CHAPTER 20:COTILLION

Emily's POV
Buong biyahe papuntang school puro bilin ang naririnig ko kay Kuya Mark. Parang tatay ko putek. Puro tango lang ang sagot ko. "Bawal liquor ah. Minor ka pa. Bawal uminom." Istriktong bilin niya. "Oo Kuya. Wine wine lang yung pinapainom sa prom." Sagot ko. "Good. Mabuti nang nasabihan kita para di ka mapahamak. Galingan mo sa cotillion niyo. Privilege mo na makasali sa cotillion. Di lahat napipili." Sagot niya. "Syempre Kuya Mark." Sagot ko. Pinasok niya yung kotse hanggang sa quadrangle. Dun binababa yung mga estudyante. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng dumating. Agad na nakatawag ng pansin yung BMW sports car na huminto. Napatingin din ako dun. Iniisip ko kung sino ang bababa mula dun. Mukhang isa sa mayayamang estudyante 'to. High class din kasi ang school na ito. May scholarship ako kaya kalahati lang yung binabayaran ko. Ganun din si Sandra, Lean at Zoe. Si Andy middle class siya kaya afford niya na walang scholarship. Nagulat ako ng si Ken ang bumaba dito at kasama niya si Ana. Nakakapit ito sa braso ni Ken at ngumingiti sa mga bumabati sa kanila. Napansin kong may parang engagement ring si Ana sa ring finger niya sa kanan. Wow aga namang ikasal ng malandi na 'to. Kanino kaya? Alam ko anak siya ng isang mayamang business man. Di ko alam kung anong company yung hawak nila. Ang alam ko lang anak siya ng isang business man. Wala na akong pakialam kung anak man siya ng presidente ng Pilipinas. Si Ken naman hindi siya nagkwekwento about sa family niya pati na rin si Kuya Kenneth at mga pinsan niya. Siguro mayaman din sila katulad ni Ana kasi naka BMW sports car eh. Naglakad na lang ako at pinagsawalang bahala yung nakikita ko. Pumasok na ko sa events hall. Nakita ko si Lean na nakasuot ng off shoulder red gown na may telang parang sa infinity dress. Napaka ganda niya. "Uy Lean!" Tawag ko sa kanya. "Ems! Ganda mo naman!" Bati niya pabalik. "Aba aba. Ganda ng bestfriend ko ah!" Bati naman ni Ivan. Naka blue tuxedo siya. "Syempre. Gusto ko magandahan sa akin si Ken." Sagot ko na pinagsawalang bahala ang nakita kanina. "You look beautiful Ems." Bati naman ni Andy. Naka light blue glittery tube gown siya. Nababagay talaga sa itsura niya. Naka bun ang buhok niya na may curls sa dulo. "Uy dumating na pala ang prom queen." Bati naman ni Sandra. Blue glittery off shoulder gown naman ang sa kanya. Coincidence pa na kashade ng tuxedo ni Ivan. "Uy dumating na ang mais." Pang aasar ni Ivan. "Ay kaya naman pala malamig kasi may Yelo!" Sagot niya. Totoo ngang may kaunting lamig dito. "Ganda naman ng prinsesa ko!" Bati naman ni Ken. Naka lavender na tuxedo siya kakulay ng sakin. Parang pinagusapan ang isusuot namin. "Alam niyo para kayong ikakasal." Singit naman ni Zoe. Naka pink tube gown siya na may design na puti sa laylayan. Bagay na bagay sa kanya. "HAHAHAHAH. Advance mo naman mag isip Zoe. Tsaka kung ikakasal ako di sa mais na 'to noh!" Sagot naman ni Ivan. "Ay ako ok na ko kay Ken." Sagot ko. Wala namang imik si Ken na nasa tabi ko. "Basta kinasal kayo ako wedding organizer ah!" Singit naman ni Lean. "Hey! Tigilan niyo nga yan! Grade nine pa lang tayo kasal na usapan niyo! We're just teens." Singit naman ni Andy. "Tayo oo teens. Si Ken hindi na. May drivers license na nga ata yan eh." Sagot ko. "Oo meron na. Gusto mo pagdrive pa kita eh." Sagot niya naman. "As if namang papayagan ako ng magulang ko noh!" Sagot ko. "Whats sup!" Bati naman ni Kate. Ang ganda ng suot niya na red tube gown na may simpleng design sa bandang beywang. Kakulay ng kay Lean. "You look beautiful  Lean." Bati niya kay Lean. "Thank you." Sagot ni Lean. Mukhang may namamagitan sa dalawa na ito pero di lang umaamin. "Sana all beautiful." Pagbasag ni Zoe sa katahimikan. "HAHAHAHAHA. Mag attendance na tayo ng di na pipila." Sagot ko. Dumidilim na rin kaya nagsisimula nang magsipasukan ang mga estudyante sa venue. Pumirma lang ako at nagsuot na ng mask dahil nasa looob na. Madilim na ang buong events hall. Handang handa na para sa party. Hindi ko na nakita sila Andy. Nagkahiwalay -hiwalay kami nung pumirma ng attendance. Dumeretso na ko backstage dahil alam kong after ng welcome remarks ay cotillion na. Si Ivan out of nowhere nanaman. Baka di pa 'to makasipot ah. Ayoko naman ng ganun. Jusko first dance ko 'to sa highschool life ko. Sana makisama si Tadhana kahit di si Ken ang kasayaw ko.

