CHAPTER 22: HOSPITALIZED
Sandra's POV
Kanina pa tahimik si Emily simula recess. Parang hindi napapagod kakatype. Parang di nagsasawa sa mga kantang pinapakinggan niya. Nagkatinginan na lang kami ni Andy dahil di na rin namin alam yung gagawin. Tahimik na lang rin kaming kumain.
"So tama ang hinala ko." Sabi nung isang babae sa katabing table namin.
"Na ano?" Tanong nung kasama niya.
"Pampalipas oras lang ni Ken si Emily." Sagot nung babae. Distant kami sa ibang section kaya di namin kilala.
"Ay oo. Si Ana pa rin ang nagwagi at magwawagi dahil ala namang laban dun si Emily." Sagot nung isa. Katapat pa kamo ng upuan ni Emily yung nagsabi nun. Narinig niya ata yun kaya padabog niyang binaba yung cellphone niya at tiningnan ng masama yung babae sa katabi naming table. "You don't know what happened so you don't have the rights to tell me that." Malamig niyang ani sa mga babae sa kabilang table na inirapan lang siya. Ede inirapan niya rin. Jusko hindi si Emily 'to. Nabully siya pero di siya natutong sumagot sa mga kaaway niya. Hindi ito yung Emily na kilala namin. Understanding siya. Pero di ko rin naman siya masisi kasi nasaktan siya sa ginawa ni Ken. Nagtuloy na lang ulit siya sa pagtatype sa phone niya. Pina uninstall namin sa kanya yung mga social media para di niya makita yung kaganapan kay Ken at Ana pero mapilit siya na wag ideactivate dahil gusto niya pa rin daw malaman yun. Naaawa ako sa kanya dahil ilang metro lang ang layo ni Ken sa amin. Pinapanuod niya si Emily. Ng tumama ang paningin niya sa akin ay ngumiti lang siya ng malungkot sakin. Dati kasabay namin siya ngayon iba na kasabay niya. Nakakamiss kaya yung may nagsesermon sayo kapag di ka kumakain. Kapag puro ka basa may nagpapaalala sayong kumain. May kuya na magsesermon sayo kapag napapabayaan mo na yung sarili mo. Tumayo si Emily at nauna na saming lumabas. "Namimiss ko na si Ems." Biglang ani ni Ivan. "Sa bahay pa siya ganyan. Tahimik. Palaging naka phone. Konti kumain. Alam na din ng Mommy niya. Hayaan na lang daw namin kasi ganyan daw talaga siya kapag nasasaktan." Sagot ni Lean. "Hoy baka mamaya may nangyari na dun. Tara na. Alam mo naman yung mga tropa ni Ana." Aya ko sa kanila. "Mais, chill lang. Baka sila pa nga tamaan kay Emily eh. Sa state of mind ni Emily ngayon kayang-kaya niyang ipaglaban sarili niya." Sagot ni Ivan. "Yelo, wag masyadong pakampante noh! Masyadong harsh magsalita yung tropa ni Ana." Sagot ko. "Lets go." Aya ni Andy. Tumayo na kami at naglakad na pabalik ng room namin. Habang pabalik kami nakita naming may nagkukumpulan sa tapat ng room namin. Curios din kami kaya tiningnan namin.
"Ano Emily? Nasan na si Ken?!" Sabi nung isang barkada ni Ana.
"Bakit di mo kasama si Ken?" Sabi naman nung isa pa.
