CHAPTER 24: SILENTLY HURTING

Ken's POV
Matapos namin mag usap ni Emily nung araw na yun ay hindi ko na ulit siya nakita. Naging distant din sila Andy sa akin. Binigay lang sakin ni Andy yung notebook tapos iniwan na ako. Hindi lang si Emily yung nawala sakin dahil sa engagement na 'to. Nawalan din ako ng tunay na tropa. Wala na yung mga taong nandiyan kapag kailangan ko ng comfort. Nawala yung pahinga ko. Nawala yung nagbigay ng ilaw sa mundo ko. Yung mga tropa ko ngayon alam kong dumidikit lang 'to sakin for fame. Its so tiring to be with this fake people. Si Emily at ang mga kaibigan niya lang ang tinaggap ako ng totoo. At ngayon wala na sila sakin. Pakiramdam ko useless akong tao kasi wala na sila. Nalulungkot ako kasi wala na yung Emily na nandiyan sa tabi ko everytime I need comfort. Its already 2 am but I can't sleep. Iniisip ko pa rin si Ems. Nagka anemia siya dahil sa akin. Gusto kong piliin siya kaso kung pipiliin ko siya itatakwil naman ako ng mga magulang ko. Putang inang kompanya kasi yan eh! Kung wala yang kompanya na yan ede sana malaya kong minamahal si Emily. Bumaba ako ng kwarto ko at kinuha yung susi ng sasakyan ko. Minaniobra ko ito palabas ng gate namin. Pumunta ko ng convenient store sa labas ng village namin. Bumili ko ng maraming ice cream. Ice cream ang comfort food ko. Ewan ko kung bakit naging cofort food ko yun pero parang dun ko nacocoomfort yung sarili ko. Wala namang ibang magcocomfort sa akin kundi ang sarili ko. Grade six lang kami nung sinabi sa amin ng mga magulang namin na ikakasal kami ni Ana kapag 19 na siya.Parehas kaming late sa school dahil sa business ng mga magulang namin. Ng makadating ako sa bahay ay binalik ko sa maayos na pagkakaparada ang kotse ko. Pagpasok ko nagulat ako dahil nasa sala si Mama. "San ka galing?" Tanong niya. "D'yan lang po sa convinience store." Sagot ko. "Ano ginawa mo dun?" Tanong niya. "Bumili lang po ng midnight snack." Sagot ko. "Ah matulog ka na pagkakain mo niyan dahil may pasok pa bukas." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Pumunta muna akong kusina para kumuha ng kutsara at tubig. Kinuha ko sa ref yung water jug ko at umakyat na sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at binuksan yuunng isang pine ng ice cream. Cookies and cream ang gusto kong flavor parang si Ems. "Bakit ganun? Gusto ko lang naman magmahal ah.Hindi naman ito nobility pero bakit bawal pumili ng babaeng mamahalin?" Salita ko sa hangin. Mabuti na lang sound proof 'tong kwarto ko kundi pinagtawanan na ako nila Ate. "Siguro nga tama siya. Hindi kami para sa isa't isa. Napapagod na ako ng ganito. Alam ko namang maloko ko pero si Emily ang nagturo sakin kung paano magig matino. Simula ng makilala ko siya naging maayos na ako." Salita ko sa hangin. Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala. Nahihiya pa siya n'on kasi transferee daw ako.  Tapos yun na. May tinatago pala siyang pagtingin sa akin. Plano ko na siyang ligawan that time kaso tinamaan ako ng katorpehan. Nagka lakas ng loob lang akong magtapat sa kanya nung umaligid na si Ivan sa kanya. Natakoy akong  maunahan niya kaya umamin na ako. Hindi ko  pa man din siya  natatanong officially pumutok na yung issue about sa engagement namin ni Ana. Inanounce kasi nila Mama sa ball yung engagement namin. Low profile lang kami ni Kuya Kenneth kaya paniguradong nagulat din yung mga kaklase namin. Si Ana hindi low profile yun kaya kalat na kalat na mayaman siya. Pagkatapos ng ball that night na pumutok yung issue nagpunta  kami sa park ni Ana. Yung park na malapit sa Franklin U. Di ko  inaasahan na nandoon din pala si Emily. Napatawa lang naman ako sa joke niya  para di siya mapahiya sa mga tao  eh. Kaya nattawa na lang ako at ngumiti. Alam kong nagseselos si Emily dahil nakita kong nakamssid siya sa pwesto namin. Ng maubos ko ang ice cream ay  uminom ako ng dalawang basong tubig at nagtooth brush na. Almost 3 am na ako nakatulog. Siguradong mukhang sabog  nanaman ako bukas. Mukhang nakahithit nanaman. Nagising ako sa alarm ng phone ko. Hayst. Panibagong araw panibagong pagpapanggap nanamang okay ako. Sa room na nga lang ako natutulog eh. Ng bumaba ako ay ready na ang breakfast. "Good morning po." Bati ko. "Ken. Wala ka nanamang tulog. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Papa. "Wala po. May iniisip lang ako." Sagot ko. "Ayusin mo sarili mo. Dadating si Ana at ang Tita Annalin mo. Gusto ko matino itsura mo." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Bumalik ako sa taas para mag gel ng buhok at maglagay ng concealer para hinddi mahalata yung eyebags ko. Si Ate nagturo sakin na maglagay ng concealer kapag puyat. Bumaba na ulit ako baka kasi nandiyan na sila Ana. Mukha tuloy akong bakla. Nilagay ko na lang yung salamin ko para di mahalata yung concealer na nilagay ko. "Good morning po ulit." Masiglang bati ko kahit ayoko namang bumati ng masigla. "Good morning Ken. Inaya ako dito ng aking lovely daughter dahil gusto kaniya daw makasabay mag breakfast. Kapit-bahay niyo lang naman kami kaya pumayag na ako." Bati ni Tita Annalin. "Ah. Sabay ko na rin po si Ana papasok." Sagot ko. Inunahan ko na sila dahil alam kong yun na yung kasunod nilang sasabihin. Umupo na ako sa tabi ni Ate. Nginitian ko na lang siya dahil kita rin sa mga mata niya ang pag aalala. Sumandok na ko ng pagkain ko at tahimik na kumain. "Ken, what strand are you going to take in senior highschool?" Tanong ni Mama. "STEM po. Para po makatulong sa firm. Engineering naman po ang itetake ko sa college." Sagot ko. "Oh we're the same." Sagot ni Ana. Tumango na lang ako at nagtuloy na sa pagkain. "Thank you for joining breakfast with us Annalin. See you at the office." Paalam ni Papa sa kanila. Lumabas na ako ng sala para makuha ko na yung kotse ko. Nahirapan ako sa paglabas ng kotse sa garahe dahil nakaharang yuung kotse ni Kuya Kenneth. "Kuya! Yung kotse mo!" Tawag ko sa kanya dahil nakikipagtsismisan pa kay Ate sa tapat ng main door. Siguro may nililigawan nanaman 'to. Napakiusapan nanaman niya siguro yung fiancee niya. Malakas din kasi tama nun kay Kuya Kenneth kaya pinagbibigyan siya. Hindi rin territorial kaya malaya siya. Sabi niya handa na daw siya pero alam ko deep inside gusto niya din makawala sa engagement na yun. Alam kong may hinihintay siyang babae na pwedeng magpalaya sa kanya sa engagement na yun. Inusad ni Kuya yung kotse niya at linabas ko na ang kotse ko. Bumalik ako sa loob para alalayan si Ana. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang siya na mag isa sumakay sa kotse dahil baka mapagalitan nanaman ako ni Mama. Kay aga-aga masesermonan ako. Tapos na ko makinig sa mga sermon niya. Binitbit ko ang bag ni Ana at hinawakan ang kamay niya para makita ng mga magulang namin na gentle man ako sa kanya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at ng makapasok siya ay sinarado ko na ito at umikot sa driver's seat. Nang makaupo ako ay binigyan agad ako ni Ana ng questioning look. "Thats for show." Sagot ko na para bang alam ko na ang sasabihin niya. "Oh I thought you already fallen for me." Sagot niya. "Emily owns my heart. Why would I fall for you?" Tanong ko sa kanya. "Maybe nauntog ka na at naramdaman mong ako talaga mahal mo." Sagot niya. Tahimik na lang akong nagdrive papunta sa school. Buong biyahe papunta sa school ay tahimik lang kami at walang nagsalita ni isa sa amin. Ng makaratig nman sa school ay pinagbuksan ko rin siya ng pinto at dinala ang mga gamit. Sa kasamaang palad nakasalubong ko si Emily papasok sa gate. Ngumiti lang siya ng pagkatamis-tamis sa amin pero alam kong peke lang ito. Kilalang-kilala ko si Ems kaya alam kong peke lang ito. Lahat maloloko niya sa ngiti niya pero hindi ako. Hinatid ko si Ana sa room nila. "Ayieeeeeeeee!" Sigawan ng mga kaklase niya. Nginitian ko lang sila na parang nahihiya. Ng pumasok naman ako sa room namin ay nawala lahat ng emosyon ko. Umupo na ako sa tabi ni Sandra. Malamig din treatment sa akin ni Sandra. Ginawa ko na ang dati kong gawain. Ang dumukdok sa desk ko at matulog. Marunong naman ako magself thought kaya di ako mahihirapang makasabay sa kanila. Kapag ginigising ako sisinghalan ko lang sila at aalis na.


