CHAPTER 26: TRUTH OR DARE

Ken's POV
Kinaumagahan ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. "Tol! Gising na tol! Uuwi na tayo!" Sigaw ni Kuya Kenneth mula sa may pintuan ng kwarto ko. "Bukas na Kuya! Hilong hilo pa ko." Sagot ko. "Anong bukas? Baliw ka ba? Lunes bukas may pasok!" Sagot niya. "May surgery ako bukas bawal ako umabsent." Bati ni Ate pagpasok sa kwarto ko. "Ako rin naman eh. May pasok. Kaso ang sakit talaga ng ulo ko." Sagot ko. "Ay nako Ken. Bahala ka. Wala kang kotse pauwi. Iiwan ka na namin diyan." Sagot ni Ate. "Ate naman eh! Ako nag aya dito ako pa maiiwan." Sagot ko. "De joke lang. Bakit namin iiwan ang bunso namin? Eto oh! Mag advil ka!" Sagot niya habang inaabot sa akin ang advil at baso ng tubig. Ininom ko ito at bumaling ulit kay Ate. "May ginawa ka." Sagot niya. "Ano? Don't tell me na may hinalikan akong stranger ah." Sagot ko. Kinakabahan naman ako sa pinagsasabi ni Ate. "Wala kang hinalikang stranger. May tinawagan kang teenager." Sagot niya. "Ano?! Sino?!" Sagot ko. "Edi tingnan mo yung call log mo ng malaman mo kung sino." Sagot niya. "Mamaya na. Maliligo muna ko." Sagot ko. "Ok. Aayusin ko muna yung kotse at mga pagkain. Sa daan na tayo kumain." Sagot ni Ate. "Eh paano si Kuya Kenneth?" Tanong ko. "Mauuna siya sa atin." Sagot niya. "Okay. Nasaan na siya?" Tanong ko. "Nandun sa baba. Nag aayos na ng kotse." Sagot niya. "Wala ba kayong mga hang over kaya kaya niyo magdrive?" Tanong ko. "We drink for you fun you drink for you to forget. Yun ang pagkakaiba natin." Sagot niya. "Ah ok. Maliligo na ko. Ang dami pang explanation neto. Tinatanong ko lang naman kung may hang over kayo." Sagot ko. Dumeretso na ako sa cr. Mabilis akong naligo at nagbihis. Kailangan ko pa magreview paguwi. Probably mga hapon na kami makakauwi. Ng bumaba ako paalis na si Kuya Kenneth. "Alis na ko. Kita na lang tayo sa bahay." Paalam niya. "Sige ingat." Sagot ni Ate. Tinanguan ko lang siya. Sumunod na rin kami sa kanya. Ng lumabas kami nasa may pintuan na si Mang Imo. Handa nang magpaalam. "Kayo na pong bahala dito sa bahay namin. Kapag di na ho busy babalik ulit kami." Paalam ni Ate. "Mang Imo palagi niyo pong lilinisin yung mga kwarto. Baka po kasi pumunta po ulit ako dito kasama ang mga kaibigan ko." Bilin ko. Baka sa susunod na punta ko seeners na ang kasama ko. Well hopefully. 2 weeks na rin kaming di nag uusap. Nag usap lang kami after nung incident sa classroom nung ginising ako ni Emily. Kinaya ko naman yung pasulyap sulyap kay Emily ng 2 weeks at 2 weeks din akong naglalagi sa library para mag advance review at magreview ng lesson na naskip ko. Nawala kasi ko sa focus nung nalaman nila yun. Di ko namalayan na nasa kotse na pala kami sa sobrang pag alala ko kay Ems. "Ano nacheck mo na yung call log mo?" Tanong ni Ate. "Hindi pa. Bakit? Si Ana ba yung tinawagan ko??" Tanong ko. "Hindi. Check mo nga kasi. Ilang ulit ba?" Sagot niya. Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ko yung call log ko. Puta. Putang ina!!! Si Emily yung natawagan ko. Ken! Napaka bobo mo alam mo yon? Arghhhhh!! Tanga Ken! Agad kong binuksan ang messenger at chineck kung online si Ems. Ng makitang online ay agad ko siyang chinat.

Me:
Ems. Pasensya na kung natawagan kita kagabi. Lasing ako eh.

Emily:
Okay lang.

Me:
Let's talk about what happened.

Emily:
Kung ako lang gusto ko eh kaso sila Andy. Kausapin mo muna sila. They are all furios about what happened especially nung cotillion.

Me:
Okay. Kakausapin ko sila.

