CHAPTER 23: TALK
Emily's POV
Excited na ko dahil makikita ko na ulit sila Andy. Kahit nagkita naman kami sa hospital kahapon. Narito namaman yung kaba ko. Kaba na baka makita ko si Ken at Ana. Hindi pa kami nag uusap ever since nung kiss nila ni Ana. Naligo na ako dahil ihahatid ako ni Mommy at ihahatid naman ako nila Andy pauwi. "Ready ka na ba Ems?" Tanong ni Mommy. "Opo Mi. Inaantay ata ako nila Andy sa gate. Tara na." Aya ko kay Mommy. "Oh sige." Sagot niya. Sumakay na ko sa kotse namin. Nagdrive na papunta sa school si Mommy. "Hindi mo nakalimutan yung gamot mo ah." Tanong niya ng makahinto sa gate. Tanaw ko na sila Andy mula dito sa kotse. "Opo Mi. Papahatid na lang ako kila Andy pauwi." Sagot ko. "Ok. Ingat ka. Magtext ka agad kapag sumama pakiramdam mo." Sagot niya. "Opo Mi. Byeee! Love youuu!" Sagot ko. "Love you!" Sagot niya. Bumaba na ako ng kotse. Sinalubong ako ng yakap ni Sandra. "Huy! Ano? Kayo na ba ni Ivan kaya ganyan ka makayakap?" Tanong ko. "Loko hindi! Namiss lang kita." Sagot niya. "HAHAHAHAHAHA. Nagkita lang tayo kahapon eh!" Sagot ko. "Ayoko nang makikita kang nandoon ah! Tuwing matutulog ako iniisip ko kung nakakatulog ka ba ng mahimbing." Sagot niya. "Ang drama naman ng Mais ko!" Singit naman ni Ivan. "Hindi 'to pagdadrama noh, Yelo! Pag aalala!" Sagot ni Sandra. "Ay nako tara na tara na!" Aya ni Lean. "Teka nasan si Zoe?" Tanong ko. "Ay nako maraming trabaho sa sc kaya nadoon nanaman sa opisina niya." Sagot ni Lean. "Eh si Andy?" Tanong ko. "Nandun sa library kasi may kailangan iresearch." Sagot naman ni Sandra. "Ah wait lang." Sagot ko. Kinuha ko sa bag ko yung inpods ko at nilagay sa tenga ko para di ko marinig yung pag uusap sa paligid ko. Pumasok din agad ako sa classroom namin. Si Ivan ang katabi ko. Ayoko makatabi yung iba. Ayoko muna makarinig ng mga pang iinsulto habang klase dahil hindi ako makakapag focus. Ng dumating ang teacher namin ay tinanggal ko na yung inpods ko. Nilabas ko na yung notebook ko. Nagsulat na ako ng mga sinisulat niya sa board. Math 'to kaya kailangan ko makinig ng mabuti. Ayoko nang mangulelat sa math dahil alam kong iinsultuhin nanaman nila ko dahil hindi naman ako magaling sa math. Ng matapos ang klase ay nagaya akong maglocker muna. Pagkabukas ko ng locker may bulaklak. Black roses. Isang bouquet. 'Welcome back' ang nakalagay. Nanginginig kong kinuha yung roses at tinapon sa sahig. "Ano yan Ems?!" Nag aalalang ani Ivan. "N-nakita k-ko y-yan s-sa l-locker." Sagot ko. "Putsa! Kailan ba titigil 'yong babaeng yon!" Nanggagalaiting ani ni Sandra. Napayakap na lang ako kay Sandra at umiyak. "Kakapasok ko pa lang ganto yung aabutan ko sa locker ko." Ani ko. "Shhhh. Andito kami. Wag ka umiyak." Sagot ni Sandra. Hindi ko naman deserve 'to. Hindi ko na nga kinakausap si Ken eh. Ng kumalma na ako ay kinuha ko yung black roses. "Umalis na kami ng locker area at dumeretso sa canteen. Naroon na sila Andy sa spot namin sa canteen. Umupo na ko at iniwan ang mga gamit ko sa upuan ko. Pumila na ko. Kasunod ko si Ivan. Nakita ko sila Ana at Ken na ang sweet sa isa't isa. Pinunasan ni Ken yung sumobrang sarsa nung ulam sa labi ni Ana. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at huminga ng malalim tsaka muling dumilat. Ng kalmado na ako ay umorder na ako ng pagkain. Dumaan ako sa pwesto malapit sa grupo ng mga babae mula sa grade ten. "Diba yan yung pinampalipas oras ng kapatid ni Kenneth?" Bulong nung isang babae na may maigsing buhok at rebonded. "Ay oo. Alam mo feeling ko naghahabol pa rin siya." Sabi naman nung kausap niyang may mahabang buhok at kulot. Hindi ko na pinakinggan yung mga sinasabi nila dahil baka mamaya magbreak down ako ng di oras. Umupo na ako sa pwesto ko at pinilit ang sarili na kumain. Nakakawalang gana yung kumakain ka tapos nakakarinig ka ng kung ano anong pang iinsulto sa paligid mo. "Ems. Kain na. Iinom ka pang gamot diba?" Tawag ni Andy sa atensyon ko. "Oo. Ah pwede pagkakain ko deretso muna ako sa garden. Gusto ko lang mapag isa." Sagot ko. "Ok. Hahatid ka na lang namin." Sagot niya. "Wag na I can do it my self." Sagot ko. Matapos kong kumain ay kinuha ko ang gamot ko sa bag at ininom ito sa harapan ng mga kaibigan ko para di na nila ako tanungin ng paulit-ulit kung nakainom na ba ako ng gamot. "Ayan guys ah! Nakita niyo na nakainom ako ng gamot. Kaya wala nang unli tanungan mamaya ah!" Ani ko ng matapos kong lunukin ang gamot. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ang dala ko lang sa bag ko ay yung laptop ko at Ipad. Bihira na ko gumamit ng notebook dahil tinatype ko na lang ito. Nakakatamad din kasi magsulat. "Nasa garden lang ako. Tawagin niyo ko kapag tapos na yung lunch. Alam niyo namang boplaks ako pagdating sa oras." Bilin ko sa kanila bago umalis. "O-okay." Kinakabahang sagot ni Sandra. "Wag ka mag alala kaya ko sarili ko. Ako na bahal sa kanila." Sagot ko. Nginitian ko siya para masiguradong magiging okay ako. Naglakad na ako papunta sa garden. Umupo ako sa favorite spot naming magkakaibigan. Tahimik kong tinatanaw yung mga bulaklak dito sa garden. Kinuha ko yumg inpods ko at inilagay sa tenga ko. Habang nagpapatugtog ay binuksan ko ang laptop ko para makapgasulat ng chapter. Wala na akong pakialam sa mga taong nakamasid sa akin. Naramdaman kong may tumabi sakin. Di ko pinapansin dahil akala ko sila Sandra. Pero nararamdaman ko yung tingin. Sorbrang matiim. Parang ang tagal niya kong hindi natitigan. Nagpatuloy na lang ako sa pagtatype pero may kamay na pumigil sa pagtatype ko. Handa ko na sanang iaalis yun ng pagsiklopin niya ang mga kamay namin. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ng binalingan ko ito ng tingin ay si Ken ito. Namumugto ang mga mata at malalaki ang eyebags. Parang walang tulog. Hinapit niya ako palapit sa kanya at yinakap ako ng napakahigpit. Huminto na yung kanta sa cellphone ko. Tinanggal ko yung inpods ko. "Ken bitaw na. Baka magalit si Ana. Mapagtripan ako." Ani ko dahil masyado na siyang matagal na nakayakap sakin. Gustuhin ko man na ito'y patagalin ay hindi pa rin pwede. Maaari ko itong ikapahamak. "Please just let me rest. I'm tired of pretending please." Aniya. "Let me go Ken!Ayokong mapahamak nanaman ng dahil sayo." Sagot ko. Pinipilit kong kalasin yung yakap niya pero mas lalo pa itong humigpit. "Ken! Wake up! Hindi ako ang babaeng para sayo okay? Si Ana yon! Let me go!" Dagdag ko pa. "Ken please. Kakatanggap ko lang ng bouquet of black roses. Ayoko nang makatanggap pa ng bulaklak ng patay. Kaya please let me go!" Piglas ko pa dahil ayaw niya talaga kong bitawan. Umiyak na ko dahil ayoko nito. Nasasaktan lang ako lalo. Mas nahihirapan akong mag let go. "Ken please. Tama na 'tong laro mo. Tama na please." Nagmamakaawa na akong bitawan niya. Binitawan niya na ako. "Sorry. I just missed you." Sagot niya. "Don't tell me you missed me. It hurts." Sagot ko. "I'm sorry. Hindi ko sinabi sayo kasi alam kong masasaktan ka. Alam kong may mangyayari sayo anytime malaman mo." Sagot niya. "May nangyari nga sakin. Na social at physical bullying ako. Ken alam mo namang nabully na ako nung elementary. Ayoko na sanang maulit pero nag deja vu eh. Umulit nanaman. Muntik pa ko mabugbog. Tapos kanina nakatanggap ako ng black roses saying welcome back. Ken, you know what black roses mean to me? It means death. Ayoko pang mamatay ng dahil sayo." Sagot ko. "Hindi ko alam na ginaganyan ka pa ni Ana. Akala ko tumigil na siya. Akala ko hininto niya na yung pananakot sayo." Sagot niya. "Layuan mo muna ako sa ngayon. Ayoko munang makipag usap sayo. Napapagod na ko makinig sa mga pang iinsulto ng mga tao." Sagot ko. "So your giving up? Your giving me up? Ibig sabihin ba niyan sinusuko mo na ako kay Ana? Hindi mo na ako mahal?" Tanong niya. "Mahal kita pero di tayo para sa isa't isa. We are not meant to be together. We are not meant for each other. Siguro sa ibang panahon at pagkakataon magiging tayo pero sa ngayon hindi muna Ken. Not now. I don't know what to do." Sagot ko. "Mahal mo naman pala ako eh. Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban?" Tanong niya. "Mahal mo ba ko?" Matapang kong tanong. "Oo." Sagot niya. "Mahal mo rin pala ko eh bakit hindi mo siya kayang iwan?" Sagot ko. Niligpit ko na yung mga gamit ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako paalis ng muli niyang hapitin ang braso ko at yinakap sa kanya. "Just one last hug. Lalayuan na kita. Pero may isang hiling ako sayo." Aniya habang nakayakap sa akin. "A-ano?" Tanong ko. "Bigay mo sakin yung notebook na pinagsulatan mo ng mga poems about sakin. Para kahit papaano may magpapaalala sakin na may isang Emily Savvanah Howards na nagpahalaga at minahal ang tulad ko." Sagot niya. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang yakap niya. "Sige. Papabigay ko na lang kay Sandra." Sagot ko. Tumalikod na ako sa kaniya at nagpunta na sa library dahil alam kong nandoon sila Andy.
