CHAPTER 25: DRUNK CALL
Emily's POV
Mahimbing akong natutulog ng may pumitik sa noo ko. "Hoy! Gumising ka na! May pupuntahan tayo!" Ani ng bose ni Sandra. "Ehhhh!!" Sagot ko. "Bumangon ka naaaa!!! Lilibre ka pa naman namin." Sagot naman ng boses ni Andy. Agad naman akong napamulat sa sinabi niya. "Weh? Tologo? Eh kasing kunat pa kayo sa inunat eh!" Sagot ko. "Celebration mo kaya 'to." Sagot ni Sandra. Nakapagtataka. Bakit ako lang magcecelebrate. "Ha? Eh paano si Lean?" Tanong ko. Impossible namang ako lang ang magcelebrate. Bihira nangyayari ang ganoon. Sa family ko lang nangyayari yun. Hindi sa friends. Palagi kaming magkakasabay magkakaibigan kapag may milestone na naa-achive ang isa samin. Tsaka kumain na kami kahapon nung uwian. Street food nga lang. "Si Lean nagcecelebrate sa kanila ngayon. Tsaka nag iwan siya ng pera sa amin para ipanlibre sayo noh!" Sagot ni Sandra. "Oo nga. Pati si Ivan. Na dekwatan namin ng 1k kasi di makakarating dahil kailangan siya ng family niya." Sagot ni Andy. "Thanks to me! Ako ang may salarin kung bakit nakuhaan natin ng 1k si Ivan noh! Alam niyo namang makunat pa sa inunat yun." Sagot ni Sandra. "Magbihis ka na!" Ani Andy. "Oo na! Bumaba na kayo!" Sagot ko. "Sige. Intayin ka na lang namin sa baba." Sagot ni Andy. Ng lumabas sila ng kwarto ko ay nagmamadali akong nagbihis. Nakakahiya kasing paghintayin ko sila. Ginising pa nila ko. Ng bumaba ako ay busy si Sandra sa kakapindot ng cellphone habang si Andy naman ay may binabasang libro. Di niya maiwan yung libro na yun kahit saan siya magpunta. "Hoy! Kala ko ba gagala tayo? Bakit puro kayo cellphone diyan?" Tanong ko. "Eh ang bagal mo kaya." Sagot ni Sandra. "Oi! Three minutes lang ata ako naligo. Di pa ko nakapaghilod sa pagmamadali dahil nakakahiyang paghintayin kayo!" Sagot ko. "Tama na yan guys! Malelate pa tayo sa showing ng movie!" Ani ni Andy. Movie? Bakit naisipan nitong mga 'tong magmovie? Baka magselos naman sila. "Hoy! Anong movie movie? Baka magselos satin si Zoe at Lean! Pwede namang kumain na lang tayo somewhere tapos magkapitolyo. Ok na sakin yun!" Sagot ko. "Tangeks! Si Zoe nag ambag nito noh! Tas si Ivan sa pagkain. Si Lean sa pamasahe. Kami ni Andy as companion." Sagot ni Sandra. "HAHAHAHAHAHHA! Tara na nga!" Sagot ko. "Tita! Hiramin po muna namin si Ems! Padala niyo na lang po gamit niya sa dorm!" Paalam ni Andy. "Oo! Papadala ko na lang. Ingat kayo!" Sagot ni Mommy. "Salamat po Tita." Sagot ni Andy. "Bye po Tita!" Paalam ni Sandra. "Bye! Ingat kayo!" Sagot ni Mommy. Humalik muna ako sa kanya bago umalis. Ng makarating kami sa mall dumeretso agad kami sa sinehan dahil nakabili na pala ang mga buruha ng ticket. Nasa kalagitnaan ng movie ng biglang magpaalam si Andy. "Mag ccr lang ako. Samahan mo muna siya Sands." Paalam niya. "Sige sige." Sagot ni Sandra. May misteryosong ngiti sa labi nilang dalawa parang may plano.