Emily:
Sige na. May ginagawa pa ko eh.

Me:
Sige bye.

Agad akong lumipat sa inaamag na naming gc nila Andy. Yung nagplano kami ng mga surprise. Mabuti't di nila ko kinick out sa group.

Me:
I want to talk to all of

Ivan:
Bakit? Anong kailangan mo?

Lean:
Nagparamdam si Una lang magaling.

Sandra:
Bakit? Ito sinasabi ko sayo Ken. Pag pinagtripan ulit ni Ana si Emily dahil sa pagkausap mo sa kanya ako mismo sisipa sa mukha mo sa harap ng maraming tao.

Andy:
What are we going to talk about?

Me:
Can I ask your permission to talk to Emily?

Ivan:
For what?

Andy:
Why?

Sandra:
At bakit? Bigyan mo kami ng tatlong dahilan.

Lean:
Nako siguraduhin mong hindi magkakasakit at iiyak si Emily dahil diyan.

Zoe:
Miss mo na si Ems noh!

Me:
For apologies. And also to all of you. I want to talk to all of you for apologies. And @Zoe tama ka. Miss na miss ko na siya.

Hindi na sila nagseen after ng message ko. Mukhang galit pa rin sila. Hinayaan ko na lang at nagbukas ng netflix sa phone ko para manuod ng anime.

Andy's POV
Apologies? For what? For hurting her? O may iba pa. Pakiramdam ko may nangyari bukod sa incident sa room. Feeling ko nag uusap na ulit sila. Nandito kami ngayon sa kapitolyo. Just chillin' and watching a cringey couple. Na kulang na lang mag live SPG scene. Wala si Emily at Zoe dahil bumili ng makakain. "Ano kaya nangyari? Bakit biglaang nagmessage sa atin ng ganun si Ken?" Nagtatakang tanong ni Sandra. "Siguro naguusap na sila ni Ems kaya ganyan." Sagot ni Lean. "Oo nga. Iba yung glow niya kaninang umaga." Sagot ni Lean. "Siguro nag uusap na nga ulit sila." Sagot ko. Natigil lang ang paguusap naminng dumating sila Emily. We need to confirm it to Emily. Ayoko makipaghulaan sa kanila ngayon. Nahihirapan brain cells ko."Ano nabili niyo?" Tanong ko sa kanila. Ng dumating sila. "Hotdogs on stick at mga chichirya." Sagot ni Emily. "Ah okay." Sagot ko. Inabutan niya kami isa-isa ng mga hotdog on stick at umupo ng pabilog. "Emily. Nag uusap na ba kayo ni Ken?" Deretsahang tanong ni Sandra. "Kagabi lang." Sagot niya. "Ano pinagusapan niyo kagabi? Tsaka siya ba yung kausap mo kagabi sa phone?" Tanong naman ni Lean. "Oo. Drunk call lang. Kung ano-ano lang sinabi." Sagot niya. "Like what?" Tanong ko. "He really love me. He missed me. Mga ganun." Sagot niya. "Ano?!" Sabay-sabay kaming napareact sa sinabi niya. "Weh?!" Tanong ni Zoe. "Kely is back na ba?" Tanong naman ni Sandra. "Hindi pa. Mag uusap-usap pa tayo. Tsaka diba kakausapin niyo ng masinsinan si Ken?" Sagot niya. "Nako. Siguradong sasabog nanaman si Yelo nito." Ani Sandra. "Oo nga. Overprotective satin yun." Sagot ko. "Nako Sandra. Ikaw na bahalang magpaamo sa tigre." Sagot ni Lean. "Teka nag apologize naman ba?" Tanong ni Lean. "Oo. Sa chat. Nasa Tagaytay silang magkakapatid para sa celebration niya ng pagiging running for honors tapos yon naisipan magbar. Nagpakalasing si Ken. Tinawagan ko pa si Kuya Kenneth para mapauwi." Sagot ni Ems. "Basta pag sumabog si Ivan ako na bahala." Sagot ni Sandra. "Hay. Kaya naman pala nagmessage ng ganun ang loko. May kasalanan naman pala." Sagot ko. "Nakoo. Ems ah... Namimiss na namin kayoooo. Magbalikan na kayo." Sagot ni Zoe. "Zoe! Walang kami!" Ani Emily. Guilty. "Hay! Kumain na nga lang tayo. Uuwi na pala muna ko." Paalam niya. Naiiyak siya habang nagpapaalam sa amin. "Bakit? Ano nangyari? Akala ko ba papadala na ni Tita yung mga gamit mo sa dorm?" Sagot ko. Nag aalala na rin kami sa kanya. "T-tumawag s-si K-kuya M-mark k-kanina. Comatose na si Nanay." Sagot niya. "Shit. Shhhh. Magiging okay siya. Gigising siya. Wag ka umiyak." Sagot ni Sandra. Niyakap na lang namin siya. "Sabi ni Kuya wala na daw chance na magising pa siya. Hihintayin na lang daw namin na humina yung katawan niya at mawala yung heartbeat. Wala nang chance na magising siya." Sagot niya. "Ganto na lang. Lets buy you ice cream tapos hahatid ka namin sa inyo." Sagot ko. I know ice cream is her comfort food. I know she'll be calm kapag nakakain siya nito. "Wag na. Hatid niyo na lang ako sa amin. Bibisita na lang ako sa dorm paminsan minsan. Online na ko mag aaral para masulit ko yung huling araw kasama siya. Sa gabi ko mag aaral. Kasabay ng duty ko." Sagot niya. "Pero Ems anemic ka. Ano bang sabi ng doctor mo?" Tanong ko. "Okay na daw ako. Kumain lang ako dapat sa tamang oras." Sagot niya. "You'll be okay." Sagot ko. Tumayo na kami at naglakad papuntang sakayan para maihatid si Ems.

