Puntahan niyo ko ni Lean sa cafeteria. Sasabihin ko sa inyo lahat dun. Wag na kayo magsama ng iba lalo na si Ken." Sagot ko. "Sige sige. We'll be there." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Siya at si Lean ang makakatulong sa akin sa mga oras na 'to dahil sa aming grupo ay sila ang pinaka matured mag isip. Kaya alam kong matutulungan nila ako. Pumunta na ako sa cafeteria at umupo sa place na di matao. Makikita naman nila ako sa tangkad kong 'to.

Lean's POV
Nandito kami ngayon sa garden ng school. Hindi na kami nagpumilit na ihatid si Emily dahil alam namin na kaya niya naman na. Lumayo muna sa amin si Andy ng may tumawag sa kanya. Ilang saglit pa ay bumalik na din siya. "Lean, tara sa canteen." Aya niya sakin. "Ha? Bakit?" Sagot ko. "Bili tayo pagkain. Samahan mo ko nagugutom ako." Sagot niya. "Ha? Di pa nangangalahati yung araw oh! Gutom ka nanaman." Sagot ko. "Eh. Tara naaa." Sagot niya. "Sige na nga." Sagot ko. Tumayo na ako sa bermuda grass. "Guys. Canteen lang kami." Paalam ko kila Zoe, Sandra, Ivan at Vince. "Sama kami." Sagot ni Sandra. "Hindi na. Kami na lang." Tanggi ni Andy. "Ok. Balik kayo agad ah." Sagot ni Sandra. Tumango lang si Andy at hinila na ko paalis sa harap nila. Pumunta kami sa canteen at nakita namin si Ems sa isang table malayo sa mga tao. Dumiretso agad dun si Andy kaya sumunod agad ako sa kanya. "May papabasa ko sa inyo." Panimula ni Ems. "Ano naman?" Tanong ni Andy. "Eto." Sagot niya at inabot sa amin ni Andy yung phone.

09*********
Let's meet at the cafè near your school tomorrow afternoon. I have something to tell you about Ken.

Agad naman akong kinilabutan sa binabasa ko. "Kanino mo binigay yung personal phone number mo?" Tanong ko. "Wala. Di ko alam. Sa inyo at kay Ken ko lang naman binigay number ko eh." Sagot niya. "Sino yan?" Nagtatakang sagot ko. "Hindi ko alam. Triny ko tawagan yung number pero hindi sumasagot." Sagot niya. "It has something to do with Ken." Sagot ni Andy. "Syempre. Sabi nga diba he or she ha something to tell about Ken." Sagot ko. "Sasamahan ka namin sa café." Sagot ko. "Oo nga. Baka mamaya kidnappin ka pa ng tao na yan eh." Sagot ni Andy. "Ayun na nga eh. Yun rin yung main purpose ko kung bakit ko kayo tinawag dito eh." Sagot ni Emily. "Sa tingin niyo bakit ka pinatatawag ng tao na yan?" Tanong ko. "Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako. Konektado