CHAPTER 2: THE NEW ONE
Emily's POV
5:00 AM in the morning. Sinisipag ako kaya maaga ako gumising. Nakapagbihis na ako ng school uniform at ready to go na. Naamoy ko kaagad yung niluluto ni Sandra pagkalabas ko ng kwarto. Pumunta ko sa kusina. "Hmmmmmm.Bango!!!" Bungad ko kay Sandra na abala sa paghalo ng sinangag. Agad niya akong hinarap. "Oi Ems! Morning. Coffee,milk or anything?" Tanong niya. "Ako na magtitimpla ng kape ko tapusin mo na ang pagluluto mo jan. Ako na rin maghahain para magising mo na sila." Sagot ko. "Okay bibilisan ko na lang ang pagluluto para maaga rin tayo sa campus." Sagot niya. Habang nagluluto siya ay hinahanda ko naman ang mga kapeng iinumin nila Zoe at Andy. Nang matapos siyang magluto ay agad akong naghain sa hapag kainan namin. "Morning Emily!!!" Masiglang bati ni Zoe. "Morning!!!" Tugon ko. "Morning Ems!" Bati naman ni Andy. "Morning Ands!" Sagot ko. Matapos naming magbatian ay nagsimula na kaming kumain. "Mabait kaya yung bago??" Tanong ni Sandra. "Syempre oo ano ka ba naman Sandra. Alangan namang magmasungit yun eh bago yun." Sagot ni Zoe. "Oo nga naman Sandra anong klaseng tanong yan??" Sagot ko. "Aba di lahat ng bago mabait malay mo yung iba pakitang tao lang o kaya ginagawa lang nila yun para maging sikat sa eskwelahan." Sagot niya. "Wag kayo mag alala kikilatisin kong mabuti yung bago kapag nagpakilala na." Sagot ko. Matapos ang usapan namin na 'yun ay sabay-sabay na kaming pumasok sa paaralann Nagkanya-kanyang pasok kami sa mga classroom at naghintay na magflag. Habang naghihintay ay kapansin-pansin ang babae sa may harap at kausap ang adviser namin. Nalate ako ng konti kaya lumapit ako kay Ivan para tanungin kung anong pangalan nung bagong estudyante. "Huy!" Tawag ko sa attention niya. Bahagya pa siyang nagulat dahil sobrang titig na titig siya sa bago na para bang kinikilatis itong mabuti. "Ano? Ginulat mo naman ako." Sagot niya. "Ano pangalan nung bago?" Tanong ko. "Ah yun ba? Si Lean." Sagot niya. Agad akong lumapit sa kanya para magpakilala. "Hi I'm Emily." Nilahad ko ang kamay ko. "Hello I'm Leanna Fedora Sawyer. Lean for short." Inabot niya ang inilahad kong kamay. "Pwede ba makipag kaibigan sayo?" Tanong ko. "Oo naman. Ikaw unang nagpakilala sakin." Sagot niya. "Anong mga interests mo?" Tanong niya sa akin. "Anything about poetry and writing. Mahilig ako magsulat ng poems." Sagot ko. "Ano yung certain topic mo kapag nagsusulat ka?" Tanong niya ulit. " Love. Always naman at isang tao lang ang paksa ko." Sagot ko. "Sino?" Tanong niya sakin. "Sabay ka sakin mamayang break para makilala mo siya." Aya ko sa kaniya. "Ay sige. Pero ok lang ba sa mga kaibigan mo?" Tanong niyang may pagaalinlangan. "Oo ok lang yun sa kanila." Sagot ko.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
"Okay class dismiss." Paalam ng teacher namin sa AP.
"Ivan sabay ka ba?" Tanong ko kay Ivan na papalabas na ng pinto. "Oo. Una na kong bumaba. Para mareserve ko na yung seats natin." Paalam niya. "Okay. Sabihin mo kila Andy may bago kong kasama ah." Bilin ko. "Okay." Sagot niya. Nagayos na kami ni Lean ng mga gamit. "Ready ka na mameet yung mga kaibigan ko?" Tanong ko. "Syempre oo. Gusto ko rin magkaroon ng mga bagong kaibigan. Kasi sa past school ko iniwan ako ng mga kaibigan ko dahil naiissue sila dahil sakin." Sa tono ng pananalita niya ay bakas ang lungkot at sakit. "Okay lang yan. Kami na lang papalit sa kanila pero di ka namin iiwan. Kasi kung tunay talaga sila bakit ka nila iniwan sa ere?" Sagot ko. "Huuuu! Wag na natin sila pag usapan nalulungkot lang ako." Sagot niya. Di na ko umimik pa dahil alam ko ang pakiramdam niya na mabully nang ang iisa dahl victim rin ako nung elementary.