"Ano? Sawa na sayo si Ken?" Sabi naman nung leader ata nila dahil ang kapal ng make up. "Hoy!" Sigaw ni Ivan. "Oh here is her knight in shining armor." Bati nung leader nila. Sasampalin ko sana yung pagmumukha ng babae na 'to pero hinawakan ni Ivan yung kamay ko. "Pag pinakita mong pikon ka. Talo ka." Bulong niya. "Ano bang ginawa sa inyo ng kaibigan namin ha?!" Ani naman ni Lean. "Hindi pa ba sapat sa inyo na pinili na ni Ken yung kaibigan niyo ha?!" Sigaw naman ni Zoe. "Kahihiyan kayo sa section niyo." Ani naman ni Andy. Bumitaw ako sa hawak ni Ivan at lumapit ako kay Ems. Hinawi ko yung buhok niya. May pasa siya. "Sino sumampal dito?" Nanggigigil kong ani dahil wala silang karapatang saktan yung kaibigan ko. Hindi nga 'to pinalo ng mga magulang niya eh tas sasampalin lang nila. "Sino?!" Sigaw ko. "Ayaw niyo sumagot. Gawin ko kaya sa inyo 'to! Hindi 'to nag aral dito para saktan niyo. Hindi 'to pinag aral ng magulang niya para maexperience 'to!" Sigaw ko sa mga nanunuod lang na estudyante. Hindi makasagot sakin yung tatlong malditang pinagtutulungan si Emily kanina. Agad namang lumapit samin si Andy. "Shit." Ani Andy dahil parang maraming sumampal sa mukha niya. "Hindi kayo aamin? Kapag nalaman 'to ng mommy ni Emily may magagawa ba kayo?! Ha?!" Sigaw ko ulit dahil kilala kong magalit si Tita Edna. Nasasaktan na nga siya emotionally sinaktan pa siya physically. Bigla na lang humandusay sa sahig si Emily. "Ems!" Nag aaalalang ani ko. Lumapit na samin sila Ivan. Namumutla siya. "Ems!" Nag aalalang tawag nila. Ginigising namin siya pero di magising. "Tabi-tabi ako bubuhat." Ani Ivan. Binuhat siya ni Ivan papunta sa clinic. Tinawagan ko si Tita Edna. "Hello Sandra. Kamusta?" Bati niya ng sagutin ang tawag. "Hello Tita. Punta po kayo sa school ngayon." Sagot ko. "Bakit?" Sagot niya. "May nangyari po kay Ems." Sagot ko. "Ha?! Sige sige. Bantayan niyo muna ah." Nag aalalang sagot niya. "Opo. Bye po." Sagot ko. Binaba ko na ang tawag at bumaling kay Emily na nakahiga sa hospital bed ng clinic. May pasa siya sa braso pati sa mukha. Yung sa braso parang hinawakan ng mahigpit tapos yung sa mukha shape daliri. Putok yung labi niya parang malakas na sinampal. Pag nalaman ni Tita Edna kung sino gumawa nito siguradong makikick out yun.
THIRD PERSON POV
"Ate Mhel! Samahan mo ko sa eskwelahan ni Emily." Nag aalalang ani ni Edna. "Bakit? Ano nangyari kay Emily?" Nag aalalang sagot ni Mhel. "Hindi ko alam. Tumawag lang yung kaibigan niya." Sagot ni Edna. "Mark. Ikaw muna bahala kay Nanay ah. Pupuntahan lang namin si Emily dahil baka kung ano na nangyari." Bilin ni Mhel kay Mark. "Oo sige." Sagot ni Mark. Nagmamadali silang sumakay sa pick up ni Mhel at pinaandar na papuntang Franklin U. "Nasa clinic daw sila Ate Mhel." Ani Edna ng huminto sila sa parking lot ng eskwelahan. Naglakad na sila papasok ng eskwelahan pero hinarang sila ng guard. "San po sila pupunta Ma'am?" Tanong ng guard sa kanila. "Ako yung Mommy ni Emily Savvanah Howards." Sagot ni Edna. "Ano pong kailangan nila?" Tanong ulit nung guard. "Dami namang tanong nito." Bulong ni Mhel sa hangin. "May nangyari sa anak ko. Gusto ko siyang makita kung ok ba o ano." Sagot naman ni Edna. "Ah sige po." Sagot nung guard at pinapasok na sila. Hindi na mahirap para kay Edna ang puntahan ang clinic dahil suki ito ng clinic elementary pa lang. Nahinto lang ito nung first year highschool na siya. Pumasok sila sa clinic ng eskwelahan. Aircon ang buong malaking kwarto. Itsurang hospital. "Nasa third bed po si Emily Mommy." Ani ng nurse sa kanila. Agad silang pumunta sa ikatlong higaan. Ng hawiin ni Mhel ang kurtinang nakapalibot sa kama ay naroon ang namumutlang si Emily na natutulog, may pasa sa mukha at braso. Putok ang labi. Nagpupuyos ng galit si Mhel dahil nakita niya ang batang iningatan nila ng halos isang dekada at pitong taon na may mga pasa. Ni hindi nga nila ito pinagbuhatan ng kamay. Tapos sasaktan ito ng ibang tao. "Sino