Andy's POV
Our plan is to spill some juice stain on Ivan's tux so that Ken can be the first dance of Emily. I knew that Ken will not have the privelege to dance with Emily because of his private reasons. I think its about his family's wealth. I saw him wearing a designer shoes and riding a BMW sports car with Ana. I think they are somehow connected. Nung pumunta sa mga tables nila sila nakisabay na rin ako pero hinahanap ng mata ko si Ivan. Sinuot ko yung mask ko at lumapit sa table na may mga pagkain. Nagsalin ako ng juice sa baso ng makita ko siya ay agad ko siyang sinadyang bungguin at itapon sa kanya yung juice na sinalin ko. "Sorry." Ani ko. "Shit! Magsisimula na yung cotillion!" Nag aalalang aniya. Agad agad siyang umalis ko at pumunta sa cr. Chinat ko na si Ken.

Me:
Mission accomplished. Good luck😉

Ken:
Thanks😊

Bumalik na ako sa table namin. "Oh san ka galing?" Tanong ni Sandra. "Ah sa buffet table tiningnan ko yung mga pagkain." Pagsisinungaling ko. "Ah ok." Sagot niya. Mas naging dim ang lights nung pinapakilala na ng host yung partners sa cotillion. Kinakabahan ako para kay Ken kahit na alam niya naman yung steps. Huling tinawag ng host ang pangalan ni Emily at Ivan. "Ms. Emily Savvanah Howards and Mr. Ivan Daniel." Aniya pero wala pa ring lumalabas.