yan sa pamilya ni Ken." Sagot ni Emily. "Sasabihin mo ba kay Ate Kass?" Tanong naman ni Andy. "Siguro." Sagot ni Emily. "I suggest Ate Kass should know kasi diba it concerns their family?" Sagot ko. "Pero di naman pwede na lahat na lang isumbong natin kay Ate Kass." Sagot niya. "Di naman natin susumbong eh. Iinform lang natin siya." Sagot ni Andy. "Well, masyadong busy si Ate Kass para pagtuunan tayo ng pansin." Sagot ni Emily. "Edi si Kuya Kenneth." Sagot ko. "Masyadong commited sa scouts yun kaya di tayo nun mapagtutuunan ng pansin." Sagot niya. Hay palagi na lang may excuses. "Eh paano kapag binantaan ka niyan? Ano gagawin mo?" Sagot ko. "Bahala na. Basta kailangan kong harapin kung sino man yan." Sagot niya. "Meeting with that person means meeting someone who is capable of doing anything that will make you and Ken seperate." Sagot ni Andy. "Wow. As if namang iiwan ko si Ken." Sagot ni Emily. "Sasamahan ka na lang namin. Yun na lang para masiguro naming ligtas ka." Sagot ko. Ng matapos ang usapan namin ay nagdecide kami na pumunta na ng garden. Nandun pa rin sila Sandra nagtatawanan. Lumapit na kami sa lugar nila. "Oh Ems. Nandito ka na pala." Bati ni Sandra kay Emily na kasama namin. "Hay nakakainis! Hindi uubra washing machine dun sa mga uniform ko. Hindi matatanggal yung pintura. Maghahand wash nanaman ako!" Sagot ni Emily. "Tutulungan na lang kita." Sagot ni Sandra. "Binibini anong balak mo bukas? Nais sana kita ayain kumain." Ani Vince. "May lakad ako bukas eh. Tsaka magagalit si Ken." Sagot niya. "Ahhh. Sige sa susunod na lang." Sagot ni Vince. Kahit kailan talaga 'tong pinsan ko na 'to. Napakalandi. "Ikaw Vince ah! Pati kaibigan ko idadamay mo sa listahan ng mga babae mo!" Bulyaw ko. "Hindi ah! Bakit ko naman siya isasama dun eh mas maganda pa siya sa mga yun." Sagot niya. "Huuuuu. Ganyang ganyan din yung sinabi mo sakin dato nung ibang babae naman ang kadikit mo sa Academy!" Sagot ko. "Nagsisimula na po sila!" Parinig ni Andy. Tumahimik na lang ako para di na magtuloy tuloy yung away na 'to. Palagi kasi kaming napgkakamalang magjowa. Nakakainis. Wala sa listahan ko ang maging jowa 'yang demonyito kong pinsan. Panget panget eh mapagkakamalan pang jowa ko. Yuck! Bulag ata yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ilang saglit pa ay nagbvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino yung nagchat.