gumawa nito?" Tanong ni Edna kila Andy. "Nauna po lumabas samin si Emily tas po pagakyat namin nakita na po namin siya pinagkakaisahan ng mga babae sa section 1. Tinatanong ko po sila kung sino gumawa kay Ems nun pero di po nila kami sinasagot." Sagot ni Sandra. "Ilipat kaya natin si Emily ng hospital." Suhestiyon ni Mhel. "Baka may iba nang sakit si Emily. Malay ko kaya siya namumutla anemic na pala." Dagdag pa ni Mhel. "Sige 'Te Mhel. Dalin na natin at baka may iba nga siyang nararamdaman dahil kaunti lang yan kumain." Sagot ni Edna. "Tatawagin ko po yung adviser namin. Excuse me po." Paalam ni Lean. Lumabas si Lean at hinanap si Sir Airone. Nasa klase ito ng section 1. "Good afternoon Sir. I'm sorry to disturb your class. May I speak to you?" Bati ni Lean. "Bakit 'nak?" Tanong ni Sir Airone pagkalabas ng room. "May nangyari po kasi kay Emily. Nandiyan po yung Mommy niya tsaka Tita niya. Gusto po kayo kausapin." Sagot ni Lean. "Ah sige. Pagkatapos ng klase ko pupunta ko sa clinic. 10 minutes na lang naman eh." Sagot ni Sir Airone. Bumalik na si Lean sa clinic. Hindi muna nila pinasukan yung mga klase nila na pang hapon dahil kay Ems. Ganun sila magmahal ng kaibigan. Kasama sa hirap at ginhawa. Ng bumalik si Lean sa clinic ay gising na si Emily. "Sino ba gumawa sayo niyan?" Tanong ng kanyang Mommy. "M-mga b-bark-kada po ng fianceè ni K-ken." Sagot ni Emily. "Barkada? Kakasal na pala yung manliligaw mo bakit nagpaligaw ka pa?" Sagot ni Tita Mhel. "Hindi ko alam Tita Mhel. Hindi niya sinabi." Sagot ni Emily. "Ano ba yung buong nangyari?" Tanong naman ni Mommy Edna. Pumasok si Sir Airone sa clinic. "Good afternoon po Ma'am." Bati ni Sir Airone. "Good afternoon." Magalang na bati ni Mommy Edna. "Good afternoon." Magalang ding bati ni Tita Mhel. "Ano nangyari sayo 'nak?" Tanong ni Sir Airone kay Ems. "Papunta po akong garden." Sagot ni Emily. Pinipilit niyang pigilan ang luha na nais lumabas sa mga mata niya pero bigo siya. "Napagd-desisyonan ko po na umakyat muna k-kasi nandun po yung draft ko. Tapos p-paglabas k-ko p-po h-hinawakan na po k-ko ng m-mahigpit sa braso tapos p-pinaluhod s-sa h-harap n-ni A-ana." Hindi na matuloy ni Emily yung sinasabi niya dahil sa sobrang paghikbi. "S-sinampal p-po a-ako n-ni A-ana. Tas sabi niya "akin lang si Ken." Tapos po sinampal niya ulit ako ng napakalakas. Binitawan po ko ng dalawang kasama ni Ana. Aalis na po sana ako pero may tatlo pa pong babae na mga kaklase ni Ana na ininsulto ako." Sagot ni Emiky habang humihikbi. Lumabas muna si Sandra para bumili ng makakain ni Emily ng may humila sa kanya. "Kamusta si Ems?" Tanong ni Ken. Sinampal ito ni Sandra na napakalakas. "Matapos ng ginawa ng fianceè mo sa kanya tatanongin mo siya kung kumusta?! Tanga ka ba?!" Sigaw ni Sandra kay Ken. "Pasensya na sa ginawa ni Ana. Gusto ko lang malaman kung kamusta yung prinsesa ko. Inaayos ko na 'tong gulo na ito." Sagot ni Ken. "Inaayos? Bakit kailangan masaktan ng kaibigan namin?" Singit ni Ivan. "Bakit kailangan siyang pagtulungan ng ganon ha Ken?" Dagdag pa ni Ivan. "Hindi ko naman alam na ginalaw pa niya si Ems pagkatapos nung announcement ng kasal namin." Sagot ni Ken. "Teka, matanong nga kita. Bakit mo niligawan si Ems kung ikakasal ka na pala?" Sagot ni Sandra. "Maniwala ka man o hindi Sandra si Emily lang sineryoso ko. Yung iba hindi. Mahal ko si Emily kaya di ko sinabing ikakasal na ako. Hindi ko sinabing ikakasal na kami ni Ana." Sagot ni Ken. "Mahal mo pero nagawa mong itago." Sagot ni Sandra. "Mahal mo pero nagawa mong lokohin." Sagot naman ni Ivan. "Alam mo Ken nadidisappoint ako sayo. Sinaktan mo kaibigan ko. Hindi ko na alam kung kaya pa namin ipagkatiwala sayo yung kaibigan namin sa ngayon." Sagot ni Sandra. "Bakit? Ano ba nangyari sa kanya?" Tanong ni Ken. "Dadalin sa hospital si Emily ngayon. Ipapacheck up kung may iba pa siyang sakit. Namumutla eh." Sagot ni Ivan. Tinalikuran na nila si Ken at pumunta na ng canteen.