Lean's POV
Hi! I'm Leanna Fedora Sawyer. 15 years old. Lumipat ako ng Franklin University dahil sumobra na ang pambubully ng mga ka school mate ko. Kaya masaya ako ngayon dahil mayroon na akong bagong mga kaibigan. "Ah guys eto si Lean. Siya yung new student ng university." Pagpapakilala ni Emily sa akin. "Hi I'm Lean. Sana makaclose ko kayo." Bati ko sa kanila. "Hello I'm Zoe vice president of the student council. Nice to meet you." Pagpapakilala ng babaeng may katamtamang taas at may buhok na hanggang balikat pero walang bangs. "Nice to meet you. I'm Andy." Pagpapakilala naman ng babaeng may brown na buhok at nakabraid. "Hello. I'm Kate." Malamig na pagpapakilala ng babaeng hanggang batok ang buhok na may seryosong mukha. "Nice to meet you. I'm Ken." Malamig na pagpapakilala ng lalaking nakajacket at halos kasingtangkad ni Emily. Kamukha ni Kate malamig din ang pakikitungo sa bago. "Lean tara order na tayo. Kayo ba guys nakaorder na kayo?" Tanong ni Emily sa kanila. "Hindi pa kami nakaorder kayo na nila Ivan ang mauna kami na lang magbabantay muna sa table." Sagot ni Sandra. "Okay. Ano sayo Zoe?" Tanong ni Emily kay Zoe. "Burger and coke." Sagot niya sabay abot ng pera. "Sayo Andy??" Kay Andy naman siya bumaling. "Burger, fries and coke." Sagot naman ni Andy. "Ikaw Sands??" Kay Sandra naman siya bumaling. "Kila Ken na lang ako sasabay sa pag order." Sagot niya. "Okay. Lean tara na." Aya niya sa akin. Sabay kaming naglakad papunta sa pila ng oorderan ng pagkain. "Oi! May something sa inyo ni Ken hano??" Tawag ko kay Emily na nasa harapan ko at nagoorder. "Ha? Wala. Pero siya ang paksa ng aking mga tula." Sagot niya. "Ahhh. Siya pala yun." Sagot ko. "Burger po tsaka bottled water." Order ko sa kahera. "Yun lang po??" Tanong ng kahera sakin. "Opo magkano po lahat??" Tanong ko. "80 po." Sagot niya. Kaya nagbayad ako ng 100 at inantay ko ang sukli. Lumakad na ako kasunod kay Emily. Tinulungan siya ni Ivan na buhatin ang mga tray ng inorder niya. Nang makabalik kami ay ang mga nakaupo naman ang umorder. Nang makabalik sila ay nasimula na kaming kumain. "Oo nga pala Lean. San ka galing na school at bakit ka lumipat?" Tanong sa akin ni Sandra. "Ah sa Gonzon University. Bullying yung case ko kaya lumipat ako ng school." Sagot ko. "Ano ba yun? Public o Private??" Tanong ni Ivan. "Semi-Private School yun. Close to public school yung itsura ng school tapos yung pamunuan pam public school." Sagot ko. "Ahh eh kamusta naman ngayon? Much better ba?" Tanong naman ni Andy. "Oo kasi naregain ko dito yung respect and bihira ang act ng bullying dito." Sagot ko. Hanggang matapos ang araw na yun ay kami ang magkakasama. "Kumuha ka ba ng dorm?" Tanong ni Zoe habang palabas kami ng building. "Oo. Di ko ka vibes yung mga ka dormates ko." Sagot ko. Napadala na daw dun ang mga gamit ko kaya di ko na kailangan umuwi ngayong araw. "Nabisita mo na ba yung dorm mo?" Tanong naman ni Emily. "Oo. Sabi ng nakausap kong teacher dun din daw nakadorm yung president ng klase natin." Sagot ko. "Ahhh. Sa susunod na school year kakausapin namin si Miss Pascual para mailipat ka ng dorm sa amin." Sagot niya. "Talaga? Nahihiya kasi ko sa kanila na makidorm kasi parang mas sanay silang mabuhay ng sila-sila lang." Sagot ko. "Kakausapin ko si Miss Pascual bago mag festival para mailipat ka na ng dorm agad." Sagot ni Zoe. "Sige salamat." Nakarating na kami sa tapat ng dorm ko. "Oh guys, pano ba yan? Dito na ko." Paalam ko sa kanila. "Ok sige. Pangatlong pinto lang kami. Samin ka na magbreakfast habang di ka pa nakakalipat ng dorm." Anyaya ni Emily. "Sige ba." Sagot ko. Tahimik lang ang pagpasok ko sa dorm dumirestso ako sa inorient sa aking kwarto. Nung mag gabi na ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta kila Emily para sumabay kumain. Naasiwa akong makasabay silang kumain dahil panigurado mga napipilitan lang ang mga iyon sa presensiya ko. "Ems! Andito si Lean." Bungad ni Sandra kay Emily na kababa lang. "Ems pwede bang dito ko magdinner? Nakakahiya kasi sumabay sa kanila. Ang saya ng usapan nila sa dining table." Paalam ko sa kanya. "Okay. Dito ka na lang samin every breakfast and dinner para di ka maout of place sa kanila. Si Zoe nang bahala sa paglipat mo." Sagot niya. Sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Masaya ang naging dinner namin. Gantong type of environment ang gusto kong kabilangan hindi yung environment na meron sa dorm namin. "Good night Lean. See you tomorrow." Paalam ni Sandra nang ihinatid ako sa pintuan ng dorm nila. Nang makabalik ako sa dorm namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Ilang minuto pa'y nakatulog na ako.
Zoe's POV
Hi! I'm Zoe Lizara Nightmare. 16 years old. Vice President ng student council ng Franklin University at professional varsity swimmer ng Franklin U. Grade 5 ako nagstart magswimming. I had 3 bronze and 2 silver back then. Nung grade 6 naman 1 bronze 2 silver 1 gold, nung grade 7 4 silver and 1 gold, nung grade 8 naman 2 silver at 3 gold at ngayong school year 1 silver at 4 na gold. Kaya nakatulong ito sa pagbabayad ng tuition fee ni Mama. "Zoe kausapin mo si Miss Pascual bukas para mailipat agad si Lean." Utos ni Emily. " Ok sige. Magmemeeting rin kami bukas tungkol sa festival next month. Kailangan maisama ko si Lean bukas para makausap niya rin si Miss Pascual at masabi niya yung problema niya sa dorm." Sagot ko. "Ok sabihin mo na lang bukas sa kanya. Puntahan niyo na lang bukas ng umaga." Sagot niya. Di nagtagal ay nagsi akyat na rin kami sa mga kwarto namin. Inayos ko yung mga gamit ko at inaral yung plano nila para sa upcoming events ng school. Late na ko natulog kaya mag eexpect na ko ng sigaw kinabukasan sa tapat ng pinto ko. "Hoy Zoe! Puyat ka nanaman! Bangon na! Breakfast na!" Hindi nga ako nagkamali dahil nagtititili na ang aming pambansang alarm clock. "Oo Sandra! Eto na!" Mabilis akong naligo at nagbihis. Nang makababa ako ay nandun na sila sa hapag kainan kasama si Lean. "Moring Zoe." Bati niya sakin. "Morning Lean. Maaga tayong papasok ngayon dahil aasikasuhin natin yung paglipat mo dito." Sagot ko. "Ok. So di tayo sasabay sa kanila papasok?" Tanong niya. "Oo kaya bilisan mo kumain jan dahil aasikasuhin pa natin ang paglipat mo." Sagot ko. "Ok." Sagot niya. Nang matapos kaming kumain ni Lean ay nagpaalam na kaming aalis na para makausap namin si Miss Pascual at di kami abutan ng flag sa pakikipag usap sa kanya. Pumunta kami sa opisina niya para makausap siya at maipasa ko na rin yung plano para sa upcoming events ng school. "Good Morning po Ma'am eto na po yung plano para sa upcoming events ng school this year. Tsaka po gusto po namin kayo na makausap tungkol sa dorm ni Lean." Bati ko sa kanya. "Good Morning din Zoe. Ano naman yung complain ni Miss Sawyer sa dorm niya?" Tanong niya sakin. "Ma'am I'm not comfortable po. Kung pwede po kila Zoe niyo na lang po ako ilipat." Sagot ni Lean. "Oh? Is that so? Sige gagawa na lang ako ng letter na pipirmahan mo tas prepresent mo sa administrative office para mabago yung dorm number sa record mo." Sagot niya. "Ok po. Babalikan na lang po namin mamayang lunch. Thank you po." Paalam ko. "Ok. Your Welcome." Sagot niya kaya lumabas na akami ng opisina niya at pumunta na sa kanya kanya naming room.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
"Ok class you may take your lunch." Paalam ng teacher namin tsaka lumabas na ng room.