Andy's POV
We planned a surprise party for Emily. Si Lean sabi niya sabay na daw sila mag celebrate ni Ems. Alam niyang mas kailangan ni Ems ng source of happiness dahil kilala namin siya deep inside malungkot pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Ken. Yung mga kaklase niya naman ay pilit pa ring pinapamukha sa kanya na si Ana ang pinili ni Ken. Well hindi pa naman sila kasal ng intrimitida na yun kaya may chance pa sila ni Ems. Pero I know deep inside Ken he's also broken. Sinamantala naming wala si Ems sa dorm para maplano namin ng mabuti yung surprise party. Just netflix and chill ang theme ng party. Ganun lang afford namin. Konting chips and drinks tsaka kaunting pasta lang. Ewan ko kung may cake na binili si Ivan. Tunog kasi ng tunog yung cellphone ko kaya lumabas na ko. Tumatawag pala si Lean. Tinawagan ko ulit siya. "Hello Ands. Kasama niyo na siya?" Bati niya. "Oo kasama na namin. Ano bang plano?" Tanong ko. "Pagdating niyo sa tapat ng dorm blindfoldan niyo na siya tapos magtago na kayo." Sagot niya. "Okay. Babalik na ko baka magtaka na yun." Sagot ko. "Okay. Bye!" Sagot niya. Binaba ko na ang tawag tsaka bumalik sa sinehan. Ng makabalik ako nagtatayuan na sila. I think the movie is done. "Oh anyare?" Tanong ko. Mukha kasing pinagbagsakan ng langit at lupa eh. "May nagpropose sa sinehan." Sagot ni Emily. "HAHAHAHHA. Edi nabitteran kayo?" Sagot ko. "Syempre! Single kaya ko!" Sagot ni Sandra. "Single daw pero yung chat nila ni Ivan kulang na lang mag iloveyouhan." Sagot ko. "Ay Sands lumelevel up kayo ni Yelo ah!" Sagot ni Ems. "Tara na! Magseset up pa tayo sa dorm." Aya ko. "Teka. Mag eExpressions lang ako. Bibili kong notebook at ballpen. Wala na ko para sa outline ko eh." Ani Ems. "Sige sige." Sagot namin. Bumaba na kami sa second floor dahil nandoon yung Expressions. Okay na yung dun kami sa Expressions pumunta dahil paniguradong tatawagin lang silang dalawa ng bookshelves ng mga wattpad books at di na makabili ng notebook at ballpen. Paniguradong kapag nag NBS pa kami eh baka hindi na kami makauwi ng maaga. Si Sandra at Ems na lang ang pumasok sa Expressions. Tunog nanaman ng tunog yung cellphone ko. Nakita kong si Yelo naman ang tumatawag. "Oh bakit?" Sagot ko. "Handa na lahat kayo na lang kulang." Sagot niya. "Sige. May binibili lang si Ems." Sagot ko. "Sige bye." Paalam niya. "Bye." Sagot ko. Binaba niya na ang tawag. "Tara na punta na tayo sa dorm. Nakaready na daw yung netflix and chill dun." Aya ko sa kanila. Lumabas na kasi sila Sandra sa Expressions pagkatapos ng call namin ni Lean. "Hayst. Mabuti. Nako! Nabitin ako sa palabas. Nagbayad lang pala tayo para masaksihan ang isang nakakadiring pangyayari." Reklamo ni Emily. "HAHAHAHAHA. Tara na nga." Aya ko. Naglakad na kami pababa ng mall. Ng malapit na kami sa dorm ay sinuotan ko na si Emily ng blindfold. "Hoy! Siraulo kayo! Pag nadapa ako! Yung precious skin ko!" Aniya ng mailagay ko na ang blindfold. "Chill nandito kami ni Sands di ka namin pababayaan." Sagot ko. "Netflix and chill lang naman eh bakit may pa blindfold?" Sagot niya. "Basta magugustuhan mo yun." Sagot ni Sandra. "Oo nga." Sang ayon ko sa sinabi ni Sandra. Bumaba na kami sa gate ng Franklin U. Inaalalayan namin siya dahil baka madapa nga naman ang babaitang ito. Binuksan ko ang dorm namin patay lahat ng ilaw. Iniwan namin siya sa gitna ng dilim. Pumwesto na ko at si Sandra naman ay sa may switch.