Emily's POV

Kasalukuyang nagdidiscuss si Sir Airone ng may kumatok. "Good morning Sir. May I excuse Emily?" Tanong ni Ella. Kaklase nila Andy. "Bakit?" Tanong ni Sir. Ako? Eexcuse? Talaga ba? Hindi naman ako inexcuse kung hindi sila Andy eh. "Tawag po siya ni Ma'am Rose." Sagot niya. Bakit naman ako tatawagin ni Ma'am Rose kumpleto naman ako sa requirements niya. "Emily daw." Ani Sir. Tumayo na ako at lumapit kay Ella. "Bakit?" Tanong ko. "Ayaw gumising ni Ken. Hindi kami makapag simula ng quiz." Sagot niya. "Ha? Bakit? Bakit kailangang ako pa? Pwede namang kayo na lang." Sagot ko. "Sinisinghalan niya lang kami." Sagot niya. "Eh si Ana?" Sagot ko. "Sininghalan niya lang din." Sagot niya. "Ok sige. Ngayon lang 'to ah." Sagot ko. "Oo. Sorry sa abala." Sagot niya. Lumakad na kami papunta sa room nila. "Good morning Ma'am. Sorry to disturb your class." Bati ko bago tuluyang pumasok ng room nila. Nakita ko ang nag aalalang mga tingin nila Sandra. Tinanguan ko na lang sila. Kinalabit ko si Ken. Ayaw kumilos. "Ken." Malamig kong tawag. Tinapik ko na yuung likod niya pero ayaw pa rin gumising. "Ken!" Sigaw ko. Napabalikwas siya. "Ems! Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya. "Sa susunod na magpupuyat ka panindigan mo ah! Hindi yung dito ka sa school matutulog. Wala ka sa hotel aber. Nakakaabala ka po ng klase. Math class ko ngayon pero heto ko ginigising ka. Sa susunod na magpuyat ka wag ka na lang pumasok!" Sermon ko. He looked stunned about what I said. Maging ang mga kaklase niya ay nagulat sa inasta ko. "Thank you Emily." Ani Ma'am. "Ah Ma'am sa susunod po yung fiancee niya po yung tawagin niyo para di na po ko naiistorbo. Running for honors po kasi ako. Alam niyo naman po yun and baka po magalit sa akin yung fiancee niya." Paalam ko. "Oh sorry. Sige balik ka na sa klase mo." Sagot niya Hindi ko na nilingon sila Andy at lumabas na ng room nila. Alam kong gulat sila Andy sa nalaman nila dahil si Mommy pa lang naman ang nasabihan ko about this. Panigurado iinterviuhin ako nila Andy mamaya. Tama nga naman ako. Hindi ito hotel para tulugan niya. Naabala ko nakakainis. Kapag ako talaga bumagsak sa math yari talaga 'to sakin. Pupuyat-puyat tapos dito sa school matutulog parang tanga. Ng makabalik ako sa classroom ay nagsisimula na kaming magquiz. Hay sana masagot ko yung quiz ng tama. Yung iba naman kasi di ko inabutan. Bwisit naman kasi si Ken eh! Ng bumalik ako may mapanuring mata na si Lean at Ivan. "Oh anong nangyari sa kabila?" Tanong ni Lean. Magkatabi kasi kami. Si Ivan lang ang nalayo samin. "Naging alarm clock lang naman ako ni Ken." Sagot ko na naiinis. "Ah. Good luck sa atin mamaya." Sagot niya. Bumaling na kami sa mga intermidiate pad namin at nagquiz na lang.