Emily's POV
I received a phone call from Kuya Mark saying na si Nanay ay comatose na. Naka oxygen at NGT na. Pinapauwi ako. Kaya agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Sa ngayon kailangan ko munang bantayan si Nanay. Ng makarating kami sa bahay lahat sila parang mga pinagsakluban ng langit at lupa. "Kamusta si Nanay?" Tanong ko sa kanila. "Nandun Ems. Si Kuya Mark mo ang kasama." Sagot ni Mommy. Pumasok ako nakita kong umiiyak si Kuya Mark. "Bakit?" Tanong ko. "1-2 weeks na lang Ems. 1-2 weeks na lang natin makakasama si Nanay kaya sana wag na natin pabigatin yung mga gagawin sa kanya. Magiging mas matrabaho at nakakapuyat. Para mas mapahaba yung time na kasama natin siya." Sagot niya. "1-2 weeks. Sige Kuya. Dito na lang ako uuwi after school." Sagot ko. "Kailangan ko din pala magpaalam kay Gabrielle para matulungan ko kayo dito. Mag rerequest na lang muna ko ng work from home." Sagot niya. "Sige Kuya. Kakausapin ko muna si Nanay. Diba naririnig niya tayo?" Sagot ko. "Oo. Kausapin mo na siya baka sakaling magising." Biro niya. Si Kuya Mark talaga alam ko namang di na magigising si Nanay eh. "Nay. Bakit natulog ka na? Di mo ko inantay Nay. Nay 2 weeks lang Nay. Nanay tumagal ka lang ng ganun masaya na kami Nay. Salamat sa lahat Nanay. Salamat dahil di mo pinaramdam na may kulang sa akin. Salamat Nanay dahil inalagaan mo ko ng 16 years. Mahal na mahal kita Nay. 2 weeks lang Nay pwede ka nang matulog forever." Pagkausap ko sa babaeng natutulog ngayon sa harapan ko. Ang babaeng humulma ng pagkatao ko. Ang hindi sumuko sa paguugali ko. Ang babaeng mahal na mahal ko. Mabuti nang maingay siya at hindi kami kilala kesa ganyan siya. Na tulog. At least nung gising siya nakakausap namin. At least nasasabi niya samin yung mga nararamdaman niya. Hindi kami nangangapa. Hindi kami nag aalala sa pagtulog. Na baka one day or one night magising na lang kaming wala na siya. Tumutunog ang phone ko. Nakita ko sa caller's id ang name ni Ken. Huminga muna ko ng malalim bago sinagot ang tawag. "Hello? Bakit? Nakausap mo na ba sila Andy?" Bati ko na pilit pinapasigla. "Oo. May sinabi sila sa akin." Sagot niya. Kinabahan ako. Baka sinabi nila kay Ken yung sitwasyon ko. "Ano?" Kinakabahan man ay pinilit kong maging normal ang pagtatanong ko sa kanya. "Umuwi ka daw sa inyo. Kasi may nangyari diyan sa bahay niyo." Sagot niya. "Ah. Oo umuwi muna ko kasi kailangan ko samahan yung lola ko." Masiglang sagot ko. Kahit di naman yun ang tunay na nararamdaman ko. "Ok ka lang?" Tanong niya. Anong klaseng pagtatanong naman yan Ken? "Bakit naman ako di magiging ok? Ok lang ako. Chill ka lang. Sige na. Baka nagchachat na sayo si Ana. Tsaka na tayo mag usap." Sagot ko. Di ko na hinintay pang makasagot siya at ibinaba ko na ang tawag. Nakaupo lang ako sa tabi niya buong maghapon di ako tumatayo dun. Hinahatiran lang nila ko ng pagkain. Parang nagshut down yung mundo ko. Parang hindi pa din nagsisink in sa akin na natutulog siya dito ngayon. Kahapon ang sigla niya pa. Bago ko umalis. Sobrang saya niya pa nga eh. Tapos kinabukasan matutulog na pala siya. Huling ngiti na pala yun. Hindi man lang ako tinawagan. Pero alam ko naman na wala na silang time para tawagan ako. Okay lang naman. Gusto siguro nila na masulit ko yung time na masaya ko kasama yung mga kaibigan ko. Dahil alam nilang ito na yung isasalubong nila pag uwi ko. Ni hindi man lang aabot si Nanay sa graduation ko. Pero okay lang. Ayos na yung 16 years na inalagaan niya ako. Ayos na yun. Satisfied na ko. Ng gumabi hinatiran lang din nila ko ng dinner. Nung 11:00 na ng gabi pinatulog na nila ko. Si Tita Mhel ang pumalit sa akin. Ginising ako ni Tita Marie ng 5 am. Ang bigat ng ulo ko. Parang binibiyak. Di naman ako nakainom. Baka epekto lang 'to ng late matulog. "Kumain ka na. Baka malate ka sa pagpasok." Ani Tita Marie. Si Mommy na ngayon ang nagbabantay kay Nanay. Si Kuya Mark mamaya pa lang uuwi. "Tawagan niyo agad ako kapag may nangyari dito ah. Uuwi agad ako" Bilin ko bago umalis. Di na ako nagpahatid kay Tita Mhel dahil ayaw niya rin namang iwanan si Nanay. Magko commute na lang ako. Ng dumating ako sa school ay sinalubong ako ng matatamis na ngiti ng mga kaibigan ko. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. How I wished I could smile like them. Sana nakakangiti din ako katulad nila. Yung walang inaalala. Walang iniisip na problema. Sa itsura ko pa lang ngayon masasabi mo nang mukhang ayos lang ako pero deep inside inggit na inggit ako sa kanila. Na mabuti pa sila nakakangiti ng natural ako hindi ko kayang ngumiti ng natural. Tulala lang ako buong klase. Wala kong naintindihan sa mga tinuturo ng teacher namin. Puro sulat lang ako ng mga lectures. Mag aaral na lang ako sa bahay. Hindi pwede na maapektuhan ang pag aaral ko. Running for honors ako kailangan ko umayos. Kapag di ako umayos baka mawala pa sakin yung slot. Ayoko nang madisappoint pa sila. Gusto ko mapasaya ko sila. Hindi yung dadagdagan ko pa yung lungkot na nararamdaman nila. Hindi ko kailangan umiyak ngayon. Hindi pwede ditong sa eskwelahan. Hindi dito ang tamang oras. Ng magbreak ay dumerets ako sa pila. Burger at drinks lang ang inorder ko. Wala talaga kong gana kumain. Naiisip ko sila sa bahay kamusta na kaya. Napanatag ang loob ko ng tumawag si Kuya Mark. "Oh Kuya?" Bati ko. "Pag pauwi ka bumili ka ng Plain Normal Saline Solutmtion." Aniya. "Plain Normal Saline Solution? Bakit?" Tanong ko. "May sugat na si Nanay sa binti at kailangan niya nun para madisinfect." Sagot niya. Napaluha ako. Pero pinilit kong sumagot sa kanya ng ayos. "Sige sige. Kakain na ko Kuya. Mamayang lunch ulit." Sagot ko. "Sige sige. Tawagan mo na lang ako." Sagot niya. "Sige Kuya. Bye." Sagot ko at binaba ang tawag. Dun naguunahang tumulo ang luha ko. Agad akong naghood para di mapansin ng mga tao. Ang sakit sa part na makikita mong ganun yung lola mo. Bilang isang apo ako yung nahahapdian sa mga nilalagay nila sa kanya. May naramdaman na lang akong mainit na kamay sa likod ko na humahagod. "Kahit anong tago mo alam kong umiiyak ka." Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino ito. Alam kong si Ken ito. "Bakit ka nandito? Baka magselos si Ana." Sagot ko. "Hayaan mo siyang mamatay sa selos dun. Mas kailangan mo ko ngayon. Hindi niya ko kailangan." Sagot niya. "Ayos lang ako. Padating na rin sila Andy. Umalis ka na. Wala kong time sa pantitrip ngayon ni Ana. Marami pa kong problema." Sagot ko. "Mind sharing it?" Sagot niya. "May nangyari nga lang sa bahay kaya ganito. Kaya ko na. Wag ka na mag alala." Sagot ko. "If that's what you want." Sagot niya. Naramdaman ko na lang ang pagkawala ng presensiya niya sa likod ko. Napayuko na lang ako sa lamesa at dun ibinuhos lahat ng luha ko. Inangat na ko ni Ivan sa pagkakayuko ko at niyakap sa sarili niya. "Shhhh. Andito kami. Don't cry." Aniya habang inaalo ako. "Sakit. Napaka sakit. Sorry dito pa ko nagburst out. Kakatawag lang ng pinsan ko sa akin. Kailangan ko bumili ng Plain Normal Saline Solution para malinis yung sugat niya. Yung solution na yun swero yun. Yung ginagamit sa hospital." Sagot ko. "I know its hard for you but you should be tough. Kung gising lola mo hindi niya magugustuhan na umiiyak ka. Sigurado akong malulungkot siya." Sagot ni Sandra. "Ngiti na. Lalong di gugustuhin ni Ken na ganyan ka. Siguradong magagalit sa