CHAPTER 29: YES

Emily's POV
Mabilis lang lumipas ang mga araw at Monday na. Nandito ako sa bahay namin para sa salo-salo. Bored na bored na ako. Gusto ko na nga magpaalam kaso usapan namin 2pm pa ako aalis. Eh 12 pm pa lang. Nandito pa sila Tita Shane yung Mama ni Ate Gabrielle. "Emily, kamusta ang pag aaral mo?" Tanong ni Tita Shane. "Okay naman po. Running for honors po ako." Sagot ko. "Wow. Congrats." Sagot ni Ate Jhoie kapatid ni Ate Gabrielle. "Thank you Ate." Sagot ko. "Eh may manliligaw ka na ba?" Tanong naman ni Kuya Kevin. "M-meron po." Sagot ko at napaiwas ng tingin sa kanila. "Ah. Wag pababayaan ang pag aaral ah." Sagot naman ni Kuya Rence. "Opo." Sagot ko. Ilang saglit lang ay nagpaalam na din sila. Sila Kuya Mark at Ate Gabrielle lang ang naiwan dito sa bahay. 1:30 pm na din ng maisipan ko nang magpaalam. "Mommy. Alis na po ako. Mag aayos pa po ako ng gamit na dadalin ko. 4 pm po alis namin dito sa Malolos." Paalam ko. "Sige 'nak. Magtext ka kapag paalis ka na dito at magtext ka rin kapag nakarating ka na dun." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Umakyat na ako sa taas para kunin ang shoulder bag ko. Naabala ako sa pag aayos ng bag ko ng biglang magvibrate ang phone ko dahil sa tawag ni Ken. "Hello." Sagot ko sa tawag. "Paalis ka na ba diyan sa inyo?" Tanong niya. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Sunduin na kita." Sagot niya. "Sige. Sa kanto na lang namin tayo magkita." Sagot ko. "Okay. Papunta na ko." Sagot niya. "Okay. Ingat ka sa pagdadrive. Bye!" Paalam ko. "Bye." Sagot niya at binaba ang tawag. Bumaba na rin ako ng kwarto ko. Naabutan ko sila sa sala. "Aalis ka na Ems?" Tanong ni Kuya Mark. "Oo Kuya. 4 pm alis ko dito eh." Sagot ko. "Ingat ka. Magtext ka dito samin kapag nakaalis ka na dito." Sagot niya. Tumango lang ako at yumakap sa kanila. "Alis na po ako." Paalam ko at lumabas na ng bahay. Saglit lang ako naghintay kay Ken sa kanto namin dahil dumating agad siya at may dala pang milktea. "Hello! Kamusta?" Bati ko sa kanya ng makasakay ako sa shotgun seat. "Okay na lahat ng para sa trip." Sagot niya. "Mmm. Saan kami sasakay nila Andy?" Tanong ko. "May van akong nirentahan. Tapos naghire na din si Ate ng driver para ipagdrive tayo." Sagot niya. "Ah ok. Eh paano yung isa mo pang kapatid? Si Kyle? Kyle nga ba?" Sagot ko. "Ah si Kyle. Nakauwi na si Kuya Kenneth kagabi eh kaya may kasama na siya." Sagot niya. "Ahh. Edi yung ate mo na lang yung nasa Tagaytay?" Sagot ko. "Oo. Siya yung nag aayos dun sa bahay." Sagot niya. Tumango na lang ako. Ng makarating kami sa tapat gate ng Franklin U ay lumabas na ako. "Thank you sa paghatid sa akin Ken. See you later! Ingat!" Paalam ko. "See you later Ems. Love you!" Sagot niya tsaka pinaharurot ang kotse palayo. Iniwan akong tulala. Nakakainis. Pinagmukha niya akong tanga dito. Pumasok na lang ako ng gate at naglakad papunta sa dorm. Inabutan ko silang nagmemeryenda. Nakisalo na din ako. "Nagprepare na ba kayo?" Tanong ko. Lahat sila napalingon sakin. Na para bang sinusuri ng mabuti yung mukha ko. "Ems, kailan ka pa natutong magblush on?" Tanong ni Zoe. "Ha? Ako? Blush on? Alam niyo namang ayaw ko nun eh." Sagot ko. "Eh bakit namumula ka?" Tanong naman ni Sandra. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila. "Sino naghatid sayo?" Tanong ni Andy. "Si Ken." Sagot ko. "Ah kaya naman pala ganyan ka." Sagot niya. "Anong ganyan?" Sagot ko. "Namumula." Sagot niya. "Ay ewan ko sa inyo. Akyat na nga ko sa taas ng makapag ayos na ko." Napipikon kong sagot  at umalis na sa dining area. Umakyat na ko sa taas at chineck yung duffle bag ko kung kumpleto na ba lahat ng kailangan ko. Nagbukas muna ko ng wattpad account ko para tingnan kung ilang reads na ang meron sa kwento ko. Ng mabuksan ko ito at makitang 4,000 reads na hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. Naiiyak ako sa saya. Hindi ko lubos maisip na ganito na kalayo ang narating ko. Na marami na akong naisulat. Sana sa susunod kapag mas rumami pa ito ay may publisher na makapansin sa gawa ko. Mag uupdate na lang muna ako habang naghihintay ng oras. Alam ko namang nagiimpake pa ang mga bruha kong kaibigan.