Emily's POV
Shet! Ala pa si Ivan. Tinatawag na kami. Palinga-linga ako dahil baka nandyan lang siya sa gilid gilid. "Emily Savvanah Howards and Ivan Daniel?" Ulit nung host. "Shit! Yung partner ko. Myghad!" Nag aalalang bulong ko. Tinatawagan ko na yung phone niya pero cannot be reached. "Can I be your partner tonight Miss Howards?" Ani ni Ken. "Ken?" Sagot ko. "Ayaw mo ata eh." Sagot niya. "Hindi. Tara na. Wala na tayong time para magdaldalan pa dito." Sagot ko kahit di ko na alam gagawin ko. Agad na kaming lumabas at pumwesto sa gitna dahil sa rehearsal kami ni Ivan ang ginitna ng dance coach. Nagsimula nang patugtugin yung kanta. Naghawak kami ng kamay. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Habang nagssway kami magkakatitigan kami. I see joy in his eyes even though he wears mask. Ang saya nung mata niya. Parang ngayon lang siya nakaramdam ng ganung kasiyahan. "Sorry may ginawa ako." Bulong niya habang nagsasayaw kami. "Ano?" Tanong ko. Agad naman akong kinabahan sa lalaki na 'to. "Planado 'to. Kasabwat ko si Andy. Tinapunan niya ng juice yung damit ni Ivan. Don't worry. Matatanggal katorpehan nun after this." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Bakit? Sinet niyo ba siya ng date kay Sandra?" Bulong ko. "Maybe? Basta paniguradong may gagawin si Sandra after this." Sagot niya. Ano kaya ang pumasok sa kukote ng lalaking 'to at naisipan niyang gawin yun kay Ivan? Siguro masyadong patay na patay sakin 'to. Ng matapos ang sayaw ay umexit na kami. Nagpunta na ko sa table na assigned sa akin. Mabuti't kami kami lang din nila Andy ang nasa table. Si Ken lang ang nabukod dahil kasama niya yung mga kaibigan niya mula first section. Inabutan ko si Sandra na pinupunasan yung stain sa damit ni Ivan. "Ayieeee! Mais con Yelo couple in the house!!!" Bati ko. "Yieeee! Kely in the house!" Bati naman ni Ivan. "Paano mo nalaman?" Sagot ko. "Nakabisado ko yung damit ni Andy kaya alam kong siya yung nagtapon ng juice sakin." Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Sorry. Malakas topak ng manliligaw ko kaya ganun eh." Sagot ko. "Sana all may manliligaw." Singit naman ni Lean. "Calling the attention of Katelyn Blackwind Red? Nagpaparinig dito si Lean." Sagot ko. Nasa kabilang table si Kate at isang table ang pagitan namin ni Ken. "Huy! Wag ka nga maingay diyan. Alam mo namang naglipana yung mga cctv ni Ana eh!" Sagot niya. "Ay sorry." Sagot ko. Nakinig na lang kami speaker dahil pinakilala na siya. About sa different types of love ang sinasabi niya. Tahimik ang lahat paminsan minsa'y tumatawa kapag nagpapatawa yung host. Ng oras na para kumain ay sabay sabay kami nila Andy na kumuha ng pagkain. Tahimik akong naglalakad ng may bumungo sakin mabuti't nailayo ko agad yung plato ko kaya di tumapon sa damit ko yung pagkain. Sumobra ata yung pagiwas ko kaya nabasag. Pinagtitinginan kami ng mga tao. "Oops. Sorry sadya." Ani Ana. "Ala ka talagang magawa eh ano? Porque nakasayaw ko si Ken kanina ganiyan ka na. Mukha kang tanga girl." Sagot ko. "Mali ka ng kinalaban. Hindi mapapasayo si Ken kasi sakin na siya from the start." Sagot niya. "Oh ano gagawin ko? Pahanda ba ko? Nanahimik ako eh. Dun ka pa kay Ken." Sagot ko sabay flip hair at alis sa harapan niya. Naturingang anak ng mayamang business man ganun ugali. Wala pa ngang kami ni Ken binabakuran na agad. Tsaka paano niya nasabing sa kanya na si Ken from the start? Ay ang gulo ng babae na 'to. Pinalinis na lang ng teachers yung nabasag kong plate. Napabayad pa tuloy ako ng di oras. Prom pinasok ko hindi sagutan. Kumuha na lang ulit ako ng bagong plate at tahimik na naglagay ng pasta. Tahimik akong umupo sa table namin at umarteng parang walang nangyari. "Silent Emily is out, Savage Emily is in." Pagbasag ni Ivan sa katahimikan. "HAHAHAHAHA. Nakakainis eh. Alangan namang pabayaan ko siyang ganun ganunin ako sa harap ng maraming tao." Sagot ko.  Tahimik na lang akong kumain. Abala ko sa pagkain ng dessert nang may kumalabit sakin. Nilingon ko ito at si Ken ang bumungad sakin. "Oh bakit?" Tanong ko. "Bibigay ko lang 'to sayo." Sagot niya sabay abot ng maliit na bouquet na purple roses. "Baka magselos si Ana. Muntik na ko tapunan niyan ng pagkain hano. Hindi naman sa nagsusubong ako sayo noh pero sana pagsabihan mo yung kaibigan mo. Kaibigan nga ba? O soon to be girlfriend?" Sagot ko. Sana naman bigyan niya ng limitations yung kaibigan niya kung kaibigan niya ba yun. Kasi lumalagpas na siya sa limitations ng friendship. "Oo. Pagsasabihan ko siya." Sagot niya. Ng kinuha ko sa kamay niya yung bouquet ay tumalikod na rin siya at bumalik sa table nila. Alam ko naman na nililigawan lang ako pero sana naman naisip niyang nasasaktan din ako. Sana naman naisip niya na masakit yun sa part ko.

Ken's POV
Mahihimigan mo sa boses ni Emliy na nasasaktan siya. Kahit gusto kong magsorry ay alam kong di nun masosolusyonan yung sakit na nararamdaman niya. Hindi ako naging ganito sa mga past girlfriends ko. Hindi ko inisip kailanman ang feelings nila dahil alam kong fling fling lang sila. Pero iba si Emily. Hindi hanggang fling lang ang babae na ito. Pang seryosohan. Siya yung babaeng pang altar at hindi pang fling lang. Gago ka na kapag flining mo lang siya. Oo aminado kong playboy ako pero si Emily yung nagpabago sakin. Di ko alam magagawa ko kay Ana kapag may ginawa siyang ikasisira namin. Kapag may ginawa siyang ikasasama ng image ko kay Emily. "Ana lets talk." Malamig kong ani ng bumalik ako sa table namin. "About what?" Sagot niya. "About our deal." Sagot ko. Tumayo siya at sumunod sa akin palabas ng venue. "Ano ba yun?" Panimula niya. "Edi yung ginawa mong scene kanina. Bakit ba palagi mo na lang kinakalaban si Emily? Sa tingin mo ba magiging way yun para piliin kita ha? Hindi porque gusto ka ng magulang ko para sakin at naka fix marriage tayo gaganyan ka na. Hindi pwede sa akin yan. For once Ana! Patahimikin mo lovelife ko! Di pa tayo kasal kaya manahimik ka diyan!" Sigaw ko. "Bakit? Bawal na ba? Sabi ni Tita dapat iclaim kong akin ka. Mali ba yun Ken? Mali bang iclaim kita? Matagal ko na 'tong ginagawa sa mga kafling mo di ka pa nasanay?" Sagot niya. "Iba si Emily. Hindi siya basta fling ok?! Hindi ko fling si Emily! Hindi 'to infatuation. Hindi yun basta ganun lang." Sagot ko. "Eh ano Ken?! Tapatin mo ko. Para alam ko pwesto ko sa buhay mo." Sagot niya. "Your nothing in my life. Nobody exist in my world names "Ana". Napapagod na kong umarte sa harap ng pamilya natin. Napapagod na ko magpanggap. Ayokong paasahin sila na matutuloy pa ang kasal natin." Sagot ko. Grade six pa lang kami pinagpipilitan na 'to ng mga magulang namin. Bitbit na namin 'to hanggang sa highschool. "Di ka naman ganyan dati ah. Hindi ka ganyan ka harsh sakin. Ni hindi mo nga ako kayang pagsalitaan ng ganyan." Sagot niya. "Lahat nagbabago Ana. Lahat nagiging mature. Sana ikaw din. Stop this childish act." Sagot ko. Pumasok na ulit ako ng venue. Umupo na lang ako sa pwesto ko dahil ayoko na munang ayain si Emily na magsayaw ulit.

