CHAPTER 31: FLIRT
Emily's POV
Ng matapos ako magimpake ay bumaba na ako. Naisipan kong ipaghanda sila ng breakfast. Wala lang naisip ko lang matagal na kasi kong hindi nakapagluto ng breakfast para sa kanila. Hindi pa rin natitikman ni Ken at Ivan ang luto ko. Puro si Sandra kasi at Lean ang kumikilos sa kusina ng dorm. Kadalasan kasi busy ako sa school o kaya sa pagsusulat ng novel kaya bihira kong galawin ang kusina. Ng makapunta ako sa kusina ng bahay ay napansin kong hindi pa nagluluto si Manang. "Manang maaari po ba akong magluto? Nais ko po sanang ipagluto ang mga kaibigan ko." Paalam ko dahil nandoon siya sa kusina at pinupunasan ang dining table. "Naku iha baka magalit sa akin si Young Master kapag pinagalaw kita rito sa bahay. Ayaw nun na may ibang magluluto dito lalo pa't bisita ka." Sagot niya. "Ayos lang po Manang. Marunong po ako magluto huwag kayong mag-alala. Ako na po ang bahala kay Ken." Sagot ko. "Sige kung yan ang gusto mo. Nandiyan sa ref ang mga pwedeng lutuin at nandiyan sa rice cooker yung natira na kanin kagabi kung gusto mo magsangag." Sagot niya. "Sige po. Salamat." Sagot ko. Pumunta na ako sa may ref nila. May nakalagay na manok at mga frozen products. Magpiprito na lang ako ng manok at bacon tapos magsasangag na lang ako para walang sayang na kanin. Sakto namang may margarine sila dito kaya tamang tama sa recipe ko ng sinangag. Sinimulan ko nang hugasan yung manok at naghanap ng crispy fry. "Manang, may crispy fry po ba kayo?" Tanong ko kay Manang na kakapasok lang ata upang tingnan ang ginagawa ko. "Ah nandun sa cabinet sa kaliwa mo." Sagot niya. "Salamat po." Sagot ko. Pumunta ako dun at kinuha yung isang pack ng crispy fry. Nilagay ko ito sa isang malaking bowl. Hiniwa ko na ang manok base sa parte nito. Hindi naman ako ganun ka walang alam sa kusina. Itinuro ito sa akin ni Mommy para daw makasurvive ako ng hindi puro frozen foods ang kinakain. Nilagay ko yung mga hiniwa kong manok sa crispy fry na nasa bowl at pinagulong ito dun. Nagpainit na ako ng mantika sa kawali. Ng mainit na ito ay nilagay ko na ang manok. Ng maprito ko na lahat ay naghanda naman ako ng panibagong kawali para naman sa sinangag. Nilamutak ko muna yung kanin bago ako nagtunaw ng margarine sa kawali. May hotdog akong nakita sa ref kaya naisipan kong isahog ito sa sinangag. "Hmmmm ang bangooooo!!!!" Bati ni Sandra na kakapasok pa lamang sa kusina. "Good morning Sandra." Bati ko na hindi pa rin inaalis sa mga hotdog na hinihiwa ko ang atensyon. Paano ko nalaman agad na si Sandra? Syempre araw-araw mo ba namang kasama ng halos buong school year di mo pa ba makakabisado boses nila. "Ems?! Nagluto ka?! Omyghad?! This must be a miracle! Ang Emily Savvanah Howards na kilala ko hindi nagluluto. Mas ok pang kaharap niya ang laptop kesa kalan." Sagot niya. "Bakit? Namiss ko lang ang kusina." Sagot ko. "Bango naman. Ems?! Ikaw ba yan?" Bati naman ni Lean. "Hindi Lean. Multo lang ako." Sagot ko. Jusko naman kala mong ngayon lang nakakita ng babaeng nagluluto sa kusina. Ng mahiwa ko na lahat ng hotdog ay ginisa ko na ito kasama nung kanin. "Good morning guys! Sino nagluluto? Apaka bango naman!" Bati ni Zoe. Agad namang tumabi ang mga nauna para bigyan ng daan si Zoe na makita ako na nagluluto rito. "Ems?! Talaga ba?!" Nagugulat niyang ani. "What's happening?" Tanong ni Andy sa mga tao. Tinuro lang nila ko. "Emily Savvanah Howards is cooking! How could it be?! Yan na ba epekto ni Ken?!" Nabibiglang ani naman ni Andy. "I heard my name. Ano meron?" Tanong naman ni Ken na kapapasok lang sa dining. "Wow. Talaga ba Emily? Yung Emily na kilala ko tahimik, mas madalas kaharap phone, mas gustong pinagsisilbihan siya at hindi siya nagluluto." Ani Ken ng makita niya akong gumagalaw dito sa kusina. "Well Ken its just part of me." Sagot ko. Bumaling naman ako sa bacon na ipiprito ko. Nagpatuloy lang ako kahit pinapanuod na nila ko. Hay nako. Minsan na nga lang magluto papanuorin