Emily's POV
Siraulo talaga yung mga kaibigan ko. Iniwan ako sa dilim. "Hoy! Humanda talaga kayo sakin!" Sigaw ko. Tinanggal ko yung blinfold ko. Kasabay nun ay bumukas ang ilaw at sumabog ang mga popper. "Congratulations Emily!!! We love youuuu!!!" Sigawan nila. Naiyak ako sa surprise nila. May pa cake pa si Mayor. "Ehhhh. Ano ba yannnn.. Pinapaiyak niyo naman ako eh!" Ani ko. Lumapit sila sakin at niyakap ako. "Deserve mo 'to Ems. Mas kailangan mo kami ngayon dahil alam naming nalulungkot ka kahit di mo sabihin. Kilala ka namin eh. Huhulaan ko nasa sampu na yung tula mo." Sagot ni Lean. "Thank you. Thank you. Wala na kong masabi. My life keeps going because of you guys. I love you. Mawala na si Ken wag lang kayo. Kasi alam ko na kapag iniwan ako ng mundo kayo ang unang una kong malalapitan." Sagot ko. "Hindi ka namin iiwan Ems!" Sagot nila. Huhuhu. Natouch naman ako sa mga ginawa nila. Sobrang effort. Sobra nila kong napasaya. "Kainan na!!!" Sigaw ni Ivan. Jusko patay gutom talaga. "Hayst. Umiral nanaman ang pagkapatay gutom ng Yelo naming kaibigan. Alam ko namang ikaw ang bumili ng mga pagkain." Sagot ko. "Siya sa pagkain kami sa cake at decors." Sabat ni Zoe. "HAHAHAHAHAHA. Sino ba nakaisip nito?" Tanong ko. "Kami syempre." Sagot ni Lean. "Ako lang sinurprise niyo bakit di niyo naisip si Lean?" Tanong ko sa kanila. "Eh kasi sabi ko sa kanila ok na ko basta happy ka." Sagot niya. "Yieee. Sweet mo naman." Sagot ko. "HAHAHAHAH. Wala yun. Kayo lang kasi yung mga kaibigan na nagstay sa akin sa kabila ng issues ko." Sagot niya. "Tama na drama. Kainan na!!" Sigaw ni Zoe. Kaya nagsilapit na kami sa dining table. Kumuha lang ako ng pasta tsaka ginger bread tapos coke. "Para masaya sagot ko na ice cream!!!" Sigaw ko habang abala sila sa pagkuha ng pagkain. "Sigeee!! Samahan na kita bumili." Ani Sandra. "Sige sige mamaya." Sagot ko. Umupo na ko sa may sofa. Ni ready na talaga nila yung sala namin as a netflix and chill vibe. May lights lights pang nalalaman. Sobrang effort talaga. Kumakain ako ng pasta ng tumabi sa akin si Lean. "Kamusta?" Tanong niya. Agad na bumalatay ang pagtataka sa mukha ko. Bakit niya ko tatanungin ng kamusta eh alam niya namang okay naman ako. "Okay naman." Sagot ko. "Sure? Eh yung mata mo malungkot pa rin." Sagot niya. "Wala. Hindi na 'to dahil kay Ken. May iba pa kong problema." Sagot ko. "Mind telling us?" Tanong niya. "Hindi na. Kaya ko na 'to. Salamat." Sagot ko. Marami akong problema pero di ko na lang sinasabi sa kanila. Ayoko na makabigat pa sa mga pasanin nila. Ng matapos kumain ay inaya ko na si Lean na bumili ng ice cream. Nasa convinence store kami ng masalubong namin ang grupo nila Ana. "I heard Ken's at Tagaytay." Ani nung isang babae. "Ah yes. Tita and Tito are heading there to celebrate Ken's achievement. "I heard he's running for honors." Ani naman nung iss pa nilang kasama. "Ah yes. He's like me. Siguro nga kaya naging running for honors siya dahil sakin eh. We're study buddies." Sagot ni Ana. Di ko na pinakinggan pa ang sumunod na usapan at lumabas na. "Study budies, study budies pa siyang nalalaman eh balita ko kila Andy palaging lutang kapag klase. Nagugulat na nga lang daw sila kasi nakakapasa. Tulog pa nga daw ng tulog eh." Ani Lean ng makalabas kami ng convinience store. "I don't care anymore. Ngayon lang niya nalaman na running for honors si Ken eh ako pagkasabi na pagkasabi ata nung teacher sa kanya chinat na agad ako." Sagot ko kay Lean. "Weh? Nag uusap pa kayo?" Tanong niya. "Hindi na ah! Seen mode lang siya sa akin." Sagot ko. "Ah okay." Sagot niya pero kaakibat nito ang misteryosong ngiti. "What's with that smile?" Tanong ko. "Wala. Akala ko nag uusap pa rin kayo." Sagot niya. "I never lied to you guys! Bakit ko naman itatago sa inyo yun?" Sagot ko. "Wala. Baka may dirty little secret ka na diyan ah!" Sagot niya. "Ay nako ewan ko sayo." Sagot ko. Umuna na akong maglakad sa kanya dahil hussein nanaman ako nun.