amin yun." Sagot naman ni Zoe. "Nag uusap na kayo?" Tanong ko. "Hindi pa. Mamaya pang lunch." Sagot ni Andy. "Bakit di mo pa sinasabi sa kanya?" Tanong ni Sandra. "Kailangan pa ba yun? Kung na kay Ana na ang atensyon niya?" Sagot ko. "Pabayaan mo na yung Ana na yun. Ano bang gusto mo? Hayaan na lang manalo si Ana? Yan ang gusto niya. Sukuan mo si Ken." Sagot ni Sandra. "Oo nga. Basta kapag sinaktan ka niya ulit niya ako mismo sasapak sa kanya." Sagot ni Ivan. "Sige. Tsaka na tayo muna mag usap. Kumain na tayo." Sagot ko. Kumain na kami ng tahimik at ng matapos ay bumalik na kami sa mga classroom namin. Ngayon may naabsorb naman nang kaunti ang utak ko. At least mas naintindihan ko ng kaunti yung mga pinagsasabi ng teacher. Ng maglunch ay sabay sabay kami naglunch. Kasama si Ken. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumawag si Kuya Mark. "Bakit Kuya?" Sagot ko sa tawag. "Bumili ka na rin pala nung Hydrogen Peroxide." Sagot niya. "Sige sige. Kita na lang tayo sa bahay mamaya." Sagot ko. Ng matapos kumain ay nagpunta kami sa garden. Ang paboritong tambayan namin. Walang araw na hindi kami nagpupunta dito. Mas madalas kami dito kapag nag uusap kami ng masinsinan kapag nagkakaproblema. Umupo kami sa bermuda grass ng pabilog. "So. Ano nga ulit pag uusapan natin? Nakalimutan ko eh." Panimula ko. "Ayan si Ken. May sasabihin ata." Sagot ni Sandra. "Sorry." Sagot niya. "Yun lang?" Tanong ko. "Sorry kasi nagdrunk call ako sayo tapos sorry kasi di ko sinabi sayo na engage na ko. Pero I'll make sure that i'll get rid of that engagement para sayo." Sagot niya. "Oo na lang Ken. As if naman hahayaan ka ng magulang mong makisama sa akin." Sagot ko. I'm aware of the fact that we're not on the same social status. We have small time business but not like their business. Sobrang bigtime ng business nila. Syempre di nila ipapares yung anak nila sa mga small time business lang. "Ere nanaman tayo sa sorry sorry Ken. Tapos one day magugulat na lang kami may sumabog nanamang balita about sayo." Sagot ni Lean. "Wala na. Yun na yung last thing na tinatago ko sa inyo." Sagot niya. "Siguraduhin mo. Nako itatakwil ka namin pag nagkataon." Sagot ni Ivan. "Sa susunod na may itago ka samin papamigay ka na namin sa mga plastic friends mo." Sagot ni Sandra. "Nako Ken. Humanda ka na." Sagot ni Zoe. Hindi na ko nakisali sa kanila dahil kachat ko si Kuya Mark nagbibigay ng mga instructions about sa mga bibilin ko. Bumaling na ako sa kanila. "Wag niyo na nga pala ko ihatid pauwi. May bibilin pa ko sa malapit na botika diyan. Kailangan sa bahay eh." Paalam ko. "Ano naman yung bibilin mo?" Tanong ni Ken. "Plain Normal Saline Solution." Sagot ko. "Ano naman yun?" Sagot niya. "Swero." Sagot ko. "Sino naman swesweruhan sa inyo?" Tanong niya. "Hindi pang sweswero panglilinis ng sugat." Sagot ko. "Kaninong sugat naman?" Tanong niya. Natahimik na ko sa tanong niya na yun. "Ken. Wag na masyadong maraming tanong." Si Ivan na ang sumaway dahil alam niya na ayoko pinaguusapan yun. Nalaman na niya na comatose na si Nanay. Kahapon niya din nalaman. Siguro sinabi nila Andy. Kaya naman pala nagmamadaling pumasok sa dorm namin kanina. Kung alam niya lang na halos patayin na ko ni Sandra ng titig. "Ivan lagot ka kay Sandra." Panakot ko. "Bakit naman?" Sagot niya. "Napaka higpit ng yakap mo sakin kaninang umaga. Halos patayin ako sa titig." Sagot ko. Tumalim naman ang tingin ni Ken kay Ivan. "Last na yan Ivan. Kay Sandra ka na. Sakin si Ems." Pagbabanta ni Ken kay Ivan. "Oo Ken. Naka get over na ko kay Ems no! Bestfriends lang ang tingin ko sa tao na yan!" Sagot ni Ivan. "Hay nako. Tama na yan guys. Ganto para mas masaya reunion natin