Ken's POV
Agad kong tinawagan si Ate kagabi para maitanong kung ok na ba ang lahat. Ilang araw rin kaming magsstay dun. Gusto ko naman na comfortable yung mga kaibigan ko. I tried asking Kate to go with us but she declined my invitation. Nandito na ako ngayon sa bahay namin at inaayos yung mga kakailanganin. 3 pm na. Tumawag ako sa gc namin. "Nakaayos na kayo?" Tanong ko sa kanila. "Oo Ken. Ayos na. Ikaw na lang kulang." Sagot ni Sandra. Sumagot naman sa tawag si Emily pero nagtatype lang sa laptop niya. "Ems, ano yan?" Tawag ko sa atensyon ni Emily. "Chapter." Sagot niya na hindi tumitingin sa cellphone. "Magbabakasyon na nga lang tayo nagsusulat ka pa rin." Komento ni Ivan. Nag angat siya ng tingin sa phone. "Matagal akong hindi makakapag update kasi kasama ko kayo diba? Kaya nagsusulat ako ngayon para hindi maupdate ko sila na matagal akong di magsusulat. Okay na ba yung explanation Yelo?" Paliwanag niya kay Ivan. "Okay. Sabi mo eh." Sagot niya. "Ayos na ba gamit mo?" Tanong ko naman sa kay Emily. "Oo. Walang labis walang kulang." Sagot niya. "Baka naman dal'in mo pa 'yang laptop mo pag pumunta tayo ng Tagaytay ah." Sagot ko. "Oo. Gagawa ako drafts eh. Bakit?" Sagot niya. "Ems naman! Pagpahingahin mo nga 'yang utak mo! Hindi ka ba napapagod kakasulat?" Sagot ko. "Hindi napapagod ang writer kakaimprove ng ginagawa niya. Walang oras ang writer magpahinga sa pagsusulat. Kailangan palaging mag improve." Sagot niya. Pinahahanga nanaman ako ng babae na 'to. Sobrang devoted siya sa ginagawa niya. Hindi siya basta sumusuko. "Tsaka bakit ako mapapagod sa bagay na mahal ko. Honestly Ken hindi ikaw first love ko eh." Sagot niya. Nasaktan naman ako sa sinabi niya. Hindi pala ako ang first so sino? "Ayan Ken. Torpe ka kasi. Ayan tuloy may nauna sayo." Asar naman ni Sandra. "Kasi ang pagsusulat ang first love ko. I was once journalist before I enter the world of poems and novels. So that means pangalawa ka lang." Sagot niya. "Ems naman eh! Pinakaba mo ko!" Sagot ko. "Bakit? I'm just informing you. Baka mamaya kapag tayo na magalit ka sakin kapag di kita nareplyan kapag nag uupdate ako or gumagawa ng drafts." Sagot niya. "Don't worry hindi ko kakalabanin ang pagsusulat. Alam ko namang kahit napakaraming fictional character ang nandiyan sa isip mo ako lang ang nasa puso mo." Sagot ko. Napaiwas na lang siya ng tingin at naqgpatuloy sa pagtatype. "Ano Ken? Maglalandian na lang ba kayo diyan? Wala ka nang balak sunduin kami?" Ani ni Sandra. "Oo nga Ken. Anong oras na oh? Baka gabihin tayo niyan kapag nakarating na tayong Tagaytay." Pagsang ayon ni Ivan kay Sandra. "Ok. Teka. Mag aayos lang ako ng mga dadalin ko." Sagot ko. Napa face palm na lang silansa paalam ko. "Joke lang! Sige. Alis na ko! Bye!" Paalam ko at binaba na ang tawag. Kinuha ko na ang duffle bag ko at bumaba na. "Ken!" Tawag sa akin ni Kuya Kenneth. "Bakit Kuya?" Sagot ko at liningon siya. "Yung driver nagka emergency." Sagot niya. "Ano? Eh nakaayos na sila. Di pa naman ako sanay magdrive ng van." Sagot ko. "Kaya mo naman siguro idrive yung range rover ni Papa diba?" Sagot niya. "Baliw! Ayoko nga! Baka may mangyari pa ako mapagalitan." Sagot ko. "Eh paano mo dadalin dun si Emily? Alangan namang magcommute kayo? Tatanga tanga ka pa naman pag nagcocommute." Sagot niya. "Eh yung family driver na lang. Hindi pwede magdrive outside the city si Ivan kasi under age pa siya. Ako lang pwede eh di ko alam kung paano magdrive ng van." Sagot ko. "Naka leave yung family driver." Sagot niya. "Eh ikaw na lang kaya Kuya? Marunong ka naman diba?" Sagot ko. "Paano si Kyle?" Sagot niya. "Sama na lang natin tapos pag uuwi na kayo ni Ate iuwi niyo na." Sagot ko. "Okay. Pag aayusin ko na si Kyle." Sagot niya. Agad siyang pumunta sa kwarto ni Kyle para pag ayusin siya. Tinawagan ko naman si Ate. "Hello Ate! Sasama ko si Kyle ah!" Bati ko. "Bakit?! Gagawin mo pa kong babysitter! Kikilalanin ko pa yung liniligawan mo tapos dadalin mo si Kyle dito?! Ede na out of place yun!" Naiinis niyang sagot. "Eh anong gusto mo? Mapagalitan tayo pare-pareho pagbalik nila Mama o isama na lang natin si Kyle?" Sagot ko. "Sige na nga!" Sagot niya. "Okay. Bye!" Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag. "Kuya! Bilisan niyo naman! Naghihintay sila!" Sigaw ko mula dito sa baba. Sabay silang lumabas ni Kyle at bumaba. Maids lang ang maiiwan sa bahay. "Yaya Presie. Aalis po muna kami nila Ken. Sa Tagaytay po muna kami kasi bakasyon namin." Paalam ni Kuya Kenneth kay Yaya Presie. Ang mayordoma ng bahay. "Sige po Young Master Kenneth. Sasabihin ko po kila Master at Madam." Sagot niya. Tumango si Kuya Kenneth at lumabas na kami ng bahay. Sa shotgun seat ng van nakaupo si Kyle at nagheadset. Hindi 'to maoout of place dahil matanda naman na 'to. 12 years old naman na 'to eh. "Kyle. Umayos ka ah. Kasama ko yung mga kaibigan ko." Babala ko sa kanya. "Yung mga ka video call mo palagi?" Sagot niya. "Oo. Tigilan mo yung kapilyuhan mo ah." Sagot ko. "Kasma si Ate Emily?" Sagot niya. "Oo bakit?" Sagot ko. "Wala lang. Type ko kasi siya eh. Di siya tulad ng ibang ex mo. Mabait siya tapos nung nagchat ako sa kanya di pa rin siya nagalit sa akin." Sagot niya. "Siraulo ka talagang bata ka! Aagawan mo pa ko." Sagot ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Franklin University. Pinapasok naman nung guard yung van dahil kilala nila si Kuya Kenneth. Malakas din kapit ng isang 'to sa management ng school. Simpleng scout officer lang naman 'to. Umakyat na ako sa dorm. Inabutan ko sila dun na nagsisibaba na at inaayos ang mag dadalin nila. Nandun din si Ivan tinutulungan si Sandra na mag ayos ng mga dadalhin niya. Si Emily naman may kausap sa phone. Sa tingin ko nagpapaalam na siya. Si Andy naman busy sa phone di ko alam kung bakit. Si Lean ay kalalabas lang ng dining dala yung mga malaking bag ng mga chips. "Ano? Okay na kayo?" Tanong ko sa kanila. Di ata nila ko napansin dahil busy sa mga ginagawa. "Ken. Nandiyan ka pala." Pagpansin sa akin ni Emily dahil ngayon lang siya humarap sa amin. "Tara na." Aya ko sa kanila. "Okay. Lets go!" Sagot ni Sandra. Tinulungan ko naman si Emily na buhatin yung duffle bag niya. Nagtulungan naman si Lean at Zoe sa pagdala nung isang bag ng chips habang si Andy naman ay sa plastic ng mga softdrinks. Si Ivan naman ay tinulungan si Sandra dalin yung mga gamit niya. Sumakay na kami sa van. Hindi ata nila napansin si Kyle. "Hi mga ate at kuya!" Bati ni Kyle na lumingon sa amin. "Hi! Ano name mo?" Tanong ni Lean kay Kyle. "Kyle po Ate." Sagot ni Kyle. "Kaano-ano mo siya Ken?" Tanong sa akin ni Sandra. "Younger brother ko siya." Sagot ko. "I never knew you have a younger brother." Sagot ni Emily. "Magchill ka muna sa biyahe dahil makikilala mo na si Ate." Sagot ko. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. "Don't worry di nangangain ng tao si Ate. Mabait yun." Dagdag ko para mabawasan ang kaba niya. Ng magsimulang magdrive si Kuya Kenneth ay isa-isa na silang nagsilagay ng mga earphones. Maging si Emily. Tutok na tutok si Emily sa phone niya. Ng silipin ko ito nagsusulat nanaman siya. "Ivan! Ml tayo!" Aya ko kay Ivan. "Sige. Invite mo ko." Sagot niya. Agad kong nilabas ang phone ko at binuksan ang ml. Nagml na lang kami. Halos thirty minutes na kaming naglalaro wala pa rin nakakasira ng tore namin. Kaya pumush na lang kami ng pumush para mabilis matapos yung laro. Ng magsawa kami kakalaro ay naisipan ko na lang manuod ng anime sa Netflix. Bumaling naman ako kay Emily na katabi ko. Nanunuod na siya ngayon ng k drama. Nakangiti pa talaga at