Emily's POV
Wala naman akong ginagawang masama. Minahal ko lang naman si Ken. Bakit kailangan ko pa masaktan? Hindi naman na ata makatarungan ito. Hindi ko naman deserve ang masaktan. Hindi naman requirement sa pagmamahal ang masaktan physically. Alam kong emotionally kasama yun. Pero physacally? Tapos ibang tao. Hindi naman tama yun. Hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko tapos sasaktan lang ako ni Ana. Galit na galit panigurado si Mommy. Kausap ngayon ni Mommy si Sir Airone eh. Si Tita Mhel naman inaasikaso ang paglipat ko sa hospital. OA naman nila. Hayst ano pa nga bang magagawa ko? Baka nga dehydrated na ako eh. Bahala na. Wala namang mag aalala sakin kundi sila Andy. Pamilya ko. Hindi na ako umaasang iisipin pa ako ni Ken. Kinuha ni Lean ang mga gamit ko. Hinahanda na nila ko para iconfine sa hospital. "Ok na Ems." Ani Mommy. Kumalma na rin ang pakiramdam ko kanina pa. Nilipat na ko sa stretcher. Sabi ko kaya ko naman maglakad pero sabi nila wag na lang kaya nilagay na nila ko sa stretcher. Pinikit ko na lang yung mata ko nung binuhat na ako para hindi ako mapansin ng mga estudyante. Nararamdaman ko yung mga tingin nila pero pinabayaan ko na lang. Ng maisakay na ako sa ambulansya ng eskwelahan ay nagbilin sakin si Mommy na sa hospital na lang daw kami magkita dahil sasakay siya sa kotse ni Tita Mhel. Pumayag naman ako dahil kasama na rin sila Sandra. Nahihilo ako ng umandar yung ambulansya kaya nakatulog ako sa biyahe. Nagising ako sa amoy ng gamot. May nakakabit na sa aking dextrose. Sila Sandra ang nagbabantay sa akin. Hindi ko alam kung nasaan sila Mommy. "Nasaan si Mommy?" Tanong ko sa kanila. "Umuwi saglit para kumuha ng mga gamit mo. Sabi ng mommy mo hindi ka daw muna uuwi sa dorm pagkalabas mo dito." Sagot ni Sandra. "Bakit daw?" Sagot ko. "You have anemia. Hindi ka namin mababantayan kaya uuwi ka muna sa inyo." Sagot ni Andy. Oh kaya pala. Matagal ko na 'tong nararamdaman di lang ako nagsasalita. Ayoko nang makdagdag pa sa isipin nila. Inaalagaan na nila si Nanay aalagaan pa nila ko. Ngmakabalik sila Mommy ay may dala na itong mga gamit. "Hinatid lang ako ni Ate Mhel dito dahil walang magbabantay sayo." Aniya. "Tita uwi na po kami. Late na rin po eh." Paalam ni Sandra. "Ah sige." Sagot ni Mommy. "Magpagaling ka ah. See you sa school." Paalam niya sabay beso sa akin. "Oo. See you din." Sagot ko. "Magpagaling ka. Gaganti pa tayo!" Paalam naman ni Lean. "HAHAHAHAHA. Oo." Sagot ko. "Get well soon!" Paalam ni Andy. "Yes sirr!" Sagot ko. "Magpagaling ka ah. Sasapakin ko na si Ken para sayo." Paalam naman ni Ivan. Hinalikan niya lang ako sa noo at lumabas na. Grabe yung tingin ni Sandra sakin. "Huy! Chill! Ano ka ba? Boy bestfriend ko lang si Ivan." Saad ko. "Joke lang!! Alam ko yun syempre!" Sagot ni Sandra. "HAHAHAHAH. Umalis na nga kayo! Kitakits na lang sa school!" Sagot ko. Nagsilabas na sila ng kwarto. "Huy Ems! Bagay kayo ni Ivan ah." Asar ni Mommy. "Mommy friends lang po kami ni Ivan. Ang issue mo po Mi. Si Sandra po yung nililigawan niya." Sagot ko. "Oh sige na. Kumain ka na. Bumili kong jollibee." Sagot niya. Inayos niya sa isang lamesang may gulong yung jollibee at inilapit sa akin. Magana akong kumain dahil kaunti lang ang kinain kong lunch. Matapos kumain ay nag cellphone ako para alamin kung nakauwi na ba sila.
Me:
Nakauwi na ba kayo? Lock niyo yung pinto bago matulog ah. Pati yung mga lock ng kwarto niyo. Ingat! See you sa school!❤️
Sandra:
Yes! Pagaling ka! Love youuu!!😘
Andy:
Get well soon.. Good nighttt!
Ivan:
Pagaling ka! Wag mo na siya isipin lalo ka lang magkakasakit.
Me:
Ha? Sino bang iisipin?
Andy:
Ehem! @Ken! Ehem!
Ken:
Get well soon. Sana di ka galit.
Sandra:
Call bukas lunch.
Me:
Oki!