Kate:
Let's meet at the cafeteria.

Me:
Ok.

"Guys. Puntahan ko lang si Kate ah." Paalam ko. "Sino yon?" Tanong ni Vince. "Wala ka na don!" Sagot ko at tumayo na. Naglakad na ako papunta ng cafeteria. Habang naglalakad ako dun nakita ko si Ken at Ana na magkasabay magpasa ng requirements. Kahit kailan talag 'tong double breed na 'to. Sakto namang lumabas sila sa office ng teacher. Nakalingkis pa sa braso ni Ken si Ana. Tiningnan ko ng napakalamig si Ken. "Ken. Can't you pass your requirements alone?" Malamig kong tanong ng makalapit sila sa akin. "I'm just alone. She just followed me." Sagot niya. "Sa susunod na makita kitang kasama yang double breed na yan wag kang pupunta sa dorm ah." Malamig kong sagot at nilagpasan silang dalawa. Bwisit! Pag nakikita ko yung pagmumukha ng double breed na yun kusang kumukulo yung dugo ko. Ng makarating ako sa cafeteria agad kong nakita si Kate. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Wassup!" Bati ko. "I'm good." Sagot niya. "What are we up to?" Sagot ko. "Let's have some movie date later?" Sagot niya. "Aren't you allowed?" Sagot ko. "Don't worry. I'm free for today. I'm done passing my requirements." Sagot niya. "Ok. What time later?" Sagot ko. "Dismissal." Sagot niya. "Ok. See you later then." Sagot ko. Umalis na siya sa harapan ko dahil tinawag na siya ng mga kaibigan niya. Tumayo na din ako at bumalik sa garden. Nandun pa rin sila puro nagc-cellphone. Pawang lahat nakaheadset. Si Emily naman busy kakatype sa laptop niya at naka inpods naman. Umupo ako sa tabi ni Andy na nagbabasa naman ng libro. Binuksan ko ang phone ko at nagfacebook na lang. Ng manawa kami lahat sa kakacellphone sa garden ay naisip namin na maglibot muna. Nakita ko nanaman si Ken at Ana. Napabaling ako kay Emily na nakakuyom ang kamao at tinitingnan ng matalim si Ana at Ken. "Kalma Ems. Alalahanin mo aso lang yan." Bulong ko. "Love." Malamig na tawag niya kay Ken. "Love! Tapos na ko magpasa ng requirements." Sagot niya. Akmang yayakapin niya si Emily ng umiwas ito. "Bakit kayo magkasama?" Sagot ni Emily. Umalis na ko sa tabi niya at sumunod na kila Andy. Agad namang tumabi sa akin si Vince. "Bakit mo iniwan dun si Binibini?" Tanong niya. "Natural Vince. Mag uusap sila ng BOYFRIEND niya eh!" Sagot ko na pinagdidiinan ang salitang 'boyfriend' para matuhan siya at ang mga tao na nakakarinig sa usapan namin. Alam kong may ibang nag eeavesdrop sa pinaguusapan namin. Sa cafeteria kami dumeretso para kumain dahil almost lunch na rin. Tumatawag na sa akin si Emily. Agad ko namnag sinagot ito. "Hello? Nandito kami sa cafeteria." Sagot ko sa tawag. "Ah ok. Sunod ako sa inyo. Ka badtrip si Ken." Sagot niya. "Bakit?" Sagot ko. "Inuna pang tulungan yung malanding Ana na yun kesa sabayan ako kumain ng lunch." Sagot niya. "Hay nako. Hayaan mo na siya. Pagpasahin mo na lang ng requirements niya at huwag mo nang pansinin." Sagot ko. "Sige sige. Punta na ko." Sagot niya at binaba ang tawag. Hindi pa ko nakakasubo ng si Kate naman ang tumawag. "Yes Kate?" Sagot ko sa tawag. "Let's go. I'm here waiting at the gate." Sagot niya. "Ano? Ngayon na? Kala ko ba mamayang dismissal pa?" Sagot ko. "I changed my mind. Let's take lunch there." Sagot niya. "Ok. I'll be there. Papaalam lang ako sa kanila." Sagot ko. "Ok. Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. "Ah guys. Alis muna ko. May gala kami ni Kate today." Paalam ko. "Oh okay. Ingat." Sagot ni Andy. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng cafeteria. Nakasalubong ko si Emily na nakakunot ang noo at kulang na lang manapak ng tao. "Chill. Alis muna ko. May date kami ni Kate." Bulong ko. Tumango lang siya at dumiretso sa bilihan ng pagkain. Nagkibit balikat na lamg ako at naglakad na papunta sa gate. Nakita ko si Kate na nag aabang dun. Ng makalapit ako agad siyang ngumiti. "Let's go?" Aya niya. "Let's go." Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami naglakad. Nagpahatid kami sa service niya sa mall na malapit sa school. Kumain muna kami sa isang fast food chain at nagpasyang umakyat papunta sa sinehan. "What are we going to watch?" Tanong niya. "Fifty shades." Sagot ko. Sakto naman at showing ito. Naghahanap lang ako ng kasama manuod nito eh. Ayoko isama si Vince dahil kasing dumi ng ilog Pasig yung utak niya. Bumili kami ng tickets at ng popcorn tiyaka pumila sa entrance ng sinehan. Ng makapasok kami ay umupo na kami sa place na napili namin.