kinikilig kilig. Bumaling ako sa likuran ko. Nakasandal na sa balikat ni Lean si Zoe at natutulog habang si Lean naman ay sa bintana nakasandal. Si Sandra naman ay nakasandal sa balikat ni Ivan habang nanunuod ng kung ano sa phone niya. Katulad ni Emily pangiti-ngiti din. Si Andy naman na nasa dulo ng van ay naglalaptop. Nanunuod rin ata or may ibang ginagawa. "Ken. Kuha mo ko chips." Utos sa akin ni Emily. Nakita ko yung bag ng chips sa may gilid ng upuan ko. Kumuha ko ng isang bag at ibinigay kay Emily. "Ken! Can you pass me three bags of chips?" Ani naman ni Andy. Pinaabot ko kay Ivan yung mga chips na pinakuha ni Andy. "Thank you!" Aniya ng makuha ang mga chips. Tumango na lang ako. Nagulat na lang ako dahil nakasandal na sa balikat ko si Emily at payapang natutulog.

Emily's POV
Nagising ako sa alog sa balikat ko. Nandito na kami sa tapat ng isang malaking bahay. Yung parang napapanuod ko sa mga k drama at teleserye. Modern house siya. Ang ganda. Bumaba na kami ng van. Bakas rin ang pagkamangha sa mukha ng mga kaibigan ko. "Sa inyo yan Ken?" Tanong ni Sandra. "Oo. Nandiyan sa loob Ate ko. Halika." Aya niya sa amin. Dinala ko na ang duffle bag ko. Nauna si Ken na maglakad sa amin upang buksan ang main door ng bahay. Nauna nang pumasok sila Kuya Kenneth. Sumunod kami sa kanya. May babaeng sumalubong namin na nasa 20's ang itsura at kamukha ni Ken at Kuya Kenneth. Parang mga girl version nila. Kaso siya maputi hindi katulad nila Ken at Kuya Kenneth na moreno. May malambing itong mga ngiti at may magandang mga mata. "Guys this is Dra. Kassandra Ellaine Lizardo. Neurologist siya. Ate ko." Pakilala niya. "Hello. You can call me Ate Kass." Sagot niya. "Ate, this is Ivan, Lean, Sandra, Andy and Emily." Pagpapakilala niya sa amin. "Nice to meet you po." Nahihiyang sagot namin. "Have you eaten dinner?" Tanong niya sa amin. "Not yet." Sagot ni Ken. "Tara na sa dining. Nagpahanda ako ng dinner." Sagot niya at nauna na saming maglakad papunta sa dining area ng bahay. Napakalaki at halos puro glass ang bahay. Napaka ganda. Umupo na kami sa malaki nilang dining table. Napapag gitnaan ako ni Ken at Andy. "What are your itinerary?" Tanong niya. "Wala pa po." Sagot ni Ivan. "Wag kayong maintimidate sa akin. Mabait ako." Sagot niya. Naramdaman niya sigurong naiintimidate kami. Tahimik lang sila Ken at Kuya Kenneth. "Emily. What are your plans after graduating highschool? Total 1 year na lang naman at tapos na ang highschool life niyo." Pagbasag niya sa katahimikan. "I'll take nursing as pre-med course. And take med school after 3 years of working abroad." Sagot ko. Ganun ang plano ko. Kaya sinasanay ko na nag sarili ko ngayon pa lang na wala sila Mommy. "Ano naman ang iispecialize mo sa medicine?" Tanong niya. "Internal medicine po." Sagot ko. "Wow. Ken must be lucky because he met a girl like you." Sagot niya. "Alam mo ba Ate writer din siya." Singit ni Ken sa usapan namin. "Talaga? Anong writing platform?" Tanong niya sa akin. "Wattpad po." Sagot ko. "Wattpad writer ka pala. Talagang napakaswerte ni Ken sayo dahil ang dami mo pa lang talents. I heard your also into spoken poetry." Sagot niya. "Yes po." Sagot ko. Bumaling naman siya sa mga kaibigan ko. "Alam niyo naamaze ako sa bond niyong magkakaibigan. Hindi kayo nag iiwanan. Matanong ko nga kayo. Alam niyo namang nag announce ng engagement ang parents namin ni Ken. Anong naging reaction niyo?" Tanong niya na nakabaling kina Sandra. "Nagulat po kasi we never thought that our friend who is cold as an ice is a multimillionaire. Napaka simple niya po kasi sa school." Sagot ni Zoe. "Sinigawan ko po siya kasi after nung announcement nahospital po si Emily." Sagot naman ni Sandra. Hindi na nag abalang magbigay ng opinion si Andy dahil alam ko namang may pagka anti