pa. Di na nga ako uulit. "Alam mo Ems may kamukha ka." Ani Ken. "Sino naman?" Nagtatakang tanong ko. "Yung asawa ko." Sagot niya. Saglit akong napatulala sa sagot niya pero agad ding nakabawi at pinagpatuloy ang ginagawa. Alam kong nagbablush ako dahil naririnig ko ang bungisngisan ng mga kaibigan ko. "Oi Ems! Asawa daw oh!" Asar ni Lean. "Ayieeeeee! Emilyyyyyy!!!" Asar naman ni Sandra. Lalo akong namula sa asaran nila. "Wag kayo maingay! Papakainin ko kayo ng sunog na bacon!" Sagot ko. "Stop it guys! Mrs. Lizardo is getting pissed." Ani Andy. "Hay nako. Hindi na talaga ko uulit magluto! Wag niyo nang asahang mauulit 'to ah!" Naiinis kong sagot. "Uyyyyyy Mrs. Lizardo daw!" Ani naman ni Zoe. Hayst. Napapabuntong hininga na lang ako dahil sa mga pang aasar nila. Alam na alam talaga nila kung paano ako asarin. Habang sila Ivan at Ken naman ay puro tawa. Ng matapos ay inihain ko na sa lamesa. Tumulong naman sila Sandra sa paghahain. Umupo na kami lahat. Pinagsilbihan ko naman ngayon si Ken. Ako ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya. Ng matapos ko siyang pagsilbihan ay sarili ko naman ang nilagyan ko ng pagkain. Nagsimula na kaming kumain. "Wow. I never thought that Emily Savvanah Howards is a good cook. 'Kala ko sa poetry at academics ka lang may ibubuga eh. Pati pala sa kusina." Papuri ni Ivan. "Love pakasal na tayo. Pwede ka na mag asawa. Ang sarap mo magluto." Ani naman ni Ken. "Ems. Kailangan namin ni Sandra ng sub sa kusina sa dorm baka pwede ka. Pasadong pasado." Ani Lean na akala mong ngayon lang natikman yung luto ko. "Oo nga Ems. You improved well." Ani Zoe na hindi tumitingin sa akin. "Hayst. Hindi na talaga ko ulit magluluto. Baka mamaya ikasal ako ng di oras. Tsaka ganun talaga Ivan. Dapat marunong sa gawaing bahay." Sagot ko. Nagsimula na akong kumain. "Pagkakain maligo agad kayo ah. Traffic panigurado." Ani Ken sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Okay." Sang ayon namin. Ng matapos ay nagprisinta akong mag urong pero sabi ni Ken sila Manang na daw ang bahala. Hindi na ko nagpumilit pa dahil tanghali na din naman. Umakyat lang ulit ako sa kwarto ko at naligo. Ripped jeans at black shirt lang na may design na letter E ang sinuot ko. White shoes ang sinuot ko dahil ito lang naman ang dinala kong sapatos. Chineck ko muna yung duffle bag at shoulder bag ko kung may kulang pa sa mga gamit ko. Naglip tint ako ng kaunti para mukha naman akong presintable. Nilagay ko na sa kanang balikat ko yung duffle bag ko at sa kaliwa naman ang shoulder bag ko at lumabas na. Ng makalabas ako agad naman na kinuha ni Ken yung duffle bag ko at hinawakan ang kamay ko. "Nasaan na sila?" Tanong ko. "Nasa van na. Ang tagal mo eh." Sagot niya. "Ako? Matagal? Weh?" Sagot ko. 10 minutes lang ata ako sa banyo eh. "15 minutes na kitang hinihintay sa labas ng kwarto mo." Sagot niya. "Parang 5 minutes late lang ako tapos nainip ka pa." Sagot ko. Sabay kami sumakay sa van. Ng bumaling ako sa kanila ay lahat abala sa phone. Kaya nakigaya na din ako. Nagchat ako kila Mommy na pauwi na ako. Agad naman niya akong tinawagan through video call. "Hi mommy!" Bati ko. "Hi Tita!" Bati ni Ken. "Hi po Tita! Kamusta po?" Bati naman ni Sandra. "Hi Tita." Bati ni Ivan. "Ok naman. Have a safe trip. Oo nga pala Emily. Saan ka dederetso?" Sagot ni Mommy. "Sa dorm po. Maglalaba. Bukas na po ako magpupunta sa atin. Kamusta ba diyan?" Sagot ko. "Wag ka na pumunta dito. Kami na lang ang pupunta diyan sa dorm niyo kapag di na busy sa business. Have quality time with your friends and Ken. Alam ko naman na kapag pumunta ka dito you will just mourn for Nanay." Sagot niya. "Sige po Mi. See you soon. Bye po. Love you." Sagot ko. "Bye anak. See you soon. I love you too." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Ilang sandali lang ay may phone nanaman na nagring. Kay Lean naman ito. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at nagcellphone na lang.