mag pizza tayo." Aya ni Andy. "Dahil si Ken ang salarin siya manlilibre!!" Sagot ni Zoe. Hayst kahit kailan mga patay gutom talaga. "Pizza ba gusto mo Ems?" Tanong ni Ken sa akin. "Kahit ano. Susunod na lang ako sa inyo kasi may bibilin pa ko." Sagot ko. "Sige. Sa dorm na lang tayo magkita-kita. Sa dorm natin Ems. Pizza party with netflix and chill." Sagot ni Zoe. "Sige. Try ko makahabol if not naman tira'n niyo na lang ako ng pizza kakainin ko bukas." Sagot ko. Hindi na ko sigurado sa mangyayari dahil kailangan ko nga magduty. "Sige. Promise us na hahabol ka." Sagot ni Sandra. "Syempre. Pero kailangan na ulit si Nurse Ems sa bahay eh." Sagot ko. "Ano ba nangyayari sa buhay mo Ems? Two weeks lang ako nawala marami nang nagbago sayo. Tsaka tingnan mo yang mata mo. Mugto na nga puro eyebags pa." Sagot ni Ken. "Basta Ken mahirap. Malapit na siya kunin ni Lord." Sagot ko. "Kung sino man kukunin ni Lord sayo maging matatag ka. Palagi lang kaming nandito. Pwedeng pwede mo kaming iyakan." Sagot niya. "Thank you." Sagot ko. "Ano na gagawin natin?" Tanong ko. "Truth or dare tayo with a twist. Sa truth or dare na ito hindi lang basta basta laro. Malalaman mo sa truth or dare na ito ang mga tinatago nating feelings. Yung mga sakit na nararamdaman natin mailalabas natin. Difficult ang tanong kapag nag truth ka. Dapat all honesty ang sagot mo. Kapag dare naman madaling konti ang tanong or mag uutos ka lang. Kumbaga truth or truth lang. Mapapagtibay nito friendship natin don't worry. Lahat tayo magtatanong." Paliwanag ni Ivan sa laro. "Sige. Para rin aware tayo sa actions natin." Sagot ni Sandra. Kinuha naman ni Zoe yung plastic bottle ng coke na pinag inuman niya at pinaikot ito. Kay Andy unang tumapat. "Andy, truth or dare?" Tanong ni Ivan. "Truth." Sagot niya. "Ano yung traits namin na ayaw mo?" Tanong ni Ivan kay Andy. "Sayo muna. Medyo GGSS ka kapag nang aasar. Yun di ko gusto sayo. Kay Sands naman yung pagiging addict sa COD. Kay Zoe palaging tulala. Kay Ken palagi mo na lang pinapaiyak si Ems and sobra ka sa ML bro. Kay Ems naman sobra sa wattpad at nabibingi bigla kapag nagsusulat na." Sagot niya. Nagtawanan na lang kami. "Boto ka ba sa amin ni Ems?" Si Ken ang sumunod na nagtanong. "Oo. Pero once na niloko mo siya kick out ka sa seener squad." Sagot ni Andy. "Ano yung hidden feelings mo?" Tanong ni Sandra. "Well I'm sad. I don't know why. Basta malungkot lang ako. And my anxiety is killing me." Sagot niya. "Ano mas mahirap magsulat ng story o magdrawing?" Tanong ni Zoe. "Writing stories. Its more difficult than drawing. Kasi kapag nagsusulat ka it should be alive. Dapat nararamdaman ng readers mo yung nararamdaman ng characters mo. Pero sa drawing kung ano yung naisip mo pwedeng iyon na yun. " Sagot niya. "Why did you choose to be one of my fans?" Tanong ko. "Because I believe in you. I believe in your talent." Sagot niya. "Natouch naman akooo." Sagot ko. "Okay next." Ani Sandra bago paikutin yung bote. Kaswertihan naman at sa akin tumapat. "Emily." Ani Ivan. "Yes?" Sagot ko. "Okay ka lang?" Tanong niya. Natigilan naman ako. Alam kong hindi physically ang tanong na yan kundi emotionally. "Physically yes. Emotionally no." Sagot ko. "Why?" Tanong naman ni Andy. "Comatose na si Nanay. Di kami sigurado sa 1-2 weeks na taning ng pinsan namin. Maybe one of these days she'll left us. Pressured ako sa school kasi inaasahan ako ng section namin dahil kami lang ni Lean ang nakapasok sa honors. Then yung nangyari sa atin nila Ken. Up until now bothered ako dun. Then yung mga pantitrip ni Ana this past few days. Nakaapekto yun sa everyday life ko. Parang every time lalapit sa akin si Ken iisipin ko na