Ken's POV

Nagulat ako sa presensya ni Emily. Kala ko hallucination lang siya pero sinigawan na ako eh. Galit na galit siya sakin kasi naabala ko yung math class niya. Nagulat din ako na running for honors siya. I'm so proud of her. Hindi ko man sabihin sa kanya proud na proud pa rin ako sa kanya. Lalo na yung book niya. Nag five thousand reads na daw sabi ni Kuya Kenneth dahil yun daw yung usap-usapan ng grade 10 readers niya na kakilala ni Kuya Kenneth. Nag quiz na lang ako kay Ma'am Rose. Sa susunod nga sa library na ako pupunta para walang disturbance. Nakakainis. Ng magrecess syempre kailagan kong sunduin sa room nila si Ana. Pa special yung tao na yun. Isa pa yung nakakapang badtrip ng araw eh. Bagal-bagal pa kumilos. "Ana! Bilisan mo! Nagugutom na ako!!" Tawag ko sa atensyon niya dahil nakikipag usap pa siya sa mga kaibigan niyang plastic din naman. Lumakad na siya ng mabilis palabas ng room nila. Bumaba na kami at pumunta sa canteen. Malapit sa table nila Emily ang pinili niya. Nang iinis talaga. Masigla yung mga kilos niya pero nakikita ko sa mga mata niyang may kulang. Alam kong ako yun. Gustuhin ko mang pumunta sa kanya at sabihing 'wag ka na malungkot nandito ako.' Di ko magagawa kasi isusumbong ako ni Ana. Nasasakal na ko sa pagiging territorial niya. Nakakasawa din. Pasta lang ang inorder ko dahil wala akong ganang kumain. Nagsasalita si Ana pero di ko pinapakinggan. Wala ako sa mood makinig sa rants niya. Tatawagan ko na lang si Ate at aayain sa Tagaytay dahil sabado naman bukas. May bahay kami sa Tagaytay na nasa taas ng bundok at kita ang buong city. After recess syempre hinatid ko nanaman si Ana sa room nila. Mamaya na lang ako tatawag kay Ate kapag naihatid ko na si Ana. Paniguradong sasama nanaman yun pag nagkataon. Yung next teacher namin ay may questioning look sa akin siguro dahil sa gulat na hindi ako tulog sa klase niya. Kinuha ko yung notebook ko at nagsulat ng mga sinusulat niya sa board. Pumunta sa room yung adviser namin. "Ken, lets talk." Tawag sakin ng adviser ko. Tumayo na ako at lumabas ng room. "Bakit po?" Tanong ko. "Ken, fix your performances you are running for honors. Ayusin mo na yung performance mo dahil malapit na magcompute ng grades. Wag ka nang tutulog-tulog sa klase." Sagot niya. "Ok po." Sagot ko. Masaya ko na running for honors ako pero may kulang pa rin sa akin. Si Emily. Nalulungkot ako kasi ala na yung taong inspiration ko kung bakit ako nag aaral ng mabuti. Sigurado namang sasabihin ni Mama kila Tita Annalin na si Ana yung insipiration ko. Hindi na lang ako magsasabi kila Mama dahil baka mamaya ipanews pa nila. Hanggang sa maguwian na. Minesage ko si Emily.

Me:

Running for honors din ako Prinsesa ko! I miss you!

