CHAPTER 27: GONE
Emily's POV
Nandito na ako sa school. 4 days nang tulog si Nanay. Normal na araw lang. Nakikinig ako sa discussion ng teacher. Nakakahilo na yung math. Di ko na maintindihan kung para saan yung mga formula. 'Yaan mo na nga. May math tutors naman ako eh. Si Ken at Lean. Lunch na. Marami nanamang tao sa canteen as usual. Pumila na ako sa bilihan ng makakain. Carbonara lang ang binili ko dahil wala na kong time para kumain pa ng kanin dahil may hinahabol akong deadline ng essay. Kahapon kasi maaga ko sinundo dahil may family meeting daw. Sabi ni Kuya Mark hindi na daw namin sigurado kung aabutin pa si Nanay ng 1 week. Maybe one of these days maari na siyang umalis. Tahimik lang kami nila Ivan dito. Busy si Lean sa phone niya at ako naman ay naglalog in sa school web site para maipasa ko yung essay. Nagbibigay naman ng consideration yung teacher namin sa sitwasyon ko. Sinesend na lang online yung mga ginawa nila na hindi ko naabutan. Habang gumagawa ako ng essay ay may umupo sa tabi ko. "Yan lang lunch mo?" Tanong sa akin ni Ken. "Oo. Bakit?" Sagot ko. "Its not a healthy meal." Sagot niya. "I don't have time to eat proper meal. Okay?" Sagot ko. Nagearphones na lang ako ng matigil na siya kakatanong. Kahapon nagbigay ng ultimatum si Kuya Mark. Kaya napapadalas ang paghahalf day ko dahil sinusulit ko ang mga araw na kasama pa namin siya. Habang kumakain ay nagtatype ako sa laptop ko ng ipapasa naming essay. Mapayapa akong nagtatype dito ng magring ang phone ko. Si Kuya Mark ang tumatawag. Bakit? Anong nangyari nanaman? Tinanggal ko ang earphones at sinagot ang tawag. "Hello. Bakit?" Sagot ko sa tawag. "Ems. Wala na si Nanay." Sagot niya. Natahimik ako. Para akong itinulak sa pool na may maraming yelo. "Ano? Nirevive mo ba?" Tanong ko. "Napag usapan na natin 'to diba?" Sagot niya. Nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. "Shhh. Susunduin na kita diyan ah." Aniya bago ibaba ang tawag. Naibagsak ko na lang ang phone ko sa sahig at napayuko na lang ako sa lamesa. "Huy. Bakit?" Tanong sa akin ni Ken. "Wala na siya." Sagot ko. "Shhh. Tinawag na siya ng lolo mo para samahan siya sa paraiso." Sagot niya habang inaalo ako. Iniangat niya ako sa lamesa at iniyakap sa kanya. Dun sa balikat niya ako umiyak ng labis labis. "Its okay Ems. We're here." Pag aalo ni Andy. Di ko napansing nakalapit na siya sa akin at niyakap na rin ako. Pati na rin sila Lean, Sandra at Ivan ay nakiyakap na rin sa amin. "Okay lang yan Ems. Kayang kaya mo yan. Yung kilala namin na Emily Savvanah Howards lumalaban. Kahit mahirap lalaban siya." Ani ni Lean. "For now kalimutan niyo muna yung Emily na yun. Dahil yung Emily ngayon kailangan munang lumuha ng napakarami dahil nawala na ang guide ko sa buhay." Sagot ko. Naputol lang ang yakapan namin ng dumating si Kuya Mark. "Ems tara na. Para makita mo si Nanay bago siya ialis sa bahay." Aya niya sa akin. "Sige. Aayusin ko muna ito." Sagot ko. Pinulot ko na ang nahulog kong cellphone at nagsimula na akong magligpit. Ng mailigpit ko ang mga gamit ko ay sumunod na ako kay Kuya Mark na nauna sa akin palabas ng canteen. "Mauna na muna ako sa inyo guys. Pakisabi na lang sa next teacher na may emergency ako sa bahay." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Buong biyahe namin ni Kuya Mark ay hindi ako nagsasalita dahil nagulat pa rin ako. Hindi ko inaasahan. Ng pumasok ako sa kwarto ni Nanay nag unahan nang tumulo ang mga luha ko. Hindi na siya muli pang didilat. Hindi ko na muli masisilayan ang mga ngiti niya. Lumapit ako sa kanya. "Nanay. Nagpahinga ka na. Mahal na mahal kita. Wag ka na mag alala sa amin. Maayos mo kaming iniwan." Pagkausap ko sa kanya. Kahit di niya na ako naririnig. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Kinuha na siya ng punerarya. Sumunod sila Mommy at Tita Mhel sa kanila para mabihisan si Nanay. Kami ni Kuya Mark ang naglinis ng bahay para pagdating ni Nanay ay maayos na. Hindi ako makapag focus sa sinusulat ko. Naiiyak ako. Ngayon lang ako nahirapan magcompose ng tula. Ito na yung pagsusulat ko na napakahirap kasi every word na sinusulat ko connected sa kanya. Connected sa taong dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa buhay. Pero naka compose pa rin ako. Nirecord ko ito at inedit. Para hindi na ako magsspoken word sa libing niya. Hihilingin ko na lang na iplay ito habang papunta kami sa sementeryo sa araw ng libing. Mabuti nga't naspoken word ko ito ng maayos. Dumating na sila dala si Nanay. Malayo pa lang ako sa kabaong ay naiiyak na ako. Hindi ko akalaing yung binabantayan ko lang sa higaan ay wala na. Babantayan ko na siya sa higaan na maghahatid patungo sa kapayapaan. Kapayapaan pang habambuhay. Ako ang unang lumapit kay Nanay. Tinitingnan ko siya ngayon napakaganda niya. Hanggang sa huli hindi namin siya hinayaan na hindi presintable. Parang hindi siya yung lola ko na matapang. Masungit. Pero kahit masungit siya napakabait niyang tao. Hindi niya hinahayaan na may nagugutom na bata. Umupo na ako sa tabi niya. Kachat ko ngayon sila Andy.
Andy:
Bukas na lang kami pupunta diyan. Aabsent na lang kami para masilip namin Lola mo.
Sandra:
Oo nga. Nagpaalam na ko kay Mama.
Ken:
Ems sorry di kita mapupuntahan. Umextra nanaman si Ana.
Ivan:
Kami na lang nila Zoe ang pupunta diyan.
Zoe:
Nagcollect ang student council ng 20 pesos each student sa grade 9 para kahit paano may maiabot kami.
Me:
Maraming salamat sa inyo. Pasensya na sa abala ko sa inyo. Tsaka Ken okay lang. Si Ana naman kasi ang kilala ng family mo eh.
Ken:
I'll make sure hahabol ako. Bwisit lang kasi 'tong si Ana eh. Wala kasi si Ate para salbahin ako. Si Kuya Kenneth naman natatakot matanggalan ng posisyon dito sa bahay.
Me:
Okay lang.