Lean's POV
Agad kong sinagot ang tawag ni Mama. "Hello Ma. Bakit?" Bati ko. "Lean, dadating na yung pinsan mo." Sagot niya. "Pinsan? Sino?" Sagot ko. "Si Vince. Yung exchange student sa school niyo." Sagot niya. "Ano?! Saan yun magsstay?" Tanong ko. "Kung pwede mong kausapin yung mga kaibigan mo na dun muna siya sa dorm niyo pansamantala hanggang sa magsimula yung school year niyo. Kasi hindi pa siya maiissuehan ng dorm dahil middle of the school year na siya nakapasok." Sagot niya. "Okay po. Pag uusapan po namin. Kailan po ba siya dadating?" Tanong ko. "Ngayon sana." Sagot niya. Agad akong naalarma sa sagot niya. "Sige po." Sagot ko at ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga tuloy ako. Paano ko sasabihan sila about kay Vince? Isang malaking abnormal na lalaki yun. Sa tagal kong nakilala yun he flirts with everyone. Walang pinipili. Ilang saglit pa ay nagring nanaman ang phone ko. Si Vince naman ngayon ang caller. "Ano?" Naasar kong tanong ng sagutin ko ang tawag. "Hello my pretty cousin. How's your day? I heard nasa vacation ka daw kasama ang mga friends mo." Sagot niya. "Hindi na maganda ang araw ko dahil sayo! Tsaka bakit mo ba kinuha yung pagiging exchange student dun sa Franklin U ha?" Sagot ko. "I heard maraming magagandang babae dun. At gusto ko sana makaexperience ng something new." Sagot niya. "Something new mo mukha mo! Bagong babae kamo na maipagmamayabang mo sa mga kaibigan mo!" Sagot ko. "Well sort of." Sagot niya. "Ay ewan ko sayo. Nakaka stress kang kausap. Bahala ka nga sa buhay mo!" Sagot ko at ibinaba ang tawag. Ngayon ko lang napansin na tinitingnan na ako ng mga kaibigan ko. "Sorry. Kausap ko yung demonyo kong pinsan na exchange student daw ng school." Sagot ko. "So tunay nga yung naririnig kong rumors. Na may exchange student daw." Sagot ni Sandra. "Oo sa kasamaang palad sa dorm natinsiya mamamalagi habang di pa siya naiissuehan ng dorm." Sagot ko. "What the-bakit? Hindi ba pwedeng mag apartment na lang siya?!" Reklamo ni Zoe. "Oo nga Lean. Yung isang kwarto dun eh puro gamit na natin. Alangan namang sa couch natin patulugin. Kawawa naman." Sangayon naman ni Emily. "Pabayaan niyo na yun. Bwisit eh. Lilipat ba naman ng school para lang makipagflirt! Patikim natin sa kanya yung impyerno." Sagot ko. Nakakainis! Makatarungan ba yun? Na lilipat ka ng school for flirting purposes? "Babae ba yan or lalaki?" Tanong ni Ivan. "Lalaki." Sagot ko. "Ano? Baka flirt yan at mapagdiskitahan si Sandra ko." Naalarmang sagot ni Ivan. "Paano pa si Emily?" Sagot naman ni Ken. "Wag kayo mag alala ako na bahala sa demonyo kong pinsan." Sagot ko para mapanatag ang dalawa. "Don't worry Ken hindi ako lalabas sa kwarto. Alam mo naman na mas matimbang ka sakin kesa sa iba diba? Sapakin ko pa yun eh!" Sagot ni Emily. Kinabahan naman agad ako sa sinabi nila. Kilala ko ang pinsan ko. Isang malaking flirt ang demonyo na yun. Araw-araw may ibang babae. Nakasama ko na yun sa bahay dati nung nasa iisang school pa kami. Aba pucha hindi pa nga nagrerecess may iba na agad kaholding hands. Di na ko magtataka kung isang araw may gumayuma sa kanya kasi sa sobrang kaggssan eh maraming nagkakandarapa sa atensyon niya. Karangalan nang mapansin ka ng isang Vincent David Sawyer sa school namin. Kung sa Franklin U ay si Ivan at Ken sa Sapphire Academy si Vince. Ilang oras lang ay nakarating na kami ng Bulacan. Tumatawag na rin sa akin si Vince. "Ano namaman?" Naiinis kong bati sa tawag. "Nasaan ka na? Nandito ko sa tapat ng building ng dorm." Sagot niya. "Nasa crossing palang ako. Tsaka sino ba may sabi sayong ngayon ka lilipat? Ginigisa ko ng mga kaibigan ko ngayon ng dahil sayong demonyito ka!" Sagot ko. "Well sorry pretty little cousin. Wala na kong matitirahan dahil umalis na ko sa dorm ng