Ken's POV
Kaninang umaga ko lang nalaman na nalaman na ng mga kapatid ko na running for honors ako. Bago pala sabihin sa akin na running for honors ako kinausap muna si Kuya Kenneth para malaman kung anong problems ko. Wala ding naisagot ang tukmol kong kuya. Itetreat daw nila ko sa sea side bar dito sa Tagaytay kaya masaya ko. Inuman nanaman. Kailangan na kailangan ko 'to ngayon kaya bahala na yung mga ate at kuya ko na mag uwi sa akin kapag wasted na ako. Sila nagsabi na I should relax. Edi iinom ako ng marami. Tutal yun na lang naman ang magiging escape ko para di na ko mag isip pa about kay Emily. The party will start at 10 pm. May family dinner kasi kami. Guess what? Kasama nanaman si Ana. Syempre kailan pa ba yun nawala. Hayst. Another pakikipagplastican nanaman. Paniguradong pakikialaman nanaman ako nito. "Ken! I have a good news for youu." Tawag ni Ate sa atensyon ko. "What Ate?" Tanong ko. "Hindi kasama ang bruhilda mong fiancè." Sagot niya. "Weh? Di nga? Iniwan siya ni Mama sa Bulacan?" Tanong ko. "Oo. Nagtext na sa akin si Mama." Sagot niya. "Bakit daw di makakarating?" Tanong ko. Syempre di naman yun aabsent sa mga ganitong event kung walang dahilan diba? "Gusto ka daw bigyan ni Ana ng 'Me' time. Kasi daw study budies naman daw kayo." Sagot niya. "The fuck? Study buddies? Naniwala naman kayo? Ate sa library ako palagi. Never pang tumapak ni dulo ng daliri niya dun!" Sagot ko. "Tsaka paano kami magiging study buddies kung palagi akong tulog sa klase." Sagot ko. "Chill. Oo na. Hindi na kayo study buddies ni Ana." Sagot niya. "Ay nako Ate. Bahala ka na nga diyan. Dun na ko sa taas." Sagot ko. Bahala na siya dun ayoko makipag deal sa pang aasar ngayon nila Kuya Kenneth. Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga na. Nagcheck ako ng social media ko. Agad na nakatawag pansin sa akin ang post ni Emily.
Emily Savvanah Howards
Thank you for the surprise guys.