THIRD PERSON'S POV
Napaupo na lang si Ken sa sobrang sakit na nadarama. Hindi niya na alam gagawin niya. Pangalawang beses na ito. Dahil pa rin kay Ana. Oo alam ni Ken sa sarili niya na wala siyang ginawa kundi ang saktan si Emily. Pero nahihirapan na din siya sa mundong ginagalawan niya. Hirap na hirap na siya dahil kailangan niyang mamili kung ang pamilya niya ba o si Emily. Kapag di niya pinakasalan si Ana ay babagsak ang negosyo ng mga magulang niya. Pinaghirapan ito ng mga magulang niya ng halos dalawang dekada kaya nahihirapan siyang mamili. Ng mahimasmasan ay kinuha niya na yung mga gamit niya at umalis na sa garden. "Ken! We're have you been! Hinanap na kita sa buong campus!" Nag aalalang ani ni Ana ng makita si Ken sa corridor ng classroom nila. "Nandun lang ako sa garden inayos ko yung gusot mo. Tigilan mo na si Emily. Pag di mo tinigilan ako mismo magbaback out sa kasal natin." Sagot ni Ken. Alam ni Ken na kapag nalaman ni Ana na magba back out siya sa kasal nila ay ihihinto na nito ang pambubully kay Emily. Well sana huminto nga. Hindi naman niya kasi kabisado yung tabas ng utak ng babae na yun unlike Ems na simpleng galaw lang alam mo na ibig sabihin. Palabas sila Andy ng library ng makitang papunta roon si Emily. "Ems! We're about to go to the garden to call you— ano nangyari sa mata mo?" Tanong ni Sandra ng mapansin ang pamumugto ng mga mata ni Emily. "Ah wala 'to." Sagot ni Emily. Lumapit na rin sila Andy sa kanila. "Ano nanaman ginawa sayo ng mga tropa ni Ana?" Tanong ni Ivan. "Wala." Sagot ni Emily. "Eh bakit umiyak ka?" Tanong naman ni Andy. "Ken and I talked. I bid goodbye to him. And he requested something from me." Sagot ni Emily. Kinabahan naman ang magkakaibigan sa request ni Ken. "Ano daw?" Tanong ni Lean. "Yung notebook ko. Nasa kwarto ko sa drawer nung study table ko. It is composed of 143 poems about him. Kayo na lang magbigay sa kanya. Yun yung kaisa isang notebook na nasa drawer ng study table ko." Sagot ni Emily sa kanila. "Bakit di na lang ikaw?" Sagot ni Lean. "Sabi ko sa kanya this is the last time we will talk. Kaya kayo na lang magbigay sa kanya." Sagot ko. "Ok." Sagot ni Lean. Matapos nilang mag usap ay naglakad na sila papunta sa mga classroom nila.
Andy's POV
I know Ken is also having a hard time. Palaging tulala. Di makausap ng matino. Hindi nakakasagot sa recitation. Malayo siya sa Ken na kilala namin. Ang Ken na kilala namin wala pang tanong yung teacher may sagot na. Masaya yung gloom ng mata. Ngayon parang nagshut down yung mundo niya. Nagstart yun nung pumutok yung issue sa engagement nila. Tsaka nung nalaman ng lahat yung hidden identity ni Ken at Kuya Kenneth. Katulad ngayon busy siya sa pagtatype ng kung ano sa phone niya. Ganyan yung trip niya everyday. Tapos minsan nageearphones tas tinutulugan yung teacher. Ginigising naman siya pero yung gigising sa kanya sisinghalan niya. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at nakinig na lang sa teacher. Ng mag uwian ay mabilis akong nagready dahil ihahatid pa namin si Emily sa kanila. Hindi na kami nag intay ng matagal sa labas ng room nila kasi halos sabay lang din nagpalabas yung mga last subject teachers namin. "Hoy! Kain tayo!" Aya ni Emily sa amin. "Saan naman?" Tanong ni Sandra. "Mcdo tayo! Libre ko! Naipon kasi yung allowance ko!" Sagot niya. "Lul! 7 eleven na lang! Slurpee ok na kami!" Ani naman ni Lean. "Oo nga! May maintenance kaaa. Paalala lang." Sagot naman ni Zoe. "Yeah Ems. You have maintenance medicine. Dapat magtipid ka na sa allowance mo." Sagot ko. "Ok sige Mcdo tayo! Ako manlilibre!" Ani naman ni Ivan. Kinapa-kapa ni Sandra si Ivan. "Wow! Si Yelo manlilibre! Umihip ata ang masamang hangin!" Ani ni Sandra. "Wow si Mais marunong na bumanat na hindi corny!" Sagot ni Ivan sa kanya. "My ship is sailingggg!" Singit ko sa usapan ng dalawa. "Tara na! Hahatid pa natin 'tong si Ems oh!" Ani naman ni Lean. Naglakad na kami dahil may malapit na Mcdonald's sa university. Second time na atang manlibre ni Ivan sa amin. Di ko na matandaan sa sobrang tagal. Si Ivan ang pinaka kuripot sa amin siya rin naman ang pinakamayaman next to Ken. Sumakay na kami ng jeep. Ng makarating kami ng Mcdo ay agad agad silang nagsipila. Mga excited. Naghanap na lang kami ni Zoe ng table.