Sineen ko na lang yung message ni Ken dahil ayoko magreply. Di ko pa alam sasabihin ko sa mokong na yun. Ayokong magsalita na nasasaktan ako kasi di ko alam sasabihin ko. Nakatulog na ako. Nagising ako sa ingay ng kwarto ko. Nandito si Rose pati si Renz tapos si Kuya Mike. "Ate!" Bati ni Rose. "Hello. Kamusta? Magkikita na nga lang tayo dito pa sa hospital. HAHAHAHA. Sorry." Sagot ko. "Ok lang. Ml tayo!" Sagot niya. "Hoy Rose! Nasa hospital ka. Malag!" Singit ni Kuya Mike. "Isang round lang. May call kasi kami ng mga classmates ko." Sagot ko. 11:40 kasi ang lunch namin. Nagsimula na kaming maglaro ni Rose. Di rin kami nanalo dahil nga malag. Pinahiram sakin ni Tita Mhel yung pocket wifi niya para daw mabuksan ko yung account ko sa school web site. Hindi rin naman sila nagtagal at umalis din. Kaya inintay ko na lang si Mommy. Tumatawag na sila. "Heyyy guyssss!!! Miss youu naaa!" Masiglang bati ko. Agad din namang na turn off yung mood ko dahil nakita ko sa camera si Ken. Deretso ang tingin kila Andy. Iniisip siguro kung bakit nagkakaingay ang table nila. "Huy! Ems!" Tawag ni Andy sakin. "H-ha?" Sagot ko. "Ah kaya naman pala. Lipat tayo garden guys! Nasstress si Emily dito eh!" Medyo malakas na ani ni Lean. Malapit lang si Ken sa table nila kaya napabaling na lang ito sa phone niya. Ng nasa garden na sila ay naupo sila sa spot naming magkakaibigan. "So kamusta ka na?" Tanong ni Ivan. "Ayun. Bored ako dito. Puro cellphone. Parang ang bagal ng oras. Ay oo nga pala Andy. Padala nung laptop ko. Di ko kasi alam kung kailan ako lalabas." Sagot ko. "Ok. Punta kami jan mamaya. After class." Sagot niya. Nakalaptop ata sila kaya hindi na kailangan maghiwa-hiwalay pa ng phone. "Send niyo sakin yung lesson ah. Or dalin niyo yung notebook niyo. Nandito yung gamit ko sa school remember?" Bilin ko. "Ay sige. Sabay-sabay na tayo gumawa ng homework diyan." Sagot ni Sandra. "May kwento ko." Singit ni Zoe. "Narinig kong usap-usapan ng mga taga section one yung love triangle niyo. Sabi nila dapat daw sayo yun dahil di daw kayo bagay ni Ken. Masyado ka daw feelingera." Dagdag pa niya. "Kapag may narinig kayong ganun wag niyo na lang patulan. Baka mapahamak kayo. Mga wala lang magawa kaya ganun maka react." Sagot ko. "Oh ano resulta ng test mo?" Tanong ni Ivan. "Masyado daw mababa red blood cells ko dahil sa pagpupuyat at pagsskip ng meals. Kaya 1 month ako sa bahay namin. Sa school na lang tayo magkikita palagi." Sagot ko. "Sinapak ko na si Ken para sayo." Sagot ni Ivan. "Ha?! Bakit?!" Sagot ko. "Joke lang! Bawal manakit ng animals makukulong ako HAHAHAHAHA!" Sagot naman niya. "Mahirap math natin Lean?" Tanong ko. "Mamaya. Turuan ka namin." Sagot niya. "Eh anong kaganapan jan sa school?" Maya-maya'y tanong ko. Nagkatinginan sila na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba o hindi. "Wala naman. Pinagsasabihan lang namin yung mga kung ano sinasabi tungkol sayo." Sagot ni Lean. "Hay nako. Hayaan mo sila Emily. Kami ang resbak mo." Sagot ni Sandra. Pumasok si Mommy ng kwarto. "Oh nasan si Kuya Mike?" Tanong niya. "Umuwi na may deliver pa." Sagot ko. "Oh sino yang kausap mo?" Tanong niya. "Sila Sandra Mi." Sagot ko. Hinarap ko sa kanya ang phone at kumaway siya. "Oh sige na. Matatapos na yung lunch niyo at ako naman ang maglulunch. Ingat kayo jannn! Love youuu alll!!!!" Paalam ko. "Byeee Ems! See you laterrr!" Sagot nila. Tumango lang ako at binaba na ang tawag. "Ano lunch Mi?" Tanong ko. "Ano pa ba? Ede yung favorite mong ginataang langka!" Sagot niya. "Wow! Ihain na yan!" Sagot ko. Hinainan niya ako ng langka at maraming kanin. Magana kong kumain dahil pagkatapos ko kumain paniguradong may papasok na nurse para magpainom ng gamot na pampataas ng dugo. Hindi nga ako nagkamali at may pumasok na na nurse. Nilapag lang sa bed side table yung gamot at umalis na. Kinuha ko yung gamot at ininom na. Meron atang pampatulog 'to