Wow. May pasurprise pala ang seeners. Sana all may surprise. Yung mga walang kwenta kong kapatid eh wala man lang ka effort effort. Pero okay lang. Love ko naman sila. Kahit mga walang kwenta. Lagi na lang ang pang surprise sa akin yung presence ni Ana. Naglaro na lang ako ng COD. Wala akong kaduo ngayon dahil wala si Sandra. Busy panigurado sa celebration nila. Ng gumabi na ay nagready na ako sa family dinner namin ng 8 pm. My acting session starts later. 7 pm ng umalis kami nila Kuya Kenneth sa bahay dahil malayo ang restaurant na nireserve nila. They only came here to eat dinner. Pagkatapos nila magdinner uuwi din sila dahil may aasikasuhin pa daw sila sa kompanya. Hindi naman sila ganun kay Ate. I remember the time she graduated the med school. Nagpaparty sila. Pero nung grumaduate ako ng elem nagpaparty sila para lang iannounce yung sa amin ni Ana. Napapabuntong hininga na lang ako kapag naalala ko yun. Yung pagiging running for honors ko di naman para sa kanila yun eh. Para kay Emily yun. Dahil kay Ems nagbago pananaw ko sa pag aaral. Formal dinner ang dadaluhan namin mabuti na lang nagpadala sila ng mga isusuot namin. Umupo na ako sa table kung nasaan sila Mama at Papa. Katabi ko si Ate at kaharap naman namin si Kuya Kenneth. "Ken I heard from your siblings that your running for honors." Panimula ni Papa. "Opo." Sagot ko. "I heard from Ana that your study buddies. Tinutulungan ka daw niya sa mga assignments and projects." Sagot naman ni Mama. "Ah No Ma. I prefer to study alone." Sagot ko. "But you do help her?" Tanong niya. "Yes Ma. I do help her at the activites she's in trouble." Sagot ko. Kaya lumala na din yung rumors about sa amin dahil sa pagtulong ko sa kanya. Kahit madali naman yung activity nagpapatulong pa din siya. Di na lang ako tumatanggi dahil baka isumbong na hindi naman ako nag aaral mabuti. Dinadaan ko lang sa advance lessons yung pagiging running for honors ko. Nagpatuloy kami sa pagkain. Nag uusap si Kuya Kenneth at Papa about sa business at si Ate Kass at Mama naman about sa trabaho niya. Tahimik na lang akong kumain dito at inantay na mataposbrin silang kumain. Habang nag uusap sila ay nage ml ako. Sinilent ko na lang para di nakakaabala. "See you soon mga anak. Enjoy your party Ken." Paalam ni Mama. "Okay po. Thank you sa dinner." Sagot ko. "See you soon Ken. Enjoy your party." Paalam naman ni Papa. "See you soon Pa. Thank you po." Sagot ko. "No problem. Mauna na kami at may aayusin pa kami sa site bukas." Sagot niya. "Sige po. Bye po." Sagot ko. Nag bro hug lang kami at sila ni Kuya Kenneth. Hinalikan naman niya sa noo si Ate Kass. Nag afk na yung game ko kasi biglaan namang nagpaalam si Mama. Nauna na silang lumabas ng restaurant sumunod na lang kami. Sumakay na kami sa kotse. "Hayst. Salamat party na mamaya hoooo!!!" Masayang ani ko. "Di ka excited sa lagay na yan." Sagot ni Ate. "Hayaan mo na siyaAte Kass. Iuwi na lang natin. Madaming pinagdadaanan yang si Bunso." Sagot ni Kuya Kenneth. "Kuya naman! Si Kyle ang bunso di ako!" Sagot ko. "Ikaw ang bunso sa mata namin." Sabay na sagot ni Ate Kass at Kuya Kenneth. "Paandarin mo na Kuya Kenneth. Iidlip muna ko." Sagot ko kay Kuya Kenneth. Inistart niya na yung kotse at pinandar na papunta sa bahay. Ng makauwi kami ay namahinga muna kami sandali bago magbihis papuntang sea side bar. Sabi nila Ate at Kuya maganda daw dun. Nagparty na din daw sila dito kasama yung friends nila. Nakaidlip pa ko ng mga 30 minutes. Naligo ako at nagbihis. Ang sinuot ko ay ripped jeans at long sleeves. Wala naman akong damit na di long sleeves. May sugat kasi ko sa pulso. Nagstart lang ako nun nung nalaman ni Ems yung engagement