"Andy mauna na kayo sa canteen. Dadaanan pa namin yung transferal letter ni Lean kay Miss Pascual." Bilin ko kay Andy. "Ok. Nasabihan mo na ba siya?" Tanong niya. "Oo kaya mauna na ko para di kami matagalan sa pag aasikaso." Paalam ko sa kanila at lumabas na ng room. "Lean! Lika na." Sigaw ko ng makitang palabas na siya ng room nila. "Ok!" Sagot niya at nagmamadali akong sinalubong. Sabay kaming naglakad papunta sa opisina ni Miss Pascual. "Good Afternoon Miss." Bati namin. "Pasok kayo. Lean eto na yung pipirmahan mo." Sagot ni Miss Pascual. Agad iton pinirmahan ni Lean at pumunta na kami sa administration office para ipasa yung letter na pinirmahahan niya. "Ngayon din po makakalipat kayo sa dorm nila Miss Zoe." Sagot nung pinagpasahan namin ng letter. "Ede mainam yun. aantayin ka na lang namin mamaya pag uwi daanan mo na yung mga gamit mo." Masayang tugon ko. "Oo nga mainam yun. Mabuti na lang at di ko pa nailalabas yung mga gamit ko. Mabilis lang akong mag aayos." Sagot niya.
Emily's POV
"Guys makakalipat na ko ngayon." Bungad ni Lean sa amin. "Talaga? Samahan ka namin sa pagkuha ng gamit mo." Sagot ni Sandra . "Mabilis ka lang naman diba?" Singit ni Andy. "Oo kasi di ko pa yun naayos sa cabinet. Konting tupi lang tapos na ako sa pag aayos. Tsaka inasahan ko na 'to nung sinabi niyo sa akin na kakausapin niyo si Miss Pascual." Sagot niya. "Advance thinker ka pala." Singit ko. "Syempre. Kaya halika na ng maayos ko na ang gamit ko." Aya niya sa amin. "Oo nga wag na tayo magkwentuhan." Aya ni Zoe. Kaya naglakad na kami pauwi sa dorm. Nang makaratingkami sa tapat ng dorm nila ay agad siyang pumasok. Halos 30 minutes kaming naghintay dahil siguro nagtiklop pa siya ng damit. "Ok ka na?" Tanong ko. "Yes tapos na ako." Sagot niya. Naglakad na kami papunta sa dorm namin. "Matutulog muna ko wala naman tayong assignment diba Lean?" Pagkumpirma ko. "Oo wala. Kami na ni Sandra bahala sa dinner. Gisingin ka na lang namin kapag ok na." Sagot niya. "Mukhang may bago na tayong chef ah!" Pang aasar ko. "HAHAAHA. Hindi tutulungan ko lang si Sandra sa pagluluto." Sagot niya. "Nga pala Lean each week nagpapalit ng taga urong. Ngayong buong week si Sandra. Next week ikaw na dahil ikaw bago." Bilin ko bago ko umakyat papasok sa kwarto. Umidlip ako at nagising ako sa isang notification sa messenger.
Boy Bestfriend kong Gwapo:
Hoy babae! Susunduin kita bukas jan sa dorm niyo. Sabay tayong pumasok.
Me:
Ok. Antayin kita...
Nang makababa ako ay handa na ang hapag kainan. Aakyat na sana si Sandra para gisingin ako pero nang masilayan niya akong pababa ng hagdan ay bumalik na siya. "Ano ulam?" Tanong ko. "Adobo." Sagot ni Zoe. Di na ko umimik pa at umupo na sa pwesto ko para makapagsimula nang kumain. Masayang natapos ang araw namin dahil nadagdagan ang tao sa dorm. "Good night guys! Sweet dreams." Sigaw ko bago isarado ang pinto. Nagkakasiyahan pa sila sa baba pero ako'y inantok na kaya umakyat na ako para matulog. Ilang sandali pa'y nakatulog na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top