Sapphire." Sagot niya. "Pucha ka! Bwisit! Palagi ko na lang inaayos yung gulo mo! Dun ka na lang kasi sa Sapphire!" Sagot ko. "I'm waiting pretty little cousin. You know na ayoko na pinaghihintay ako." Sagot niya. "Pwes maghintay nga ngayon!" Sagot ko at binaba ang tawag. Ng makarating kami sa Franklin U ay nakita ko nga siya may hawak na dalawang maleta pero di pa rin nababawasan ang kagwapuhan. Nauna na akong bumaba sa kanila. "Ano pretty little cousin? Long time no see." Bati niya. "Anong long time no see! Sipain pa kita! Baka akala mong sa kwarto ka matutulog. Sa sofa boy! Hindi ka magiging kumportable hanggat nandito ka! Di ko ipapatikim sayo ang malambot na kama!" Bungad ko dahil lakas ng loob magpachill chill dito. "Hey cousin. Aren't you going to introduce me to those four beautiful girls?" Sagot niya. "Ah guys!" Tawag ko sa atensyon nila dahil nakatayo sila malayo sa amin. Wala na si Ken siguro ay nauna na. Lumapit naman sila. "Tapos na ba kayo mag away? Para kasi kayong mag asawa eh." Sagot ni Andy ng makalapit sa amin. "Lean, ayusin mo yang pinsan mo nako. Pag pabigat yan maghanap na lang siya ng ibang dorm. Sa pag uusap niyo pa lang sa phone kanina alam ko nang walang magawang matino yan." Sagot ni Sandra. "Lean, please kung sa atin siya titira for the mean time baka pwede turuan mo ng good manners and right conduct." Sagot ni Zoe. "Ayoko ng maingay sa dorm kaya kung maingay ka better have an apartment." Malamig na sagot ni Emily na may matalim na tingin kay Vince. "Bago ang lahat ng yan papakilala ko muna siya sa inyo. This is Vince guys. Pinsan ko. Vince, this is Emily, Andy, Sandra, Zoe and Ivan. My friends. Kaya sana umayos ka." Pagpapakilala ko kay Vince. "Hello I'm Vincent David Sawyer, pretty ladies." Sagot niya. "Yuck! Si Ken hindi ako tinawag ng ganyan! Mauna na nga ako! Pagod ako sa biyahe tapos may flirt pa tayong kasama!" Nandidiring sagot ni Emily at nauna na sa aming maglakad. "Bro better luck next time. Taken na yun. Wag mong susubukan." Ani naman ni Ivan at hinila na si Sandra paalis. Nagkibit balikat naman si Andy at Zoe tsaka pumasok na rin. "Flirt pa sige! Wala ka pa nga sa loob ng campus nagfiflirt ka na! Tara na! Buhatin mo yan mag isa walang elevator dito!" Inis kong sigaw kay Vince at nauna nang maglakad sa kanya.
Vince's POV
Dapat talaga susunod ako kay Lean sa Franklin U nung lumipat siya kaso hindi ako pinayagan ng management ng school. Masyado daw akong brainy kaya di ako pinakawalan. Pero napagdisiyunan ko siyang sundan dahil gusto ko ng bago. Kaya naisipan ko na lumipat ng Franklin U kaso late na naapprove yung request ko. Sa sobrang late natapos na school year nila nung naapprove. Bukas itotour daw ako ng vice president ng student council nila. Maswerte naman ako at nakarating ako sa section nila Lean. Di ako ma-a-out of place. Kaklase din ata niya yung babaeng nagwalk out kanina. "Hoy Vince! Ano uupo ka na lang d'yan?!" Sigaw ni Lean mula sa kusina. Naghahanda ata ng tangahalian namin dahil pasado 12:00 na rin. Kahit kailan talaga 'tong pinsan ko na 'to may pagka microphone. "Bakit ba?! Bisita niyo ko eh!" Sagot ko. Tama naman bisita nila ko bakit ko pagsisilbihan sarili ko?? "Lean naman! Nagsisimula nanaman kayong magpinsan! Hindi ako makapagsulat! Daig niyo pa mag asawa!" Sigaw naman nung babae na unang nagwalk out kanina. Emily ata yung name. "Sorry Emily. Eto kasing pinsan ko tinuturuan ko umayos." Sagot niya. "Sorry Baby nagulo kita." Paghingi ko ng paumanhin. Ang sarap talaga inisin ng babae na 'to. "Hoy ikaw ginoo! Sisikapin kong maging maayos ang pakikitungo ko sayo habang ikaw ay naririto ngunit kung ganyan palagi ang ipapakita mo mas marapat na ikaw ay umalis na dito. Mas taimtim ang aming pamumuhay bago ka magtungo rito. Pakiusap nagugulo mo ang