As usual seen mode lang siya. Araw-araw kaya ko may good morning message sa kanya. Seen mode lang siya. Tinawagan ko si Ate. Dalawang ring lang at sinagot niya na yung tawag. "Helo Ate?" Bati ko. "Oh bakit? May kailangan ka?" Tanong niya. "Tagaytay tayo ngayon." Sagot ko. "Ngayon? 2 hours biyahe! Ano naman gagawin mo dun?" Tanong niya. "Alam mo na yun Ate. First one hour ako mag dadrive tapos last one hour ikaw na." Sagot ko. "Ok sige. Sunduin mo ko dito sa hospital. Di ako masusundo ni Kenneth kasi may date daw siya. Wala kong dalang kotse eh." Sagot niya. "Okay. Kasama ko nga lang si Ana dahil alam mo namang gusto ni Mama ng kasama ko palagii siya para kung sakaling may umaligid na media makita kaming magkasama." Sagot ko. "Okay lang basta ako sa front seat." Sagot niya. "HAAHAHHA. Sige. Papaupuin ko na lang sa backseat si Ana." Sagot ko. "Bye! Ingat sa pagdadrive." Paalam niya. "Geh bye!" Sagot ko. Lumabas na ako ng classroom namin at pumunta sa room nila Ana. "Samahan mo muna ako sa locker room." Aniya ng makarating ako sa tapat ng room nila. "Eh! Bakit ngayon ka pa maglalagay sa locker inaantay ako ni Ate."Sagot ko. "Ah ok. Dalin ko na lang 'tong tatlong notebook ko." Sagot niya. Jusko tatlong notebook lang naman bigat na bigat na siya. "Tara na." Aya ko sa kanya. Lumabas na kami ng room nila. Sakto namanng palabas namin ay kasalubong namin si Emily. Nag iisa lang siya. Biglang hinawakan ni Ana yung kamay ko. Mabilis na naglakad si Emily palayo sa amin. Binitawan ko na yung kamay niya ng wala na si Emily. "Sa susunod nga wag mo na hahawakan kamay ko." Saad ko. "Why?" Tanong niya. "This is a property of Emily." Sagot ko. Nawala naman siya sa mood. Ng nasa parking na kami ay bubuksan niya sana yung passenger's seat sa harap. "Sa back seat ka. Si Ate d'yan." Ani ko. Inirapan niya lang ako at padabog na sumakay sa back seat. Sumakay na ako at nagdrive papunta sa hospital kung saan nagtatrabaho si Ate. Mabuti't pang umaga yung shift niya ngayon kaya naaya ko siya ng mabilis. Inaantay niya na ako sa labas ng gate nila. Huminto ako sa tapat niya at binuksan yung pintuan para sasakay na lang siya. "Wassup lil bro!" Bati niya. "Sup Ate!" Bati ko. "Ken, I'm not updated na may kasama ka palang pafamous." Aniya. "Ha? Sinong pafamous Ate?" Tanong ni Ana. "Oh isn't it obvious? Ikaw." Sagot niya. HAHAHAHAHAHA. Kapag talaga magkasama ang dalawa na ito nagsisimula ang world war three. Umirap lang si Ana  tapos umirap lang din si Ate. Alam ko kunng gaano ka ayaw ni Ate ang ugali ni Ana. Nung kinwento ko sa kanya si Emily ay mas gusto pa raw niya ito kesa kay Ana kahit sa picture niya pa lang nakikita si Emily. Nung last date namin kinwento ko kay Ate yung nangyari. Kaninang madaling araw di ko na siya ginisng dahil alam kong kulang din siya sa tulog  dahil nagkakalabuan na rin sila ng boyfriend niya. Nahihirapan din siyang pumili kung ang family namin o ang boyfriend niya.  "Bye Ken! I'll go  to your house tomorrow." Paalam ni Ana. "Wag ka na pumunta sa bahay bukas. Ala ako dahil may  pupuntahan kami ni Ate ngayon." Sagot ko. "Oh.Can I go with you?" Tanong niya. "No." Sabay na  sagot namin ni Ate. Umuwi muna kami ni Ate sa bahay para kumuha ng mga gamit. "Ma! Me and Ken are going to Tagaytay tonight." Pag imporma ni Ate kay Mama na nalalaptop sa sala. "Why? Sabado bukas. May dinner ang family natin with the Arthur's." Sagot niya. "We'll be back tomorrow morning." Sagot ni Ate. "Ikaw ang magdrive Kassandra. Ikaw ang mas nakatatanda."Sagot ni Mama. "Okay Ma. Ako na bahala kay Ken. Wag ka pong magpapapunta ng kahit sino sa rest house." Sagot niya. Tumango lang si Mama at bumalik na sa paglalaptop. Umakyat na muna kami sa kwarto para kumuha ng mga damit na gagamitin namin ngayong gabi. Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Kyle.  "Saan ka pupunta Kuya?" Tanong niya. "Tagaytay lang. Kasama ko si Ate." Sagot ko. "Ah. Sama ko next time." Sagot niya. "Oo kapag may sapat na kaming pahinga ni Ate." Sagot ko. Ng maayos ko na ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Nakahanda na rin si Ate. "Ano paano tayo mamaya?" Tanong ko. "Ako magdadrive sa express way tapos ikaw magdrive papuntang rest house." Sagot niya. "Ok. Mag stop over muna tayo sa convenient store sa labas para mabili natin yung mga snacks." Sagot ko. Paniguradong mahaba habang labanan nanaman 'to sa daan.  Sanay na kami ni Ate sa ganito dahil nakagawian na namin 'to kapag sobra na yung stress sa bahay. Pupunta lang kaminng Tagaytay tapos manunuod ng stars at magrarants sa isa't isa. Kami yung close sa magkakapatid. Di ko rin alam kung bakit. Si Kyle at Kuya Kenneth naman ang close.  Kotse ni Ate Kass ang dadalin namin dahil mas kabisado niya yun. Lamborghini aventador galaxy 2014 yung kotse niya. Ayoko naman nun dahil masyadong nakakatawag ng pansin. Dalawa ang kanya. Mustang din yung isa niyang kotse  yung ginagamit niya araw-araw para iwas carnap. Pinagipunan niya yung Lamborghini na yun ng halos buong med-school niya. Neurosurgeon  siya kaya malaki ang sahod niya sa hospital na pinapasukan niya. Yung mustang naman ay binigay sa kanya ni Papa  niya nuung birthday niya rin.  Pare-pareho lang kaming kotse kapag si Papa nagbibigay para walang inggitan  sa presyo. Nilabas niya na yung kotse niya. Maluwag lang naman ang  garahe dahil wala pa yung kotse si Kuya Kenneth.  "Tara na Ken! Ilang beses mo nang nakita yunng kotse ko namamangha ka pa rin." Aniya. Sumakay na ako sa kotse niya. "Sorry naman.  Masyado ka kasing masipag kaya namamangha pa rin ako." Sagot ko. Nagdrive na siya papuntang convenient store. Pinagtitinginan kami ng mga tao. "Ako na lang bibili. Dito ka na lang sa kotse. Bantayan mo baka ma-carnap pa yan." Ani ko ng makarating kami sa tapat ng convient store. Bumili ko ng dalawang plastic ng chips na favorite naming dalawa ni Ate at dalawang ice cream. Magnum ice cream ang favorite ni Ate at ako naman ay oreo ice cream. Ng makabalik ako sa kotse ay nakaplay na yung playlist  niya. Mga LANY songs naman ang trip niya. Pareho lang kami. Nakakaantok yung mga kanta ni LANY pero yun yung pinapatugtog niya every time na magroroad trip kami. Nakakailang stop over kami at nakakailan stick rin siya ng magnum dahil inaantok siya sa songs ni LANY. Kaya pinapalitan ko kapag nasa express way na kami  eh. Mga December Avenue songs. Gusto ko tamaan siya dahil alam kong nakakarelate din siya. "Oh Ate! Kain ka muna. Alam kong magnum ang starter pack mo pag long drive."  Bati ko ng makabalik ako sa kotse. "Uy kabisado mo talaga ko lil bro! Thank you!" Aniya. "HAHAHAHA. Welcome Ate!" Sagot ko. Sumakay  na rin ako sa kotse at kumain ng ice cream. Saglit muna kaming kumain ng ice cream bago umalis sa parking ng convenient store. Ng maubos namin yung ice cream ay nagsimula na siyang magdrive palabas  ng parking ng convenient store. After fifteen minutes ay  malapit na kami sa express  way na kami. "Ate stop over muna tayo. Gutom na ako eh." Ani ko dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. "Ok. Magstop over na tayo sa gasoline station d'yan bago pumasok ng NLEX." Sagot niya. Ilang minuto lang ang lumipas at nasa gasoline station na kami. "Saan mo gusto kumain? Magtake out na lang  tayo. Di pa naman ako gutom." Tanong niya. "Mag kfc na lang tayo tapos krispy kreme." Sagot ko. Favorite rin namin ni Ate yung glazed donut ng krispy kreme. Matapos makuha ang mga order ay nagtuloy na kami sa pagdadrive papuntang NLEX. One hour has passed at na stuck kami sa traffic sa Edsa. Siguradong past midnight or near midnight kami makakarating sa Tagaytay. Nagsnack  na lang kami ng mga binili naming chips. Nakatulog na ako sa sobrang traffic.