social 'to. Nagkwentuhan lang kami buong dinner tungkol sa kung ano-ano at naisipan na rin ni Ken na ihahatid niya na kami sa mga kwarto namin. Umakyat na kami sa taas. Pati ba naman hagdan glass. May sampo sigurong kwarto sa pasilyo na dinadaanan namin. "You can occupy any room. Wag lang yung tatlong kwarto sa dulo sa right side dahil dun yung kwarto namin nila Ate." Bilin niya. Nagkanya-kanya na kaming pasok sa mga kwarto. Ng buksan ko ang pinto ay magandang kwarto ang bumungad sa akin. White walls painted, modern furniture at queen size bed. May coffee table sa gitna ng modern sofa set. Korean style. Ang ganda. "Nandiyan lang yung kwarto ko sa tapat ng kwarto mo kapag may kailangan ka." Bilin ni Ken sa akin. "Okay. Thank you." Sagot ko. Tumango siya at sinarado na ang pinto. Ibinaba ko ang duffle bag ko sa sofa at umupo sa kama. Checkered yung bed sheet nito at mga punda. Bagay na bagay sa ambiance sa loob ng kwarto. Kumuha ako ng mga damit at dumiretso na sa cr. Pati yung cr sa kwarto ay napakalaki. Hindi na ako naligo dahil baka magkasakit ako. Matapos magbihis, magtooth brush at magskin care ay pumunta ako sa may malaking bintana ng kwarto kung saan tanaw mo yung stars. Pinicturan ko ang langit at nagstory ako sa facebook. With a caption of 'Touch down Tagaytay'. Nagchat na ako kay Mommy at Kuya Mark na nakarating na ako dito sa Tagaytay. 10pm na kaya nakaramdam na ako ng antok. Pumunta na ako sa higaan at mabilis lang hinila ng antok. Nagising ako ng may umaalog sa katawan ko. "Hm. Ano ba? Inaantok pa ko." Ani ko sa gumigising sa akin. "Gumising ka na. Maggagala na tayo." Ani Sandra. "Anong oras na ba?" Tanong ko. "7 am. Bilisan mo. Nakakahiya kay Ate Kass." Sagot niya. "Five minutes." Sagot ko. "Hayst Ems. Bumangon ka na. Wag mong hintaying si Ken pa ang gumising sayo." Sagot niya. Napabalikwas ako ng bangon. "Oo na! Labas na! Maliligo na ko!" Nagmamadaling sagot ko. Nagmamadali kong kinuha sa duffle bag ko at pumunta sa cr. Mabilis akong naligo. Nagsuot na lang ako ng ripped jeans at off shoulder blouse pinartneran ko ito ng white shoes. Sinuklay ko na lang mabuti ang mahaba kong buhok dahil wala na akong time para magayos pa nito. Nagliptint lang ako ng kaunti para naman magmukha akong presentable. Kinuha ko na yung shoulder bag ko na naglalaman ng wallet, cellphone at liptint ko. Saktong pagbukas ko ng pinto ay ang pagbukas din ng pinto ni Ken. "Ngayon ka lang?" Sabay na tanong namin sa isa't isa. "Oo. Kakagising ko lang. Ginising ako ni Ate Kass." Sagot niya. "Ako? Ginising lang ako ni Sandra." Sagot ko. Sabay na kaming bumaba. "Gising na pala ang lovers eh." Bati ni Ate Kass. Biglang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "Good Morning Ate Emily!" Bati ni Kyle. "G-good morning Kyle." Nahihiyang bati ko. "Bakit ka nauutal Emily?" Asar naman ni Kuya Kenneth. "Huy! Umagang-umaga inaasar niyo yung manunulat natin. Baka mamaya sapakin kayo niyan kapag nainis. By the way good morning lovers!" Asar ni Ivan. Sinamaan ko lang sila ng tingin at umupo na sa tabi ni Andy. Si Ken naman ay tumabi kay Kyle. "Ano plano niyo ngayon?" Tanong ni Kuya Kenneth sa gitna ng agahan namin. "Magpupunta kami sa picnic grove ngayong umaga tapos mamayang hapon deretso kami sa taal volcano lake." Sagot ni Ken. "So manunuod kayo ng sunset?" Tanong naman ni Ate Kass. "Oo Ate." Sagot ni Ken. "Wow. Ang romantic naman nun." Komento ni Ate Kass. "Hindi naman yun romantic Ate. Kasama namin mga kaibigan namin eh." Sagot ni Ken. Tahimik lang akong kumakain dito. Pati na rin ang mga kaibigan ko. "You look beautiful today Emily." Compliment ni Ate Kass. "Oo nga Ems. Ang ganda mo ngayon." Pagsang ayon ni Ivan. "Thank you po." Sagot ko kay Ate Kass. "Thank you ha. Ivan." Sarkastikong sagot ko naman kay Ivan. Inirapan