aking nakasanayan kaya nais ko sanang pakiusapan ka na kahit pansamantala ay iayon mo ang iyong pag uugali. Sa totoo lang ako'y labis na nahihirapan sa labis na ingay na aking naririnig. Hindi ako makapagsulat ng maayos. Alam rin naman ng mga kaibigan ko lalo na ng pinsan mo na ayaw ko ng maingay. Makisama ka naman pakiusap." Mahabang litanya niya bago umalis sa kusina. Na speechless ako sa mga sinabi niya. Di ko akalain na may pagkabinibini din pala siya. "Siraulo ka kasi Vince! Bihira namin naririnig mag malalim na tagalog 'yang babae na yan! Alam namin na kapag naging malalim ang pananagalog niyan sa amin eh galit yan at naiinis. Makisama ka na lang Vince kung ayaw mong mag apartment!" Ani Lean sabay batok sa akin. So ganun pala siya mag express ng anger. Kakaiba. Lalo tuloy akong nachallenge sa kanya. "Sorry naman! Ano bang malay ko sa babae na yun!" Sagot ko. I honestly find her attractive. Bihira na kasi sa mga babae ang magaling magtagalog. Mas naattract ako sa mga katulad niya. Matangkad na morena tapos matangos ilong. Mahaba buhok. Parang si Maria Clara. "May boyfriend na ba yun?" Tanong ko out of nowhere. "Oo meron." Sagot ni Lean. "Buti nagkaboyfriend pa yun. Sa ganung ugali niya." Sagot ko. "Mabait yun tanga! Ininis mo kasi agad eh! Ayan tuloy nasamplelan ka ni Binibining Emily Savvanah Howards." Sagot niya. "Sino naman? Tanga naman ng lalaki na yun para patulan siya. No choice na ata yung lalaki kaya pumatol na sa kanya eh." Sagot ko. "Si Ken Pietro Lizardo. Don't tell me na hindi mo yun kilala. Kasi laman yun ng news last month ata." Sagot niya. "KEN?! YUNG ANAK NG NUMBER ONE CONSTRUCTION FIRM NG ASIA?!" Hindi makapaniwalang sagot ko. Jowa niya yun?! Eh ang yaman-yaman nun tapos medyo good looking naman pero mas gwapo ko. Swerte naman ni Ken bumagsak sa isang amazonang babae na mala Maria Clara. Ganda ah. Nice taste. "Galing naman pumili ni Ken. Maria Clara." Sagot ko. "Hoy kung gagawin mong isa sa mga babae mo yung kaibigan ko pwede ka nang lumayas sa pamamahay namin!" Sagot niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Why not? Di naman sila ganun kabagay ni Ken. Ken cannot be her Crisostomo Ibarra because he's already engaged to the gem of Arthurs. Tsaka ano papakasaln niya muna yung babae bago si Emily? Second hand groom? Parang lugi naman sa gano'n si Emily." Sagot ko. "So sinasabi mong mas better ka kay Ken? Nahiya naman ako sa pag uugali mong katulad ni Don Juan. Tatay mo ata yun nung past life mo kaya ka naging babaero katulad niya. Aba kada baba ba naman ng bundok may babae. Nauna pang inuwi yung babae kesa sa ibong adarna." Sagot niya. "Oh paano tayo napunta sa Ibong Adarna?" Sagot ko. "My point is idadagdag mo lang siya sa mga babae mo." Sagot niya at tumalikod na sa akin para maghain. Tumulong na din ako. Ng matapos namin yung paghahain ay umakyat na siya para tawagin yung mga kaibigan niya. Pero sa kasamaang palad tatlo lang ang bumaba. Wala siya. "Oh kulang ata kayo." Puna ko agad ng pumasok sila sa dining area. "Bwisit ka kasi eh! Ayon hindi na bumaba!" Sagot nung babae na may mahabang buhok at kulot sa dulo na nagngangalang Sandra ata. "Ako? Bakit ako?" Sagot niya. "She told us that she doesn't want to share one table with you because your a great flirt." Sagot naman ng isang babae na may brown hair na nakatirintas na Andy ata ang pangalan. "Hayst. Ano pa nga ba magagawa natin sa pinsan mo Lean? Kailan ba yan iisuehan ng dorm. Alam mo naman yung condition ni Emily diba? Bawal malipasan ng gutom." Namomoreblamang saad naman ng isa pang babae na kasing tangkad ni Lean at may hanggang balikat na buhok na Zoe ata ang ngalan. "Baba din yun antayin na lang natin. Tara kain na tayo." Sagot ni Lean sa kanila. Pumunta na kami sa dining at nagsimula nang kumain.