kaya inantok ako. Nagising ako sa tawanan sa paligid ko. "Ano ba?! Ingay niyo naman!" Asik ko. "HAHAHAAHHA! Pikon kasi 'tong si Sandra." Sagot ni Lean. "Nasan si Zoe?" Tanong ko. "Tapos si Andy." Dagdag ko pa. "Nandun sa school. Di daw sila makakasama dahil ichecheck daw nila yung locker mo. Baka may nag iwan sa locker mo ng kung ano ano." Sagot ni Sandra. "Ah. Ano yung lesson? Turuan niyo ko bili!" Sagot ko. Nilabas nila yung mga gamit ko. Tinuruan nila ko at ginawa ko yung mga assignment na itinuro nila. Matapos nun ay umuwi na rin sila. Bumubuti na rin ang katawan ko. Siguro pwede na akong lumabas bukas. Lumalaki rin kasi yung bill ko. Ng magdinner ay ganun pa rin ang routine namin. Iinom ako ng gamot na pampataas ng dugo para tumaas yung red blood cells ko. Natutulog ako ng may naramdaman akong humalik sa noo ko. Nagising ako sa amoy ng bulaklak. "Oh Mi. Bakit bouquet dito?" Tanong ko. "Ewan ko.Dinala lang yan ng nurse dito eh. Sabi niya may nag iwan daw sa nurse station." Sagot niya. Kinuha ko yung bouquet. May bulaklak at may chocolates. May nakalagay lang na get well soon. Tapos walang nakalagay na kung sino nagbigay. "Dumating po ba sila Andy?" Tanong ko. "Anak 6:30 na 7:00 pasok niyo sa tingin mo makakadaan pa sila dito? Tsaka kung kila Andy galing yan sila magbibigay sayo hindi yung nurse." Sagot niya. "Sabihan mo sila Andy na lalabas na tayo mamaya kasi baka puntahan ka nila dito eh wala ka naman na." Dagdag pa niya. "Sige po. Mamaya na lang. Matutulog na muna ko ulit." Sagot ko. Tumango lang siya at bumalik sa paglalap top dahil may report ata siyang ginagawa. Sino kaya yun? Baka sila sila lang rin tapos kinontsaba nila si Mommy.
Sandra's POV
Nagsisimula na ang math class namin ng may kumatok. "Good morning Sir. Sorry I'm late." Bati ni Ken. Mukhang napuyat nanaman kakalaro 'to. Dati di naman 'to palaging late. Nitong week lang na 'to. Tapos palaging tulala sa klase. Pag tinatawag mg teacher tutulalaan niya lang. Ito ba epekto ng ikakasal na? Nagiging lutang? Ever since nalaman niyang nahospital si Emily after nung incident naging ganyan na yung habit niya. Palaging late, puyat, tahimik. Hindi siya ganyan nung kami yung magkakasama. Masaya siya. Ngayon yung gloom nung mata niya wala na. Noon yung mga mata niya laging may energy. Tapos sinisinghalan niya palagi yung mga tao. Parang nagbalik yung dating Ken na galit sa mundo. Yung Ken na patapon yung buhay. Cold siya sa lahat even sa amin. Kay Ana lang di siya cold. Sweet siya kay Ana. Yung gestures niya dati na kay Emily ginagawa, kay Ana niya na ginagawa. Umupo siya sa tabi ko at dumukdok na sa upuan niya. Nagkatinginan kami nila Andy. Nagkibit balikat lang ako at nakinig sa sinasabi ng guro. Ng matapos ang subject ay pinapila kami ng computer teacher namin dahil sa computer lab ito magdidiscuss. Kinalabit ko na si Ken dahil buong subject ay tulog siya at tumayo na ko para sumunod sa mga nakapila sa labas pero hinablot niya yung pulsuhan ko kaya di ako makaalis. "Ken ano ba!" Asik ko. "Kamusta si Emily?" Tanong niya. "Nababaliw ka na ba?! Nilalandi mo si Ana tapos tatanungin mo si Emily kung kamusta! Malamang di okay! Malamang nasasaktan! Pagsabihan mo nga si Ana na tigilan na yung paglalagay ng mga sulat sa locker ni Emily na puno lang naman ng pang iinsulto! Nasasaktan kami para sa kaibigan namin! Napapagod na yun kakaintindi sayo! Hindi niya lang sinasabi! Alam mo umaasa pa rin siya. Umaasa pa rin siya na sana iniisip mo siya. Kahapon tinatanong niya kung anong nangyari dito sa school di na lang namin sinasabi yung mga pang iinsulto sa locker niya. Tapos last time may nagvandall sa locker niya. Tama ba yon?! Nasa hospital na nga si Emily di pa ba sapat kay Ana yon?! To tell you frankly Emily has anemia. At kasalanan mo yon! Kasi kung sinabi mo at hindi mo na ginulo yung buhay niya edi sana di niya pinabayaan yung sarili niya! Sana di siya na insecure! Kaya siya nagka anemia kakaiyak! Kakaisip kung ano yung kulang sa kanya! Kung bakit di mo sinabi sa kanya!" Sagot ko at tinalikuran siya. "Sandra! Wait!" Aniya. Di ko na siya nilingon at sumunod na sa mga kaklase ko na nauna sa computer lab. Matapos ng klase ay nagrecess na kami. Inaantay namin sila Ivan sa labas ng room nila. Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil lumabas na rin sila. May dalang flowers si Ivan. "Flowers for you." Aniya habang inaabot sa akin yung bouquet. Yung puso ko parang gusto lumabas sa ribcage ko. Vinivideo pa ni Lean yung pagkatulala ko. "T-thank you." Sagot ko sabay yakap sa kanya. Hinalikan niya naman ang tuktok ng ulo ko. "I hope you like it. Ayokong nag sasana all ka kapag binibigyan ng mga ganyan si Ems eh." Sagot niya. "Oo nagustuhan ko." Sagot ko. "Tama na po yan. Pay some respect to the single people out there." Ani naman ni Andy. Naghiwalay na kami sa pagkakayakap at naglakad na papunta sa canteen. Ng nasa canteen na kami si Ivan na nag umorder para sa aming lahat. Ng makabalik siya ay nagsimula na kaming kumain. "Uy Sands! Bakit late ka kaninang computer time?" Tanong ni Andy. "May nangyari. Di ko na napigilan yung sarili ko." Sagot ko. "Anong nangyari?" Tanong ni Ivan. "Pinikon ako ni Ken kanina. Kinakamusta si Emily habang siya nandun nakikipag landian kay Ana. Baliw ba siya? O sadyang malakas lang trip niya. Ede dineretso ko siya. Sinabi ko nagkasakit si Emily kakaisip sa kanya." Sagot ko. "Talaga mga namang gago eh. Talaga nga naman! Hindi niya sinabing naka fixed marriage pala siya tapos siya 'tong may lakas ng loob mangamusta eh siya yung dahilan kung bakit naipasok ng hospital si Emily." Sagot ni Ivan. "Alam niyo tama lang na niligawan ka ni Ivan Sandra. Kasi parehas kayong OA pagdating kay Ems!" Ani ni Andy. Bigla tuloy akong namula dahil sa hiya. Nagring ang phone ko. Si Ems ang tumatawag. "Hello? Ems" Sagot ko. Niloud speaker ko para naririnig nila. "Kasama mo sila?" Tanong niya. "Oo. Bumati nga kayo. Naka loud speaker ka." Sagot ko. "Hi Ems! Get well soon!" Bati nila. "Sus! Get well soon nanaman? Eh diba kayo yung nagdala ng flowers and chocolates dito?" Sagot niya. "Ha?" Sagot naming lahat. "Kayo yung may dala ng flowers at chocolates na nasa bed side table ko." Sagot niya. "Wala ah! Ano ba yung nakalagay sa flowers?" Tanong ni Andy. "Get well soon. Printed." Sagot niya. "Adik ka ba?! Wala naman kaming pinadala diyang flowers. Tsaka bakit pa namin iaanonymous kung pwede naman naming ibigay sayo personally." Sagot ni Ivan. "Ems yan ba epekto ng dextrose at mga gamot na pinapainom sayo? To the point na inaakala mo nang pinagtitripan ka namin." Sagot ni Lean. "Pinoprotektahan ka nga naming wag masaktan sa mga tao d'yan sa tabi tabi tapos magpapadala kami ng alam naming iisipin mong siya." Sagot ni Zoe. "Hindi ako nakipag bakbakan ng bibig para umasa ka nanaman sa kanya." Sagot ko. "Oo na chill. Baka mga pinsan ko lang yung nagbigay. Oo nga pala. Nasa bahay na ko. Wag na kayo pumunta ng hospital. Papasok na ko bukas." Sagot niya. "Ano?! Baliw ka na din ba?! Kagagaling mo lang sa hospital tapos papasok ka na. Hindi! Magpahinga ka diyan." Sagot ko. "Kinausap ko naman na si Mommy tungkol dito. Nakakaburyong sa hospital. Tapos ikukulong niyo pa ko sa bahay!" Sagot niya. "Okay. We'll let you go to school tomorrow just wear face mask. And close your eyes when you saw something it could hurt you." Sagot ni Andy. "At wag mong papansinin yung mga ulol na kung ano ano sinasabi sayo." Dagdag ko. "Okay okay. Chill. Sige na. Sige na. Baba ko na 'to at kakain na kong lunch." Sagot niya. "Antayin ka namin sa gate ah!" Pahabol ni Ivan. "Okk. Byeee!" Sagot niya tsaka ibinaba ang tawag. "Kailangan bantayan natin siya. Di na natin siya pwedeng hayaan mag isa dahil baka mapagtripan siya nung kampo ni Ana. Ayoko na ng sinasaktan yung kaibigan natin. She's