ko siya at nagtuloy nang kumain. "Ken, nandiyan na nga pala yung driver na magdadrive sa inyo papunta sa picnic grove at Taal Volcano. Uuwi na rin kami nila Kenneth mamaya-maya. Kailangan na ko sa hospital eh. Nakuha ko na yung pinapakuha mo sakin. Nasa kwarto mo na." Paalam ni Ate Kass ng matapos kami kumain. "Okay Ate. Ingat kayo. Kayo na bahala kay Kyle. Thank you." Sagot ni Ken. Lumabas na kami ng dining area. "Lets bond some other time Emily. Kapag marami na akong time. Kailangan na kasi ko sa hospital eh." Paalam niya sa akin. "Ok lang po Ate Kass. I'm looking forward on it." Sagot ko. Niyakap niya ako at ang mga kaibigan ko. "Tara na?" Aya ni Ken. "Tara!" Sagot namin. Lumabas na kami at sumakay na sa van na nakaabang sa amin. "Manong Bert sa Picnic Grove po tayo. Balikan niyo na lang po kami ng ala una ng hapon para makapunta tayo ng Taal." Ani ni Ken dun sa driver na sa pakiwari ko'y Bert ang pangalan. Nagsimula na siya na magdrive. "Horseback riding tayo! Di ko pa natry yun!" Aya ni Sandra. "Okay!" Pagsang ayon namin. Nagpunta na kami sa kahera dun sa area ng horseback riding. Syempre si Ken at Ivan ang naghati sa bayad dahil sila ang nakaisip ng bakasyon na 'to. Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kabayo at may nag guide sa amin para di kami mahulog. Ng matapos ang oras namin ay naisipan namin na magpicture taking kasama ang mga kabayo. Nag groufie din kami. Meron pang picture na kami lang dalawa ni Ken na kasama ang kabayo at nakaakbay siya sa akin. Matapos nito ay nagzipline naman kami. Ng turn na namin ni Ken ay bigla na lang ako nalula. Nilagay na samin yung mga equipment. Nakaupo kami at magkaharap. "Are you ready?" Tanong niya. "I was born ready." Sagot ko kahit kinakabahan. "Just hold my hand." Aniya tsaka kinuha ang kamay ko. Ininterwined ang mga kamay namin. Tinulak na kami nung instructor. "Wahhhhhhhhh!!!! Taas!!!!" Sigaw ko. "I love you Emily!!!!!!!" Sigaw naman ni Ken. Natigilan ako at nawala lahat ng kaba sa puso ko. Napalitan ito ng kilig. Kahit kailan talaga 'tong lalaki na 'to. Alam na alam kung paano ako pakiligin. Ng makarating kami sa kabilang dulo ay sinalubong kami ng mga kaibigan namin ng nakakalokong ngiti. "Kayo ah! Nasa gitna kayo ng zipline naririnig pa rin namin yung kalandian niyo!" Bati ni Ivan. "Sino ba naman kasing matinong tao na biglang sisigaw ng 'I love you' sa gitna ng zipline?" Ani naman ni Lean. "Your so PDA. Pakibawasan naman oh! Maraming single dito!" Bulyaw ni Andy. "Oo nga. Ken. Emily. Bawasan niyo nga." Pagsang ayon naman ni Zoe. "Hayst. Sana all diba Ivan?" Sarkastikong ani naman ni Sandra. "Tara na nga! Kain na tayo! Almost 12 pm na oh!" Sagot ko. Di ko yun namalayan dahil abala kami sa pagpicture at pagiikot dito sa park. Pumunta na lang kami sa isang restaurant dito. Sila Ken nanaman ang umorder. Pinagsisilbihan talaga kami. Ng bumalik sila sa table ay naisipan kong mag open ng topic about sa next destination namin. "Diba Ken sabi mo pupunta tayo ng Taal Volcano?" Ani ko. "Oo. Magtetreking tayo." Sagot niya. "Treking? Bawal ako. May hika ako." Sagot ko. Ayun ang isa sa mga pinagbabawal sa akin. Ang pagakyat ng bundok. "4 hours tayo magtetrek. Ako bahala sayo. May dala kong mga gamit mo." Sagot niya. "Ha?" Naguguluhan kong sagot. "Nagdala ko ng inhaler dahil alam kong bawal sayo ang treking. Nagpaalam na ko kay Tita. Sabi niya basta daw may back up na inhaler." Sagot niya. "Paano ka nagpaalam?" Sagot ko. "Kagabi. Nung inaayos ko yung itinerary natin." Sagot niya. "Tawagan ko na nga si Mommy." Sagot ko. Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Mommy. Agad niya naman itong sinagot. "Hello Mi? Nagpaalam ba sayo si Ken na magtetreking kami ngayong araw?" Tanong ko. "Ah oo. May dala ba kayong inhaler?" Sagot niya. "Meron po. Nandito po kasi kami ngayon sa Picnic Grove. Mamaya pa po kami pupuntang Taal." Sagot ko. "Okay 'nak. Enjoy. Love you. Miss you." Sagot niya. "Love you too Mi. Bye." Sagot ko at ibinaba ang tawag. "See? Nagpaalam ako. Alam ko lahat ng bawal sayo 'no!" Ani Ken ng bumaling ako sa kanya. "Oo na Ken." Sagot ko. Dumating na ang mga pagkain namin. Maraming putahe ang inorder ng dalawa. Marami kong kakainin dahil mahabang lakaran ang mangyayari. "Nako Ken sinasabi ko sayo. Magdala ka ng maraming tubig. Pag ako hinika. Yari ka sakin!" Pagbabanta ko sa kanya. "Oo Ems." Kampanteng sagot niya. Matapos kumain ay tinawagan na ni Ken yung driver para masundo na kami at maagang makapunta sa Taal. Bumili na rin si Ken ng dalawang plastic ng tubig para sa aming dalawa. Ng dumating kami ay wala na kaming sinayang na oras at nagtrek na. May hinire na palang tour guide si Ken bago kami pumunta. Sakit sa paa pero alam kong worth it. Habang paakyat kami todo alalay si Ken sa akin. Halos sunset na ng makarating kami sa tuktok. Worth it nga talaga. Dahil nakita ko ang paglubog ng araw at napakaganda. Tumayo sa tabi ko si Ken. "Ganda 'no?" Ani ko na manghang-mangha sa nakikita ko. "Oo ang ganda." Sagot niya. Liningon ko siya. Nakatingin pala siya sa akin. "Alam mo pangarap ko 'to. Manuod ng sunset kasama ang lalaking mahal ko." Ani ko sa kanya. "Alam mo kahit ilang beses ko nang nakita ang sunset dito sa taas ng Taal palagi pa ring gumaganda. Lalo na ngayon at kasama kita." Sagot niya. Nginitian ko siya ng napakatamis. Niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you Ems." Bulong niya habang nakayakap sa akin. "I love you too Ken." Sagot ko. "Guys! Picture tayo!" Aya ni Sandra. Naghiwalay kami sa pagkakayakap ni Ken. "Kuya, kuya! Pwede po papicture kaming magkakibigan?" Paalam niya sa lalaking nakasuot ng shirt na may print na tour guide sa likod. "Sige po Ma'am." Sagot nung lalaki. Inabot ni Sandra yung phone niya. Lahat kami tumalikod sa camera at tumuro sa sunset. Sa pangalawang shot naman ay nakaharap kami at magkakaakbay. Binalik na nung Mama yung phone ni Sandra. Matapos naming magpicture ay inaya ko na si Ken na bumaba na. Ayoko magcamping dito. Wala kaming gamit. 9 pm na ng makarating kami sa baba. Hinihintay na kami dun ni Mang Bert. "Mang Bert uwi na po tayo." Ani Ken. Sumakay na kami sa van. Sa sobrang pagod ko sa treking ay nakatulog ako sa balikat ni Ken. "Ems. Dito na tayo." Nagising ako sa boses ni Ken. Bumaba na kami ng van. "Guys may dinner sa dining area. Alam ko namang nagugutom na kayo." Aniya sa mga kasama namin. "Tara Emily. Sa garden tayo." Aya niya sakin. "Ha? Bakit?" Sagot ko. "Basta. May surprise ako sayo." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Tinanggap ko naman ang kamay niya na nakalahad. Naglakad na kami papunta sa garden. May nakakalat na rose petals sa dinadaanan namin sa dulo ng mga petals ay may dinner for two. Pumasok si Ivan at inabot kay Ken yung bouquet. "For you." Aniya habang inaabot sa akin yung bouquet. May book na The four badboys and me. Complete series tapos may roses na nakapaligid at sa bandang ibaba naman ay mga chocolate. "Thank you." Sagot ko. "Your always welcome my love." Sagot niya. "Let's eat." Aya niya. Umupo na kami sa table for two. May pumasok na waiter. Nagserve siya ng steak at wine. "Para saan 'to Ken?" Tanong ko. Nakakapagtaka lang kasi wala namang okasyon at may pa dinner date si Mayor. "Just wait and see." Sagot niya. Ilang saglit pa habang kumakain kami ay may pumutok na fireworks. Tumingala ako sa langit. Ang ganda. I never expect this. Kinuha ko ang phone ko at nirecord ang fire works display. Ng patapos na ito ay bigla itong nagform ng words 'Can you be my girlfriend Emily Savvanah?' Napatingin ako kay Ken na nakatingin