Emily's POV
Kanina pa ko nababanas sa pinsan ni Lean. Tatay niya ata si Don Juan dahil namana yung puchang kalandian. Kung pwede lang paalisin ko siya sa dorm eh. Kainis! Tapos ang ingay ingay pa nila ni Lean. Ayos nang si Lean at Sandra ang magbangayan pero si Lean at ang anak ni Don Juan wag na lang. Ilang sandali pa ay naisip kong bumaba na. Kukuha na lang ako ng pagkain tapos dito na lang ako sa kwarto kakain. Napaparanoid pa naman yung mga yun kapag hindi ako nakakain sa tamang oras. Takot na takot na sila na ibalik ako sa hospital. Umiinom pa rin naman ako nung prinescribe na gamot sa akin pero every night na lang kasi nakakaantok. Inabutan ko silang kumakain dun at nagtatawanan. Pasimple namang tinitingnan ng masama ni Zoe yung pinsan ni Lean. "Oh Binibini. Halina't kumain." Aya ng pinsan ni Lean. "Paumanhin Ginoo ngunit ayokong makasama ka sa iisang hapag kainan. Mga binibini. Paumanhin sa malalim kong pananagalog at kung hindi ko kayo masabayan sa pagkain. Wag kayo mag alala. Ako lamang ay nasa silid ko at nagsusulat. Lalabas na lang ulit ako ng aking silid upang kumain ng meryenda sa labas. Napag usapan din namin ni Ken na kami'y magkikita sa parke." Sagot ko upang mapanatag ang kalooban nila Lean. "Cut that deep words Ems. Its hard to understand." Sagot ni Andy. "Oh sorry Andy.What I meant is I cant eat with you right now because I cant afford to eat at the same table as this young man at. and I almost forgot ken and I will meet later for some issues that has been happening. I'll just be in my room if you need anything. My head is keep aching when i gaze on this man."." Sagot ko. "Paano ka kakain??" Tanong ni Sandra. "I'll just bring enough food upstairs to not get you guys worry or I'll just buy some food outside." Sagot ko. "Wow. Magaling ka pala mag english." Sagot naman ng pinsan ni Lean. "Oo. Magaling din ako magmandarin at magaling din ako magpadugo ng nguso ng mga lalaking mamfliflirt sakin." Sagot ko. "Ah so pinadugo mo na rin pala ang nguso ni Ken kasi diba boyfriend mo yun? Imposible naman na magjowa kayo tapos di kayo naglalandian." Sagot niya. Agad na uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Argh! Lean kailan ba yan aalis dito?! Naiinis na ko! Siguro habang nandito yan sa bahay na lang muna ko uuwi! Ayoko na magsimula pa ng bangayan sa lalaki na yan. Ako na lang aalis ng makaiwas sa gulo. Have a nice stay Mister." Sagot ko. Umalis na lang ako sa kusina at hindi na kumain. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at kinuha ang wallet at phone ko. Bibili na lang ako ng big bite sa malapit na 7 eleven d'yan sa baba para kahit papaano may laman yung tiyan ko. Magagalit si Ken kapag nalaman nun na di ako nakakain ng tamang oras. "Ems! Sa'n ka pupunta??" Tanong ni Sandra na nasa sala na ngayon. "D'yan sa 7 eleven. Give me some break. Pagod ako galing sa Tagaytay tapos iinisin pa ko niyan!" Sagot ko. "Okay naman na si Vince sa amin ah." Sagot ni Zoe. "Sa inyo. Eh sa akin? Diba hindi naman. Lahat gawin niya nang biro wag lang yung love ko para kay Ken kasi hindi niya naman alam yung mga pinagdaanan ko eh. Hindi niya gets yun eh! Nakakasakit din kasi yung ibang jokes okay?" Sagot ko at tumalikod na sa kanila. "Oh Ems where are you going?" Tanong ni Andy. "Somewhere cool. Wanna go?" Sagot ko. "Okay. I'll just get my phone and wallet." Sagot niya. Lumabas na ako ng dorm at hinintay na lang siya sa labas.