Kahit anong sabi ko na okay lang. Hindi pa rin okay. I want him beside me but there are hindrances. Iniintindi ko naman siya pero hindi ko maiwasang hindi malungkot kasi gusto ko siya sa tabi ko pero di kami hinahayaan ng tadhana. Nakakalungkot lang na gusto kong samahan niya ko dito pero nandun siya kay Ana. Baka nga nilalandi na siya ni Ana eh. I know Ken. Baka madala siya. Hindi na ako nakipag chat sa kanila at tumulong na lang sa pag aasikaso sa mga bisita. Si Kuya Mike na ang nagbabantay kay Nanay. Inaaya nila ako na kumain pero tumanggi na ako. Nagkape na lang ako. Ng maghating gabi ay nagpaalam muna akong iidlip sandali. Hindi na rin kaya ng mata ko na magstay pang gising. Si Tita Mhel na ang nagbabantay ngayon. Mabilis akong hinila ng antok kaya nakatulog ako agad. Maaga rin akong nagising dahil mas maraming bisita pa ang darating. Kailangan tumulong din ako sa pagaasikaso dahil ito na yung huling panahon na mapagsisilbihan ko si Nanay. Nagdorm ako ngayong taon. Dahil gusto ko maging independent. Ilang buwan din akong nawala sa bahay. Ito na ang huling pagakakataon ko para makabawi sa mga buwan ng pagkawala ko. Inaasikaso ko ang bawat pumapasok. Tinatanong ko kung anong gusto nila. Juice o kape. Tumutulong din ako sa paghihiwa pero hindi na nila ko hinayaan. Sabi nila magbantay na lang daw ako sa mga bisita na darating. Ng maubos ang mga bisita ay umupo na ako sa may labas. Tinanaw ko ang mga bisita ni Nanay. Maraming nalulungkot sa pagkawala niya. Bumalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mommy. "Emily. Nandito na yung mga kaibigan mo." Aniya. "Ah sige po. Ako na po bahala." Sagot ko. Tumayo na ako at lumapit kila Andy. "Salamat sa pagpunta. Pasensya na sa abala." Bati ko. "Ayos lang kami Ems hindi ka naman abala sa amin. Condolence." Sagot ni Lean. "Ano gusto niyo? Kape o juice? Saglit kukuha ko." Sagot ko at iniwan sila para kumuha ng meryenda. Pagbalik ko nagulat na lang ako kasama na nila si Ken. Akala ko ba kailangan siya ni Ana. Lumapit na ako sa kanila. "Eto guys oh. Meryenda." Ani ko. "Ayos ka lang Ems?" Tanong ni Ken sakin. "Oo naman. Bakit naman ako di aayos?" Pagsisinungaling ko. Sa totoo lang mabigat yung ulo ko. Siguro dahil sa puyat at gutom. "Namumutla ka." Sagot niya. "Ayos lang ako. Puyat lang." Sagot ko. "Dapat di ka masyado nagpupuyat. Anemic ka." Sagot niya. "Wala kong pake sa sakit ko ngayon. Ang mahalaga sa akin mapaglingkuran ko siya." Sagot ko. "Napaglingkuran mo nga lola mo. Ikaw naman susunod na ililibing." Sagot niya. Akala ko nandito siya para icomfort ako pero hindi eh. Nandito siya para sermonan ako. "Ken kung sesermonan mo lang ako matutulog na lang ako. Kay Mommy na lang kayo magpaalam. Sabihin niyo natulog ako sandali." Paalam ko. Lumapit ako sa kabaong ni Nanay. "Matutulog muna ko Nay." Ani ko kahit di niya naman ako naririnig. "Tita Mhel matutulog muna po ako. Kayo na po muna bahala sa mga kaibigan ko. Pasensya na po. Sobrang sakit ng ulo ko eh." Paalam ko. "Ah sige." Sagot niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at dun bumuhos lahat ng luha ko. Di ko inaasahan na ganun ang mga sasabihin niya. Nahiga ako sa kama ko. Nabasa na yung mga unan ko sa pag iyak ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Lungkot, selos, disappoinment, galit. Hindi ko na alam. Bumigay na lang ako.