Vince's POV
Pagkaalis ni Lean ay siyang pagdating ni Emily. Padabog niyang nilapag yung tray na may mga pagkain at padabog na umupo. "What happened?" Tanong ni Andy. "As usual the double breed woman made her move." Sagot niya. Wala akong naiintindihan sa pinag uusapan nila pero pakiramdam ko ito yung babaeng si Ana. Yung fiancèe ni Ken. Yun naman ang palagi niyang problema eh. "Bakit? Anong ginawa sayo?" Tanong ni Sandra. "Nagpasama kay Ken na magpasa ng requirements. Tapos iniwanan ba naman akong mag isa sa hallway." Sagot ni Emily. Gago talaga amputek. Siraulo ata. Imbis na samahan yung girlfriend niya mas inuna pa ang babae niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at di na nakinig sa usapan nila dahil baka kung ano pang magawa ko kay Ken. Kakaibang lalaki din naman siya. Nakukuha niyang saktan ang babaeng kasingganda ni Emily. Kung sana mas maaga ko siyang nakilala edi sana hindi ko siya nakikitang nahihirapan ng ganito. Hindi siya nasasaktan ng ganito. Saglit pa lang kami nagkikita pero nasasaktan ako para sa kanya. Its weird for a womanizer like me to get hurt because of a woman. Pero nasasaktan talaga ko para sa kanya. Ng matapos kumain ay napagdesisyonan namin na pumunta na ulit ng garden at doon tumambay. Ayaw kasi nila sa matatao at maingay na place. Katulad ko ayoko din ng maiingay na place. Gusto ko sa tahimik kasi mas nakakapag focus ako sa binabasa ko. Umupo kami sa bermuda grass si Emily naman ay nahiga at tumingala sa langit. Siguro nagmumuni-muni. Si Lean naman di pa nakakabalik. "Guys. Nasan si Lean?" Tanong ko. "Kasama si Kate. Nasa mall." Sagot ni Sandra na abala sa phone. Ah so ano meron sa kanilang dalawa? Ay ewan na. "Ginoong Vince." Tawag ni Emily. "Bakit?" Sagot ko. "Nagwawattpad ka ba?" Sagot niya. "Oo. Bakit mo naman natanong?" Sagot ko. "Basahin mo yung gawa ko." Sagot niya. "Sure. Ano bang user name mo dun?" Sagot ko. "EmsSavvanah." Sagot niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang wattpad app ko. Sinearch ko ang username niya. 'Still You' 3k reads?! The fck. "Seryoso?! 3k reads?! Kala ko dati yung sinusulat mo is assignment." Ani ko. "Hindi ah." Sagot niya. Author din kasi ko sa app na ito. Babaero ko pero may talent at talino ako. "Next time collab tayo." Sagot ko. "Writer ka din?!" Nagugulat niyang sagot. "Yes. My username is VinceDavid. I'm the author of My wounded heart." Sagot ko. "Hala. Talaga?!" Nagugulat na ani naman ni Sandra. "Oo bakit? Reader ba kita?" Sagot ko. 100k reads na kasi yung book ko na yun. "Oo. Reader mo ako." Sagot ni Sandra.  "Well thank you." Sagot ko. Yung book kasi na yun a love story na tungkol sa babae na sobrang nasaktan dahil sa love. Nagawa ko yun dahil sa nangyari sa Mama ko. Niloko siya ng Papa ko at ipinagpalit sa iba. Pero dun sa story naging happy ending sa totoong buhay hindi talaga sila naging happy ending. "May 5 thousand followers na ako eh. Going 6 na nga eh." Pagyayabang ko. "Promote mo naman kwento ko Ginoo. Sinusulat ko na yung book 2 nun eh." Sagot ni Emily. "Oo naman. Ipopost ko sa wall ko para makita ng readers ko." Sagot ko. Agad kong kinuha yung link ng wattpad story niya at pinost ko sa wall ko sa wattpad pati na rin sa fb dahil may mga followers din ako dun. Sinimulan ko nang basahin yung libro ni Emily. Nakakamangha yung narration niya. Para talaga kong nasa mundo nung librong sinulat niya. Tsaka yung characters ang ganda ng names nila. I never encountered a writer like her. Parang professional. Kahit yung mga kaibigan kong writer din ay nakukulangan ako sa narration nila pero kay Emily hindi. "Alam mo Binibini pwede ka na sa club namin." Bigla ay sabi ko. May club kasi kaming magkakaibigan na nag iinspire sa mga aspiring writers na magsulat pa. "Nako ayoko muna. Magfofocus muna ako sa book 2 ko." Sagot niya. "Ok. Pero ang ganda ng narration mo. Hindi pa ko nakakaencounter ng writer na sobrang detailed nung narration at nadadala mo ako sa world na sinulat mo." Sagot ko. Napaiwas naman siya ng tingin. "Thank you." Sagot niya at ngumiti na para bang nahihiya kaya napatawa na lang ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Ken. Tumabi siya kay Emily na nagtatype sa laptop niya. Di ko na sila tiningnan dahil maiinis lang ako ni Ken. Naglagay na lang ako ng earphones at nagsulat na lang ng draft ng chapter ko. Abala ko sa pagtatype ko ng may magchat sa akin.

Alvin:
Bro! Kamusta na kayo nung binibini mo?