Andy's POV
I know Emily's pissed big time. Ken will be fumming mad if he knows about this. "Saan ka punta Ands?" Lean asked. "I'll go with Ems. You should talk to Vince. She's pissed big time and Ken will be fumming mad if he knows someone get into Emily's nerves." I answered. "Sige. Ako na bahala kay Vince. Kausapin mo rin si Ems." She said and go to the living room where the others are. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng dorm. I saw Emily talking to someone on the phone. "Eh Love yun na nga yung sinasabi ko sayo. Naiinis ako sa kasama namin sa dorm. Kung pwede ko lang naman siya paalisin dun eh kaso nakakahiya naman kay Lean." She said. I think she's talking to Ken. "Okay Love. Sabi mo eh. For sure sa Monday makikilala mo na rin yung anak ni Don Juan. Okay. Bye. Love you." She answered and hanged the phone up. "Lets go?" I asked her when she turn her gaze on my side. She just nodded and walk away. I followed her. We went to the nearby 7 eleven and bought some foods. After that we found ourselves walking going to the park. She sat on the swing and I sat beside her. "Ano? Inis ka na?" I asked to start a conversation. "Sino ba namang di maiinis? Kagagaling mo lang sa long drive tapos may mamfliflirt sayo. Ang masama pa nito ay hindi ko siya kilala. May problema pa nga ko sa family ni Ken eh. Pag uusapan namin mamaya." She answered. "May I know what's the problem?" I answered. "His parents wants to have a dinner with me. TONIGHT." She said emphasizing the word 'tonight'. "What? I thought they just came from a business trip?" I answered. "Gusto ng parents niya na makipag usap sa akin about kay Ken." She answered. "What? Are you prepared?" I asked. She looks worried. "No. Honestly No pero kailangan ko magpilit maging handa dahil pamilya ni Ken yun eh. Nasabihan ko na si Mommy about dito. Basta daw kapag di boto ang family niya sa relationship namin at hindi nila kami maintindihan ay mas dapat naming intindihin ang isa't isa. That way mas magiging matatag at handa ang relasyon namin na ipaglaban sa parents niya." She answered. "Ems if ever Ken's parents do something on you remember that we're always here to be with the both of you in any battle field. Basta kapag ininsulto ka ng parents ni Ken tawagan mo lang kami at pupuntahan ka namin agad. I am willing to be in a english battle with her mother just to stand with you both." I answered. She just smiled sweetly. She's like telling that don't worry about me its okay. I am not going to meet Ken's parents but I am totally nervous right now. I think something bad will happen? But I'll just hope that Ken will stand to Emily. I'll just hope that something good will be doned today. After we finished our food we decided to go home. Emily also needs to prepare. She just greeted our friends and go upstairs. I think she'll call Ken about it. "Guys!" I called their attention. "Except for you Vince." I added. "Bakit?" Sandra answered. "I have something to tell you. It concerns about Ken and Emily." I answered. "Okay." Zoe answered. We went to the dining area. "Ano yun?" Lean started the conversation. "Emily will have a dinner with Ken's family." I answered. "Ano?!" Sandra shouted. "I think we should call Ivan." I answered. Ivan knows what to do here because he and Ken has the same life. "Tawagan ko saglit." Sandra answered. She dialed Ivan and in a few rings he already pick it up. Sandra put it in a loud speaker so that we can here him. "Hello Sandra Ko." He greeted. "Wala kong oras makipaglandian sayo Ivan. Umayos ka. Pumunta ka ngayon dito sa dorm. Kailangan ka namin. May meeting seeners ngayon." Sandra answered. "Sige. Punta ko d'yan sa dorm niyo." He answered and ended the call. A few minutes after someone knocked the door. "Baka si Ivan na yun. Wait bubuksan ko lang yung pinto." Lean said and walk away. "Bakit?" Ivan asked when he came at the dining area. "May dinner si Emily kasama ang family ni Ken." Sandra answered. "Ano? Baka mainsulto lang dun si Emily." He answered. "So whats the plan?" Zoe asked. "I really have a bad feeling about this. I think its not a simple dinner." I answered. "So paano nga?" Lean answered. "We all know what his family can do. And we all know that Emily is too soft to handle pain." I started. "We should be prepared if she calls us. Stand by our phones and wait for her. I have this guts that its not just a normal dinner." I added. "Anong hindi normal na dinner? Bakit kakain lang naman sila tas meet the family? Diba ganun yun? For formality?" Zoe answered. "Zoe, mayaman si Ken. At ang pamilya niya ang may ari ng number one construction firm in Asia. Si Ana naman ang anak ng may ari ng number one trading firm in Asia. Diba engaged sila? Pero si Ken pinipilit pa rin labanan yung family niya. Ngayon gagawa at gagawa ng paraan ang mga magulang niya para magmerge yung company nila dahil mas mapapalakas nito yung popularity nito sa business world." Ivan answered. "In business world LOVE is not known. You cannot love if your a daughter or son of a business tycoon. Ang fate mo ay nakadepende sa mga magulang mo. Hindi ka pwede pumili. Yan ang mundong kinabibilangan ni Ken at Ivan. Swerte pa si Ivan na wala pang napipiling babae ang mga magulang niya. Pero sa pamilya ni Ken sigurado akong kailangan maipakasal si Ken by hook or by crook. Kasi magbebenifit ang business nila." Lean explained. "Let's just wait." Ivan answered. After a few minutes we saw Emily wearing a dress and a doll shoes. She looks beautiful. I gazed at them. They are also looking at Emily. "Ganyan kaganda siyang pupunta dun. Dapat pag uwi niya ganyan rin siya kaganda." Sandra said in closed fists. "Ayoko nang makitang umiyak ang babae na yan dahil kay Ken." Lean added. "Ems! You look beautiful!" Ivan complimented. "Oh anong meron? Bakit kumpleto kayo lahat? Tsaka nasaan si Ginoong pinsan ni Lean?" She asked when she got here. "Ah nandun sa park. May ka-date." Lean answered. "Wow. Sana all." She answered. Its already 5:30 pm so I think she'll be fetched by 6:00 pm.