Kassandra's POV

Alam kong may pinagdadaanan 'tong kapatid ko di lang nagsasalita halata sa mga mata niya na umiyak siya kasi namumugto pa ito. Tinawagan ko na yung  care taker ng rest house namin sa Tagaytay na pupunta kami. Nagpaluto na rin ako ng  mga pagkain para sa aming dalawa ni  Ken. Alam kong kaya ako inaya nito sa Tagaytay dahil gusto niyang magwalwal. Di kasi siya pinapayagan sa bahay na uminom kahit beer dahil baka daw masanay kaya sa Tagaytay siya nag aaya ng walwal. Nagpabili na rin ako ng beer na iinumin namin. Lahat handa na sa Tagaytay kami  na lang hinihintay. Naawa ako sa kanya kasi di siya makapili ng  iba dahil siya yung pinagkasundo sa  mga Arthur. Kung tutuusin ako  dapat yun kaso mas pinili ko ang magmed-school kesa sa magpakasal sa older brother ni Ana. Kasing edad ko lan din yng older brother niya pero di ko pa nakikita. Nasa  States daw siya at  inaasikaso  yung  branch nila dun. Kaya ko nag ipon para mabiili ang Lamborghini na  ito para mapatunayan kay Mama na kaya kong buhayin ang sarili ko ng wala ang kompanya. Si Kenneth na ngayon ang inaasahan  nila sa pagpapatatakbo ng business at si Ken. Kung pagpapatakbo lang  ng business ok na si Ken pero yunng fixed marriage alam kong di siya papayag. Ilang minuto  na lang ay malapit na kami sa Tagaytay. Pagdating namin dun magpapalit na kami ni Ken para ako naman ang  makatulog.  Ng makarating kami sa arko ng Tagaytay ay ginising ko na siya. "Ken, gising na. Nandito na tayo sa Tagaytay." Pang gigising ko kay Ken. "Hmmm. Ate pwede ikaw na  magdrive. Wala pa kong tulog eh." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Kumuha muna ako ng chocolate  para mapanatiling gising. After fifteen minutes ay nakarating na kami sa rest house. Hirap na hirap akong dumaan sa zigzag dahil nasa itaas pa ang bahay. "Ken. Nandito na tayo." Pang gigising ko ng makarating kami sa garahe ng bahay. "Hmmmm! Anong oras na?" Tanong niya. "11:30 pm." Sagot ko. Bumaba na siya ng kotse at ibinaba ang mga gamit namin. Gentle man pa rin talaga ito. "Good evening Ma'am Kass." Bati ni Mang Imo. "Good evening din po Mang Imo. Handa na po ba yung mga pinahanda ko?" Tanong ko. "Yes po Ma'am. Nandun na po sa garden lahat." Sagot niya.  "Sige po. Salamat." Sagot  ko. Pumunta na akong garden nakita kosi Ken nandun sa pinalatag kong mga mattress at nakatingala sa langit. Pinapanuod ng ang mga bituin. Tumabi na ako sa kanya. "Anong iniisip mo?" Tanong ko. "Tumitingin din kaya siya sa mga bituin tuwing  gabi? Naaalala niya rin kaya ako? Ano sa tingin mo Ate?"Tanong sakin ni Ken. "Siguro oo Ken. Kasi base sa mga kwento mo parang mahal ka rin niya. Hindrance lang talaga sa inyo si Ana. Hindi mo maiparamdam sa kanya na mahal mo siya kasi iniisip mo si Ana. Na baka may gawin siya na baka mapahamak si Emily dahil sa pagiging teritorial niya. Kilala mo naman si Ana. She takes everything as a competition." Sagot ko. "Oo nga. Binibigyan niya ng threats si Emily kaya nagalit sakin yung mga kaibigan niya kasi below the belt na yung mga words na sinasabi niya kay Emily. Okay kami nung di pa nila nalaman yung engagement ko." Sagot niya. Marami na talagang naapektuhan yung bruhilda na  yun. "Grabe na talaga nagawa ni Ana. Nakasira na  siya ng friendship." Sagot ko. "Nagkaroon rin ng anemia si Emily dahil samin." Sagot niya. "Anemia? Bakit?" Tanong ko. "Kakaiyak dahil sa hindi ko  pagsasabi ng engagement namin." Sagot niya. "Ano ba naman yan lil bro!  