Sandra's POV
"Ken! Ano ba naman yan?! Yan na ba epekto sayo ni Ana?!" Ani Lean. "Bakit? Tama naman ako ah. Dapat may pake pa rin siya sa health niya kasi hindi lang naman yung family niya ang mawawalan pati tayo." Sagot niya. Lumabas muna kami at pumunta kami ng court nila Emily para pwedeng pwede namin sigawan si Ken. "Ken! Pare! Umayos ka! Kailangan ni Ems ng comfort di sermon!" Sigaw ni Ivan kay Ken. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Its just that I'm worried about her health." Sagot niya. "Ken! Kilala natin pare-pareho si Ems! Wala siyang pakialam sa health niya ngayon!" Sigaw ko kay Ken. "Your worried about her health but your not worried about her feelings." Ani naman ni Andy. "Sorry. Sa kanya ko naibunton yung init ng ulo ko. Kanina pa ko naiinis dahil sa nangyari sa bahay." Sagot niya. "Set it aside. Say sorry to Ems." Sagot ni Andy. Matapos namin magusap-usap ay bumalik na kami sa bahay nila Ems. Hindi pa rin siya bumababa. Nagtampo ata. Imbis na nandito siya sa baba kasama namin mas pinili niyang sa taas kasi nagalit siya kay Ken. Pumasok ako sa sala kung saan nakaburol yung lola niya. "Condolence po Tita Mhel. Pwede po ba akomg umakyat para icheck si Emily?" Paalam ko. "Natutulog ata sa taas. Sige icheck mo." Sagot niya. Sumilip ako sandali sa kabaong ng lola niya bago ako umakyat sa taas. "Ems." Tawag ko habang kumakatok. May naririnig akong mahinang hikbi. Pinihit ko ang doorknob nagulat ako ng bukas ito. Nakatalukbong si Ems ng unan sa kanyang ulo pero nakikita ko pa rin ang mga luha niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Tahan na Ems. Sinigawan na namin si Ken. Ano sapakin pa ba namin?" Tanong ko. Hindi siya sumagot pero niyakap niya ako ng napakahigpit at sa balikat ko umiyak. "I just want comfort Sands. Mahirap ba yun? Mahirap ba kong icomfort? Bakit kailangan niya pa maging ganun sa akin? Naiintindihan ko naman siya kung bakit mas inuna niya si Ana eh. Pero bakit kailangan niya pa magsabi ng ganun. Nasaktan na nga ako nung inuna niya si Ana tapos makakarinig pa ko ng ganun sa kanya." Aniya sa gitna ng mga paghikbi. "Shhhhh. Wag ka na umiyak. Nakausap na namin si Ken. Bwisit na daw siya sa bahay pa lang." Sagot ko. "Pero di naman tama na sa akin niya ibunton yun." Sagot niya. "Hindi nga tama pero kailangan mo siyang intindihin kasi nahihirapan din siya sa sitwasyon niyo. Hindi niya alam kung saan lulugar." Sagot ko. "Hayst. Di ko na alam Sandra. Di ko na alam. Sama na lang kaya ako sa Singapore." Sagot niya. "Yan! Yan ang wag na wag mong gagawin. Kami mismo pipigil sayo. Alam mo namang school year pa eh." Sagot ko. Sama naman ng tama nito kay Ken. Naisipan nang mag Singapore hindi pa nililibing lola niya. "Eh anong magagawa ko? I was always a second choice. I never been a top priority." Sagot niya. "Kung di ka top priority ni Ken top priority ka namin. Kami ng pamilya mo." Sagot ko. Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi na lang siya nagsalita at nauna nang tumayo sa akin. "Lets go." Aya niya. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya pababa. Nagkatinginan kami ni Andy ng makababa ako. Lumapit ako sa kanya. "Ano ginawa mo?" Tanong niya. "Wala. Nag usap lang kami. Tapos yun bumaba na siya." Sagot ko. "Ano sinabi mo?" Tanong niya. "Wala. Pero isa lang ang masasabi ko. Pagod na siya sa mga nangyayari sa kanya. Frustrated siya sa ginawa ni Ken." Sagot ko. "Bwisit kasi si Ken eh." Sagot ni Andy. Nagkibit balikat na lang ako at lumapit kila Lean. Kausap na nila si Emily. Pero pansin kong hindi pa rin nagkikibuan si Ems at Ken. Nako malaki ang problema nanaman ito sa pagkakaibigan namin. Kakabati lang nila pero ito nanaman. Ewan ko ba kung nanadya yung nanay ni Ken o si Ana. Di ko alam. Baliw yun kay Ken. Ng humapon na ay nagpasya kaming magpaalam. "Ah Emily mauna na kami. Mag oonline learning pa kami sa lessons ngayong araw. Wag ka mag alala papatinuin namin si Ken." Paalam ko. Tipid lang siyang ngumiti sa amin at isa isa kaming niyakap. Kung mapapansin mo mas mahigpit ang yakap niya sa amin nila Andy kesa kay Ken. "Sige na. Gagabihin pa kayo. See you soon! Saranghae!" Sagot niya. Hinalikan niya kami sa pisngi maliban kay Ken. Niyakap pa ulit namin siya bago kami umalis. Hinila ko na si Ken dahil tulala pa rin. "Ayan. Sige Ana pa." Sabay-sabay naming ani ng makalabas kami. "Bwisit! Kainis! Babalik na nga muna ko! Susunod na lang ako!" Sagot niya at padabog na umalis sa harap namin. Nagkibit balikat na lang kami at nagpunta na sa kanto ng barangay nila Ems para dun na lang hintayin si Ken.