kung ilang kamay ang sasampal sa mukha ko. Kung ilang daang masasakit na salita nanaman ang maririnig ko. Mga ganun pero inisip ko na lang family ko. Gusto ko mapasaya ko sila. Gusto ko maging proud sila." Sagot ko. "Mahirap?" Tanong naman ni Ivan. "Syempre mahirap. Naapektuhan din nun yung plot ko. Pero alam ko na habang nasasaktan ako mas mararamdaman ng readers ko yung emotion." Sagot ko. "Ano yung ideal guy mo?" Tanong ni Sandra. "Actually medyo kabaligtaran ni Ken. Mabait, matalino, writer, magaling magchess para may kamatch ako. Serious type parang ako." Sagot ko. "Lahat ng sinabi mo ako. Maliban na nga lang sa writer at magaling magchess. Dapat na ba ko mag aral mag chess at mag writing lessons?" Sagot ni Ken. "Hindi mo kailangan baguhin yung mga traits mo. Nagustuhan kita dahil ikaw si Ken. Dahil kahit mahirap your still tough." Sagot ko. "Hepp. Tama na yan. Ikot na ulit natin ang bote." Ani Ivan. Pinaikot na ulit ang bote. At tumapat ito kay Ken. "Ako muna!" Ani ko. "Sige sige." Sagot ni Ivan. "So. Depressed ka ba?" Tanong ko. "Yes. Depression is killing me." Sagot niya at pinakita sa amin yung peklat ng laslas na ginawa niya. Awtomatikong tumama sa mukha niya yung kamay ko. "Two weeks lang ako nawala may ganyan ka na! Nababaliw ka na ba?! Paano kapag namatay ka?! Edi kargo pa namin?!" Sagot ko sa kanya. "See? Sabi ko na eh. Ganyan ka magrereact kapag nakita mo 'to. Natural di ako magpapakamatay. Mababawasan ng gwapo sa mundo." Sagot niya. "Ay nako. Umandar nanaman pagka GGSS mo." Sagot ko. "Gaano ka kaseryoso kay Ems?" Biglang tanong ni Ivan. "Sa sobrang seryoso ko kaya kong talikuran pamilya ko." Sagot niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya. "Kailan mo nagustuhan si Ems?" Tanong ni Sandra. "Since grade 7. Hindi nga lang ako makamove kasi natotorpe ako. Tsaka that time cold siya eh." Sagot ni Ken. "Mahirap magtago ng feelings?" Tanong ni Zoe. "Yes. Its hard. Pero namaster ko na ang pagtatago ng feelings. Namaster ko nang maging numb sa lahat ng pain. Kasi ikaw ba naman kabilangan ang pamilyang pipilitin kang magpakasal para sa business. Pare-pareho kaming magkakapatid ng problema. Kaya lahat kami naghahanap na ng girlfriend dahil gusto namin takasan yung marriage. Hindi naman kasi ko dapat nagloloko. Yun nga lang natorpe ako kaya ganun." Sagot niya. "If you we're given a chance to love again. Would you still choose Emily?" Tanong ni Andy. "Yes. I will still choose her. Because she's the second woman who makes me feel I'm worth it. Kaya nanatili pa rin ako dahil sa kanya. Kung tutuusin dapat wala na ako pero every time naalala ko siya nababalik yung vision ko to fight in life." Sagot niya. Naputol ang pag uusap namin dahil nag ring na ang bell. "Paano ba yan guys? Di lahat naikutan ng bote. Some other time ituloy na lang natin yung game." Ani Ivan sa amin. "Sige." Sagot namin. Tumayo na kami at pumunta sa kanya kanya naming classrooms. Hindi nakapag share ng opinion niya si Lean dahil busy kaka chat sa kung sino naman. Naka headset din kaya parang tungaw lang siyang kasama namin. Kami nagkakadramahan na siya nakaheadset pa rin. Hindi na kami nakapag usap pa ni Lean dahil dumating agad ang teacher namin. Naging mabilis lang ang takbo ng oras ng last subject namin. Ng mag uwian ay mabilis akong lumabas ng room. Hindi na ko nagpaalam sa mga kaibigan ko dahil nasa baba na daw si Kuya Mark. Susunduin daw niya ko dito sa school tapos hahatid lang sa botika dahil break lang daw nila. Ano ba naman oh. Di ko na nailagay ng ayos yung mga gamit ko sa locker. Tinakbo ko na ang hagdan pababa. Ng makasakay ako ay agad kong inopen yung phone ko. Nagmessage ako sa gc namin.