Ano ba naman yung sabihin mo. Pero baliw ka  kasi ayan tuloy nilayuan ka." Sagot ko. "Kapag sinabi ko edi lalo siyang lumayo. Mahal ko  siya Ate kaya di ko sinabi." Sagot niya. "Oo bro. Nandun na tayo sa part na mahal mo siya pero ano  ba naman yung paintindi mo sa kanya yung sitwasyon mo. Pwede mo namang sabihin 'give me a month or two then I'll get back to you. Hintayin mo lang ako' Ganun lang." Sagot ko. "Eh ikaw ba nasabi mo na yan sa boyfriend mo? Alam niya ba na almost a year na lang yung kalayaan mo kasi ipapatapon ka na sa States dahil di  mo pinakasalan yung Kuya ni Ana?" Sagot niya. "Alam niya kaya nga iniwan niya na ko eh." Sagot ko. Naluha na lang ako ng maalala ko ang break up namin. Sabi niya sakin bakit pa daw ako pumayag kung hindi rin naman daw pala ko magtatagal. "Bakit Ate? Ano  ba sinabi sayo?"  Tanong niya sakin. "Di niya daw kaya maghintay. Masyado daw matagal." Pagsisinungaling ko. "Hindi Ate. Hindi yan  yung sinabi niya sayo. Ano nga?" Tanong niya. "Wala. Hayaan mo na yun. Wag mo na pagsayangan ng oras yun. Kapag naman nasa States na ako  maghahanap ako ng magandang hospital na ppapasukan tapos mag eexcel ako dun. Papatunayan ko kila Mama na kahit pinilit nnila ko kakayanin kong mabuhay." Sagot ko. "Sana nga ate kasing lakas kita. Para nalalabanan ko sila Mama. Napapagod na kasi ako eh. Napapagod na kasi kong sumunod sa kanya. Ayoko na Ate." Sagot ni Ken. Niyakap niya ko at sa balikat ko umiyak. "Shhhh Ken. Ok lang yan. Ate's here." Pag aalo ko sa kapatid ko. Siguro dapat kong iibaba yung pride ko para mapalaya ko si Ken. Siguro kailangan ko nang isakripisyo yung kalayaan ko para maging malaya yung kapatid ko. Gusto ko na kahit siya man lang ay makapili ng mamahalin niya at si Kyle. Gusto ko maging masaya si Ken. Gusto ko maipaglaban niya si Emily sa pamilya namin. Ng kuumalma na siya ay tumayo na ito at kumuha ng mga pagkain. Sumunod na rin ako sa kanya ng magring ang phone ko. "Hello Dra." Bati ng nurse. "Hello Nurse Jen. Bakit?" Sagot ko. "Available ka po ba ngayon?" Tanong niya. "Hindi eh. Nasa Tagaytay ako." Sagot ko. "Ah sige po. Tatanong ko na lang po yung ibang neurosurgeon. Thank you po. Sorry sa abala." Sagot niya. "Okay. Thank you." Sagot ko. Tumuloy na ako sa pagkuha ng pagkain. Umupo na ulit ako at pinanuod ang mga bituin habang kumakain. Tumabi sa akin si Ken. "Ate thank you." Biglang sabi niya. "Bakit naman?" Sagot ko. "Kasi di ka nagsasawa makinig sa rants ko. Kahit may pinagdadaanan ka nakikinig ka pa rin sakin di mo ko pinapabayaan. Salamat kasi hindi ka nawala sa tabi ko. Hindi mo ko iniwan nung iniwan ako ng mundo. I love you Ate." Aniya. "Naku! Ang drama ng kapatid koooo! Love ka din ni Ate." Sagot ko. Masaya kaming kumain at nagligpit ng magmidnight na. "Nakahanda na ang kwarto mo.. Punta ka na lang." Ani ko ng paakyat na siya. "Ok Ate." Sagot niya. Innurungan ko ang mga plato at umakyat na. Ginawa ko lang ang skin care routine ko at natulog na. Nakatulog agad ako sa sobrang pagod sa pagdadrive.

A/N: Sooo! Happy 700 reads sa atin! Thank you po sa supporta sa Kely at Saivan. Thank you po sa pagbabasa. Sana po vote niyo 'tong story ko. AltheaFS thank you sa paggawa ng mga lyrics video na ginagamit ko. Again, happy 700 reads satin. Mahal ko kayooo!❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top