Emily's POV
Kanina pagkarating namin galing Tagaytay tinawagan ako ni Ken na may dinner daw ang family niya at invited ako. Gusto daw ako makilala ng parents niya. Agad naman akong tumawag kay Mommy dahil kinakabahan ako sa mangyayari. Sabi niya basta kapag nainsulto ka ng pamilya ni Ken tawagan mo lang ako at ako na mismo ang haharap sa pamilya niya. Pero dapat mas intindihin mo siya sa mga oras na ganito. Dapat mas kapitan niyo ang isa't isa. Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang isang doorbell. Agad akong pumunta dun para tingnan kung sino. Napatulala ako sa sobrang pagkamangha sa bumungad sa akin. Ken on his messy hair, polo shirt and jeans. Shucks para kong nakakita ng artista. Kamukha talaga siya ng character ko sa novel. "Love. Masyado ka nang tulala diyan." Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ito. "Ha? Sorry. Ang gwapo mo ata ngayon ah." Ani ko. "Syempre. Ipapakilala kita sa kanila eh. By the way you look beautiful today." Sagot niya. "Thank you." Sagot ko. "Let's go?" Aya niya. "Ah wait I'll just bid goodbye to them." Sagot ko. "Guys. Alis na ko. Tatawag na lang ako kapag may problema." Paalam ko. "Good luck Ems! Wag kang kabahan. Isipin mo na lang na magsspoken word ka sa harap ng maraming tao. Tapos kapag kinabahan ka think of us na lang." Sagot ni Sandra. Tumango na lang ako at kumaway sa kanila bago umalis ng dining area. Ng makabalik ako ay inaantay ako ni Ken. "Love. Tara na." Aya ko. Kinuha niya naman ang kamay ko na nanlalamig sa sobrang kaba. Nandito pa lang ako sa bahay kinakabahan na ko. Paano pa kaya kapag nandun na ako sa bahay nila? Siblings pa lang niya ang kilala ko. Naririnig ko lang sa news yung names ng parents niya. Akala ko nga dati kamukha niya lang ng surname eh. Yun pala mga magulang niya talaga. Si Mr. Keifer Lizardo at si Mrs. Andrea Lizardo ang parents niya. Nakita ko lang sa post nung nag announce ng engagement nila. Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Nandito na kami sa kotse ngayon ni Ken at kinakabahan talaga ko dahil mamimeet ko na ang parents niya. Baka iba sila kila Mommy. Baka sungitan lang ako. O kaya bigla na lang ako sabunutan at palabasin ng bahay nila kasi hindi nila ako gusto para sa anak nila. Pumasok na kami sa isang napaka gandang bahay. Agad nilahad ni Ken ang nanlalamig kong kamay. "Hey. Magugustuhan ka nila don't worry. Diba nagustuhan ka ni Ate at Kuya?" Aniya dahil naramdaman niya ang panlalamig ko. "Eh Ate at Kuya mo yun. Natural magugustuhan nila. Wala naman silang choice kundi suportahan ang little brother nila eh." Sagot ko. "Just chill." Sagot niya. Tumango ako at humawak sa kamay niya. Binitawan niya ito saglit at bumaba ng kotse niya dahil nandito na kami sa tapat ng main door ng bahay nila. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Good evening Young Master. Inaantay na po kayo ni Master at Madam sa living room." Bati ng isang di katandaang babae kay Ken na sa tingin ko ay mayordoma ng bahay nila. "Good evening Yaya Precy. Sige po salamat." Sagot niya at pumasok na sa loob ng bahay. Nasa living room si Kuya Kenneth, Ate Kass at Kyle kasama ang mga magulang nila. "Good evening Ma, Pa. This is Emily. My girlfriend." Pagpapakilala sa akin ni Ken. "Good evening Ma'am and Sir..." Bati ko. "Let's wait for them. Then we'll go to the dining area and start the dinner. Manang! Pakikuha si Miss Emily ng juice." Tawag ni Ms. Andrea sa katulong nila. "Who are we waiting for Ma? Kumpleto naman na tayo ah. Nandito na si Ate." Sagot ni Ken. "No son. We're not yet complete." Sagot ng Mama niya. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang magandang babae kasama si Ana???? Anong ginagawa niya dito?? Tiningnan ko si Ken na nagkibit balikat lang sa akin. Maging sila Ate Kass at Kuya Kenneth ay nagulat sa presensya ng dalawang taong pumasok. Isa lang ang kutob ko sa mangyayaring dinner na ito. May mali. Bakit kailangan imbitahan ang fiancée ni Ken kung narito ang girlfriend niya? "How are you Ana?" Bati ni Ms. Andrea kay Ana. "I'm okay Tita." Sagot niya. Napahigpit ang hawak ni Ken sa kamay ko habang pinagmamasdan ang Mama niya at si Ana. Mali 'to. Maling-mali 'to. Sana lang wag ako mapahamak ngayong gabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top