namin ni Ana. Siguradony bubulyawan ako ni Ate pag nakita niya ito kaya palagi akong naglolong sleeves. Kabagal magbihis ng mga kapatid ko kala mo namang formal party yung pupuntahan. Bar lang ewan ko ba kung bakit kay tatagal magbihis. May popormahan ats si Kuya Kenneth tapos si Ate may pinagpapagandahan? Di ko alam. Secretive ang mga yun pagdating sa love life pag broken lang tsaka sumasabog yung mga hinanakit. Kesyo mahal naman daw nila pero iniwanan naman sila. Kesyo binigay na daw nila lahat di pa rin sapat. Hayst rantsing bag nila ko. Pero pag may mga bago na mga parang walang nangyari. Mga kala mong di umiyak. Si Kuya Kenneth di niya ugali magpaiyak siya ang napapaiyak ng mga babae. Si Ate Kass naman suki ng mga babaero. Kaya nagabago na ako nung nakilala ko si Emily eh. I knew her family background. Kaya siya lumaki sa broken family dahil yung daddy niya nangaliwa sa mommy niya. Mas pinili pa nung daddy niya yung kabit niya kesa sa anak at asawa niya. Siguro kaya malalim ang pinaghuhugutan niya sa mga tula niya dahil din sa experiences niya. Nakakababa na silang dalawa. Parehong naghanda. "Ano meron? Bakit bihis na bihis kayo?" Tanong ko. "Wala trip lang namin magbihis." Sagot ni Kuya Kenneth. "Anong trip? Mukhang may pinopormahan kayo eh." Sagot ko. "Wala. Chill." Sagot ni Ate. "Nako Ate. Baka maloko ka nanaman ng mga lalaki sa bar." Sagot ko. "Hayst Ken. Isang taong kalayaan na lang. Papaliparin na ko nila Mama sa US para pakasalan yung damuhong kuya ni Ana." Sagot niya. "Isang taon?! Nasisiraan na ba sila? Isang taong kalayaan? Ako kaya ilang taon?" Sagot ko. "Hmm i don't know. Kailangan mo na maligawan si Emily para matapos na yung pamimilit nila sayong ipakasal si Ana." Sagot niya. "Ako meron na. Taga kabilang company. Maganda naman pero mas maganda pa rin yung ex ko." Sagot ni Kuya Kenneth. "Hayst. Ako di na nga maganda ugali di pa maganda mukha. Nasigawa kaya ako ni Sandra kasi paulit ulit na pinagtitripan ni Ana si Emily. Kaya ang nangyari si Emily palagi nang naka headset tuwing nakikkta ko siya. Baka nga nabingi na eh." Sagot ko. "Okay lang yan Ken. Hayst sana lang manalo ka sa laban mo kila Mama." Sagot ni Kuya. "Tama na yan! Tara na!" Aya ni Ate. Naglakad na kami palabas ng bahay at sumakay na sa kotse ni Kuya Kenneth. Hindi muna namin ginamit yung kay Ate kasi gagamitin pa namin yun pauwi. Mas maraming gasolina ang kay Kuya Kenneth kesa kay ate Kass. Nagdrive na siya papunta sa sea side bar. Ng pumasok kami napakarami nang tao. Marami na ring tipsy na babae. Agad na pumunta si Ate sa bartender para umorder ng drinks. Sumunod na rin ako sa kanya. Umorder si ate ng tequila at ako naman ay Jack Daniels. "One Jack Daniels." Ani ko sa bar tender. "Coming Sir." Sagot niya. Napansin kong sunod-sunod ang inom ni Ate ng tequila. Masyado atang nagdadamdam sa break up niya. Tanga naman kasi yung boyfriend niya eh. Pag pinangalanan niya yun ako mismo sasapak dun. "Here's your order Sir." Ani ng bar tender. "Thank you." Sagot ko. Bumalik na siya sa pwesto niya at ako naman ay nagsimula nabg uminom. Tumabi na sakin si Kuya Kenneth. "Kuya wag ka magpakalasing ngayong walang maghahatid sa amin." Bilin ko kay Kuya. "Oo hindi. Ako na magdadrive mamaya." Sagot niya. Habang lumalalim ang gabi dumadami na rin ang naiinom ko. Natitipsy na rin ako. "Another bottle of Jack Daniel please." Ani ko sa bar tender. "Coming!" Sagot nung bar tender. "Ken. Tama na uwi na tayo." Aya ni Ate. "Wait Ate. Uubusin ko lang 'to promise last na." Sagot ko. "Okay." Parang may pag aalinlangan pang sagot ni Ate. Ng dumating ang bote di ko na sinalin pa sa shot glass. Deretso ko nang ininom sa bote.