already full and numb." Ani ni Ivan ng maibaba ang tawag. "Hindi naman natin siya kontrolado syempre. Kilala naman natin si Emily. Pag mahal niya mahal niya. Kita mo nang sinasaktan siya pero di siya nagsasalita. Kasi nga sabi niya parte yun ng pagmamahal. Nandito lang tayo para maprevent na masaktan siya physically." Sagot ni Andy. "All we could do now is to prevent physical and verbal bullying. As much as possible iiwas natin siya sa mga toxic na tao. Wag na natin sa kanya sabihin yung ginagawa ng ex manliligaw niya." Sagot ni Lean. "Basta if something happens puntahan niyo lang ako sa opisina ko dahil marami akong ginagawa." Sagot naman ni Zoe. "Tara sa garden. Ayoko dito crowded." Aya ni Andy ng matapos kaming kumain. Tumayo na kami at naglakad na papuntang garden. Ng makarating kami dun natanaw namin na magkayakap si Ken at Ana. Parang namumugto yung mata. Sino naman iniiyakan ng mokong na 'to? "Uy di niyo sinabing may naglalampungan dito." Ani Lean samin. "Shhh! Yaan mo sila." Saway ni Andy. Nagpunta na lang kami sa favorite spot namin. Dun lang kami nagpalipas ng lunch.
Emily's POV
Hay nako. Parang huling kain ko na kanina. Sobrang nag alala silang lahat kaya pinakain ako ng sobra sobra. Nag usap na kami ni Mommy tungkol sa gagawin ko kapag bumalik na ko sa dorm. Di ko alam kung ilang araw ako magtatagal sa bahay. Nanunuod lang ako dito ng k drama tapos hinahatiran ng snacks. Ayaw daw nilang naglalabas ako dahil kakalabas ko lang ng hospital. Kaya makakatapos ata ako ng isang k drama dito. Ng gumabi na ay bumaba na ako dahil kakain na. "Ano Ems? Kamusta?" Bati ni Kuya Mark. Oh nandito nanaman 'tong tukmol na 'to. Wala bang trabaho 'to? "Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Kuya Mark. "Wala. Just checkin' on you. Alam mo namang kahit may pamilya na ko gusto ko pa rin nakikitang okay ka." Sagot niya. Napangiti na lang ako at umupo na. "Kamusta ka na Emily?" Tanong ni Nanay. Lumapit ako sa kaliwang tenga niya. "Okay naman po. Maayos na." Sagot ko. Nagkaroon kami ng conversation na pamilya. Nakakamiss din yung ganito. Hindi kasi palaging okay dito sa bahay eh. Minsan hindi sila nagkakaunawaan minsan naman ok lang. Matapos ng dinner ay uminom na ako ng gamot na pampataas ng dugo. Hayst bukas haharapin ko na yung harapang pang iinsulto ng mga kaibigan ni Ana. Pero alam ko namang di papayag sila Andy na madehado ko. At tsaka kung mahal ako ni Ken hindi niya ito gagawin. Pero nagawa niya na eh. That means pampalipas oras niya lang ako. Pero kahit anong saksak ko sa utak ko na hindi niya talaga ko mahal ay bumabalik pa rin ako sa thought na baka napilitan lang siya baka ako talaga yung mahal niya. Nasa isip ko pa rin yung thought na yun. Ni hindi niya nga naisip na imessage ako kung ok lang ba ko or ano. Basta ang huling pag uusap namin ay yung get well soon sana di ka galit. Gusto ko magalit sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya pa ko niligawan kung hindi naman pwede. Kung bakit kailangan niyang guluhin yung nanahimik kong buhay. "Anak!" Tawag sakin ni Mommy. "Bakit Mi?" Sagot ko. "Si Ken nanaman ba iniisip mo? Wag mo na nga isipin yon. Hayaan mo siya. Wag mo nang habulin. Hindi ka aso." Sagot niya. "Hindi ikaw yung nawalan Ems. Siya yung nawalan. Tignan mo one of these days babalik yan sayo kasi nakita niya na yung halaga mo." Sagot naman ni Kuya Mark. "Akyat na po ako. Good night!" Paalam ko at umakyat na sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang mga artificial stars sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko kung bakit ganon? Hindi ba ako deserving na malaman na ikakasal na siya. Ganon na ba kahirap magsabi sa akin ng totoo? Bakit kailangan ko maranasan ito? Karapat dapat ba kong masaktan ng ganito? Nagmahal lang naman ako eh. Minahal ko lang naman si Ken. Nanalangin ako sandali at natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top