Ken's POV
Kainis! Bwisit! Bakit ba kasi kay Ems ko naibunton ang galit ko?! Baliw na ata ako. Nakakainis naman kasi magpapatawag ng lunch alam namang may lakad ako! Tapos si Ate nasa surgery pa! Si Kuya Kenneth naman wala yung magagawa dahil napaka duwag. Ewan ko kung nanadya ba si Mama o si Ana. Basta di ko na alam mararamdaman ko. Kaya siguro ganun na lang ang approach ko kay Emily. Bumalik ako sa bahay nila dahil di ako nakapag sorry. Natagpuan ko siyang nandun sa isang lamesa at naglalap top at naka earphones habang nagtatype na umiiyak. I can't stand seeing the girl I love shredding tears and its because of me. Naglakad ako papalapit sa kanya at yinakap na lang siya ng napaka higpit. "Sorry... Sorry.. Di ko sinasadya. I was also frustrated. Sorry. Sorry." Bulong ko habang hinahalikan ang ulo niya. Patuloy lang siyang umiyak habang nakayakap sa akin. Tinanggal ko na ang earphones niya at lumuhod ako sa harapan niya. Pinunasan ko ang luha niya. "Don't cry. I told you she's in the paradise now. Hindi siya magiging masaya kung nakikita niyang umiiyak ang pinakamamahal niyang apo." Pag alo ko. "Ikaw kasi eh! Naging pari ka pa kanina! Pinaiyak mo kaya ko! Bwisit!" Natatawang sagot niya. "Sorry na. Pasensya na. Bwisit kasi eh. Walang sumalo sa akin ngayong araw. Sorry kung sayo ko naibunton yung inis ko kay Ana." Sagot ko. "Ano? Ayaw mo pa ba umuwi? Wala nang space dito sa bahay kung dito mo gusto matulog." Sagot niya. "Hindi. Bumalik lang ako kasi nakalimutan ko magsorry." Sagot ko. Sinapak niya naman ako sa balikat. Ang bigat ng kamay kahit napaka payat na tao. "Lumayas ka na Ken. Baka kung ano pa magawa ko." Aniya habang tinutulak niya ko palabas ng gate nila. "HAHAHAHAHAH. Oo na oo na. Bye! Saranghae!" Paalam ko. Naglakad na ko paalis sa bahay nila. Ng makarating ako sa kanto nila nandun sila Andy at umiinom ng softdrinks. "Tara na. Punta tayo kapitolyo. May pag uusapan tayo." Aya ni Sandra. "Ano nanaman yang kamaisan na yan Sandra?" Tanong ni Ivan. "Ay nako Ivan. Wag ka na lang nga sumama! Dami mong side comments!" Naiinis na sagot ni Sandra. "Para saan naman kasi yan Sandra?" Tanong ni Lean. "For Emily. Ano gusto niyo ganun na lang siya forever? Ikaw Ken? Gusto mo ba na palagi na lang siyang tulala ha?" Sagot sa amin ni Sandra. "Lets go." Sagot ko. Nauna nang maglakad si Sandra, sumunod sa kanya si Ivan tapos si Lean. Kasabay ko naman si Andy. "Ano nangyari dun sa bahay?" Tanong ni Andy. "Nandun siya nakaharap sa laptop umiiyak nanaman. Nagsorry ako pero pinalayas niya ko. Okay naman na kamu." Sagot ko. "Good for you. Di ka na magcucut." Sagot niya. Hindi na nga ba? No one knows. "HAHAHAHAH. Loko. Edi nagalit si Ems kapag inulit ko pa." Sagot ko. Nag earphones na lang si Andy at nauna nang maglakad sa akin. Napatigil ako sa paglalakad ng magring ang cellphone ko. Si Ana nanaman. Ano ba naman 'to?! Wala kong nagawa kundi sagutin na lang. "I'm busy stop calling." Bungad ko at agad sanang ibaba ang tawag ng magsalita siya. "Wait! You need here. Your father is finding you." Sagot niya. "Then tell him I'm with my friends. Fuck off Ana." Sagot ko at binaba ang tawag. Naglakad na ko pasunod sa kanila. Bumili muna sila ng