Emily's POV
Marami na rin kaming napanuod na movies. Ngayon k drama na pinapanuod namin. Walang interes si Andy sa k drama kaya umakyat na siya sa kwarto niya. Magdrodrawing ata. Naubos na rin namin yung mga ice cream. Bumili pa si Ivan ng chips namin dahil malakas ang trip gusto ata tapusin yung isang buong k drama ngayong gabi. 11:30 pm na nanunuod pa rin kami. Kami na lang nila Sandra, Lean at Zoe ang nanunood. "CR lang ako." Paalam ko. Tatayo na sana ko ng magring ang cellphone ko. Dis oras na ng gabi sino kaya ang tumatawag? Ng tingnan ko ang caller's id si Ken. Ano kaya kailangan nito? Sinagot ko na lang. "Hello Ken. Ano kailangan mo? Gabi na ah." Bati ko. "I miss you." Sagot niya. "Ha? Anong I miss you? Lasing ka ba?" Tanong ko. Dahil ang ingay ng background niya at boses nakainom. "Nag aalala ka ba?" Sagot niya. "Sino ba kasama mo? Nasaan yung fiancè mo at bakit ka hinayaan uminom?" Sagot ko. "Wala. Mga kapatid ko kasama ko." Sagot niya. Edi si Kuya Kenneth at yung Ate nila ang kasama niya. Bakit wasted ang tukmol na 'to? "Ems sorry kasi di ko sinabing engage na ko. Sorry kung nadiscriminate ka dahil sa akin. Pasensya na sa mga gulong pinasok ko sa buhay mo. Sorry kung pinagulo ko pa lalo yung buhay mo. Alam kong marami ka nang bitbit dinagdagan ko pa. Sorry talaga. Nahihirapan din ako. Hirap na hirap na ko Ems. Gusto ko na bumigay gustong gusto ko na maglaho sa mundo pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na 'inantay pa ko ni Ems. Kailangan ko pa lumaban.' Kaso Ems malapit na ko bumigay. Please do know that I love you. I really do love you. I'll do whatever it takes to be with you. Please talk to me now." Sagot niya. "Ken lasing ka lang. Magpauwi ka na sa mga kapatid mo. Baka mapaano ka pa sa daan. Bye. Ingat sa pag uwi." Paalam ko at ibinaba ang tawag. Sunod ko namang tinawagan si Kuya Kenneth. "Hello? Kuya Kenneth." Bati ko. "He-hello Ems. Bakit?" Sagot niya. "Uwi mo na po yung kapatid mo. Kung ano ano na sinasabi. Tumawag sakin kanina. Nasaan po ba kayo?" Tanong ko. "Nasa Tagaytay kami. Sa sea side bar. Celebration kasi ni Ken kasi running for honors siya. Teka ano ba yung problema niyo't nagkaganun si Ken?" Sagot niya. "Nagulat po kasi kaming lahat sa engagement niya. We're cooling down pa kuya kaya di na muna namin siya kinakausap. Nashock din po ako. Tsaka sumusobra na rin po yung fiancè niya." Sagot ko. "Sige. Salamat." Sagot niya. "Umuwi na po kayo ni Ken at baka mapaano pa kayo. Good night po. Sorry sa abala." Sagot ko. "Sige salamat. Bye." Sagot niya tsaka ibinaba ang tawag. Ng malingunan ko ang mga kaibigan ko nakasilent na yung tv. Feeling ko narinig nila yung mga sinabi ni Ken. "Ano?" Sagot ko. "Wala." Sagot nila. "Drunk call yun wag kayo magbigay ng malisya." Sagot ko. "Okay. Sabi mo eh." Sagot ni Sandra. "Hay nako. Tulungan niyona nga lang ako na magligpit dito at ng makahiga tayo ng maayos at walang langgam." Sagot ko. Tinulungan nila ko maglinis ng mga kalat namin. Pinatay na rin ni Zoe yung tv. Napakaraming hugasin. Susko po. Bukas na nga lang mag urong. Nag cr na ko. Nagtooth brush na rin ako. Ng makalabas ako sa cr ay tapos na silang magligpit. Nahiga na ko sa tabi ni Lean. Iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Ken kanina. Tunay ba talaga yun o sadyang lasing lang siya. Sabi nila mas nakakapag express ng tunay na nararamdaman ang taong lasing. Sa kakaisip ng mga sinabi niya ay nakatulog na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top