Emily's POV
Tagal na simula nung nilibre ako ni Mayor Ivan. Di ko na rin maalala sa tagal. Pero ang naalala ko lang is yung nilibre niya ko ng HIH colector's item. Sila na ang umorder nung mga pagkain kaya sumunod na lang ako kila Andy sa table. Nilabas ko ang laptop ko at binuksan. Nag oover flow nanaman ang writing ideas ko. "Laptop nanaman? Nahawa ka na kay Zoe. Palaging nakaharap sa laptop." Ani Andy. "Wait. Nag oover flow yung thoughts sa utak ko. Chill." Sagot ko. Pinabayaan na lang nila kong maglaptop. "Tama na yan Ems! Kumain na tayo!" Bati ni Ivan. "HAAHHAHAHAHA. Talaga hihinto ako dito dahil libre 'to! Mas masarap kapag libre mo!" Sagot ko. "Pero mas masarap ako!" Sagot niya. "Oy Sandra! Lumalandi yung Yelo mo oh!" Tawag ko kay Sandra. "Pero kay Sandra lang kakalampag. Sa marupok na papag!" Bawi niya. "Hoy! Iba na yan ah!" Ani naman ni Lean. Umupo na sila sa mga pwesto nila at nagsimula nang kumain. Sumabay na rin ako sa kainan nila. Sa kanila pa lang masaya na ako. Masaya na ako kapag kasama ko sila. Nakalimutan ko na yung mga problema ko. Sila ang pahinga ko. Sila ang nagpaparamdam sakin na kahit magulo yung mundong ginagalawan ko nadiyan pa rin sila para icomfort ako. Masaya ko na may tropa akong katulad nila. Sobrang sarap at satisfied na may tropa kang maasahan sa lahat ng oras at di ka iiwan kapag nagkagipitan. Hinatid nila ko sa amin at siniguradong nainom ko yung gamot ko bago umalis. Pare-parehas naman sila ng uuwian kaya wala nang problema. "Magchat kayo kapag nakauwi na kayo ah!" Bilin ko sa kanila bago umalis. Ng umalis na sila ay ginawa ko na ang routine ko. Umakyat na ako sa kwarto ko. Naglaptop ulit ako dahil itutuloy ko na yung chapter na sinusulat ko. Nagvibrate ang phone ko. Agad kong binuksan ito. Si Ken ang nagnotif.
Ken:
Hi Emily! I know your hurting because of me. I'm sorry for everything. Sorry kung palaging ikaw ang kailangang mag adjust sating dalawa. Kahit hindi pa kita official na natatanong kung pwede ba manligaw pero alam kong nararamdaman mo rin namang nililigawan kita. I sorry for messing your life. Sorry kung nagkasakit ka ng dahil sakin. Tama lang yung desisyon ni Tita na patigilin muna ako sa panliligaw sayo. Stay strong! Nandito pa rin ako palagi para sayo. Kapag nafall out ka sakin always remember that I will always be falling for you. Kahit maraming babae na nakapaligid sakin it will always be you. Kapag kinasal na ko at hindi na kita mabalikan tandaan mo na ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa last breathe ko. It will always be you Ems. I love you! Prinsesa ko💔
Namiss ko na yung tawag niya saking prinsesa ko. Naiyak ako sa mensahe niya dahil parang namamaalam na siya. Parang sinasabi niya na 'I love you let the sky cross our paths again.' Parang si Peter ng Taste of the sky. Hay di ko na alam gagawin ko. Iniscreen shot ko na lang tas sinend sa bagong gc namin na hindi kasali si Ken.
Ivan:
Bahay na kami. Nahatid ko na sa dorm niyo sila Sandra. Minake sure kong nakalock lahat before ako umuwi.
Me:
Ok! Thanks! Bukas lets talk about sa sinend kong screenshot! Love you all!
Sandra:
Gehhh! Good nightttt! Love youu too!
Andy:
Gn!
Zoe:
Thank you for today! Nawala yung stress ko! Good night! Love youu!
Me:
Good night guys! Love youuuu!
Ng matapos ang usapan namin ay niligpit ko na yung laptop ko at natulog ffddfaafffgwjw
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top