sakin. Tumayo siya sa harapan ko at nilahad ang kamay niya tinanggap ko ito at tumayo. "Emily, I may not be as handsome as the fictional characters but I promise you that I will love you until my last breath. I will never let you experience again the pain you've experienced before. I can't be the best boyfriend but I will make myself better. Pangako ikaw lang mamahalin ko kahit hamakin tayo ng mundo. Pipilitin kong hindi ako makasal sa ibang tao. Kasi kung ikakasal man ako. Gusto ko sayo yun. Gusto ikaw yung babae na makakasama ko habang buhay..." Aniya at lumuhod sa harapan ko. "So, Emily Savvanah Howards can you be my girlfriend?" Tanong niya. "Hindi mo kailangan maging kasing gwapo ng mga fictional characters para magustuhan kita. Kasi gusto na kita bago ko pa sila makilala. Gusto na kita bago sila magexist sa imagination ko. At pangako ko sayo Ken ikaw lang din mamahalin ko kahit hamakin tayo ng mundo. Ikaw at ikaw pa rin kahit sa kabilang buhay ko..." Sagot ko. "Yes. I will be your girlfriend." Dagdag ko. Tumayo siya sa kinaluluhuran niya at niyakap akong ng mahigpit. Niyakap ko rin siya. "I love you Emily." Bulong niya. "I love you too Ken.Sagot ko. Ng magkahiwalay na kami sa yakap ay kinuha ko ulit ang phone ko. "Tatawagan ko muna si Mommy. Sasabihin ko official na tayo." Paalam ko sa kanya. Tumango lang siya. Tinawagan ko si Mommy through video call. "Hi Anak. Kamusta?" Bati niya. "Mommy. May sasabihin po ako." Sagot ko. "Ano yun anak?" Tanong niya. "Kami na po ni Ken." Kinakabahang sagot ko. "Talaga?! Congrats anak! Dalaga na ang baby ko!" Sagot niya. "Congrats? Di ka magagalit?" Sagot ko. "Bakit ako magagalit? Eh hiningi na nga ni Ken yung kamay mo bago kayo pumunta diyan. Akala mo ngang ikakasal na kayo nung hiningi niya yung kamay mo eh." Sagot niya. "Hayst. Sige na nga po. Ingat po kayo diyan. Bye po. Love you. Miss you." Paalam ko. "Bye nak! Congrats!" Sagot niya at ibinaba ang tawag. Lumabas sa mga pinagtataguan nila sila Andy. "Congrats guys! Finally! Hindi na iiyak sa amin si Emily at sasabihing 'kailan kaya ko mapapansin ni Ken.' Kasi natupad na yung pangarap niya." Bati ni Sandra. "Ken, ingatan mo yung bestfriend ko ah. Ayoko nakikita yang umiiyak dahil sayo." Ani Lean na may naniniguradong tingin kay Ken. "Ken, matagal kang hinintay ni Emily kaya sana di mo siya saktan." Ani naman ni Zoe. "Bro, please take care of Ems. If not I'll be the one to assasinate you." Ani naman ni Andy na may masamang tingin. "Oo naman! Si Ems pa!" Sagot ni Ken. "Pasok na tayo sa bahay. Lumalamig na. Gabi na rin." Aya naman ni Ivan. Sumang ayon rin naman kami dahil pare-pareho kaming pagod sa treking kanina. Hawak ni Ken ang kamay ko habang papasok kami sa bahay. Hinatid niya ako sa kwarto ko. "Good night. I love you." Paalam niya. "Good night. I love you too." Sagot ko. Hinalikan niya ko sa pisngi at umalis na. Pumunta na akong cr para maligo. Nandun na rin naman kasi yung duffle bag ko. Ng makaligo na ako at makapagbihis ay humiga na ko sa kama. Tumingin ako sa bintana na kita ang mga bituin. Akalain mo yun? Natupad na yung pangarap ko. Na mapasakin si Ken. Na magkaroon kami ng love story. Ito na ang simula ng love story namin. Alam ko na marami pa kaming pagdadaanan pero basta kasama ko siya makakaya ko na harapin yung mga pagsubok na yun. Basta kasama ko ang lalaking bumuo sa akin kayang-kaya ko lahat. Para saan pa't naghintay ako ng tatlong taon para rito. Para sa araw na ito. Hindi mapagsidlan ang kasiyahan na nadarama ko sa araw na ito. Dahil ito yung araw na napasakin yung lalaking hinintay ko ng matagal na panahon. Yung lalaking nag iisang paksa ng mga tula ko na kahit kailan di magbabago. Yung lalaking pinangarap ko. Yung lalaking mahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top