makakain sa tabing food stalls at pumunta na sa artificial bermuda grass. Sumunod na rin ako sa kanila. Umupo na sila pati ako. "So. Paano natin pasasayahin si Ems?" Tanong ni Ivan. "Si Ken lang naman ang susi eh. Idate mo lang si Ems tapos." Sagot ni Lean. "Baliw! Hindi! Natural tayo din." Sagot ni Andy. "Edi ganito. May bahay kami sa Tagaytay. Dalin natin siya dun. You know she loves stars right? Then we will bring her their. I will contact our driver to drive us their. Tapos magset up tayo ng Netflix and chill under the stars. Idedate ko siya kapag nasa Tagaytay na tayo tapos ayusin niyo na yung place habang nasa date kami. Naalala niyo yung ginawa niyo nung sinurprise niyo siya nung nalaman niyong candidate for honors siya? Ganun ulit ang gagawin natin. This time kasama niyo na ako. Pero gagawin natin yun pagkatapos ng 9 days ng lola niya. Paniguradong magiging busy siya. We will take that oportunity to prepare everything." Saad ko. "Nice idea Ken. As if naman papayagan tayo lahat noh!" Sagot ni Sandra. "Natural liligawan natin yung mga magulang natin. Kayo tamang linis lang ng bahay okay na. Ako dadaan pa sa butas ng karayom para makuha yung driver." Sagot ko. "Paano yung gastusin natin habang nandun tayo? Tapos yung mga materials na gagamitin." Sagot ni Lean. "Ako bahala sa gamit sa expenses si Ken tutal sa kanyang bahay yun eh." Sagot ni Ivan. "Oo. Kami nang bahala dun. Kailangan ko lang payagan kayong lahat. At kailangan mailusot natin si Ems kay Tita." Sagot ko. "Okay sige. Liligawan ko na si Mama mamaya." Sagot ni Sandra. "Wait. Magcanvass na tayo ng mga gamit next week. After exams. Malapit na ang final exam. Nako. Paano kaya si Ems?" Sagot ni Lean. "Chill. Handa sa exams si Ems. Kilala natin siya. Palagi yung handa sa acads." Sagot ko. "Eh ikaw handa ka ba? Palagi kang tulog sa klase eh." Sagot ni Sandra. "Sus. Ako pa. Advance reader ako kaya di ako mahihirapan sa exam. Diba running for honors din ako?" Sagot ko. "Ang hangin. Ang hangin baka liparin ako." Biro ni Lean. "Nako. Halika na. Baka mawala pa sa inyo yang mga honors niyo kaya umuwi na tayo." Aya ni Sandra. Tumayo na kami sa damuhan at naglakad na papunta sa Franklin U. Malapit lang din dito yung bahay ko kaya magta tricycle na lang ako. Hindi ako lumaking de kotse. Tinuruan ko sarili ko magcommute kahit magkanda ligaw ligaw ako. Kasi paano kapag binawi sa akin yung kotse paano ko papasok sa eskwelahan? Aasa sa ate ko? Wag na lang. Mas ok nang sanay magcommute. Sa susunod maghahanap ako ng dorm na ako lang magisa pa ra naman maging independent ako. Next year magdodorm na ko. Ayoko na sa bahay. Wag lang nilang isama sa akin sa dorm si Ana. Umuwi ako sa bahay ng may busangot na mukha dahil nandito pa rin ang mga sumira ng araw ko. Bakit kaya hindi pa sila umaalis? Nagpaalam naman akong may lakad ako after lunch ah. Past lunch na. "Good afternoon Mama. Good afternoon Tita Annalin." Bati ko. "Saan ka galing?" Tanong ni Ana. "None of your business and I'm with my friends so you don't need to ask where I went." Sagot ko. "None of my business because its Emily. Right?" Sagot niya. "So what if its Emily huh?" Sagot ko. "Ken! Wake up! Your engage and yet your