Me:
Sorry di na ako nakapagpaalam. Nagmamadali din kasi pinsan ko.

Ivan:
Oo nga. Sa sobrang pagmamadali mo nakalimutan mo isarado yung locker mo. Buti nakita ni Andy.

Me:
Thank you. Thank you kasi sinarado niyo.

Ken:
Ingat ka sa biyahe.

Sandra:
Ingat sa biyahe. Pagprepray ko lola mo.

Andy:
Me too. Ingat.

Me:
Thank you❤

Bumaba na ako sa Mercury. May awa naman pala si Kuya Mark at hinintay ako. Ng mabili ko na lahat ay tinulungan niya ako ilagay sa likuran at nagsimula na siyang magdrive. "Kamusta school?" Tanong niya. "Okay lang naman. Maraming ginagawa as usual. Marami nga ring assignments eh." Sagot ko. "May projects ka ba?" Sagot niya. "Wala naman. Puro written output lang." Pagsisinungaling ko. Marami kong projects na kailangan iprint kaya magsstay muna ko sa taas. Masyadong mabait 'tong pinsan ko kasi tinutulungan niya pa si Kreisler sa mga projects. Hindi na ko umaasa na tulungan niya. In the first place kaya ko naman. Ng dumating kami sa bahay ay hinalikan ko lang sa noo si Nanay at nagmano kila Mommy bago ako umakyat sa taas. Ng makapagbihis ay nagsimula na ko sa mga kailangan kong iprint na projects. Di ko namalayan na nakatulugan ko na ang mga priniprint ko. "Akala ko ba walang projects? Eh ano 'to?" Nagising ako sa nagsesermong boses ni Kuya Mark. "Wala yan. Pinakisuyo lang sakin yan ng mga kaibigan ko." Pagsisinungaling ko. "Proyekto sa Filipino. Ipinasa ni: Emily Savvanah Howards." Basa niya dun sa ineedit ko sa laptop. "Wala nga yan Kuya. Bumaba ka na dun. Ako na bahala dito." Pagtataboy ko sa kanya. Tumalikod lang siya at bumaba na. Ako naman ay nagpatuloy sa ginagawa. Ng matapos ko ito ay kinompile ko na at nilagay sa bag para wala na akong makalimutan bukas. Bumaba na ako at kumuha ng dinner dahil past 7 pm na. Ng matapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto ni Nanay. "Ems matulog ka na. Kami nang bahala dito. May pasok ka pa bukas diba? Tsaka napagod ka sa projects mo." Utos ni Tita Mhel. "Sige po. Good night." Paalam ko sa kanila. Umakyat na ako sa taas at pagkahigang pagkahiga ko ay nakatulog na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top