May pagkachismoso din 'tong bestfriend ko na 'to. Tinanggal ko na lang yung chatheads niya at nagpatuloy sa pagtatype ng draft ko. Ng matapos ko ang draft ay nilagay ko na ito sa wattpad at pinublish. Tatlong araw din akong nagsusulat ng update sa bago kong book. Romance writer ako pero di ko alam ang pakiramdam ng nagmamahal. Nanunuod lang ako ng mga romantic films, k dramas and movies. Mostly anime ko kinukuha yung mga ideas ko. Ng humapon ay napagpasyahan na namin na maglog out sa mga adviser namin. Dumating na rin si Lean sa wakas. Naglog out lang kami sa attendance at umuwi na. Hinatid ko sila Lean sa dorm nila bago ako dumeretso sa dorm ko. Habang naglalakad ako papunta sa men's dormitory nakita ko si Ken na inaalalayan pa ang fiancèe niya pasakay sa mustang na itim. Tumalikod lang si Emily lumandi na. Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa dorm. Ang laki ng dorm ko. Pero sapat na ito para sa akin at sa mga dumating kong furnitures. May wifi din ako dito. Shoulder ko lahat ng expenses. Para saan pa yung yaman ko kung di ko naman pakikinabangan. Nagluto na ako ng dinner ko. I am used to live like this. I am trained to live like this kasi college magsi Singapore ako. Dun ako magtetake ng nursing. Nursing ang napili ko dahil gusto ko magtrabaho sa hospital namin. Gusto nila Mama na magmedicine ako pero sabi ko gusto ko muna maexpirience ang maging asistance ng doctor. Mabuti nga't hindi ako pinapapafux marriage eh. Sa aming magpipinsan nila Lean ako pinakamayaman. Di naman sa pagmamayabang pero OO. Ng matapos ko iluto ang dinner ay umupo na ako sa dining table ko. Nagdasal muna ako bago ako kumain. Matapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Tumunog ang phone ko na nasa dining table. Sinagot ang tawag dahil si Mama ito. "Hello Ma." Bati ko. "Hello Vince. How are you?" Sagot niya. "I'm doing fine in my new school Ma. Kasama ko si Lean sa school." Sagot ko. "Wow. That's good. Bawasan mo na yung pambababae mo anak. Hindi maganda sa image mo." Sagot niya. "Wala naman akong bagong babae Ma eh!" Sagot ko. "Siguraduhin mo lang anak." Sagot niya. "Opo. Pagbubutihan ko na lang ang pag aaral kesa mambabae." Sagot ko. "Siguraduhin mo lang anak. Sana pagbalik mo dito sa bahay eh may magandang grade ka sa card mo." Sagot niya. "Ma, wala pang card kasi patapos na sila sa school year ngayon. Pinadala ko na diyan sa bahay yung card ko sa Sapphire Academy Ma. Sa Franklin na ako mag g-grade 10 at senior high." Sagot ko. "Ok. Siguraduhin mo mataas grade mo ah." Sagot niya. "Yes Ma. Sige na po. Magsusulat pa ako. Bye Love you." Sagot ko. "Bye. Keep safe and see you soon. I love you anak." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at makapag bihis na ng pambahay. Ng makalabas ako ng banyo at makapagbihis ay nilock ko muna ang main door ko at dumiretso na sa kwarto. Napagod ako sa kalalakad sa campus kaya siguro ko inaantok. Ng magising ako past 8 pm na. Nagugutom nanaman ako. Bumaba na ulit ako at nagluto na lang ng instant noodles. Ng matapos ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko at umupo sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Naisip ko gumawa ng draft para sa next chapter ko. May naisip naman na akong plot eh kaya di na mahirap. Habang kumakain ay nagtatype ako. Ng maubos ang nasa isipan ko ay nagbasa na lang ako sa wattpad hanggang sa makatulog.

A/N: So Hi Bemskies! Enjoy reading! Sorry ngayon lang nakapag update dahil sa mga kaganapan sa private life ng maganda niyong author. Di chour lang. Please Vote and continue reading my story! Thank you! Love you all! Happy 900 reads KELY!❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top