meeting someone!" Sigaw ni Mama sa akin. "What's the matter Ma? Bakit mo sinisigawan si Ken?" Tanong ni Ate na kararating lang. "Your brother is meeting another woman." Sagot ni Mama. "So what? They are not yet married. And there is no clear definition of their relationship so why are you scolding Ken?" Sagot ni Ate. "Its because he did wrong! He shouldn't meet other woman than Ana." Sagot ni Mama. "Stop controlling Ken's life Ma! Let him free! Please! You don't know how hard this is for him! So please Ma. Please. Please just let Ken be free before his wedding day." Sagot ni Ate. Parang binibiyak ang puso habang nakikita ko yung babaeng minamahal ko mapalaya lang ako sa masakit na nararanasan ko. "No. He should know how to hang out with his fiancée." Sagot ni Mama. "Then if thats what you want Ma then tell to his fiancée to stop bugging Emily's private life. Naging anemic yung tao dahil sa kagagawan niyan dahil sa pagtatago ni Ken para lang hindi siya masaktan at narinig ko sa school nila na nasocial at physical bullying si Emily dahil sa fiancée ni Ken. Paano pakikisamahan ni Ken ang ganyang ugali? Kahit ako hindi ko pasasamahin ang kapatid ko sa katulad niya." Matapang na sagot ni Ate. Hinalikan niya ako sa pisngi at umakyat na. Sumunod na ako sa kanya. "Ken! Nagsumbong ka nanaman ba?!" Tanong ni Mama. "Hindi po. Wala po akong alam kung paano niya nalaman ito. Mauna na po ako." Sagot ko at sumunod na kay Ate paakyat ng hagdan. Naligo ako at nagbihis. Humarap na ako sa laptop para makapag review na sa upcoming exam. Tahimik akong nagsusulat habang nakikinig ng music ng may pumasok sa kwarto ko. Binalingan ko kung sino ito at laking gulat ko ng ang ate kong dragon ang pumasok. Tinanggal ko ang earphones ko at bumaling sa kanya. "Hi Ate! Kamusta? Marami ka bang surgery?" Bati ko. "Oo nakakapagod sa hospital. Kamusta na si Emily?" Tanong niya. "Malungkot siya. Lalo ko pang pinalungkot dahil mas inuna ko yung lunch kasama sila Tita kesa sa kanya na namatayan ng lola." Sagot ko. "Tanga mo naman. Eh ano sabi ngayon ni Emily?" Sagot niya. "Nagalit pa sakin kanina kasi sa sobrang inis ko nasermonan ko siya ng wala sa oras." Sagot ko. "Nako naman Ken. Wala kong kapatid na tanga." Sagot niya. "Wow. Nagsalita ang di tanga. Bakit ka palaging iniiwan? Kung di ka tanga?" Sagot ko. "Walang personalan Ken. Nagpakahirap ako magsermon kay Mama about sa happiness mo tapos ganyan ka." Sagot niya. "Sorry na. Eh may hihingin ako sayo." Sagot ko. "Ano?" Sagot niya. "Hanapan mo ko ng driver. Ayoko ng driver dito. Tapos ng for rent na van. Magta Tagaytay kami nila Emily after ng 9 days ng lola niya. After exam din yun kaya pasado na." Sagot ko. "Tagaytay? Sigurado ka bang papayagan sila ng mga magulang nila?" Sagot niya. "Oo. Ako na bahala sa Mommy ni Emily. Pagpapaalam ko siya." Sagot ko. "Ok sige. Hahanapan kita. Text mo na lang ako kung kailan." Sagot niya. "Okay! Thank you ate! Thank you! Thank you!" Sagot ko. "Wala yun. Mag review ka na at baka bumagsak ka." Sagot niya. "Sige Ate. Thank you ulit! Love you ate!" Sagot ko. "Love you too Ken." Sagot niya at lumabas na ng kwarto. Agad akong bumalik sa upuan ko at chinat sila Lean sa gc namin.