Sandra's POV
Tahimik akong nanunuod sa mga nagsasayaw ng biglang may lumahad sa harapan ko. "Can I have you first dance?" Ani Ivan. "Weh? Baka joke lang 'to ah." Sagot ko. "Di ako nagbibiro. Seryoso ko." Sagot niya. "Sige na nga." Kunwaring napipilitang sagot ko. Inabot ko ang kamay niya at kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Parang kasayaw ko ang isang Kairon Pierce Gonzales. Sa bagay kabody frame niya naman si Kai kaso mas gwapo nga lang si Kai. Pero ang layo nila sa isa't isa. Si Ivan sakto lang yung height niya halos kasing tangkad ni Ems. Mapungay yung mata, makapal kilay basta gwapo. Habang nagssway kami napapansin kong naiilang siya. "Hoy yelo!" Tawag ko sa atensyon niya. "H-ha? May sinasabi ka ba?" Sagot niya. Tamo natulala ka na diyan sa sobrang ganda ko. Char. "Wala. Masyado ka na kasing tulala diyan." Sagot ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dumagdag pa yung romantic ambiance kaya di ko mapigilang mag imagine about wattpad. Sobrang perfect nung moment. May nahanap na ata akong living fictional character. Nagpalit na ng kanta na pang party kaya marami na ang nakikisayaw sa dance floor. Kasama na dun sila Lean at Kate. Parang mga lasing. "Ivan! Balik na tayo. Pagod na ko." Ani ko ng makabalik ako sa tapat niya.  "Sige." Sagot niya. Inalalayan niya ako paalis sa dance floor at pabalik sa table namin. Hinihingal ako ng umupo sa upuan ko. "I'll get some water. I'll be back." Paalam niya. Tumango lang ako. Bumalik na siya na may dalang dalawang baso ng tubig. Kahit papaano ay naibsan ang pagod ko. "We're sorry to interupt your romantic moment because we will announce tonights prom king and queen..." Ani ng MC. Nagsibalikan na ang mga estudyante sa mga designated tables nila. Umupo na si Lean sa table namin at si Emily. Siguro nagsayaw ulit sila ni Ken. "Ems ready mo na sarili mo. Baka ikaw yung prom queen." Bati ko. "HAHAHAHAHA. Loko. May mas maganda pa sakin. Di naman yun yung pinunta ko dito. Cotillion yung pinunta ko dito." Sagot ko. "Basta malakas pananalig ko na ikaw ang magiging prom queen." Sagot ko. "Who's your bet?!!!!" Tanong ng MC. "Emily Savvanah Howards!!!!" Sigawan ng kanan ng events hall kasama kami. "Alyiana Nicole Arthur!!!!!" Sigawan naman ng kaliwa ng events hall. Ngiting tagumpay naman ang linta habang si Emily ay tahimik lang sa upuan niya. "For the prom king. Who's your bet?!!!!" Tanong ulit ng MC. "Ivan Daniel!!!!!!" Sigawan namin."Ken Pietro!!!!" Sigawan naman ng kaliwa. Tahimik at walang reaksyon si Ken si Ivan naman ngiting nakakaloko.  Misteryosong ngiti ang binigay ng MC.

"So its Emily Savvanah vs. Alyiana Nicole and Ken Pietro vs. Ivan Daniel. Who will be this year's Prom King and Queen?" Aniya. "Before that lets welcome our special guest. Miss Moira De la Torre." Dagdag pa niya. Prestihiyoso ang paaralan namin dahil nakakapag invite sila ng celebrities. Umalis ang MC at pinalitan ito ni Miss Moira.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top