Me:
May driver na. Salamat sa ate ko at di pinahirap ang paghahanap ko.
Ivan:
That's good. Pinayagan na rin ako eh.
Sandra:
Ako din.
Lean:
Ako din.
Andy:
Me too.
Zoe:
Pinayagan na rin ako.
Me:
Nice! Nga pala bakit di ka nakasama?
Zoe:
Nilalagnat ako pero napadala ko naman kay Sandra yung pera.
Me:
Get well soon
Sandra:
Get well soon Zoe!
Ivan:
Get well soon Zoe!
Andy:
Get well soon. We miss you!
Matapos namin magchat ay bumalik na rin ako sa pag aaral. Ng gabi na ay may kumatok sa kwarto ko. "Bakit?" Katamtaman kong inilakas ang boses ko para marinig ng nasa labas. "Kuya Ken! Kain na!" Sagot niya. "Sige! Sunod na lang ako!" Sagot ko. Naligo lang ako at nagbihis tapos bumaba na. Tahimik akong umupo ng biglang magsalita si Papa. "Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo sa fiancée mo Ken." Malamig niyang ani. "Hindi ko rin po nagustuhan yung ginawa niya sa babaeng mahal ko." Matapang na sagot ko. "Eh bakit ano nanaman bang ginawa niya sa hamak na babae na yun?" Sagot niya. "Naging anemic yung babaeng mahal ko dahil kay Ana. Na social at physical bullying pa. Sa tingin niyo po ba kaya ko siyang pakisamahan?" Sagot ko. "Hiwalayan mo na yan Ken. Lalo ka lang mahihirapan pag pinatagal mo pa." Sagot niya. "Tapos na po ako. Mauna na po ako sa taas. Mag aaral pa ko." Paalam ko at tumayo na. Nakakawalang gana kapag napaguusapan ang paglayo ko kay Emily. Umakyat na ako sa taas at pinatay lahat ng ilaw. Binuksan ko ang phone ko at nagmessage kay Emily.
Me:
Wag ka magpupuyat masyado. Matulog ka mamayang midnight. Don't forget to eat dinner.
Emily Savvanah Howards:
Opo. Sige na marami pa kaming bisita. Good night!
Me:
Magreview ah!
Emily Savvanah Howards:
Opo. Every morning yun ang ginagawa ko.
Me:
Sige good night. Love you!
Emily Savvanah Howards:
Good night.
Naglog out na siya at ako naman ay nagml sandali kasama sila Carl. Matapos ay nakatulog na rin agad ako.
A/N: Sorry for the late update. Nahirapan po ako tapusin kasi it deals about the death of my grandmother. Sorry din po sa lame update last time. Dahil po sa lack of creativity ko. Sorry. Thank you for supporting my story. Happy 5 months to us! Please vote my story. Thank you😉❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top